Share

Kabanata 2

Author: shining_girl
last update Last Updated: 2024-05-07 20:39:23

AFTER 3 YEARS

Kanina pa pinagmamasdan ni Diana ang mga puntod na nasa kanyang harapan. Dalawa roon ay bagong gawa, pag-aari nina Armando at Eileen Saavedra, ang kanyang ama at madrasta.

Isang buwan na ang nakararaan nang makatanggap siya ng tawag mula sa police station. Ibinalita ng pulis sa kanya na nasangkot sa isang aksidente sina Armando at Eilleen. Nawalan daw ng preno ang sasakyang minamaneho ng kanyang ama at nagdire-diretso sa bangin. Wala nang buhay ang kanyang madrasta nang maihaon ito ng mga rescuers sa bangin. Ang Daddy naman niya, nakipaglaban pa ng ilang araw bago ito tuluyang binawian ng buhay.

Dalawang linggo na mula nang mailibing niya ang mga ito. Bukod kay Enrico, ang sampung-taong gulang niyang half-brother, naiwan rin sa kanya ang lahat ng utang at problema ng Saavedra Electronics, ang kumpanyang kanilang pag-aari.

“Ma’am, hindi pa po ba tayo pupunta sa mansiyon ng mga Gutierrez?” pukaw ng driver niyang si Alonzo. “Nag-text po si Madam Sofia, tinatanong niyang kung papunta na daw po tayo sa kanila dahil malapit nang dumating si Sir Nick,” dugtong pa nito.

Kumurap si Diana, pinuno ng hangin ang dibdib. Kung siya ang papipiliin, ayaw na niyang bumalik sa bahay na iyon. Dahil para ano pa, sa papel lang sila kasal ni Nick. Maliban sa isang gabi ng pagkakamali na kanilang pinagsaluhan na siyang dahilan upang makasal sila sa isa’t-isa, hindi na sila muling nagkaroon ng anumang relasyon ni Nick. Lalo pa at isang linggo matapos ang kanilang kasal, nagpaalam ito kay Don Arturo na aalis at magko-concentrate sa Singapore branch ng isa sa mga negosyo ng pamilya. Ni hindi siya nito kinausap, basta na lang siya nito iniwan. Doon na ito nanatili hanggang ngayon. Habang siya, naiwan sa Pilipinas at pilit na itinuloy ang buhay.

Sa katunayan, nitong nakalipas na tatlong taon, isang beses lang niya itong nakita at nakausap. ‘Yon ay dahil na rin sa utos ni Don Arturo. Ipinilit ng matanda na magkaroon ito ng isang magarang birthday party. Labag man sa loob ay napauwi ng Pilipinas si Nick nang wala sa oras. Napilitan din silang umaktong sweet sa isa’t-isa habang nasa party sila kahit na ang totoo’y alam niyang namumuhi pa rin si Nick sa kanya dahil sa mga nangyari.

“You disgust me, Diana. Seducing me while I was drunk that night was one thing but seeing how you charm my grandfather just to make things go your way, is unforgiveable. For me, you do not exist.” ‘Yon ang sabi sa kanya ni Nick pagkatapos ng kanilang party.

Ilang linggo rin niyang iniyakan iyon. Matagal na niyang alam na hindi siya maaring mahalin ni Nick dahil may gusto itong iba subalit, ang makarinig ng insulto dito ay nagdulot ng sobra-sobrang sakit sa kanya na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

Subalit wala na siyang panahon para isipin ‘yon ngayon. Ngayong wala na sina Armando at Eileen, lalo pang dumami ang mga bagay na mas dapat niyang isipin kaysa sa sugatan niyang puso.

“Uuwi na tayo bahay, Alonzo. Tatawag na lang ako kay Mama Sofia na may inaasikaso ako kaya hindi ako makakapunta sa kanila ngayon,” sabi niya sa driver.

