MaxineNakarating kami sa Baler ng alas-siyete ng umaga at dumiretso kami sa isang two storey house na pag-aari daw ng kaibigan nila Sig. Walking distance lang ang Cemento Beach sa bahay na ito which is very famous for it’s waves na suitable daw para sa mga surfers.Nasa taas ng bahay ang mga kwarto so Yumi, Marie and myself decided to stay in one room since magkasama sa isang kwarto si Emman at si Astra. Lagot na naman ang dalawang ito dahil tiyak aasarin na naman sila ni Marie at Yumi.After we settled ourselves ay tinawag na kaming lahat for breakfast. Naghanda daw ang katiwala ng bahay ng almusal dahil yun daw ang bilin ng may-ari. “Sana po hindi na kayo nag-abala!” magalang na sabi ni Sig sa babaeng katiwala dito na siguro ay kasing edad lang ni Manang Helen“Ayos lang po yun, sir! Ibinilin po kayo ni Sir Austin.” tukoy naman niya sa may-ari ng bahay“Kami na po ang bahala sa pagkain namin manang. Huwag na po kayong mag-abala!” sagot ng isang kasama namin na Neil ang pangalan
MaxinePagdating ng gabi ay sabay-sabay ulit kaming kumain dito sa bahay. Namalengke kasi kanina ang mga boys habang kaming mga girls ay naiwan naman sa bahay at nagpahinga.Nag-volunteer naman kaming tumulong sa pagluluto pero pinaalis nila kami sa kusina at sinabing sila na ang bahala kaya naman nagpasya kaming maglakad-lakad sa tabing dagat kanina.Hindi na kami nag-swimming dahil mataas parin ang tubig kaya puro selfie na lang ang ginawa namin. Game naman si Kristine na sumama din sa amin kanina and I can say that okay naman siyang kasama.After dinner ay nagpasya ang boys na uminom ng konti. Nasa sala kami lahat at masayang ang kwentuhan tungkol sa mga buhay namin.“Ikaw Max? Kamusta naman ang Monteverde brothers sa iyo?” tanong ni Sevi sa akin habang umiinom ng alak sa baso“Okay naman sila!” maiksing sagot ko dahil ayaw ko naman ikwento pa ang personal na pampamilya sa mga taong hindi ko pa masyadong kilala“Weh! Anong okay! Si Kuya Xy okay! Pwera lang dun sa isang akala mo pa
MaxineMaaga akong gumising kinabukasan dahil may pasok ako ng alas-nueve ng umaga. Mabigat pa rin ang loob ko pero pilit kong tinatagan dahil hindi ako papayag na masaktan ako ni Xavier.Agad akong bumaba sa kusina at ang plano kong mag-almusal ay hindi natuloy dahil si Xavier ang nakita ko doon at hindi si Manang Helen. Mukhang nagluluto siya ng breakfast dahil nakaharap siya sa kalan.Naramdaman marahil ni Xavier ang presensya ko dahil napalingon siya and he smiled nang makita niya ako.“Max, good morning! May pasok ka ba?” tanong niya at tumango na lang ako dahil ayaw ko siyang makausap“Okay na yung breakfast. Kumain ka muna bago ka pumasok.” sabi pa nito pero tinaggihan ko naman ang alok niya“Oh Maxine nandyan ka pala! Halika na at mag-almusal na kayo ng Kuya mo.” hindi ko namalayan na nasa likod ko pala si Manang at galing siya sa labas“Hindi na po Manang. Baka po kasi ma-late ako.” pagdadahilan ko kay Manang at nakita ko na tila lumungkot ang mata ni Xavier“Sa school na po
