“W-what?” halos pabulong na sabi ni Diana, nanlalaki ang mga mata, hindi maintindihan ang sinasabi ni Nick.
Sanay ang dalaga na laging nakasinghal si Nick sa kanya. Ilang beses niyang ipinagdasal noon na kahit man lang sana maging maayos ang pakikitungo nito sa kanya kahit hindi na siya nito mahalin dahil alam niyang imposible iyong mangyari. Subalit ngayon, na masyado itong pormal at seryoso sa pakikipag-usap, bakit tila hindi pa rin niya maintindihan ang asawa.
“I know you heard me, Diana,” ani Nick, namulsa at humakbang palapit sa naguguluhan pa ring asawa.
Lihim na ipinilig ni Diana ang kanyang ulo, mabilis na inayos ang huwisyo. “Hindi kita maintidihan, Nick. N-noong huling pag-uusap natin ay sinabi ko sa ‘yo ang gusto kong mangyari. I want an annulment. I still want it. Alam kong ‘yon din ang gusto mo. Pero bakit ngayon—“ Hindi na niya naituloy pa ang gustong sabihin, napasapo na lang siya sa kanyang ulo na bahagyang nanakit.
Nagsasalimbayan ang iba’t-ibang uri ng emosyon sa kanyang dibdib. Gusto niyang paniwalaan na marahil gusto na siyang makasama ni Nick bilang asawa. Subalit mas nangingibabaw ang kanyang lohika, imposible ang iniisip niya. Alam niya ang kanyang lugar sa buhay ni Nick noon pa man. Kung bakit nasasabi nito ang ganoon sa kanya ngayon, tiyak niyang may masa malalim na dahilan.
Napakislot pa siya nang mahinang nagmura si Nick. Nang ibalik niya ang tingin dito, naroon muli ang galit sa mga mata nito.
“I do not understand you. You of all people should know the reason behind this. Dahil d’yan ka magaling, sa pagpapaikot ng mga tao. Pero sige, you want to act all innocent, I will indulge you. Nag-iwan ng dalawang bagong probiso si Lolo sa last will and testament niya bago siya mamatay. A provision that involves you and me,” ani Nick, naroon pa rin ang pang-iinsulto sa tinig.
Napakurap si Diana, lalong naguluhan. “P-probiso?”
Sandali siyang tinitigan ni Nick bago ngumiti ng matabang. “Pinabago ni Lolo ang last will and testament niya two months before he died. Maari ko lang manahin ang lahat ng controlling shares ng aming pamilya sa BGC kung manatali tayong kasal sa isa’t-isa at magkaroon ng anak, Diana.”
Lalong pinanlakihan ng mata si Diana, malakas na suminghap na lalo lamang ikinainis ni Nick. “You can act innocent all you want but I’m not buying it. I know you have a hand on this… this damn mess!” nagtatagis ang mga bagang na sabi ng binata.
“N-Nick, all I ever want to annul our marriage. Wala akong alam sa—“ Hindi na naituloy pa ni Diana ang nais sabihin nang tuluyang tawirin ni Nick ang kanilang pagitan at marahs na hinaklit ang kanyang braso. Lalong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga sa paglalapit nilang iyon.
“What game are you playing, Diana? Do you want me to beg? Ano, gumaganti ka sa ‘kin? Is this how you planned it all along, to make sure that you have me wrapped around your fingers? Well, fck you, Diana Saavedra! It will be a cold day in hell bago pa man ako magmakaawa sa ‘yo tungkol sa kahit na anong bagay,” ani Nick, nag-aapoy sa galit ang mga mata. “You started this game, and by god I will make sure I’d finish it,” dugtong pa nito sa nagtatagis na mga bagang bago siya marahas na binitiwan.
Wala sa sariling napaatras si Diana dahil sa matinding poot na nakita niya sa mga mata ni Nick. It was like from that day from three years ago again. Ang araw na tuluyang bumago sa buhay nilang dalawa. Subalit kung noon basta na lang siya nagpatianod sa gusto nang mga matatanda, alam niyang hindi na dapat mangyari iyon ngayon. Tatlong taon na siyang nagdusa para sa kanyang pag-ibig na ni minsan ay hindi man lang nito nagawang suklian.
“N-Nick, maniwala ka, wala akong alam sa probiso ni Don Arturo. Wala na akong ibang gusto kundi itama ang mga pagkakamali ng nakaraan at—“
“Stop, lying!” marahas na putol ni Nick sa kanya, mahigpit na ikinuyom ang mga kamay. Gusto niyang saktan ang sinungaling na babae sa kanyang harapan na siyang puno’t dulo ng lahat ng ‘di nila pagkakaunawaan ng namayapang abuelo. Subalit namayani ang katinuan ng isip, tumuwid ng tayo, pumormal. “I have an offer to make, Diana Saavedra. Pumayag ka sa hiling ko at paglalahuin ko ang lahat ng mga problemang kinahakarap mo ngayon.”
Napakurap si Diana, alam niyang kayang-kaya gawin ni Nick ang sinasabi nito. Subalit… “Hindi ako maaring pumayag sa hiling mo, Nick. Ayokong madamay ang magiging a-anak natin sa gulo sa ating pagitan at—“
“Well too late for that. Inaayos na ng assistant kong si Vincent ang gulo ng mga empleyado mo sa ibaba. Pinangakuan ko sila na mula ngayon, katuwang na ng Saavedra Electronics ang BGC,” putol ni Nick sa kanya.
Naguguluhang humakbang si Diana patungo sa may glass wall, tinanaw doon ang entrance ng building na kanina lang ay puno ng mga empleyadong nagrereklamo at handa siyang sugurin. Tunay nga, wala nang nagra-rally doon, naayos na ni Nick.
Umangat ang sulok ng bibig ni Nick nang muli niyang ibaling ang tingin dito. “You have no choice but to sa yes to my offer, Diana. O baka gusto mong bumalik ulit ang mga nagra-rally sa ibaba? Magsabi ka lang. Sigurado akong susugurin ka ng mga empleyado mo sa oras na umalis ako.
Makailang ulit na humugot ng hininga si Diana, ayaw niyang magalit kay Nick o sa sitwasyon subalit iyon ang nararamdaman niya. Paanong maitatali na naman siya kay Nick gayong alam na niya kung gaano kamiserable ang buhay sa piling nito?
Subalit isa siyang Saavedra. Nakaatang sa kanyang balikat ang responsibilidad upang isalba ang naghihingalong kumpanya ng namayapang ama. Pakiramdam niyang nasa gitna siya ng dalawang nag-uumpugang mga bato. Na kahit na anong piliin niya’y sa huli, siya ang talo.
“B-bigyan mo ng panahon para mag-isip, Nick,” lakas loob na sabi ni Diana maya-maya.
Sandali siyang pinakatitigan ni Nick bago, “Very well, I’ll give you 48 hours to think about it. H’wag kang mag-alala, this will be just like any business deals. Magkakaroon tayo ng kontrata. All will be fair,” anito, naglakad patungo sa pinto. Muli itong bumaling sa kanya bago pinihit ang seradura. “Inaasahan ko ang sagot mo, Diana. And I hope you’d make the right choice.” Iyon lang bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina.