Share

3

Author: Sugarmaui
last update Last Updated: 2021-08-23 17:49:07

[MASK]

Matapos ang digmaan noon ay lagi nang nakatatak sa isipan ko na kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya pero hindi ko hahayaan na mawala pa sa akin ang kaisa-isang pamilya ko.

Siya na lang ang mayroon ako at ako na lang ang mayroon siya. Kailangan ko siyang protektahan hindi dahil sa hinabilin siya ng mga tumayo naming magulang kung hindi dahil sa iyon ang nararapat.

Napahawak ako sa kulay abong sobre. Pinagmasdan ko ito. Mula sa mga lining hanggang sa mensaheng nakapaloob dito.

Tinanggap ko ang misyon na 'to dahil hindi na kami ligtas sa Sentro at sa Kanluran. Tang-ina kahit anong lakas ko ay hindi ako uubra sa rami nila.

Hindi na lang kasi Rouge ang kalaban namin kung hindi pati ang mga hunter na katulad namin. Kaya ko sila kung isa isa lang ang mangyayaring laban pero dehado ako kapag maramihan. Mas mabuti nang tanggapin ang misyon na protektahan ang Alpha ng pack na 'to. Para habang pinoprotektahan namin ang Alpha nila ay may nagpoprotekta rin sa amin.

Pero habang nakahiga ako sa malambot na kama ay hindi ko maiwasang magtaka. Alpha ang sinasabing pinakamalakas sa isang Pack. Gano'n ba karami ang kaaway ng Alpha nila para kailanganin ang presenya namin? Napakahina ng Alpha na 'yon kung gano'n. Hindi niya deserve lalo na't napakalaki ng pack nila.

Naisip ko rin na kung marami ang kalaban ay mas makakabuti na ako na lang ang gumawa ng misyon na 'to. Baka mapahamak pa si Aikee.

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Mariin pa akong napapikit bago tuluyang tumayo.

Agad na bumungad sa akin ang isang malaking larawan. Ako, si Aikee at ang mga tumatayo kong magulang. Nakasimangot ako roon habang si Aikee naman ay nakangiti. Si Mama Greta naman ay nakangiti rin habang nakayakap sa kaniyang likuran si Papa Jose. Sa tabi ng malaking larawan na 'yon ay ang larawan namin ni Aikee. Ayoko talaga sa mga picture picture na 'yan pero naalala ko na umiyak noon si Aikee kaya napapayag nila ako.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. May mga larawan pa sa kabilang dingding. Iyon ay ang mga espada na matagal ko nang pinapangarap na makuha. Kaso ang tatlong 'yan ay pagmamay-ari ng isang pack. Napakailap at napakalakas ng Alpha nila. Balita iyon noon sa sentro. Hindi tuloy ako makapaghintay para makalaban siya. Gaano kaya siya kalakas?

Naghilamos muna ako at nagmumog bago tuluyang lumabas ng kwarto. Agad kong nakita ang kapatid ko na nakaupo sa sofa habang nanonood ng T.V. Kahit papaano naman ay hindi nagpapahuli ang Hilaga sa pagiging moderno. Base 'yon sa mga nakita ko kahapon. May mga naglalakihang T.V, nagmamahalang cellphone at kung ano ano pang nagpapasakit sa bulsa ng isang tao.

"Aikee, kumain ka na ba?" tanong ko bago ayusin ang boxershorts ko. Naiipit kasi ang bagay na nasa loob nito.

Tumango ito habang nanonood sa T.V. "Opo, kuya! Nagluto na rin po ako para makakain ka," sagot nito.

Napailing na lang ako dahil mukhang hindi na naman ito makakapag-ensayo mamaya.

Malapit lang sa sofa ang hapagkainan kaya kahit papaano ay nakakanood ako ng pinapanood niya. Kita ko roon ang isang dilaw na bagay. Hugis kahon ang isang 'yon at kasama nito ang isang suso.

"Ano ba 'yang pinapanood mo, Aikee?" takang tanong ko.

Napanguso ito at humarap sa akin. "Spongebob ang tawag dito, Kuya. Isa 'tong cartoon para sa mga bata," sagot nito.

Napakunot ako ng noo. "Bata ka pa rin ba? Eh, di ba 16 ka na?" agad na tanong ko.

Napabuntong hininga ito. "Kuya...masamang magsalita habang kumakain. Di ba tinuro 'yon ni Mama? Gusto mo bang isumbong kita mamaya kapag nagdasal ako?"

