SUNOD-SUNOD ang patak ng luha. Bawat taghoy ay sinasabayan nang bawat patak ng ulan. Madilim na at malungkot. Kaliwa't-kanan ang nakapayong dahil sa matinding buhos ng ulan.
"Stella!" hiyaw ni Tita Mayet.
Katulad nila ako man ay umiiyak din. Naghihinagpis sa pagkawala ni Mama. Naroon lang ako sa tabi. Yakap ni Papa habang tahimik din itong lumuluha.
"Halika na, Mayet. Tanggapin na natin na wala na si Stella," sabi ni Tito Rodrigo kay Tita Mayet. Ang kapatid ni Mama. Hinila siya sa braso para makasilong ng maayos dahil nababasa na si Tita sa ulan.
Humahagulgol pa rin si Tita pero nakuha niyang umalis sa harap ng lapida ni Mama. Unti-unting umalis ang mga nakilibing. Naiwan kami ni Papa na basa na rin ng ulan pero tila ba tulad ko ayaw din ni Papa iwan si Mama doon. Kahit na ba lumalakas pa ang ulan.
"Papa..." tawag ko kay Papa dahil tila natulala na siya. Hindi na maayos ang pagkakahawak niya sa payong namin kaya mas lalo kaming nababasa ng ulan.
"S-stella..." garalgal ang boses ni Papa kaya pati ako na medyo natigil na sa pag-iyak ay napangiwi na at bumuhos din ang luha.
Kumirot ang dibdib ko dahil nakita kong hirap na hirap si Papa. Kanina tahimik lang siya. Hindi nagsasalita. Hindi umiiyak pero nang unti-unti ng ibinababa ang kabaong ni Mama ay pumatak na ang kanyang luha.
Ang Papa ko na ni minsan hindi ko nakitaan ng kahinaan. Si Papa na hindi ko kailanman nakitang manghina at umiyak ay bigla na lang wasak na wasak ngayon dahil sa nangyari kay Mama.
"Kumain ka na."
Tahimik akong kumuha ng kanin. Napakurap-kurap ako. Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib habang sumasandok na ng pagkain. Dapat na yata akong masanay na wala si Mama.
Noong nandito siya, palagi niya akong inaasikaso. Kahit na Grade 4 na ko si Mama pa rin ang nagsasandok ng ulam at kanin ko. Nag-iisa lang akong anak kaya alagang-alaga ako ng mga magulang ko. Ang atensyon nila ay nasa akin lang.
Ngayon, kami na lang ni Papa ang nakatira sa bahay ngayon. Dalawang araw pa lang naililibing si Mama pero para lang iyong kahapon. Maging ang panahon na hawak ko iyong kamay niya habang nasa hospital siya ay parang kailan lang din.
Nanubig bigla ang aking mga mata.
"Ava, huwag kang umiyak. Malulungkot ang Mama mo kapag nakita ka niya na ganyan," sabi ni Papa habang kumukuha ng sarili nitong kanin.
Ngumiwi ang aking bibig at kinuskos ang mga mata.
"Wala naman siya dito, Papa. Paano niya ako nakikitang umiiyak?" inosente kong tanong.
"Nandito lang siya. Nanunuod sa atin. Hindi man natin nakikita pero nararamdaman ko binabantayan tayo ni... M-mama. Lalo ka na, kasi mahal na mahal ka niya." Pumiyok ang boses at namumula na ang mga mata ni Papa ng ipaliwanag sa akin iyon.
Binagsak ko ang mga mata sa plato at humikbi. Sinusubukan kong pigilan pero hindi ko magawa dahil nalulungkot ako. Paano ko pipigilan kung siya nga nanghihina din.
Alam kong masakit para kay Papa dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Naririnig ko siya na umiiyak sa gabi. Katabi ko lang kasi ang kwarto niya. Kaya minsan gusto ko siya tabihan sa pagtulog at yakapin. Kaso hindi naman ako sanay na sweet kami ni Papa.
