Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2021-08-08 19:46:50

"Hey, Zemira, wake up. We need to go now," paggising sa'kin ng kung sino.

"Hmm... 5 minutes, Alice," ungot ko.

"Huh? Alice? I'm sorry, but we really need to go," dinig kong sambit ulit ng kung sino.

Splash!

"Oh my god!" Napabangon ako ng wala sa oras nang bigla akong buhusan ng kung sino ng tubig sa mukha. Nilingon ko ang nagbuhos sa'kin ng tubig at napagtantong si Reina pala ito. Naka-peace sign pa ito nang lingunin ko habang may alanganing ngiti sa labi.

"Sorry. Ayaw mo kasing gumising, eh. Iniintay na tayo nila Zea sa labas 'tska we need to go bago pa magising 'yung mga estudyante, " pagrarason niya.

"Oh... I'm sorry! Give me a second, I'll go get ready," sambit ko bago nagmamadaling dumiretso sa CR para mag-ayos ng sarili. Gosh! Why did I forget that I'm not in my own world?

"Here, use this," abot sa'kin ni Reina ng isang damit nang makalabas ako sa CR. Dali-dali ko itong kinuha bago bumalik ulit sa CR at doon nagpalit ng damit. Nang matapos ay nagmamadali ko ring isinuot ang sapatos na binigay niya kanina kasama ng damit.

"M-My bag... where's my bag?" I asked. Binigay naman kaagad sa'kin nito ang dala kong backpack na dali-dali ko ring isinuot. "Alright! Let's go!" I said.

"Alright, follow me. We're going to the Girl's Dorm, doon kasi naghihintay sila Zea at doon din tayo dadaan. Hindi p'wedeng sa front gate dahil may nakabantay na centaurs at baka makita rin tayo ng Headmaster. You see, you are not allowed to come inside the academy if you're not a student here or you didn't have permission from the Headmaster," pagpapaliwanag ni Reina habang naglalakad kami sa tagong parte papunta sa Girl's Dorm.

"Really? Istrikto pala school niy—Wait, what? Centaurs? You have that here? Can I see them?" I asked excitedly.

"Sorry but no, you can't," she answered and gave me an apologetic smile.

"Hmm... Is that so?" nanlulumong bulong ko sa sarili na narinig din naman ng katabi ko.

"Yes, because we're in the middle of getting you out of here. Maybe next time," she replied.

Hindi ko naman maiwasang mapingiti ng sobrang laki dahil sa sobrang tuwa at excitement. Seeing an actual Centaurs is like a dream come true. I wonder if there are other mythical creatures na nag-eexist dito like, unicorns?

"We're here," anunsyo ni Reina na nagpabalik sa'kin sa katinuan. Wew. Sa sobrang focus ko sa mga unicorns, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa likod ng dorm nila.

"You guys are finally here! Akala ko aabutin pa kayo ng siyam-siyam, eh," dinig kong sambit ni Callie.

"Sorry, napahimbing lang ng tulog. Hehe," paghingi ko ng paumanhin.

"Let's go. Lead us to your house, Zea," utos ni Avyanna na tinanguan naman nito. Itinutok ni Haizea ang palad sa malaking pader na nasa harapan namin. Nagtataka man sa ginagawa niya ay hindi na 'ko nagtanong.

Hindi makapaniwalang pinanood ko kung paano nito nilagyan ng butas ang pader. Ilang beses ko pang kinusot-kusot ang mata ko para alamin kung totoo ba o hindi ang nasaksihan ko. Sinampal ko rin ang sarili ko ng dalawang beses nang hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili kung totoo nga ang nasaksihan ko kanina.

'What the hell? Is this really for real?' I asked to myself. She... She has powers!? Are you freaking kidding me!?

"Hey, Zemira? Are you okay? You look pale," tanong ng katabi kong si Reina. Nanlalaki ang matang nilingon ko ito, hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan.

"O-Oh, I-I'm fine. Don't worry about me," I said, and smiled at her.

Naunang tumawid si Avyanna bago ito sumenyas na tumawid na rin kami, na sunod-sunod naman naming ginawa. Isang madilim na gubat ang bumungad sa amin nang makatawid sa kabilang bahagi ng pader. Hindi ko naman maiwasang matakot na baka bigla na lang may umatake sa'ming kung ano dito.

