Kinabukasan ay kinausap ni Cherry Lou si aling Joyce. Ayaw niyang maglihim sa ginang kaya sinabi niya ang naging desisyon niya.Malawak naman ang pang unawa ng tiyahin at naiintindihan siya nito. Ang sabi pa nga ni aling Joyce sa kanya ay kung malakas pa ito at bata-bata pa ay baka gawin din nito ang gagawin niya para sa mga taong minamahal. Pinag-iingat lang siya ng tiyahin dahil hindi biro ang papasukin niyang mundo.Nagpasalamat si Cherry kay aling Joyce dahjl sa nauunawaan siya nito at wala siyang nakikitang panghuhusga mula sa ginang. Ang suportahan siya ni aling Joyce at makitang maayos ang anak-anakan ay sapat na para sa kanya upang ipagpatuloy ang napagdesisyunan.Ibinigay niya kay aling Joyce ang perang iniabot na tulong sa kanila ni Madam Leah. Pag- iipunan na lamang niya ang pagpapachemotherapy ni Ivan hanggang sa tuluyan gumaling ang bata. Hindi naman din niya alam kung saan sila makakahagilap ng dalawang milyon para sa bone marrow transplant na isinasuggest sa kanila ng d
Matuling lumipas ang araw dalawang linggo na ang nagdaan magmula ng magsayaw si Cherry sa club. Katulad ng inaasahan ay mas dumami ang naging costumer ng club dahil kay Cherry at hindi nga naiwasan ang inggitan sa club dahil napapansin ng ibang g.r.o / dancer ang kakaibang treatment ng management kay Cherry."Oh padaanin n'yo ang bagong reyna ng club, girls. Balita ko ay malaki na ang ibinabayad sa kanya, samantalang napakasimple lang naman ng ginagawa niyang sayaw." ani ng isa sa mga datihan ng stripper sa club na si Olga."Ou nga, ano! eh puro pagkendeng at paggiling lang naman sa stage ang ginagawa. Walang kalatuy-latuy sa totoo lang girls." wika naman ng isa pang g.r.o na si Monette.Lahat ng salitang iyon ay narinig nila Cherry, Melai at Layla."At nagsalita ang matigas ang katawan na pinagsasawaan ng makita ng costumer ang maliit niyang dibdib na tinubuan ng pasas na maitim." wikang parinig ni Layla na ikinatawa ng iba na nasa loob ng dressing room at ikinausok ng ilong ng babae
Samantala sa dressing room naman ay ipinatawag ni madam Leah si Cherry. Kinabahan ang dalaga ng ipabatid sa kanya na gusto siyang makausap ng kanilang manager. Napatingin pa nga si Cherry kina Edna at Patricia na naramdaman ang kaba niya."Hindi ka naman siguro paaalisin ni madam dahil lang sa gulo ninyo nila Olga kanina, baka may gusto lang talagang sabihin sayo. Sige na puntahan mo na at baka mainip pa sa paghihintay sayo si Madam Leah." Wika ni Edna sa kanya.Tumango si Cherry at naglabas ng hangin sa bibig atsaka sumunod ng maglakad sa tumawag sa kanya papunta sa opisina ng manager nila.Pinapasok siya ng lalaking bantay sa may pinto ni Madam Leah."Madam Leah, pinatatawag mo raw ako.""Maupo ka Cherry, di ko na pattagalin ang usapan natin. Gusto kong magtopless ka mamaya sa dance number mo." pahayag ng manager sa kanya na ikinaawang ng kanyang bibig sa pagkabigla."As you can see Cherry, marami tayong costumer ngayon na nagrerequest na makita ka at makatable ka mula ng pumasok k