Bahagya akong natawa. "Nagbibiro lang ako."

"Kuya, dapat kasi sinasamahan mo ko minsan manood!"

Muli akong napailing. Hindi na kasi ako nanonood ng telebisyon. Mas pipiliin ko pa ang pag-eensayo para maipaghiganti ang pagkamatay nila mama. Hindi ko pa alam kung makakaganti ba ako sa estado ko ngayon. Kaya naman araw araw akong nagsasanay.

Hindi ko kasi alam kung sino sa dalawa ang sumugod sa village noon. Mga gagong Rouges ba o isang pack. Kaya nang malaman ko na pwedeng pumaslang ng isang lobo ay agad akong gumawa ng mask para maging ganap na hunter. Simula noon ay pinokus ko ang sarili sa pag-eensayo.

"Kuya? May tanong nga pala ako. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa tanong na 'to, eh."

Natigilan ako sa ginagawa kong pagkain. Nagsalin muna ako tubig sa baso at ininom bago siya lingunin.

"Anong tanong ba? Wag lang math ha? Dahil baka maitapon kita palabas," sagot ko.

Nakapagpatapos naman ako ng highschool pero hindi ko na tinuloy sa kolehiyo. Dalawang taon na akong hindi nakakapag-aral kaya hindi ko gamay ang math na 'yan. Isa pa ayaw ko ng kinakausap ako ng ingles. Hindi katulad ng kapatid ko na palaban. Marunong naman akong mag ingles pero mas sinasanay ko ang sarili sa tagalog.

"Huwag mo akong tatawanan, Kuya ah!" sigaw nito na nagpatawa sa akin.

"Oo na, hindi na. Basta ba maayos 'yang itatanong mo," sagot ko.

Napabuntong hininga ito. "Kasi di ba may mga hunter sa Sentro at Kanluran para hunting-in ang mga Rouges? Dito ba sa Hilaga anong tawag sa mga nanghuhunting sa mga naliligaw na Rouges at Tao?" tanong nito na nagpangisi sa akin.

"Nagiging matalas na ang isip mo, Aikee," nakangisi kong sagot.

"Kuya naman, sabi na nga ba di mo 'ko seseryosohin, eh."

Muli akong uminom ng tubig bago magsalita. "Kapwa lang din natin hunter ang kinukuha ng mga taga Hilaga. Sa pagkakatanda ko ay dalawa lamang ang pwedeng kunin ng bawat pack para protektahan ang teritoryo nila. Mas mailap na Rouge mas malakas. Lagi kong sinasabi sa'yo 'yon, di ba?" tanong ko.

"Eh, paano yung mga kumuha sa atin? Di ba nila kayang protektahan ang Alpha nila? Di ba kapag Alpha, malakas?" balik na tanong nito.

"Malay ko," kibit balikat kong sagot. "Hindi pa ako nakakakita ng Alpha."

Karamihan sa mga napaslang kong Rouges ay dating mga beta. Sila yung mga nagtatraydor dahilan para mapatalsik sila.

Pagkatapos kong maghugas ay sinabayan kong manood si Aikee. Hanggang sa nagulat na lang ako nang makatulog siya sa sofang kinauupuan niya. Napailing na lang ako

Pumasok ako sa kwarto para kuhanan siya ng unan at kumot.

Matapos ko siyang maayos sa sofa ay muli akong pumasok sa aking kwarto.

Nang makapasok ako ay agad kong hinubad ang pang-itaas kong damit. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang perpektong pagkakahugis ng aking katawan. Araw-araw ba naman akong mag-ensayo, eh.

Hindi ko alam kung magpapalit ako. Mas komportable kasi ako kung tanging brief lang ang gamit ko. Pero mas pinili kong mag boxershorts ngayon dahil maikli rin naman ang isang 'to.

Hanggang sa tuluyan kong simulan ang aking pag-eensayo. Nagpakondisyon muna ako. Nagpush-up ng dalawandaang beses, nagsit-up ng isandaang beses hanggang sa tuluyan akong mapawisan. Sandamakmak ang pawis ko na tila ba tumakbo ako sa isang oval ng isang oras.

Napailing ako dahil nakalimutan kong magdala ng tubig. Tang-ina nagiging makakalimutin na ako, ah.

