Share

Kabanata 0004

Author: shining_girl
last update Huling Na-update: 2024-05-07 20:46:24

CHAPTER 4: Mga Lihim

“Honey, are you listening to me?” ani Bianca kay Nick nang mapansing tahimik ito. Nasa tapat na siya ng kanyang apartment subalit hindi pa rin siya bumababa sa sasakyan ng lalaki dahil napansin niyang tila tulala ito habang nasa manibela. Marahan niyang hinaplos ang braso nito nang hindi pa rin ito sumagot. “Nick, are you okay?”

Kumurap si Nick, bumaling kay Bianca. “Y-you’re saying?” Hindi alam ng lalaki kung bakit tila siya nabibigla sa sinabi ni Diana kanina sa kanya. He had always thought that she’s after the money—his money. At hindi nito makukuha iyon kung makikipaghiwalay ito sa kanya unless magkusa siyang magbigay ng pera dito.

‘Well, she has her monthly allowance that you never fail to give. Baka sapat na iyon sa kanya,’ naisip niya. Subalit hindi niya pa rin maintindihan, she wanted annulment even with the provision from his grandfather’ will.

Gumaganti ba ito sa kanya?

Damn!

Lalong umigting ang kanyang panga.

“Oh my poor honey, I know how you loved your Lolo so much. That’s why I’m here, I want to join you in your grieving and comfort you too. Don’t worry, magiging maayos din ang lahat,” si Bianca, sinubukan pa siyang halikan sa labi subalit umiwas siya na siyang nagpangyari upang malukot ang magandang mukhang dalaga.

“You’re hurting me, Nick. Hindi ka naman dating ganito. My presence used to cheer you. Dahil ba nasa malapit lang ang asawa mo?” diretsong tanong nito. “I wonder what you two were talking about na kailangan niyo pang magsarilinan sa kitchen.”

Humigpit na ang kapit ni Nick sa manibela. Masyado siyang maraming iniisip ngayon at ayaw niyang patulan ang pagta-tantrums ni Bianca.

“You’ve said it yourself, I’m grieving, Bianca. I don’t have time for other things,” malamig na tugon ng binata.

“But Nick, it’s me. I’m not other things,” sabi ni Bianca, hindi makapaniwala sa ibinigay na rason ni Nick. Sa isip niya’y gustong tuklasin kung bakit biglang nagbabago si Nick sa pakikitungo sa kanya matapos nitong kausapin si Diana.

Kumuyom ang mga kamay ng dalaga. Si Diana talaga ang panira sa kanyang mga plano kapag hindi niya naagapan. At hindi niya hahayaan iyong mangyari! Nagtagumpay na siyang alisin si Nick sa buhay ni Diana sa loob ng tatlong taon. Hindi niya papayagang magkalapit ang dalawa, ngayon pa na wala na si Don Arturo.

“Alright, we’re both tired. Ako sa biyahe ko mula sa Singapore at ikaw naman dahil sa burol ng lolo mo. I will expect your call tomorrow then. Goodnight, Nick,” ani Biana bago tuluyang bumaba sa sasakyan at pumasok sa apartment nito.

Naiwan si Nick na nasa malalim na pag-iisip. Maya-maya pa, tinawagan nito si Vincent. “I want you to check on someone.”

“Sir? Check? Did you mean background investigation?” sagot ng assistant sa kabilang linya.

“Yes.”

“Of course, Sir. Sino ang—“

“Diana. Diana Saavedra.”

---

Pagod na umupo sa swivel chair si Diana. Kakatapos lang niyang kausapin ang manager ng Prestige Bank. Sinusubukan niya kasing umutang para maisalba sa Saavedra Electronics kaya lang, gaya rin ng iba pang bangko na kinausap niya, hindi na raw siya maaring umutang dahil sa estado ng kanilang kumpaya na malapit nang ma-bankrupt.

