Share

1

Author: Sugarmaui
last update Last Updated: 2021-08-20 22:45:10

[KANLURAN]

Maingay, puro sigawan at iyakan. Ayan ang narinig ko nang magising ako isang gabi. Agad akong sumilip noon sa bintana ng aking kwarto.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong tumatakbo habang patuloy na hinahabol ng mga lobo. Lubos pa akong nagtaka dahil ang isang tao kanina ay biglang nag-anyong lobo at agad na sinunggaban ang isa sa mga kapitbahay ko.

"K-Kuya? A-Anong nangyayari?" tanong ng sampung taon kong kapatid na si Aikee.

Patuloy kaming nakasilip nang biglang bumukas ang pinto. Nagmamadaling pumasok si Mama at si Papa. Kita mo sa mukha nila ang kaba.

"Magsibaba kayo!" sigaw ni Mama at agad kaming nagtungo sa baba.

"M-Ma? Anong nangyayari?" tanong ko habang patuloy na bumababa sa hagdan.

"Huwag nang maraming tanong anak. Magtago kayo ng kapatid mo sa kusina," ani Papa.

Patuloy naming naririnig ang mga sigawan sa labas hanggang sa marinig namin ang malakas na kalabog sa pinto.

"Magmadali kayo!" sigaw ni mama at agad na inangat ang kung ano sa ilalim ng lamesa. Doon ko nakita ang isang madilim lagusan.

"Huwag kayong lumabas hanggang naririnig niyo ang mga kaluskos. Huwag kayong mag-alala dahil may mga pagkain roon," sabi ni Papa.

Muli naming narinig ang malakas na tunog. Nagsimula nang umiyak si Aikee habang ako ay agad na pumasok.

"Sundin mo ang sinabi ko, Felix. Ingatan mo ang kapatid mo. Huwag niyong pabayaan ang isa't isa," sabi ni Papa bago tuluyang ibaba ang pinto ng aming pinagtataguan.

Simpleng buhay. Ayan lamang ang tanging hiling ko simula nang magkamalay ako sa mundong ito. Pero hindi ko maiwasang manlumo dahil nauwi ang lahat sa wala simula nang mamatay ang mga tumatayong magulang naming dalawa ng kapatid ko.

"Hindi mo ba talaga tatanggapin 'yon, Kuya?"

Napabuntong hininga ako dahil sa paulit ulit niyang tanong.

Pitong araw na ang nakalipas simula nang matanggap namin ang kulay abong sobre. Pitong araw na rin simula nang mapadpad kami sa lugar na minsan nang tinirhan ng aming mga magulang.

"Bakit? Ayaw mo na ba rito? Di hamak na mas maganda manirahan sa lugar na 'to," sagot ko.

Matapos ko kasing makuha ang perang katumbas ng lobong 'yon ay agad akong nakabili ng lupain dito sa kanluran. Yun nga lang ay napakalaki ng pagkakaiba nito.

Mas sariwa kasi ang hangin dito kesa sa dati naming tinitirhan. Maraming puno rito sa kanluran hindi katulad sa sentro na halos dikit dikit ang mga kabahayan. Mas maginhawa rito pero hinahanap hanap ko ang lugar na 'yon.

"Maganda nga pero napakaboring naman," sagot nito.

Doon kasi sa sentro ay pwede kaming magsanay dahil sa mga sirang kabahayan. Hindi kami naiilang dahil matagal ng abandonado ang village na 'yon. Hindi katulad dito sa kanluran na halos may mga nakatira sa mga kabahayan. Hindi basta bastang makakapagsanay dahil nag-iingat din kami kahit papaano.

"Gusto mo na bang mang-hunting?" tanong ko bago ilapag ang aming almusal sa lamesa.

Imbes na matakam ay nanlaki ang mata nito at agad na napatayo.

"Oo naman, Kuya! Baka kinakalawang na ako! Ikaw ba, kuya? Sigurado akong kinakalawang ka na rin!" sigaw nito bago umupo at tumawa.