Pakiramdam ni Anthony ay hindi ginusto ng babaeng kanyang nagugustuhan ang ginawa nito kanina. Kailangan niyang makausap ang babae at makilala.Bumalik si Anthony sa table nila at tinanong ang dalawang babaeng katabi nila Nick at Edgar."Kilala ninyo ang babaeng nasa stage kanina, yung nasa gitna?" "Ah si Cherry yun, nagulat ako sa ginawa niya kanina kase hindi naman siya nagtatopless talaga, ngayon lang niya yun ginawa." sagot at komento ng isang babae na katable ni Edgar."Ano na naman kaya ang pakulo ng babaeng yon at bigla-bigla na lang gumawa ng eksena ngayong gabi. Gusto ata talagang talbugan si Olga. Pero infairness ganda ng dibdib niya ha!" wika pa ng isang babae na mahahalata na ayaw nito sa babaeng pinag-uusapan nila."Monette, yang bibig mo bububusan ko ng chili sauce yan kapag hindi ka pa tumigil!" galit na sita ni Layla."Woah! stop it lady, bakit kayo nag aaway ha? Andito kayo para pasayahin kami ng kaibigan ko at hindi para papanoorin ninyo kami ng pag aaway n'yo." nap
Pagkapasok ni Anthony ay may isang lalaki na may katandaan na naroon at prenteng nakaupo sa single couch."What can i do for you mister?" bungad na tanong ni Madam Leah ng maisara na ang pinto ng silid at inalok siyang maupo ng babae gamit ang pagsenyas ng kamay."Anthony Buenavidez." pakilala ng binata sa manager na umupo sa mahabang sofa."Mr. Buenavidez, anong dahilan at bakit nais mo akong makausap?" seryosong tanong ng babae."Gusto kong makausap ang babaeng nakapula sa stage kanina ms. Manager. Ang sabi sa akin ng babaeng katable ng kaibigan ko ay hindi raw nagpapatable ang babeng nakapula. Cherry.., her name is Cherry, right!? yun ang sinabi sa akin na name ng babaeng nakared." wika ni Anthony na walang paliguy ligoy."Wait, Mr.Buenavidez. Nauna ako sayo na kumausap kay ms.Leah kaya kung gusto mo ring makasama si Cherry ay dapat ay mauna ako." angal ng may edad ng lalaki na mukhang mayaman din naman pero hindi niya kilala ito."Mr. Del Mundo, like what I've said earlier hindi p
Kinaumagahan pagkagising ni Cherry ay namili na muna siya ng prutas na dadalhin niya sa ospital para sa kanyang baby Ivan. Pinalitan niya na muna ang tiyahin sa pagbabantay sa bata, alam niyang kailangan din ng pahinga ni aling Joyce at dapat ay may sapat na tulog ang ginang dahil sa sakit nitong hypertension kaya bawal itong nagpupuyat. Bago umalis ang tiyahin ay iniabot niya ang pera dito para hindi niya magastos at inutusan na rin na bumili na ito ng gamot na pang maintenance ng ginang. Nagremit din siya ng dalawang libo para sa pamilya sa probinsya hindi man siya hinihingian ng inay niya madalas naman magparinig ito na walang pera.Sinabi rin ni aling Joyce sa kanya kanina pagkarating niya na hindi naman umeepekto kay Ivan ang mga gamot na inirereseta ng doctor dahil nakikita nito na parang lumalala pa ang kalagayan ng bata. Ipinakita rin sa kanya ang mga bagong naglabasan na pasa sa katawan ni Ivan. Ang sabi raw ng doctor ay sign daw talaga iyon ng may sakit na leukemia at dadami
"3 Million Cherry, may handang bilhin ka sa halagang tatlong milyon. Hindi ko alam kung ano talaga ang intensyon niya sayo at gusto ka niyang bilhin. Pero desidido siya na mapasakanya ka. Kaya kinausap niya ko. Balak ko rin namang kausapin ka sa bagay na ito dahil alam kong talagang makakatulong sa inyo lalo na sa bata ang tatlong milyon na ini offer ni Mr.Buenavidez." litanya ni Madam Leah na hindi mapaniwalaan agad ni Cherry na may gustong bilhin siya sa malaking halaga na sobra sobra pa sa kailangan niyang pera para sa gagastusing operasyon ni Ivan."Kung tatanggapin mo ang offer ni Mr.Buenavidez ay tatawagan ko siya para makapag usap kayong dalawa." ani ng manager nila."Hindi sa itinutulak kitang tanggapin mo ang ibinibigay sayong chance na ito ni Mr.Buenavidez, Cherry. Pero kung ako ang nasa katayuan mo i grab this opportunity. Pag isipan mo rin muna at kapag nakapag decide ka na ay balikan mo ko." payo pa ni Madam Leah sa kanya."T-tanggapin ko po ang offer, hindi na po ako mag
