Share

Chapter 7

Maxine

Hindi ko man aminin ay nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Kuya Xavier na dahil lang sa bilin ni Mommy kaya siya ganito sa akin ngayon.

If I am being honest, I really wanted to hear other words from him. Na sana gusto niya din ako. Na may pagtingin din siya sa akin gaya ng pagtatangi ko sa kanya when I first saw him.

Sabi nga nila suntok sa buwan dahil hinding-hindi naman mangyayari yun. I was so stupid to think na kaya na niya ako kinakausap ngayon ay may nararamdaman din siya for me. 

Well it turns out na hindi ganun yun! Ilusyunada na yata ako!

Nagpatuloy lang kaming kumain hanggang sa tanungin ni Kuya ang tungkol sa OJT ko next week.

“Nakahanda ka na ba para sa OJT mo?” tanong niya sa akin at hindi naman na ako nagulat since siya ang CEO ng MGC. Maaring nakita niya ang application ko noon.

“Yes Kuya. I’ll be starting next week. Apparently sa Marketing department ako i-aasign!” kwento ko naman sa kanya

“That’s good! I hope you do well!” napatango lang ako sa kanya and I promise to do my best.

“Kuya, mahirap bang maging CEO?” out of the blue ay tinanong ko siya.

Minsan iniisip ko na baka kaya ganito siya ka-sungit ay dahil na rin sa stress niya sa trabaho. Well, managing a big company like MGC might be really hard.

“At first mahirap. You need a lot of patience para mapag-aralan mo ang pasikot-sikot ng negosyo. Pero pag nakasanayan mo na, para ka nalang naglalaro!” napatango naman ako sa paliwanag niya sa akin

“Bakit? You plan to snatch the position from me?” napanganga ako sa sinabi ni Kuya Xavier. Hindi ko akalain na ganito ang sasabihin niya and it was somehow disrespectful for me

“No Kuya! Tinatanong ko lang naman! Tsaka bakit ko naman gagawin yun? Alam ko naman kung ano lang ako sa pamilya na ito!” pagtataray ko sa kanya dahil nasaktan talaga ako sa akusasyon niya

Tinitigan ako ni Kuya and I felt conscious kasi nakakailang ang paraan ng pagtitig niya. Idagdag pang kumakalabog ang tibok ng puso ko.

“That was a joke, Max! Masyado ka namang seryoso!’ He was smiling kaya naman napakurap pa ako

“You’re smiling!” hindi ko mapigilang sabihin dahil ito yata ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti

He laughed! Ang sarap pakinggan ng tawa niya sa totoo lang!

“Pati pag tawa kaya mo?” namamangha talaga ako kay Kuya ngayon. Hindi kaya nakulam ang isang ito?

“Of course I know how to laugh! Ano bang akala mo?” he looks amused habang ako ay nalilito na talaga sa ikinikilos niya

“So bakit nga masungit ka sa akin? Marunong ka naman palang ngumiti at tumawa pero pagdating sa akin, palagi kang nakasimangot.” natigilan naman si Kuya at matagal bago niya ako sinagot

“I have my reasons, Max! And I’m sorry if I acted that way. I’ll try to be nice from now on!” 

Hindi ko mapigilang mamilog ang mga mata ko and I felt warmth in my heart .

“Thanks Kuya!” masayang sagot ko sa sinabi niya and he just nodded

“It’s getting late! Matulog ka na!” utos niya sa akin habang inililigpit ang mga ginamit namin

“Okay! Goodnight Kuya!” hindi naman na siya sumagot and for me that is fine.

Ang importante unti-unti na siyang nag-oopen sa akin. 

“Max?” napalingon ako sa pagtawag niya sa akin. Hindi ko talaga mapigil ang mabilis na tibok ng puso ko sa twing nagtatama ang paningin namin.