Napangisi ako bago tuluyang umupo. "Ako? Kakalawangin? Malabong mangyari 'yan, Aikee," sagot ko.

Nagtalo kami pa kami ng kapatid ko kung sino ang mas magaling sa aming dalawa. Natawa na lamang ako dahil hindi siya nagpapatalo. Ganiyan nga, Aikee. Wag na wag mong hahayaan na malamangan ka. Sa mundong 'to ay talo ang mga mahihina.

Natapos kaming kumain nang maisipan naming gumayak.

"Kuya? May mga Rouges kaya rito? Di ba sabi nung mga hunters sa Silangan na mas mataas ang bigayan kapag sa kanluran nahuli?" tanong nito nang makalabas kami sa bahay na tinutuluyan namin.

"Mataas talaga," nakangisi kong sagot.

Kunot noo itong tumingin sa akin. "Wag mo sabihing dito ka naghuhunt kapag hindi mo ako sinasama?" tanong niya na nagpangisi sa akin.

"Mismo," sagot ko dahilan para mapanguso siya.

"Napakadaya mo, Kuya!" sigaw nito.

Humarap ako sa kanya at seryoso siyang tinignan sa mata. "Napakadelikado ng mga Rouges dito, Aikee. Kung ang mga officials nga ay hindi sila napigilan, ikaw pa kaya?" tanong ko.

Naging tahimik ito at mas piniling magmasid sa lugar. May mga lumilipad na sasakyan. May mga video sa bawat building. At higit sa lahat ay ang mga tao na hindi mapakali kakalakad. Napakarami nila.

"Wala naman yatang nagtitinda ng dyaryo rito, Kuya! Puro building lang yung nakikita ko," ani Aikee.

Napailing na lang ako. "Malapit na. Nasa kabilang kanto pa kasi yung tindahan," sagot ko. Humarap ako sa kanya at ngumisi. "Bakit? Napapagod ka na ba?" pang-aasar ko.

Hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ko.

"A-Ako? Mapapagod, Kuya? Nahihibang ka na ba?"

"Tinawag mo pa akong kuya kung gan'yan din naman ang sasabihin mo," seryosong sagot ko.

Agad itong napahinto. "P-Pasensya na. Nagbibiro lang naman ako, Kuya," ani niya.

Napayuko ito dahilan para guluhin ko ang kanyang buhok. "Nagbibiro lang din naman ako."

Natawa ako nang muli itong mapanguso. Seryoso man akong tao pero hindi sa kapatid ko. Kakaiba ako magbiro kaya gan'yan ang itsura niya ngayon.

Huminto ako sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar na tindahan. Hindi katulad sa mga nasa tabing gusali ay hindi hamak na mas luma ito. Mapapansin mo kaagad 'yon dahil sa napaglumaang pintura at mga abo sa itaas ng shop na 'to.

Pag-apak namin sa loob ng shop ay agad kaming napahinto. Hindi na ako nagulat nang maramdaman ang malamig na dulo ng espada na nakatapat sa leeg ko. Pero nagulat ako nang magsalita ang kapatid ko.

"Ibaba mo yung espada mo, Manong," ani Aikee habang nakatutok ang maliit na shuriken sa leeg ng lalaki.

"A-Anong kailangan niyo?" tanong ni Manong na tila ba takot na takot.

"Inuulit ko manong, ibaba mo ang espada mo kung ayaw mong maunang bumaba kay santanas," ani Aikee.

Hindi natinag si Manong hanggang sa sabihin ko ang salitang magpapakalma sa kaniya.

"Hunter," ani ko dahilan para ibaba niya ang espada. Binaba na rin ni Aikee ang shuriken niya.

"Masyado kang nakakabigla," ani Manong habang nakatingin kay Aikee.

"Binigla niyo rin naman kasi ako," sagot nito bago ilagay ang shuriken sa kanyang bulsa.

