Share

Chapter 9

Author: frosenn
last update Last Updated: 2021-09-08 17:19:20

Chapter 9

Late

Bahagya kong inayos ang buhok. Nanatiling tahimik ang pagitan namin nang napagdesisyunan niyang basagin ulit iyon mayamaya.

"Lagi ka bang lumalabas nang maaga? Tulad nong nakaraan," he asked. And we both knew what he meant by that.

Natigilan ako. Nagpang-abot ang kaba at pagtitiwala sa sistema. Bukod sa unang beses na nasali sa ano mang usapan ang takas kong pagliliwaliw, natatakot akong baka umabot ito kay Nana.

Gayunpaman, hindi ko alam kung saan ko nakuha ngunit... nakaramdam ako ng tiwala. I don't know if it was the trust or the adoration I had for him. Maybe both.

"You can just ignore the question. But I want you to know that I can keep a little secret," he assured me before glancing at me sideways.

His dark and brooding eyes looked more dramatic with his hair gently blown by the wind. Napaiwas ako ng tingin, hindi kayang tagalan ang ganoong ilegal na tanawin.

"Tuwing... uhm... Sabado at Lunes po. Iyon lang..."

Hindi ko alam kung bakit ako nagtiwala. Pero...

"Para saan?" he probed, eyes still directed on me but more intent and heeding.

Nilingon ko ang direksiyon ng dalampasigan at unti-unting napangiti.

"Para po huminga. Para... ipaalalang may mundo pa sa labas."

Napayuko ako. Dahil alam ko sa sariling bukod sa mga iyon, may mas malalim pa. May mas malalim pang dahilan.

I escaped to be my true self, to witness the colorful and saturated radiants of the world's hidden pigments behind the sepia shades of my concealment. It would constantly give me a feeling of relaxation and fulfillment. But at the end of the day, I know, it'd always boil down to one thing.

I was just escaping...

Rinig ko ang hirap na pagbuga ng hangin ng Senyorito. Naagaw noon ang aking atensiyon.

"Gusto kong itigil mo 'yan... But if it means your happiness, I think we need to compromise," he said using a tone almost unfamiliar to me.

"Po?"

Naguguluhan ko itong tinanaw at nakitang parang may malalim na iniisip. Zaro drifted his gaze to me and our eyes locked, offering me an opportunity to marvel the foreign emotions in his deep mysterious orbs.

"It's not safe."

Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagkalito.

There they go with that word again.

Nag-iwas ito ng tingin at umamba nang aalis. Ngunit bago pa man humakbang, iniwan niya akong gulong-gulo lalo.

"Stay away from other people. It's dangerous," mariin niyang babala bago ako tuluyang iwan doon.

Suot ko ang belo at pulseras nang dumating ang Sabado. Alas singko pa lang ng umaga, sinadya ko na talagang bumaba sa mansiyon at dumaan sa gilid na bukana para hindi masyadong pansin. Kaso lang, agad akong nagsisi.

"Shhh!" Nilagay ko ang hintuturo sa tapat ng bibig, nagbabaka-sakaling maintindihan iyon ni Azul.

But Azul being Azul, he loved barking to both familiar and unfamiliar people. Lalo na kapag may katagalan ang huling pagkikita.

Sa kaso namin, kahapon pa nang hapon ang huli naming interaksiyon ngunit base sa liksi nito, parang ilang dekada kaming hindi nagkita. Halos sumampa na sa akin!

"Hala, wag ka maingay!" pabulong ngunit mariin kong pagmamakaawa.

Nilingon ko muna ang paligid. Mabuti na lang at nasa hardin naman kami kaya may siguro hindi na ito masyadong dinig sa loob.

Lumuhod ako para pagbigyan si Azul. Sumampa ito sa aking dibdib kaya nakatayo na at halos dilaan ang mukha ko.

"Eh? Nagsipilyo ka na ba?"

Sumingot ako. Pero panandalian lang iyon dahil nang tumahol siya na animo'y sumasagot, natawa na ako.