In fact ngayon ko lang siya natitigan ng ganun katagal and I can say that his eyes is so beautiful and expressive. Idagdag pa ang ilong niyang matangos that compliments his red lips. Napailing na lang ako sa naisip ko.

“Yes Kuya?” 

Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit na halos amoy ko na ang hininga niya.

“Pwede bang huwag mo na akong tawaging Kuya?” 

“Huh?” napaatras ako dahil kinabahan na ako sa sobrang lapit niya sa akin. 

“I said huwag mo na akong tawaging Kuya.” ulit niya sa sinabi niya sa akin

“B-bakit naman?” napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba ko

“Basta ayoko lang! And don’t ask why! End of discussion!” hindi na ako nakapagsalita dahil tinalikuran na niya ako at nauna pang umakyat sa taas

Ano ba talagang nangyayari kay Kuya..este kay Xavier pala? Ang awkward naman nun! Si Kuya Xyrus na mas bata sa kanya tinatawag kong Kuya tapos siya hindi?

Hindi ko na nga pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko. At tama nga ang sinabi niya na late na dahil past midnight na.

Napailing na lang ako..pero in fairness sulit naman ang puyat dahil mukhang magiging maganda na ang relationship namin. 

Nakakalungkot nga lang dahil hanggang doon na lang yun. Hindi ko man siya tawaging Kuya, magkapatid pa rin kaming maituturing. 

*****

Maganda ang gising ko at hindi ko iyon maikakaila. It’s because of Xavier. I realized na hindi naman nawala ang pagtanging nararamdaman ko para sa kanya. Siguro at natulog lang ito pero ngayon gising na gising na siya.

Pumunta muna ako sa banyo bago ako bumaba ng kusina. Linggo ngayon so I guess walang pasok si Xavier at baka hindi naman siya umalis.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si Manang na nagluluto ng almusal.

“Good morning Manang!” napatingin pa si Manang sakin sabay ngumiti

“Ang ganda ata ng gising mo ngayon?” 

“Palagi naman po diba?” abot-tenga ata ang ngiti ko sa mga oras na ito kaya napailing na lang si Manang

“Gising na po ba si Xavier?” tanong ko habang naglalabas ako ng mga kubyertos

“Ano kamo iha? Xavier?” nakagat ko ang labi ko sa biglaang tanong ni Manang. Huminga muna ako ng maluwag bago ako humarap sa kanya para magmukhang hindi ako kinakabahan

“Opo Manang! Sabi niya po kasi wag ko na daw siyang tatawaging Kuya!” 

“Sinabi niya yun? Bakit, inaway ka nanaman ba ng batang yun?” niyakap ko bigla si Manang at nilambing ito. 

Matagal na siya dito at hindi naman lingid sa kanya ang ugali ni Xavier sa akin dati.

“Opo Manang sinabi niya! Hindi po kasi ata matanggap na matanda na siya!” dinaan ko na lang sa biro kaya naman natawa si Manang

“Ikaw talagang bata ka! Pero huwag ka ng mag-alala at hindi ka naman maririning nun kaya lakasan mo na ang boses mo!”  sabi nito habang hinahango ang sinangag na niluto niya

“Umalis po ba siya?” hindi ko maiwasang malungkot. Kung wala nga siya, malamang mag-isa lang na naman akong mag-aagahan ngayon

“Oo maagang umalis. May lakad yata kasi may dalang bag.” sabi ni Manang

Hindi man lang siya nagpaalam sa akin?

‘Duh? Bakit naman kailangang mag-paalam?’

Sabagay, totoo naman din. Bakit nga ba siya magpapaalam sa akin?

Kahit wala akong gana ay pinilit kong kumain. Ayaw ko namang masayang ang pagkain na hinanda para sakin ni Manang.

Pagkatapos kong kumain ay sakto namang nag-ring ang phone ko. It was an unregistered number pero sinagot ko na din at baka importante.

“Hello?”

“Max? Hi! Si Sig to!” 

