Share

The Billionaire's Affair BK.5 Loving My Stepbrother
The Billionaire's Affair BK.5 Loving My Stepbrother
Author: Lianna

Chapter 1

Maxine

“Happy birthday, anak!” masayang bati sa akin ni Mommy as I was going down the stairs to have breakfast

Nakatayo sila ni Tito Clark Monteverde, ang stepfather ko at ni Xyrus Monteverde, ang stepbrother ko at bunsong anak ni Tito Clark.

“Oh!! Thank you po!” sabi ko naman nang marating ko ang kinaroroonan nila.

Hawak ni Kuya Xyrus ang cake and he said na hipan ko yun after making a wish so I closed my eyes and made a wish saka ko yun hinipan.

Pumalakpak naman si Mommy at si Tito and they both hugged and kissed me.

It’s my twentieth birthday today at gaya ng pakiusap ko kay Tito, I just want this day to be for us. Ayaw ko na ng magarbong handaan just like last year and the other year.

Kung hindi ko lang debut noon ay ayaw ko sana but since I am the only girl in the family, wala akong nagawa sa gusto nila.

On my nineteenth birthday ay naghanda din ng bongga si Tito Clark for me kaya naman nakiusap na ako na this time, I just want a simple dinner na kami lang at pumayag naman siya.

Mabait ang pamilya Monteverde sa akin. My Mom married Tito Clark three years ago at hindi naman ako tumutol since nakita ko naman kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

All of a  sudden, nagkaroon ako ng ama na hindi ko naranasan eversince magkaisip ako.

Well, sabi ni Mom, my Dad left her when I was twi years old kaya naman wala akong matandaan na kahit ano tungkol sa Daddy ko.

Mom worked hard para maitaguyod niya ako hanggang sa makilala niya si Tito Clark sa isang party. Kasosyo pala ng boss niya ito and when she saw my Mom, he fell inlove daw at hindi na ito nilubayan. 

Biyudo na siya when he courted my Mom at nang magpakasal sila, dito na kami tumira sa mansion niya, kasama ang dalawang anak niya.

“So what’s your wish?” tanong ni Kuya Xyrus sa akin kaya nginisihan ko ito

“It’s a secret Kuya!” sabi ko naman 

Mabait si Kuya Xyrus sa akin kahit noong bago pa lang ako dito. He never treated me as an outsider but as a sister. Three years ang gap namin so I feel obliged to call him Kuya and he doesn’t mind naman.

“Baka naman and wish mo magka-boyfriend?” pang-aasar nito sa akin and I just laughed

“Crush nga kuya wala pa, boyfriend pa kaya?” sagot ko naman and that is true

Wala pa talaga akong natitipuhan kahit sa mga manliligaw ko. Basted agad sila since ayaw ko silang paasahin.

“Talaga ba? Normal ka ba? Tao ka ba?” he continued to laugh kaya agad ko na siyang sinimangutan. Eh ano ngang magagawa ko kung wala pa diba?

“Tama na yan, Xy! Mapipikon na ang birthday girl natin!” sabi ni Tito saka niya inabot ang isang maliit na kahon sa akin

“Tito…” sabi ko sa kanya dahil sa totoo lang, sobra-sobra na ang nagawa niya para sa akin

“Open it!” he just said saka siya umakbay kay Mommy

Binuksan ko naman iyon and my jaw dropped ng makita ko kung ano ang laman nun.

Susi iyon ng kotse at hindi talaga ako makapaniwala!

“Legit po ba ito Tito?” 

“Oo kaya tara na!” hinila naman ako ni Kuya Xyrus sa labas matapos niyang iabot ang cake sa Daddy niya

It was a red Vios at hindi ko talaga ma-contain ang sayang nararamdaman ko.

“Pasakay ha! Ako ang nagtyagang magturo sayo remember?” sabi ni Kuya Xyrus kaya naman napatango na lang ako

“Dad, Tita test drive lang po namin ni Max!” sabi ni Xyrus kaya naman napalingon ako.