Kami lang ni Mama ang ganoon. Kaya kailangan kong sanayin ang sarili ko sa maraming bagay.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi mo mamaya. Huwag ka ng maglakad. Ito, pamasahe mo sa tricycle. Mag-antay ka na lang ng kasabay. Kulang ito pang-special."
"Okay lang, Papa."
Niyakap ako ni Papa bago ko siya tinalikuran at nanakbo papasok sa gate.
"Ava! Si Papa mo naghatid sa'yo?" tanong ng nakasabay kong classmate.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa nang kung ano. Ngayon lang ako ihahatid ni Papa dahil unang araw ko ulit sa pagbalik eskwela simula nang nagkasakit at namatay si Mama.
Malungkot akong kumakain ng tanghalian. Itlog na nilaga ang aking ulam. Hindi na nakapagprito si Papa. Naglaga siya ng itlog habang naliligo. Hindi naman kasi si Papa kumikilos sa bahay. Hindi rin siya talaga ang umaasikaso sa akin kaya nangangapa din siya. Ako din ang tinatanong niya.
Malungkot akong tumingin sa ibang classmate ko na pinuntahan pa sila ng Mama nila para maghatid ng tanghalian. Iyong iba pareho ko na pinapabaunan na lang. Noon kasi na buhay si Mama. Tuwing tanghali naghahatid si Mama ng pagkain ko. Para daw mainit pa at ganahan akong kumain.
Pilit kong nilunok ang pagkain. Para akong maiiyak dahil naawa sa sarili. Naiingit sa iba na mayroon pa silang ina.
Nagtapos ako ng grade school at nagkaroon si Papa ng bagong trabaho. Naging driver siya ng isang mayamang pamilya. Chinese ang mga amo ni Papa at minsan na akong nakapunta sa maganda at malaking bahay ng amo niya.
Nasanay na ako na wala si Mama. Natuto ako sa gawaing bahay na noon hindi ko naman alam. Naging independent ako dahil wala din naman akong pagpipilian. Laging wala si Papa dahil sa trabaho at gabi na lang kami nagkikita. Dati kasi siyang security guard sa kilalang pawnshop.
Napilitan akong kumilos at asikasuhin ang sarili. Simula ng napunta si Papa sa mga amo nitong Chinese ay nagbago kahit papaano ang buhay namin.
Hindi man sobrang hirap tulad noon, masasabi kong um-okay naman sa ngayon. Nabibili na ako ni Papa ng cake sa tuwing birthday ko. Ang baon ko ay naging fifty na ngayon samantalang dati sampu lang iyon.
Nagtapos ako ng senior high na may highest honor. Ganunpaman, ang teacher ko iyong nagsabit ng medals ko dahil hindi makakadalo si Papa gawa ng trabaho nito.
Lahat ng kamag-anak namin ay nasa probinsya. Huli ko silang nakita ay iyong nilibing si Mama. Oo nga pala, namatay ang mama ko dahil sa bukol daw sa ulo. Wala naman akong masyadong alam talaga noon pero ang tumatak sa isip ko. Mahirap na klase ng sakit iyon at kailangan ng malaking halaga para ma-operahan agad si Mama. Dahil sa kahirapan kaya napabayaan. Hindi agad napagamot. Hanggang sa tuluyan na niya kaming iwan.
Tumalon ako sa tuwa nang sabihin ni Papa na pumapayag na ito sa kurso kong political science. Noon pa, gusto ko ng mag-abogado pero sabi ni Papa pumili ako ng ibang kurso dahil hindi niya iyon kaya.
Kaya ganoon na lang ang tuwa ko nang sabihin niya na ituloy ko na. Mag-e-enroll pa man din sana ako bukas sa kursong BSED pero mukhang magbabago na.
