[HILAGA]
Borderline ang humahati sa Kanluran, Sentro at sa Hilaga. Ito ang naghahati sa tatlo. Puno ang humahati sa Sentro at Hilaga. Samantalang bato naman sa Kanluran at sa Sentro. Pawang mga anyong tubig naman ang nasa timog kung saan pinagbabawal ang pagpunta roon.
"Huwag kang maingay, Aikee. Parang awa mo na," bulong ko sa kanya.
Tila kasi siya nakakita ng magandang palaruan. Sabagay, magandang training ground ang lugar na 'to. Nagtataasang puno at naglalakihang sanga. Ngayon pa lang ay ramdam ko na galak sa mga mata ng kapatid ko. Kahit papaano ay sulit ang anim na oras na byahe.
"Kuya! Dito na lang tayo magtayo ng bahay! Ang ganda ng lugar na 'to! Bakit kasi hindi tayo napadpad noon dito, 'no? Sayang!"
"Wag ka nang maingay, Aikee. Papalubog na ang araw," sagot ko at hinatak na siya para makapaglakad.
Hindi siya magkamayaw sa paglingon. Samantalang ako ay tinitignan ang paligid kung may pack ba kaming magagambala. Mahirap na at baka mapalaban kami.
Ilang minuto pa hanggang sa maramdaman ko ang paghinto ni Aikee.
"Palitan mo kaya 'yang mask mo, Kuya? Baka makagambala ka ng pack," seryoso ani nito sa akin habang nagmamasid pa rin sa mga punong nakapaligid sa amin.
Humarap ako sa kanya at nilagay ang aking kamay sa harapan ng aking mask. "Maniwala ka sakin, Aikee. Matatakot sila kapag nakita 'tong mask na 'to. Bakit kasi ibang mask pa ang ginamit mo? Hindi mo ba alam na pwede kang makaattract ng mga Rouges? Magmumukha kang baguhan," sagot ko na nagpahinto sa kaniya.
Hindi niya ba naisip ang bagay na 'yon?
Akma niyang ilalapag ang malaki niyang bag nang makarinig kami ng mga alulong. Tatlong beses iyon dahilan para mapahinto rin ako.
"Sabi ko na sayo, eh," kibit balikaw kong sabi sa kapatid ko.
"Eh, malay ko ba. Akala ko kasi hindi tayo kilala sa lugar na 'to," sagot naman nito.
Nang maisuot nito ang mask namin ay agad na naglabasan ang tatlong tao mula sa malaking puno na nasa harapan ko. Hindi, hindi sila basta tao lang.
Pare-pareho sila ng kasuotan. Parehong abo na mayroong lining na kulay ginto. Malaki ang katawan ng isa samantalang maliit naman ang isa sa kanila. Ang huli naman ay matangkad na payat.
"Bakit naligaw ang dalawang hunter sa lugar na 'to?" ani ng isa sa kanila. Galing iyon sa malaki ang katawan.
"Bobo talaga nito! Malamang manghuhunt sila! Antanga mo!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
Humarap ang matangkad sa kanila. "Pwede ba? Huwag dito, ok? Pag-umpugin ko kayo, eh."
Napatiim bagang ako dahil nasasayang ang oras namin. Malapit nang sumilay ang buwan at mahihirapan kami dahil may mga dala kaming malalaking bag.
"Pwede bang umalis kayo sa dadaanan namin?" tanong ko na kinagulat nila.
Humarap sila at ngayon ay na sa akin na ang atensyon.
"Woa, a-ang astig! Ang lamig ng boses mo!" sigaw ng matangkad sa kanila.
"S-Shuta! Ang sarap ng boses mo!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
Pinakalma ko ang aking sarili. Hanggang sa humakbang si Aikee at pumwesto sa aking harapan.
"Pwede bang tigilan niyo yung kuya ko? Umalis na lang kayo habang nakakapagtimpi pa kami," ani nito.
Imbes na matakot ay nagtawanan ang dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang maawa para sa kanila.
"Ay kabog! Nagtitimpi! Sana all!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
"Gago, baka naman nagbibiro talaga siya? Di ko akalain na magaling magbir--."
Natigilan sila nang dumaplis sa kanilang pisngi ang shuriken ni Aikee. Nagulat sila at makikita mo iyon sa mga mata nilang nanlaki.