"Don't worry, it's safe to pass through here. Walang kahit anong wild beast dito sa Forest of the Nymphs dahil malayo ito sa Forbidden forest na sakop ng abandoned city," paliwanag ni Callie na siyang katabi ko na pala nang mapansin ang pagiging uncomfortable ko.

"Are you sure?" I asked.

"Yes, Dryads at Hamadryads lang ang meron dito," she replied. Binigyan ko naman siya ng isang nagtatanong na tingin.

"Oh, Dryads and Hamadryads are tree nymphs who are living here and taking care of this forest. You see, the Forbidden forest was actually their original home, but something happened that led them to this forest. You're gonna see them later, they're a little bit shy though," she explained. Seriously, this world never failed to surprise me!

"Hello? Daphne?" dinig kong tawag ni Haizea sa isang pangalan.

"Who's Daphne?" I whispered to Callie who's right beside me.

"The one who's living inside that tree. She's one of them," she answered and pointed her index finger at the laurel tree in front of Zea.

"W-Wha—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may lumabas na mukha sa punong iyon. What in the world...?

"What do you want? I'm having a beauty rest, you know," medyo masungit na sambit nito kay Zea.

"We're going to my house. How is my house? Are you taking care of it well?" Zea asked.

"Duh~ of course!" Daphne answered.

"Are you sure? Then, lead us there," Hauzea ordered.

"Argh! Seriously, Haizea?" reklamo nito bago lumabas sa punong iyon. I was amazed and shocked at the same time when she came out of the tree, wearing nothing. Bale 'yung mahabang buhok lang niya ang tumatakip sa mga maseselang parte ng katawan niya. She has a nice body though.

"My god! Alam naming maganda ang katawan mo, but can you please wear some clothes kapag lumalabas ka? Buti na lang hindi namin kasama 'yung mga lalaki ngayon!" dinig kong reklamo ng katabi kong si Callie habang nakaiwas ang tingin kay Daphne na wala pa ring saplot na kahit ano sa katawan.

"Are you somehow jealous because you know, my chest is much bigger...than yours?" pang-aasar nito kay Callie, sinulyapan niya pa ang parteng dibdib ng katabi ko bago sambitin ang huling salita.

Tinignan naman siya ni Callie ng masama. "Bakit naman ako maiinggit? Ang laking advantage rin kaya ng pagiging flat, hindi hassle kapag tumatakbo! Tusukin ko 'yan ng karayom, eh!" naiinis na sagot nito sa kaharap na tinawanan lang siya ng nakakaasar kaya mas lalong nag-init ang ulo niya.

"Callie, stop fighting with her kailangan na nating dalhin si Zemira sa bahay ni Zea. And you, Daphne, stop teasing her and lead us to Haizea's house," suway ni Avyanna sa dalawa.

"Who's Zemira?" tanong ni Daphne kay Avyanna. Nakasuot na ito ngayon ng kulay berdeng chiton pero kita pa rin ng kaunti ang side boobs niya.

"This is Zemira, our new friend. She's so gorgeous, right? Much gorgeous than you," pagpapakilala sa'kin ni Callie na may kasamang pang-aasar kay Daphne.

"Hi, Zemira! I'm Daphne, and yeah, you're much gorgeous than me but still, my chest is much bigger than yours," pagpapakilala nito sa sarili na may kasama ring pang-aasar sa'kin. I unconsciously looked at my chest—I'm a cup C, while Daphne's a cup F, so yeah, her chest was much bigger than mine.

"Anyways, let's go! I'll lead you guys to Haizea's house, so follow me," she said. Naglakad kami ng kaunti at tumigil sa tapat ng isang malaking puno ng... balete?

This is Haizea's house? But I don't see any house though. Tumingin ako sa taas ng puno dahil baka tree house pala ang bahay ni Haizea, lumingon-lingon pa ko sa ibang bahagi ng puno pero wala talagang kahit anong bahay akong nakikita.

Bumalik naman ang atensyon ko sa puno nang unti-unting naghiwalay ang mga sanga at nahati sa gitna. My mouth unconsciously formed an 'o' because of amazement. I glanced at Daphne in awe, how can she do that?