Muntik na akong malunod sa atensiyon nito. I noticed that he's unusually hyper and clingy today. Especially whenever our eyes met, he'd bark and jumped into me. Kung hindi pa ako tatayo ay baka hindi na ito bumitaw sa akin.

I decided to feed him so I could divert his attention. With my anticipation that it's a success seeing him eating with gusto, I tried sneaking out furtively. Alam kong walang makakapigil kay Azul sa pagkain.

Matakaw kasi iyan. Kaso lang, mukhang nagkamali ako. Dahil pagkabaling niya sa akin at nakitang wala na ako sa kanyang tabi, tumahol siya at tumakbo patungo sa akin!

"Dahil kaya sa training kahapon?" I asked to myself as I peeked at Azul.

Kasama ko na ito papuntang dalampasigan, sinasabayan ako sa paglalakad at minsa'y maliksi pa akong iniikutan.

I smirked. Ano man iyon, natutuwa akong makitang gusto niya rin ako. Besides, it's okay. He's just a dog. So what if he saw my bare eyes? Hindi niya naman iyon maiintindihan at lalong hindi makakapagsumbong. Kaya naman, mas mabuti na ito. Masayang may kasama ngayon sa pagliliwaliw.

The coast was clear that time. I'm happy. Everything's back to normal. Wala si Jacob, walang sino man. Tumigil ako sa ilalim ng malaking puno ng banalo na madalas kong puwestuhan.

Banayad ang ihip ng pang-umagang hangin. Sinasabayan iyon ng pag-indayog ng mga dahon kaya rinig ko ang kaliskisan ng mga puno, kasabay ang mararahang hampas ng alon sa hindi kalayuan.

Azul seemed to be having fun as well. Takbo ito nang takbo sa malawak na buhanginan at naglalaro doon. Hindi ko na namalayan ang ngiti.

For me, I would always be willing to trade anything that I had just to relish every wonderful moment like this. Iyong kaya kong maging ako nang hindi natatakot sa maaaring opinyon ng iba sa akin. Iyong natatanaw ko ang mas makulay na anyo ng kapaligiran at kalikasan. Iyong malaya akong nakakahinga at nadadama ang sarili. Bagay na matagal ko nang hiling para sa normal na pang-araw-araw.

Bumalik si Azul sa akin at tumahol-tahol, animo'y sinasalaysay kung gaano siya kasaya ngayon. Tumakbo siya nang kaonti bago muling lumingon sa akin para tumahol, nang-iimbita.

Sunod ko na lang na nalaman, nakaabot na kami sa mababaw na parte ng dagat. Naghahabulan mula sa dalampasigan hanggang doon. Shallow as it might sound, but it was one of the best moments I had in my life.

"Ikaw na raw ang nakatoka sa almusal at paggising sa Sentorito ngayon?" si Nana pagkapasok sa aking silid.

Tapos na akong mag-ayos at suot ko na rin ang contact lenses kaya walang naging problema roon si Nana. Ngumiti ako.

"Magandang umaga po! Opo, iyon nga rin po ang sabi sa akin ni Senyorito."

Nagtagal ang tingin ng matanda sa akin, animo'y kinikilatis ang naging sagot at disposisyon ko. Kaya tulad ng dati, mukhang kabisado ko na ito at alam ko na ang gagawin.

I smiled as I told her the magic word.

"Ligtas naman po ako, Nana. Wala po kayong dapat ipag-alala."

Sa hinahaba-haba ng panahon, alam kong iyon ang inaalala nito. Ang kaligtasan ko. Napakabuti sa akin ni Nana kaya hangga't maaari, ayoko siyang mag-alala sa akin. Ayoko nang maging dagdag sa mga problema.

Tumango ito at sinubukan ding ngumiti. Hinaplos niya ang aking buhok.

"Nakahanda na ang pagkain sa kusina. Siguraduhin mong maayos ang trabaho, Lumi. Baka pa magalit ang Senyorito."

"Masusunod po."

