Hahahahaha. Bukas na muna ang iba. Pagod ang katawan ko ngayon at gabi ulit ako nakauwi. Bukas ako babawi po. Mag-a update ako ng more than 3. hehe. So ito na ba ang hinihintay niyo? hahahah
Agad na nilagay ni Shamcey ang gitnang daliri niya sa gitna ng labi niya para iparating kay Mithi na huwag siyang maingay. “Bakit?” Itinuro ni Shamcey ang phone niya. “KEL—YOOOON,” mahinang aniya. Naitakip ni Mithi ang kamay niya sa bibig niya. Bigla rin siyang kinabahan na baka e narinig ni Kelleon ang boses niya. At pansin ni Kelleon at Kallahan ang biglang pananahimik sa kabilang linya. Narinig nilang tumikhim muna si Shamcey bago ito nagsalita muli. “Ano…. Babalik rin ako diyan Kell. But right now, nasa bahay ako ng dad ko.”Tumaas ang kilay ni Kelleon. “Really sweetheart. So hindi mo ‘ko tinataguan gaya ng ginagawa ni Mithi?” “Huh? H-Hindi. Bakit ko naman gagawin yun?" "I don't know. You tell me why." Kinabahan si Shamcey. Agad siyang nangapa ng sasabihin niya. "Para kang sira!" Sabi ni Shamcey sa kaniya. "Saka tumigil ka nga sa inaassume mo na nilalayasan kita. Babalik rin ako agad diyan." Tumingin si Kelleon kay Kallahan. "Then tell me where you are." Nakagat ni
"Mithi, sigurado ka ba sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Shamcey sa kaniya.Tumango si Mithi. "Siguro dala ng hormones ito. A part of me wanted to hear his side. At isa pa, gusto rin yata siya makita ng baby namin. Lately kasi, lagi ko nalang siyang namimiss."Pinagsingkitan siya ng mata ni Shamcey. "Dahilan ka lang e. Ang sabihin mo, marupok ka at ikaw talaga ang nakamiss sa kaniya."Hindi nagsalita si Mithi. Sinimangutan niya lang ang kaibigan niya. Sumandal siya sa sofa at tumingin sa harapan ng TV."Paano ba yan ngayon, naniniwala ka ng walang kasalanan ang mama mo?""May kasalanan man siya o wala, mama ko pa rin si mama." Hindi klaro niyang pagsagot."Alam mo Mithi, kung anong desisyon mo, hindi kita huhusgahan. Kung gusto mong bumalik kay Kallahan, kaibigan pa rin kita. Kung hindi naman, still, kaibigan pa rin kita."Tumingin si Mithi sa kaniya."What I'm trying to say is, kung susundin mo ang gusto mo kahit na mali ito sa mata ng lahat, I want you to know that I'm always
“Don't worry as long as you love each other, walang magiging problema.” Hindi nawala sa isipan ni Mithi ang sinabi ni Connor. Nakarating na sila sa bayan, doon mismo sa hotel kung saan sila magchi-check in ni Shamcey. Nang makababa sila ng sasakyan, hinawakan ni Mithi ang damit ni Connor kaya tumigil ito at tumingin sa kaniya ng may pagtataka. "I don't love him now." Natawa si Connor. "Isang oras mo inisip ang isasagot mo sa sinabi ko. Iyon ba ang you don't love him mo?" "I hate you." Sabi ni Mithi at inirapan siya. Nginisihan lang siya ni Connor at sumunod dala ang bag niya. "Para kang teenager na nagsisinungaling sa magulang." "Bakit ba pakialamera ka? Huwag mo nga akong kausapin.” "Wala naman akong masamang sinabi. Saka bakit ang sungit mo? Wait, same room ba kayo ni Shamcey?" Nakasunod lang siya kay Mithi. Papunta sila sa second floor. Nandoon na kasi si Shamcey at hinihintay sila. Pagdating nila sa hotel room, agad silang sinalubong ni Shamcey. Nakapambahay na ito at may
“Kelleon, ano ba! Bakit mo pa ako dinala dito para mag-usap?” nagagalit na si Shamcey lalo’t ayaw pa naman niyang kinakaladkad siya ng kung sino-sino. “Is it true? Na ipagkakasundo kayo ni Connor?” Bigla siyang natahimik. “Anong sabi mo?” “He told me.” Aniya. “Na ipagkakasundo daw kayo. Paano ako, darling?” napuno ng lambing ang boses nito sa huling sinabi niya. Napakamot si Shamcey sa noo niya. Gusto nalang niyang makita si Connor ngayon at balatan ng buhay. “Pwede ba Connor— I mean Kelleon."Biglang nandilim ang mukha ni Kelleon. “Now.. I’m not happy. Let’s go straight to your father. Dapat malaman niya na ako ang gusto mo.” Kinuha ni Connor ang kamay niya kaya agad niya itong binawi. “Teka nga muna. Pwede ba, huwag ka munang praning.” Saka anong gusto pinagsasabi mo? Gusto pa sana niyang itanong. “Bakit si Connor ang nabanggit mo? Kelleon naman ang pangalan ko.” “Huy! Okay ka lang? Hindi ba pwedeng magkamali?” pang-aalaska ni Shamcey sa kaniya. Siya ang buntis pero pakira
