Share

The Abandoned City Of Levaerûn
The Abandoned City Of Levaerûn
Author: @Maki_n_cheese

Chapter 1

last update Last Updated: 2021-08-04 23:05:56

In the City of Levaerûn, commonly known as the Free Land, where everyone can do whatever they desire. The city was full of generous and caring people. A city that is fair to everyone. They are unconcerned about your social standing, whether you are a commoner or a noble. Even if you are a beast or another creature, they will accept you with open arms.

But a strange thing happened, where the people of Levaerûn started to--

"Uy, Zem!" sigaw ni Alice sa mismong tenga ko na naging dahilan ng aking pagkagulat.

"A-Ano? Bakit mo 'ko sinigawan?" nagtatakang tanong ko matapos maka-recover sa pagkagulat.

"Duh~ kanina pa kita tinatawag, but you're not answering me. Binabasa mo lang pala ulit yang librong iniwan ng Mama mo sa'yo. Hindi ka ba nagsasawa kakabasa niyan? Paulit-ulit mo na kaya yan binabasa. Anyways, tara na! Ready na 'yung pagkain," sambit ni Alice bago lumabas sa kwarto ko.

Napailing na lang ako bago ilagay sa bookshelf ang libro. Hindi pa siya nasanay? I let out a heavy sighed as I remember the day she went missing.

+++++

"Anak, aalis lang si Mama. Dito ka lang, okay? H'wag kang magpapasok ng kung sino-sino, lalo na kung hindi natin kilala. Nasa lamesa na pala yung pagkain mo. Babalik din ako kaagad. I love you," sambit ni Mama bago ako hinalikan sa pisngi at saka umalis.

"I love you, too, Ma. Ingat ka po," inaantok na sambit ko.

Napatingin naman ako sa orasan para tignan kung anong oras na. 6:30 AM. Eh? Ang aga naman yatang umalis ni Mama? Saan naman ang punta niya ng ganitong kaaga? Tska day-off niya ngayon, ah? Baka mamamalengke lang?

Nagtataka man, ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon tska dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos mag-ayos ay dumiretso ako sa hapag-kainan.

Nakita ko naman do'n ang breakfast na niluto ni mama para sa'kin. Nagmamadali kong tinapos ang pagkain nang makitang malapit ng magsimula ang klase.

Lakad-takbo ang ginawa ko habang papunta sa school dahil medyo may kalayuan ang eskwelahan sa tinutuluyan naming apartment ni Mama. Nakarating naman ako sa school ng five minutes bago magsimula ang klase.

Hingal na hingal akong napaupo sa aking upuan nang makarating sa room namin. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang teacher namin at nagsimulang magklase.

WALA naman kaming masyadong ginawa ngayon kundi ang magdiscuss kumpara sa mga nagdaang araw na puro activities.

Mag-isa akong naglalakad ngayon pauwi sa apartment na tinutuluyan namin. Maagang natapos ang klase kaya maaga akong makakauwi. Habang naglalakad ay may nakasabay pa 'kong dalawang grupo ng estudyanteng maiingay, ang malas pa dahil napapagitnaan nila ako.

Masaya silang nagkukwentuhan sa harap ko tungkol sa mga bagay-bagay. Pansin ko rin ang kasiyahan sa mga mukha nila. Masaya ba talagang magkaroon ng kaibigan? Napabuntong-hininga na lang ako saka pinalis iyon sa isip ko.

Nang makarating sa bahay ay naabutan kong wala pa rin si Mama. Ang sabi niya babalik din siya kaagad? Hindi kaya traffic sa pinuntahan niya? Napakamot na lang ako sa ulo bago nagpatuloy sa kwarto para magbihis.

Nagsimula na akong magsaing at sunod  ipinasok ng mga tuyong damit na nilabahan kahapon tska iyon itinupi isa-isa. Pagkatapos no'n ay nagluto na rin ako ng uulamin namin dahil ala sais na ng gabi baka gutom na si Mama pagbalik.

Habang hinihintay siya ay ginawa ko muna ang mga homework na binigay sa amin. Isa't kalahating oras din ang ginugol ko sa pagsasagot dahil 7:30 na rin nang matapos ako.