Humarap muna ako sa salamin. Tagaktak ang pawis ko pababa sa aking katawan. Hugis na hugis ang abs ko na siyang pinakaiingatan ko. Mas magandang katawan mas maraming babae. Napangisi na lang ako dahil sa bumabakat sa gitnang bahagi ng aking katawan. Bago pa ako tuluyang makagawa ng bagay na kakain sa lakas ko ay kumuha ako ng tuwalya at naisipang lumabas.

Nakarinig pa ako ng ingay bago buksan ang pinto. Nang pihitin ko ito ay nakita ko ang kapatid kong nakatayo habang sinisigawan ang apat na nasa pinto. Nando'n ang Beta na si Arnal at ang tatlo na nakasalubong namin kahapon.

"Bakit nandito kayo?" sigaw ng kapatid ko.

Hindi sumagot ang apat dahil nakanganga lang sila kay Aikee. Naglakad ako at nang mapansin nila ako ay mas lalo silang napanganga at napalunok.

"A-Ang sarap," ani ng pinakamaliit sa kanila.

Napalunok ang beta habang nakatingin sa akin. Ang dalawa naman ay nagsalitan ng tingin sa amin ng kapatid ko.

"Anong ginagawa niyo rito, ah?" singhal ko.

Hindi sila nakasagot dahil nakatingin sila sa mukha namin ni Aikee. Doon ko lang naisip na nakalimutan naming suoting ang mask. Tang-ina talaga!

"Aikee! Yung mask!" sigaw ko.

Nanlaki ang mata niya bago tuluyang pumunta sa pinto kung saan nakatayo ang apat. Nagulat sila sa ginawa ng kapatid ko. Mabuti na lang at mabilis kumilos si Aikee. Bawal ng lumabas. Wala na silang malalabasan.

"A-Anong gagawin niyo? D-Dadalhin niyo ba ako sa kwarto niyo? S-Sige! Basta d-dahan dahan lang, ah!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.

Napatiim bagang ako. "Itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong humandusay sa sahig," ani ko. "Walang lalabas. Wala akong pakialam kung sino pa kayo basta walang lalabas sa inyo." Lumingon ako kay Aikee. Tinanguan ako nito.

Pumasok ako sa kwarto at agad na kumuha ng damit. Kinuha ko rin ang espada ko bago tuluyang lumabas. Paglabas ko ay nakatayo pa rin sila.

Napatiim bagang ako. "Umupo kayo sa sofa," utos ko.

Tinignan ko sila kung paano sila manginig habang umuupo sa sofa. Ang beta lang ata ang hindi natakot sa presensya ko.

Huminga ako ng malalim. "Sa susunod matuto kayong kumatok!" sigaw ko sa kanila.

"Kuya! Beta ang kausap mo! Sabi mo galangin ko? Pero bakit mo sinisigawan?" tanong nito.

Nagtitimpi akong tumingin sa kanila. "Nakita niyo ang mukha namin..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang pinakamaliit sa kanila.

"H-Hindi lang mukha ang nakita ko, paps!

P-Pati yung yummy mong abs!" sigaw nito na nagpainit ng ulo ko.

Agad naman siyang pinigilan ng dalawa niyang kasama. "Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko. Sadyang hindi niya alam kung sinong kaharap niya ngayon," ani ng may pinakamalaki ang katawan.

"Siraulo ka talaga, 'no? Papahamak mo pa kami sa bunganga mo!" sigaw ng pinakamatangkad sa katabi niya.

Napatikhim si Arnal. "Sorry, ang akala namin ay lagi kayong nakasuot ng mask."

Napatawa naman si Aikee. "Lakas mo talagang magjoke, 'no? Una sa letter tapos ngayon sa mask? Beta ka ba talaga?" tanong nito.

"Aikee!" pigil ko sa kaniya.

Bahagya itong yumuko sa akin. "S-Sorry po Kuya," sagot nito.

Tignan mo 'tong kapatid ko. Galangin daw pero siya tong walang galang. Ito ba ang bunga nang panonood ng cartoon na sinasabi niya?

Tinitigan ko sila isa isa. Natakot ang tatlo ngunit nanatiling seryoso ang beta. "Hindi pwedeng malaman ng lahat kung sino ang nasa likod ng mask," panimula ko.

"Pero hindi niyo pwedeng bantayan ang Alpha nang nakasuot ang mask niyo. Matatakot niyo ang mga nasasakupan niya," ani ng pinakamalaki ang katawan.

Napangisi ako. "Alam ko," sagot ko.