Tumalikod ito at nagsimulang maglakad. "Pasensya na. Nag-iingat lamang ako dahil sa mga nagkalat na Rouges dito," sagot nito.

Walang nagbago sa shop na 'to. Puro luma pa rin ang mga gamit. Mula sa mga espada na nakasabit hanggang sa mga inaalikabok na mga libro.

Yumuko ito sa ilalim. At sa kaniyang pag-angat ay agad niyang inilapag ang hinahanap namin.

"Huwag na muna kayong bumalik dito," ani nito na ipinagtaka ko.

Kinuha ko ang dyaryo at tumingin sa kanya. "Ho? Bakit naman ho?" tanong ko.

Salitan niya kaming tinignan ni Aikee. "Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niyo at sabay kayong pumunta rito," sagot nito.

"Ano po bang sinasabi niyo?" tanong ni Aikee.

"Hunter kayo hindi ba? At siguradong kilala niyo ang magkapatid na The Prodigies?" tanong nito na nagpakaba sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko. Tingin na naghahanda sa mga maaaring mangyari.

"Base sa mga galaw niyo kanina ay hindi ko maipagkakaila na kayo ang dalawang 'yon," dagdag nito.

Agad na inilabas ni Aikee ang shuriken niya.

Napatawa si Manong at napataas ng kamay. "Kumalma ka iho. Hindi ako kaaway. Nais ko lang sabihin na hindi kayo ligtas sa lugar na 'to."

"Anong ibig mong sabihin, Manong?" tanong ko habang pinipigilan ang sarili.

Nangako kami ni Aikee na papaslangin namin at gigilitan sa leeg ang mga taong makakaalam ng tinatago naming sikreto.

"Kayo nga," ani nito at kinuha ang maliit na box.  "Kayo ang anak ni Greta at Jose. Hinabilin sakin ng tatay niyo na ibigay ang bagay na 'to. Paglabas niyo ng shop na 'to ay agad kayong mag-impake at magtago. Hindi kayo ligtas sa lugar na 'to dahil hindi lang ang mga Rouges ang naghahanap sa inyo... pati mga hunters ay intiresado sa mga ulo niyo."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wang Lei Chen
Ulo talaga HAHAHA
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Alpha's Keeper   2

    [HILAGA]"Whoa! Ang d-daming puno!" sigaw ni Aikee nang makapasok kami sa border line.Borderline ang humahati sa Kanluran, Sentro at sa Hilaga. Ito ang naghahati sa tatlo. Puno ang humahati sa Sentro at Hilaga. Samantalang bato naman sa Kanluran at sa Sentro. Pawang mga anyong tubig naman ang nasa timog kung saan pinagbabawal ang pagpunta roon."Huwag kang maingay, Aikee. Parang awa mo na," bulong ko sa kanya.Tila kasi siya nakakita ng magandang palaruan. Sabagay, magandang training ground ang lugar na 'to. Nagtataasang puno at naglalakihang sanga. Ngayon pa lang ay ramdam ko na galak sa mga mata ng kapatid ko. Kahit papaano ay sulit ang anim na oras na byahe."Kuya! Dito na lang tayo magtayo ng bahay! Ang ganda ng lugar na 'to! Bakit kasi hindi tayo napadpad noon dito, '

    Last Updated : 2021-08-20
  • The Alpha's Keeper   3

    [MASK]Matapos ang digmaan noon ay lagi nang nakatatak sa isipan ko na kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya pero hindi ko hahayaan na mawala pa sa akin ang kaisa-isang pamilya ko.Siya na lang ang mayroon ako at ako na lang ang mayroon siya. Kailangan ko siyang protektahan hindi dahil sa hinabilin siya ng mga tumayo naming magulang kung hindi dahil sa iyon ang nararapat.Napahawak ako sa kulay abong sobre. Pinagmasdan ko ito. Mula sa mga lining hanggang sa mensaheng nakapaloob dito.Tinanggap ko ang misyon na 'to dahil hindi na kami ligtas sa Sentro at sa Kanluran. Tang-ina kahit anong lakas ko ay hindi ako uubra sa rami nila.Hindi na lang kasi Rouge ang kalaban namin kung hindi pati ang mga hunter na katulad namin. Kaya