I immediately run to my Mom and Tito at niyakap ko sila.

“Thank you so much po, Tito, Mommy!”

“You deserve it! You excel in your studies and you are always making us proud! Advance graduation gift na namin yan!” sabi pa ni Tito

Four months from now ay magtatapos na ako ng Business Administration. Hindi ko pa alam ang standing but my professors say that for sure ako ang Summa Cum Laude ng batch namin.

Nag-aral talaga akong mabuti dahil ayaw kong biguin si Tito Clark dahil malaki ang expectation niya sa akin at inaasahan niya din ako na tutulong sa Monteverde Group of Companies.

“Go ahead anak. Ingat kayo!” bilin pa ni Mommy and I excitedly opened the car

Kuya Xyrus hopped in and I started to drive. Masaya naman si Kuya dahil magaling na daw akong mag-drive.

“Of course Kuya! Magaling ang teacher ko eh!” masayang sabi ko naman sa kanya

Umikot lang naman kami sa paligid ng mansion and after a few rounds ay bumalik na kami for breakfast.

“May klase ka ba ngayon?” tanong ni Kuya Xyrus after parking my car

“Mamaya pa Kuya. Why?” tanong ko sa kanya kaya naman napangisi siya

Mukhang may binabalak na naman itong mokong na ito eh!

“Hatid mo ko sa office! Coding ako eh!” sabi pa niya sabay puppy eyes sa akin kaya natawa na lang ako

“Okay kuya! Ihahatid kita!” sabi ko naman at saka kami bumaba ng kotse. Sabay na kaming pumasok habang nakaakbay sa akin si Kuya Xyrus

Pagdating naman namin sa dining area ng mansion ay nasa hapag na ang parents namin at ang taong pinaglihi ata ng nanay niya sa sama ng loob.

“Good morning Kuya Xavier!” sabi ni Kuya Xyrus dito pero pinukulan niya lang kami ng masamang tingin at hindi naman sumagot

“Let’s have breakfast, maupo na kayo!” sabi naman ni Tito Clark

Naupo ako sa tabi ni Mom habang si Kuya Xyrus naman ay tumabi sa kapatid niya

“Good morning Kuya Xav.” bati ko sa kanya kahit pa sanay naman ako na hindi niya ako pinapansin

Eversince ay halata ang disgusto sa akin ni Kuya Xavier. Nagtataka ako dahil hindi naman siya ganun sa Mommy ko.

In fact, he adores my Mom. Magkasundo sila at palagi nga siyang pinagtatanggol ni Mommy kay Tito kapag pinapagalitan siya ng Daddy niya.

He is already twenty-eight years old at isa na siyang CEO ng MGC. Magaling siyang businessman kaya lang masungit siya. Well hindi ko alam kung sa lahat o sa akin lang.

“Hindi mo ba babatiin si Max kuya? Birthday niya ngayon!’ sabi ni Kuya Xy kaya naman napatingin sa amin si Kuya Xav

“Happy birthday.” matabang niyang sagot at bilang respeto ay nagpasalamat naman ako dito

Puro negosyo na ang pinag-usapan ng mag-aama kaya naman tahimik na lang akong kumain. Ganito naman palagi ang eksena namin twing kasabay naming nag-aalmusal si Kuya Xav. At dahil wala pa naman akong experience ay hindi ako nakikisali sa usapan nila.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. Ihahatid ko si Kuya Xy gaya ng pangako ko sa kanya. Excited na din ako na idrive ang bagong kotse ko

“Let’s go!” masayang sabi ni Kuya Xy saka siya umakbay sa akin habang yumakap naman ako sa bewang niya

Pagbaba namin sa unang palapag ng bahay ay nandun si Kuya Xav at may kausap sa telepono. Nilagpasan lang namin siya at bago naman namin marating ang pinto at tinawag niya si Kuya Xy.

“Yes Kuya?” 