Tumingin ako sa beta. "Tinanggap namin ang misyon kaya sundin niyo rin sana ang sinasabi ko. Hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang itsura sa likod ng maskarang 'yon. Hindi dahil sa natatakot kami kung hindi dahil gusto namin ng normal na buhay kahit papaano. Naiintindihan niyo ba ako?" maangas kong tanong sa kanila.

Tumango naman ang tatlo. Kasabay nang pagtango nila ay humarap sa akin si Arnal na siyang beta ng pack na 'to.

"Pwede ka bang makausap? I'm here to discuss some important details regarding to your mission."

Tumango ako sa tinanong niya. Muli siyang bumaling sa tatlo. "Ace, Ashley, Vincent. Pwede bang iwan niyo muna kami?" tanong nito.

Yumuko ang tatlo sa kaniya. "Masusunod po," ani nila.

"Aikee, samahan mo sila sa kusina. Magluto na lang kayo ng kahit ano," ani ko.

Napapadyak pa ito sa tuwa. Gustong gusto kasi talaga ng kapatid ko ang pagluluto.

"Ano pang tinatayo niyo diyan? Tara na!" sigaw nito sa tatlo.

Nagsitungo sila sa kusina habang ako naman ay humarap kay Arnal.

"Gusto ng dating Alpha na subukin ang kakayahan niyo. He decided to make a twist in your mission," aniya.

"What kind of twist?" takang tanong ko.

"Ang sabi niya ay kailangan niyo munang malaman kung sino ang Alpha. By that, you prove him that you are enough to keep and to protect our Alpha."

"Tapos? Yun lang?"

"Yes. And I wanted to tell you that you and your brother need to study in a university."

Napatigil ako roon. Makakapag-aral na ulit ako? Magandang balita ang isang 'to. Sapat na sigurong kabayaran 'yon para sa pagbabantay sa Alpha nila.

Kumunot ang aking noo. "Paano kami makakapasok? Hindi kami kasapi sa pack niyo. Doon pa lang malalaman na agad na may mga estranghero na nakasapok," sagot ko.

"Don't worry." Kinuha nito sa bulsa ang dalawang papel. "Take this," ani nito at inabot sa akin 'yon.

Doon ko nakita ang simbolo ng kanilang pack. Kulay abong buwan na mayroong itim na mga tinik sa gitna.

"Ito ang simbolo ng aming pack. Idikit niyo to sa braso niyo at lagyan ng tubig. After a few minutes tanggalin niyo," aniya. Napatango ako at muli siyang nagsalita. "Hindi yan nabubura basta basta. It takes a month bago matanggal."

Tumango ako at muli siyang tinignan sa mata. "Magtataka ang ilan kung sino kami. Anong sasabihin namin sa pagkakakilanlan namin?" tanong ko.

Napangisi ito. "Graywond ang pinakamalaking pack dito sa hilaga. Ako at ang konseho ng pack lang ang pwedeng magsimbolo. Permanente ang nakalagay sa amin pero panandalian lang ang binigay ko sayo. Pero para makasigurado ay pwedeng isuggest ko sa dating Alpha na lagyan kayo ng background."

"Pwede na sakin yung kaibigan kami ng tatlong 'yon." Suhestiyon ko.

Napapalakpak ito. "Great! Iyan mismo ang sasabihin ko." Matapos niyang sabihin yon ay nakahinga ako nang maluwag.

Dito sila kumain ng tanghalian. Nalaman ko ang pangalan ng tatlo. Si Ace na pinakamatangkad sa kanila, si Ashley na pinakamaliit at si Vincent na pinakamalaki ang katawan. Napag-alaman ko rin na ang tatlong 'to ay ang pangunahing bantay. Hindi na ako nagtaka. Kaya pala sila ang bumungad sa amin kahapon. Di ko rin maitatanggi na magaling sila kahapon. Mabilis nilang napatumba ang kalaban nilang Rouge.

Naramdaman daw kasi nila na may kakaiba habang naglilibot sila. Natakot pa nga raw sila pero nang makita na mga hunter lang ay agad silang nagpakita. Anong akala nila mahina kami? Mga gago. Nagtaka na raw noon ang isa sa kanila dahil sa pamilyar na mask. Sabi na nga ba at may nakakapansin sa mask namin.

Matapos kumain ay agad silang hinatid ni Aikee. Sumama na ako dahil baka mapano pa ang kapatid ko.

