Share

KABANATA 6

Author: Stringlily
last update Last Updated: 2021-11-03 14:47:44

Kabanata 6

Possessive

"Ah so yung tiyang mo nalang ang kasama mo sa buhay?"

Tumango ako sa kanya bago sinubo ang fries. Kasalukuyan kami ngayong nasa canteen at kumakain. Pagkatapos kanina ng pag uusap namin ay bumalik naman agad ako sa classroom. At pagkatapos ng klase ay agad nya nalang akong hinila papuntang canteen.

Nilibot ko ang paningin sa buong canteen at muli ay namangha ako. Pagkatapos malaman kung anong klaseng nilalang ang mga kasama ko ay nakakapagtaka kung bakit hindi ako tinubuan ng takot. Sa una ay nagulat ako pero pagkaraan ay ni hindi ko makapa ang takot sa puso ko. What does that mean? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I feel secured around them?

This is really a first time. Diba dapat ay makaramdam ako ng kaba dahil ang mga nasa paligid ko ay hindi basta bastang mga nilalang. They can kill me in just a snap of a finger. My safety is not secured when I am surrounded by those creatures. Everyone describes them as ruthless creatures, but I can't find myself being afraid of them?

I sighed. Kung ito ang nararamdaman ko ay wala akong magagawa. Maybe harmless naman silang lahat basta wag nyo lang silang uunahan. Diba nga hindi naman lahat ay masama? Siguro ay kagaya lang din sila sa mga tao na mayroong masama at mabuti. If you won't trigger them then you have nothing to worry. 

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya. Kumibit balikat naman ito bago ngumiti sa akin.

"Kagaya mo ay wala na din akong mga magulang. Ang kasama ko nalang sa buhay ay ang Lola at kuya ko." Sabi nito bago ngumiti at bumuntong hininga, "Bata pala lamang ako ay namatay na ang mga magulang ko. Pinatay sila ng mga hunters. Hunters are a group of people who captured and killed werewolves and vampires. They are afraid that we might annihilate humans. One day, a group of hunters attacked our city. Ang papa at mama ko ay katulong ng Alpha sa pagprotekta sa mga mamamayan. Sa kasamaang palad ay natamaan ng silver bullet ang papa ko sa may puso. He tried to save my mom but mom save me." She laugh bitterly before eating her fries. 

"She protected me from getting killed by those hunters. Wala silang awa na kahit mga bata ay nagawa nilang patayin dahil lamang sa pag iisip na magagawa naming patayin lahat ng mga tao. Iyon ang rason kung bakit nagtayo ang mga pinuno ng bawat clan ng isang skwelahan para mag unite at mag train ng mga batang kalahi namin. Dahil nga target din nila ang mga werewolves ay nakipag ugnayan na ang lahat at maging ang witches ay tumulong na rin. After so many lives that were sacrificed, everyone was now united to create peace and protection against the hunters."

Dugtong nito kaya kahit nakaramdam ng kasiyahan sa pagkakaisa ng tatlong mga lahi ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil sa sinapit ng mga magulang nya. That was so tragic and painful. You just saw how your parents got killed.

Hinawakan ko ang kamay nya at nginitian sya. Natawa naman ito bago umiiling sa akin.

"Wag mo 'kong kaawan thana." Anito bago ako nginitian. Bumuntong hininga naman ako bago umiling.

"Hindi kita kinakaawan, nalulungkot lang ako para sayo at sa sinapit nila." Ani ko kaya ngumiti ito sa akin. 

"Bakit may pagkakaiba ang dalawang iyon?" Maloko nitong tanong kaya napangiti ako at tumango. 

"Oo naman." Pareho kaming mahinang natawa at pinagpatuloy na ang pagkain. 

"Bell!"

Sabay kaming napalingon ni Amabella sa boses na tumawag sa pangalan nito. Nakita namin ang isang lalaki na nakangiti habang papunta sa direksyon namin.Tumayo si Amabella at sinalubong ang lalaki ng yakap. Nanatili naman akong nakaupo at nakamasid sa kanila. The guy resembled so much with her. I have a hunch that they are siblings.

Nang kumalas sila sa yakap ay agad na bumaling si amabella sa akin bago nito hinila ang lalaki papunta sa mesa namin. Ngumiti si amabella bago tinuro ang lalaki. "Thana. Kuya ko nga pala." 