MaxinePinatawag kami sa conference room ni Ms. Hannah at Ms. Lily para pag-usapan ang nangyaring gulo kanina sa opisina ng Marketing Department.Naunang kinausap ni Ms. Teresa ang mga boss dito para ireport ang insidente and after sometime ay pinatawag na din kaming tatlo.Well, hindi na ako umaasa na papabor sa akin ang meeting na magaganap. Dalawa sila at mag-isa lang ako so there is no way na paniniwalaan ng HR ang paliwanag ko.Pagpasok namin sa conference room ay nandun na si Ms. Teresa at ang head ng HR. Pinaupo nila kami and much to my surprise ay pumasok din si Kuya Xy at si Xavier.“Let us start!” sabi ni Sir Butch, ang head ng HR department “Una sa lahat we don’t tolerate brawling in this company. We don’t want scandalous acts and I am very dissappointed dahil nangyari ito.” “Hannah? Ano ba ang nangyari?” tanong ni Kuya Xy ditoNagsimula ng maghabi ng kasinungalingan si Ms. Hannah kaya nanatili na lang akong tahimik. Basta ang ending sa kwento niya, ako ang masama, ako a
XavierI stayed at the penthouse at kanina ko pa nilulunod ang sarili ko sa alak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Maxine.‘You are the reason that I hurt’Paulit-ulit iyong pumapasok sa utak ko. Ang sakit sa kalooban ko na marinig ko iyon mula kay Maxine.Alam ko na hindi naging mabuti ang pagtrato ko sa kanya the past years because as I have said, I have to protect myself. Kapag hinayaan ko na mapalapit kami sa isa’t-isa ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. At alam ko na gulo iyon! Our parents will never approve of that at ako lang ang masasaktan dahil the woman that I love will never be mine.Pero nung unang beses niya akong halikan, doon na nabago ang pasya ko. I said that maybe I can try and that maybe, she feels the same way too.I can see how her body reacts when I’m around at sobra akong nagagalit kapag may iba siyang kasama. Gusto ko ako lang! Kung hindi lang ako kailangan ni Dad sa US ay hinding-hindi ako aalis. Hindi ko iiwan si Maxine knowing
MaxineHindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Xavier. Nanaginip ba ako? Mahal daw niya ako? Ako lang daw ang babaing minahal niya? Gago ba talaga siya?“Xavier pwede ba! Huwag mo na akong paglaruan! Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ba ginagawa ito?” I saw how Xavier shook his head matapos niyang huminga ng malalim.“Max hindi kita pinaglalaruan! Mahal kita! Bakit ba ayaw kong maniwala?” tanong niya pa sa akin kaya naman gusto ko talagang sampalin ang lalaking ito“Paano ako maniniwala? Ikakasal ka na diba? Kaya paano kong hindi iisipin na pinaglalaruan mo lang ako?” tuluyan na akong napaiyak.“You hate me even before to the point na hindi mo ako nakikita! Na para akong may sakit na nakakahawa kaya ganun na lang kung iwasan mo ako!” hinawakan ni Xavier ang kamay ko pero iwinaksi ko iyon.“Tapos bigla magiging mabait ka sa akin? Para ano? Para paasahin ako? Tapos ako si tanga bibigay sayo? Tapos bigla ikakasal ka na? Ang kapal mo din naman talaga!” Kahit anong pigil ko a
MaxineLast day ko kahapon sa MGC para sa On the Job training ko sa Marketing Department. Bilang pasasalamat ko sa kanila ay nag-order ako ng lunch para sa buong department na labis namang ikinatuwa ng lahat. Halos dalawang buwan ko din nakasama ang mga tao dito and I can say na pagkatapos ng issue kay Ms. Hannah ay wala naman na akong naging problema sa mga nakasama ko sa opisina.Pagkatapos kong maihatid ang lunch ay dumiretso naman ako sa opisina ni Xavier. Paalis na din ang sekretarya niya na si Patrick at sa palagay ko ay kakain din ito ng lunch.“Nandyan pa siya sa loob!” sabi niya sa akin the moment he saw me kaya tumango naman ako sa kanya bago ako pumasok.Gaya ng napag-usapan namin ni Xavier, walang nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin. Hindi pa kasi ako handa na ipaalam ito sa iba lalo pa at wala pang idea ang parents namin. Napag-usapan na namin ito ni Xavier at naiintindihan naman niya ako.“Hi!” sabi ko kay Xavier ng makapasok na ako sa loob at agad siyang tumayo th
