Share

KABANATA 2

Author: Jenia
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

NAGING madilim ang buhay para sa akin nang nawala si Mama. Akala ko hanggang doon na lang iyon pero hindi pala. Naulit iyong tila bangungot para sa akin nang nawala si Papa. Mas masakit. Mas malalim ang hiwa na iniwan sa aking puso dahil alam kong hindi pa niya gustong umalis sa mundo dahil maiiwan niya ako. Biglaan ang pangyayari at hindi ako makapaniwala na dahil sa sobrang bigat ng akusasyon sa kanya inatake na lang siya at nawala na. 

Hindi ko nakuhang magpaalam. Ni hindi namin nakuhang makapag-usap kahit saglit. Ni hindi ko narinig sa kanya ang totoong dahilan kung bakit siya pinagbibintangan. Papa ko siya. Naniniwala akong hindi iyon magagawa ng Papa ko.

"W-wala na si P-papa..." gumaralgal ang boses ko at hindi ko na napigilan nang yakapin ako ni Tita Mayet. Iyong kapatid ni Mama.

Lumuwas siya pa Maynila para puntahan ako dahil ako na lang mag-isa ngayon sa buhay. Umiyak si Tita Mayet habang hinahagod ang aking likod. Huling lamay na ni Papa nang dumating siya. Dumating din ang ibang kapatid ni Papa. Hindi man kumpleto pero okay lang ang mahalaga sinubukan na ng iba na pumunta. 

Bumuhos ang ulan kasabay nang luhang aking nararamdaman. Hindi maawat ang hinagpis at muling naalala ang nakaaran. Parehong-pareho. Ganito kasakit nang nilibing si Mama. Nauulit ulit. Nararanasan ko ulit. Makirot sa dibddib. Hanggang sa umuwi na kami sa amin. Nagsi-uwian na rin ang ibang bisita maging ang mga kapatid ni Papa ay nagpaalam na.

Naiwan si Tita Mayet at uuwi sa susunod na araw pa.

"Kumain ka muna, Ava," yaya niya nang makita akong lumabas sa aking kwarto.

Ngumiti lang ako bilang pagbati at dumiretso na lang sa lababo. Alam kong magang-maga ang mata ko. Iniiyaka ko pa rin ang pagkawala ni Papa at kung ako lang. Ayoko nang bumangon. Gusto ko na lang magkulong.

Hindi na ko makapasok sa school dahil sa sitwasyon. Pakiramdam ko walang saysay ang lahat dahil wala namang magiging proud sa akin kahit na makatapos ako ng pag-aaral. Wala nang magchi-cheer sa akin.

"S-salamat po," sabi ko kay Tita nang umupo na para kumain.

"Papasok ka na ba bukas?" tanong niya nang magsimula na itong sumubo. Sinubukan kong kumain pero tila may bikig sa aking lalamunan. Nahihirapan akong lunukin ang pagkain. Nanunubig agad ang aking mata nang sumagi sa isip ko iyong ala-ala namin ni Papa.

Natahimik si Tita Mayet dahil nakita niyang nagpapahid na naman ako ng luha. Lumunok ako ng mariin.

"S-siguro p-po." Pumiyok ako at muling bumuhos ang luha. 

Napatayo na ako at naghilamos. Naawa ako sa sarili ko. Wala na akong magulang. Ulila na ko.

Natigil si Tita Mayet sa pagkain para daluhan ako at hagurin ang aking likod.

"Tanggapin na natin, Ava. Wala na siya. Wala na si Papa mo. Huwag ka mag-alala kasi alam ko na pinapanuod ka niya. Gagabayan ka niya. Hindi mo man siya makita pero nariyan lang ang Papa mo, Ava. Tahan na. Tutulungan kita na makatapos nang pag-aaral... Hmn?" alo niya sa akin sabay abot ng puting towel.

Huminga ako nang malalim at parang bata na nagpupunas nang aking luha.

"Nag-usap na kami ni Tito Rodrigo mo, pumayag siya na suportahan namin ang pag-aaral mo. Sisikapin naming mapatapos ka, Ava."

Binagsak ko ang mga mata sa sahig. Ang bigat-bigat ng aking pakiramdam. Niyaya ako ni Tita Mayet na sumama ako sa kanila pero hindi ako pumayag. Hindi ko maiwan ang bahay na kahit man maliit ay marami kaming memories dito. Kasama si Mama at Papa ko. Kahit masakit ayaw kong iwan dahil lang nasasaktan ako. Marami pa rin akong magandang ala-ala na masarap gunitain sa mga magulang ko.

"Sige, padadalhan ka na lang namin nang allowance, Ava."

Hindi ako tumanggi. Higit ngayon ay kailangan ko ng tulong pinansyal nila habang wala pa kong trabaho. Nakakolekta ako nang pera galing sa mga inabot sa akin noong namatay si Papa. Binabawasan ko para pambili ng personal kong pangangailangan. 