"Hindi magandang ideya ang biruin ang kapatid ko," ani ko habang napapailing sa kanila.
Humarap ako kay Aikee at hinawakan siya sa kaniyang balikat para pakalmahin. Mahirap na at mukhang galing sa isang pack ang tatlong 'to. Sa pagkakatanda ko ang bawat City rito ay pinamamahalaan ng isang pack. Baka itong nadaanan namin ay parte ng isang City at mukhang Pack nila ang namamahala rito.
"May pack sila, Aikee. Baka magkamali ka ng hagis mo," dagdag ko.
"P-Prodigies..." ani ng pinakamalaki ang katawan. "Kayo ang Prodigies."
Nanlaki ang mata ng dalawa at agad na yumuko. "P-Pasensya na sa ginawa namin," ani nila na nagpakunot sa aking noo.
"Aalis ba kayo o sapilitan namin kayong papaalisin?" tanong ko na nagpakaba sa kanila.
Napalunok ang isa kanila. "H-Hindi na kayo pwedeng umalis ng ganitong oras. Masyado nang lumubog ang araw," sagot nito.
Sasagot sana si Aikee nang makarinig kami ng ilang kaluskos. Nagkatinginan kaming magkapatid hanggang sa lumitaw sa harapan namin ang apat na taong lobo.
"Shuta may Rouges!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
Agad kong nilabas ang espada ko. Agad din naming binaba ang malaking bag na nasa aming likuran. May dalawa akong espada. Isa para sa mga Rouges at ang isa ay para sa Alpha ng pack na pumaslang sa aking mga magulang.
Agad na umatake ang apat. Napaatras ako dahil sa hindi ko inaasahang lakas nito. Dalawa sila samantalang ako ay isa lang. Sa kabilang banda naman ay nakikipaglaban ang isa kay Aikee at ang natitirang isa ay pinagtutulungan ng tatlo.
Nahirapan ako dahil ang isa sa mga Rouges na 'to ay dating beta. Ramdam ko 'yon sa kilos at pag-atake niya. Nang sipain ako nito ay nakailag ako. Nang makakita nang pagkakataon ay umabante ako at sinipa siya sa kaniyang tuhod. Napadaing ito at mas lalong nagalit dahilan para mabilis itong makaatake.
Ilag lamang ang nagagawa habang patuloy na umaatake ang dalawa. Nang makakita nang butas ay agad ko siyang sinikmuraan at winasiwas ang espada sa kaniyang leeg. Natumba ito at umalpas ang dugo mula roon.
"Ikaw nga ang Prodigy," aniya habang inaatake ko.
"Tinanggi ko ba?" tanong ko habang iniiwasan ang mga atake niya.
Muli akong napaatras dahil sa pag-iibang anyo ng Rouge na ito. Mas malaki siya kumpara sa mga lobong nakikita ko. Palatandaan na tama ang kutob ko na isa nga siyang beta noon.
Aatake sana ito sa aking ngunit may sumunggab na tatlong lobo sa kaniya. Doon ko lang napansin na ito yung tatlo kanina.
Bumaling ako kay Aikee na ngayon ay nakaupo at nanonood na lang. Tila ba ito bata na nanonood sa telebisyon.
Nanood na lang din ako habang nakikipagsunggaban ang tatlo sa rouge. Kahit saan tignan ay dehado ang tatlo. Dating beta ang rouge na 'to at aminin ko man sa hindi ay matatalo ang tatlo.
Nang makita ang uwang sa kanila ay agad kong binato ang espada ko patungo sa kanila. Nagulat sila nang tumarak ang espada sa noo ng rouge.
Hanggang sa makarinig kami ng isang palakpak mula sa sanga. Sabay sabay kaming lumingon at doon ko nakitang muli ang lalaking may kulay abong mata.
Yumuko ang tatlo samantalang kami ng kapatid ko ay tinignan lang siya.
"Welcome to the land of the wolf. Ang akala ko hindi na kayo pupunta. I'm glad that the two of you are now here."
Napatayo si Aikee. "Alam mo? Magbibigay ka na lang ng imbitasyon wala pang address," aniya na nagpalingon sa tatlo.