Napabuga ng hininga si Diana at tuluyang ibinigay ang buong bigat sa upuan. Ilang linggo na rin niya iyong ginagawa, naghahabol at nakikiusap sa mga directors at managers ng bangko para sa kinakaharap niyang problemang pinansiyal subalit lahat ng mga ito ay tumatanggi. At ngayon nga, hindi niya alam kung ano na ang gagawin, idagdag pa na wala naman talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Isa siyang fine arts major, for crying out loud! Anong alam niya sa management strategies?

Subalit naroon na siya. At bilang panganay na anak ni Armando, responsibilidad niyang alagaan at proteksiyonan ang kanilang kumpanya sa lahat ng maisip niyang paraan.

Isa pa, inaalala niya ang kapatid. Napakabata pa nito at gaya niya ay nagdadalamhati rin. Kapag hindi niya nagawan ng paraan ang tungkol sa kanilang kumpanya, saan sila dalawang pupulutin?

‘Simple lang. Bumalik ka na lang ulit sa pagpipinta’, anang isang bahagi ng isip niya. Bahagya siyang natawa. May bibili naman kaya sa mga obra niya gayong taon na rin ang biniling nang huli siyang magpinta?

Ang pagtunog ng intercom ang nagpabalik ng kanyang huwisyo sa kasalukuyan. “Ma’am, nasa line po si Mr. Gutierrez, kakausapin niyo po ba?” tanong ni Ms. Jhema, ang sekretarya ng kanyang yumaong ama.

Nahigit ni Diana ang kanyang hininga. Mahigit isang linggo na rin mula nang huli silang magkita ni Nick sa libing ni Don Arturo. Subalit wala naman itong sinabi kung anuman sa kanya noon. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit panay ang tawag nito sa kanya nitong nakalipas na mga araw.

“Paki-decline na lang, Ms. Jhema. Pakisabi na lang na nasa meeting ako ngayon,” sabi niya sa sekretarya.

She’s too stressed out these days. Hindi muna niya gustong marinig ang kung anong sasabihin ni Nick. Dahil may ideya na siya kung bakit panay ang pagtawag-tawag nito. Tungkol iyon sa invitation niya to discuss their annulment na ipinadaan niya mismo sa kanyang abogado. Ipinaayos niya iyon agad kay Atty. Fonacier matapos ang libing ni Don Arturo. Malinaw sa sulat na pinadala ni Atty. Fonacier na sa abogado niya gustong ipadaan ang lahat ng proseso ng kanilang paghihiwalay. Kaya siya nagtataka kung bakit panay pa rin ang tawag nito sa kanya sa nakalipas na mga araw.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga bago kinuha ang maliit na blue stuffed toy sa kanyang drawer. Unang kita pa lang niya roon nang mapadaan siya sa mall ay naisip na niya agad ang pagbibigyan. Mabilis niya iyong inilagay sa kanyang bag at tuluyang umalis ng opisina.

Nag-drive siya sa lugar na kanyang pinupuntahan minsan sa isang linggo nitong nakalipas na mga taon, saksi sa isang lihim na siya lang ang nakakaalam. Ni sina Armando at Eileen, hindi alam ang lihim niyang iyon.

Pumasok siya sa pribadong columbarium at tumigil sa tapat ng marmol na urn na napapalibutan ng iba’t-ibang laruan na kulay blue. Sa harap niyon ay may picture ng sonogram. Maingat na inilagay ni Diana ang dala niyang stuffed toy sa tabi ng urn at wala sa sariling hinaplos ang nakaukit na pangalan sa urn—Niccolo Alessandro Saavedra-Gutierrez Jr.

Nang humagulgol si Diana, tuluyan na siyang dinala ng kanyang mga alaala sa nakaraan kung saan nag-umpisa ang lahat. Ang lahat-lahat.

---

“Columbarium? Anong ginagawa niya d’yan? Visiting her parents?” inis na tanong ni Nick nang itawag sa kanya ni Vincent na lumabas ng opisina nito si Diana at dumiretso sa isang pribadong columbarium. Pinasundan na siya sa assistant ang asawa dahil hindi nito sinasagot ang tawag niya.