Maxine“Where have you been?” tanong ni Kuya Xy sa akin pagdating ko sa mansion. Nauna akong umuwi kay Xavier at kung hindi pa tumatawag si Kuya Xy para tanungin kung nasaan ako ay hindi pa ako pakakawalan ni Xavier.“Galing ako sa mall Kuya tapos nagpa-spa ako.” yumakap ako kay Kuya Xy at kahit na ayaw ko ay napipilitan akong magsinungaling sa kanya“Kung hindi pa kita tinawagan, wala ka pang balak umuwi! Mukhang hindi man lang ako na-miss ng baby sis ko!” nakasimangot na sabi ni Kuya Xy kaya natawa naman ako sa arte niya“Eh kasi naman kuya, pabigla-bigla ka! Akala ko sa makalawa ka pa uuwi!” katwiran ko naman sa kanya saka ako tumabi sa kanya sa couch“Malapit na ang graduation mo baby sis! Are you excited?” tanong niya sabay akbay sa akin“Yes Kuya! I just hope makauwi na sila Mommy.” tumango naman siya sa sinabi ko and said na for sure naman daw uuwi ang mga magulang namin bago ang graduation ko“Siya nga pala, nagkita kami ni Sig sa Cebu.” napatingin ako kay Kuya Xy the momen
MaxineIt is Xavier’s birthday at gaya ng nagdaang birthdays niya ay hands on ako sa pag-aasikaso ng lahat. Although may kinuhang event planner ang panganay na anak ko na si Joshua Xenn ay hindi ko pa rin mapigilang makialam.“Mommy, relax! Everything’s settled!” Josh said habang naka-akbay sa akin while trying to calm me downNandito kami sa garden ng mansion kung saan namin ice-celebrate ang birthday ng aking asawa and Josh really sees to it na walang detalyeng malalampasan. I guess mana siya sa Daddy niya na OC pagdating sa mga bagay-bagay He is already twenty-five pero kahit may edad na siya, malambing pa rin siya sa akin lalo na sa Daddy niya.He is already working at the family company at dahil na din sa rigid training niya with his Dad and his Tito Xyrus, masasabi ko na handa na ang anak ko to create a name of his own.“Mommy, why don’t you go upstairs and get ready!” napalingon naman ako and saw my daughter, Alyssa Xianelle, who is beautiful while wearing a designer gown ma
Maxine Nagising ako and opened my eyes upon hearing some voices kung nasaan ako. Medyo maliwanag kaya ipinikit ko uli ang aking mga mata and then I opened them once again. Nakita ko si Xavier na nakaupo sa tabi ko and is holding my hand. “Hey baby!” sabi niya saka siya lumipat sa kama at naupo I smiled at him to make him see that I am okay lalo pa at nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “How’s our son?” medyo malat pa ang boses ko at nanghihina pa rin talaga ako ng dahil sa panganganak “Sabi ng doktor, he is healthy! Hindi ko pa siya nakikita.” dumukwang si Xavier to give me a kiss on my forehead habang hawak pa rin ang kamay ko Nagtagal ang halik niya doon so I closed my eyes but then I felt something wet in my face kaya napadilat akong muli. “Baby?” tawag ko kay Xavier at nang lumayo siya ay nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya “Are you crying?” tanong ko kahit pa obvious naman but he just shook his head and kissed my hands “Why?” tanong ko ulit then h