    Last Updated : 2021-08-23
  • The Alpha's Keeper   4

    [Tour] Magdamag akong nakahiga sa malambot kong kama. Damang-dama ko ang pagod sa katawan ko. Hindi ko alam pero mas gusto kong matulog buong araw. Nakailang labas ako na ako ng semilya ngayong araw at nangangawit na ang kamay ko. Napakahot ng mga babaeng lobo rito. Mga mukhang model na lumabas sa isang magazine. "Kuya! Papasok ako, ah!" sigaw ni Aikee mula sa labas ng aking pinto. Napailing na lang ako bago sumigaw. "Bahala ka!" Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Bagot ko siyang nilingon at nakita ang pandidiri sa kaniyang mukha. "Ang kadiri mo kuya! Ang amoy ng kwarto mo! Amoy na parang zonrox!" Napangisi ako. "Wag kang feeling anghel, Aikee. Nakita kita kahapon. Wag kang maghugas kamay dyan na parang di mo ginagawa yung ginawa ko." Napailing na lang ang ulo niya bago tignan ang mga tissue sa sahig. "Seryoso? Ang dami ng tissue nito Kuya! ilang beses ka na nagpalabas?" takang tanong niya.

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   5

    [NEW SCHOOL]Kung tutuusin pwede naman akong mag-aral noon habang nag-eensayo. Pero dahil nga sa balita noon na nalaman ko ay mas pinili kong mag-ensayo na lang. Magiging sagabal kasi sakin ang paghahati ng oras at baka mawala ako sa linyang tinatahak ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin na-i-po-proseso ng utak ko na mag-aaral na akong muli. Magtatatlong taon na rin pala simula nang huminto ako sa pag-aaral.Bakit ba ako huminto sa pag-aaral bukod sa pag-eensayo? Simple lang ang sagot. Nakakatamad kasi. Hindi ko rin kasi alam kung anong gusto kong kurso. Huling taon ko rin noon sa highschool ay wala akong masyadong ginagawa. Yung tipong papasok lang ako para lang magh

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   6

    [BULAKBOL]"Yung sinabi ko sa'yo kahapon, Aikee. Dumiretso na kayo ni Ashley sa bahay. Wag niyo na akong hintayin, naiintindihan mo ba?" tanong ko.Malapit nang matapos ang pila ng mga babae. May inaabot silang kung ano sa guard at doon ko lang naalala ang inabot kanina ni Vincent na papel. Buti hindi ko tinapon ang bagay na 'yon."Oo, kuya. Hindi ko naman nakalimutan." Sumaludo ito bago ko tinanguan.Sinabihan ko siya na ako muna ang magmamasid ngayong araw. Malakas naman ang pakiramdam ko kung anong pinagkaiba ng alpha at ng isang normal na lobo. Mas mabuting salitan kesa naman dumayo pa siya rito sa building namin. Masyadong malabo at mahihirapan siya."Una na ako, Kuya. Mukhang mag-eenjoy ako sa new school na 'to." Ngumisi pa ako bago siya tanguan.Kahit kailan talaga, oh. Ayaw na ayaw magpah

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   7

    [KALMA]Katulad kanina ay halos ilag pa rin sa akin ang ilang estudyante. Hindi ko alam kung bakit ganon sila. Tila ba sila mga takot na hindi mo malaman. Ang sarap pagsusuntukin. Kanina nga ay halos gusto kong kwelyuhan ang isa sa kanila para tanungin lang kung bakit sila umiiwas.Nababadtrip ako. Idagdag mo pa yung malditang Blake. Siraulo, tinulungan mo na nga lahat lahat tapos iirapan ka pa? Gago amputa. Siya na nga 'tong tinulungan siya pa 'tong magagalit. Pinaglihi yata sa sama ng loob ang isang 'yon.Sinunod ko ang sinabi ni Vincent kanina. Kaso pagpasok ko pa lang sa isang maliit na gate ay agad na sumalubong sa akin ang malawak na mini forest na sinasabi niya. May fountain ito sa gitna at halos...kailan pa naging mini ang ganito kalaki? Puro nagtataasang puno. May mga bench pero halos lahat ay may mga nakapwesto.Para akong nasa ibang panahon. Makaluma ang disenyo. Halatang hindi nabibigyan ng pansin para linisin. Malungkot ang agad n