Nasa'n na kaya si Mama? Kanina pa siya hindi sumasagot sa mga text at tawag ko. Napapakamot sa ulong sinimulan kong imisin ang pinagkainan ko. Nauna na 'kong kumain dahil hindi na nakayanan ng tiyan ko. Itinago ko naman muna ang natirang pagkain sa ref namin para may makain si mama pagdating.

Nang matapos maglipit ay dumiretso ako sa sala at binuksan ang tv. Manonood na lang muna siguro ako habang naghihintay kay Mama. Siguro natraffic yun or wala masyadong mahanap na masasakyan.

_________

*Kring! Kring! Kring!*

Malakas na tunog ng alarm clock ng cellphone ko na nagpagising sa'kin. Dali-dali ko naman itong pinatay bago tignan ang oras, 6:35 AM. Nakatulog pala ako kagabi habang naghihintay kay Mama.

Nanlaki ang mata ko nang maalalang iniintay ko nga pala siya kagabi. Nakauwi na kaya siya? Dali-dali naman akong bumangon at hinanap siya.

Una muna akong dumiretso sa kwarto para tignan kung natutulog pa ba siya dahil baka late na siyang nakarating kagabi. Pagkabukas ko ay maayos na kama ang bumungad sa'kin, tila walang taong natulog. Chineck ko rin ang banyo, pati na rin ang harap ng apartment namin dahil baka nakikipagkwentuhan lang siya sa mga halaman o sa mga kapit-bahay.

Tinignan ko pa ang ref kung nagalaw niya ba ang pagkaing tinira ko para sa kanya pero walang kahit anong nabawas, katulad pa rin siya kung kelan ko siya iniwan kagabi.

Ibig sabihin, hindi siya umuwi.

I immediately went to find my phone para tawagan ulit si mama, pero laking dismaya ko nang malamang nakapatay ang cellphone niya. I even texted tita Rosi, my mother's friend, asking if my mother went there, but she said na hindi raw.

Alam kong may pasok ngayon, pero paano ako makakapasok kung hindi umuwi si mama kagabi? I don't know what to do. Nagpapanic ako at hindi ako makapag-isip ng tama.

Hindi ako pumasok buong araw na 'yun kakahintay sa mama ko na  umuwi. Baka may nangyari lang kaya natagalan siya.

Ngunit isang linggo na yata ang lumipas na hindi siya nagpapakita o umuuwi. Isang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa school kakahintay na umuwi si mama sa bahay. Pero wala talaga, walang kahit anong text o tawag.

+++++

Ever since that day, I started to live on my own, at  maagang naghanap ng trabaho para meron akong ipambayad sa mga bayarin dito sa bahay. We don't have any relatives here na pwede kong matirahan.

Naghanap na rin ako ng roommate dito sa apartment para may kahati ako sa pagbabayad ng renta. Luckily, I found one, si Alice. Dalawa naman ang kwarto dito sa apartment, yung isa ay hindi nagagamit dati na ngayon ay kwarto na ni Alice.

Ako naman ay doon sa dati naming kwarto ni Mama. I also moved some of my mother's things sa isang box na nasa loob ng cabinet. The book and the necklace that she left that day are also in my care.

My mother always wear this necklace. Nagkataon namang naiwan niya dito sa bahay no'ng araw na nawala siya. I'm wearing the necklace now actually. 

Ang kakaiba lang sa kwintas na 'to ay 'yung moonstone na pendant nito. Para kasing may kung anong meron dito na hindi ko maipaliwanag. Napansin ko ngang medyo umilaw 'yung pendant nito nung unang suot ko pero 'di na siya umilaw ulit pagkatapos no'n. It actually looks pretty expensive kaya palagi itong nakatago sa loob ng damit ko kapag pumapasok ako.

"Zem, dito na 'ko. Sasabay ka bang maglunch sa'kin mamaya?" tanong ni Alice nang makarating kami sa tapat ng classroom niya.

She's also the same grade as me, pero mas matanda ako ng isang taon sa kaniya. She's 18 and I'm 19. Dapat talaga ay college na 'ko, pero tumigil ako dahil sa nga paghahanap ko noon kay Mama.

