Kagabi pa sana ito pero inantok ako ng sobra.
“ANNALIESE!”Ang sigaw na yun ay nagmula ka Michael.Kumuyom naman ang kamao ni Mithi. Kanina pa sila nagcha-chat ng papa niya. Humihingi ito ng tawad sa kaniya at gusto siyang makita. Iyon ang dahilan bakit nakalimutan niyang ilagay ang phone niya sa bag dahil panay ang palitan nila ng mensahe ni Michael kanina.Sinadya ni Mithi na sabihin na check-up niya ngayon at sa resto sila pupunta pagkatapos kung nasaan sila ng mama niya ngayon para pumunta ang papa niya at makita sila ni Angel.Gusto niyang ipakita na walang gulo na namamagitan sa kanila ni Kallahan at ng mama niya. Gusto niyang ipakita na maayos naman ang lahat.Dahil gusto na niyang maging matiwasay ang pamilya niya at gustong niyang malaman ng papa niya na buhay ang mama niya ng sa ganoon makapag-usap sila. Pero hindi niya inaasahan na magpapakita si Annaliese.At mas lalo niyang hindi inaasahan na sasabuyan siya ng tubig imbes kumakain lang naman siya ng matiwasay.Galit na galit na hinablot ni Michael ang braso ni Annalie
Pumunta si Annaliese kay Michael. Sinundan niya ito pagkauwi dahil no'ng kinuha agad ni Kallahan si Mithi at Angel para e uwi, maaga ring umalis si Michael.Ayaw pa naman ni Kallahan na mastress o umiyak si Mithi dahil ayaw niyang mapano ito at ang mga anak nila.“Michael..” Napatigil si Michael sa pagpasok sa bahay niya nang marinig ang boses ni Annaliese. Pulang pula ang pisngi nito dahil sa ginawa ni Angel kanina.“Anong ginagawa mo dito?”“H-Hon… please… tulungan mo ko… Hindi ko na alam saan kami pupunta ni Analia. Si Kallahan, pinalayas niya kami sa tinutuluyan namin tapos wala na rin kaming trabaho.” Umiiyak na sabi nito. "Pinatanggalan niya kami ng trabaho."“Bakit mo sinaktan si Mithi?”“Hindi ko yun sinasadya. Nadala lang ako ng galit ko dahil inakala ko na siya ang nag-utos kay Kallahan na pahirapan kami. Michael, sorry… please… tulungan mo kami ng anak mo. Wala na kasi kaming matakbuhan pa.”Lumuhod si Annaliese sa harapan niya para lang tanggapin niya ulit. Hindi alam ni Mi
“Angel..” mahinang usal ni Michael sa pangalan niya ngunit tinignan lang siya ni Angel na para bang hindi siya nito kilala.Agad na sumugod si Annaliese lalo na nang makita kung paano natigilan si Michael matapos makita si Angel. Natatakot siyang hindi na siya tatanggapin ulit ni Michael.“Hayop ka! Tignan mo kung anong ginawa mo sa mukha ko!”Ngunit hindi siya nakalapit kay Angel dahil hinawakan siya kaagad ng mga tauhan ni Kallahan kaya si Angel ang unang sumampal sa kaniya.“Matagal ko ng gustong gawin yan sayo, Annaliese.”Napasinghap si Annaliese. Mas lalong humapdi ang mukha niyang sumobosb kanina sa mainit na sabaw.“Siguro nga maaring napatawad na kayo ni Mithi pero hindi ako. Hindi ko kayo mapatawad sa ginawa niyo sa akin at sa kaniya!”Sinamaan ni Annaliese ng tingin si Angel.“Ha! Wala kang utang na loob. Kung hindi dahil sa akin, hindi lalaki ang anak mo. Kung tutuusin, dapat magpasalamat ka sa akin dahil inalagaan ko siya. Ikaw ang walang kwentang ina dahil pinabayaan mo
“Panyo?” napatingin si Angel sa nag-abot ng panyo sa kaniya. Nakita niya ang isang lalaki na hinuha niya ay nasa 50’s or 60's na.“Akala ko ikaw ang kilala ko. Pero parang nagkamali ako."Kumunot ang noo ni Angel."Kamukha mo kasi si Mikaela.”Nanlaki ang mata niya lalo na nang banggitin nito ang pangalan ng anak niya. “Kilala mo ang anak ko?”“Anak mo?” nagtatakang sabi nito.“Anak ko si Mikaela.” Ang sabi ni Angel.Nanlaki ang mata ng lalaking nag-abot ng panyo sa kaniya. Lalo’t buong akala niya ay patay na ang ina ni Mithi.“Ikaw si Angel?”“Ah.. yes. Bakit po?”“Ako si Pablo Yeon.”Kumunot ang noo ni Angel lalo na nang matunugan ang pangalang Yeon. Hanggang sa naalala niya na ang mga Yeon ang nakasagasa sa kaniya at bumili sa anak niya.Agad nawala ang kagalakan sa mukha ni Angel. Agad siyang tumayo at tumalikod para umalis.“Teka sandali…” hinabol siya ng mga bodyguard ng chairman pero agad na sinalubong ng mga tauhan ni Kallahan ang bodyguards ni Chairman Yeon kaya wala silang na