“P-Pero, Ma’am—“

“Tara na, Alonzo. Malapit nang dumilim. Natitiyak kong hinahanap na ko ni Enrico.” aniya bago tuluyang sumakay sa naghihintay na sasakyan.

Ngayong uuwi na si Nick at mananatili na sa Pilipinas, maari na niyang gawin ang bagay na dapat ay noon pa niya inayos, ang kanilang annulment.

---

“Kumusta ang biyahe mo, hijo?” ani Sofia kay Nick habang sila ay naghahapunan. Kararating lang ng anak galing sa Singapore. At labis ang kaniyang tuwa dahil sa wakas, makalipas ang higit dalawang taon, naisipan din nitong manatili na sa Pilipinas.

“Maayos naman, Mama. Mabuti na lang at efficient si Vincent pagdating sa logistics. Nakaayos na penthouse ko na ang mga mahahalagang gamit ko bago pa man ako bumalik dito,” anang binata, masayang sumubo ng paborito niyang ulam na siyang nakahanda sa hapag.

Ngumiti ang matandang babae, sumimsim ng wine. “Talagang maayos na bata ‘yang si Vincent. Kagaya rin siya ng tiyuhin niyang si Ricky noon sa Papa mo. Maasahang tunay,” anito. Ang Ricky na tinutukoy nito ay ang personal assistant din ng namayapang ama ni Nick. Ito rin ang nagrekomenda kay Vincent upang magtrabaho kay Nick.

“Maiba ako, Mama. Kumusta ang lolo? Anong sabi ng doktor?” tanong ng binata sa ina, maya-maya.

Agad na bumadha ang takot at pangamba sa mukha ng ginang. Hindi nito alam kung dapat ba niyang sabihin ang totoong kalagayan ng matandang Gutierrez sa anak na kadarating lang.

“H-he is comfortable. ‘Yon na lang daw ang magagawa natin sa lolo mo, Nick,” ani Sofia sa garalgal na tinig, mabilis pang uminom ng wine sa pagtatangkang malulunod niyon ang lungkot na biglag lumukob sa kanyang dibdib.

Kumurap-kurap si Nick, pilit na pinatatatag ang sarili. May lung cancer ang kanyang abuelo. Nalaman lang nila eight months ago. He has been deteriorating since.

“Aayain ko siyang mag-fishing bukas. Kaya pa naman niyang bumiyahe ‘di ba?” tanong niya sa ina.

Ngumiti ang ina. “Tiyak kong matutuwa siya, anak.”

Gumanti siya ng ngiti at itinuloy ang pagkain. Matapos ang hapunan ay pumanhik siya sa kwarto ng abuelo. Mabuti at naabutan pa niya itong gising habang pinabantayan ng private nurse nito.

“Niccolo, natutuwa akong narito ka na,” anang matanda, bakas ang pagod sa tinig nito.

“How are you feeling, lolo?” ani Nick, umupo sa gilid ng kama.

“I’m getting weaker by the day,” malungkot na sagot ng abuelo.

“You promised me you’d live until a hundred.”

“Hindi ko na ‘ata ‘yan magagawa, Nick,” anito marahan pang tinapik ang kanyang balikat. Kapag kuwan ay, “Do you trust me, Nick?”

“Of course, lolo. I trust you with all my heart,” sagot niya, seryoso.

Ngumiti ang matanda subalit may bahid pa rin ng lungkot. “Bukas, puntahan mo si Atty. Sta. Ana. May sasabihin siya sa ‘yo.”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Tungkol po saan?”

Subalit imbes na sumagot, umiwas na ito ng tingin. “I’m tired, Nick. Gusto ko nang matulog.”

Hindi na nagpumilit pa si Nick. Nagpaalam na ito sa abuelo at dumiretso sa sariling kwarto. Dahil na rin sa pagod, agad siyang nakatulog.

