“Luis, ano ba! Uuwi ka na lang ba ng lasing gabi-gabi?” iyon ang bungad ni Analia kay Luis no’ng umuwi itong lasing.Nasa bahay na siya ni Luis nakatira ngayon dahil iyon ang gusto ni Annaliese para madali daw nilang makamkam ang yaman ng mga Yeon.“Pwede ba? Wala kang pakialam!”Tinulak siya ni Luis kaya napaupo siya sa sahig.“Kahit kailan mga bwesit kayo sa buhay namin.” Agad na nagalit si Analia kaya tumayo siya para sampalin si Luis na agad naman nitong napigilan. Mahigpit na hinawakan ni Luis ang kamay ni Analia at itinulak niya ito sa sofa.“Nakakahiya ka maging asawa. Kahit saang anggulo tignan, hindi mo kayang mapantayan si Mithi!” Sabi nito at iniwan siya.Napaluha si Analia dahil kahit kailan, hindi siya trinato ni Luis ng tama. Palagi siya nitong pinagsasalitaan ng hindi maganda. Bumalik siya ng kwarto niya para magsumbong sa mama niya.Kinuha niya ang cellphone niya para magsumbong.“Darling—" unang salitang sinabi ni Annaliese matapos niyang sagutin ang tawag.“Ma, sinak
“I want the two of you to go this event.” Saad ni Pablo Yeon kay Luis at Analia. It’s a birthday party ng isang businessman-influencer sa bansa.Napatingin si Luisa kay Analia.“Make sure na kaya mong dalhin ang sarili mo.” Nagbaba ng tingin si Analia dahil sa mga titig ng pamilyang Yeon sa kaniya, pinapakita na para bang isa siyang peste na hindi nababagay sa pamilya nila.“Ang iba sa aking mga amego ay hindi alam na wala na si Mithi sa atin. Iyon pa naman ang inaabangan nila.” Maririnig ang disappointment sa boses ng chairman.“Bueno. Wala akong magagawa. Mukhang nag-iba ang taste ni Luis.” Sabi nito at tumayo saka umalis.“Hindi sana magiging ganoon ang reaction ni dad kung kaya mo lang mapantayan si Mikaela.” Sabi naman ni Luisa kay Analia at tumayo na rin kasama ni Edgard para umalis.Nang sila na lang ang naiwan, agad na tumingin si Analia kay Luis.“Bakit hindi mo ‘ko pinagtanggol?” tanong nito, galit na naman.“Bakit kita ipagtatanggol? Totoo naman lahat ng sinabi ni lolo.”K
"I'm sorry to hear that." Saad ni Donya Merita. So hindi niya talaga alam na involve si Kallahan sa ina niya? She thought while looking at Mithi's innocent face. Hindi na siya nagtanong pa. Tinapos nalang nila ang paground sa production area. "Dexter, pwede ko bang hiramin itong si Mithi." Saad ni Donya Merita. "Gusto kong mag lunch kami together." Tumingin muna si Dexter kay Mithi bago sumagot. "Sige po, Madam. Ayos lang po." Ngumiti si Donya Merita at agad niyang nilingon si Mithi. "Let's go Mikaela." Sabi nito at sabay na umalis ang dalawa. Hindi na nga inabala pa ni Mithi na kunin ang bag niya dahil ayaw niya itong paghintayin ng matagal. Sumakay na sila sa sasakyan. Tahimik pa rin siya, dahil kabado siya sa magiging lakad nila ni Donya Merita. "I'm sorry sa naging asal ko no'ng una tayong nagkita." Napatingin siya sa katabi niya. Hindi niya inaasahan na hihingi ito ng tawad sa kaniya. "Inaamin kong mali ako. I should have listen to Shy at inalam ko kung sin
Galit na binalingan ng tingin ni Annaliese si Donya Merita. “Anong ginawa mong matanda ka!” Sigaw niya. “Bakit mo ‘ko tinapunan nito? Nababaliw ka na ba?” Agad na lumapit si Mithi kay Donya Merita. Takot siyang saktan ni Annaliese ito. “As far as I know ikaw ang unang nanggulo sa amin!” “At sino ka para makialam? Dinidisiplina ko lang si Mithi dahil ako ang tumayong ina niya!” “Disiplina? Ina? May ina bang kayang pahiyain ang anak sa publiko?” hindi na makapagpigil si Donya Merita, sinampal pa niya si Annaliese. “Hayup ka!” Sigaw ni Annaliese habang hawak ang pisngi niyang nasampal. “ANNALIESE!” Malakas na sabi ng chairman Yeon na kararating lang. Biglang nabitin sa ere ang kamay niyang isasampal rin sana niya kay Donya Merita dahil sa sigaw na yun. “WHAT ARE YOU DOING?” Namumula na sa galit ang chairman. Maraming angkan ng Yeon ang dumating. Naroon rin si Analia at Michael na gulat na gulat. “Oh my God, Annaliese. Ano bang ginagawa mo?” hindi makapaniwalang sabi n