"Tara na, Zemira. Don't worry, pagdaan natin dito bahay na kaagad ni Zea bubungad sa'tin," sambit ni Reina na ngayon ay kasabay ko nang maglakad papasok sa loob ng puno. Kasabayan naman ngayon ni Callie sina Avyanna. Nang makatawid kami ay siya ring pagsara ng dinaanan namin.

"And we're here! See? I told you, I took care of your house so well," dinig kong pagmamalaki ni Daphne kay Haizea. Hindi ko naman maiwasang mamangha sa itsura ng bahay ni Haizea.

"Wow. This is Haizea's house?" I asked Reina who's just right beside me.

"Yes," maikling sagot nito.

Haizea's house is a two-storey log house with a big window sa kaliwang side ng bahay na katapat lang ng isang maliit na pond. Sa kabilang banda naman ng bahay ay mayroong nakapaikot na mga kahoy na upuan, habang sa gitna nito ay may pabilog na fireplace. Ang dami ring nakapalibot na puno that makes the place so relaxing.

Haizea motioned us to follow her inside the house that we gladly did. And I am more amazed at how beautiful the rustic interior is. I love how it looks so natural and casual, and the atmosphere here is just so relaxing.

"Let's go upstairs. I'm going to show you your room that you will use while staying here," Haizea said. I nodded at her and followed her upstairs.

"Yung mga pinto sa kaliwa, kwarto 'yan nila Scottie. Ito namang mga pinto sa kanan 'yung kwarto naming mga babae. Don't worry, every room has a name na nakapaskil sa labas ng pinto para hindi ka malito," pagpapaliwanag nito habang naglalakad kami sa hallway dito sa taas.

"And here's the room where you will be staying for the meantime," sambit niya nang makarating kami sa tapat ng isang pinto na nasa dulo ng hallway. 

Haizea opened the door, and the first thing that caught my attention was the deer's head na nakasabit sa may pader kung saan nakapwesto ang kama. It looks so real. Ipinakita rin niya sa'kin ang may kalakihang bathroom. Syempre namangha ulit ako kasi may bath tub akong nakita.

__________

"May mga foods na naka-stock sa kitchen na pwede mong kainin. Don't worry, safe ka naman dito. Daphne will visit you from time to time. Oh, and you can do whatever you want here,paalala ni Haizea habang pababa kami ng hagdan.

"Are you done?" tanong ni Reina na kakalabas lang ng kitchen habang may hawak na sandwich.

"Yeah, where's the others?" tanong ng katabi ko.

"In the kitchen—they're eating. Gutom na raw sila," sagot naman ni Reina bago dumiretso papunta sa living room.

Kami namang dalawa ay pumunta sa kitchen at tama nga si Reina, kumakain ang tatlo. Nakaupo silang tatlo sa isang high stool chair habang kumakain din ng tinapay. Nakita ko pang nag-aagawan sina Callie at Daphne sa natirang iisang tinapay na si Avyanna rin naman ang kumain.

"Inuubos niyo ang pagkain ni Zemira," sambit ni Haizea kaya napalingon sa direksyon namin ang tatlo.

"Luh! Si Daphne kaya naunang kumuha ng pagkain dito! Inalok niya kami kaya nakikain na rin kami," pagbibintang ni Callie sa kaaway. 

"What did you just said? Why are you putting all the blame on me? Ikaw kaya 'yung nagyakag sa'min dito na kumain!" naiinis na sigaw ni Daphne kay Callie.

"Kwento mo sa boobs mong malaki," sagot ni Callie sa kaaway bago ito inirapan. Nagtuloy-tuloy pa sila sa pagsisisihan nang pumagitna na si Haizea.

"Stop fighting, you two. We need to go, baka hinahanap na tayo. Daphne, visit her from time to time, okay? Para naman hindi siya mabored dito," bilin nito kay Daphne na sinagot naman niya ng tango.

"Zemira, you'll be fine here, right? We'll try to visit you here the day after tomorrow," Avyanna asked.

Nginitian ko naman ito bago tumango. "Yes, thank you so much for letting me stay here," pagpapasalamat ko.

