[AURUM CLAN]
Hindi pa rin ako sanay na bumangon sa malambot at malawak na kama. Malamig na hangin, maaliwalas na kapaligiran at maraming naggagandahang babae sa paligid.
Nilingon ko 'yon at doon ko nakita si Aikee na nag-aalmusal. Nakasando itong puti at boxershorts sa ibaba. Nawala ang masaya niyang mata nang makitang nakauniporme na ako.
"May dadaanan lang diyan sa labas," sagot ko.
Uminom ito ng tubig at humarap sa akin. "Kuya? Wag mo 'kong lokohin, ok? Alam kong may itinatago ka na naman sa 'kin!" singhal nito.
Napalitan ng pagtataka ang buong mukha
[TRIPLENG LAKAS]"Aikee!" Halos mahatak ko siya para lang pigilan ang pagtangka niyang pagtakbo para habulin ang lalaki kanina."Kuya naman, eh! Bakit mo ba ako hinatak?" asar nitong tanong. "Edi sana nahabol na natin!"Kung alam lang siguro niya yung nangyari tatlong araw na ang nakakaraan ay paniguradong hindi siya ganiyan kumilos."Ano sa palagay mo?" Dahil sa inis. Agad ko siyang hinatak sa eskinit
[SABAY]"Kapag ako napahamak dahil sa 'yo, talagang sasamain ka sa 'kin!"Napatiim bagang ako sa narinig ko. Ang ingay ng baklang 'to. Kanina pa sumasakit tainga ko sa kakasigaw at kakareklamo niya."Oh, bakit ka pa sumama? Malay mo may gawin akong masama sa 'yo?" nakangisi kong tanong sa kaniya."Gago ka pala, eh. Kinukulit mo 'ko!" sagot niya.Tignan mo. Sa lahat ng alpha, siya lang yung nakita kong nagtitiwala ng mabilis. Kapag ito napahamak hindi talaga ako magtataka, eh."Ang dami mong ebas! Bilisan mo na lang diyan!" singhal ko dahil nasa likuran ko pa rin siya.Pasakay na kami sa Pegasus. Makulimlim, at paniguradong bubuhos na ang malakas na ulan."Ang tagal. Aabutan tayo ng ulan," ani ko dahilan para mapaiktad siya at bilisan ang paglalakad.
[Blake In The House]"B-Bakit ka nandito?" nauutal natanong ni Blake.Napakuyom pa ang kamao nito habang nakatingin sa ama. Makikita mo ang galit sa mata nito na tila ba isang tigre na handang sakmalin ang kalaban."Hindi ka ba masaya na makita ako?" nakangising tanong ng dating Alpha. "Surprise."Parang wala lang sa kaniya ang masamang tingin ng anak. Para bang sanay na sanay na ito."Sa tingin mo?" pabalang na sagot ni Blake dahilan para samaan ko ito ng tingin.Aba, kung naging kapatid ko lang talaga 'to ay baka nasapok ko na siya. Walang galang."May gusto lang akong sabihin kaya ako nagpunta rito kay Felix. At hindi ko alam na makikita rin kita rito," dagdag pa nito.Umupo ito sa sofa. Samantalang si Blake naman ay nakatingin lang sa kaniyang k
[KWINTAS]Hanggang ngayon ay hindi kami makapaniwala ni Aikee sa mga narinig namin. Yung baklang 'yun? Dito titira?Tang-ina."Oh, kuya? Nasaan si Blake?" agad na tanong sa akin ni Aikee nang makapasok ng kwarto ko."Maagang umalis. Hayaan mo 'yung isang 'yon. Masyadong matigas ang ulo," sagot ko bago mag-unat.Sa dalawang araw na lumipas ay lagi itong maaga kung umalis. Wala naman ng pasok dahil sa bagyo.
