Araw ng kasal nk Hailey pero, parang byernes santo ang pagmumukha niya at napapansin ito ng make-up artist na nag-aayos sa kan'ya ngayon. "Te, sayang ang ganda. Habang may oras pa tumakas ka na." biro ng baklang stylist. "Huh! Hindi naman pwede te, salamat napatawa mo ako." sagot niya. "Gaga! Nagsasabi ako ng truelalet. Sayang talaga ang ganda mo at matatali ka lang sa matandang huklaban. Sabagay majaman pala si tanders okay na rin buhay prinsesa ka sa Palasyo niya hahaha." dagdag pang biro nito na lalong nagpalakas ng tawa niya. Buti pa ang baklang ito napapasaya siya samantalang ang daddy niya ay ewan.. "Sige na po tapusin na natin at baka malate pa po ako sa kasal ko." sagot niya. "Kasal o sakal???" biro ulit nito. "Kasal ate." sagot niya at hindi na umimik. "Ayan ang ganda mo na." papuri nito. Sumulyap siya sa salamin at tama nga ito mas na enhance pa ang ganda niya ng maayusan pa siya. "Sige na ate, okay na yan. Salamat." Tumayo na siya at naglakad palabas
Matapos ang kanilang kasal. Sa gitna ng kasiyahan bigla na lang naging uncomfortable ang nararamdaman ng kan'yang asawa. "Are you alright?" tanong niya rito ng makitang humawak ito sa bandang dibdib nito. Agad niya itong inabutan ng tubig. "Thank you." sagot naman nito pagkatapos mainom ang tubig na ibinigay niya. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa tinawag sila ng host para tumayo. Inalalayan naman siya nito sa pagtayo hanggang sa makarating sila sa itaas ng stage. "Now let us see the first dance of the newly wed." malakas na wika ng host. Hinawakan nito ang baywang niya at siya naman ay nanginginig na kumapit sa magkabilang balikat nito habang sumasabay sa saliw ng musika. "If you want to sit just tell me." bulong niya rito. Syempre may edad na kasi ito at baka mahirapan pa ito sa pagtayo ng matagal. "Do you think I'm idiot?" iritang sagot nito sabay pisil ng baywang niya at medyo nasaktan siya. Hindi niya akalain na masasaktan siya nito. Medyo natakot tuloy siya na ba
Gulat na gulat si Hailey ng nakita ang portrait hahawakan sana niya ito kaso may brasong pumigil sa kan'ya. Nang lingunin niya ito ang mayordoma pala. "Anong ginagawa niyo r'yan madam. Naku! Umalis na kayo dito sa stock room baka maabutan kayo ni Don Kaito baka kung anong gawin sayo." pagtataboy nito sa kan'ya at bakas sa boses ang labis na pagkatakot. Hinila siya nito palabas ng ayaw niyang makinig sa sinabi ng matanda. "Manang sino ba ang babae sa portrait bakit magkamukha kami??" usisa niya rito. Sana lang talaga may makuha siyang sagot mula rito. "Naku! Madam hwag niyo na pong alamin pa. Sige na marami pa akong gagawin sa loob." sagot nito na tila naiwas sa tanong niya. "Manang sige na po," pangungulit niya sa matanda at talagang sinundan pa niya ito. "Madam hwag na kayong makulit. Wala rin akong alam." sagot niya pero, hindi pa rin naniniwala si Hailey sa sinagot nito. Hindi siya kumbinsido sa sagot ng matanda. Isang ideya ang naglalaro sa kan'yang isipan ng oras na '
Nang tumigil ang sasakyan sa malaki at matataas na building na hindi niya mawari kung nasaan nga ba sila. Basta na lang siyang sinama ng kan'yang asawa na hindi man lang sinabi sa kan'ya kung saan nga ba sila pupunta. Gentleman naman ito sa kan'ya. Nang makapasok sila sa loob ng building agas silang inassist ng guard at staff roon. Pumasok sila sa elevator at lumabas ng 15th floor. Medyo mataas nga ang lugar na pupuntahan nila. Naka abrisyete pa rin siya dito at dahil ayon ang gusto nito hanggang sa sinalubong sila ng medyo may edad na babae at ginaya sila papasok sa loob. Nakatalikod ang isang bulto ng lalaki na nakatingin sa kawalan. "Mr. Reece, your visitor is here." bulong ng secretary niya habang nakatingin si Xavier sa may bintana. "Thank you." usal niya. Sabay ikot ng swivel chair niya at tumayo. Kitang kita naman niya ang business tycoon na si Mr. Kaito Hiroshima at may kasama pa siyang babae sa tantya niya parang secretary nito. "Nice to meet you, Mr. Hiroshima." bung