"Hoy! Matuto ka ngang gumalang!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
Mukhang hindi nila nagustuhan ang pagsagot ng kapatid ko sa Beta ng kanilang pack. Sino ba naman kasing matutuwa kung iimbitahan ka pero walang address sa imbitasyon?
"No, it's ok," sagot nito sa tatlo.
Humarap siya sa amin.
"Welcome to Graywond City. I'm Arnal, the Beta of Graywond pack."
[MASK]Matapos ang digmaan noon ay lagi nang nakatatak sa isipan ko na kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya pero hindi ko hahayaan na mawala pa sa akin ang kaisa-isang pamilya ko.Siya na lang ang mayroon ako at ako na lang ang mayroon siya. Kailangan ko siyang protektahan hindi dahil sa hinabilin siya ng mga tumayo naming magulang kung hindi dahil sa iyon ang nararapat.Napahawak ako sa kulay abong sobre. Pinagmasdan ko ito. Mula sa mga lining hanggang sa mensaheng nakapaloob dito.Tinanggap ko ang misyon na 'to dahil hindi na kami ligtas sa Sentro at sa Kanluran. Tang-ina kahit anong lakas ko ay hindi ako uubra sa rami nila.Hindi na lang kasi Rouge ang kalaban namin kung hindi pati ang mga hunter na katulad namin. Kaya
[Tour] Magdamag akong nakahiga sa malambot kong kama. Damang-dama ko ang pagod sa katawan ko. Hindi ko alam pero mas gusto kong matulog buong araw. Nakailang labas ako na ako ng semilya ngayong araw at nangangawit na ang kamay ko. Napakahot ng mga babaeng lobo rito. Mga mukhang model na lumabas sa isang magazine. "Kuya! Papasok ako, ah!" sigaw ni Aikee mula sa labas ng aking pinto. Napailing na lang ako bago sumigaw. "Bahala ka!" Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Bagot ko siyang nilingon at nakita ang pandidiri sa kaniyang mukha. "Ang kadiri mo kuya! Ang amoy ng kwarto mo! Amoy na parang zonrox!" Napangisi ako. "Wag kang feeling anghel, Aikee. Nakita kita kahapon. Wag kang maghugas kamay dyan na parang di mo ginagawa yung ginawa ko." Napailing na lang ang ulo niya bago tignan ang mga tissue sa sahig. "Seryoso? Ang dami ng tissue nito Kuya! ilang beses ka na nagpalabas?" takang tanong niya.
[NEW SCHOOL]Kung tutuusin pwede naman akong mag-aral noon habang nag-eensayo. Pero dahil nga sa balita noon na nalaman ko ay mas pinili kong mag-ensayo na lang. Magiging sagabal kasi sakin ang paghahati ng oras at baka mawala ako sa linyang tinatahak ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin na-i-po-proseso ng utak ko na mag-aaral na akong muli. Magtatatlong taon na rin pala simula nang huminto ako sa pag-aaral.Bakit ba ako huminto sa pag-aaral bukod sa pag-eensayo? Simple lang ang sagot. Nakakatamad kasi. Hindi ko rin kasi alam kung anong gusto kong kurso. Huling taon ko rin noon sa highschool ay wala akong masyadong ginagawa. Yung tipong papasok lang ako para lang magh