“Hindi ko sigurado, Sir. Sa musoleo ng mga Saavedra nakalibing ang mga magulang ni Ma’am Diana pati na rin ang stepmother niya.”

Napabuntong-hininga si Nick, napapisil sa pagitan ng mga mata. Masyado siyang maraming iniisip ngayon dumagdag pa ang pagmamatigas ni Diana na kausapin siya. If not only for that added provision, hindi siya maghahabol ng gano’n kay Diana.

“Umalis ka na d’yan, Vincent. Try to call her personal number for me. I need to talk to her ASAP.”
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Remy Guardaquivil
i want to read the wholestory
goodnovel comment avatar
Remy Guardaquivil
Smart author.ngayong gali ka na sa lalaking bida. Pinaiba ng kunti ang takbo ng estorya.
goodnovel comment avatar
Remy Guardaquivil
Miser kahit mana sa kanyang asawa ini interesan pa.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0005

    “Ate, kapag wala na ‘tong bahay, saan tayo titira?” inosenteng tanong ni Enrico kay Diana habang kumakain silang dalawa sa malawak na dining table. Natigilan ang dalaga sa tanong ng kapatid. “Saan mo nakuha ang balitang ‘yan?” Sinusubukan niyang ilihim sa kapatid ang lahat ng pinagdaraanan ng kani

    Huling Na-update : 2024-05-07
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0006

    “W-what?” halos pabulong na sabi ni Diana, nanlalaki ang mga mata, hindi maintindihan ang sinasabi ni Nick. Sanay ang dalaga na laging nakasinghal si Nick sa kanya. Ilang beses niyang ipinagdasal noon na kahit man lang sana maging maayos ang pakikitungo nito sa kanya kahit hindi na siya nito mahal

    Huling Na-update : 2024-05-09
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0007

    “Ano? Pakiulit nga!” malakas ang boses na sabi ni Ella Apostol, ang dating kaklase at matalik na kaibigan ni Diana. Binisita ng huli ang kaibigan dahil naguguluhan na siya sa sitwasyong kanyang kinakaharap. Kasasabi lang niya rito ang tungkol sa usapan nila ni Nick nang magpunta ito sa opisina niya

    Huling Na-update : 2024-05-09
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0008

    “Gutierrez?” anang estranghero kay Nick. “I didn’t know we’d meet here,” dugtong pa nito. “And I didn’t know you’d hit on married women too, Dimarco,” matabang na sagot ni Nick sa lalaki. Bahagyang natilihan si Diana sa itinawag ni Nick sa lalaki. Kusang naalala ng isip na kaya pala pamilyar sa ka

    Huling Na-update : 2024-05-10
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0009

    "Ginabi ka yata, Diana," ani Yaya Beth sa dalaga, nang pagbuksan niya ito ng pinto sa mansiyon ng mga Saavedra. Tinanaw pa nito ang papalayong taxi sa labas ng mansiyon, kunot-noong sinundan ng tingin ang alaga, sa dibdib ay ang matinding pag-aalala. Na hindi naman nito maiwasang maramdaman dahil da

    Huling Na-update : 2024-05-10
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0010

    “Echo, ano sa tingin mo kung lumipat tayo ng bahay? ‘Yong mas maliit at ‘yong kasya lang tayong apat nina Yaya Beth at Alonzo. Pero may kwarto ka pa rin. ‘Yong toy collection mo, dadalhin din natin. Tapos pipiliin nating bagong bahay, ‘yong may access pa rin sa pool at malapit din sa school mo at sa

    Huling Na-update : 2024-05-10
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0011

    Nangingig si Diana habang nakaupo siya sa likod ng ambulansiya na kasama ng mga bumbero na rumesponde sa sunog sa kanilang bahay. Nang dumating ang ambulansiya at bumbero ay agad siyang tinignan ng mga medic. May kaunting siyang galos sa braso. Subalit maliban doon, maayos siya sampu ng mga kasama n