“Where are you going?” tanong ni Kuya Xav with his cold face

“Work? Why?” balik tanong naman ni Kuya Xy

“Mag-asawa ba kayong dalawa that Max has to walk you at the door?” nagulat ako sa sinabi ni Kuya Xav habang si Kuya Xy naman ay natawa lang

“What’s this nonsense, Kuya? Lasing ka pa ba?” tanong niya sa Kuya niya pero nameywang lang si Kuya Xav at galit na tumingin sa amin

“Hindi magandang tignan, Xyrus! Lalake ka babae siya!”

“And so?! Max is my sister, what’s wrong with that?” napailing na lang si Kuya Xy

“Sister? E kung makaakbay ka akala mo syota mo yang babaeng yan!” napansin ko ang pamumula ni Kuya Xy dahil sa sinabi ng kuya niya

“Kulang ka lang sa tulog Kuya! Huwag mong bigyan ng malisya ang sa amin ni Max!” pinigil ko na ito dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila

Obviously naman, sa akin siya galit at hanggang ngayon ay hindi ko naman maintindihan kung bakit. 

Sabagay, magugulat pa ba ako? Kelan ba natuwa sa akin itong taong ito?

“Tara na Max! May toyo na naman si Kuya!” bulong nito sa akin saka niya ako iginiya palabas

Tahimik lang ako nang nasa loob na kami ng kotse not until I felt Kuya Xy’s hand holding mine.

“Pagpasensyahan mo na ang Kuya natin. Mabait naman yun.” pang-aalo niya sa akin kaya tumango lang naman ako

“Okay lang Kuya, sanay na ako!” ngumiti ako kay Kuya Xy saka ko binuhay ang makina ng sasakyan ko

Masaya naman kami ni Kuya Xy sa byahe. Ganito naman kami kapag nagkakasama. Kwentuhan, harutan, biruan. He is the brother that I never had kaya maswerte ako dahil alam ko that Kuya has my back.

Maluwalhati naman kaming nakarating sa opisina ng MGC at nagkunwari pa siyang nakahinga ng maluwag kaya sinimangutan ko na lang ito.

“Ang sama ng ugali mo ah!” pagtataray ko kaya naman agad akong niyakap ni Kuya Xy 

“Asus, nagtatampo ang birthday girl!” sabi niya sabay kurot sa ilong ko.

“Nasa ibabaw ng kama mo yung gift ko!” 

Namilog ang mata ko sa sinabi niya kaya naman niyakap ko uli siya. 

“Salamat Kuya!” 

“Anytime baby sis!” sagot niya saka siya bumaba ng kotse

Nagpasya na akong umalis para makabalik sa bahay dahil may pasok din ako sa school.

Isa pa, excited akong makita ang regalo sa akin ni Kuya Xy.

Pagdating ko sa bahay ay excited akong tumakbo papasok ng mansion. Sa pagmamadali ko hindi ko napansin si Kuya Xav kaya naman nagkabanggaan kami.

May dala siyang coffee at tumapon iyon sa akin.

“S**t! What are you doing!” galit na sabi ni Kuya Xav

Napaiyak nalang ako sa init na naramdaman ko na tumagos na t-shirt ko.

“Kuya, sorry!” sabi ko naman at saka ako tumakbo agad ng kwarto. Kailangan ko itong mabasa ng malamig ng tubig para maiwasang lumobo ang bahaging napaso.

Sayang naman ang skin ko!

Pagdating ko sa kwarto ay agad kong hinubad ang t-shirt saka ko sinunod ang shorts ko. Papasok na sana ako ng banyo pero agad namang pumasok si Kuya Xav kaya napatili ako!

“Oh s**t! Sorry! Sorry!” sabi naman niya at saka niya agad sinara ang pinto habang ako ay hindi ko malaman kung paano ko tatakpan ang katawan ko.

Gago lang din talaga! Nakakahiya!

Agad na akong pumunta sa banyo saka ako nagbabad sa shower habang napapailing na lang ako.

Paano pa ako makakaharap kay Kuya Xav?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status