[BULAKBOL]"Yung sinabi ko sa'yo kahapon, Aikee. Dumiretso na kayo ni Ashley sa bahay. Wag niyo na akong hintayin, naiintindihan mo ba?" tanong ko.Malapit nang matapos ang pila ng mga babae. May inaabot silang kung ano sa guard at doon ko lang naalala ang inabot kanina ni Vincent na papel. Buti hindi ko tinapon ang bagay na 'yon."Oo, kuya. Hindi ko naman nakalimutan." Sumaludo ito bago ko tinanguan.Sinabihan ko siya na ako muna ang magmamasid ngayong araw. Malakas naman ang pakiramdam ko kung anong pinagkaiba ng alpha at ng isang normal na lobo. Mas mabuting salitan kesa naman dumayo pa siya rito sa building namin. Masyadong malabo at mahihirapan siya."Una na ako, Kuya. Mukhang mag-eenjoy ako sa new school na 'to." Ngumisi pa ako bago siya tanguan.Kahit kailan talaga, oh. Ayaw na ayaw magpah
[KALMA]Katulad kanina ay halos ilag pa rin sa akin ang ilang estudyante. Hindi ko alam kung bakit ganon sila. Tila ba sila mga takot na hindi mo malaman. Ang sarap pagsusuntukin. Kanina nga ay halos gusto kong kwelyuhan ang isa sa kanila para tanungin lang kung bakit sila umiiwas.Nababadtrip ako. Idagdag mo pa yung malditang Blake. Siraulo, tinulungan mo na nga lahat lahat tapos iirapan ka pa? Gago amputa. Siya na nga 'tong tinulungan siya pa 'tong magagalit. Pinaglihi yata sa sama ng loob ang isang 'yon.Sinunod ko ang sinabi ni Vincent kanina. Kaso pagpasok ko pa lang sa isang maliit na gate ay agad na sumalubong sa akin ang malawak na mini forest na sinasabi niya. May fountain ito sa gitna at halos...kailan pa naging mini ang ganito kalaki? Puro nagtataasang puno. May mga bench pero halos lahat ay may mga nakapwesto.Para akong nasa ibang panahon. Makaluma ang disenyo. Halatang hindi nabibigyan ng pansin para linisin. Malungkot ang agad n
[ALPHA]"Kuya! Natapos mo--Oh! A-Anong nangyari sa labi mo?"Agad na napatakbo si Aikee sa pwesto ko. Kakabukas ko lang ng pintuan at halos dambahin niya ako sa ginawa niya."Wala 'to. Nadulas lang d'yan sa labas," sagot ko.Hinawi ko ang kamay niya at nagtungo sa kusina. Napaupo ako sa upuan at napatingala. Kanina pa talaga ang sugat na 'to. Matapos ng engkwentro namin sa cr ay hindi na siya nagpakitang muli."Ikuha mo na lang ako ng yelo. Dampian ko na lang 'to.""Sa laki ng katawan mo, hindi ako naniniwalang nadulas ka," dagdag pa nito habang nakatitig pa rin sa akin.Napangisi na lang ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa katawan ko. Akalain mong malakas nga talaga ang isang 'yon. Hindi ko akalain na mahuhuli niya ako nang gano'n kabilis."Oh, kuya, ito na."
[IKALAWANG HAMON]Hindi ko maiwasang mapaisip. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin at ng ingay sa paligid ay hindi ko maiwasang magtaka. Ano kayang magiging reaksyon ni Aikee? Sigurado kasi akong hindi 'yon maniniwala sa sasabihin ko mamaya. Siguradong magdududa yung kapatid kong 'yon kapag nalaman niya kung sino ang susunod na alpha. Pero kahit na gan'on, siguradong mamamangha siya.Sa likod kasi ng maamong mukha ni Blake ay hindi mo maiisip na may nagtatagong malakas na katauhan sa loob niya. Na kahit anong lakas ng pakiramdam mo ay ni hindi mo man lang siya naramdaman. Mukhang sinanay siyang magtago ng malakas na aura. At sigurado akong marami pa siyang tinatagong kakayahan. Pero. . .mahina ang loob ng isang 'to.