"Hindi ko sigurado. Ite-text na lang kita kapag sasabay ako," sagot ko.

"Oki! O'sya, papasok na 'ko. Andito na si Mrs. Ruiz."

"Ako rin, alis na 'ko, baka ando'n na rin si Sir Rios. I'll text you later if sasabay ako. Bye," paalam ko bago naglakad paalis. 

My rowdy classmates quieted down as soon as I walked into the room. Parang may dumaang anghel dahil sa biglaang pagtahimik nila. Is this another episode of 'Pranking Zemira'?

Actually, nag-eexpect ako na pagpasok ko pa lang ay may bubungad o babagsak na kaagad sa'king mga kung ano-ano. Just like what they always do whenever I enter the classroom. Himala ngang wala silang ginagawa ngayon e.

Hindi ko na lang sila binigyan ng pansin at dumiretso sa upuan ko. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang first subject teacher namin, at nagsimulang mag-klase. 

________

"Alright. That's all for today, class. Make sure to finish your given tasks before the deadline. I'll be waiting, okay? I'll see you tommorrow," saad ni sir Rios bago naunang maglakad palabas ng classroom. Ang iba naman ay nagsimula na ring magsilabas ng classroom para pumunta sa canteen.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng classroom. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko 'tska tinext si Alice na sasabay akong maglunch sa kaniya. Nagreply din naman siya kaagad na nasa canteen na raw siya.

Sakto namang pagpasok ko pa lang sa loob ng canteen ay si Alice na kaagad ang nabungaran ko. Malapit lang kasi siya sa entrance at mabilis makita dahil hindi pa naman gano'n kadami ang mga estudyanteng nandito sa canteen. Napansin ko rin katabi nitong babae.

Napakunot ang noo ko nang makitang umakbay si Alice sa katabi bago inilapot ng kaunti ang mukha nito na naging dahilan para mamula ang babae. What are they doing?

"Alice," sambit ko na nagpagulat dito. Nanlalaki ang matang dahan-dahan itong lumingon sa akin, gano'n din ang katabi nito.

"O-Oh, Zem, you're here na pala," nahihiyang wika nito nang makabawi sa pagkagulat.

"Oo, kanina pa," sagot ko bago umupo sa harap nila. Napaayos naman kaagad sila ng upo nang mapansing nakatitig ako sa kanilang dalawa.

"A-Ah.. Lov-- I mean, Alice, order lang ako ng pagkain natin," sabi ng kaninang kaakbay ni Alice bago nagmamadaling dumiretso sa bilihan ng pagkain.

"Girlfriend mo?" tanong ko kaagad nang makalayo na ang babae. Nagsimula namang maglikot ang mga mata nito, sinusubukang iwasan ang mga tingin ko.

"Why am I asking when it is so obvious though?" I mumbled to myself. "Since when?" I asked.

"Ahm.. since junior high? Her name is Fiore, by the way," sagot nito. "Please, don't tell to my parents," biglaang paki-usap nito bago hinablot ang kamay ko.

Nawiwirduhan ko naman itong tinignan. "Paano at bakit ko naman sasabihin sa magulang mo e, hindi naman kami close no'n? Hindi ko pa rin naman nakikita parents mo. Tska hindi ko rin naman sasabihin kung sakali man," I assured.

Tila nakahinga naman ito ng maluwag bago binitawan ang kamay ko. "Hoo.. Thanks. Anyways, are you okay with this? You know, me, having a relationship with a girl?" she asked nerviously.

"Of course, I'm okay with that. There's nothing wrong with a person who's having a relationship with the same gender. You love and care for each other, so who I am to interfere?" I said.

"Really? You're okay with that? Thank god, I thought you are just like the others who would give me a disgusting look once you found out," she said, on the verge of crying. 

Sakto namang pagtanggal ng yakap niya ay ang pagdating babaeng katabi niya kanina. May bitbit itong tray ng pagkain at inumin. Isa-isa niya iyong ibinaba sa lamesa.