"Salamat sa pagkain, Aikee!" sigaw nung Ashley. Napatingin pa ito sa akin. "Next time patikim ng kuya mo, ah! Tapos ikaw din!" napahagikhik pa ito bago batukan nung Ace.

"Yung bibig mo nga!" singhal nito.

"Sige, basta pasapak ako ng limang beses," nakangising sagot ng kapatid ko.

Hindi ko maiwasang mandiri. Magpapatikim talaga siya?

"Salamat sa pagkain pre," ani Vincent. Tinanguan ko lang ito.

Nasa pintuan na kami nang huminto ang beta. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Ngiti na minsan ko nang nakita sa mga babaeng nagkakagusto sa akin.

"You look good without your mask."

Sugarmaui

Related chapters

  • The Alpha's Keeper   4

    [Tour] Magdamag akong nakahiga sa malambot kong kama. Damang-dama ko ang pagod sa katawan ko. Hindi ko alam pero mas gusto kong matulog buong araw. Nakailang labas ako na ako ng semilya ngayong araw at nangangawit na ang kamay ko. Napakahot ng mga babaeng lobo rito. Mga mukhang model na lumabas sa isang magazine. "Kuya! Papasok ako, ah!" sigaw ni Aikee mula sa labas ng aking pinto. Napailing na lang ako bago sumigaw. "Bahala ka!" Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Bagot ko siyang nilingon at nakita ang pandidiri sa kaniyang mukha. "Ang kadiri mo kuya! Ang amoy ng kwarto mo! Amoy na parang zonrox!" Napangisi ako. "Wag kang feeling anghel, Aikee. Nakita kita kahapon. Wag kang maghugas kamay dyan na parang di mo ginagawa yung ginawa ko." Napailing na lang ang ulo niya bago tignan ang mga tissue sa sahig. "Seryoso? Ang dami ng tissue nito Kuya! ilang beses ka na nagpalabas?" takang tanong niya.

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   5

    [NEW SCHOOL]Kung tutuusin pwede naman akong mag-aral noon habang nag-eensayo. Pero dahil nga sa balita noon na nalaman ko ay mas pinili kong mag-ensayo na lang. Magiging sagabal kasi sakin ang paghahati ng oras at baka mawala ako sa linyang tinatahak ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin na-i-po-proseso ng utak ko na mag-aaral na akong muli. Magtatatlong taon na rin pala simula nang huminto ako sa pag-aaral.Bakit ba ako huminto sa pag-aaral bukod sa pag-eensayo? Simple lang ang sagot. Nakakatamad kasi. Hindi ko rin kasi alam kung anong gusto kong kurso. Huling taon ko rin noon sa highschool ay wala akong masyadong ginagawa. Yung tipong papasok lang ako para lang magh

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   6

    [BULAKBOL]"Yung sinabi ko sa'yo kahapon, Aikee. Dumiretso na kayo ni Ashley sa bahay. Wag niyo na akong hintayin, naiintindihan mo ba?" tanong ko.Malapit nang matapos ang pila ng mga babae. May inaabot silang kung ano sa guard at doon ko lang naalala ang inabot kanina ni Vincent na papel. Buti hindi ko tinapon ang bagay na 'yon."Oo, kuya. Hindi ko naman nakalimutan." Sumaludo ito bago ko tinanguan.Sinabihan ko siya na ako muna ang magmamasid ngayong araw. Malakas naman ang pakiramdam ko kung anong pinagkaiba ng alpha at ng isang normal na lobo. Mas mabuting salitan kesa naman dumayo pa siya rito sa building namin. Masyadong malabo at mahihirapan siya."Una na ako, Kuya. Mukhang mag-eenjoy ako sa new school na 'to." Ngumisi pa ako bago siya tanguan.Kahit kailan talaga, oh. Ayaw na ayaw magpah

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   7

    [KALMA]Katulad kanina ay halos ilag pa rin sa akin ang ilang estudyante. Hindi ko alam kung bakit ganon sila. Tila ba sila mga takot na hindi mo malaman. Ang sarap pagsusuntukin. Kanina nga ay halos gusto kong kwelyuhan ang isa sa kanila para tanungin lang kung bakit sila umiiwas.Nababadtrip ako. Idagdag mo pa yung malditang Blake. Siraulo, tinulungan mo na nga lahat lahat tapos iirapan ka pa? Gago amputa. Siya na nga 'tong tinulungan siya pa 'tong magagalit. Pinaglihi yata sa sama ng loob ang isang 'yon.Sinunod ko ang sinabi ni Vincent kanina. Kaso pagpasok ko pa lang sa isang maliit na gate ay agad na sumalubong sa akin ang malawak na mini forest na sinasabi niya. May fountain ito sa gitna at halos...kailan pa naging mini ang ganito kalaki? Puro nagtataasang puno. May mga bench pero halos lahat ay may mga nakapwesto.Para akong nasa ibang panahon. Makaluma ang disenyo. Halatang hindi nabibigyan ng pansin para linisin. Malungkot ang agad n