Ngumiti naman ako bago bumaling sa lalaki. Binigyan din ako nito ng ngiti bago nito nilahad ang kamay sa akin. "Logan bryson Clementine." Pakilala nito kaya agad kong inabot ang kamay nitong nakalahad.

"Thana aclys Verielde." 

He is looking at me intently. Tanging malapad naman na ngiti ang isinukli ko dito. I said earlier that Amabella is beautiful so is her brother. He has this brown hair that complements his white skin, chinky eyes, pointed nose, and plump lips. Just like Amabella's eyes, he also has amber eyes.

"Kuya siya ang bago kong kaibigan." Singit ni Amabella kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Ngumiti ito at hinawakan ang braso ng kuya nya. "Samahan mo nalang kami dito sa mesa kuya. Wala pa ba sina kuya Von?" Baling naman nito sa kuya nito. 

Nakatingin lang sa akin ang kuya nito bago ito ngumiti. "Okay lang ba?" Tanong nito sa akin kaya tumango ako.

"Sina kuya von?" Tanong ni amabella ng makaupo na sila. 

"Parating na sila. Hindi na ako nakapasok sa mga subjects kanina dahil kagagaling ko lang sa misyon." Sagot naman ng kuya nito kaya napatango ito samantalang ako ay nakamasid lang.

Mission? Why? How?

I have read in some vampire stories before that there are some council or sergeants who maintain the peace between mortals and vampires. Kung may pakalat-kalat man na mga bampira ay binabantayan o pinaparusahan ang mga ito ng sergeants. Sila ang parang rumuronda sa mundo ng mga tao.

But that was the thing that hunters can't understand. Sa katunayan ay ang mga bampira pa nga ang sumusuway sa kapwa bampira so how can they think that they want to annihilate all the humans? Kung iyon man ang layunin nila ay sana noon pa nila nagawa. 

Sa buong buhay ko nga sa mundo ng mga mortal ay wala akong narinig na isang balita tungkol sa pagpamatay ng isang bampira sa tao. Maybe hunters were just overacting. Or maybe, ayaw lang nilang tanggapin na mas may makapagyarihan pa maliban sa kanila. Na may iba pang mga nilalang sa mundo at hindi lamang tao. 

"Yeah by the way, How's your mission?"

"So far ayos naman." 

Bumusangot naman ang mukha ni bella na para bang hindi pa nasatisfied sa sinabi ng kuya niya. 

"Bakit ayo---" Bella didn't finished her sentence when another shout echoed in the cafeteria.

"Bella babes! Logan!" 

Halos lahat ng estudyante sa cafeteria ay nabaling ang tingin sa lalaking sumigaw. Papalapit ito sa pwesto namin habang may ngiting nakaplaster sa mukha nito. May kasama pa itong isang babae at lalaki. Seryoso lamang ang dalawa habang yung isa naman ay sobra kung makangiti.

The guy looks so happy huh? Kitang kita na ang gummy nito sa kanyang pagngiti. At mukhang nakakahawa ang ngiti niya dahil parang gusto ko nalang din ang ngumiti. 

"Kuya Von!" Sigaw ni amabella kaya napangiwi ako. Ba't ang hilig nilang sumigaw ngayon?

"Ba't si Von lang yung tinawag mo? Paano naman ako?" Reklamo ng lalaking wagas kung makangiti. The man with a gummy smile. Kung pwede lang siyang tawaging si colgate guy ay baka iyon nalang ang itawag ko sa kanya. 

"Hindi ka naman importante para tawagin kita." Sagot naman ni amabella kaya napasimangot ang lalaki. Napangiti na lamang ako habang nagmamasid sa kanila. Maya-maya pa ay napalingon sa akin ang lalaki at mukhang nagulat ito at nagtaka.

"Oh? May bago kang kaibigan bell?" Tanong nito kaya naman nabaling sa akin ang tingin ni Amabella bago ito ngumiti.

"Oo nga pala."  Lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko, "Si Thana nga pala. Kaklase at kaibigan ko." Pakilala sa akin ni Amabella kaya agad akong tumayo at ngumiti sa kanila. 

"Oh? What a beautiful name. Beautiful like the owner. By the way, Carter Erienou at your service sweety." The man with a gummy smile introduced. Nagulat nalang ako ng kunin nito ang kamay ko bago nito hinalikan ang likod ng palad. Imbis na mainis ay natawa nalang ako sa ginawa nya. Sobrang pormalidad naman ang kanyang ginagawa. Or baka nasa panahon pa siya kung saan iyon ang way ng greetings ng mga tao. 