Iyon nga ang ginawa ko. Si Ate Nems ang nagmuwestra sa akin kung saan na nakahanda ang tray ng almusal ni Senyorito.

"Ganyan dapat ang presentasyon. Binilin na sa akin ni Senyorito na dalawa na ang pagkain simula ngayon. Sa susunod, ikaw na ang maghanda nyan. Tutal sayo na tinalaga ang tungkuling iyan. Bahala ka na," she instructed with a shade of animosity.

Naiintindihan ko iyon. Siya kasi ang pinalitan ko sa trabahong ito kaya siguro, hindi naging maganda ang nangyari dahil biglaan.

Nakasalubong ko ang kambal sa pag-akyat. Pababa naman sila at may buhat-buhat na lamesang lilinisin. Inirapan ako ni Jackie samantalang naglahad naman ng tulong si Jacob na tinanggihan ko agad.

"Kaya ko na nito. Mag-ingat kayo dyan!"

"Sige. Magkita na lang tayo mamaya, Lumi!"

"Tsk. Tara na, Hakob!"

Tumango na lang ako at nginitian sila. Pagkarating sa tapat ng kwarto ni Senyorito, mabilis na gumapang sa akin ang nerbyos. Nilapag ko muna ang tray sa malapit na console table at kumatok nang tatlong beses.

"N-Nandito na po ang pagkain, Senyorito!" I stuttered.

Napasinghap ako at kinlaro ang boses. Muli akong kumatok. Wala kasing sumasagot kaya pakiramdam ko, malalim pa ang tulog ng nasa loob.

"Almusal po, Senyorito! Nakahanda na-"

I had a mini heart attack when the door opened without a warning. Mabilis na natagpuan ni Zaro ang mga mata ko. At taliwas sa inaasahan, wala ang magulong buhok at namumungay na mga mata na hitsura ng bagong gising.

Before I was a man with damp hair in a white shirt, black trousers, with dark sharp eyes.

Napaiwas agad ako ng tingin. Pansamantala kong nakalimutan ang sadya kaya nang naalala, halos mapatalon ako.

"M-Magandang umaga, Senyorito. Uh..." I panicked.

Kinuha ko ang tray na nakapatong sa console at nilahad iyon. Tipid siyang tumango at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

Mabilis akong napapikit nang mariin. Kung puwede lang pagalitan ang nangangatog na mga tuhod ay ginawa ko na.

Pagkapasok at pagkalagpas sa Senyorito, dumiretso na ako sa coffee table na nasa loob. I was kind of familiar to his room since that day when we...

I cleared my throat as I erased that idea to focus on my work. Isa-isa kong nilapag ang mga nasa tray. I heard the door close. Sa sulok ng mga mata ko, kita ko ang paglapit ng Senyorito na siyang paghuramentado ng aking kalamnan.

This is not what I expected. He's awake beforehand!

"Good morning," he greeted huskily as he put the towel on the backrest of the seat.

I pursed my lips tightly. At least I was right in that certain area, right? The hoarse voice. Ugh!

Yumuko ako at tinago ang kakatwang nararamdaman. I really needed to learn how to calm down!

"M-May uh... ipag-uutos pa po ba kayo?"

"Oo," simpleng sagot niya bago umupo sa silya kung saan niya sinampay ang tuwalya.

"Ano po-"

"Umupo ka na at kumain," he ordered dismissively.

Caught off guard, I looked at him in shock.

"H-Hindi po pwede," I protested.

A scowl was evident on his face when Zaro lifted his eyes to me. His hooded eyes screamed mystery, power, and authority. Something that my faint heart couldn't endure properly.

"It's not a request," he scoffed.

"Pero sa inyo po ang pagkain."

His brow shot up nonchalantly. "I don't mind sharing."

"Baka mapaga-"

"Susubuan pa kita? Tell me just so I could make you eat."

He lost it.

Nagkatitigan kami. Mariin ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngunit marahan ang paraan ng pagkakasabi sa huling litanya, kaya ako ang unang sumuko. Naguguluhan.