"Bye, bye! I'll see you the day after tomorrow!" sigaw ni Callie habang papasok sila sa punong pinasukan namin kanina. I smiled and waved at her, saying goodbye.

Nang tuluyan na silang makaalis ay siyang pagkawala ng ngiti ko sa labi. I'm alone again. Malalim akong napabuntong hininga bago pumasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok ay inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at napahinga ulit ng malalim. There's no one else here other than me, and it's kinda boring. What should I do to ease my boredom?

Habang nag-iisip kung ano ang p'wedeng gawin ay siya namang pagkalam ng sikmura ko. "Hindi nga pala 'ko nakapag-almusal kanina dahil sa pagmamadali," bulong ko sa sarili bago dumiretso sa kusina.

Nalaglag naman ang panga ko nang buksan ang isa sa mga sa cupboards sa kusina na punong-puno ng pagkain. Binuksan ko rin ang iba, pati 'yung ref at pare-parehong puno ang mga ito ng pagkain. They seem to stay more often than I expected.

Inilabas ko na ang mga ingredients na kailangan ko para sa lulutuin. I'm relieved na kahit papaano ay meron at kumpleto sila sa gamit dito.

I was busy chopping some onions for the pork steak that I'm cooking when someone suddenly spoke behind me.

"Wow. Smells good! What are you cooking?"

Related chapters

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 5

    "Ahh! What the hell!?" Nagugulat na sigaw ko kasabay ng paghagis sa taong 'yon ng isang buong sibuyas na babalatan ko palang sana. "Ouch!"dinig kong daing nito nang matamaan siya sa mukha."Why did you do that?"tanong niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nga natatakpan ito ng kamay niya. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"tanong ko habang nakatutok sa kaniya ang hawak kong kutsilyo. "N-Nakabukas kaya 'yung pinto!"sigaw nito habang nakahawak sa mukha niyang natamaan ng sibuyas."Tska kilala rin ako ng may-ari nito 'no! Kaya pwede akong pumasok dito!"dagdag pa nito.

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 6

    "Tara do'n, Zemira!"Paghila sa'kin ni Amadrya sa isang stall na nagtitinda ng mga skewers. "Tatlo nga po nito." Turo nito sa kakaluto lang na beef skewers. Inabot naman sa kaniya ng tindero ang napili saka ito binayaran. "Tikman mo, Zemi, masarap 'yan!"sambit niya bago inabot sa'kin ang isang stick. Nagpasalamat naman ako sa kaniya nang makuha ito. I took a small bite, and my eyes twinkled because of how juicy and savory the meat is. Mabilis ko naman itong naubos bago tumingin sa kumakain na si Amadrya. Napalingon naman ito sa'kin habang ngumunguya ng skewers na binili niya. Napansin niya yatang nakatitig ako sa hawak niya kaya mahina siyang natawa."H

    Last Updated : 2021-08-12
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 7

    Daphne What did the hell happen? Did she run all the way here while carrying her in her arms? And... Why is Zemira unconscious? "H-Help, h-help me!"Dali-dali naman kaming lumapit sa kaniya nang humingi ito ng tulong habang humahagulgol na parang bata. "What happened? Why is Zemira unconscious? Bakit ang dami niyang gasgas? And you, why is there a bloodstain on your dress?"sunod-sunod na tanong ni Haizea. "Hey, stop asking her questions. Bring Zemira in her bedroom, Amadrya. We need to check her first, she looks so pale,"utos ni Reina kay Amadrya na kaagad naman nitong sinunod. Sumun

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 8

    Zemira "Zemira..."nakakakilabot na bulong sa akin ng kung sino. I slowly opened my eyes and saw myself in the middle of the dark street. Where am I? Inilibot ko ang aking paningin sa lugar, naglakad-lakad ako saglit at nakarating sa tahimik na plaza. Puro mga pasira nang tindahan at walang kahit anong tao akong nakikita. It's so quiet, tanging tunog lang ng malakas na hampas ng hangin at mga pagulong-gulong na bagay ang naririnig ko. "Zemira..."nakakakilabot muling sambit ng isang boses sa pangalan ko. Lumingon-lingon naman ako sa paligid ngunit wala ni isang tao akong nakita. Lumapit ako sa isang lamp post na patay-bukas ba