And well, I can tell that he is a playboy. His looks and actions says it all. But I find his dimples cute. 

Nawala ang ngiti sa labi ko ng biglang humangin ng malakas sa buong cafeteria. Sa sobrang lakas ng hangin ay natangay ang mga pagkain na nasa mesa. Yung ibang mga mesa at upuan naman ay nagsiliparan. What the heck?

Narinig ko ang pag tili ng mga estudyante sa nangyari habang ako ay natulala lang. Nagulat ako sa nangyari kaya hindi agad ako nakagalaw. What was that? May buhawi ba na dumaan? E diba dapat ay natangay na kami kung ganun nga?

"What happened?"

"Omgee! What was that? Did someone use their ability?"

"That is so scary."

"Mi cielo..."

"Why are you scared? You have the ability to protect your self."

"Mi cielo..."

Kinagat ko ang ibabang labi at ramdam ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nilibot ko din ang paningin sa paligid pero lahat sila ay kanya kanyang reklamo dahil sa nangyari. Where did that voice came from?

"So? It is still scary to think that anytime they might attact us."

"Mi cielo..."

"You are so---"

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila Amabella pero hindi ko na sila pinansin at patuloy lang sa pagtakbo. Alam kong nagtataka sila sa inasta ko pero wala na akong pakialam. Ang ginawa ko nalang ay ang sundan ang boses na tumatawag sa akin. Dahil kilala ko. Kilala ko ang boses na yun.

Hindi ako pwedeng magkamali. 

Deretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa kagubatan. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng ganito sa eskwelahan na to'. But that was the least of my concern. Deretso lamang ako sa pagtakbo. Tanging huni ng pag apak ko sa mga dahon ang tanging tunog na naririnig ko. Alam kong nakalayo na ako sa may bukana ng kagubatan at hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako tinubuan ng takot. Or kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagod sa sobrang haba ng tinakbo ko. 

Nang tumigil ang boses sa pagtawag sa akin ay napatigil na din ako sa pagtakbo at hinihingal na nilibot ang paningin sa paligid. Puno lahat ng nakikita ko at wala ng iba. A dead trees to be exact. Now, where exactly am I?

"Sino ka?" Lakas loob kong tanong ng makabawi na ako sa kakahingal.

Nang hindi ko marinig ang sagot nito ay nagtanong ulit ako. "Sino ka? Bakit mo ko tinatawag? Alam kong ikaw yun. Yung lalaking nagligtas sa akin noon."

Still no response.

"Magpakita ka sa akin! Pakiusap. Magpakita ka." 

Nilibot ko ang paningin sa paligid at ni anino ng isang tao ay wala akong nakita. Napabuntong hininga ako at nakagat ang pang ibabang labi. Mukhang wala syang balak na magpakita sa akin---

"Why did you let him touch you like that, huh?"

My breathing hitched. Parang tumigil din ang paligid namin at tanging paghinga nya lang ang naririnig ko. Ramdam na ramdam ko ang kamay nitong nakahawak sa magkabilang balikat ko ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil nasa likuran ko sya. His touch. Nahahatid ng kakaibang pakiramdam ang hawak nito. Parang kuryente na dumaloy sa aking katawan.

I gulp. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko pero sigurado akong hindi iyon dahil sa sobrang pagod o sa kaba kundi dahil sa kakaibang epekto na hatid niya. 

"They don't have the right to touch you like that because you're mine." Nauulanigan ko ang galit sa tono ng boses nito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang galit niya. Dahil ba may humawak sa aking ibang lalaki? 

Bigla bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko na tipong kinakapusan na ako ng hininga. Hinawakan ko ang bandang puso ko at pinilit ang sarili na lingunin ang may ari ng kamay na nakahawak sa balikat ko. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng pinalupot nito ang kamay sa bewang ko na syang dahilan ng pagkapako ko sa kinatatayuan. Hindi ako nakagalaw at nanigas lamang sa pwesto.

Ramdam ko na naman ang kakaibang emosyon na bumalot sa akin noon. Mukhang ginagamit nya na naman sa akin ang kakayahan nya sa pagkontrol ng emosyon. Kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko sa aking katawan. Na imbis na matakot sa ginawa ay bakit mas gusto ko pang manatili kami sa ganitong pwesto? Bakit ayaw ko na kumalas siya sa akin? Na bigyan ng espasyo ang katawan namin? Why does it feels like my body is craving for his touch?