Ilang buwan pa naman akong malungkot kasi gusto ko talaga maging isang abogado. Sabi ko nga kapag nakatapos ako at nakahanap ng trabaho. Kung kaya ko pa, mag-aaral talaga ako ulit at itutuloy ko ang pangarap ko pero mukhang si Papa na ang gagawa ng paraan para maabot ko ang pangarap ko.
“Mag-aral ka ng mabuti. Alam ko na masaya ang Mama mo dahil pinayagan kita sa kursong gusto mo.”
Ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si Papa. Simula ng nawala si Mama ay naging malambing na ko sa kanya. Mas naging open ako sa sarili kong ama.
“Pagbubutihan ko, Papa!” mangiyak-ngiyak kong sabi.
Ganado ako mag-aral. Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko. Kaya nang nagsimula na ang pasukan pag-aaral lang talaga ang inatupag ko.
“Ava! Sama ka na mamaya! Mag-iinuman sa bahay nila Peter,” yaya sa akin ni Aisha. Classmate ko.
Umiling ako habang nililigpit ng mga gamit. May isang oras na break kami. Pagkatapos ay sunod-sunod na ang klase. Dalawang major subjects at isang minor mamayang alas-kwatro ng hapon. Kanina pa nila pinag-uusapan ang tungkol sa inuman.
Noong nakaraang araw kasi ay nagpunta na sila sa bahay ni Peter at panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga nangyari.
“Minor subject lang naman ‘yon! Tsaka baka wala ulit si Maam.”
Umiling ako ulit at ngumiti.
“Hindi p’wede kasi. Sa susunod na lang.”
“Hayaan niyo na si Ava! Kita niyong studious ‘yan. Basta, pakopya na lang sa assignments,” ani ni Ainnah.
Hindi ako sumagot at nagpanggap na abala sa pagsuksok ng gamit ko sa bag. Nakakaramdam ako ng pagka-unfair. Nag-aaral ako nang mabuti. Hindi ako nagka-cutting. Tapos sila tamang gala lang at umaasa nang makakakopya sa akin. Ayaw man lang maghirap.
Nagpapakopya naman ako kaya lang na-realize ko nitong huli. Niloloko na lang ako. Ginagamit. Tinatabihan para sa mga sagot.
“O, Pa! Galing ‘to kila Bossing?” tanong ko ng makita ang mga tupperware na may lamang pagkain.
Tumango si Papa. Kauuwi lang niya galing sa trabaho. Paiba-iba kasi minsan ang oras ng trabaho niya dahil nga on-call driver. Hindi naman pumayag si Papa na stay-in sya dahil nga maiiwan ako sa bahay. Pero parang ganoon na din naman. Kasi palagi siyang umaalis. Minsan madaling araw. Minsan buong araw o maski sa gabi ay wala siya.
“Oo, birthday ng bunsong anak nila. Kaya heto maraming tira. Inutusan kami ni Sir ibalot na lang kaysa mapanis.”
Tumango ako at nakangiting tumulong sa paga-unpack ng mga pagkain. Saktong-sakto hindi pa ko nakakain. Magsasaing palang sana ako. Kaso sabi ni Papa pauwi na daw siya.
Mayroong panahon na kapag may handaan sa amo nila Papa. Nag-uuwi siya ng pagkain. Minsan bawal kapag daw inutos ni Maam.
Matuling lumipas ang dalawang taon. Pasok pa rin lagi ako sa dean’s lister. Akala ko tuloy-tuloy na ang magandang buhay namin ni Papa. Pero hindi pala.
“Totoo ba, Ava? Aba, nasa balita si Papa mo! Miyembro pala ng malaking sindikato!“ sabi ng kapitbahay namin na pinuntahan pa ko sa bahay namin para lang itanong sa akin ang tungkol doon.
Kanina habang naglalakad ako pauwi sa amin. Pinagtitinginan na ko ng ibang kapitbahay namin. May alam na pala sila. Ako, wala pa. Kagagaling ko lang kasi sa school.