Bumalik ako sa school. Hindi ko na kasi kaya na manatili sa bahay buong araw dahil naalala ko talaga si Papa at Mama. Mas gusto kong maging busy kaya iyon ang ginawa ko. Para makalimutan ko 'yong sakit. 

"Next week ka na magsimula. Congratulations ulit, Ava."

Nakangiti ako nang lumabas mula sa kilalang fast food sa bansa. Nag-apply ako bilang working student dahil kaya pa naman ng schedule ko. Scholar naman na ako sa school ang kailangan ko lang ay allowance pa at makaipon para sa panahon ng tagtuyot ay mayroon akong madudukot.

Balak kong tanggihan na si Tita Mayet sa tulong niya sa akin kapag nagkaroon na ko ng sahod. Nahihiya ako na mang-istorbo nang iba lalo na hindi niya ako anak. May sarili pa siya na dapat pinaglalaanan nila ng pera.

Simula nang nawala si Papa hindi na ko lalo sumasama sa mga kaibigan ko. Subsob ako sa pag-aaral at sa pagtatrabaho. Tsaka ko na-realize na wala talaga akong kaibigan. Gabi-gabi ko napapanaginipan si Papa na hindi niya ginusto ang nangyari sa kanya. Na na-setup lang siya pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Ang naging dulot sa akin no'n ay iniiwas ko na lang ang sarili ko sa ibang tao. Natatakot ako na baka iyong kabaitan nila sa akin ay may kapalit. Baka tulad kay Papa, ganoon din ang gawin sa akin. Dadalhin ako sa kapahamakan.

Naglalakad ako habang sinisilip ang aking bag para sa susi ng bahay. 

"Ayan! Ayan si Ava!"

Nag-angat ako ng tingin habang hawak na ang susi na kanina ko pa hinahanap. Tinuro ako ng kapitbahay naming babae. Kumunot ang noo ko sa lalaking nakasalamin at nakasuot ng itim na coat. May hawak na briefcase.

"Bakit po?"

"Ikaw ba si Ava Dizon? Anak ni Nicanor Dizon?"

Tumango ako habang nakakunot ang noo. Kinabahan ako dahil nabanggit niya ang pangalan ni Papa.

"Ako nga po. Bakit po?" tanong ko.

Tumango ito at napatingin sa loob ng bahay ko. Ako naman ay napasulyap sa ilang kapitbahay na napatingin na sa amin.

"Ako si Attorney Tristan Calleja. Nandito ako para makausap ka. Pinadala ako ng pamilyang Li."

Mas lalo akong inatake nang kaba dahil sa apelyido na binanggit niya. Pinapasok ko siya sa bahay.

"Maupo po kayo," sabi ko at minuwestra ang kahoy na upuan.

Hindi ko alam kung aalukin ko pa ba siya ng tubig, o kape man lang. Binuksan nito ang attached case.

"Hindi na ako mapapaligoy-ligoy pa. Magbibigay nang tulong pinansyal ang Li family para sa'yo," anito sabay pakita sa kain nang bundle-bundle na pera sa ibabaw ng lamesa.

Nahigit ko ang aking hininga. Naguguluhan ako sa kung anong gusto nilang mangyari at bakit nila ako tutulungan. Hindi na ako nakaupo dahil sa pagkabigla. Involve ang Li sa drugs. Sila ang dahilan bakit nakulong si Papa kahit wala naman siyang kasalanan. Ramdam ko. Alam ko. Hindi magagawa ni Papa iyon pero hindi niya na-idepensa ang sarili niya dahil nabawiaan siya agad ng buhay.

Matapos nang ilang araw na nalibing si Papa. Nawala ang balita. Hindi nakulong ang kung sino man sa pamila Li dahil sa kulang na ebidensya at ang tinuturo talaga ay si Papa. Sobrang sakit. Ganoon na yata ang hustisya. Kapag may pera ka madali lang malulusutan ang kaso mo. Kapag wala kang pera makukulong ka kahit pa wala ka namang kasalanan talaga.

"B-bakit?"

"Naging mabuti at masipag na empleyado ang Tatay mo sa pamilya Li, hija. Itong halaga na ibibigay nila ay pagbabalik nang kabutihan—"

Pinutol ko ang sinasabi niya at naramdaman na ang panlalabo nang aking mga mata.

"Sandali, Attorney. Dalawang buwan nang patay ang Papa ko. Maski condolence po hindi ko narinig sa pamilya na pinagtrabahuhan ni Papa nang ilang taon tapos pupunta ka dito para bigyan ako nang tulong? Bakit po? Para saan? Nakokonsensya sila dahil Papa ko ang nakulong tapos namatay pa imbes na dapat iyong tunay na may sala? Sino? Si Mr. Li? Anak niya? Sino ba talaga sa kanila? Hindi magaga—"

Pumikit nang mariin si Attorney na tila ba napipikon at pinutol ang aking sasabihin.