I know that is insane! Sino ang may gustong manatili sa ganitong pwesto kasama ang taong hindi mo kilala? I have only met him thrice so why I felt this emotions? 

This is crazy!

"I don't want them to touch what's mine." He sounds so possessive. Tila ayaw nitong ipahawak ang kung ano mang pag mamay ari nito sa iba. That if you dare to steal what's his, he will not hesitate to kill you. That is how his voice sounded and what he want to convey to me.

Hindi ko maproseso ang mga sinasabi nito dahil rinig na rinig ko ang sariling tibok ng puso. Sana tigilan nya na ang paggamit ng kakayahan nya sa akin dahil baka mabaliw ako. Hindi naman ako laruan para paglaruan nya ang damdamin ko ng ganito. Wala ba syang ibang paglalaruan kaya ako ang napili nya? Did he think I am a toy that he can play?

Sa isiping yun ay biglang uminit ang ulo ko at nakaramdam ako ng pait sa sikmura. Parang asido ito na sinaboy sa lalamunan ko patungo sa tiyan ko. And I just want to spit it.

"You're mine mi ci--"

Inis ko syang hinarap at saka sya dinuro. "Pwede ba! Wag mong paglaruan ang damdamin ko?! Dahil nakakabaliw ito at lalong lalo ng ayaw ko nito! Maghanap ka ng ibang paglalaruan dahil hindi ako laruan!"

Mukhang nagulat sya sa ginawa ko at maging ako ay nagulat din sa ginawa. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para magawa ko yun.  Tanging inis ang bumalot sa akin dahil sa kaisipang pinaglalaruan nya ang damdamin ko. I'm not a f*cking toy! 

 I don't want this feeling. I live my whole life peacefully but this feeling just ruined it. Iyong isipin na nararamdaman ko ito sa isang estranghero. Iyong tatanungin mo ang sarili kong bakit at kung ano itong kakaibang nararamdaman mo. 

Bakit bigla-bigla na lamang siyang sumulpot sa buhay ko at gawin ito? Yes, I am thankful because he save me from that rapist. I should thank him that. But playing with me isn't fine and I will not let him do that. 

Hindi ito nakagalaw ng ilang segundo at tanging paghinga lang namin ang naririnig. And also my heartbeat. 

Ngunit ng mag angat ito ng tingin sa akin ay agad akong napaatras. Ang kulay berde nitong mga mata na parang hinihigop ang iyong buong pagkatao ay tutok na tutok sa akin. He is wearing a mask that covers half of his face and he is also wearing a cloak. A michievous grin touch his lips and my heart beat faster because of that. Why did he suddenly act like this? Kinabahan ako ng humakbang ito ng isang beses papunta sa akin dahilan ng pag atras ko na syang ikinalaki ng ngisi nito. I know that he can sense that I am now afraid. 

Yes, for the first time I am afraid of what he can do. Sa mga salita ko ba naman at sa paraan ng pagkakasabi ko ay sino ang hindi magagalit?

Umabante ito at umatras naman ako, hanggang sa paulit paulit namin iyong ginawa. Sobra sobra ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginagawa nito lalo na ng tumama ang likuran ko sa isang puno. I'm doomed. Did I just get him mad? 

Of course you did.

Napalunok ako ng nilapit nito ang katawan sa akin at nag iwan lamang ng maliit na espasyo. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata nito  na tutok na tutok sa akin. Para bang hinihigop nito ang buong lakas ko kaya wala akong nagawa kundi ang magpaalipin sa kanya. I can't do anything but to surrender my self to him. 

Mas lalong lumaki ang ngisi nito na tila may naalalang nakakatawa sa sinabi ko kanina. 

"Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo para sabihin mo na pinaglalaruan ko ang damdamin mo?" Tanong nito na nagpagulat sa akin. Para bang naumid ang dila ko dahil hindi ko sya agad masagot. 

Ano nga ba? Dahil ramdam na ramdam ko ang pagbilis at pagtigil ng tibok ng puso ko dahil sa simpleng ginagawa nya? Na maraming paru-paru ang nagliliparan sa tyan ko pag malapit sya? Na gusto ko ay kasama ko sya? At yun ang kataka taka dahil ni hindi ko nga sya kilala ng lubusan. Kaya bakit ako naghahangad na manatili sya sa tabi ko? Isa lang ang sagot. 