Binundol ako ng kaba.
“Hindi ko po alam. Hindi po masama ang Papa ko, Ate.”
Dumami iyong nakiusosyo na kapitbahay nakikibalita.
“Eh kung ganoon patunayan niya. Naku mahirap yata kasi nakitaan siya ng droga sa sasakyan! Iyon ba ‘yong laging inuuwi ni Papa mo dito? May droga pala ‘yon?” tanong nang isa at nagtanguan silang lahat.
Mangiyak-ngiyak ako dahil pakiramdam ko kahit anong sabihin ko hindi sila maniniwala. Hindi dapat ako umakto ng ganito dahil ang pinili kong kurso ay pag-aabogado. Dapat matapang ako.
Ganunpaman, kabado talaga ako. Lalo na ako iyong nandito sa sitwasyon ay ako at ang Papa ko ‘yong inaakusahan.
“Mag-a-abogado ka ‘di ba? Ayan na! Tulungan mo ang Papa mo!”
Iniwan ko silang lahat doon dahil tinatawagan ko si Papa kung nasaan siya. Dahil wala na sa TV ang tungkol sa balita sa kanya. Nanuod pa ko sa internet para malaman kung saang presinto siya.
May naipon ako kahit papaano kaya nakuha kong bumiyahe papunta sa police station sa Cavite. Kaya lang pagdating ko doon ay maraming mga reporters! Hindi ako makasingit. Malaking case daw ito dahil malaking sindikato ang involve at ang Chinese na amo ni Papa ay nadawit din dahil sa kanila nagtatrabaho si Papa. Bukod doon, sasakyan nila ang gamit ni Papa nang bumiyahe ito papunta sa Cavite.
Iyon pala may karga siyang mga droga. Hindi ba niya ‘yon alam? Marami akong gustong itanong. Masasagot lahat ng iyon kung makakausap ko siya.
“Papa ko po kasi ang nakakulong, Sir! Gusto ko makausap ang Papa ko!”
“Papa daw niya!“ dinig kong sabi ng reporter.
Umiling ‘yong pulis. Nasa harap lang ako ng police station. Hindi ako makapasok dahil bawal daw tumanggap ng kahit sinong bisita.
“Paanong bawal? May karapatan ako bisitahin ang Papa ko! Hindi pa siya nahahatu—“
“Miss! Ikaw ba ‘yong anak ni Mr. Dizon? Alam mo ba ang tungkol sa pagiging involve niya sa sindikato?”
Hindi ko na nakausap ‘yong pulis dahil nga sa dinumog ako ng media!
"Miss!" sabay-sabay pa sila sa kakatawag sa akin at pinalibutan na ako. Imbes na mahabol ko pa iyong pulis ay hindi ko na nagawa. Gabing-gabi na. Napilitan na din akong umuwi at wala man lang akong napala!
Tikom ang aking bibig habang nasa biyahe. Inaantok na ko sa pagod pero hindi ko magawang makatulog dahil sobrang sakit ng ulo ko. Hindi pa mawala sa isip ko ang maraming tanong at hindi pa rin ako mapakali hanggat hindi ko nakakausap o maski nakikita ni anino ng papa ko.