“Sig? Hi! Kamusta?” tanong ko naman sa kanya

“I’m fine! Ikaw kamusta ka? I just want to know kung okay ka after what happened last night.” 

“I’m fine Sig! Nakauwi naman ako ng maayos!” 

“That’s a relief! Akala ko kasi may ginawa sayo si Xavier.” narinig ko pa ang paghinga niya out of relief and I appreciate his concern

“I’m fine! Salamat sa concern mo.” 

“Are you busy? Pwede ba tayong magkita?” tanong niya sa akin

Nag-isip ako at dahil wala naman akong gagawin, pumayag na ako. Magkikita kami sa isang mall at doon kami kakain ng lunch.

Nagpahatid na lang ako sa driver dahil wala ako sa mood mag-drive at dahil hindi ko alam kung anong oras ako uuwi ay pinauna ko na ito.

Pagdating ko sa resto kung saan kami magkikita ay natanaw ko na agad si Sig. He stood up and approached me immediately ng matanaw niya ako.

“Hi!” sabi niya at saka ako iginiya sa mesa namin

“Kanina ka pa?” tanong ko dito as soon as makaupo ako

“Hindi naman! And I really don’t mind kung maghintay naman ako ng matagal!”  I rolled my eyes at him and he laughed

Sa totoo lang kung titignan mo si Sig, he really does look good. May breeding and I can sense that he is a good person. Well hindi ko pa naman siya gaanong kakilala pero masasabi kong through first impression ay mabait naman siya.

Nag-order na kami ng food at habang wala pa ito ay tinanong niya ako kung bakit galit si Xavier at sinundo pa ako.

“Well OA lang talaga siya! Pinagbilin daw ako ni Mommy sa kanya and galit siya dahil hindi ako nagpaalam sa kanya.” kwento ko dito

“Kaya naman pala. Pero kasi pwede naman niyang hintayin ka nalang sa bahay at doon pagsabihan. Hindi naman maganda na ipapahiya ka niya sa iba.” Nakikita ko naman ang concern sa mukha ni Sig and I appreciate that very much

“Hayaan mo na yun. Tapos naman na.” kibit-balikat ko dahil ayaw ko sanang pag-usapan si Xavier dahil lalo ko siyang nami-miss

“Ikaw? Nalasing ba kayo dun?” tanong ko dito just to change the topic

“Ewan ko kay Emman. Umuwi na rin kasi ako pagka-alis mo. Nag-taxi na lang ako.” sagot ni Sig

“Ganun ba? Sayang naman dapat nag-enjoy ka muna!” 

“I was enjoying really! Kaso dumating yung Kuya mo so ayun, nawalan na ko ng gana!” medyo natawa ako sa sagot niya pero seryoso naman yung mukha niya kaya pinigil ko na ang tawa ko

“Well anyways, sorry na din! Hindi ko talaga inaasahan na darating siya.” doon na siya napangiti at tumango sa akin

“That’s okay! At least babawi ka ngayon!”  hindi na lang ako nag-comment at baka kung saan pa mapunta

Our lunch was served and it was superb! I really enjoyed it much as I enjoyed talking to Sig. Para lang siyang si Kuya Xy, palabiro, kwela pero may sense pa ring kausap pagdating sa seryosong bagay.

After our lunch ay nag-decide kaming manood ng sine. It was a romance-comedy film at napagkasunduan namin pareho na yun ang panoorin.

Masasabi ko na may mga common likes and dislikes kami ni Sig and I think that’s good kung magiging magkaibigan kami.

After the movie ay nag-ikot ikot muna kami, then we had coffee nang mapagod kaming mag-window shopping. Pareho pala kaming hindi mahilig bumili ng kung ano-ano lalo at hindi kailangan.

“Max?” tawag niya sa akin while I was sipping coffee

“Yup?” 

“Pwede ba akong manligaw sayo? I really really like you, Maxine.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jorge Ramos
next update please?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status