Nagulat pa 'ko nang inilagay nito sa tapat ko ang isang plato ng rice meal at isang canned strawberry juice. Hindi na lang ako nagsabi ng kung ano-ano at nagpasalamat sa kaniya.

________

Masaya naming natapos ang lunch nang biglang tumunog ang relo ko. Napatingin naman ako dito at nakitang 10 minutes na lang bago magsimula ang afternoon class namin.

"Shit. I need to go, guys. Malapit na 'kong ma-late. I'll see you guys next time. Anyway, thank you for the food, Fiore," I said, before running so fast papunta sa building namin. May kalayuan kasi ito sa canteen dahil medyo dulo pa ng school ang building na 'yun.

Nang makapasok sa loob ng building ay patakbo rin akong umakyat ng hagdan. Malapit na ako sa third floor nang biglang may sumulpot sa harap kong isang estudyente na naging dahilan para magdire-diretso ako  pababa sa hagdan.

"Ah! Ouch! Aray!" I howled in pain, habang nagdidire-diretso pababa sa hagdan. Nakita ko namang na nagmamadaling bumaba ang nakabangga ko papunta sa akin.

"Oh my god! Are you okay? I'm so sorry! I-I'll bring to the clinic!" dinig ko pang sigaw nito bago ako dahan-dahang inakay papuntang clinic.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ailleah Arañas
Fav.update po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 2

    "Are you okay, Miss Rivera? Do you feel any pain maliban sa likuran mo? How about dizziness? Headaches?" sunod-sunod na tanong ni Nurse Iryn. "Wala na naman po. 'Yun lang po talaga tska 'yung ilang gasgas na nakuha ko kanina," I answered. "Alright. Stay here for a while and take a rest, okay? H'wag ka rin masyadong magligalig dahil baka lumala ang bali mo, understood?" paalala ni Nurse Iryn bago bumalik sa table niya. Napalingon naman ako sa estudyanteng nakatungo habang nakaupo sa upuan sa tabi ko. "Miss?" bigla naman itong nag-angat ng tingin nang marinig akong magsalita."Ah... Hello, salamat sa pagdadala sa'kin dito. Sorry rin dahil sa nangyari kanina, sa sobrang pagmamadali ko hindi kita napansin." I shyly said while scratching the back of my neck with my free hand. "Ah... No, I should be th

    Last Updated : 2021-08-04
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 3

    "Don't touch them," babala ng tao na nasa likuran ko na nagpatalon sa'kin sa gulat. "Oh my gosh!" I exclaimed. "Who.. w-who are you?" tanong ko nang makabawi sa pagkagulat. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil masyadong madilim at nakasuot din siya ng kulay brown na hooded cloak. Pero alam kong lalaki ang nasa harapan ko ngayon. "I'm the one who should ask you that question. What is your name? I'm quite sure you're not from around here," the person in front of me asked. "Are you a spy? An enemy?" he added. "What the hell are you talking abo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla ako nitong tutukan ng espada sa leeg. Napalunok na lang nang maramdaman ko ang malamig na dulo ng espada sa leeg ko. "I'm asking you a question. Who are you? An

    Last Updated : 2021-08-04
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 4

    "Hey, Zemira, wake up. We need to go now,"paggising sa'kin ng kung sino. "Hmm... 5 minutes, Alice,"ungot ko. "Huh? Alice? I'm sorry, but we really need to go,"dinig kong sambit ulit ng kung sino. Splash! "Oh my god!"Napabangon ako ng wala sa oras nang bigla akong buhusan ng kung sino ng tubig sa mukha. Nilingon ko ang nagbuhos sa'kin ng tubig at napagtantong si Reina pala ito. Naka-peace sign pa ito nang lingunin ko habang may alanganing ngiti sa labi. "Sorry. Ayaw mo kasing gumising, eh. Iniintay na tayo nila Zea sa labas 'tska we need to go bago pa magising 'yung mg

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 5

    "Ahh! What the hell!?" Nagugulat na sigaw ko kasabay ng paghagis sa taong 'yon ng isang buong sibuyas na babalatan ko palang sana. "Ouch!"dinig kong daing nito nang matamaan siya sa mukha."Why did you do that?"tanong niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nga natatakpan ito ng kamay niya. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"tanong ko habang nakatutok sa kaniya ang hawak kong kutsilyo. "N-Nakabukas kaya 'yung pinto!"sigaw nito habang nakahawak sa mukha niyang natamaan ng sibuyas."Tska kilala rin ako ng may-ari nito 'no! Kaya pwede akong pumasok dito!"dagdag pa nito.