"Ms. Dizon, walang sapat na ebidensya sa kanila. Kung totoong may kasalanan ang pamilya Li. Sana nakakulong na sila. Tanggapin mo na ang papa mo ang may kasalanan, Ms. Dizon. Siya ay miyembro ng drug syndicate at hindi alam 'yan ng employer niya. Na ginagamit ang sasakyan nila para mag-deliver ng droga."

Panay ang taas-baba ng aking dibdib dahil sa matinding emosyon. Tsaka ko lang na-realize na tumutulo na ang luha ko. Bumabalik ako sa nakaraan. At hindi ko matanggap na pinagbintangan ang Papa ko at nawala pa sa akin nang tuluyan.

Umigting ang aking panga.

"Hindi ko ho matatanggap 'yan. Para ko na ring tinanggap na masamang tao ang Papa ko. Hindi po 'yon magagawa ng Papa ko at paninindigan ko 'yan hanggang sa huling hininga ko. Makaka-alis ka na, Attorney," sabi ko at nilapitan ang pinto. Binuksan iyon.

Tinitigan niya lang ako. Hindi makapaniwala. Kinuyom ko ang aking kamao. Nagbaba ito ng tignin at ngumisi. Nainsulto ako sa ginawa niya.

"Makaka-alis na po kayo, Attorney," ulit ko sa kanya.

"Sigurado ka ba talaga? Balita ko, isa kang PolSci student. Kaila—"

"Dapat na ba akong matakot dahil pati 'yan ay inalam niyo? Paano mo nagagawang ipagtanggol ang mga kriminal? Sumumpa ka na susundin mo ang batas. Na hindi ka magsisinungaling," matapang kong pahayag ngunit panay ang hampas nang kaba sa aking dibdib.

Huminga ito ng malalim at tumango-tango sabay sara ng brief case. Tumayo siya at inayos ang suot na necktie.

"Alam mo, hija. Kapag naging ganap na abogado ka na tulad ko ay tsaka mo makikita ang tunay na mundo nang pag-a-abogado," sabi nito at nilagpasan ako.

Hindi ako nakapagsalita habang pinapanuod itong lumabas sa pinto. Nagmamadali kong sinara ang tarangkahan namin na yari sa kawayan.

Matapos akong kausapin nang attorney ng pamilya Li ay nakuha kong mag-search muli sa internet tungkol sa pamilya na pinagtrabahuhan ni Papa noon. Sumasakit ang ulo ko habang binabasa ang mga articles. Bumabalik ako sa dati kong emosyon nang malaman ko ang tungkol sa pagpapakulong kay Papa. Galit ako at dismayado. Tinigilan ko na ang ginagawa dahil wala naman akong mapapala.

Nagpatuloy ako sa pag-aaral at sinabay ang pagtatrabaho. Mabilis na lumipas ang apat na taon. Natapos ko ang kursong AB PolSci sa tulong ni Tita Mayet, pagiging scholar at pagiging kong working student. Pinahinto ko si Tita Mayet sa pagsuporta sa akin noong nasa second year na ako dahil kaya ko naman na, isa pa ay kailangan niya ng pera dahil buntis ito ulit.

"Sumama ka na, Ava!" yaya sa akin nang classmate ko pero umiling ako.

"May trabaho pa kasi ako," sabi ko sa kanila. Hindi na ko makikisali sa picture taking. Iniwan ko sila doon matapos ibalik ang toga at makuha ang aking gamit.

Hindi talaga ako pala-kaibigan na tao. Ang mga classmates ko iniisip na masungit ako o mataray. Hindi ko sila masisisi dahil hindi nga ako nakikipag-usap sa kahit na sino o nakikihalubilo.

Naglalakad ako sa hallway nang makita ang matangkad na lalaki, nakasuksok ang dalawang palad sa magkabilang bulsa nang pantalon nito habang nakasandal sa labas ng banyo nang babae. Naiilang tuloy ako kung papasok pa ba ako sa loob o hindi na muna. Nakatingala naman siya at nakapikit. Maputi ang kanyang balat at halatang nabibilang sa mayamang pamilya. Agaw pansin ang kanyang tindig at itsura.

May inaantay kaya siya?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa loob. May tao sa kabilang cubicle kaya sa tabi ako pumasok. Hindi pa ako nakakaupo sa bowl nang marinig ang pagbukas sa kabila at ang lagaslas na ng tubig.

"Are you gonna live there, huh?"

Napatuwid ako nang upo nang marinig ang malalim na boses na iyon. Ang ganda sa pandinig nang boses niya pati ang pag-iingles nito.

"Wait lang, naghuhugas na lang. Ang atat mo talaga!" reklamo nang babae na kasama ko sa loob ng banyo.

