"Wala ka man lang bang itatanong sa mga rules na na ipinalagay ko diyan?"seryosong tanong ni Anthony dahil ang inaasahan niya ay aangal ang dalaga. Pwede naman siyang mag adjust kung may ipapabago ito o ipapaalis ito sa kanya. Sinusubukan lang niya ang katatagan nito at kung gaano kadeterminado itong makahanap ng pang paopera ng anak anakan nito."Para saan pa? napirmahan ko naman na di ba!?" mataray na sagot ni Cherry."Sigurado ka? pumapayag ka na magkasama tayo sa iisang kwarto?" muling tanong ni Anthony."Kaya mo nga ako binili ng tatlong milyon di ba, dahil gusto mo ko ang sabi mo!. Expected ko na yan! na may mangyayari sa ating dalawa sa loob ng kwarto Mr.Buenavidez. Bago ako pumayag sa offer mo at nagpunta rito, alam ko na ang maaaring mangyari sa akin. Nakahanda ako sa aking papasukin. Sinabi ko sa sarili ko na lahat ay gagawin ko gumaling lang ang anak ko sa sakit niya. Na pirmahan ko na pero parang hindi ka makapaniwala. Wala pa naman nangyayari sa atin at hindi ko pa hawak
Matalas ang naging pandama ni aling Joyce kaya gusto man na ilihim ng dalaga ang panibagong pinasok niyang sitwasyon sa buhay ay sinabi na rin niya ang totoo rito ng makatulog na si Ivan.Inaya niya sa labas ang tiyahin at iniwan na muna si Anthony kanina para bantayan ang bata na hindi naman nakatanggi nang si aling Joyce na ang nakiusap sa kanya.Tinanggap naman ni aling Joyce ang naging desisyon ni Cherry. Hindi man gusto ni aling Joyce ang mga ginawa ng dalaga pero hindi naman niya ito mahusgahan dahil alam niya ang dahilan nito kung bakit inilulubog ni Cherry ang sarili sa putikan. Pinagdarasal na lang niya na sana ay malagpasan ni Cherry ang mga pagsubok at makaahon pa ang dalaga sa kinasadlakan nitong kapalaran."Hindi pa ba tayo aalis? Bumalik na lang tayo bukas para maasikaso ang paglipat sa ibang ospital ng anak mo. Inaantok na rin kase ako, Tiyang, mauuna na po kami ng pamangkin mo. Babalik po kami bukas ng umaga. Ipapalipat ko sa private hospital ang bata, mas magiging oka
May nakita siyang leggins short na ginagamit ata ng lalaki pag nagbibisekleta o nag e exercise ito. Iyon na lamang ang kanyang isinuot, mahaba naman ang damit niya kaya komportable na siya kahit na papaano. Lumabas siya ng silid at hinanap si Anthony hanggang sa makarating siya sa dining room ng bahay."Maupo ka na." utos sa kanya ng lalaki."Sorry, kung natagalan ako." umupo siya malapit lang kay Anthony dahil doon nakapwesto ang kanyang plato."Hinintay mo pa talaga ako, sana nauna ka nang kumain. Gutom ka na kanina pa di ba!? Pwede naman akong kumain mag isa kahit sa kusina lang." pagpansin niya sa plato ni Anthony na wala pang laman at malinis pa."Tama ka gutom nga ako kanina pa, pero gusto kong kasabay kang kumain." sagot ni Anthony sabay abot sa kanya ng kanin.Bigla namang nag blush ang mukha ng dalaga dahil sa sinabi ng lalaki. "Thank you." at sinimulan na ang pagkain na minsan ay panakanaka na sinusulyapan ni Cherry si Anthony at maya maya naman ang abot ng ulam nito sa kany
"A-anong ibig mong sabihin? T-teka, hindi pa ko hand.." kinakabahan niyang saad pero hindi na niya naituloy ang sasabihin ng ilapat ni Anthony ang labi nito sa kanyang labi.Namilog ang kanyang mata sa paghalik sa kanya ng lalaki. At sa kabiglaanan ay naitulak niya si Anthony."Whats your problem, Lady? Nakalimutan mo na ba agad ang pinirmahan mo kagabi o gusto mong ipakita ko sayo ang copy ng makaalala ka." angil ni Anthony."S-sorry, Ano kase hindi pa ko nakapagtake ng pills. Hindi mo naman siguro gustong mabuntis ako o magkaanak tayong dalawa hindi ba!? Wala naman sa pinirmahan ko na bibigyan kita ng anak." Palusot niyang saad. Pero ang totoo ay dahilan lamang niya iyon."I know what im doing, Cherry." seryosong saad ni Anthony at bumulong sa kanyang tenga. "I have a lot of condoms." at humarap sa kanyang mukha na malawak ang pagkakangisi."P-pwede bang mamaya na lang?" saad pang muli ni Cherry."Akala ko ba ang sabi mo lahat ay gagawin mo para sa anak anakan mo na kahit na kapalit