Dahil pinaglalaruan nya ang damdamin ko.

"Hmmm? Tell me." 

"D-dahil nakakapagtaka na gusto ko palaging nasa tabi kita! At yun ang nakakapagtaka dahil hindi naman kita lubusang k-kilala!" Sigaw ko at napapikit dahil hindi ko makayanan ang titig nito. Rinig ko ang mahina nitong pagtawa at yan na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang mga paru-paru sa loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay may susi siya para palabasin ang lahat ng mga iyon. Iyong sa simpleng tawa niya palang ay pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga.

"Really? Yan ang nararamdaman mo? What else?"

Mas diniinan ko ang pagpikit at kinagat na ang ibabang labi. Nag dedebate ang puso't isip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang iba pang nararamdaman ko pag malapit sya. Bakit parang nag aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi? You need answers right? So might as well tell him.

"What else hmmm?"

"B-bumibilis ang tibok ng p-puso ko at ramdam ko a-ang---"

"Thana?! Asan ka?!"

Agad akong napamulat ng mata at nagulat ng mawala na sya sa harap ko. Naiwan naman akong tulala at hinihingal sa hindi malamang kadahilanan. Ito ba talaga ang epekto ng misteryosong lalaking yun sa akin? Pero hindi pa nya nasagot kung sya ang kumukontrol ng damdamin ko. 

Napahawak ako sa bandang puso ko at napapikit. Nandito na naman ang pakiramdam na gusto ko syang nasa tabi ko. Katangahan ang ganitong pakiramdam thana! Papaano mo mararamdaman ito sa isang misteryosong lalaki?

I bit my lowerlip and wipe the tears that was streaming down my face. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko dahil sa samo't saring naramdaman. 

"Thana?!"

"Thana!"

Ramdam ko na may humawak sa magkabilang balikat ko kaya agad akong napamulat at napangiti ng makita si amabella sa harapan ko. Kita ko ang pag aalala sa mukha nito kaya napabuntong hininga ako. Kasunod nito ang mga kaibigan nito na kapwa ding nag aalala. Para namang nakaramdam ako ng konsensya sa biglaang pagtakbo ng walang paalam. Napag aalala ko pa tuloy sila.

"Ayos ka lang ba?"

"Anong nangyari?"

"Oo nga? Ba't ka tumakbo?"

Tipid na ngumiti lamang ako sa kanila bago napabuntong hininga at napayuko. "Pasensya na kung napag alala ko kayo sa biglaan kong pagtakbo. Pasensya na talaga." I didnt mean to scare them. 

"Ayos lang yun."

"Pero bakit ka nga ba tumakbo paalis? May problema ka ba?" Nag aalalang tanong ni Logan na kuya ni amabella.

Hindi ko alam kung ano ang irarason ko sa kanila kaya naman nahirapan ako sa pag sagot sa tanong nila. What should I say? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang tunay na dahilan. Pakiramdam ko ay mas mabuti pang sa akin na lamang ito. It is not that I don't trust them, but because I think this problem is not for them to think anymore. These are all are mine, and no one should solve this problem but only me.

"Oo nga. May problema ka ba thana?"

"Ahm wala. May nakita lang kasi ako kaninang pigura sa malayo kaya agad kong sinundan. Yun pala pusa lang." Pagsisinungaling ko. Agad ko silang tinignan isa-isa sa mga mata para hindi sila maghinala na nagsisinungaling ako. 

Napaginhawa naman sila dahil sa sagot ko at agad ngumiti. Maging ako ay nabunutan ng tinik sa isiping hindi na sila magtatanong ng mga katanungang hindi ko naman masasagot. 

"Next time you need to be careful with your actions. You're too innocent and easy to fool." Seryosong saad ng lalaking kaibigan nila kanina bago ito tumalikod na. If I'm not mistaken, he is Von.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya at hindi agad nakagalaw. Tipid naman na ngumiti ang iba sa akin bago sila sumunod dito. 

Naiwan naman akong tulala at pinoproseso ang sinabi nito.

"Next time you need to be careful with your actions. You're too innocent and easy to fool." 