Umiihi na ako nang magsalita ulit iyong lalaki.

"You always make me wait."

Umungol 'yong babae tanda nang reklamo. Pinatay nito ang gripo.

"Gosh, ewan ko ba kung bakit sinama pa kita. Hindi nga pala marunong maghintay ang isang Axl Blaze Li."

Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na apelyido na palaging nagbibigay nang negatibong emosyon sa akin.

Pumasok ako sa law school after kong makakuha nang Bachelor's Degree. Ngayong nasa first year ako ay bigla ko na lang din na maririnig ang pamilyar na apelyido na iyon na para bang binalik agad ako sa nakaraan.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pag-flush ko sa inidoro narinig ko na iyong reklamo ng babae at pagbukas ng pinto.

"Ito na po!"

Hindi ko alam kung dapat bang habulin ko at tignan sila ulit o huwag na. Mukhang hindi niya ako kilala. Isa pa, anong dahilan ko? Hindi naman maibabalik ng anak ng mag-asawang Li ang buhay ng tatay ko.

Nagtangis ang aking bagang habang nakatitig sa harap ng salamin. Naghuhugas ako ng kamay nang bumuhos ang ala-ala ni Papa sa aking utak. Hindi ko makakalimutan kung gaano siya naging mabuting ama sa akin at ganoon-ganoon na lang na nawala siya sa akin.

Hanggang ngayon baon ko pa rin ang trauma at hinanakit ko na hindi ko siya nakausap bago man lang siya mawala. Kaya pinagbubutihan ko 'yong pag-aaral ko para dumating ang panahon na ako ang tutulong sa ibang tao na hindi nila makuha ang hustisya nila dahil mahirap lang sila.

Kaya sa tuwing pumupunta ako sa banyo. Naalala ko 'yong magandang babae noong nakaraan. Kaya lang hindi ko siya nakikita. I got a feeling na kapag nakita ko siya. Makikita ko rin iyong bunso ng mga Li. Kaano-ano kaya niya?

"Ava!"

"Ha?" Napakurap-kurap ako nang mapabaling na sa classmate kong nagtawag sa akin habang nasa quadrangle.

"Kanina pa kita tinatawag. Sino ba tinitignan mo? Kinakabahan ako sa debate mamaya..." Inakbayan ako ni Marissa.

Pagtingin ko sa entrance sa kabilang building. Wala na siya. Hindi ako p'wedeng magkamali. Nakita ko silang magkasama. Si Axl Blaze at iyong magandang babae. Nanlamig nga agad ang tiyan ko.

"Sino ba hinahanap mo?" ulit ni Marissa at sinundan ang tingin ko.

Umiling ako.

"Let's go. Wala 'yon. Akala ko kakilala ko lang..." sagot ko at niyakap ang ilang libro na hawak ko kanina pa.

Hindi na iyon nasundan. Lumipas ang tatlong taon. Tsaka ko siya nakita. Everyone is talking about Chanel Lagdameo. She was one year ahead of me. Nakapasa siya sa bar exam at natulala ako habang pinagmamasdan ang malaking tarpaulin na kino-congratulates lahat ng mga bar passers.

Ewan ko kung bakit sa tuwing nakikita ko siya may kung ano sa aking puso. Naalala ko agad ang mga Li. Ganoon ba talaga? Na kahit na iyong masasamang tao ay nakukuha pa rin nilang pakisamahan? Hindi ko masikmura. Kung ako ay hindi ko kayang sumama sa ganoong klaseng pamilya kahit anak nila ay inosente pa. Pakiramdam ko lahat sila pare-parehong abusado sa batas.

"Congratulations, Ava! We are proud of you for being a Summa Cum Laude in your batch. South Cypress University Manila will give you a cash gift worth fifty thousand pesos..."

Natulala ako sa sinabi ng dean. Pinatawag niya ako at naroon din ang ibang professor sa loob ng kwarto niya. Hindi ko na nasundan ang iba niyang sinabi dahil tumatak sa isip ko 'yong bibigyan niya ako ng fifty thousand.

Totoo ba ito?

Hindi ko pa narinig na nagbigay sila ng cash sa mga may latin honors.

"Is this for real? I mean po, Dean. Hindi ko kasi alam na may cash gift reward po pala kapag may latin honor." Inayos ko ang suot kong itim na salamin sa mga mata.

Tumawa siya ng pagak at inilagay sa palad ko ang puting sobre.

"Oo, hija. Maswerte ka at naabutan mo ito. This is the first time na magbibigay ang school ng cash reward for latin honors sa law department. Congratulations, hija!"

Natulala ako at ngayon lang ako nakahawak nang ganito kalaking halaga. Mangiyak-ngiyak ako habang nagpapasalamat sa kila Dean. Mabilis kong ipinasok iyon sa bag ko.