Natapos ang usapan na nagkasundo ang dalawang panig. Ngunit imbes na masaya ang awar ng mukha ng kan'yang asawa ngunit kabaliktaran yata ang kan'yang nakikita. At doon niya lamang na pagtanto ang lahat ng sila ay nakabalik ng Palasyo.Pag balik nila ng Palasyo kanina pa niya napapansin sa loob ng sasakyan ang hindi matantyang timplado ng mukha ng kan'yang asawa. Hindi naman niya ito matanonh at baka lalong magalit pa ito. Nang sila'y mapag-isa na lamang sa kanilang silid nagulat na lamang siya ng biglang hinaklit nito ang kan'yang braso sabay binalya na lamang siya nito sa kanilang kamang mag-asawa. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa kan'ya gayong wala naman siyang natatandaang may ginawa siyang mali mula pa kanina. Siya nga ay abala na lamang sa panunuod at pag browse ng kan'yang social media account ng hindi naman siya mahuli sa balita.. "Bakit?? Anong kasalanan ko sayo?" tanong niya. "Ah! Hindi mo alam talaga ba. Maang maangan ka pa. Ang sabihin mo gusto mong mak
Nang makatulog na ang asawa nagmamadali siyang bumangon sa kama hindi siya gumawa ng kahit anumang ingay. Matagumpay siyang nakalabas ng kanilang silid at buong ingat na naglakad sa may hagdan na hindi gumawa ng kahit anumang ingay. Nang malapit na siya sa baba panay linga niya sa likuran niya at baka sumunod ang kan'yang asawa sa kan'ya. Nang masigurado niyang walang sumusunod sa kan'ya nagmamadali siyang nagtatakbo patungo sa pintuan kaso nang pihitin niya ito naka lock ang seradura at hindi niya alam kung nasaan ba ang susi nito. Naghanap siya ng ibang madaraanan ngunit naka lock rin ito. Hanggang sa bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya bumalik na lang siya sa silid nilang mag-asawa. Mabuti na lang tulog pa rin ito dahil kung hindi baka nga nasaktan na naman siya. Tumabi na siya rito at ipinikit ang mga mata. Lingid sa kaalaman niya kanina pa gising ito at pinakikiramdaman lamang siya nito. Hindi naman niya gustong pag buhatan ng kamay ang asawa. Pero, kung minsan talaga
Matapos niyang matanggap ang masamang balita hindi na siya nagbihis pa kung ano na lang ang suot niya umalis na agad siya at walang paalam sa asawa. Tuliro siya habang nagda drive patungo sa ospital kung saan na admit ang dad niya. Ang sabi ng mommy niya inatake ito sa puso kaya hindi makahinga at sinugod nila agad. Hindi pa niya alam kung anong lagay nito sa ngayon. Malayo layo pa siya at panay panay tunog ng cellphone niya. Hindi naman niya ito masagot at nagdadrive siya kaya hinayaan niya na lamang ito hanggang sa tumigil kung sino mang natawag sa kan'ya. Pagkarating niya sa ospital agad siyang nagpark at lumabas ng sasakyan hindi niya na nga nadampot ang kan'yang cellphone sa labis sa pagmamadali. Agad siyang pumasok sa loob at nagtanong sa information section kung nasaan nga ba ang room number ng kan'yang daddy. Napag alaman niyang nasa emergency room area pa ito. Nagmamadali siyang nagtungo kung saan ang sinasabi nilang emergency room. At doon niya naabutan ang kan'y
Matapos mailibing ng Daddy niya. Walan gana siya sa lahat ng bagay. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap lamang mamatay na ang Daddy niya. Hindi man lang sila nakapag usap bago ito namatay. Maraming tao na halos hindi naman niya kilala ang mga nakiramay sa pagdadalamhati nilang mag-ina. Pero, kung maraming nakiramay sa kanila kabaliktaran naman nito ng asawa niya. Nagalit pa ito sa pagtakas niya kaya naman pag uwi niya ng bahay isang malakas at nakayayanig na sampal ang ginawad nito sa kan'ya. Sinamaan niya ito ng tingin sabay sigaw na; "Wala kang karapatang saktan ako. Asawa lang kita sa papel at ngayong patay na ang Daddy ko. I will file a case against you. Tingnan ko lang kung hindi ka mabulok sa bilangguang matanda ka." Nakita niyang nagkulay putla ang mukha ng asawa niya. Halatang natakot ito sa banta niya pero, totoo naman kasi 'yon kaya niyang gawin 'yon lalo na't sumusobra na rin naman ito kakapanakit sa kan'ya. Hindi lang niya ugaling pumalag sapagkat may kasunduan si