"Huwag na nga tayong umalis." Matutunugan ang pagtatampo sa boses ni Mithi habang papunta sila ng sasakyan. "Hindi. It's alright. Tara na." "Bakit para kang nabyernes santo diyan? Ayaw mo bang sa labas tayo kakain?" Kallahan sighed. He was torn sa pagbibigyan ang kapritso ni Mithi o makikinig kay Angel lalo't para lang din naman sa kapakanan ng asawa niya ang sinasabi nito. "I'm just worried, wife. Paano kung tama si mama? Paano kung may aswang-" "Bakit ka ba nagpapaniwala sa superstitious belief? Saka ala siete pa lang ngayon, hindi pa nakakalipad ang manananggal kaya may oras pa tayo. Tiyakin lang natin na makauwi before midnight. Iyon ting labas nila e." "Wife!" reklamo niya dahil pinagti-tripan siya ni Mithi. "Tara na kasi Kal. Nagki-crave ako no'ng soup na pinangsobsob ni mama kay Annaliese e." Hindi alam ni Kallahan kung ngingiwi ba siya o ano. Pero dahil nasusunod lagi ang asawa niya, wala na siyang nagawa kun'di ang umalis nalang. Dala niya ang batalyon na bodyguards n
(9 Months) Nasa kama nalang si Mithi at halos hindi na makatayo. Kailangan niyang e cesarean dahil tatlo ang baby na ilalabas niya. Iyon rin ang advice ni Dra. Javier sa kanila. Pinakilala na kay Mithi ang ibang nurse na makakasama nila sa operation. Lahat ay bumati sa kaniya pwera sa isang nurse na hindi man lang ngumiti sa kaniya.. Bigla siyang nagtaka pero pinabayaan niya na lang. Iniisip na lang niya na baka wala lang ito sa mood o di kaya ay hindi ito palangiti. “Hello sa inyo.. Thank you sa magiging tulong ninyo sa akin.” Ang sabi ni Mithi sa kanila. “Hello po Miss Mithi… Gagawin po namin lahat ng makakaya namin para po matulungan namin kayo.” Ang sagot ng mga nurses kasama ng iba pang staff na mag-aassist sa kaniya sa araw ng panganganak niya. "Salamat po sa inyo lahat." Sagot ni Mithi at pumikit ng maramdaman na sumakit na naman ang tiyan niya. Mabilis lumipas ang dalawang buwan at ngayon nga ang linggo na hinihintay niya. Ang buwan kung saan ay kinakabahan siya, but at
(Shamcey and Kelleon)Natapos na ang masasayang araw ni Mithi dahil pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay tumodo ang pagsakit ng tiyan niya. Nang sabihin ni Kallahan kay Kelleon na manganganak na si Mithi, pumunta sila kaagad ni Shamcey kung nasaan sila Kallahan.Sa sasakyan pa lang, nag-aalala na si Shamcey para sa kaibigan niya lalo’t tatlo ang baby na kailangan niyang ilabas ngayon."Is she gonana be okay, Kell?" Shamcey asked worriedly."She'll be fine dahil sabi ni Kallahan, naroon ang lola, at mga magulang ni Mithi.""Pero Kell, nag-alala pa rin ako.""You don't have too, sweetheart. Si ate Jenny naman ang magpapaanak kay Mithi. She's a good doctor."Kelleon knows Dra. Javier dahil kapatid ito ni Damien. And him and Damien are best friends."Pero kahit na.. Nag-aalala pa rin ako."Hindi na nagsalita si Kelleon at nagconcentrate na lamang siya sa pagmamaneho para madali silang makarating.Pagdating nila ng hospital, naroon na sina Ismael at Milandro kasama nila si Kallahan na ngayon
“Kal,” sinampal sampal ni Kelleon ang mukha ni Kallahan para magising. Wala talaga siyang pinagkakaaliwan ngayon kun’di si Kallahan lang.Hinahayaan lang naman siya ni Donya Merita. Sabi pa nito, “bahala ka sa gusto mong gawin sa kaniya.”Kaya heto at umaandar ang kakulitan niya.“Huwag mong guluhin,” sabi ni Damien kasi pati siya naaalog. Gusto niyang matulog pero hindi siya makatulog dahil kay Kelleon na walang humpay sa pan ti-trip kay Kallahan.“Sandali lang naman. Gisingin na natin at baka matuluyan.” Nayayamot na si Shamcey sa tabi habang nakatingin kay Kelleon na niloloko si Kallahan.Si Milandro na naiinis kanina ay nakalabas na ang cellphone ngayon habang kinukunan ng video si Kallahan.Isa pa siyang nasa gilid na mata ang mga luha.Dahil mahaba ang buhok ni Kallahan, napagtripan nila iyon ni Kelleon kanina. Itinali nila into two pigtails.Sinasaway sila ni Damien pero hindi sila nakinig. Ika pa nila, minsan lang daw nila mabiro si Kallahan.Nakahawak na si Drew sa bibig niya