I was trembling when I walked outside the office. Medyo praning ako na baka mamaya makuha ito sa akin. Malaking bagay ito para sa akin. I'm going to work while preparing also for bar exam.

"Ava, congratulations!" bati ni Tita Mayet nang tumawag sa akin habang naglalakad ako papunta sa main gate.

Natigil ako sa paglalakad para mas makausap ko siyang mabuti.

"Salamat, Tita. Kumusta po?"

"Okay naman kami. Anong handa mo? Padalhan kita ng panghanda kahit isang libo. Treat mo sarili mo, hija."

Ngumuso ako. Nakakahiya tumanggap. Alam ko namang kailangan niya ng pera rin.

"Tanggapin mo na. Minsan lang naman. Isa pa, ngayon lang kita nabigyan ng budget sa ilang taon na. Proud na proud ako sa 'yo. Malapit ka nang maging abogado. Sa wakas! Kaunti na lang. May abogado na sa pamilya..." Humagikgik siya.

Napangiti ako. Napatuwid ako ng tayo nang makitang naglalakad ang bunso ng mga Li papasok sa school. Makakasalubong ko pa siya. Dire-diretso ang lakad niya. He was wearing a black short sleeves paired with jeans and leather shoes.

Agad ang pagtahip ng aking dibdib sa kaba. Hindi ko na nga naintindihan ang sinasabi ni Tita Mayet dahil nagulo ang utak ko lalo na nang naglalakad na siya palapit sa akin.

"Ava?"

Hanggang sa ilang dipa na lang ang layo niya at naninigas ang katawan ko. Bumagsak ang mga mata ko sa sahig. Ang lakas ng pintig ng pulso ko.

"Ava!"

Nahigit ko ang hininga ng dumaan siya sa gilid ko. Nilagpasan niya ako.

"Ta?" Napabuga ako ng hangin matapos ang ilang segundo na tila ba hindi ako nakahinga.

"Sabi ko ipapadala ko sa Gcash 'yong pera pang-treat mo sa sarili mo."

"Ah, opo! Salamat po, ta!"

Pagbaba ko ng cellphone, nilingon ko ang bunsong Li pero wala na siya. Mukhang nakaliko na siya sa pasilyo. Napahawak ako sa aking dibdib.

Sa tuwing nakikita ko siya. Todo ang kabad ko. Nanlalamig ang tiyan ko at nagugulo ang buong sistema ko. Tuliro na ako nang matapos ang tawag. Awtomatiko akong lumingon para hanapin si Blaze pero hindi ko na siya nakita. Hindi dapat ako matakot o kabahan kapag nasa malapit siya pero hindi ko maiwasan. Awtomatiko ko na iyong nararamdaman. Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib.

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Mar Ya
excited na ako d2 .........
goodnovel comment avatar
Evangeline Sebonga
update po please
goodnovel comment avatar
Cristina Alejado
nako nako malove at first sight ka ata Ava pano na yan Ang pamilyang Yan kung pano namatay Ang papa mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 3

    THERE are no words that could explain how happy I am when I passed the bar exam. Ito 'yong pangarap ko hindi lang para sa sarili kundi para sa mga magulang ko. I am one step closer reaching my dreams.It's much happier if they are alive. If they witness my biggest achievement at kasama ko sila sa tagumpay ko na 'to. I am crying not only because I am overwhelmed with the news but disappointed because the persons I wanted to witness all these are all gone."Ang galing-galing mo talaga!"Tuwang-tuwa si Tita Mayet nang malamang pasado ako sa bar exam.Hindi naging madali sa akin ang lahat pero kinaya ko. Kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon. Nagtrabaho ako at tumanggap agad ng ilang kaso.Since naging top 2 ako sa ranking ay nagkaroon ako ng maraming opportunity. Marami ang gustong kumuha sa akin pero sa huli ay pinili ko na maging abogado sa isang sikat na law firm kung saan ay pamilya ng classmate ko sa law school ang may-ari niyon."Kuya invited you to come with us. Kaya sumama ka na!"

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 4

    IT was an awkward dinner at first pero nasanay ako sa presensiya nila habang nasa hapag kainan. "You are always welcome here, hija. Huwag kang mahiya. Kahit na araw-araw kang bumisita. It's always our pleasure," Tita Jodie smiled. She's a housewife. Her husband was a lawyer at ang pamilya nila ang nagtayo ng law firm na ngayon nga ay mina-manage ng magkapatid at ibang kamag-anak nila sa father side. Louise's father died two years ago because of cancer. "Ihahatid na kita," Sandler jog towards our direction. Hilaw na ngumisi si Louise. "Ihahatid ka na raw ni Kuya," ulit niya kahit na narinig ko naman na. Hindi ko matignan si Louise na para bang makikiusap sana ako na siya na lang sana pero sa sobrang excited niya, hinalikan agad ako sa pisngi at hindi man lang ako tinitignan sa mga mata. Hindi ko rin masabihan dahil nasa tabi na namin agad ang Kuya niya. "See you tomorrow! Bye! Kuya, ingatan mo, ha!" Natatawang sabi nito bago kumaway sa amin palayo. Sandler chuckled while my che