Nang matapos sila ay bumangon din agad si Cherry upang linisan ang katawan. Naalala niya ang namagitan sa kanila ng lalaki, at sa nangyare sa kanila ni Anthony ay hindi pala ito gumamit ng condom. Mabuti na lamang at sinunod niya ang payo ni Madam Leah sa kanya na magpacontraceptive injection, isang linggo pa lang siya sa club na nagsasayaw noon ng isuggest ito sa kanya ng manager ng club.Nakabihis na siya ng lumabas ng banyo. Nakaupo naman sa ibabaw ng kama si Anthony at hinihintay siyang makalabas ng cr."Hintayin mo ko. Sabay na tayong magpunta ng ospital. Sasama ako sayo na asikasuhin ang mga dapat na gawin para sa paglipat ni Ivan sa isang private ospital. Pagkatapos natin doon ay mamimili tayo ng gamit mo." wika ni Anthony."Hindi mo naman kailangan gawin pa ito Anthony. Sapat na ang naitulong mong pera, kami na ni tiyang bahala sa lahat. Hindi mo na obligasyon pa si Ivan." wika niya sa lalaki."Gusto kong tumulong Cherry sa pagpapagamot sa bata. Mauna ka na sa ibaba." wika pa
Sa ospital ng makarating sila ay kasama ni Cherry si Anthony na nakipag-usap kay doktora Arevalo. Katulad nga ng sinabi ni Anthony ay nagawa nitong ilipat ng pribadong hospital si Ivan. Sumalang din sina Cherry at Anthony sa cheek swab test para malaman kung mayroong makamatch si Ivan sa kanila. Nagpatulong na rin si Anthony sa hospital na magpahanap ng kamatch ng bata upang mapabilis ang operasyon ni Ivan.Habang nakikipag-one on one talk si Cherry sa doctor ay maraming nalaman si Anthony sa buhay ng dalaga. Sinabi kase ng doctor na mas madali kung sa relatives ng bata sila hahanap ng ka match nito at isang daang porsyento ang kagalingan ng bata kung ang kapatid nito ang magiging kamatch. At ipinaliwanag nga ni Cherry na hindi niya anak si Ivan kundi anak ng kaibigan niya na hindi niya kilala ang nakabuntis at iniwan sa kanya ang bata mula pagkasilang na ibinilin pa sa kanya kaya siya na ang tumayong ina. Wala na siyang alam sa kaibigan kung nasaan na ito. Nagsinungaling naman si Che
Pagkatapos ng kumustahan nila Sylvia at Anthony na dati palang magkaklase noong highschool ay naghiwalay na rin silang apat ng mag aya ng umalis ang asawa ni Sylvia na si Matthew.Sinimangutan naman ni Cherry si Anthony ng silang dalawa na lamang dahil sa sinabi nito kanina na asawa siya nito."What's your face woman?" seryosong tanong ni Anthony."Anong what's your face ka diyan ha? Bakit mo sinabing asawa kita kay sir Matthew? Alam mo ikaw, sinungaling ka rin eh noh! Hindi mo naman kailangan na gawin yun ah! Nakakahiya tuloy kay Maam Sylvia baka isipin pa non na gold digger ako ngayon dahil nakapangasawa ako ng milyonaryo kahit hindi naman totoo. Nakakainis ka!" pag- rarant na naman ni Cherry Lou sa lalaki."So what, kung anong isipin nila sayo, the hell i care!? Naiinis ka ba dahil sinabi kong asawa kita? Parang ganun din naman ang status natin ngayon ah! magkasama tayo sa iisang bahay, magkatabi tayong matulog at ginagawa natin ang ginagawa ng mag asawa." sagot ni Anthony sa mga s
Niyakap ni Anthony si Cherry na ikinapagtataka ng dalaga sa kilos ng lalaki. Dahil kung titignan sila ay para silang nagmamahalang dalawa. Dahil pagod ang katawang lupa ng dalaga ay hinayaan niya na lamang ang lalaki sa pagyakap sa kanya.Pareho silang gising pa at walang nagsasalita. Paghinga lang nila ang maririnig sa silid. Maya- maya ay tumayo na sa pagkakahiga si Anthony at binuhat si Cherry."Teka, anong ginagawa mo, saan mo ko dadalhin?""Sa banyo, maliligo tayong dalawa. Wag ka nang umangal, gusto kong sulitin ang gabing ito Cherry. I want to enjoy this night.""Pero inaantok na ko!" "Hindi kita patutulugin ngayong gabi!" sagot naman ni Anthony.Umawang ang bibig ni Cherry at hindi na tumanggi pa sa lalaki. Nawala na ang lahat ng inhibisyon niya sa katawan, nawala na rin ang takot niya at higit sa lahat hindi na pumasok sa isipan niya ang multo ng nakaraan, habang pinagpapala ni Anthony ang sarili nito, gamit ang kanyang katawan.Hindi niya alam paano nagawa ni Anthony na map