[AURUM CLAN]Hindi pa rin ako sanay na bumangon sa malambot at malawak na kama. Malamig na hangin, maaliwalas na kapaligiran at maraming naggagandahang babae sa paligid. "Kuya! Saan ka na naman ba pupunta?" tanong na bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto.Nilingon ko 'yon at doon ko nakita si Aikee na nag-aalmusal. Nakasando itong puti at boxershorts sa ibaba. Nawala ang masaya niyang mata nang makitang nakauniporme na ako."May dadaanan lang diyan sa labas," sagot ko.Uminom ito ng tubig at humarap sa akin. "Kuya? Wag mo 'kong lokohin, ok? Alam kong may itinatago ka na naman sa 'kin!" singhal nito.Napalitan ng pagtataka ang buong mukha
To my readers, friends, co-writers-- I thank you with every inch of my heart for staying with me on this new long journey. Thank you so much for all your support!I've been so fortunate to received followers while writing this story. Thank you so much! It's my first English story btw so thank you for your understanding hahaha.To Blake and Felix, thank you for this wonderful journey. But honestly, the both of you helped me to develop this story into what it isThat's it! The story of Blake and Felix is over! It's hard for me to let them go because I always dream about them hahaha.Again, thank you for reading and waiting. and I hope you find Felix of your life! The one who will watch over you no matter what attitude you have. Keep safe, guys!Sugarmaui-
Pagbangon ko ng kama ay agad ko nang narinig ang mga ingay sa baba. Ang mga ingay at boses na halatang may ginagawa."Blake, anak! Halina't kumain ka na muna!"Sa paghakbang ko ay agad kong narinig ang boses na 'yon. Ang boses na kahit kailan ay hindi ko akalain na totoo. Ang boses na matagal kong hiniling at matagal kong hinanap.Hindi man boses ng babae, ramdam ko naman ang pagmamahal nito nilang ina. Ang aking nanay, si Mommy Maui. Hindi katulad ng ibang nanay, si Mommy ay isang lalaki. Isa syang carrier, katulad ko."Sge po! Ihahanda ko lang yung gagamitin ko. Saglit lang 'to, mommy," sagot ko."Magdahan-dahan ka sa pagkilos mo, ok? Baka madulas ka! Na sa baba lang kami at malapit na kaming matapos."Naglakad ako papunta sa cabinet. Sa salamin non ay natanaw ko ang aking sariling repleksyon. Kitang-kita na ang umbok ng aking tyan. Hinimas ko ito at hindi naiwasang mapangiti.Walong buwan na ang nakakalipas. At ngayon
BLAKE'S POINT OF VIEWPangamba at takot ang unang bumungad sa akin nang dumilat ang aking dalawang mata. Isang hindi pamilyar na lugar ang agad na pumukaw ng aking pansin. Isang madilim na paligid na sumisigaw ng hindi magandang pangyayari. Isang mansyon na napakalawak.Mga chandelier na mayroong mga itim na tela na nakasabit sa itaas. Mga vase at painting sa bawat sulok na tila ba napaglipasan na ng panahon dahil sa mga alikabok. At hindi katulad ng ilang typical na mansyon, ang malawak na bahay na ito ay kulay itim.Hindi ko maiwasang mapangiwi nang tangkain kong tumayo. Hapdi ang agad na dumaloy sa aking kamay. Taka ko iyong tinignan at doon ko nakita na nakatali iyon gamit ang nylon."N -na saan ako?" nauutal kong tanong sa sarili.Pilit kong inayos ang sarili sa pag-upo. Ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang manatili sa hindi magandang pwesto.Hindi ko alam ang nangyari. Ang alam ko lang ay magaganap na ang Caliagr
Halos mapalingon kaming lahat sa boses na 'yon. Sumilay sa amin ang isang pigura. Ang kanyang tindig, ang kaniyang presenya."A -argus?"Sinubukan kong basahin ang bawat kilos niya pero wala akong makita bukod sa blanko ang kaniyang mata. Tila naging matured din ang itsura nya dahil sa kaniyang bigote. Ang suot na sombrero ay na sa kanang kamay nya. Pati ang mga kasama ko ay tila napako rin sa kanilang kinatatayuan.Marahil ay nangangapa rin dahil hindi namin alam kung kakampi sya o kaaway. At kung sakali man na kaaway sya ay wala kaming magagawa kung hindi ang tumakbo.Hindi pa nakaka-recover ang mga kasama ko kaya hindi makakabuti kung lalaban kami. Ang tanging paraan lang namin ay ang tumakbo mula sa kaniya.Parang wala syang narinig. Wala itong alinlangan na pumunta sa harapan namin.Pero halos mapahinto kaming lahat nang biglang maglabas ng dugo ang kaniyang bibig. Napahinto sya sa paglalakad at halos mapatili an
Sa apat na taon kong pamumuhay sa sentro at sa kanluran, simula nang nawala ang mama at papa ko, ang tanging gusto ko lang ay maipaghiganti at mapatay ang mga taong lobo na humamak sa kanila.Gusto ko lang na makuha ang ulo ng mga taong lobo na gumambala sa amin ng gabing iyon.Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Apat na taon akong naghintay. Higit sa apat na taon akong nag ensayo para malaman ang katotohanan. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngunit ngayon, na sa harapan ko na ang taong makakatulong sa amin ni Aikee para maging malinaw ang tunay naming pagkatao. Para malaman ang katotohanan. Katotohanan sa mga nangyari noon.Simula bata kami ay alam na namin na hindi namin tunay na magulang sila Mama Greta at Papa Jose. Lagi nilang sinasabi na may pamilyang naghihintay sa amin pagdating ng panahon. Na may pamilyang lubos kaming hinihintay.Kaya ang akala ko noon na kapag natanggap ko
Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang na sa paligid ko.Fuck!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo.Nasaan ako?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Hayop na Manong yan. Talagang tutuluyan nya kami?Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad.Pilit akong kumawala sa kadena. Hila dito. Kutkot doon. Pero kahit anong gawin ko ay napakahigpit non. Habang pinipilit kong tanggalin ang kamay ko ay nakarinig ako ng isang tawa sa gilid ko."Hindi mo na iyan maaalis, kuya."Napalingon ako nang makita si Aikee.