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 5

    HE doesn't know me, but I knew him well. Even though it's been years since the last time I saw him. I am still very much familiar with his physical appearance. Siguro ganoon talaga kapag parte siya ng masalimuot kong nakaraan.Hindi man direktang siya ang may kasalanan pero parte siya ng pamilyang 'yon. I knew their faces, and I know that even when I die. Kabisado ko pa rin ang pagmumuka nila.I gritted my teeth.The moment he stepped out of his car, he got everyone's attention. He can steal any woman's glance with just a simple black polo shirt and khaki shorts. Iyon bang kahit anong ipasuot mo rin naman sa kanya ay alam mong angat siya sa lahat.He was wearing dark sunnies. Siya lang mag-isa at ewan ko ba kung bakit in-e-expect ko na kasama sana niya ay si Chanel Lagdameo. Usap-usapan noon na silang dalawa. Baka hindi na ngayon?Sinabayan ko pa rin sa paglalakad iyong katrabaho ko kahit na alam kong magkakasalubong kami ni Blaze. My heart is pounding and my hand is sweating.Direts

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 6

    I know how dangerous the case is at hindi ko ito pinag-isipan lang ng ilang araw lang. Matagal bago ko napagdesisyunan na buksan ang kaso pero naghahanap ako nang mas matibay na ebidensya para hindi masasayang ang plano ko.Sandler advised me to think about this thoroughly. He knows that family because Li owns one of the largest logistic businesses in the country. Hindi pa ako ganoon ka-aware noon. Ang ideya ko lang ay mayaman sila at nagtatrabaho si Papa sa mga chinese pero hindi ko inaasahan na isa sila sa pinakamayamang negosyante sa bansa.Kaya nga nang umugong ang balita tungkol sa kinasasangkutan nila sa droga, may mga media. Ilang buwan nang usap-usapan iyon kaya hiyang-hiya din ako dahil lagi ako pagtitinginan ng mga kakilala ko. Ramdam ko na agad kung anong pinag-uusapan nila.I tried so hard to pretend that I am not affected na hindi ko nararamdaman na iba ang tingin nila sa akin. At night, I would cry because I feel alone. My anxiety kicks in. Na-depress pa nga yata ako.Pe

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 7

    I did not get any quick response from him. Nahihirapan tuloy akong basahin kung ano ang laman ng isip niya dahil unang-una, nakasalamin siya na tinted talaga. Pangalawa, bulag din naman siya. Pero hindi nakatakas sa paningin ko 'yong panginginig ng kamay nito habang hawak ang tungkod nito. Malakas ang kutob ko na apektado siya sa sinabi ko. "Alam kong ilang taon na ang lumipas at nanahimik ka na ngayon. Pero gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagkakamatay ng Papa ko—" Hindi ko natapos ang sinasabi dahil nagsalita ito. "Wala akong alam diyan. Oo nagtrabaho ako dati sa police station sa Batangas pero wala akong alam kung bakit nakulong at namatay ang Papa mo." I frowned. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko iyong huling sinabi niya. "Wala akong sinabi na nakulong ang papa ko pero alam mo." Natigil ang paggalaw nito sa baston na hawak. Ilang segundo pa bago siya nakabawi. "Nagtrabaho ako sa police station noon kaya sino pa ba ang mga tao roon kung hindi nakakakulong." Humaha

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 8

    LOUISE did not stop to bother me unless sumama talaga ako sa kanila. This is the first time na sumama ako sa lunch na kasabay si Sandler.Noon kasi kami lang ni Louise at bihira lang din niya ako mayakag kumain sa labas kaya kuya niya ang lagi niyang kasama kapag nasa office sila."Okay ka lang diyan?" tanong ni Louise at nilingon pa ako.I smiled shyly."Okay lang," I answered and looked outside the window.Si Sandler ang nagmamaneho at nasa passenger seat si Louise habang nasa likod ako ng driver. Panay ang kwento ni Louise sa amin at siya lang talaga ang maingay sa sasakyan."Kaya I missed Switzerland, Kuya. Let's go back this ber month! Join us, Ava!"Napangiwi ako. Bakasyon nga sa Pilipinas hindi ko pa nagawa tapos Switzerland agad? Mahal ang gastos no'n.Hindi ko makita ang reaksyon ni Sandler dahil busy sa pagmamaneho pero napatingin sa kanya si Louise bago sa akin."Pag-iipunan ko 'yan. Not this year, maybe after three years?" I joked.She grinned."Sagot na ni Kuya. Okay lang