Xavier Maxine is currently on her seventh month at buhat noong dinugo siya ay ibayong pag-iingat ang ginagawa ko when ot comes to her. Palagi akong naka-alalay sa kanya at kahit alam ko na OA na ako ay wala akong pakialam dahil para sa akin, kailangan kong ingatan si Max at ang anak ko. Pababa kami ng hagdan at nakasunod naman si Andeng sa amin na siyang may dala ng bag ni Maxine. Schedule ng check-up niya ngayon sa OB and after that ay pupunta kami kina Marcus para makita ang triplets niya dahil nakalabas na ng ospital si Ria. Andeng is really a great help to us lalo kapag kailangan kong umalis para magtrabaho. Panatag ako na hindi mapapabayaan si Max because of her, idagdag pa si Mommy at si Manang Helen. “Well I guess inaalagaan mong mabuti si Max, Xavier! She is in great shape!” masayang sabi ng doktor after niyang basahin ang laboratory tests nito “Salamat naman po kung ganun!” medyo kinakabahan talaga ako pagdating sa kalusugan ni Maxine Praning na nga yata ako dahil
Maxine“Welcome home!” masayang bati sa akin ng mga kasambahay nang tuluyan na kaming makapasok sa living room ng mansion habang nakaalalay si Xavier sa akinNandito din si Mommy at si Tito Clark pati na si Kuya Xyrus at si Angie. Nakangiti sila lahat sa akin and I guess they are really happy that I am finally home.Nagkaroon kami ng pagkakataon ni Mommy na mag-usap sa ospital and she cried hard habang walang tigil ang paghingi ng tawad sa akin. And because I wanted to have a happy life, I forgave my Mom. Actually kahit naman noong nasa CamSur pa ako, masasabi ko na napatawad ko na si Mommy. I wanted to free my heart from anger and pain dahil gusto kong maging positive ang lahat ng nasa paligid ko. In that way, magiging healthy ang anak ko. Ayoko na ng negative vibes within the period of my pregnancy.Agad akong nilapitan ni Manang Helen and hugged me tight habang umiiyak siya.“Iha saan ka ba nagpunta? Alalang-alala kami sayo, bata ka!” may pagmamaktol na sabi ni Manang Helen kaya
MaxineUnti-unti kong idinilat ang mata ko the moment I regained my consciousness. Wala akong makita kung hindi puti and that’s when I realized that I am in a hospital.Nakita ko ang swerong nakakabit sa akin kaya lalo akomg nag-panic. Naalala ko din ang nangyari kanina kaya agad ko naman hinipo ang tiyan ko dahil dinugo ako “Ang baby ko!” mahinang sabi ko and I heard Andeng’s voice as I felt her hands holding mine“Maxine relax ka lang! Okay lang ang baby mo! Ligtas siya!” Napaiyak ako upon hearing her answer. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may nangyari sa anak ko dahil sa kapabayaan ko.Nakapikit pa rin ako hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. “Gising na ba siya?” agad kong nabosesan si Tita Flor kaya naman dumilat akong muli para makita siyaNagtangka akong bumangon at tinulungan naman ako ni Andeng matapos iayos ang kama ko para makaupo ako.“Tita…” nanghihinang sabi ko nang makalapit na siya sa akinNiyakap ako ni Tita kaya naman napaiyak ak
MaxineAraw ng check-up ko ngayon sa unang doktor na pinuntahan namin ni Tita Flor bago ako manirahan sa resthouse ni Sig sa CamSur. I am so excited, pati na si Andeng at si Tita Flor dahil anim na buwan na ang tiyan ko. Just the same hindi pa rin ako nagpapa-ultrasound dahil mas gusto ko na surprise ang maging dating ng gender reveal ng anak ko.Namili na ako ng ilang gamit ng baby na unisex online dahil sa iniiwasan ko pa ring lumabas ng bahay. Isang buwan na ako dito pero wala pa ring nakakaalam na nandito ako sa bahay nila Sig.“Ready ka na?” nakangiting tanong sa akin ni Samuel nang makababa na ako sa hagdan habang nakaalalay naman sa akin si Andeng“Oo Samuel! I’m sorry at naabala ka pa! Sinabi ko naman kay Tita na magta-taxi na lang kami ni Andeng.” nahihiya talaga ako kasi si Samuel pa ang makakasama namin ngayon ni Andeng for my check-upMay event kasing dinaluhan si Tita Flor kaya naman nag-volunteer si Samuel na samahan ako. “Kabisado mo naman si Mommy! Alam mo na hindi