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 6

    "Tara do'n, Zemira!"Paghila sa'kin ni Amadrya sa isang stall na nagtitinda ng mga skewers. "Tatlo nga po nito." Turo nito sa kakaluto lang na beef skewers. Inabot naman sa kaniya ng tindero ang napili saka ito binayaran. "Tikman mo, Zemi, masarap 'yan!"sambit niya bago inabot sa'kin ang isang stick. Nagpasalamat naman ako sa kaniya nang makuha ito. I took a small bite, and my eyes twinkled because of how juicy and savory the meat is. Mabilis ko naman itong naubos bago tumingin sa kumakain na si Amadrya. Napalingon naman ito sa'kin habang ngumunguya ng skewers na binili niya. Napansin niya yatang nakatitig ako sa hawak niya kaya mahina siyang natawa."H

    Last Updated : 2021-08-12
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 7

    Daphne What did the hell happen? Did she run all the way here while carrying her in her arms? And... Why is Zemira unconscious? "H-Help, h-help me!"Dali-dali naman kaming lumapit sa kaniya nang humingi ito ng tulong habang humahagulgol na parang bata. "What happened? Why is Zemira unconscious? Bakit ang dami niyang gasgas? And you, why is there a bloodstain on your dress?"sunod-sunod na tanong ni Haizea. "Hey, stop asking her questions. Bring Zemira in her bedroom, Amadrya. We need to check her first, she looks so pale,"utos ni Reina kay Amadrya na kaagad naman nitong sinunod. Sumun

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 8

    Zemira "Zemira..."nakakakilabot na bulong sa akin ng kung sino. I slowly opened my eyes and saw myself in the middle of the dark street. Where am I? Inilibot ko ang aking paningin sa lugar, naglakad-lakad ako saglit at nakarating sa tahimik na plaza. Puro mga pasira nang tindahan at walang kahit anong tao akong nakikita. It's so quiet, tanging tunog lang ng malakas na hampas ng hangin at mga pagulong-gulong na bagay ang naririnig ko. "Zemira..."nakakakilabot muling sambit ng isang boses sa pangalan ko. Lumingon-lingon naman ako sa paligid ngunit wala ni isang tao akong nakita. Lumapit ako sa isang lamp post na patay-bukas ba

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 9

    "Zemira!" Nagulat ako nang patakbo ako nitong niyakap habang humahagulgol. Oh, my, I made her cry again."Ah, eh, s-stop crying."Dahan-dahan ko namang hinagod ang buhok nito pababa.Lalo pa kong nataranta nang mas lumakas ang hagulgol nito. Now, she's crying like a child na ayaw mahiwalay sa magulang. Dinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawa dahil sa sitwasyon ko."I'm sorry... It's my fault—"Pinutol ko naman kaagad ang dapat na sasabihin nito."It's not your fault, okay? So, stop crying."Ilang minuto pa ay tumigil na ito sa pag-iyak at kumalas sa pagkakayakap sa akin. I can't help but laugh h

    Last Updated : 2021-10-24

Latest chapter

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 29

    Zemira Allyson"Zemira..."Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko nang marinig ang malamyos na boses na 'yon ngunit, kaagad ding napapikit nang masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa kung saan. "You must be Zemira." Napalingon ako sa aking gilid nang marinig muli ang malamyos na boses na 'yon. Medyo nakapikit pa 'ko dahil sa sobrang liwanag kaya hindi ko siya masyadong maaninag. Sino siya?"Sino ka?" tanong ko rito. She just gave me a small smile and turned her back on me. She motioned me to follow her which I did. Nanatili akong nakasunod sa kaniya habang palingon-lingon sa paligid namin. Hindj ko rin siya maiwasang sulyap-sulyapan dahil nahihiwagahan ako kung sino ba ang taong nasa harap ko. I realized that we are currently in a field filled with different and colorful flowers. Sumasabay ang mga ito sa agos ng hangin, pati na rin ang matataas na damo. Mayroon ding mga paru-paro at ibang insektong lumilipad sa p