    Last Updated : 2021-09-10
  • The Alpha's Keeper   8

    [ALPHA]"Kuya! Natapos mo--Oh! A-Anong nangyari sa labi mo?"Agad na napatakbo si Aikee sa pwesto ko. Kakabukas ko lang ng pintuan at halos dambahin niya ako sa ginawa niya."Wala 'to. Nadulas lang d'yan sa labas," sagot ko.Hinawi ko ang kamay niya at nagtungo sa kusina. Napaupo ako sa upuan at napatingala. Kanina pa talaga ang sugat na 'to. Matapos ng engkwentro namin sa cr ay hindi na siya nagpakitang muli."Ikuha mo na lang ako ng yelo. Dampian ko na lang 'to.""Sa laki ng katawan mo, hindi ako naniniwalang nadulas ka," dagdag pa nito habang nakatitig pa rin sa akin.Napangisi na lang ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa katawan ko. Akalain mong malakas nga talaga ang isang 'yon. Hindi ko akalain na mahuhuli niya ako nang gano'n kabilis."Oh, kuya, ito na."

    Last Updated : 2021-09-11
  • The Alpha's Keeper   9

    [IKALAWANG HAMON]Hindi ko maiwasang mapaisip. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin at ng ingay sa paligid ay hindi ko maiwasang magtaka. Ano kayang magiging reaksyon ni Aikee? Sigurado kasi akong hindi 'yon maniniwala sa sasabihin ko mamaya. Siguradong magdududa yung kapatid kong 'yon kapag nalaman niya kung sino ang susunod na alpha. Pero kahit na gan'on, siguradong mamamangha siya.Sa likod kasi ng maamong mukha ni Blake ay hindi mo maiisip na may nagtatagong malakas na katauhan sa loob niya. Na kahit anong lakas ng pakiramdam mo ay ni hindi mo man lang siya naramdaman. Mukhang sinanay siyang magtago ng malakas na aura. At sigurado akong marami pa siyang tinatagong kakayahan. Pero. . .mahina ang loob ng isang 'to.

    Last Updated : 2021-09-11

Latest chapter

  • The Alpha's Keeper   Acknowledgement

    To my readers, friends, co-writers-- I thank you with every inch of my heart for staying with me on this new long journey. Thank you so much for all your support!I've been so fortunate to received followers while writing this story. Thank you so much! It's my first English story btw so thank you for your understanding hahaha.To Blake and Felix, thank you for this wonderful journey. But honestly, the both of you helped me to develop this story into what it isThat's it! The story of Blake and Felix is ​​over! It's hard for me to let them go because I always dream about them hahaha.Again, thank you for reading and waiting. and I hope you find Felix of your life! The one who will watch over you no matter what attitude you have. Keep safe, guys!Sugarmaui-

  • The Alpha's Keeper   Epilogue

    Pagbangon ko ng kama ay agad ko nang narinig ang mga ingay sa baba. Ang mga ingay at boses na halatang may ginagawa."Blake, anak! Halina't kumain ka na muna!"Sa paghakbang ko ay agad kong narinig ang boses na 'yon. Ang boses na kahit kailan ay hindi ko akalain na totoo. Ang boses na matagal kong hiniling at matagal kong hinanap.Hindi man boses ng babae, ramdam ko naman ang pagmamahal nito nilang ina. Ang aking nanay, si Mommy Maui. Hindi katulad ng ibang nanay, si Mommy ay isang lalaki. Isa syang carrier, katulad ko."Sge po! Ihahanda ko lang yung gagamitin ko. Saglit lang 'to, mommy," sagot ko."Magdahan-dahan ka sa pagkilos mo, ok? Baka madulas ka! Na sa baba lang kami at malapit na kaming matapos."Naglakad ako papunta sa cabinet. Sa salamin non ay natanaw ko ang aking sariling repleksyon. Kitang-kita na ang umbok ng aking tyan. Hinimas ko ito at hindi naiwasang mapangiti.Walong buwan na ang nakakalipas. At ngayon