    Huling Na-update : 2024-05-11
  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0012

    "Hello, Vincent. May resulta na ba ang initial investigation ng mga bumbero tungkol sa naganap na sunog?" tanong ni Nick sa assistant, humugot ng malalim na hininga bago tinanaw sa may veranda ang bukang-liwayway. Pasado alas singko na ng madaling-araw subalit mula nang makauwi sila sa mansiyon kasa

    Huling Na-update : 2024-05-11

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0386

    Pasulyap-sulyap si Blaire kay Carlo habang kausap nito si Jerry sa cellphone. Ang binata na ang kinausap ng ama dahil ayaw niyang sabihin kung nasaan sila.“Oh don’t worry, Blaire. All my boys are good in negotiating. Alam kong mapapapayag din ni Carlo ang Daddy mo na sumama sa amin maghapon,” ani M

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0385

    Maaga pa lang kinabukasan ay inaabangan na ni Carlo si Addie sa paglabas nito ng mansiyon. Nauna nang umalis sina Jerry at George at maggo-golf daw. Kaya naman mas maganda ang mood ng binata ng araw na ‘yon.Annoying George is nowhere in sight and he gets to spend the whole day with his daughter. N

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0384

    “Pasensiya ka na, Jerry. Hindi ko intensiyon na takutin ko o ang sino man sa pagpunta ko rito. It’s just that I am impulsive. So, I apologize. I didn’t mean any harm,” ani Mariana, habang kausap si Jerry sa loob ng opisina nito. Nasa receiving area ang dalawang matanda at masinsinang nag-uusap.“Mot

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0383

    “Goodmorning!” bati ni George kay Carlo nang umagang iyon. Nakasuot ng jogging pants ang lalaki at dri-fit shirt. Halatang nag-jogging ito sa subdivision.Umigting ang panga ni Carlo, itinuloy ang pagpupunas ng sasakyan ni Jerry. Maagang nagising ang binata ng umagang ‘yon dahil hindi rin naman s

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0382

    Maingat na inilapag ni Carlo si Addie sa kama ni Blaire. Sandaling humigpit ang kapit ng bata sa leeg ng ama kaya napilitan ang binata na humiga sa kama at tabihan ito. Hindi pa tapos ang isang oras niya upang makasama ang anak subalit nakatulog agad ito. Maybe his daughter was too exhausted from t

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0381

    Marahang nagbuga ng mabigat na hininga si Carlo habang gumagawa ng business proposal na ipapasa niya kay Jerry bago matapos ang araw na ‘yon. Isang linggo na rin ang matuling lumipas mula nang magbalik-trabaho siya sa mga De Hidalgo. At bawat araw na nagdaraan ay pahirap nang pahirap ang pinagawa n

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0380

    Walang imik si Carlo habang naghihintay siya sa portico ng bahay ng mga De Hidalgo. Matapos suntukin ni Irina si Primo, it took two other men from Aquila Nera to contain Irina. Nang kumalma ito, si Jerry mismo ang nag-aya kay Primo na makipag-usap sa study nito. Kaya naman ngayon, naroon siya, naghi

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0379

    “Carlo, ba’t nandito ka pa sa labas? Gabi na a,” ani Mateo, nang mabungaran ang kapatid na nasa lanai ng kaniyang bahay. It was almost eleven o’clock in the evening subalit kababalik lang ng lalaki mula sa paghahatid sa mga De Hidalgo pa-Maynila.Carlo heaved a sigh. “Talagang hinintay kita.”Marah

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 0378

    “D-dad, please say something. Y-you’re scaring me with your silence,” ani Blaire sa ama na noon ay nakatanaw sa bintana ng hospital suite na kinaroroonan ng dalaga.Ilang minuto pa lang mula nang dumating ito kasama ang pamilya Gutierrez mula sa Maynila. At nagpapasalamat siya na dahil sa mga ito, k

DMCA.com Protection Status