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 28

    Zemira Allyson"How's Avyanna?" tanong kaagad ni Haizea nang makapasok sa dorm namin. I called them after I cleaned Avyanna. Hindi ko tuloy maiwasang mamula nang maalala ang nangyari kanina. Why did I did that? Why did I kissed her? How stupid of me. "Zemira? Hey?" ani Haizea na nagpabalik sa akin sa sarili. "O-Oh, sorry. Avy is now fine, Zea. She just needs to rest dahil wala yata siyang tulog at pahinga. Bigla na lang kasi siyang nahimatay kanina nang makapasok kami rito sa dorm," kwento ko sa kaniya. "Thanks, God. Thank you for taking care of her," ani Haizea bago sumilip sa kwarto ni Avy. Hindi siya pumasok at binuksan lang kaunti ang pinto ni Avy at sumilip dito. "How's your investigation, by the way? May nakuha ba kayo?" I asked as soon as we sat on the couch. "Yeah, and Damon is already reporting it to the headmaster since siya ang nakakita at wala pang malay si Avy. Anyway, I called Reina to come here. Did you saw Avy's wound earlier?" she asked. I nodded at her. "Yeah,

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 27

    Avyanna Louella"I'm so exhausted. I want to slee—" "Avyanna!!!" Natigil ako sa dapat na sasabihin ko nang marinig ang malakas na boses ng taong ilang araw ko na ring hindi nakikita. Oh, gods and goddesses, I missed her voice so much.Parang nawala ang antok na iniinda ko kanina pa dahil sa boses niya. What the hell is wrong with me? Humarap ako sa pwesto niya at nakita siyang tumatakbo papalapit sa amin nila Callie kasama si Amadrya. Parehong may pag-aalalang nakapaskil sa mga mukha nila. They are worrying about us. "Zemira, how are you? It's so nice to see you agai—Ack!" Naputol na naman ang sasabihin ko at nanlaki ang mata sa sobrang gulat nang dambahin niya 'ko ng yakap. Para bang ilang taon kaming nagkita dahil sa pagkakayap niya ng mahigpit sa akin. "Hey, how are you, Zemira? Ayos ka lang ba rito?" I asked to her, but I didn't heard any response from her. I titled my head to her side to see her face, but she suddenly hid it on my shoulder. Maya-maya pa ay naririnig ko na ang

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 26

    Avyanna Louella"Oh, my gosh," ani Helen nang maibaba ang walang malay at bugbog-sarado na si John sa lupa. Anong meron?Naglakad ako papalapit rito at napasinghap din nang makita ang bali na kaliwang braso ni John. Para itong lantang gulay sa itsura. Nangingitim na rin ito. Shit. Who did these things to them? "Reina!" I yelled her name.Napalingon naman ito sa akin at napatingin kay John na nakahiga sa lupa. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya kaya dali-dali itong lumapit sa pwesto namin. She sat beside me and started to check John. Pinisil niya ang pulsuhan nito sa kanang braso at saka pinakiramdaman din ang pulso niya sa may bandang leeg nito. I saw her sighed in relief, but her expression immediately changed when her eyes went to John's left arm."This is a problem, we need to go back to the academy. We need Doc Veron, and I can't heal his left arm. Sobrang bali na 'to at mukhang kailangan nang tanggalin bago pa magkaroon ng inpeksyon," paliwanag niya. "Is that so? Then, we'l

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 25

    Zemira Allyson "Zemira!!!" "What!?" I yelled back to Amadrya. "I have some news!" she said. "About what!?" I asked. "About Avy and the others!" she said. Napatigil ako. What is it? About kila Avy? What happened to them?_____Avyanna Louella"What did you found out on the other side of the city?" I asked Damon, who's sitting in front of me while petting the simurgh pup's head. Kararating lang nila mula sa kabilang side ng Levaerûn. Mukhang mayroon silang natagpuan do'n, pero hindi pa rin niya sinasabi sa akin hanggang ngayon. "When are you planning to tell me about what you guys found out on the left side of the town, Damon?" I asked, looking so pissed. "Later," he just said. I rolled my eyes at him. Seriously, mula nang makarating sila rito hindi na nila tinatanan si Allyson. Yes, I named the simurgh pup after Zemira. She's a female, so I guess it's fine.