Kinabukasan, maagang nagising ang binata. Nasa opisina siya ni Atty. Sta. Ana first hour in the morning. Siya ang unang kliyente nito.

“Tatapatin na kita, Nick. May mga ipinabago ang lolo mo sa kanyang last will and testament.”

“Changes? What changes?”

“Nagdagdag siya ng dalawang proviso. Ibinilin niya sa ‘kin na kapag nagtanong ka, ipakita ko sa ‘yo. Heto,” anang abogado, inabot sa kanya ang dokumento.

Agad na nagdilim ang kanyang mukha sa nakitang pagbabago.

Nagmumura siyang umuwi. Gusto niyang kausapin ang abuelo. Subalit pagdating niya ng bahay, hagulgol ng kanyang ina ang sumalubong sa kanya bago nito sinabi ang masamang balita, wala na ang kanyang lolo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Susan S Alvarez
i love that story
goodnovel comment avatar
Liza Emoten
wow ganda ng kwento na ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 3

    Maingat na humakbang si Diana papasok sa chapel kung saan nakahimlay ang mga labi ni Arturo Gutierrez. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang mabait na matanda. Kung mayroon mang mabuting idinulot ang pagpapakasal nila ni Nick, iyon ay nagkaroon siya ng lolo, bagay na hindi niya naranasan dah

    Last Updated : 2024-05-07
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 4

    CHAPTER 4: Mga Lihim “Honey, are you listening to me?” ani Bianca kay Nick nang mapansing tahimik ito. Nasa tapat na siya ng kanyang apartment subalit hindi pa rin siya bumababa sa sasakyan ng lalaki dahil napansin niyang tila tulala ito habang nasa manibela. Marahan niyang hinaplos ang braso nito

    Last Updated : 2024-05-07
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 5

    “Ate, kapag wala na ‘tong bahay, saan tayo titira?” inosenteng tanong ni Enrico kay Diana habang kumakain silang dalawa sa malawak na dining table. Natigilan ang dalaga sa tanong ng kapatid. “Saan mo nakuha ang balitang ‘yan?” Sinusubukan niyang ilihim sa kapatid ang lahat ng pinagdaraanan ng kani

    Last Updated : 2024-05-07
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 6

    “W-what?” halos pabulong na sabi ni Diana, nanlalaki ang mga mata, hindi maintindihan ang sinasabi ni Nick. Sanay ang dalaga na laging nakasinghal si Nick sa kanya. Ilang beses niyang ipinagdasal noon na kahit man lang sana maging maayos ang pakikitungo nito sa kanya kahit hindi na siya nito mahal

    Last Updated : 2024-05-09
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 7

    “Ano? Pakiulit nga!” malakas ang boses na sabi ni Ella Apostol, ang dating kaklase at matalik na kaibigan ni Diana. Binisita ng huli ang kaibigan dahil naguguluhan na siya sa sitwasyong kanyang kinakaharap. Kasasabi lang niya rito ang tungkol sa usapan nila ni Nick nang magpunta ito sa opisina niya

    Last Updated : 2024-05-09
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 8

    “Gutierrez?” anang estranghero kay Nick. “I didn’t know we’d meet here,” dugtong pa nito. “And I didn’t know you’d hit on married women too, Dimarco,” matabang na sagot ni Nick sa lalaki. Bahagyang natilihan si Diana sa itinawag ni Nick sa lalaki. Kusang naalala ng isip na kaya pala pamilyar sa ka

    Last Updated : 2024-05-10
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 9

    "Ginabi ka yata, Diana," ani Yaya Beth sa dalaga, nang pagbuksan niya ito ng pinto sa mansiyon ng mga Saavedra. Tinanaw pa nito ang papalayong taxi sa labas ng mansiyon, kunot-noong sinundan ng tingin ang alaga, sa dibdib ay ang matinding pag-aalala. Na hindi naman nito maiwasang maramdaman dahil da