Chapter 44: Naging tahimik kaming muli ni Aikee. Kasalukuyan nya akong sinasamahan na hasain ang espada ko. Ngayon na kasi magaganap ang caliagri open na matagal nang pinaghandaan ng mga tagahilaga. Napailing na nga lang ako dahil ang buong akala ko ay maiuusog ang date ng caliagri open. Pero hindi nila inurong at tinuloy pa rin. "Sigurado ka ba na hindi tayo aalis dito, kuya?" tanong sa akin ni Aikee. "Official na ang nagsabi na umalis tayo. Baka ito na rin yung gustong ipahiwatig ni Arisa at ni Mechille. Napangisi ako sa sinabi nya. "Oo naman, sigurado ako," sagot ko. Pagkauwi ko kahapon ay agad kong sinabi sa kaniya ang mga sinabi nung official sa akin. Ang sinasabi nya na planong pagpatay sa akin ni Manong lagkatapos na caliagri open, ang pagmamanman na ginawa ni Manong nung na sa sentro pa lang kami at ang nalalaman ni Manong tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakakalipas. "Hindi natin kakayanin si Manong kapag
"Kuya? B -binasa mo na ba yung binigay na sobre na binigay nung officials sayo kanina?"Tuluyan akong napahinto sa sinabi nyang 'yon. Muli kong naalala ang itim na sobreng inabot sa akin ng lalaking nakausap namin kanina sa university.Kinapa ko ang bulsa ko at doon hinanap ang sobre. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan.Bakit ba nauuso ang bigayan ng mga papel ngayon? Pangalawa na ito sa araw na 'to. Ang una ay kay Arisa at masama ang laman ng papel na binigay nya.Pinagmasdan ko ang itim na sobre. Nakalagay doon sa gitna ang logo ng officials, ang buwan at ang araw.Nakatitig lamang si Aikee habang binubuksan ko ito."9:00 a.m. Clock tower.""A -anong ibig nyang sabihin?" takang tanong ni Aikee nang basahin ko ang laman ng sobre.At hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ang pinakailalim."Let's have a deal, Felix. . ."Paanong . . .Paanong alam nya ang pangalan ko?Chapter 44:
"P -prodigies?" gulat na tanong nya at napaatras."Manong, may rouges pa ba sa paarteng ito?" Tanong ng kapatid ko sa kaniya.Pero imbes na sumagot ay nakarinig kami ng isang boses mula sa aming likuran."Nahuli na kayo, prodigies. . ." ani ng isang malalim na boses.Dahan dahan kaming lumingon. At sa paglingon na ginawa namin ay doon namin nakita ang isang lakaki na nakasuot ng isang kulay puting tuxedo. May mga bahid ng dugo ang manggas nya. At ang mas ikinagulat namin ay ang logo na nakalagay sa kaniyang kanang dibdib."O -officials?"Chapter 43:Nilibot pa namin ang bawat sulok ng buong rehiyon para makasigurado kung may natitira pa bang mga rouges o wala na. Sa paglilibot na ginawa namin ay wala kaming nakita kahit isa. Bukod sa mga dugo at katawan ng mga rouges sa university, wala na kaming ibang nakita sa paligid. Puro mga kalat na lang.May mga media pa kaming nakasalubong na mukhang tumakbo at natakot kanina sa mga rou