"Narinig kong sinambit mo ang buo kong pangalan, kaya sigurado ako na pinahalukay mo na ang pagkatao ko Mr.Buenavidez. At alam kong alam mo na rin kung anong dahilan ko kung bakit ako naririto ngayon sa iyong harapan. Lahat ay gagawin ko para kay Ivan kahit na kapalit pa nun ay ang katawan ko." litanya ni Cherry na nagpahanga kay Anthony."Matutulungan kita sa pagpapagamot sa anak anakan mo. Kung hindi ka na babalik sa club at titira ka sa bahay na ito na kasama ako." ani naman ni Anthony na hindi ikinaila ang paratang sa kanya ng dalaga.Inaasahan naman ni Cherry ang kondisyon na sinabi ni Anthony sa kanya. "Pwede bang pagkatapos na lang ng operasyon ni Ivan ako tumira dito na kasama mo. Hindi ko kayang iwan ang anak ko ng hindi pa siya lubos na magaling? Kailangan niya din ako at hindi kakayanin mag isa ni Tiyang ang pag aalaga sa bata." hiling pa ni Cherry kay Anthony na nakayuko dahil sa part niya ay nahihiya siya ritong magdemand o magrequest.Seryosong tinitigan ni Anthony ang d
"Liam, pwede na wag muna natin pag usapan yan?" "Hindi ka ba komportable? okay sige, hindi na muna." tanong at saad ni Liam.Idiniretso na ni Liam si Ivan sa bahay nila Cherry at Anthony dahil mas malapit ang way kesa sa bahay nila Liam at may pasok pa si Ivan bukas.Saglit lang silang nagkamustahan nila Cherry Lou at Anthony at umuwi na rin sila sa bahay ni Liam.Inayos na muna ni Annika si Miley upang makatulog ng maayos ang bata.Nang gabi iyon ay binawian ni Liam si Annika dahil hindi ito pumayag na walang mangyaring love making sa kanilang dalawa kahit pa pagod ang lalaki.Sa loob ng banyo habang naliligo si Annika ay pinasok siya ni Liam at doon ay ilang minuto rin nilang inangkin ang isa't isa. Lumipat lang sila sa kama ng makaraos silang sabay sa loob ng banyo.Mag aalas dos na ng madaling araw ng papagpahingahin ni Liam ang katawan ni Annika. Halos lahat na ata ng position sa pakikipagt*lik ay ginawa nilang dalawa. Kung hindi pa sumuko si Annika ay hindi pa rin siguro siya
Tanghali na ng magpasyang umalis sina Liam sa bahay. Silang tatlo lang nila Miley ang magkakasamang umalis.Nagtaka si Annika ng ihinto ni Liam ang sasakyan nito sa tapat ng school nila Ivan at nagulat din siya ng makita niyang lumabas ang anak niya sa gate ng school."Anong ginagawa natin dito, bakit lumabas ng school si Ivan?" tanong ni Annika ng papalapit si Ivan sa kotseng kinalululanan nila.Lumabas ng kotse si Liam at sinalubong si Ivan para kuhanin ang dalang bag ng bata."Hi Ma, kanina pa kayo? sorry dumaan pa kase ako ng banyo bago ako tuluyang lumabas ng school." bati ni Ivan kay Annika na humalik pa sa pisngi ni Annika bago umayos ng upo sa loob ng kotse."Kararating lang namin, anak." sagot ni Annika kay Ivan."Ipinagpaalam ko si Ivan kina Anthony at Cherry kanina. Sila ang tumawag sa school para payagang makalabas ng maaga si Ivan." paliwanag ni Liam kay Annika ng ito naman ang makabalik ng upo sa drivers seat."Buti napapayag mo?" wika ni Annika."Sinabi kong kasama kita