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 9

    SOBRANG init ng pakiramdam ko dahil sa takbo ng conversation namin ni Sandler. Walang kaalam-alam si Louise at hindi ko alam kung sasagutin ko iyong tanong ng kapatid niya gayong nag-angat na siya ng tingin sa amin. Her full attention is now on us."Sorry, may binasa lang ako. So... nasaan na nga ba tayo?" She asked without looking at us. Kumukuha siya ng carrot cake ulit.I wonder where did she put all the food she eats. Hindi kasi siya mataba pero ang lakas niyang kumain.Then, I remembered her mom. It could be the genes. Payat rin kasi ang Mommy niya.Sandler cleared his throat at mula sa gilid ng aking mga mata ay napatingin sa akin. I tried so hard not to look at him. Is he trying to spill it? Seryoso? Na kapag tinignan ko siya at wala akong ibang reaksyon eh okay sa akin na ikwento niya 'yon?"We're just talking about the food. Hindi pala mahilig sa maanghang at maasim si Ava," He chuckled.Louise laughed."Oo, Kuya. But she sometimes likes chocolates," she said, giving his brot

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Attorney's Revenge   KABANATA 10

    KINAKABAHAN ako sa nangyari sa akin pero nawala rin naman ang kaba nang kalaunan ay hindi naman na bumalik iyong tindi ng sakit ng ulo ko. Two weeks had passed, and I feel okay. Sa dalawang linggo na 'yon ay wala akong inatupag kundi ang trabaho at ilang cases na ni-review para sa trial na dadaluhan ko.Maliban doon nasisingit ko pa iyong ni-re-review kong case sa Papa ko. Mababalewala ang effort ko nabuksan ang case ni Papa kung wala akong sapat na ebidensya at witness."Hanggang ngayon nandito ka pa rin. Sabi mo sa akin uuwi ka na. I thought, you just want to avoid me."Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sandler sa harap ng lamesa. Sobrang focus kasi ako sa pagbabasa ng case and ilang photos ni Ferdinand Sarmiento. Hindi ko napansin na may ibang tao."Uh... oo," sagot ko at nilikop lahat ng papeles sa ibabaw ng lamesa.Pinapanuod lang niya ako habang ginagawa iyon."You're still working on that, even if it's late at night..." puna niya habang inaantay ako na matapos sa pagliligpit

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 43

    I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 42

    HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 41

    I don't have the chance to answer his call. Nag-iwan na lang ako ng text kay Sandler to tell him I'm on my way. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay binalingan ko siya.Nag-aalangan ako na sabihin sa kanya na huwag nang sumama sa loob or kung kakain siya ay sa iba naman siguro siya uupo?Abala ito sa pag-alis ng seatbelt at napansin yata na nakatingin ako."Spill it.""You're going to eat alone, right? I mean--""Yes. Don't worry, I will not disturb you on and your date, if that's what you want," suplado nitong sabi at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Sumunod ako sa kanya at medyo nairita dahil sa pagsusuplado sa akin.Ganunpaman, inantay niya ako para sabay kaming maglakad. Now that I'm with him, ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin.He can steal any woman's glance, and captured their hearts. He's like a walking Greek god. Iyong tipong kayang-kaya niyang paluhurin ang lahat.I cleared my throat.Nakaramdam ako ng awkwardness habang tuma

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 40

    I have no appetite for dinner yet I still tried to eat even just a little. Hindi na rin naman niya ako pinilit na kumain ng marami. Marahil ay sapat na sa kanya na pumayag ako sa gusto niyaThe following day, I woke up because of Sandler's call. Alas-siete pa lang ng umaga ay tumawag na siya just to check if he can still call me through my number."I'm really sorry! I don't mean to wake you up this early. I just want to make sure that your phone will still ring. Maybe, I'm just paranoid.""It's fine. Babangon na rin naman ako. Hindi na ko naka-reply din kagabi. I fell asleep. But yeah... let's meet at Marriot Hotel for lunch."I can sense Sandler's happiness over the phone."Yeah! Yeah... Let's see each other later. I won't take much of your time. Have breakfast, and whenever you want to talk to me, you can call or text me anytime, Ava.""Yup, I know. Thank you Sandler..." maos kong sabi bago ito nagpaalam at ibinaba na ang telepono.Naghanda ako para sa lakad ko mamaya. Hindi ako sum

