Literal na napatigil sa paglalakad si Shaira at halos lumuwa na ang kaniyang mga mata sa nalaman. Si Connor? Ay anak rin ni papa? Ang mga nasa isipan niya.Agad siyang tumalikod at nagmamadaling umalis. Ni basta na lang niya iniwan ang dala niya sa mesa. Hindi na rin siya nagpaalam pa.‘Alam ba ito ni papa na anak niya rin si kuya Connor? Alam ba ni papa na nabuntis niya ang kapatid ng mama ni kuya Kallahan? Bakit parang walang alam si papa? Kaya ba marami siyang tanong tungkol sa kuya Connor?’Nangininig ang kamay niya habang dina-dial ang numero ng papa niya. Gusto niyang itanong kung may alam ba ang papa niya dito.Yumakap naman si Don Anton sa kaniyang asawa. Napapikit si Donya Merita habang inaalala ang mga nangyari noon sa kanila ni Alena.(Flashback)Umiiyak si Alena habang nakahawak sa kaniyng pisngi na nasampal ni Donya Merita. “Sinong nakabuntis sayo?” galit na tanong ni Donya Merita sa kaniya.“Ma…”“SINO ALENA?”Lumuhod siya at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. “Ma…” sunod
“Oh, alis na kami…” Saad ni Kallahan. Tapos na silang mag-usap ni Shy. Nang tumingin siya dito, nakita niyang ang pula pa rin ng mukha.Natawa si Kallahan at tumingin kay Rizallie. “Wanna come with me? I live in the castle.”Nagningning non ang mata ni Rizallie. “Talaga po kuya? Pwede akong sumama?”“Ateee, come with us.. I have siblings.. Si Mayumi and Bagwis. They are so cute. They will like you ate kasi you’re kind.” Nakangiti na sabi ni Alab, tila binibida ang mga kapatid. He likes Rizallie dahil mabait at maalaga ito sa kaniya.Napangiti naman si Rizallie. Ang gaan nga ng loob niya kay Alab at nang marinig na may mga kapatid pa ito na maaring kasing cute ni Alab ay nakaka-excite sa kaniya.“Yes. You are welcome to our castle since you’re Shy’s sister.”Tumingin si Rizallie sa ate niya. “Ate, pupunta ba tayo sa bahay ni kuya Kallahan?”Tumikhim si Shy..“It depends on your kuya Connor. If he says we’ll leave, aalis tayo. But if he decides to stay then we will stay.”Tumingin si Con
“Bakit parang biglaan yata?” tanong ni Rizallie sa tabi habang nakatingin kay Connor at Shy na pumipirma ng marriage contract. Nasa mayor office sila ng lugar kung nasaan sila ngayon at si Kallahan ang kumausap ng lahat para maihanda ang mga kakailanganin para sa pinsan niya.Ang sinabi niya kay Shy ay peke lang ang lahat. But Connor planned the otherwise. At labas na si Kallahan sa ano mang pasya ni Connor. He felt bad for Shy but he can’t turn his back sa pinsan niya. Kaya hahayaan niya nalang si Connor, isa pa, he can see na nag-improve ang relasyon ng dalawa.“Hindi man lang nasabihan si mama at papa,” sabi ni Rizallie sa tabi. Agad na ipinatong ni Kallahan ang kamay niya sa balikat ni Rizallie at ngumiti dito.“It’s fine, Rizallie. Ikakasal naman sila sa simbahan sa susunod.”“Totoo ba, kuya?”“Yup. Sadyang nauna lang dito dahil babalik tayo sa bahay namin kung nasaan ang lolo namin ni Connor.”“Ayaw ba ng lolo niyo kay ate?”“Hindi naman sa ayaw. But our lolo wanted Connor to eng
(Flashback)“Nakapag impake ka na?” tanong ni Rosalie kay Shy.“Opo mama.. Doon po ba tayo sa bahay ng kapatid mo titira?” alangan siyang banggitin ang salitang mama sa harapan ni Rosalie.“Hindi siguro anak.. Magho-hotel tayo kasi ang alam kong ang asawa niya ay isang lasenggero.”“Asawa? Siya po ba ang papa ko mama?”Umiling si Rosalie. “Ang alam ko, hindi kilala ng mama mo kung sino ang ama mo.”Naging malungkot ang mukha ni Shy. Iniisip niya na baka isa siyang pagkakamali. Napansin yun ni Rosalie ang expression sa mukha niya, ngunit mas pinili nalang nitong mag-iwas tingin.“Bakit po pala mama hindi siya nakabisita dito?” malungkot na tanong ni Shy sa kaniya.Sandaling napatigil sa pagtutupi si Rosalie ng damit niya bago nagpatuloy.“Dati, ang alam ko e nag-iisa akong anak ng lolo at lola mo. Not until nagdalaga ako, nalaman ko kay mama na may kapatid pala ako sa ama.”Napasinghap si Shy. “Half-sister po ninyo ma ang totoo kong ina?”Marahang tumango si Rosalie. “Pero hindi rin yun
