(Shamcey and Kelleon)Natapos na ang masasayang araw ni Mithi dahil pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay tumodo ang pagsakit ng tiyan niya. Nang sabihin ni Kallahan kay Kelleon na manganganak na si Mithi, pumunta sila kaagad ni Shamcey kung nasaan sila Kallahan.Sa sasakyan pa lang, nag-aalala na si Shamcey para sa kaibigan niya lalo’t tatlo ang baby na kailangan niyang ilabas ngayon."Is she gonana be okay, Kell?" Shamcey asked worriedly."She'll be fine dahil sabi ni Kallahan, naroon ang lola, at mga magulang ni Mithi.""Pero Kell, nag-alala pa rin ako.""You don't have too, sweetheart. Si ate Jenny naman ang magpapaanak kay Mithi. She's a good doctor."Kelleon knows Dra. Javier dahil kapatid ito ni Damien. And him and Damien are best friends."Pero kahit na.. Nag-aalala pa rin ako."Hindi na nagsalita si Kelleon at nagconcentrate na lamang siya sa pagmamaneho para madali silang makarating.Pagdating nila ng hospital, naroon na sina Ismael at Milandro kasama nila si Kallahan na ngayon
“Kal,” sinampal sampal ni Kelleon ang mukha ni Kallahan para magising. Wala talaga siyang pinagkakaaliwan ngayon kun’di si Kallahan lang.Hinahayaan lang naman siya ni Donya Merita. Sabi pa nito, “bahala ka sa gusto mong gawin sa kaniya.”Kaya heto at umaandar ang kakulitan niya.“Huwag mong guluhin,” sabi ni Damien kasi pati siya naaalog. Gusto niyang matulog pero hindi siya makatulog dahil kay Kelleon na walang humpay sa pan ti-trip kay Kallahan.“Sandali lang naman. Gisingin na natin at baka matuluyan.” Nayayamot na si Shamcey sa tabi habang nakatingin kay Kelleon na niloloko si Kallahan.Si Milandro na naiinis kanina ay nakalabas na ang cellphone ngayon habang kinukunan ng video si Kallahan.Isa pa siyang nasa gilid na mata ang mga luha.Dahil mahaba ang buhok ni Kallahan, napagtripan nila iyon ni Kelleon kanina. Itinali nila into two pigtails.Sinasaway sila ni Damien pero hindi sila nakinig. Ika pa nila, minsan lang daw nila mabiro si Kallahan.Nakahawak na si Drew sa bibig niya
Ilang batok ang inabot ni Kelleon kay Kallahan bago sila umuwi. Nabalik na ito sa wisyo kaya pinagsusuntok niya ang mga kaibigan niya pwera kay Damien na pagod na pagod na animo’y galing sa pagbabysit ng bata.Nagpaalam na rin si Shamcey kina Donya Merita na aalis na muna sila at babalik na lang bukas ng umaga. Nakatulog pala siya kanina matapos sabihin ng nurse na maayos na ang kalagayan ni Mithi at ng triplets.“Babalik po kami bukas tita, Donya Merita…” Sabi niya. Tumingin rin siya kay Michael. “Tito, mauna na po ako sa inyo.”“Mag-ingat kayo pag-uwi ninyo,” ang sabi nila sa kanila.Umalis na sila ng hospital at habang nasa sasakyan, agad binuksan ni Shamcey ang usaping tungkol kay Mithi.“Ano kayang pakiramdam ni Mithi ngayon, Kell noh? Siguro ang saya saya niya kasi kasama na nila ang tatlong anak nila ni Kallahan.”Kelleon smiled at her while driving. “That’s given sweetheart lalo’t matagal rin nilang hinintay ni Kallahan ang mga anak nila.”“Excited na akong makita ang mga bata.