IDLIP lang ang nagawa ko. Hindi ko magawang makatulog nang mahimbing kakaisip sa Papa ko. Hindi ko siya makontak. Hindi ko rin makausap sa personal. Tapos may pasok pa ko kinabukasan. Wala na nga kong plano na pumasok talaga dahil balak kong bumalik sa Batangas. Dudumugin din yata ako ng mga classmates ko para itanong ang tungkol sa kaso ni Papa kaya tingin ko ay mas okay pang hindi na muna ako magpakita. Malapit pa naman ang mid terms. Hindi pa man din ako sanay ng um-a-absent pero wala akong choice. Magkano na lang ang pera ko. 2,000 lang naman ang naipon ko at bukas babalik ako para subukang makausap si Papa. Kasya ito kung kakain lang ako sa karinderya. Busog naman na ako kahit isang hotdog at itlog ang ulam. Sa sitwasyon ngayon, makakain ba ako? Baka hindi na. Kinabukasan, binomba ang cellphone ko sa tawag ng kamag-anak namin. Lalo na ang kapatid ni Papa. Nakikibalita sa kaso ni Papa. Nasa probinsya sila at sa hirap ng buhay alam ko nang hindi sila makakaluwas. "Balitaan mo
NAGING madilim ang buhay para sa akin nang nawala si Mama. Akala ko hanggang doon na lang iyon pero hindi pala. Naulit iyong tila bangungot para sa akin nang nawala si Papa. Mas masakit. Mas malalim ang hiwa na iniwan sa aking puso dahil alam kong hindi pa niya gustong umalis sa mundo dahil maiiwan niya ako. Biglaan ang pangyayari at hindi ako makapaniwala na dahil sa sobrang bigat ng akusasyon sa kanya inatake na lang siya at nawala na. Hindi ko nakuhang magpaalam. Ni hindi namin nakuhang makapag-usap kahit saglit. Ni hindi ko narinig sa kanya ang totoong dahilan kung bakit siya pinagbibintangan. Papa ko siya. Naniniwala akong hindi iyon magagawa ng Papa ko."W-wala na si P-papa..." gumaralgal ang boses ko at hindi ko na napigilan nang yakapin ako ni Tita Mayet. Iyong kapatid ni Mama.Lumuwas siya pa Maynila para puntahan ako dahil ako na lang mag-isa ngayon sa buhay. Umiyak si Tita Mayet habang hinahagod ang aking likod. Huling lamay na ni Papa nang dumating siya. Dumating din ang
THERE are no words that could explain how happy I am when I passed the bar exam. Ito 'yong pangarap ko hindi lang para sa sarili kundi para sa mga magulang ko. I am one step closer reaching my dreams.It's much happier if they are alive. If they witness my biggest achievement at kasama ko sila sa tagumpay ko na 'to. I am crying not only because I am overwhelmed with the news but disappointed because the persons I wanted to witness all these are all gone."Ang galing-galing mo talaga!"Tuwang-tuwa si Tita Mayet nang malamang pasado ako sa bar exam.Hindi naging madali sa akin ang lahat pero kinaya ko. Kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon. Nagtrabaho ako at tumanggap agad ng ilang kaso.Since naging top 2 ako sa ranking ay nagkaroon ako ng maraming opportunity. Marami ang gustong kumuha sa akin pero sa huli ay pinili ko na maging abogado sa isang sikat na law firm kung saan ay pamilya ng classmate ko sa law school ang may-ari niyon."Kuya invited you to come with us. Kaya sumama ka na!"