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 9

    "Zemira!" Nagulat ako nang patakbo ako nitong niyakap habang humahagulgol. Oh, my, I made her cry again."Ah, eh, s-stop crying."Dahan-dahan ko namang hinagod ang buhok nito pababa.Lalo pa kong nataranta nang mas lumakas ang hagulgol nito. Now, she's crying like a child na ayaw mahiwalay sa magulang. Dinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawa dahil sa sitwasyon ko."I'm sorry... It's my fault—"Pinutol ko naman kaagad ang dapat na sasabihin nito."It's not your fault, okay? So, stop crying."Ilang minuto pa ay tumigil na ito sa pag-iyak at kumalas sa pagkakayakap sa akin. I can't help but laugh h

    Last Updated : 2021-10-24
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 10

    Zemira "Scottie is in the house! Pila na lang po sa gusto ng aking pasalubong!" Gulat kaming napatingin sa taong sumigaw. "Me! I want!" Sunod naman kaming napatingin kay Amadrya na tumakbo papalapit kay Scottie. "Oh, Amadrya, nakabalik ka na pala! Long time no see," sambit sa kaniya ni Scott nang makalapit. "So that nymph is finally here, huh?" ani ng isang lalaki bago pabirong ipinulupot ang braso sa leeg ni Amadrya. He looks exactly like Callie, I think she's her twin. What is his name again? Callum? Camus? Car-Oh, Cadmus! Yeah, that's his name, I guess. "Hi, I bought a strawberry tart. Do you guys want some?" Nabaling ang atensyon namin kay Avyanna at Haizea na nasa harapan na pala namin. May bitbit silang pareho na box na ipinat

    Last Updated : 2021-10-27
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 11

    Zemira "Are you done, Zemira?" tanong sa akin ng kakapasok lang na si Avyanna. Katatapos lang namin magbreakfast, and I'm currently busy packing my clothes. I should have done it last night, but I was too lazy. Kakaunti lang naman ang balak kong dalhin, 'yong mga damit lang na nagamit ko na. Sinabi rin naman nila dalhin ko na raw 'yon dahil wala raw akong maisusuot pang-araw-araw. "I'm almost done," I said. Kinuha ko naman ang isang pouch ko at binuksan 'yon. Hinubad ko ang suot-suot kong kwintas at saka iyon inilagay sa loob ng pouch. Mahirap na, baka biglang mawala. Ito na lang ang natirang ala-ala ni Mama sa akin. Matapos mailagay ang kwintas ay isinuksok ko na ito sa pinakailalim ng bag ko. "And... I'm done!" ani ko nang maisara ang bagpack at masiguradong wala na ak

    Last Updated : 2021-10-30
  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 12

    Zemira "W-Wait, Avy!" I said when we finally got out of the building. "Why?" she asked before letting go of my hand that she was holding earlier when she pulled me out of the building. "Naiwan kasi natin sina Haizea at Amadrya sa loob," sagot ko sa kaniya. Humarap ito sa building na nilabasan namin bago ipinag-krus ang mga braso. "Don't mind them. Palabas na rin ang dalawang 'yon." Pagkasabing-pagkasabi ni Avyanna no'n ay iniluwa naman ng building ang dalawa. Lumingon pa ang dalawa sa pwesto namin at saka lumapit. "Bakit niyo kami iniwan do'n?" naiinis na tanong ni Amadrya nang makalapit sila sa amin. "Si Avyanna kasi hinila ako bigla," ani ko bago tumingin sa katabi kong nakatingin lang sa

    Last Updated : 2021-11-03

Latest chapter

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 29

    Zemira Allyson"Zemira..."Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko nang marinig ang malamyos na boses na 'yon ngunit, kaagad ding napapikit nang masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa kung saan. "You must be Zemira." Napalingon ako sa aking gilid nang marinig muli ang malamyos na boses na 'yon. Medyo nakapikit pa 'ko dahil sa sobrang liwanag kaya hindi ko siya masyadong maaninag. Sino siya?"Sino ka?" tanong ko rito. She just gave me a small smile and turned her back on me. She motioned me to follow her which I did. Nanatili akong nakasunod sa kaniya habang palingon-lingon sa paligid namin. Hindj ko rin siya maiwasang sulyap-sulyapan dahil nahihiwagahan ako kung sino ba ang taong nasa harap ko. I realized that we are currently in a field filled with different and colorful flowers. Sumasabay ang mga ito sa agos ng hangin, pati na rin ang matataas na damo. Mayroon ding mga paru-paro at ibang insektong lumilipad sa p