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   8

    [ALPHA]"Kuya! Natapos mo--Oh! A-Anong nangyari sa labi mo?"Agad na napatakbo si Aikee sa pwesto ko. Kakabukas ko lang ng pintuan at halos dambahin niya ako sa ginawa niya."Wala 'to. Nadulas lang d'yan sa labas," sagot ko.Hinawi ko ang kamay niya at nagtungo sa kusina. Napaupo ako sa upuan at napatingala. Kanina pa talaga ang sugat na 'to. Matapos ng engkwentro namin sa cr ay hindi na siya nagpakitang muli."Ikuha mo na lang ako ng yelo. Dampian ko na lang 'to.""Sa laki ng katawan mo, hindi ako naniniwalang nadulas ka," dagdag pa nito habang nakatitig pa rin sa akin.Napangisi na lang ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa katawan ko. Akalain mong malakas nga talaga ang isang 'yon. Hindi ko akalain na mahuhuli niya ako nang gano'n kabilis."Oh, kuya, ito na."

    Last Updated : 2021-09-11
  • The Alpha's Keeper   9

    [IKALAWANG HAMON]Hindi ko maiwasang mapaisip. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin at ng ingay sa paligid ay hindi ko maiwasang magtaka. Ano kayang magiging reaksyon ni Aikee? Sigurado kasi akong hindi 'yon maniniwala sa sasabihin ko mamaya. Siguradong magdududa yung kapatid kong 'yon kapag nalaman niya kung sino ang susunod na alpha. Pero kahit na gan'on, siguradong mamamangha siya.Sa likod kasi ng maamong mukha ni Blake ay hindi mo maiisip na may nagtatagong malakas na katauhan sa loob niya. Na kahit anong lakas ng pakiramdam mo ay ni hindi mo man lang siya naramdaman. Mukhang sinanay siyang magtago ng malakas na aura. At sigurado akong marami pa siyang tinatagong kakayahan. Pero. . .mahina ang loob ng isang 'to.

    Last Updated : 2021-09-11
  • The Alpha's Keeper   10

    [AURUM CLAN]Hindi pa rin ako sanay na bumangon sa malambot at malawak na kama. Malamig na hangin, maaliwalas na kapaligiran at maraming naggagandahang babae sa paligid. "Kuya! Saan ka na naman ba pupunta?" tanong na bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto.Nilingon ko 'yon at doon ko nakita si Aikee na nag-aalmusal. Nakasando itong puti at boxershorts sa ibaba. Nawala ang masaya niyang mata nang makitang nakauniporme na ako."May dadaanan lang diyan sa labas," sagot ko.Uminom ito ng tubig at humarap sa akin. "Kuya? Wag mo 'kong lokohin, ok? Alam kong may itinatago ka na naman sa 'kin!" singhal nito.Napalitan ng pagtataka ang buong mukha

    Last Updated : 2021-09-11
  • The Alpha's Keeper   11

    [TRIPLENG LAKAS]"Aikee!" Halos mahatak ko siya para lang pigilan ang pagtangka niyang pagtakbo para habulin ang lalaki kanina."Kuya naman, eh! Bakit mo ba ako hinatak?" asar nitong tanong. "Edi sana nahabol na natin!"Kung alam lang siguro niya yung nangyari tatlong araw na ang nakakaraan ay paniguradong hindi siya ganiyan kumilos."Ano sa palagay mo?" Dahil sa inis. Agad ko siyang hinatak sa eskinit

    Last Updated : 2021-09-11

Latest chapter

  • The Alpha's Keeper   Acknowledgement

    To my readers, friends, co-writers-- I thank you with every inch of my heart for staying with me on this new long journey. Thank you so much for all your support!I've been so fortunate to received followers while writing this story. Thank you so much! It's my first English story btw so thank you for your understanding hahaha.To Blake and Felix, thank you for this wonderful journey. But honestly, the both of you helped me to develop this story into what it isThat's it! The story of Blake and Felix is ​​over! It's hard for me to let them go because I always dream about them hahaha.Again, thank you for reading and waiting. and I hope you find Felix of your life! The one who will watch over you no matter what attitude you have. Keep safe, guys!Sugarmaui-

