MaxineLast day ko kahapon sa MGC para sa On the Job training ko sa Marketing Department. Bilang pasasalamat ko sa kanila ay nag-order ako ng lunch para sa buong department na labis namang ikinatuwa ng lahat. Halos dalawang buwan ko din nakasama ang mga tao dito and I can say na pagkatapos ng issue kay Ms. Hannah ay wala naman na akong naging problema sa mga nakasama ko sa opisina.Pagkatapos kong maihatid ang lunch ay dumiretso naman ako sa opisina ni Xavier. Paalis na din ang sekretarya niya na si Patrick at sa palagay ko ay kakain din ito ng lunch.“Nandyan pa siya sa loob!” sabi niya sa akin the moment he saw me kaya tumango naman ako sa kanya bago ako pumasok.Gaya ng napag-usapan namin ni Xavier, walang nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin. Hindi pa kasi ako handa na ipaalam ito sa iba lalo pa at wala pang idea ang parents namin. Napag-usapan na namin ito ni Xavier at naiintindihan naman niya ako.“Hi!” sabi ko kay Xavier ng makapasok na ako sa loob at agad siyang tumayo th
Maxine“Where have you been?” tanong ni Kuya Xy sa akin pagdating ko sa mansion. Nauna akong umuwi kay Xavier at kung hindi pa tumatawag si Kuya Xy para tanungin kung nasaan ako ay hindi pa ako pakakawalan ni Xavier.“Galing ako sa mall Kuya tapos nagpa-spa ako.” yumakap ako kay Kuya Xy at kahit na ayaw ko ay napipilitan akong magsinungaling sa kanya“Kung hindi pa kita tinawagan, wala ka pang balak umuwi! Mukhang hindi man lang ako na-miss ng baby sis ko!” nakasimangot na sabi ni Kuya Xy kaya natawa naman ako sa arte niya“Eh kasi naman kuya, pabigla-bigla ka! Akala ko sa makalawa ka pa uuwi!” katwiran ko naman sa kanya saka ako tumabi sa kanya sa couch“Malapit na ang graduation mo baby sis! Are you excited?” tanong niya sabay akbay sa akin“Yes Kuya! I just hope makauwi na sila Mommy.” tumango naman siya sa sinabi ko and said na for sure naman daw uuwi ang mga magulang namin bago ang graduation ko“Siya nga pala, nagkita kami ni Sig sa Cebu.” napatingin ako kay Kuya Xy the momen
MaxineAfter kong maipasa ang mga natitirang requirements ko ay dumeretso na ako sa cafeteria ng school dahil nandoon na daw ang mga kaibigan ko.Dumaan muna ako sa counter para bumili ng juice bago ako naupo sa usual spot namin.“Hi girls!” sabi ko pa sa kanila and they darted their eyes on me“Saan ka ba nagsuot at hindi ka namin mahagilap the past weeks?” tanong ni Marie sa akin“Sorry, busy ako sa OJT guys!” palusot ko sa kanila pero mukhang hindi naman sila kumbinsido“Busy din naman kami sa OJT, Max pero hindi naman gaya mo na doon na yata tumitira sa opisina!” sabi ni Yumi sabay tawa “Ano ba ang pinagkaka-abalahan mo Max? May hindi ka ba sinasabi sa amin?” Astra asked habang panay ang pindot sa phone niya“Wala naman! Minsan kasi tumatambay ako sa office kahit tapos na ang oras ko. Alam niyo naman na malaki ang expectation sa akin ni Tito kaya ngayon palang inaaral ko na ang galawan sa Marketing.”Mukhang kumbinsido naman sila kaya hindi na sila nagtanong ulit.“Saan ba tayo
MaxineAraw ng graduation ko ngayon and I am so happy dahil sa wakas ay nagbunga na din ang pinaghirapan ko sa loob ng apat na taon.Mommy and Tito Clark went home last week and I am so happy dahil tinupad ni Mommy ang pangako niya na uuwi siya for my graduation.Papunta na kami sa venue ng graduation rites and Kuya Xy is so happy too. Siya na din ang nagdrive ng kotse kung saan kami nakasakay.“Where do you want to go after your this Max? You deserve a vacation so I think kailangan mo yun bago ka sumabak sa trabaho sa MGC.” Tito Clark said “Okay lang po Tito. Nakakahiya naman po at madami na po kayong naitulong sa akin.” tanggi ko sa kanya“Iha, you are my daughter kaya natural lang for me to provide for you. Huwag mong isipin na dahil sa pinakasalan ko lang ang mommy mo kaya naging kargo kita.” lumingon pa sa akin si Tito Clark dahil nasa harap siya nakasakay“Anak kita okay! Huwag mong kakalimutan yan!” nakangiting sabi ni tito Clark sa akin kaya naman nagpasalamat ako sa kanya