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 28

    Zemira Allyson"How's Avyanna?" tanong kaagad ni Haizea nang makapasok sa dorm namin. I called them after I cleaned Avyanna. Hindi ko tuloy maiwasang mamula nang maalala ang nangyari kanina. Why did I did that? Why did I kissed her? How stupid of me. "Zemira? Hey?" ani Haizea na nagpabalik sa akin sa sarili. "O-Oh, sorry. Avy is now fine, Zea. She just needs to rest dahil wala yata siyang tulog at pahinga. Bigla na lang kasi siyang nahimatay kanina nang makapasok kami rito sa dorm," kwento ko sa kaniya. "Thanks, God. Thank you for taking care of her," ani Haizea bago sumilip sa kwarto ni Avy. Hindi siya pumasok at binuksan lang kaunti ang pinto ni Avy at sumilip dito. "How's your investigation, by the way? May nakuha ba kayo?" I asked as soon as we sat on the couch. "Yeah, and Damon is already reporting it to the headmaster since siya ang nakakita at wala pang malay si Avy. Anyway, I called Reina to come here. Did you saw Avy's wound earlier?" she asked. I nodded at her. "Yeah,

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 27

    Avyanna Louella"I'm so exhausted. I want to slee—" "Avyanna!!!" Natigil ako sa dapat na sasabihin ko nang marinig ang malakas na boses ng taong ilang araw ko na ring hindi nakikita. Oh, gods and goddesses, I missed her voice so much.Parang nawala ang antok na iniinda ko kanina pa dahil sa boses niya. What the hell is wrong with me? Humarap ako sa pwesto niya at nakita siyang tumatakbo papalapit sa amin nila Callie kasama si Amadrya. Parehong may pag-aalalang nakapaskil sa mga mukha nila. They are worrying about us. "Zemira, how are you? It's so nice to see you agai—Ack!" Naputol na naman ang sasabihin ko at nanlaki ang mata sa sobrang gulat nang dambahin niya 'ko ng yakap. Para bang ilang taon kaming nagkita dahil sa pagkakayap niya ng mahigpit sa akin. "Hey, how are you, Zemira? Ayos ka lang ba rito?" I asked to her, but I didn't heard any response from her. I titled my head to her side to see her face, but she suddenly hid it on my shoulder. Maya-maya pa ay naririnig ko na ang

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 26

    Avyanna Louella"Oh, my gosh," ani Helen nang maibaba ang walang malay at bugbog-sarado na si John sa lupa. Anong meron?Naglakad ako papalapit rito at napasinghap din nang makita ang bali na kaliwang braso ni John. Para itong lantang gulay sa itsura. Nangingitim na rin ito. Shit. Who did these things to them? "Reina!" I yelled her name.Napalingon naman ito sa akin at napatingin kay John na nakahiga sa lupa. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya kaya dali-dali itong lumapit sa pwesto namin. She sat beside me and started to check John. Pinisil niya ang pulsuhan nito sa kanang braso at saka pinakiramdaman din ang pulso niya sa may bandang leeg nito. I saw her sighed in relief, but her expression immediately changed when her eyes went to John's left arm."This is a problem, we need to go back to the academy. We need Doc Veron, and I can't heal his left arm. Sobrang bali na 'to at mukhang kailangan nang tanggalin bago pa magkaroon ng inpeksyon," paliwanag niya. "Is that so? Then, we'l

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 25

    Zemira Allyson "Zemira!!!" "What!?" I yelled back to Amadrya. "I have some news!" she said. "About what!?" I asked. "About Avy and the others!" she said. Napatigil ako. What is it? About kila Avy? What happened to them?_____Avyanna Louella"What did you found out on the other side of the city?" I asked Damon, who's sitting in front of me while petting the simurgh pup's head. Kararating lang nila mula sa kabilang side ng Levaerûn. Mukhang mayroon silang natagpuan do'n, pero hindi pa rin niya sinasabi sa akin hanggang ngayon. "When are you planning to tell me about what you guys found out on the left side of the town, Damon?" I asked, looking so pissed. "Later," he just said. I rolled my eyes at him. Seriously, mula nang makarating sila rito hindi na nila tinatanan si Allyson. Yes, I named the simurgh pup after Zemira. She's a female, so I guess it's fine.