Maxine“Kamusta kayo dito? Ay halata na ang tiyan mo!” masayang sabi ni Tita Flor sa akin as soon as makababa siya ng speedboat“Tita!” nakangiti namang sabi ko nang salubungin ko ito saka ko siya niyakao ng mahigpit“Okay po kami dito, Tita! Kamusta po ang biyahe niyo?” I asked saka ako kumapit sa kanya habang naglalakad kami papasok sa resthouseHapon na din kasi kaya minabuti na ni Tita na sa loob na kami ng bahay dumeretso.“Medyo maalon ang dagat! Pero salamat sa Diyos nakarating ako ng maayos!” nakangiting sabi nito“Ilang araw po ba ang summit ni Samuel?” tanong ko kay Tita as we settled ourselves at the sofa“Ma’am eto na po ang kape!” sabi naman ni Andeng saka nito inilapag sa harap ni Tita ang tasa“Tatlong araw siya doon kaya siguro mga dalawang araw ako dito!” sagot naman ni Tita Flor matapos niyang magpasalamat kay Andeng“Mabuti naman po tita! Miss ko na po kayo!” niyakap naman ako ni Tita and I felt calmness, na para bang si Mommy ang kayakap koKahit masama ang loob k
XavierNandito kami ngayon sa office ni Marcus at gaya ng dati, kwentuhan at kulitan ang nagaganap sa aming magkakaibigan.Marcus is sharing his experience about Ria’s pregnancy. Pinalabas daw siya nito sa kwarto dahil nabahuan ito sa kanya and Lucian can relate to that dahil na-experience niya rin ito kay Thea.Hindi ko magawang makitawa sa kanila dahil naaalala ko si Maxine. Ganito din kaya siya? Is she craving for some food? Paano kapag may gusto siyang kainin? Sino ang nagbibigay o humahanap noon para sa kanya?Naalala ko ang sinabi noon ni Drake noong maghanap siya ng aratiles. Kailangan niyang makakuha noon dahil baka pumangit daw ang anak niya.Although alam ko naman na kwentong kutsero lang yun, the fact that Maxine might be craving for something really hurts me lalo kapag naiisip ko na hindi niya iyon nakukuha.Isang buwan na akong naghahanap at hindi ko pa nasasabi iyon sa mga kaibigan ko dahil nahihiya akong aminin ang pagkakamali ko. Pero this time, I guess I need to tell
MaxineApat na buwan na ang tiyan ko at hindi ko mapigilang ma-excite habang papalapit ng papalapit ang araw na makikita ko ang anak ko. Ang bunga ng pag-ibig ko para kay Xavier na sinayang lang niya.Hanggang ngayon ay wala akong balita sa mga taong naiwan ko sa nakaraan at para sa akin ay mabuti na din iyon. Ayoko ng makarinig ng kahit na ano patungkol sa pamilya ko.Hindi na din ako gumagamit ng social media at may bago akong cellphone na binili and only Tita Flor knows my number. She assured me too na kahit pamangkin niya si Emman ay wala siyang sinabi tungkol sa akin pati na din kay Samuel, ang kapatid ni Sig.Masaya na ako sa buhah ko ngayon. Although nararamdaman ko ang kakulangan ng pamilya, minabuti ko ng hindi intindihin iyon. Basta nandito ang anak ko, sapat na sa akin yun.Malapit ko ding matapos ang painting na ginagawa ko ngayon. Sabi ni Andeng kahit daw malungkot ako, masya pa rin daw ang nakikita niya sa ginagawa kong painting. Mother and child ang painting ko at p