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 24

    ZemiraMy eyes widened in shock when the water started to float on top of the sink. Itinaas ko ang kamay ko at sumunod naman ang lumulutang na tubig doon. I glanced at Miss Selene, who's just standing beside me and watching. Her eyes were also wide open, while her mouth was a little parted. She's also shocked as I am.Oh. My. Freaking. Gosh."Wow," I heard Miss Selene mumbled.Napabalik ang tingin ko sa lumulutang na tubig sa harapan ko. Nagsimula kong igalaw ang kamay ko at sumunod naman ang tubig doon. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti.I even tried to make a fish out of water but I failed. Bigla na lang kasi itong nalaglag at nawala."Let's go back inside, Miss Rivera," sambit ni Miss Selene.I nodded at her and followed her inside her office. Naupo ulit ako sa mahabang couch habang siya naman, ay doon ulit naupo sa one-seater na couch, kaharap ko.Walang nagsasalita ni isa

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 23

    AvyannaWhat the... Sinundan niya ba 'ko rito? This cute little creature beside me... followed me?"What the hell!?""Oh, my gosh!""Ang cool ng pakpak niya!""Ang colorful! Parang rainbow!""Woah! Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang creature! Ang cute!"Sunod-sunod na komento ng mga kasama ko. Napatingin naman ako kay Haizea na katabi si Cadmus. Nanlalaki at namamangha ang mata nakatingin ito sa amin. Pansin ko rin ang pagningning ng mga mata niya. What's wrong with this woman?"Isn't that a simurgh pup!? Oh, my god! They still exist!?" sigaw ni Haizea, dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ng mga kasama namin.Napatigil naman silang lahat nang ma-realized ang sinabi ni Haizea. They all slowly looked at our direction with wide eyes and opened mouth. "A simurgh!?" they said in unison.Napabuntong hininga ako at natawa ng mahina. I nodded at them and glanced at the l

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 22

    AvyannaAfter our fight with a group of beasts and cyclopes inside the forest, we finally made it in front of the gates of Levaerûn. The city that was once inhabited by a group of generous and kind people. The city that was once known for being so lively and vibrant. The only city that accepts you completely, even if you are a witch, a normal human, a hideous creature or a beast. And the city that gives you the freedom to do whatever you want.I glanced at Damon and the others, who are also look so shocked while looking at the abandoned city. Every one of us never came here after it got abandoned or after the people that lives here disappeared one by one. Simply because we are not allowed to and it's dangerous, especially now that there's a rumor in the Hevadale that there are some monsters that is inhabiting this city."Should we go inside?" one of the Imperial army said. I can feel that he's also terrified just like the others.

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 21

    Avyanna"Shit!" sambit ko nang bigla akong hampasin ng cyclope gamit ang dambuhalang kamay nito.Napakagat na lamang ako sa labi nang tumama ang likuran ko sa malapit na puno. Ouch. That hurts! Pakiramdam ko ay nabali ang buto ko sa likuran."You're gonna give up, Avyanna?" Damon sneered."Ha! Who told you that I'm going to give up? Are you out of your mind, Damon? I won't lose to you. Never," I said.Hindi ko na pinansin ang muling pagkirot ng sugat ko sa braso at ang sumasakit kong likuran na tumama sa puno. Ipinagdikit ko ulit ang ang diamond sword ko at mabilis na inatake ang cyclope.I slashed his hands and then went to his eyes, after. I pierced my sword through his eyes that made him roared in pain. He screams so loudly and it's annoying. I hate noisy things!Inilagay ko ang bigat ko sa hawak kong espada at ipinadausdos ito p

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status