[LASON]"Hoy, umayos ka nga," sermon ko kay Blake gamit ang malalim kong boses.Rinig ko ang pagtawa ng kapatid ko dahilan para lingunin ko ito."Eh kung tinutulungan mo kaya 'ko rito? Edi sana kanina pa tayo nakauwi," dagdag ko."Para kang tatay sa itsura mo kuya, hahaha. Ngayon lang kita nakitang problemado sa isang bagay! Hahaha," natatawang sagot niya.Muli kong inayos ang pagkakapasan ko kay Blake.Itong baklang 'to. Lagi na lang lasing!Paano niya mapapatakbo ang pack niya?Tang-ina. Nakikiliti pa ako. Ramdam ko yung mabango niyang hininga sa leeg ko. Amoy tequilla. Ang sara---. Gago talaga. Kung ano-ano na naman ang nasasabi ko, oh.Papasok na kami ng bahay. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ako nangalay.Sabagay, sino bang mangangal
[Carrier]"W-Wow," ani ko habang namamangha.First time kong hingalin sa pakikipaglaban at hindi ko akalain na sa kanila ko mararamdaman ang pakiramdam na 'to."L-Letse ka! B-Bakit hindi ka pa rin sumusuko!" tili ng babae sa kanila.Nakaakbay na ito sa lalaking kasama niya habang ang baklang kasama nila ay nakikipaglaban pa rin kay Aikee.Halata mo sa kaniya ang pagsuko dahil pareho na silang hinihingal.Aaminin ko na malakas talaga sila. Nagtataka tuloy ko kung paano kung nagfull moon ngayon, paniguradong mahihirapan ako lalo."Kulang pa kayo sa practice," nakangisi kong sagot.Nakita ko kung paano sila mainis sa sinabi ko.Ngayon ay kitang kita ko ang magkasalubong na kilay ng babae. Ang lalaki naman ay masamang nakatingin sa akin.Sa totoo niyan, para sila
[CARRIERS]Maririnig mo ang tawa ni Manong sa buong sala.Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit siya nandito. Siguro ayon din ang na sa isip ng kapatid ko."Ang tagal mo namang dumating, Isidro!" sigaw ni Cedrick sa kaniya.Nagkatinginan kami ni Aikee.Isidro...Hindi ko maiwasang matawa dahil paniguradong tatawa si Aikee kung kami lang dalawa ang nandito. Paniguradong iniisip niya na bagay ang Manong sa pangalan nito.Tinignan niya kami."May bisita ka pala, Cedrick," ani Manong Isidro bago umupo sa katabing sofa."Wala si Maui?" tanong nito ulit kay Cedrick."Naghahain saglit," sagot ni Cedrick."Nga pala, hindi mo nasabi na may keeper ka?" tanong ni Cedrick.Sa pagkakataong 'to ay nagkatitigan kaming dalawa ng
[8 LEGENDARY CLAN]"Shit!" sigaw ni Arnal bago ako itulak para maiwasan ang binatong kutsilyo ng deliverman. "Muntikan ka na!"Nang tumama ang katawan ko sa pader ay bahagya akong napakagat sa labi ko.Tang-ina. Napalakas 'yung pagkakatulak ni Arnal. Agad kong kinuha ang kutsilyo na hinagis nung lalaki. Nang makuha ko ito ay nakita ko pa ang kulay violet na likido roon. Mukhang may lason pa yata ang gago.Akma kong ibabato ang kutsilyo nang makaalis ito kaagad."Tang-ina," mahinang usal ko. "Nakakabigla."