"Yehey! hindi na aalis si Nurse Annika." masayang turan ni Miley ng ipaalam nila sa bata na hindi na muna aalis si Annika pero agad rin nalungkot ng sabihin ni Annika na kailangan pa rin niyang bumalik sa States."Wag kang mag alala baby Miley, babalik din ako agad. Hindi ako magtatagal doon, may mga kailangan lang talaga akong gawin na importante sa States." paliwanag niya sa bata at napatingin siya kay Liam na tahimik lang sa isang sulok."Promise mo yan, Nurse Annika?""Promise, baby. Babalikan kita.""Okay, thank you po, nurse Annika." masigla ng wika ng bata."Kailan ka aalis?" tanong ni Liam."Gusto ko sanang makasama muna si Ivan bago ako mag flight sa sunod na araw. May ticket na ko Liam, sayang naman kung hindi ko gagamitin hindi ko naman marerefund ang naibayad ko na.""Sasama kami sayo ni Miley." saad ni Liam na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya."What?!" bulalas na tanong ni Annika."I said, sasama kami ni Miley sayo sa states.""Are you serious, Liam?""Ayaw mo?" tano
Kinabukasan ng umaga ay magkakasabay na nag almusal sina Annika, Liam at Miley sa dining room. "Liam, baby Miley, sasamantalahin ko na ang oras na ito para makapagpaalam na sa inyong dalawa. Sa isang araw na ang balik ko sa states. Ito ang araw na last day ko ng makakasama kayo. Bukas ng umaga ay aalis na ako, may mga kailangan kase akong gawin bago ako mag flight sa isang araw." aning wika ni Annika na ikinatigil ni Liam sa pagsubo at napasulyap ng tingin kay Annika."I-iiwanan mo rin ako, nurse Annika?!" nalulungkot na tanong agad ng anak ni Liam."I'm sorry baby Miley, kailangan kong bumalik sa states dahil may trabaho akong naiwan doon." paliwanag niya sa bata."Wag mo kong iwan, nurse Annika, please.. Ayokong umalis ka. Daddy, do something ayokong umalis si nurse Annika. Ayokong iwan niya tayo, Daddy..." naiiyak ng wika ni Miley sa kanila.Nagkatinginan sina Liam at Annika."Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" seryosong tanong ni Liam kay Annika na hindi na nakakain at
Magdadalawang linggo na ang araw na lumipas.Nakailang bisita na rin kay Annika sina Cherry at Ivan kasama ang mga anak ni Cherry Lou at Anthony na ikinasasaya ng batang si Miley dahil nagkakaroon ito ng kalaro.Naging mas malapit pa ang bata kay Annika. Madalas din si Annika na sa tabi ng bata nakakatulog sa gabi dahil binabasahan niya ito palagi ng story book.Isang gabi ay dumating si Liam na malalim na ang gabi at naisipan niyang silipin na muna ang kanyang anak sa silid nito. Ilang araw din kase siyang nagpakabusy sa work kaya nawalan na naman siya ng panahon kay Miley. Isa pang dahilan ay gusto rin niyang iwasan muna si Annika dahil ramdam niyang nahuhulog na ang loob niya sa hipag ng pinsan niya.Nung nakaraang gabi ay nakipagkita siya kay Anthony sa labas. Tinanong niya ang pinsan niya tungkol kay Annika. Inalam niya ang lahat-lahat sa buhay ng dalaga at inamin niya kay Anthony na may nararamdaman na siyang special kay Annika.Wala namang inilihim si Anthony sa kanya. Dahil an
Tunog ng cellphone ang narinig nila Annika at Manang Lumeng na nasa bulsa pala ng ginang. Mabilis na kinuha ni Manang Lumeng sa bulsa nito ang cellphone at agad ding sinagot ng makita kung sino ang tumatawag."Si Miley, gising na." pagpapabatid muna ng ginang kay Annika."Miley, narito ako sa labas ng silid mo." wika ni Manang Lumeng sa kausap sa cellphone at binuksan ang pintuan sa tabi ng silid ni Annika."Sumunod ka sa akin, Annika." utos sa kanya ng matandang babae."Manang, sino po siya?" tanong ng batang titig na titig sa mukha ni Annika."M-Mommy?!" sambit ng bata na nakatitig pa rin kay Annika.Napatitig na rin si Manang Lumeng kay Annika na napakunot ang noo dahil sa tinawag siyang mommy ni Miley.Napangiti si Manang Lumeng na marealize nitong kahawig niya ang ina ng bata."Kaya naman pala, kahawig mo Annika si Mylene kapag natitigan ka ng matagal." ang sabi sa kanya ni Manang Lumeng."Miley, siya si Miss Annika, ang bago mong nurse. Hindi siya ang mommy mo." saad ng ginang s
