Noong panahong iyon, kakakasal lamang niya kay Dexter, dahil ipinagkasundo siya dito ng lolo nito. Alam niyang hindi maganda ang kalusugan ni Dexter, kaya't nagsikap siyang magluto upang makapagbigay sa lalaki ng mainit at masarap na pagkain kapag umuuwi ito sa madaling araw galing sa trabaho. Ngay
Si Liam ay gutom na gutom, kaya't masayang kumakain. Bigla niyang napansin ang mga matang nakatutok sa kanya. Mabilis niyang nilingon ang mga iyon, at doon pa lang napansin ang kanyang ama na nasa harapan na niya. Tinanong niya si Sapphire, "may butil ba ng kanin sa aking gilid ng labi?"Ngumiti an
Dahan-dahang itinaas ni Ezekiel ang manggas ng kanyang kamiseta, at naalala ang malungkot na sulyap ni Sapphire matapos ang kanilang usapan. Ang kanyang ngiti ay may lalim at may kahulugan, "Hindi ko alam kung masarap,pero tiyak na magugustuhan ko ito,"bahagya niya pang kinindatan ang babae, na pin
Matapos maligo, suot ni Ezekiel ang simpleng itim na T-shirt at maong na shorts, ipinapakita ang magandang pangangatawan na may malalapad na balikat at makipot na baywang. Ang kanyang katawan ay payat, tuwid, at elegante. Sa simpleng pagtayo, mayroon siyang alindog na kayang magpatigil ng ilaw at an
"Kung tatanungin ni Kuya Dexter, sabihin mo na lang na aksidente akong nagkasakit at nilagnat habang naliligo, kaya kailangan mong manatili dito para alagaan ako." suhestiyon ng bata sa kanya, "nais din naman kitang makasama. Saka base sa hitsura mo, mukhang ayaw mo namang umuwi sa kanya." "Hindi,
Sa mga sandaling iyon, madilim at tahimik ang buong lumang bahay. Pagpasok ni Sapphire sa villa, biglaang nagliwanag ang mga ilaw, masakit sa kanyang mga mata ang tindi ng liwanag. Labis siyang nagulat. Pumikit siya ng bahagya bago muling dumilat. Doon niya napansin si Dexter na nakaupo sa sofa sa
Maya-maya, pumasok ang isang kasambahay na may dalang malilinis na damit. Dahil tila kalmado ang atmospera sa silid, kinuha niya ang isa sa mga bago at maayos na kamiseta at sinabi kay Sapphire bilang pagpapakitang-gilas. “Young Madam, nahulog po ito mula sa inyong bag noong isang araw. Nilabhan k
Kung hindi pa nito ang nagbanggit ang kapatid, hindi sana maisip ni Sapphire ang tungkol dito. At may kakapalan din ngang tanungin siya ng ganoon.. parang kasalanan pa niya na mapapalapit siya sa kanyang kapatid. Natatakot ba itong saktan niya ang ahas na iyon? Isang malamig na hangin ang humaplos
Mahinang nagpasalamat si Sapphire at tumayo sa tabi ng kotse, bahagyang nag-aalangan, hindi alam kung susundan ba niya si Ezekiel. Sa huli, siya mismo ang nagpumilit na sumama rito ngayong gabi nang walang pahintulot ng nito. Parang inoffer niya ang kanyang sarili. Buhat-buhat ni Ezekiel ang batan
Narinig ni Sapphire ang sinabi ni Ezekiel at hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni Dexter tungkol dito. "Hindi umaasa sa awa ang pamilya Briones, at hindi malambot ang puso ng tito ko." paulit ulit iyong umuukilkil sa kanyang isipan. Habang nag-aatubili siya at gustong magsalita, big
Magpapaliwanag pa sana siya nang biglang putulin ni Ezekiel ang kanyang sasabihin, "Hmm." Natigilan si Sapphire at napatingin sa lalaki nang may pagtataka. Sa ganoong kalaking isyu, inakala niyang uusisain pa ito ni Ezekiel, ngunit laking gulat niya na tila wala man lang itong interes na alamin
Pagdating sa kotse, kinuha ni Sapphire ang kahon ng gamot, ibinuhos ang gamot sa isang kutsara, habang mahinahong kinukumbinsi si Liam na ibuka ang bibig at inumin ito. Maagang umalis si Marcus dahil may aasikasuhin pa itong trabaho, kaya si Liam ay buhat-buhat lamang ni Ezekiel gamit ang kanyang
Kumibot ang mahahabang pilikmata ni Sapphire sa narinig ngunit hindi niya balak sumagot. Masyado siyang niloko ni Dexter, at ayaw na niyang maniwala sa kahit isang salita mula sa lalaki. Isa itong talamak na sinungaling. Ilang sandaling natahimik si Dexter at, sa kabila ng hindi kasiyahan ni Lauri
Pagkabigkas ng mga salitang iyon, natahimik ang lahat, kabilang na ang mga kasambahay ng pamilya Briones. Napanganga si Emerald sa gulat at agad na ibinaba ang ulo, nahihiya sa kanyang naging reaksyon, ngunit may kislap ng hindi makapaniwalang tuwa sa kanyang mga mata. Ito na ang hinihintay niyang
Sinamantala ni Sapphire ang pagkakataon upang umatras ng dalawang hakbang, binuhat si Liam at naglakad patungo sa lumang bahay, "Malalaman mo rin." Bago pa siya makalayo, napahawak si Ara sa kanyang mukha at tila naalimpungatan, saka sumigaw ng matinis na tinig na umalingawngaw sa gabi, "Daddy, lol
"Hmph, talaga naman." Napasinghot si Liam. Kumpara sa dati niyang talino at kakulitan, sa sandaling ito ay mas mukha siyang limang taong gulang na bata. Bahagya niyang ikiniling ang kanyang maliit na ulo at kinausap si Sapphire "Pero ayoko ng iniksyon at pag-inom ng gamot. Huwag na tayong magpunta s
Habang lihim niyang pinupuri ang kanyang matatag na desisyon, narinig niya ang tinig ni Sapphire na parang nabasag sa bawat salitang binanggit, unti-unting humihip sa hangin ng gabi, "Kaya pala ang hiling ni lolo ang tanging dahilan kung bakit ka pumayag na pakasalan ako. Hindi na pala ako maaaring