"Ginabi ka yata, Diana," ani Yaya Beth sa dalaga, nang pagbuksan niya ito ng pinto sa mansiyon ng mga Saavedra. Tinanaw pa nito ang papalayong taxi sa labas ng mansiyon, kunot-noong sinundan ng tingin ang alaga, sa dibdib ay ang matinding pag-aalala. Na hindi naman nito maiwasang maramdaman dahil da
“Echo, ano sa tingin mo kung lumipat tayo ng bahay? ‘Yong mas maliit at ‘yong kasya lang tayong apat nina Yaya Beth at Alonzo. Pero may kwarto ka pa rin. ‘Yong toy collection mo, dadalhin din natin. Tapos pipiliin nating bagong bahay, ‘yong may access pa rin sa pool at malapit din sa school mo at sa
Nangingig si Diana habang nakaupo siya sa likod ng ambulansiya na kasama ng mga bumbero na rumesponde sa sunog sa kanilang bahay. Nang dumating ang ambulansiya at bumbero ay agad siyang tinignan ng mga medic. May kaunting siyang galos sa braso. Subalit maliban doon, maayos siya sampu ng mga kasama n
"Hello, Vincent. May resulta na ba ang initial investigation ng mga bumbero tungkol sa naganap na sunog?" tanong ni Nick sa assistant, humugot ng malalim na hininga bago tinanaw sa may veranda ang bukang-liwayway. Pasado alas singko na ng madaling-araw subalit mula nang makauwi sila sa mansiyon kasa
Sandaling natahimik si Nick sa isinagot ni Diana. Ayaw niya sanang isipin dahil hindi naman siya ang uri ng tao na nagsasaya sa kamalasan ng iba, subalit naniniwala siyang naging pabor sa kanya ang nangyaring sunog. Ang inaasahan ng binata ay magmamatigas pa rin ang asawa at kailangan niyang mag-isi
“Ano? Bakit ka pumayag? Nahihibang ka na ba talaga, Diana?” mataas ang boses na tanong ni Ella sa kaibigan, marahas na nagbuga ng hininga. Dinig na dinig iyon ni Diana na siyang kausap nito sa cellphoneNang pumutok ang balita na nasunog ang mansiyon ng mga Saavedra, abot-langit ang pag-aalala ni El
Wala pang alas otso ng umaga kinabukasan, nakabihis na si Diana. Handa na siyang magtungo sa opisina ni Nick upang pirmahan ang kanilang kasunduan. Subalit mabibigat ang kanyang mga paa, alam niya sa sariling isang malaking pagkakamali ang kanyang gagawin subalit… tadhana na mismo ang nagtulak sa ka
“Ma’am, okay lang po kayo?” may bahid ng pag-aaala na tanong ni Vincent kay Diana. Nasa backseat ito ng sasakyan at kasalukuyan niyang ipinagda-drive patungo sa bahay nito at ni Nick na nakatayo sa loob ng isang sikat na exclusive subdivision.Pababayaan na lamang sana ng assistant ang asawa ng amo
Abala sa pagluluto si Paige ng sunny side-up nang marinig ng dalaga ang pagbukas-sara ng pinto ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng bahay.‘Gising na si Marco,’ naisip ng dalaga, mabilis na isinalin sa platter ang niluluto niyang sunny side-up bago inihain sa mesa.Saktong nailapag ni Paige ang
Kanina pa pabiling-biling sa sofa sa sala si Paige dahil hindi siya makatulog. Nasa silid ng dalaga si Marco at doon niya pinatulog. Kanina nang dumating ang pagkain na in-order nito, tahimik silang kumain na dalawa. Gusto niya sana itong tanungin, kausapin nang kaswal kaya lang, hindi na itinuloy
Nang sundan ng dalaga ang boss sa loob ng bahay, nasa may ref na ito at tila tinitignan kung anu-anong mga pagkain ang naroon. Ang pagpunta nito roon at ang pagpapahayag na doon ito matutulog ulit ay nakakapagtaka na, ano pa kaya ang makita ang tagapagmana ng BGC na naghahalungkat ng pagkain sa kan
Pigil na pigil ni Paige ang kayang paghikbi habang nakasakay siya sa sasakyan ni Marco. Gulat na gulat pa rin ang dalaga sa mga nangyari, sa bilis ng mga pangyayari at sa biglang pagsulpot ni Marco upang tulungan siyang matakasan si Jaime.“No! I want that fcker out of my company! Well, drag him out
Pasado alas sais na ng gabi subalit hindi pa rin umuuwi si Marco. Kaya naman kahit na naiinip na, nanatili si Paige sa kanyang table dahil baka may bigla kailanganin ang boss. Nakasanayan na ng dalaga na samahan si Janet sa pago-overtime tuwing napapasarap sa pagtatrabaho si Nick noo. Kaya naman h
Agad na nag-init ang pisngi ni Paige nang lumingon siya ay nakita ng dalaga na mulat na mulat na si Marco. Kanina pa ba talaga ito gising?Lalong nag-init ang mga pisngi ng dalaga nang maalala ang pinaggagawa kanina.Oh my god! Oh my god! sigaw ni Paige sa kanyang isip.Bumangon na si Marco sa sofa,
“A-ano?” naguguluhang sabi ni Paige. Alam niyang narinig niya ang sinabi ni Marco kaya lang… it doesn’t makes sense to her!“I said, be my temporary secretary and fake fiancée.”Natawa si Paige. Totoo nga ang narinig niyang alok nito. "Seryoso ka d'yan, Sir? Baka kulang ka pa sa juice. Pwede pa kon
Napabalikwas ng bangon si Paige mula sa kanyang tinutulugan nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagmumura mula sa kung saan.Nang magmulat ang dalaga, noon niya nakita si Marco na gising na gising na at nakatayo malapit sa kanya. Puno ng pagtataka ang mukha nito, salubong din ang mga kilay. "Inuw
Napanganga si Paige sa sinabi ni Marco. Anong fiancé ang pinagsasabi nito? Ni ayaw na nga niyang bumalik sa BGC dahil sa masamang ugali nito, tapos ngayon ipapakilala pa siya nitong fiancé sa mga tao? “Wow! You’re engage now? That’s fast, huh?” ani Miles, muling kumuha ng kopita ng alak sa dumaan