*****

WRITTEN BY: STRINGLILY

Related chapters

  • The Alpha's Secret   KABANATA 7

    Kabanata7Her past lover Napabalikwas ako ng higa ng maalala ang nangyari kanina. Ala dos na ng madaling araw pero heto pa rin ako at dilat na dilat. Hindi ako tinubuan ng antok dahil sa kakaisip ng nangyari kanina sa gubat. Why is he there? Bakit niya ako tinatawag ng ganoon? At bakit ganoon na lamang sabihin ng Kaibigan ni Amabella ang lahat ng iyon sa akin? Did I do something wrong? I was just running--- I was stunned. Could it be? Alam niya kaya ang totoo? Paano? May kakayahan ba siyang makita ang lahat? O baka alam niya lang talaga na nagsisinungaling ako? I sighed. Paano nga kung alam niya? Hindi naman siguro niya alam na may lalaki akong nakita sa kagubatan. Sure, he knew that I was lying but he didn't really know everything. I pursed my lips before looking outside the window. Pagkatapos ay napatingin ako kay tiyang na himbing na himbing na sa pagtulog. Napabuntong hining

    Last Updated : 2021-11-04
  • The Alpha's Secret   KABANATA 8

    Kabanata 8New teacher "I'm CassiusbraedenAlvarous." It keeps on repeating inside my mind. How he introduced himself in front and how I keep spacing out because of his presence. I can't even utter a single word because of shock. Why is he doing here? I-i mean....nevermind. I sighed before biting my lips. This is so unexpected and honestly, I don't know how to react. He will going to be our teacher and I have this feeling not to embarrassed my self. Nakakahiya pero hindi naman siguro siya magsusumbong kay tiyang pag may nagawa akong mali? It is not that I am going to do something bad though. But sometimes we can't really avoid making mistakes. Wala naman sa personalidad nito ang magsumbong pero nakakahiya pa rin pag napahiya ako sa harap niya. Hindi pa nga nangyayari yun ay kinakabahan na ako. Mas lalong dumiin ang pagkakag

    Last Updated : 2021-11-04
  • The Alpha's Secret   KABANATA 9

    Kabanata9DangerOverthinkingOverthinking will lead you into two consequences. It is either good or bad.Sometimes, people overthink something that just need a shallow understanding. So many things will run inside your mind, and in return? You will just hurt yourself.So is it bad?It depends on the situation. For example, If we will put it in a realistic situation. We can put the reason why some of the couples break up. It is because of misunderstanding. Some scenario is when a boy did not reply quickly to the girl messages. The girl will think that the boy is cheating on her. Why? Because she is over-analyzing the situation. Her mind created a problem that wasn't even there. So in the end, she will end up breaking up with him. You didn't give him a chance to explain himself to you.This is not only for girls but also for boys.Sometimes, it is just you who hurt yo

    Last Updated : 2021-11-04
  • The Alpha's Secret   KABANATA 10

    Kabanata10WeirdDid you experience something that makes you think that it is the end for you? That, that is your last day here on earth?Because if you ask me? Then I'll answer, yes.It is so traumatizing for me to experience that horrible thing. But the father in heaven gave me another chance to live again. And that is something that I want to thank.And to that person who save me from that traumatizing scenario. I want to say thank you to him. I want to thank him personally but I don't have an idea who he is and what he looks like.That day I just suddenly woke up here in my bed, sleeping peacefully. And I asked mytiyangwhy I end up here. When I clearly remembered that I'm with someone.I'm with the person who save me.Ang sagot nya sa akin ay nakita nila akong nakahandusay sa sahig sa labas ng pintuan. Marami daw akon

    Last Updated : 2021-11-05
  • The Alpha's Secret   KABANATA 11

    Kabanata11Book"Silence."I don't know kung pang ilan na ang saway na yan ng librarian kina bella at carter na kanina pa nagbabangyan. Ang ingay nila kaya naman kanina pa sila sinasaway pero parang wala lang sa kanila.Iyong tingin ng librarian ay gusto na kaming itulak palabas itong dalawang ito ay parang hindi lang naramdaman ang sobrang sama ng tingin sa amin. Pasalamat nalang talaga kami dahil wala masyadong tao sa library ngayon.Napabuntong hininga ako bago umiling iling. Hindi ko nalang sila pinansin pa. I opened the book that caught my attention earlier. It is entitled 'Η πριγκίπισσα'. And

    Last Updated : 2021-11-06
  • The Alpha's Secret   KABANATA 12

    KABANATA 12CURIOUSITY"Ang nangyari sanakaraanaymangyayariulit sakasalukuyan. At walangmakakapagpigilsa dapat namangyari."It keeps on repeating inside my mind. Paulit ulit at sinakop na nito ang buong pag iisip ko. Habang nag lalakad ay tulala at iniisip ko pa rin ang nangyari. I don't know why but it keeps bothering me. Those words that I have read and the words that Belle uttered. Paulit-ulit at paulit-ulit itong bumabagabag sa akin.Kanina pa ako tulala maging sa klase namin kanina ay hin