(Flashback)Nanlaki ang mata ni Shy matapos sabihin yun no’ng bata. Nang hubarin nito ang kaniyang sombrero, sabay na napasinghap si Shy at Rosalie dahil ang batang inakala nilang lalaki ay isa pa lang babae. Maliban doon, hindi maikakaila na ang mukha no’ng bata ay kahawig ni Shy.Bagama’t iba ang kanilang pangangatawan, hindi maikakaila ang pagkakahawig ng mukha nila. “Sino ka?” gulat na gulat na tanong ni Rosalie.Kahit si Shy, hindi rin siya makapagsalita.“Anak ako ni Hilary.. Ang pangalan ko ay Rose. B-Bakit kamukha kita?” ang tanong niya nang maisip na kamukha niya si Shy. Masiyadong okupado ang isipan niya kanina buhat sa gutom at takot kaya hindi niya napansin na magkamukha silang dalawa.Napasinghap si Rosalie nang marealize na may kakambal si Shy. ‘Kaya ba ibinigay ni Hilary si Shy? Dahil hindi niya kaya bumuhay ng dalawang bata?’Agad na lumapit si Shy kay Rose at hinawakan ang kamay nito. “Ako si Shy… Ina ko rin si H-Hilary. Nandito kami para makita siya.. N-Nasaan ang mam
(Flashback)“Magpahinga ka na muna Rose bago ka umuwi sa inyo.”Umiling si Rose at tumayo na.. Tatlong araw na siyang nasa hotel at nag-aalala na siya sa kapatid niya. “Huwag na po tita Rosalie.. Kailangan ko na pong bumalik. Iyong kapatid ko po kasi, siya lang mag-isa doon.”“A-Anak rin ba siya ni Hilary? S-Sumama nalang kayo sa amin ni Shy. Sa akin ka nalang tumira.. Tita mo naman ako.”Napatingin si Shy sa mama niya at ganoon rin si Rose. Para siyang maiiyak sa narinig. ‘Makakalaya na ba kami sa impyernong ito?’ tanong niya sa sarili niya.Pero agad niyang naisip, “hindi po papayag si tiyo Ador malayo si Rolan sa kaniya.. H-Hindi po anak ni mama si Rolan. Anak po siya ni tito sa ibang babae.”Agad na hinawakan ni Shy ang kamay ni Rose. Ayaw niyang umalis sa lugar na ito na hindi kasama ang kapatid niya. “Pero kung babalik ka doon, baka saktan ka niya ulit.. Magsumbong tayo sa pulis.”Ngumiti si Rose ng mapait. “Malabo natin siya maipakulong.. S-Si tiyo A-Ador, dealer siya ng mga dro
(Flashback)Isinugod si Rose sa hospital, habang si Rosalie ay nauwi sa kulungan. Hindi alam ni Shy anong gagawin niya. Kung sino ang hihingan ng tulong lalo’t matagal pa ang uwi ng papa niya.Kailangan pa niyang maghintay ng ilang buwan.“Huwag mo ‘kong alalahanin anak…” Sabi ni Rosalie. “Nagkausap na kami ng papa mo. Makakalabas ako dito. Ang isipin mo nalang ay si Rose. Kamusta na siya?”“Hindi pa rin po siya nagigising ma… Hindi ko po alam paano ipaliwanag sa kaniya ang balitawang wala na ang kapatid niya.”“Anong ibig mong sabihin?”“Nakita po ang katawan ni Rolan ma, sa likuran ng bahay nila..” Umiyak si Shy. “Mukhang pinatay po ni Ador. Napuno po ng bugbog ang katawan ng bata.”Kumuyom ang kamao ni Rosalie sa mga narinig niya. Hindi niya aakalain na ganitong impyerno ang makikita nila sa bayang ito. “Anak, tatagan mo ang loob mo.. Aalis tayo dito pagdating ng papa mo. Makakalaya ako dito dahil ginawa naman natin ang tama. Pinagtanggol lang natin ang sarili natin.”Tumingin si Sh
(Back to present)Nasa beach na sila ngayon. Tapos na ang kasal na inakala ni Shy at peke at gawa-gawa lang para linlangin ang Don.Si Connor ay nasa tabi ni Kallahan, may hawak silang beer at nakahilig sa railings habang nakatingin kay Shy na nakikipaglaro kay Alab at Rizallie.“Up until now, hindi ko pa rin siya lubusang kilala.” Ang sabi ni Connor. Napatingin si Kallahan sa kaniya. “Bakit mo naman nasabi?”“Hindi sila totoong anak ng mga magulang nila.” Connor.“Oh.. I see.. Wala ba siyang sinabi sayo kung sino ang magulang nila?”“Wala..”“Bakit hindi mo tanungin?”“I feel like, wala rin siyang balak na ipagsabi sa akin ang tungkol sa nakaraan niya.”“Payag ka non?” natatawang tanong ni Kallahan.“No and stop provoking me. I will never do such thing na ikakagalit niya sa akin.” Natawa si Kallahan at uminom ng beer na hawak niya.Si Shy naman ay napatingin kay Connor at nahuli niya itong nakatitig sa kaniya. Napatingin rin siya kay Kallahan at ngumiti ito sa kaniya sabay taas ng bee