"May problema ba?" tanong agad ni Anthony ng isara ni Liam ang pintuan ng opisina nito sa bahay."Sure ka bang nurse yang hipag mo?"Natawa si Anthony sa tanong ni Liam."Dean's lister at with honor si Annika ng mag graduate sa america, Liam. Sure akong nurse siya dahil licensed nurse din ang hipag ko. Why? hindi ba halata sa kanya?""The way she talk to me, hindi ko gusto kung paano niya ako kausapin, Anthony." angal ni Liam sa pinsan.Muling natawa si Anthony sa sinabi ni Liam na akala mo ay ngayon lang ito nasagot ng pabalang."So ayaw mo siyang mag alaga kay Miley? hanap ka na lang ba ng iba? Kase sa akin naman ay okay lang dahil ang totoo ay ayaw sana siyang payagan ni Cherry na magtrabaho dahil sayang ang araw na bakasyon ni Annika dito sa atin. 3 weeks na lang ay babalik na rin siya sa states. Napakiusapan ko lang talaga siya kaya siya pumayag.""Babalik pa pala siya ng states." komento ni Liam."Yes, sinabi ko naman sayo kagabi na pansamantala lang siyang magkicaregiver kay Mi
Kinaumagahan matapos nilang mag almusal ay inihatid na ni Anthony si Annika sa bahay ng pinsan niyang si Liam sa Alabang.Napakalawak at laki ng modern style na bahay na hinintuan nila ng kanyang bayaw. Maganda rin naman at malaki ang bahay nila Anthony pero masasabi niyang mas malaki ang bahay ng pinsan ng bayaw niya."Hindi mo sinabi na mansyon ang bahay ng pinsan mo, Anthony." "Mansyon ba ang tingin mo sa bahay niya. Normal lang kase para sa akin ang ganyang bahay, Annika." seryosong saad ni Anthony."Wow, Oo na, sige na, kayo na ang mga mayayaman at kami na ang mga mahihirap, Anthony." sarkastikong saad ni Annika na tinawanan lang ni Anthony."Hindi pumasok ngayon si Liam sa opisina dahil gusto ka niyang makita at makilala at maibriefing na rin sa magiging trabaho mo." saad ni Anthony na ipinasok na ang kotse nito sa malawak na bakuran ng bahay ng pinsan nito."And that's good for me. Mas okay sa akin na siya mismo ang makausap at makaharap ko muna bago ang iba." aning sagot ni A
Kinabukasan ay nagpaalam si Annika kina Cherry Lou na isasama niya si Ivan sa Tarlac para dalawin ang pamilya ng tunay niyang ina. Pumayag si Cherry Lou pero ang gusto ng kapatid niya ay ihatid sila doon at babalikan na lang kapag uuwi na.Pumayag na rin si Annika sa suhestiyon ni Cherry Lou para maging komportable rin si Ivan sa byahe nila. Maaga silang umalis ng bahay ng araw na yun at gabi naman na sila nakabalik ng bahay nila Cherry.Hindi rin kase sila nagtagal sa Tarlac kinumusta lang niya ang pamilya niya at nagbigay ng pasalubong at binigyan lang sila ng ilang oras ni Cherry Lou para makapagkwentuhan pa kasama si Ivan na kinagiliwan ng ina at ate rin ni Annika kanina. Nag abot na lang din siyaLumipas ang isang linggo at nakakaramdam na ng pagkainip si Annika. Sanay kase siyang palaging inaabala ang sarili sa trabaho sa araw-araw. Parang gusto na nga niyang bumalik sa states dahil hindi rin naman niya nakakasama ng matagal ang anak niya dahil maghapon nasa school si Ivan.Kina