“Mithi, kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Shamcey. “Heto, maayos naman. Kamusta ka na pala? Ang tagal na nating hindi nagkita.” Maririnig ang pagtatampo sa boses ni Mithi sa. Ngumiti si Shamcey at bumaling kay Kelleon. “Nagbakasyon lang kami ni Kelleon sa isa sa villa niya. Alam mo na, para makaiwas sa stress." “Pero hinahanap raw kayo ng dad mo.” Nag-alalang sabi ni Mithi. Alam niya kasing hinahanap ng dad ni Shamcey si Shamcey at side ni Kelleon si Kelleon. “Hayaan mo si dad. Wala naman siyang magagawa saka ipapakasal pa ba niya ako e juntit na ako oh.” Aniya sabay nguso sa tiyan niyang medyo may kalakihan na. Natawa si Mithi sa sinabi niya.. “Aba, parang nagpapasalamat ka pa ah na binuntis ka ni Kelleon ah." Lumabi si Shamcey. “Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin.” Natatawang sabi niya. “Anong hindi? Parang ganoon na rin naman yun.” Sabi pa ni Mithi sa kaniya. Inirapan niya ito pero natawa rin naman siya kalaunan. “Uy, congrats pala Mithi sa safe del
Kabadong kabado si Shamcey pagdating nila sa bahay ni Kelleon. Medyo hindi siya ignorante sa mga magagarang sasakyan sa na nakaparada sa labas dahil kahit na hindi siya laging nakasakay sa makikintab at mahal na sasakyan, nakagisnan naman niya yun sa bahay ng dad niya nong hindi pa siya tumira sa mom niya. Tumingin siya kay Kelleon na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang tungkol sa family background niya. Hindi naman siya pinipilit ni Kelleon na magkwento kung ayaw niya. Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ng assistant ng dad ni Kelleon na siyang naghihintay sa pagdating nila. “Sir Kelleon, naghihintay na po ang dad niyo sa inyo.” Humigpit ang paghawak ni Kelleon sa kamay ni Shamcey habang palapit sila sa pamilya niya na ngayon ay may family meal na nagaganap. “Kuya!” Ang sabi ni Calleyah, ang kapatid ni Kelleon at lumapit sa kaniya. Maliban kay Calleyah ay naroon rin ang iba pang mga kapamilya ni Kelleon na nakatingin ngayon kay Shamcey. Halata sa mga mata nila na maba
Umalis na sina Shamcey at Kelleon matapos sagutin ng pabalang ni Shamcey ang tita ni Kelleon. Imbes uuwi sila, nagpahatid siya muli kay Mithi. "Marami akong iku-kwento kay Mithi kaya ayoko muna umuwi.""Are you mad?" Kelleon asked. "To your family, medyo. But sayo, hindi." Sagot niya."I'm sorry.. Nasanay lang kasi sila na ibang babae ang bukambibig ko." Hindi sumagot si Shamcey. She expected that already na kaya siya binabastos ay dahil sa dalawang posibilidad. Una, dahil hindi siya gusto ng mga ito para kay Kelleon dahil may ibang prospect silang gusto para dito, o dahil sa galing siya sa inakala nilang mahirap na pamilya. Pagdating nila ng hospital, agad nilang pinuntahan si Mithi. Gabi na, kaya wala na sina Ismael. Ang naabutan lang nila ay si Mithi at Kallahan kasama ng tatlong bata. Nanlaki ang mata ni Mithi nang makita si Shamcey. Akala niya e bukas pa sa makalawa niya makikita ulit ang kaibigan."Akala ko ba, meet the parents ka na? Naging okay ba ang takbo ng lahat?" t
“So ano ng plano mo ngayon?” tanong ni Mithi kay Shamcey. “Hindi ko alam. Saka kung ayaw naman nila sa akin, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Besides, marami namang tao na tanggap ako.” “Ako!” Sabi ni Mithi sabay angat ng kamay. “Tanggap kita.” Aniya. Natawa si Shamcey. She expected her to say that. “Pahawak nga ako ni Bagwis.” Sabi niya at basta kinuha ang nananahimik na si Bagwis. “Hello little bean…” Sinundot niya pa ulit ang pisngi nito pero ayaw magising. She chuckled. “You wait for my little bird to come out okay? And take care of her like how you’ll take care of Mayumi.” “Binibigyan mo na ng pasanin ang anak ko hindi pa nga yan nakakapagsalita ng mama.” "Ito naman.. Kasi ang little bean ko, wala siyang magiging kuya at kalaro.. Kaya makikikuya nalang kami sa aming kuya Bagwis at kuya Alab." Kitang kita ni Mithi kung gaano kasaya ang kaibigan niya habang nakatingin sa anak niya. “Ang swerte ng mga anak ko sayo Shams.” Nasabi niya ng wala sa oras kaya tumingin si Sha
"Sweetheart, anong gagawin ko sa susunod? What if Kelly will cry like that in the future? Hindi ko siya pwedeng isayaw?" "The Triplets were just born, Kell. You can't dance them. Masiyado pa silang fragile para alugin mo ng ganoon. At ganoon rin si Kelly natin. Hindi mo siya pwedeng alugin ng basta basta." "But it's my instinct. Out of fear, nagawa kong isayaw si Mayumi." Nagmamaneho na siya pauwi ng bahay nila. At hindi mawala sa isipan ni Kelleon ang nangyari kanina. "Yeah. I understand. So next time, don't do that again. Saka mo na isayaw ang baby kapag medyo malaki na siya." Ngumuso si Kelleon. "I think I need to learn how to take care of the baby, darling. Baka kasi mamaya I'll fail to be a father to our little bean." Natawa si Shamcey. Kahit na nataranta si Kelleon kanina, she still finds him cute. Hindi niya tuloy mapigilan alalahanin ang mukha nito. He lost his cool earlier. "Then tell Kallahan na magpaturo ka sa kaniya paano magbantay ng bata." "Punta tayo sa k