IT was an awkward dinner at first pero nasanay ako sa presensiya nila habang nasa hapag kainan. "You are always welcome here, hija. Huwag kang mahiya. Kahit na araw-araw kang bumisita. It's always our pleasure," Tita Jodie smiled. She's a housewife. Her husband was a lawyer at ang pamilya nila ang nagtayo ng law firm na ngayon nga ay mina-manage ng magkapatid at ibang kamag-anak nila sa father side. Louise's father died two years ago because of cancer. "Ihahatid na kita," Sandler jog towards our direction. Hilaw na ngumisi si Louise. "Ihahatid ka na raw ni Kuya," ulit niya kahit na narinig ko naman na. Hindi ko matignan si Louise na para bang makikiusap sana ako na siya na lang sana pero sa sobrang excited niya, hinalikan agad ako sa pisngi at hindi man lang ako tinitignan sa mga mata. Hindi ko rin masabihan dahil nasa tabi na namin agad ang Kuya niya. "See you tomorrow! Bye! Kuya, ingatan mo, ha!" Natatawang sabi nito bago kumaway sa amin palayo. Sandler chuckled while my che
HE doesn't know me, but I knew him well. Even though it's been years since the last time I saw him. I am still very much familiar with his physical appearance. Siguro ganoon talaga kapag parte siya ng masalimuot kong nakaraan.Hindi man direktang siya ang may kasalanan pero parte siya ng pamilyang 'yon. I knew their faces, and I know that even when I die. Kabisado ko pa rin ang pagmumuka nila.I gritted my teeth.The moment he stepped out of his car, he got everyone's attention. He can steal any woman's glance with just a simple black polo shirt and khaki shorts. Iyon bang kahit anong ipasuot mo rin naman sa kanya ay alam mong angat siya sa lahat.He was wearing dark sunnies. Siya lang mag-isa at ewan ko ba kung bakit in-e-expect ko na kasama sana niya ay si Chanel Lagdameo. Usap-usapan noon na silang dalawa. Baka hindi na ngayon?Sinabayan ko pa rin sa paglalakad iyong katrabaho ko kahit na alam kong magkakasalubong kami ni Blaze. My heart is pounding and my hand is sweating.Direts
I know how dangerous the case is at hindi ko ito pinag-isipan lang ng ilang araw lang. Matagal bago ko napagdesisyunan na buksan ang kaso pero naghahanap ako nang mas matibay na ebidensya para hindi masasayang ang plano ko.Sandler advised me to think about this thoroughly. He knows that family because Li owns one of the largest logistic businesses in the country. Hindi pa ako ganoon ka-aware noon. Ang ideya ko lang ay mayaman sila at nagtatrabaho si Papa sa mga chinese pero hindi ko inaasahan na isa sila sa pinakamayamang negosyante sa bansa.Kaya nga nang umugong ang balita tungkol sa kinasasangkutan nila sa droga, may mga media. Ilang buwan nang usap-usapan iyon kaya hiyang-hiya din ako dahil lagi ako pagtitinginan ng mga kakilala ko. Ramdam ko na agad kung anong pinag-uusapan nila.I tried so hard to pretend that I am not affected na hindi ko nararamdaman na iba ang tingin nila sa akin. At night, I would cry because I feel alone. My anxiety kicks in. Na-depress pa nga yata ako.Pe
I did not get any quick response from him. Nahihirapan tuloy akong basahin kung ano ang laman ng isip niya dahil unang-una, nakasalamin siya na tinted talaga. Pangalawa, bulag din naman siya. Pero hindi nakatakas sa paningin ko 'yong panginginig ng kamay nito habang hawak ang tungkod nito. Malakas ang kutob ko na apektado siya sa sinabi ko. "Alam kong ilang taon na ang lumipas at nanahimik ka na ngayon. Pero gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagkakamatay ng Papa ko—" Hindi ko natapos ang sinasabi dahil nagsalita ito. "Wala akong alam diyan. Oo nagtrabaho ako dati sa police station sa Batangas pero wala akong alam kung bakit nakulong at namatay ang Papa mo." I frowned. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko iyong huling sinabi niya. "Wala akong sinabi na nakulong ang papa ko pero alam mo." Natigil ang paggalaw nito sa baston na hawak. Ilang segundo pa bago siya nakabawi. "Nagtrabaho ako sa police station noon kaya sino pa ba ang mga tao roon kung hindi nakakakulong." Humaha