    Last Updated : 2021-11-07
  • The Alpha's Secret   KABANATA 13

    Kabanata12KhaManjoMabilis na talaga ang ikot ng mundo at sa sobrang bilis ay hindi ko namamalayan mag iisang buwan na pala akong nanatili dito. At sa loob ng isang buwan ay natutunan ko na kung paano mag ingat ng mabuti para hindi ako malagay sa panganib. In that one month, mas naging malapit na din kami nina Amabella, Carter at Logan. Habang ang dalawa naman nilang kaibigan ay tahimik lamang kapag sumasama sa amin. It looks like the have their own world.Actually, gusto ko silang maging kaibigan ngunit pakiramdam ko ay may tinayo na silang barrier sa akin. Hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan sila. Hindi kasi sila palasalita at tahimik lamang palagi. As in hindi talaga sila magbibitaw ng salita pag magkakasama kaming lahat. Ayaw ko naman

    Last Updated : 2021-11-08
  • The Alpha's Secret   KABANATA 14

    KABANATA 14PROJECTNapaiwas ako ng tingin kay amabella ng tapunan ako nito ng nanunuksong tingin. Kanina pa nya ako tinutukso at kanina ko pa din gustong mag walk out kaso ay baka magtaka sila. Alam ko pa naman na iba kung mag conclude itong isa.Kasalukuyan kaming gumagawa ng group project namin at kasama ko si Amabella sa iisang grupo. Magmula ng bumalik kami galing canteen ay tinutukso na nya ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutukso. Naabutan niya lang naman kami na magkatabi habang kumakain at wala ng iba. Kaya bakit niya ako tinutukso? At bakit ganito? Hindi ko maiwasang hindi mamula. Paano ko itatago ang nararamdaman ko kung kahit konting tukso ay namumula na agad ako?"Namumula ka so it means affected ka." Bulong nito sa akin. Nanatili naman akong tahimi

    Last Updated : 2021-11-09

Latest chapter

  • The Alpha's Secret   SPECIAL CHAPTER

    SPECIAL CHAPTERTHANAACLYSEPOINT OF VIEWIt feels so surreal. I can not believe that I am now again back in his arms. The arms that I have been dying to envelop my whole being. The destination that I have been dreaming of. The feeling that his arms gave me didn't change. It is still the same arms that can send touches of warmth in me. The arms that make me feel safe and secure. And that is from my husband, my love, Cassius Braeden Hermeone.I can't still believe that I have been working with my husband. Kung hindi pa niya hinubad ang kwintas na suot-suot ko ay hindi ko pa maalala ang lahat. Ang mga alaala ay biglang bumuhos sa utak ko at para bang movie lahat-lahat.Remembering it makes me smile. I cannot believe that I resurrect from the dead. I cannot believe that I resurrect from the dead. Yes, I died and lived again. It is because of Br

  • The Alpha's Secret   EPILOGUE

    EPILOGUE"Aclyse! Aba gising na! Malalate ka na sa trabaho mo!"Napakamot ako ng mukha ko bago ako nag talukbong ng kumot. Ano ba naman to si nanay kay aga aga nambubulabog. Hindi ba niya alam ang beauty sleep?"Aba gusto mo bang malate sa trabaho mo?!"Hindi ko naman ito pinansin at pinilit na pumasok ulit sa dreamland. Paano ba naman kasi eh yung boss ko andaming pinagawa sa aking paper works kaya nalate ako ng tulog kagabi. Kainis talaga ang lalaking yun. Masyadong mainitin ang ulo daig pa ang babae kung makaasta. Kung hindi lang talaga ubod ng pogi ay nag resign na ako doon.Hmmm...ang sarap talaga ng kama ko. I love you na. Ikaw nalang aasawahin ko.

  • The Alpha's Secret   KABANATA 46

    KABANATA 46BEGGINGThird Person's Point Of ViewIn the middle of the garden there is a man kneeling in front of a tree. Begging for something. His voice is laced with sadness but determination is written on his face."I'm begging you to spare my wife and my child. Please I'm begging you. Let them live. I'm begging you." Paulit ulit nitong saad at bahagyang niyuko ang ulo."Goddess of all, I'm begging you to please spare my wife and child. If I can take their pain then I will. Ako nalang ang parusahan mo. Wag nalang sila. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na makita silang nahihirapan." Bahagyang umalog ang balikat nito tanda ng kanyang pag iyak. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mukha at boses.