  • The Alpha's Keeper   49

    BLAKE'S POINT OF VIEWPangamba at takot ang unang bumungad sa akin nang dumilat ang aking dalawang mata. Isang hindi pamilyar na lugar ang agad na pumukaw ng aking pansin. Isang madilim na paligid na sumisigaw ng hindi magandang pangyayari. Isang mansyon na napakalawak.Mga chandelier na mayroong mga itim na tela na nakasabit sa itaas. Mga vase at painting sa bawat sulok na tila ba napaglipasan na ng panahon dahil sa mga alikabok. At hindi katulad ng ilang typical na mansyon, ang malawak na bahay na ito ay kulay itim.Hindi ko maiwasang mapangiwi nang tangkain kong tumayo. Hapdi ang agad na dumaloy sa aking kamay. Taka ko iyong tinignan at doon ko nakita na nakatali iyon gamit ang nylon."N -na saan ako?" nauutal kong tanong sa sarili.Pilit kong inayos ang sarili sa pag-upo. Ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang manatili sa hindi magandang pwesto.Hindi ko alam ang nangyari. Ang alam ko lang ay magaganap na ang Caliagr

  • The Alpha's Keeper   48

    Halos mapalingon kaming lahat sa boses na 'yon. Sumilay sa amin ang isang pigura. Ang kanyang tindig, ang kaniyang presenya."A -argus?"Sinubukan kong basahin ang bawat kilos niya pero wala akong makita bukod sa blanko ang kaniyang mata. Tila naging matured din ang itsura nya dahil sa kaniyang bigote. Ang suot na sombrero ay na sa kanang kamay nya. Pati ang mga kasama ko ay tila napako rin sa kanilang kinatatayuan.Marahil ay nangangapa rin dahil hindi namin alam kung kakampi sya o kaaway. At kung sakali man na kaaway sya ay wala kaming magagawa kung hindi ang tumakbo.Hindi pa nakaka-recover ang mga kasama ko kaya hindi makakabuti kung lalaban kami. Ang tanging paraan lang namin ay ang tumakbo mula sa kaniya.Parang wala syang narinig. Wala itong alinlangan na pumunta sa harapan namin.Pero halos mapahinto kaming lahat nang biglang maglabas ng dugo ang kaniyang bibig. Napahinto sya sa paglalakad at halos mapatili an

  • The Alpha's Keeper   47

    Sa apat na taon kong pamumuhay sa sentro at sa kanluran, simula nang nawala ang mama at papa ko, ang tanging gusto ko lang ay maipaghiganti at mapatay ang mga taong lobo na humamak sa kanila.Gusto ko lang na makuha ang ulo ng mga taong lobo na gumambala sa amin ng gabing iyon.Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Apat na taon akong naghintay. Higit sa apat na taon akong nag ensayo para malaman ang katotohanan. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngunit ngayon, na sa harapan ko na ang taong makakatulong sa amin ni Aikee para maging malinaw ang tunay naming pagkatao. Para malaman ang katotohanan. Katotohanan sa mga nangyari noon.Simula bata kami ay alam na namin na hindi namin tunay na magulang sila Mama Greta at Papa Jose. Lagi nilang sinasabi na may pamilyang naghihintay sa amin pagdating ng panahon. Na may pamilyang lubos kaming hinihintay.Kaya ang akala ko noon na kapag natanggap ko

  • The Alpha's Keeper   46

    Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang na sa paligid ko.Fuck!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo.Nasaan ako?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Hayop na Manong yan. Talagang tutuluyan nya kami?Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad.Pilit akong kumawala sa kadena. Hila dito. Kutkot doon. Pero kahit anong gawin ko ay napakahigpit non. Habang pinipilit kong tanggalin ang kamay ko ay nakarinig ako ng isang tawa sa gilid ko."Hindi mo na iyan maaalis, kuya."Napalingon ako nang makita si Aikee.