Walang nagawa ang mga Yeon kun'di ang umalis lalo't si Donya Merita ang batas dahil siya ang may-ari ng resto. Habang umaalis sila, hindi maputol ni Luis ang mga titig niya kay Mithi. Kung noon ay parang abot kamay lang niya ito, ngayon ay hindi na. Pakiramdam niya ay mas lalong lumayo ang agwat nila. Na kahit pa isa siyang Yeon, parang impossible na makuha niya ito.Pagkalabas nila ng resto, agad na tumigil ang chairman sa paglalakad. "Nakakahiya. Sobrang nakakahiya ang nangyari sa araw na ito." Galit na galit na sabi niya. Halos manginig na si Annaliese at hindi na alam anong gagawin. "Edgar, kausapin mo yang si Luis kung sigurado ba siya sa desisyon niya." Sabi nito at naglakad na. "Where are you going, dad?" "Uuwi. This family meal or something is sick." Sabi nito at pumasok sa sasakyan niya at umalis. Tumingin naman ang ilang kapamilya ng mga Yeon kay Annaliese. Marami silang masasamang salita na binitawan bago umalis. Kahit sina Luisa at Edgar ay umalis na rin, naiwan
“Are you mad at me?” mahinang tanong ni Kallahan. Gabi na at nasa kama na sila para matulog. “Hindi.” “Bakit hindi mo ‘ko pinapansin?” Tumingin si Mithi sa kaniya at agad na ngumuso. “It’s not like that. Naisip ko lang kasi iyong ex mo. I wonder kung gaano kahalaga ang taong naging dahilan niya para iwan ang isang gaya mo.” Biglang nagbago ang mood ni Kallahan sa narinig. He’s not sure how to react with that statement. “Don’t say that.” He said. “She was my past now at wala na akong pakialam sa kaniya ngayon. Kung ano man ang naging buhay niya ngayon, wala na ako doon.” Humiga siya katabi ni Mithi at niyakap niya ito. “I know.” Mahinang sabi ni Mithi sa kaniya. “Alam na alam ko, Kal. Pero kasi, hindi ko maatim isipin na may taong magawa kang iwan.” Humarap siya kay Kallahan. “You’re the best and kindest person I met. Masakit sa akin marinig na may taong pinili ka pa ring iwan at saktan.” Kallahan looked at her lovingly. Ang mga titig nito na tila gusto niyang yakapin ng husto
“Ma, this is Kallahan.. He’s my husband and he took care of me.” Iyon ang sabi ni Mithi habang nakaharap sa ina niyang wala pa ring malay.Tahimik lang si Kallahan sa tabi. Pero ang mata niya ay nakapako kay Angel. Hindi niya aakalaing haharap siya dito bilang son-in-law niya.“Mama, ang dami kong gustong sabihin pero saka na lang yun lahat kapag nagising ka na kaya sana e bumangon ka na diyan, ah? Miss na miss na kita mama.” Mahinang sabi ni Mithi.At napapaayos ng upo si Kallahan sa inuupuan niya habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Tumingin si Mithi sa kaniya ng mapansin ang pananahimik niya.“Wala ka bang sasabihin kay mama?” tanong ni Mithi sa kaniya.He was being put on the spot. Hindi siya pwedeng sumagot ng wala kay Mithi dahil magtataka ito.Kaya tumango siya at nagkunwari. He said what Mithi wanted to hear.“I-I’ll t…take care of M-Mithi.. I love her,” halos hindi siya makapag-isip ng tamang salita."Kal, call her mama. She's your mama too dahil kasal na tayo and I'm sure
"This looks good on you." Sabi ni Donya Merita habang tinitigan ang blue dress na sinusukat niya kay Mithi. Ngumiti si Mithi. Hindi niya mapigilang hindi mangiti lalo't kinikilig siya na mabait sa kaniya ang lola ni Kallahan.“Gusto kong ikaw ang magiging pinakamaganda sa party bukas.” Sabi ni Donya Merita sa kaniya. “Kaya dito ka matutulog mamaya. Okay? Para e makapagshopping tayo bukas ng umaga sa sandal na susuotin mo.”“Sige po la,” she awkwardly said.Matapos nilang magsukat ng damit, agad na inaya ni Donya Merita si Mithi na pumunta ng garden dahil nagpahanda siya ng tea para sa kanilang dalawa.“This tea, makukuha lang ang kasangkapan nito sa ilang bahagi ng Europe that’s why, I wanted you to taste this one.”Tumango si Mithi at agad na tinikman ang tea na hinanda sa kaniya ni Donya Merita. Sa aroma pa lang ay napapangiti na siya.At nang lumapat na ang tea sa dila niya, hindi niya maipaliwanag kung anong mga lasa ang rumehestro sa utak niya. “Hmm… may mint na parang may luya