    Last Updated : 2024-05-10
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 10

    “Echo, ano sa tingin mo kung lumipat tayo ng bahay? ‘Yong mas maliit at ‘yong kasya lang tayong apat nina Yaya Beth at Alonzo. Pero may kwarto ka pa rin. ‘Yong toy collection mo, dadalhin din natin. Tapos pipiliin nating bagong bahay, ‘yong may access pa rin sa pool at malapit din sa school mo at sa

    Last Updated : 2024-05-10

Latest chapter

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 509

    Pasado alas siete na ng gabi subalit nasa BGC pa rin si Paige at nagtatrabaho kasama si Marco. May mga pinapatapos itong reports sa kanya na kailagan sa Lunes. Gayon pa man, tila ayaw nang gumana ng mga kamay ni Paige dahil sa sobrang pagod sa maghapon.Ang pahinga lang niya kanina ay nang mag-lunch

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 508

    “Marco, good to see you here,” bungad na bati ni Danilo kay Marco nang makalapit ang binata sa pwesto nito at ni Jaime.Tipid na ngumiti si Marco sa matandang lalaki, tinanguan din si Jaime na nasa tabi lang ng tiyuhin nito. Lihim na ikinuyom ng binata ang kanyang mga kamay dahil kahit na nawalan na

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 507

    Napabalikwas ng bangon si Paige kinabukasan dahil sa malakas na pagtunog ng kanyang cellphone. Nang tignan niya, tumatawag si Natalie.Napatingin ang dalaga sa orasan, agad na namilog ang kanyang mga mata pagkatapos. Pasado alas otso na ng umaga! She overslept!Nagmadaling sinagot ni Paige ang tawag

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 506

    Pagdating sa BGC, sinamahan ni Luther si Paige hanggang sa executive floor. Kung bakit, ayaw nang magtanong ng dalaga baka lalo lang siyang mainis.Alam niyang mayaman si Marco, kaya nitong gawin ang mga imposibleng bagay para sa mga gaya niyang salat sa buhay. Pero hindi niya gusto na lagi na lan

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 505

    “Paige, don’t you like the food here?” pukaw na tanong ni Jude kay Paige nang tila tulala pa rin ang dalaga gayong naisilbi na ang pagkain na in-order ng binata para sa kanilang dalawa.Nasa five-star restaurant sila ng isang hotel na nagse-serve ng local at western food. Doon humantong ang dalawa m

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 504

    “Nandito na po lahat ng files na hinihingi ninyo, S-Sir,” ani Paige matapos maibaba ang mga bitbit na files sa mesa ni Marco.Malapit nang mag-alas singko ng hapon subalit ngayon lang niya natapos ang lahat ng pinapagawa nito. Masyado kasing maraming files ang hiningi nito. Kinailangang magkalkal sa

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 503

    “Ito may pagka-bias itong tanong ko, ha? Pero ano… may pag-asa ba si Jude sa ‘yo, Paige?” tanong ni Natalie kay Paige habang naroon sila sa canteen at nanananghalian.Hindi sana magla-lunch si Paige dahil maraming pinapagawa sa kanya si Marco kaya lang, mapilit si Natalie. Hindi matanggihan ng dalag

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 502

    Marahas ang paghahabol ni Paige sa kanyang hininga nang marating niya ang building ng BGC kinabukasan. Gaya nang dati, naglakad ang dalaga sa pagpasok sa opisina. Subalit dahil ginabi sila nina Natalie at Jude kagabi, na-late din sa paggising ang dalaga ng araw na ‘yon. Kung hindi pa tumunog ang ce

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 501

    Kanina pa nakatitig si Marco sa kanyang cellphone subalit hindi na muling tumunog iyon. He just sent Paige a text message and was waiting for her reply but…Tumungga ng alak ang binata sa hawak niyang beer-in-can. That was his second and last bottle. Anything beyond that, would surely shoot his BP a

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status