LOUISE did not stop to bother me unless sumama talaga ako sa kanila. This is the first time na sumama ako sa lunch na kasabay si Sandler.Noon kasi kami lang ni Louise at bihira lang din niya ako mayakag kumain sa labas kaya kuya niya ang lagi niyang kasama kapag nasa office sila."Okay ka lang diyan?" tanong ni Louise at nilingon pa ako.I smiled shyly."Okay lang," I answered and looked outside the window.Si Sandler ang nagmamaneho at nasa passenger seat si Louise habang nasa likod ako ng driver. Panay ang kwento ni Louise sa amin at siya lang talaga ang maingay sa sasakyan."Kaya I missed Switzerland, Kuya. Let's go back this ber month! Join us, Ava!"Napangiwi ako. Bakasyon nga sa Pilipinas hindi ko pa nagawa tapos Switzerland agad? Mahal ang gastos no'n.Hindi ko makita ang reaksyon ni Sandler dahil busy sa pagmamaneho pero napatingin sa kanya si Louise bago sa akin."Pag-iipunan ko 'yan. Not this year, maybe after three years?" I joked.She grinned."Sagot na ni Kuya. Okay lang
I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut
HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map
I don't have the chance to answer his call. Nag-iwan na lang ako ng text kay Sandler to tell him I'm on my way. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay binalingan ko siya.Nag-aalangan ako na sabihin sa kanya na huwag nang sumama sa loob or kung kakain siya ay sa iba naman siguro siya uupo?Abala ito sa pag-alis ng seatbelt at napansin yata na nakatingin ako."Spill it.""You're going to eat alone, right? I mean--""Yes. Don't worry, I will not disturb you on and your date, if that's what you want," suplado nitong sabi at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Sumunod ako sa kanya at medyo nairita dahil sa pagsusuplado sa akin.Ganunpaman, inantay niya ako para sabay kaming maglakad. Now that I'm with him, ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin.He can steal any woman's glance, and captured their hearts. He's like a walking Greek god. Iyong tipong kayang-kaya niyang paluhurin ang lahat.I cleared my throat.Nakaramdam ako ng awkwardness habang tuma
I have no appetite for dinner yet I still tried to eat even just a little. Hindi na rin naman niya ako pinilit na kumain ng marami. Marahil ay sapat na sa kanya na pumayag ako sa gusto niyaThe following day, I woke up because of Sandler's call. Alas-siete pa lang ng umaga ay tumawag na siya just to check if he can still call me through my number."I'm really sorry! I don't mean to wake you up this early. I just want to make sure that your phone will still ring. Maybe, I'm just paranoid.""It's fine. Babangon na rin naman ako. Hindi na ko naka-reply din kagabi. I fell asleep. But yeah... let's meet at Marriot Hotel for lunch."I can sense Sandler's happiness over the phone."Yeah! Yeah... Let's see each other later. I won't take much of your time. Have breakfast, and whenever you want to talk to me, you can call or text me anytime, Ava.""Yup, I know. Thank you Sandler..." maos kong sabi bago ito nagpaalam at ibinaba na ang telepono.Naghanda ako para sa lakad ko mamaya. Hindi ako sum
WALA akong ganang kumain matapos ang lahat. I locked myself in my room while listing the things that I need to request to get a new copy. Ang hassle sa totoo lang. My birth certificate, diploma, everything... nawala na.He's home.Hindi na ko nag-abala na lingunin ang pinto nang kumatok siya. Pasado alas-nuebe na. Kauuwi lang kaya niya?"Sorry to disturb you, but I heard you haven't eaten dinner yet?"Hininaan ko ang volume ng pinapanuod kong movie bago ko siya binalingan na pumasok na pala sa loob at may bitbit nang tray. Nanuot tuloy sa ilong ko iyong aroma nang pagkaing dala niya."I brought you dinner. Bakit hindi ka kumakain?" Blaze asked softly, which I feel so weird.Para akong may kausap na ibang tao. Blanko ang ekspresyon ko nang tignan siya."I'm full," paos kong sabi.Pinanuod ko siya na nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya umuwi. Basa ang buhok niya at halatang katatapos lang maligo. He's wearing a muscle-tee and cotton shorts. Napako ang mga mata ko sa mus