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 24

    ZemiraMy eyes widened in shock when the water started to float on top of the sink. Itinaas ko ang kamay ko at sumunod naman ang lumulutang na tubig doon. I glanced at Miss Selene, who's just standing beside me and watching. Her eyes were also wide open, while her mouth was a little parted. She's also shocked as I am.Oh. My. Freaking. Gosh."Wow," I heard Miss Selene mumbled.Napabalik ang tingin ko sa lumulutang na tubig sa harapan ko. Nagsimula kong igalaw ang kamay ko at sumunod naman ang tubig doon. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti.I even tried to make a fish out of water but I failed. Bigla na lang kasi itong nalaglag at nawala."Let's go back inside, Miss Rivera," sambit ni Miss Selene.I nodded at her and followed her inside her office. Naupo ulit ako sa mahabang couch habang siya naman, ay doon ulit naupo sa one-seater na couch, kaharap ko.Walang nagsasalita ni isa

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 23

    AvyannaWhat the... Sinundan niya ba 'ko rito? This cute little creature beside me... followed me?"What the hell!?""Oh, my gosh!""Ang cool ng pakpak niya!""Ang colorful! Parang rainbow!""Woah! Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang creature! Ang cute!"Sunod-sunod na komento ng mga kasama ko. Napatingin naman ako kay Haizea na katabi si Cadmus. Nanlalaki at namamangha ang mata nakatingin ito sa amin. Pansin ko rin ang pagningning ng mga mata niya. What's wrong with this woman?"Isn't that a simurgh pup!? Oh, my god! They still exist!?" sigaw ni Haizea, dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ng mga kasama namin.Napatigil naman silang lahat nang ma-realized ang sinabi ni Haizea. They all slowly looked at our direction with wide eyes and opened mouth. "A simurgh!?" they said in unison.Napabuntong hininga ako at natawa ng mahina. I nodded at them and glanced at the l

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 22

    AvyannaAfter our fight with a group of beasts and cyclopes inside the forest, we finally made it in front of the gates of Levaerûn. The city that was once inhabited by a group of generous and kind people. The city that was once known for being so lively and vibrant. The only city that accepts you completely, even if you are a witch, a normal human, a hideous creature or a beast. And the city that gives you the freedom to do whatever you want.I glanced at Damon and the others, who are also look so shocked while looking at the abandoned city. Every one of us never came here after it got abandoned or after the people that lives here disappeared one by one. Simply because we are not allowed to and it's dangerous, especially now that there's a rumor in the Hevadale that there are some monsters that is inhabiting this city."Should we go inside?" one of the Imperial army said. I can feel that he's also terrified just like the others.

  • The Abandoned City Of Levaerûn   Chapter 21

    Avyanna"Shit!" sambit ko nang bigla akong hampasin ng cyclope gamit ang dambuhalang kamay nito.Napakagat na lamang ako sa labi nang tumama ang likuran ko sa malapit na puno. Ouch. That hurts! Pakiramdam ko ay nabali ang buto ko sa likuran."You're gonna give up, Avyanna?" Damon sneered."Ha! Who told you that I'm going to give up? Are you out of your mind, Damon? I won't lose to you. Never," I said.Hindi ko na pinansin ang muling pagkirot ng sugat ko sa braso at ang sumasakit kong likuran na tumama sa puno. Ipinagdikit ko ulit ang ang diamond sword ko at mabilis na inatake ang cyclope.I slashed his hands and then went to his eyes, after. I pierced my sword through his eyes that made him roared in pain. He screams so loudly and it's annoying. I hate noisy things!Inilagay ko ang bigat ko sa hawak kong espada at ipinadausdos ito p

DMCA.com Protection Status