Kinabukasan… kabado si Mithi habang papalapit siya sa resto na pinag-usapan nila ni Kallahan. Pagpunta nila Shamcey, naka close ang buong lugar. Para bang nirentahan ni Kallahan ang buong resto kaya sila lang ang tao. Pagpasok niya, alam na niya agad na pinalagyan ni Kallahan ng decoration ang buong lugar dahil maraming mga heart designs at balloon sa paligid. “Para namang magpo-propose si Kallahan sayo, Mithi.” Sabi ni Shamcey sa tabi. Nakatayo ang dalawang lalaki sa harapan, hinihintay nila na makaabot si Mithi at Shamcey sa kanila. “Darling, let’s give them a space?” sabi ni Kelleon sabay lahad ng kamay. “Hindi ako aalis dahil baka mamaya, tangayin ni Kallahan itong kaibigan ko.” Napakamot si Kelleon sa ulo niya. "We'll not go out. Sa tabi lang tayo ng sa ganoon ay makita mo pa rin sila." Pinagkunutan ni Shamcey ng noo si Kelleon bago siya tumingin kay Mithi. "Ayos lang ba iwan kita mag-isa sa kaniya?" "She's my wife. I won't hurt her." Pagsingit ni Kallahan. "You already
“Iyon lang ang gusto kong malaman… Aalis na ako.” Sabi ni Mithi. Tumalikod na sila ni Shamcey dahil buo na ang desisyon niya na hindi siya babalik kay Kallahan pero sa pagtalikod nila, nagulat sila ng makita na may mga guards na sa harapan nila. Nanlaki ang mata ni Mithi. “What’s this?” gulat na tanong niya kay Kallahan. Nakita niyang pinunasan ni Kallahan ang luha sa mga mata niya. Pagkatapos ay kinuha ang isang silya na nasa tabi lang at umupo dito habanag nakakrus ang paa. “First of all, I’m tired with the chase…” Biglang kinabahan si Mithi lalo na nang makita niya ang nakakatindig balahibo na ngiti ni Kallahan sa kaniya. “Second, bakit ka uuwi e ako ang asawa mo? Hindi ba dapat uuwi ka sa bahay ko?” "KALLAHAN! Wala ito sa usapan..” "Third, you promised you'll stay with me. Are you going to break that promise, wife?" "Nababaliw ka na ba Kallahan?" tanong ni Shamcey na itinago pa si Mithi sa likuran niya. Siya ang labis na nagagalit ngayon sa asal ni Kallahan. "I am complete
Pagdating ni Kallahan at Mithi sa bahay nila, mas dumoble ang bilang ng mga maid at security guards ang nakikita niya. Hindi niya makita si Shy, tanging si Alfred lang at ibang mga katulong dati.“Are you tired?” she heard Kallahan pero hindi niya ito pinansin.Umupo sya sa sofa at pumikit. Ang hapdi na ng mata niya kakaiyak kanina. Gusto nalang niya magpahinga ngayon.Wala rin naman siyang magagawa kung patuloy siyang makikipag-away kay Kallahan.Napamulat siya ng mata ng maramdaman na may kamay na tila humihilot sa mga paa niya.“Don’t move,” Kallahan said. “It’ll tire you kung makikipagtalo ka sa akin.”“Do you think magiging maayos tayo sa ginagawa mo?”“No. But at least I make an effort to show how sincere I am to you.”Hindi nakapagsalita si Mithi. Nakatingin lang siya sa asawa niya na seryoso sa ginagawa.“Nasaan si mama?”“Your mom can wait. Magpahinga ka muna. Pupuntahan natin siya bukas.” Sabi nito at binuhat siya para dalhin siya sa kwarto nila.“I hate you.”“I know but I l
Nagising si Mithi bandang madaling araw. Bumangon siya ngunit natigilan ng makita ang asawa niya sa sahig na natutulog. Kahit na may sapin ang hinihigaan niya, alam niyang iba pa rin ang lambot pag sa kama mismo natulog. Narinig niya ang sinabi ni Kallahan kanina sa papa niya at kay Donya Merita. Bigla siyang may napaisip. Napatawad nga niya ang papa niya kaagad, pero bakit hirap siyang maging maayos sila ni Kallahan ngayon? Bakit hirap siyang patawarin ito? Hindi niya mapilit ang sarili niya na maging okay sila. Kahit pa may baby na sa tiyan niya, hindi niya pa rin mahanap sa sarili niya na patawarin ito.Nagutom siya bigla kaya tumayo siya para magluto ng makakain niya lalo’t wala siyang maid na mauutusan dahil tulog na lahat. “Where are you going?” napatingin siya sa sahig at nakita niya si Kallahan na nakaupo na at nakatingala sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. Ngayon lang niya napansin na mahaba na pala ang buhok ni Kallahan. “Are you hungry? May gusto ka bang kainin?” Hind