  • The Alpha's Secret   KABANATA 45

    KABANATA 45TILL THE END"Mom."Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ng tatlo kong mga anak. Matamlay akong ngumiti sa kanila at kita ko naman ang kalungkutan sa kanilang mga mata. I know that they are just trying to conceal it. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung ang sarili mong ina ay parang isang patay na nakaratay sa kama."M-mga a-anak." Karalgal na tawag ko sa kanila. They sat beside me."Mom, I know you are strong." I looked at Cassius or should I call him, Achilles Brane. Our little Cassius. He is on the verge of crying."Don't give up mom." His voice cracked and it broke my heart into pieces. Sobrang d

  • The Alpha's Secret   KABANATA 44

    KABANATA 44IT IS STARTINGI saw a woman smiling on me. But that smile didn't reach her ears. The woman is so thin and pale. Paler than before. She has dark circle under her sad eyes.I tried to reach her hand. But I can't. I tried to say a word to ease her pain but I can't. The more I try to give advice, the more I can feel the pain on my chest.I saw a tears streaming down her cheeks. That's when I noticed that my cheeks are wet. And then I realized that the woman is me. The woman is my reflection.Funny to think that I can do things that vampire can't do. I can see my self in the mirror while they can't. And sadly there are things that vampire can do while I can't. They can live forever if they want but

  • The Alpha's Secret   KABANATA 43

    KABANATA 43WORLDDays have passed quickly and I'm now 2 weeks pregnant. But my tummy is bigger than how it should be. In the mortal world, I look like a 7 months pregnant.Habang lumalaki ang tiyan ko ay unti-unti ko ring nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. Para bang sa oras na manganganak ako ay wala akong lakas. Parang hindi na kakayanin ng katawan ko na mailabas pa ang bata. But I'm trying to stay positive. I want to gave birth safely and I want my baby to see the world.As for now, braeden didn't know about this. I'm keeping it from them and I always act jolly infront of them. Ayaw ko na mag alala sila sa akin at gusto ko nalang na sulitin ang bawat minuto na kasama ko sila. I don't know what's ahead of me.

  • The Alpha's Secret   KABANATA 42

    KABANATA 42ANOTHER TEA"ARE YOU REALLY sure that you won't still sleep?"Braeden asked me while I was cuddling him. I'm staying in his room, and I think there is nothing wrong with that because I'm his wife. And we have three sons and another angel inside my womb.I gave him my sweetest smile before hugging him."I want us to stay like this. I want you to tell me how you were able to survive without me." I said.He sigh and hugs me back. Mas lalo naman akong napangiti ng amoy amoyin nito ang buhok ko."Well, it is hard to survive without you by my side, but I'm just thinking positively. I always think that after 20 years you will wa

  • The Alpha's Secret   KABANATA 41

    KABANATA 41SONS"Hey are you okay?"I didn't bother to answer him. I don't know how many times he asked me that but I remained quiet. I lose count on how many times he tried to talk to me but I shove him away. I don't know what to say. I'm still speechless about the information I have. Hindi pa masyadong naproseso ng utak ko ang lahat at ang tanging nasa utak ko ay niloko niya ako. He betrayed me. All along, my life is a complete lies.H-how? I--i---"Love."He called me once again, but I remained quiet and chose to ignore him."Did I do something wrong?" He asked me and I can sense confusion in his tone.

  • The Alpha's Secret   KABANATA 40

    KABANATA 40THE TEALahat ay nakatingin sa dereksyon namin. Their eyes darted to us and then to our intertwined hands. After that they would look away and talk with their friends.Naglalakad kami ni Braeden papuntang office ng dean. Ngayong araw kasi ay gusto nya na akong ipaalam sa dean na kung pwede ay titigil muna ako. At ganun din sya sa pagtuturo.We have been talking about this matter and today is the day that he chose. Wala naman na akong nagawa at tama naman siya ng sabihin na hindi na ito kailangan pang patagalin. Mabilis lamang lalaki ang tiyan ko kaya hanggang maaga ay makapag paalam na kami.If you would ask me, did I regret getting pregnant? Did I regret stopping my study because of this?

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status