XavierIt’s my birthday today at gaya ng usapan namin ni Maxine ay magkikita kami sa penthouse to celebrate this special day bago kami magpunta ng Sagada.It’s a good thing that Xyrus flew to Japan dahil kung hindi pipilitin na naman ako nitong magpa-party for my birthday. Or kung hindi naman ay mag-aaya ito sa bar just like last year.Dad gave Maxine a chance to have a vacation after her graduation and I guess it’s a nice opportunity para makasama ko uli siya.Hindi kasi kami madalas magkita when our parents arrived and I am missing her so much! Kailangan na din kasing bumalik ng parents namin sa US dahil may inaasikaso pa sila doon. They really just went home para makadalo sa graduation ni Max.I already filed a leave in the company and it’s a good thing na may mga trusted people ako doon para pamahalaan ang kumpanya habang wala ako because I wouldn’t miss this chance na makasama si Maxine.Pagdating ko sa penthouse ay nandoon na si Maxine. Dito na siya dumeretso pagkatapos niyang
MaxineNagising ako kinabukasan ng maaga dahil excited ako sa lakad namin ni Xavier papuntang Sagada. Nilingon ko ang tabi and I saw na wala na doon si Xavier. Bumangon ako at naramdaman ko ang pagkirot ng ibaba ko. I closed my eyes and I remembered kung paano ako inangkin ni Xavier kahapon. Napangiti ako kasi alam ko na napasaya ko siya on his birthday. He said that it was the best birthday of his life dahil ipinagkatiwala ko sa kanya ang sarili ko at buhay ko.After our first contact ay nakatulog ako dahil sa pagod at sa sakit and I woke up mga past lunch na. May pagkain na hinanda si Xavier para sa amin at masaya naminh pinagsaluhan iyon.We are happy and I saw kung paano niya ako alagaan. He even gave me pain relievers dahil talagang makakaramdam daw ako ng sakit. Pagdating ng gabi ay naramdaman ko ang paglalambing ni Xavier. Alam ko kung ano ang gusto niya at hindi ko naman siya binigo.Matagal siyang nagtiis and I guess this is my way to prove to him that I love him. By givi
MaxineKinabukasan pagkatapos ng breakfast ay dumating ang tour guide na siyang sasama sa pamamasyal namin.Nagsuot ako ng light rubber shoes, leggins at t-shirt dahil may mga lalakarin daw kami na trail bago makarating sa pupuntahan namin.Ganun din ang suot ni Xavier except that he is wearing cargo shorts. May dala siyang cap and he gave me one para kahit papano ay may proteksyon kami sa araw.Our first destination for this day ay ang famous hanging coffins ng Sagada. Pinaiwan ng guide ang sasakyan ni Xavier sa isang lugar dahil maglalakad na kami para makarating doon.Mga thirty minutes walk mula sa sasakyan ang ginawa namin bago namin nakita ang isa sa ipinagmamalaki ng Sagada and it’s so amazing that the people here managed to preserve this place.“Let’s take a picture baby!” Xav said saka niya inabot sa guide namin ang dala niyang cameraIlang shots ang kinuha sa amin and I also took a selfie on my phone para may maipakita ako kay mommy at kay kuya Xy.After this ay nagpunta na
Maxine“Kamusta ang bakasyon iha?” nakangiting tanong sa akin ni Manang Helehn nang makauwi ako sa mansionMula sa penthouse ni Xavier ay nag-taxi na lang ako para makauwi. He wanted to take me home but I refused dahil baka mamaya makita kami ni Kuya Xy. Hindi ko kasi alam kung nakauwi na siya galing ng Japan since nagpatay kami pareho ni Xavier ng mga linya namin noong nasa Sagada kami.“Okay naman po, manang. Sobra po akong nag-enjoy!” sagot ko sakanya habang nilalabas ko ang pinamili naming Sagada oranges ni Xavier at ilang souvenirs na nabili ko sa daan when we are on our way home“Nasaan si Xavier?” she asked dahil alam naman niya na kasama ko ito“Nasa penthouse po. Maaga po kasi ang flight nila bukas ng mga kaibigan niya. May dadaluhan pong summit sa US.” kwento ko kay manang HelenTumango lang naman ito.“Ang kuya Xyrus mo panay ang tawag sa akin at tanong kung nakauwi ka na. Hindi ka daw kasi niya makontak.”“Mahirap po kasi ang signal doon manang. Di bale po tatawagan ko po