  • The Alpha's Keeper   Epilogue

    Pagbangon ko ng kama ay agad ko nang narinig ang mga ingay sa baba. Ang mga ingay at boses na halatang may ginagawa."Blake, anak! Halina't kumain ka na muna!"Sa paghakbang ko ay agad kong narinig ang boses na 'yon. Ang boses na kahit kailan ay hindi ko akalain na totoo. Ang boses na matagal kong hiniling at matagal kong hinanap.Hindi man boses ng babae, ramdam ko naman ang pagmamahal nito nilang ina. Ang aking nanay, si Mommy Maui. Hindi katulad ng ibang nanay, si Mommy ay isang lalaki. Isa syang carrier, katulad ko."Sge po! Ihahanda ko lang yung gagamitin ko. Saglit lang 'to, mommy," sagot ko."Magdahan-dahan ka sa pagkilos mo, ok? Baka madulas ka! Na sa baba lang kami at malapit na kaming matapos."Naglakad ako papunta sa cabinet. Sa salamin non ay natanaw ko ang aking sariling repleksyon. Kitang-kita na ang umbok ng aking tyan. Hinimas ko ito at hindi naiwasang mapangiti.Walong buwan na ang nakakalipas. At ngayon

  • The Alpha's Keeper   49

    BLAKE'S POINT OF VIEWPangamba at takot ang unang bumungad sa akin nang dumilat ang aking dalawang mata. Isang hindi pamilyar na lugar ang agad na pumukaw ng aking pansin. Isang madilim na paligid na sumisigaw ng hindi magandang pangyayari. Isang mansyon na napakalawak.Mga chandelier na mayroong mga itim na tela na nakasabit sa itaas. Mga vase at painting sa bawat sulok na tila ba napaglipasan na ng panahon dahil sa mga alikabok. At hindi katulad ng ilang typical na mansyon, ang malawak na bahay na ito ay kulay itim.Hindi ko maiwasang mapangiwi nang tangkain kong tumayo. Hapdi ang agad na dumaloy sa aking kamay. Taka ko iyong tinignan at doon ko nakita na nakatali iyon gamit ang nylon."N -na saan ako?" nauutal kong tanong sa sarili.Pilit kong inayos ang sarili sa pag-upo. Ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang manatili sa hindi magandang pwesto.Hindi ko alam ang nangyari. Ang alam ko lang ay magaganap na ang Caliagr

  • The Alpha's Keeper   48

    Halos mapalingon kaming lahat sa boses na 'yon. Sumilay sa amin ang isang pigura. Ang kanyang tindig, ang kaniyang presenya."A -argus?"Sinubukan kong basahin ang bawat kilos niya pero wala akong makita bukod sa blanko ang kaniyang mata. Tila naging matured din ang itsura nya dahil sa kaniyang bigote. Ang suot na sombrero ay na sa kanang kamay nya. Pati ang mga kasama ko ay tila napako rin sa kanilang kinatatayuan.Marahil ay nangangapa rin dahil hindi namin alam kung kakampi sya o kaaway. At kung sakali man na kaaway sya ay wala kaming magagawa kung hindi ang tumakbo.Hindi pa nakaka-recover ang mga kasama ko kaya hindi makakabuti kung lalaban kami. Ang tanging paraan lang namin ay ang tumakbo mula sa kaniya.Parang wala syang narinig. Wala itong alinlangan na pumunta sa harapan namin.Pero halos mapahinto kaming lahat nang biglang maglabas ng dugo ang kaniyang bibig. Napahinto sya sa paglalakad at halos mapatili an

  • The Alpha's Keeper   47

    Sa apat na taon kong pamumuhay sa sentro at sa kanluran, simula nang nawala ang mama at papa ko, ang tanging gusto ko lang ay maipaghiganti at mapatay ang mga taong lobo na humamak sa kanila.Gusto ko lang na makuha ang ulo ng mga taong lobo na gumambala sa amin ng gabing iyon.Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Apat na taon akong naghintay. Higit sa apat na taon akong nag ensayo para malaman ang katotohanan. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngunit ngayon, na sa harapan ko na ang taong makakatulong sa amin ni Aikee para maging malinaw ang tunay naming pagkatao. Para malaman ang katotohanan. Katotohanan sa mga nangyari noon.Simula bata kami ay alam na namin na hindi namin tunay na magulang sila Mama Greta at Papa Jose. Lagi nilang sinasabi na may pamilyang naghihintay sa amin pagdating ng panahon. Na may pamilyang lubos kaming hinihintay.Kaya ang akala ko noon na kapag natanggap ko