To my readers, friends, co-writers-- I thank you with every inch of my heart for staying with me on this new long journey. Thank you so much for all your support!I've been so fortunate to received followers while writing this story. Thank you so much! It's my first English story btw so thank you for your understanding hahaha.To Blake and Felix, thank you for this wonderful journey. But honestly, the both of you helped me to develop this story into what it isThat's it! The story of Blake and Felix is over! It's hard for me to let them go because I always dream about them hahaha.Again, thank you for reading and waiting. and I hope you find Felix of your life! The one who will watch over you no matter what attitude you have. Keep safe, guys!Sugarmaui-
Pagbangon ko ng kama ay agad ko nang narinig ang mga ingay sa baba. Ang mga ingay at boses na halatang may ginagawa."Blake, anak! Halina't kumain ka na muna!"Sa paghakbang ko ay agad kong narinig ang boses na 'yon. Ang boses na kahit kailan ay hindi ko akalain na totoo. Ang boses na matagal kong hiniling at matagal kong hinanap.Hindi man boses ng babae, ramdam ko naman ang pagmamahal nito nilang ina. Ang aking nanay, si Mommy Maui. Hindi katulad ng ibang nanay, si Mommy ay isang lalaki. Isa syang carrier, katulad ko."Sge po! Ihahanda ko lang yung gagamitin ko. Saglit lang 'to, mommy," sagot ko."Magdahan-dahan ka sa pagkilos mo, ok? Baka madulas ka! Na sa baba lang kami at malapit na kaming matapos."Naglakad ako papunta sa cabinet. Sa salamin non ay natanaw ko ang aking sariling repleksyon. Kitang-kita na ang umbok ng aking tyan. Hinimas ko ito at hindi naiwasang mapangiti.Walong buwan na ang nakakalipas. At ngayon
BLAKE'S POINT OF VIEWPangamba at takot ang unang bumungad sa akin nang dumilat ang aking dalawang mata. Isang hindi pamilyar na lugar ang agad na pumukaw ng aking pansin. Isang madilim na paligid na sumisigaw ng hindi magandang pangyayari. Isang mansyon na napakalawak.Mga chandelier na mayroong mga itim na tela na nakasabit sa itaas. Mga vase at painting sa bawat sulok na tila ba napaglipasan na ng panahon dahil sa mga alikabok. At hindi katulad ng ilang typical na mansyon, ang malawak na bahay na ito ay kulay itim.Hindi ko maiwasang mapangiwi nang tangkain kong tumayo. Hapdi ang agad na dumaloy sa aking kamay. Taka ko iyong tinignan at doon ko nakita na nakatali iyon gamit ang nylon."N -na saan ako?" nauutal kong tanong sa sarili.Pilit kong inayos ang sarili sa pag-upo. Ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang manatili sa hindi magandang pwesto.Hindi ko alam ang nangyari. Ang alam ko lang ay magaganap na ang Caliagr
Halos mapalingon kaming lahat sa boses na 'yon. Sumilay sa amin ang isang pigura. Ang kanyang tindig, ang kaniyang presenya."A -argus?"Sinubukan kong basahin ang bawat kilos niya pero wala akong makita bukod sa blanko ang kaniyang mata. Tila naging matured din ang itsura nya dahil sa kaniyang bigote. Ang suot na sombrero ay na sa kanang kamay nya. Pati ang mga kasama ko ay tila napako rin sa kanilang kinatatayuan.Marahil ay nangangapa rin dahil hindi namin alam kung kakampi sya o kaaway. At kung sakali man na kaaway sya ay wala kaming magagawa kung hindi ang tumakbo.Hindi pa nakaka-recover ang mga kasama ko kaya hindi makakabuti kung lalaban kami. Ang tanging paraan lang namin ay ang tumakbo mula sa kaniya.Parang wala syang narinig. Wala itong alinlangan na pumunta sa harapan namin.Pero halos mapahinto kaming lahat nang biglang maglabas ng dugo ang kaniyang bibig. Napahinto sya sa paglalakad at halos mapatili an
Sa apat na taon kong pamumuhay sa sentro at sa kanluran, simula nang nawala ang mama at papa ko, ang tanging gusto ko lang ay maipaghiganti at mapatay ang mga taong lobo na humamak sa kanila.Gusto ko lang na makuha ang ulo ng mga taong lobo na gumambala sa amin ng gabing iyon.Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Apat na taon akong naghintay. Higit sa apat na taon akong nag ensayo para malaman ang katotohanan. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngunit ngayon, na sa harapan ko na ang taong makakatulong sa amin ni Aikee para maging malinaw ang tunay naming pagkatao. Para malaman ang katotohanan. Katotohanan sa mga nangyari noon.Simula bata kami ay alam na namin na hindi namin tunay na magulang sila Mama Greta at Papa Jose. Lagi nilang sinasabi na may pamilyang naghihintay sa amin pagdating ng panahon. Na may pamilyang lubos kaming hinihintay.Kaya ang akala ko noon na kapag natanggap ko
Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang na sa paligid ko.Fuck!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo.Nasaan ako?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Hayop na Manong yan. Talagang tutuluyan nya kami?Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad.Pilit akong kumawala sa kadena. Hila dito. Kutkot doon. Pero kahit anong gawin ko ay napakahigpit non. Habang pinipilit kong tanggalin ang kamay ko ay nakarinig ako ng isang tawa sa gilid ko."Hindi mo na iyan maaalis, kuya."Napalingon ako nang makita si Aikee.