"BAKIT?" tanong nito dahil nakatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagka-ilang sa kanya."Pinakialaman mo ba 'yong phone ko?" I asked while looking at him.Tinawanan lang ako nito pagkatapos ay binalik ang mga mata sa daan."No. Why would I? I kept that thing in my drawer," simpleng sagot lang nito.Saglit ko pa rin siyang pinagmasdan habang nanliliit ang mga mata at mukhang naramdaman niya 'yon kaya sinulyapan niya pa ako ulit."Why? What's the problem?"Tamad akong bumaling sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Hindi pa nga yata ako magaling. Hindi ko kasi matandaan na nilagay ko sa block list ang numero ng pamilya ni Sandler."I remember some memories now, but is it possible that there's an occurrence that I still can't remember?""There's a possibility since hindi pa naman talaga matagal no'ng huli kang naoperahan. Katulad ng sabi ko sa'yo noon, it may time time. Maybe months... or years."Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita. Kung ganito ang sitwasyon ko na hindi
KAHIT alam ko na kung anong nangyari sa unit ko ay hindi pa rin ako makapaniwala ngayong nakita ko ang mga pictures. It's really true! Nasunog ang condo ko.Para akong sinikmurahan at tinamaan agad ng matinding lungkot. I work hard, so I could pay for it and have a comfortable life pero sa isang iglap... nawala lahat.Nag-unahan na sa pagpatak ang aking mga luha. NAnghihinayang ako sa mga napundar ko at hiundi lang iyon. Kundi ang mga gamit ko... mga ala-ala ko kay papa maging no'ng bata pa ako. Lahat 'yon naglaho na?I was crying my heart out when the door opened. Mabilis akong tumalikod para maitago ang mga luha kaso ay halatado dahil sa bawat paghikbi."Are you okay? What happened?" tanong ni Blaze at ang boses ay may bahid ng pag-aalala.As much as I wanted to hide it from him, it was pretty obvious, especially that he was beside me."Why are you crying?" tanong pa niya habang nakadungaw sa akin pero ako ay panay ang talikod para maitago sa kanya ang luha. Nahihiya ako na makita n
HINDI ako pinatulog ng antisipasyon dahil unang beses akong lalabas ulit simula ng nanatili ako sa penthouse niya. I am not used to be with him outside. Kaya hindi ko ma-imagine ang sarili kung anong itsura ko mamaya na kami lang dalawa ang magsisimba.I am wearing a white below the knee dress and it matched with my white doll shoes too. Natigilan ako dahil hindi ko alam kung anong isusuot ko para matakpan ang aking ulo na may bandage pa. I'll catch the attention of other people if I'll go out like this."Huwag na lang kaya ako umalis?" I sighed in disappointment.I really want to visit the church today, but I don't feel my look.Napalingon ako sa katok sa pinto and niluwa roon si Blaze na may bitbit na malaking box."I'm sorry to disturb you. I just want to give you this," anito at minuwestra ang box na bitbit.Tumayo ako para salubungin siya at inabot nito sa akin iyong box."What's this?" I asked and tried to shake the box to guess what was inside—medyo mabigat siya.I somehow felt
UMIWAS ako sa kanya at ilang araw ko na rin itong ginagawa. Posible pala 'yon kahit dito ako nakatira. Hiyang-hiya ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magdeklara siya.I shut my eyes. I can't even believe it. For me, it feels like Blaze found a new toy in me. Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa ng pamilya niya sa papa ko? Tapos heto ako at walang magawa kundi sumunod sa gusto niya kaya nandito ako ngayon sa poder niya?Trip pa niya ako ngayon?I sighed and slowly opened the door. Sumilip muna ako kung may ibang tao and when I am sure that there's none. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at dire-diretso sa dining area. I know that he's done eating his lunch. Pasado ala-una na kaya malamang kumain na siya.Simula nang huling pag-uusap namin ay hindi na iyon nasundan dahil sinikap kong nasa kuwarto palagi. Thankful nga lang na hindi niya ako kinukulit.Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala ngang tao at may pagkain na.Bawat galaw ko ay may pagmamadali dahil ayoko na m