  • The Alpha's Keeper   45

    Chapter 44: Naging tahimik kaming muli ni Aikee. Kasalukuyan nya akong sinasamahan na hasain ang espada ko. Ngayon na kasi magaganap ang caliagri open na matagal nang pinaghandaan ng mga tagahilaga. Napailing na nga lang ako dahil ang buong akala ko ay maiuusog ang date ng caliagri open. Pero hindi nila inurong at tinuloy pa rin. "Sigurado ka ba na hindi tayo aalis dito, kuya?" tanong sa akin ni Aikee. "Official na ang nagsabi na umalis tayo. Baka ito na rin yung gustong ipahiwatig ni Arisa at ni Mechille. Napangisi ako sa sinabi nya. "Oo naman, sigurado ako," sagot ko. Pagkauwi ko kahapon ay agad kong sinabi sa kaniya ang mga sinabi nung official sa akin. Ang sinasabi nya na planong pagpatay sa akin ni Manong lagkatapos na caliagri open, ang pagmamanman na ginawa ni Manong nung na sa sentro pa lang kami at ang nalalaman ni Manong tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakakalipas. "Hindi natin kakayanin si Manong kapag

  • The Alpha's Keeper   44

    "Kuya? B -binasa mo na ba yung binigay na sobre na binigay nung officials sayo kanina?"Tuluyan akong napahinto sa sinabi nyang 'yon. Muli kong naalala ang itim na sobreng inabot sa akin ng lalaking nakausap namin kanina sa university.Kinapa ko ang bulsa ko at doon hinanap ang sobre. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan.Bakit ba nauuso ang bigayan ng mga papel ngayon? Pangalawa na ito sa araw na 'to. Ang una ay kay Arisa at masama ang laman ng papel na binigay nya.Pinagmasdan ko ang itim na sobre. Nakalagay doon sa gitna ang logo ng officials, ang buwan at ang araw.Nakatitig lamang si Aikee habang binubuksan ko ito."9:00 a.m. Clock tower.""A -anong ibig nyang sabihin?" takang tanong ni Aikee nang basahin ko ang laman ng sobre.At hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ang pinakailalim."Let's have a deal, Felix. . ."Paanong . . .Paanong alam nya ang pangalan ko?Chapter 44:

  • The Alpha's Keeper   43

    "P -prodigies?" gulat na tanong nya at napaatras."Manong, may rouges pa ba sa paarteng ito?" Tanong ng kapatid ko sa kaniya.Pero imbes na sumagot ay nakarinig kami ng isang boses mula sa aming likuran."Nahuli na kayo, prodigies. . ." ani ng isang malalim na boses.Dahan dahan kaming lumingon. At sa paglingon na ginawa namin ay doon namin nakita ang isang lakaki na nakasuot ng isang kulay puting tuxedo. May mga bahid ng dugo ang manggas nya. At ang mas ikinagulat namin ay ang logo na nakalagay sa kaniyang kanang dibdib."O -officials?"Chapter 43:Nilibot pa namin ang bawat sulok ng buong rehiyon para makasigurado kung may natitira pa bang mga rouges o wala na. Sa paglilibot na ginawa namin ay wala kaming nakita kahit isa. Bukod sa mga dugo at katawan ng mga rouges sa university, wala na kaming ibang nakita sa paligid. Puro mga kalat na lang.May mga media pa kaming nakasalubong na mukhang tumakbo at natakot kanina sa mga rou

DMCA.com Protection Status