  • The Alpha's Keeper   46

    Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang na sa paligid ko.Fuck!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo.Nasaan ako?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Hayop na Manong yan. Talagang tutuluyan nya kami?Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad.Pilit akong kumawala sa kadena. Hila dito. Kutkot doon. Pero kahit anong gawin ko ay napakahigpit non. Habang pinipilit kong tanggalin ang kamay ko ay nakarinig ako ng isang tawa sa gilid ko."Hindi mo na iyan maaalis, kuya."Napalingon ako nang makita si Aikee.

  • The Alpha's Keeper   45

    Chapter 44: Naging tahimik kaming muli ni Aikee. Kasalukuyan nya akong sinasamahan na hasain ang espada ko. Ngayon na kasi magaganap ang caliagri open na matagal nang pinaghandaan ng mga tagahilaga. Napailing na nga lang ako dahil ang buong akala ko ay maiuusog ang date ng caliagri open. Pero hindi nila inurong at tinuloy pa rin. "Sigurado ka ba na hindi tayo aalis dito, kuya?" tanong sa akin ni Aikee. "Official na ang nagsabi na umalis tayo. Baka ito na rin yung gustong ipahiwatig ni Arisa at ni Mechille. Napangisi ako sa sinabi nya. "Oo naman, sigurado ako," sagot ko. Pagkauwi ko kahapon ay agad kong sinabi sa kaniya ang mga sinabi nung official sa akin. Ang sinasabi nya na planong pagpatay sa akin ni Manong lagkatapos na caliagri open, ang pagmamanman na ginawa ni Manong nung na sa sentro pa lang kami at ang nalalaman ni Manong tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakakalipas. "Hindi natin kakayanin si Manong kapag

  • The Alpha's Keeper   44

    "Kuya? B -binasa mo na ba yung binigay na sobre na binigay nung officials sayo kanina?"Tuluyan akong napahinto sa sinabi nyang 'yon. Muli kong naalala ang itim na sobreng inabot sa akin ng lalaking nakausap namin kanina sa university.Kinapa ko ang bulsa ko at doon hinanap ang sobre. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan.Bakit ba nauuso ang bigayan ng mga papel ngayon? Pangalawa na ito sa araw na 'to. Ang una ay kay Arisa at masama ang laman ng papel na binigay nya.Pinagmasdan ko ang itim na sobre. Nakalagay doon sa gitna ang logo ng officials, ang buwan at ang araw.Nakatitig lamang si Aikee habang binubuksan ko ito."9:00 a.m. Clock tower.""A -anong ibig nyang sabihin?" takang tanong ni Aikee nang basahin ko ang laman ng sobre.At hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ang pinakailalim."Let's have a deal, Felix. . ."Paanong . . .Paanong alam nya ang pangalan ko?Chapter 44:

  • The Alpha's Keeper   43

    "P -prodigies?" gulat na tanong nya at napaatras."Manong, may rouges pa ba sa paarteng ito?" Tanong ng kapatid ko sa kaniya.Pero imbes na sumagot ay nakarinig kami ng isang boses mula sa aming likuran."Nahuli na kayo, prodigies. . ." ani ng isang malalim na boses.Dahan dahan kaming lumingon. At sa paglingon na ginawa namin ay doon namin nakita ang isang lakaki na nakasuot ng isang kulay puting tuxedo. May mga bahid ng dugo ang manggas nya. At ang mas ikinagulat namin ay ang logo na nakalagay sa kaniyang kanang dibdib."O -officials?"Chapter 43:Nilibot pa namin ang bawat sulok ng buong rehiyon para makasigurado kung may natitira pa bang mga rouges o wala na. Sa paglilibot na ginawa namin ay wala kaming nakita kahit isa. Bukod sa mga dugo at katawan ng mga rouges sa university, wala na kaming ibang nakita sa paligid. Puro mga kalat na lang.May mga media pa kaming nakasalubong na mukhang tumakbo at natakot kanina sa mga rou

DMCA.com Protection Status