Chapter 44: Naging tahimik kaming muli ni Aikee. Kasalukuyan nya akong sinasamahan na hasain ang espada ko. Ngayon na kasi magaganap ang caliagri open na matagal nang pinaghandaan ng mga tagahilaga. Napailing na nga lang ako dahil ang buong akala ko ay maiuusog ang date ng caliagri open. Pero hindi nila inurong at tinuloy pa rin. "Sigurado ka ba na hindi tayo aalis dito, kuya?" tanong sa akin ni Aikee. "Official na ang nagsabi na umalis tayo. Baka ito na rin yung gustong ipahiwatig ni Arisa at ni Mechille. Napangisi ako sa sinabi nya. "Oo naman, sigurado ako," sagot ko. Pagkauwi ko kahapon ay agad kong sinabi sa kaniya ang mga sinabi nung official sa akin. Ang sinasabi nya na planong pagpatay sa akin ni Manong lagkatapos na caliagri open, ang pagmamanman na ginawa ni Manong nung na sa sentro pa lang kami at ang nalalaman ni Manong tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakakalipas. "Hindi natin kakayanin si Manong kapag
"Kuya? B -binasa mo na ba yung binigay na sobre na binigay nung officials sayo kanina?"Tuluyan akong napahinto sa sinabi nyang 'yon. Muli kong naalala ang itim na sobreng inabot sa akin ng lalaking nakausap namin kanina sa university.Kinapa ko ang bulsa ko at doon hinanap ang sobre. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan.Bakit ba nauuso ang bigayan ng mga papel ngayon? Pangalawa na ito sa araw na 'to. Ang una ay kay Arisa at masama ang laman ng papel na binigay nya.Pinagmasdan ko ang itim na sobre. Nakalagay doon sa gitna ang logo ng officials, ang buwan at ang araw.Nakatitig lamang si Aikee habang binubuksan ko ito."9:00 a.m. Clock tower.""A -anong ibig nyang sabihin?" takang tanong ni Aikee nang basahin ko ang laman ng sobre.At hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ang pinakailalim."Let's have a deal, Felix. . ."Paanong . . .Paanong alam nya ang pangalan ko?Chapter 44:
"P -prodigies?" gulat na tanong nya at napaatras."Manong, may rouges pa ba sa paarteng ito?" Tanong ng kapatid ko sa kaniya.Pero imbes na sumagot ay nakarinig kami ng isang boses mula sa aming likuran."Nahuli na kayo, prodigies. . ." ani ng isang malalim na boses.Dahan dahan kaming lumingon. At sa paglingon na ginawa namin ay doon namin nakita ang isang lakaki na nakasuot ng isang kulay puting tuxedo. May mga bahid ng dugo ang manggas nya. At ang mas ikinagulat namin ay ang logo na nakalagay sa kaniyang kanang dibdib."O -officials?"Chapter 43:Nilibot pa namin ang bawat sulok ng buong rehiyon para makasigurado kung may natitira pa bang mga rouges o wala na. Sa paglilibot na ginawa namin ay wala kaming nakita kahit isa. Bukod sa mga dugo at katawan ng mga rouges sa university, wala na kaming ibang nakita sa paligid. Puro mga kalat na lang.May mga media pa kaming nakasalubong na mukhang tumakbo at natakot kanina sa mga rou