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 39

    WALA akong ganang kumain matapos ang lahat. I locked myself in my room while listing the things that I need to request to get a new copy. Ang hassle sa totoo lang. My birth certificate, diploma, everything... nawala na.He's home.Hindi na ko nag-abala na lingunin ang pinto nang kumatok siya. Pasado alas-nuebe na. Kauuwi lang kaya niya?"Sorry to disturb you, but I heard you haven't eaten dinner yet?"Hininaan ko ang volume ng pinapanuod kong movie bago ko siya binalingan na pumasok na pala sa loob at may bitbit nang tray. Nanuot tuloy sa ilong ko iyong aroma nang pagkaing dala niya."I brought you dinner. Bakit hindi ka kumakain?" Blaze asked softly, which I feel so weird.Para akong may kausap na ibang tao. Blanko ang ekspresyon ko nang tignan siya."I'm full," paos kong sabi.Pinanuod ko siya na nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya umuwi. Basa ang buhok niya at halatang katatapos lang maligo. He's wearing a muscle-tee and cotton shorts. Napako ang mga mata ko sa mus

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 38

    "BAKIT?" tanong nito dahil nakatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagka-ilang sa kanya."Pinakialaman mo ba 'yong phone ko?" I asked while looking at him.Tinawanan lang ako nito pagkatapos ay binalik ang mga mata sa daan."No. Why would I? I kept that thing in my drawer," simpleng sagot lang nito.Saglit ko pa rin siyang pinagmasdan habang nanliliit ang mga mata at mukhang naramdaman niya 'yon kaya sinulyapan niya pa ako ulit."Why? What's the problem?"Tamad akong bumaling sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Hindi pa nga yata ako magaling. Hindi ko kasi matandaan na nilagay ko sa block list ang numero ng pamilya ni Sandler."I remember some memories now, but is it possible that there's an occurrence that I still can't remember?""There's a possibility since hindi pa naman talaga matagal no'ng huli kang naoperahan. Katulad ng sabi ko sa'yo noon, it may time time. Maybe months... or years."Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita. Kung ganito ang sitwasyon ko na hindi

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 37

    KAHIT alam ko na kung anong nangyari sa unit ko ay hindi pa rin ako makapaniwala ngayong nakita ko ang mga pictures. It's really true! Nasunog ang condo ko.Para akong sinikmurahan at tinamaan agad ng matinding lungkot. I work hard, so I could pay for it and have a comfortable life pero sa isang iglap... nawala lahat.Nag-unahan na sa pagpatak ang aking mga luha. NAnghihinayang ako sa mga napundar ko at hiundi lang iyon. Kundi ang mga gamit ko... mga ala-ala ko kay papa maging no'ng bata pa ako. Lahat 'yon naglaho na?I was crying my heart out when the door opened. Mabilis akong tumalikod para maitago ang mga luha kaso ay halatado dahil sa bawat paghikbi."Are you okay? What happened?" tanong ni Blaze at ang boses ay may bahid ng pag-aalala.As much as I wanted to hide it from him, it was pretty obvious, especially that he was beside me."Why are you crying?" tanong pa niya habang nakadungaw sa akin pero ako ay panay ang talikod para maitago sa kanya ang luha. Nahihiya ako na makita n

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 36:

    HINDI ako pinatulog ng antisipasyon dahil unang beses akong lalabas ulit simula ng nanatili ako sa penthouse niya. I am not used to be with him outside. Kaya hindi ko ma-imagine ang sarili kung anong itsura ko mamaya na kami lang dalawa ang magsisimba.I am wearing a white below the knee dress and it matched with my white doll shoes too. Natigilan ako dahil hindi ko alam kung anong isusuot ko para matakpan ang aking ulo na may bandage pa. I'll catch the attention of other people if I'll go out like this."Huwag na lang kaya ako umalis?" I sighed in disappointment.I really want to visit the church today, but I don't feel my look.Napalingon ako sa katok sa pinto and niluwa roon si Blaze na may bitbit na malaking box."I'm sorry to disturb you. I just want to give you this," anito at minuwestra ang box na bitbit.Tumayo ako para salubungin siya at inabot nito sa akin iyong box."What's this?" I asked and tried to shake the box to guess what was inside—medyo mabigat siya.I somehow felt

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 35

    UMIWAS ako sa kanya at ilang araw ko na rin itong ginagawa. Posible pala 'yon kahit dito ako nakatira. Hiyang-hiya ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magdeklara siya.I shut my eyes. I can't even believe it. For me, it feels like Blaze found a new toy in me. Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa ng pamilya niya sa papa ko? Tapos heto ako at walang magawa kundi sumunod sa gusto niya kaya nandito ako ngayon sa poder niya?Trip pa niya ako ngayon?I sighed and slowly opened the door. Sumilip muna ako kung may ibang tao and when I am sure that there's none. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at dire-diretso sa dining area. I know that he's done eating his lunch. Pasado ala-una na kaya malamang kumain na siya.Simula nang huling pag-uusap namin ay hindi na iyon nasundan dahil sinikap kong nasa kuwarto palagi. Thankful nga lang na hindi niya ako kinukulit.Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala ngang tao at may pagkain na.Bawat galaw ko ay may pagmamadali dahil ayoko na m

DMCA.com Protection Status