Labag man sa loob, bumuntong-hininga ako at umupo na rin sa tapat ng Senyorito.

"Pasensiya na po..." I apologized in an undertone, pointing out the little argument.

Senyorito pressed his nose bridge before shaking his head lightly.

"Don't mind it. All I ask for you is to eat. I won't bite." Mas mahinahon na ang kanyang boses.

Binaba ko ang tingin sa sariling pinggan at tinitigan ang nakahain. It's the same set of foods and drink like his. Ngayon ko lang nakuha kung bakit dalawa ang pinapahatid ng Senyorito.

"Hindi na naman kailangan pero salamat po. Hindi lang po talaga... sanay," I whispered the last word, to the horror that it might piss him more.

He nodded and sighed. "Unti-unti kitang sasanayin."

"H-Huh?"

Iniwas niya ang tingin para kuhain ang inumin niya. He swallowed hard and combed his slightly wet hair using his hand.

"Consider it part of the lesson."

Hindi man makuha koneksiyon ng pagkain ng almusal sa kuryosidad at pagiging ignorante sa maraming bagay, hindi na ako umapila pa. Tinanggap ko na lang iyon. I needed to obey. It's an order.

And I'd be lying if I say there was no part of me that didn't like it. Mukha mang pinapaasa ko lang nang husto ang sarili, mas pinili ko na munang pahalagahan ang nangyayari sa kasalukuyan. If spoiling myself with moments like this would be an expense for the future, I would deem it worthy.

Naging magaan ang disposisyon ko buong araw. Pumasok ang Senyorito at umuwi rin nang hapon. Ngunit tumalak din agad dahil may kailangang asikasuhin sa planta.

Naulit ang umagang iyon pagsapit ng Linggo. Tulad ng bilin ni Ate Nems, ako na mismo ang naghanda ng lahat. Nag-aalinlangan man sa gawain dahil parang pinagsisilbihan ko na rin ang sarili sa pamamagitan ng ikalawang set ng pagkain, pinagpatuloy ko pa rin. Trabaho iyon. Baka pa magalit na naman si Zaro kapag pinairal ko ang sariling konsepto.

For that day, I haven't seen Azul that much. Umaga ring umalis sina Nana para magsimba. Ang Senyorito, abala sa iilang planta at pakikipag-usap sa telepono.

Pero nang dumating ang hapon, mas naging abala ang lahat para sa ritwal na gaganapin bukas. For years, it became a tradition for the people of Castel for a particular phenomenon every once in a month. At tulad ng nakasanayan, habang abala ang lahat para sa paghahanda ay narito ako, nakakulong mag-isa sa sariling silid.

I sighed as I took a glimpse of the sky from my window. It's the full moon of the month tomorrow. And based on my experience, I didn't have a good memory of every full moon. Probably the reason why they decided to lock me in my room every time it will happen.

Tuwing sumasapit ang petsa ng kabilugan ng buwan, walang mintis ang pagdating ng kamalasan sa akin. Madalas ay may sakit ako. O hindi naman kaya'y laging napapagalitan dahil sa sunod-sunod na kapalpakan.

That's why to be frank, I was a little nervous for tomorrow. Pakiramdam ko, naghihintay ako sa pagdating ng kamalasan sa akin.

I buried my face on my pillow without knowing I was drifted off to sleep.

Mabilis na dumating ang Lunes, ang araw na pinakahihintay ko. Hindi dahil excited para dito, kundi dahil lubos ko itong kinakatakot.

Kung sa pangkaraniwang araw, aasahan ko na ang pagbisita ni Senyor Danilo. Ngunit dahil tulad ng sinabi noong nakaraang Linggo, nasa Maynila pa ito kaya hindi makakadalo sa pagdadaos mamaya.

Bigo akong bumuntong-hininga habang nakatitig sa sariling repleksiyon sa harap ng tukador. Marahan kong sinuot sa aking palapulsuhan ang gawa sa kahoy na pulseras. I spent almost a couple of minutes staring intently at my own pair of white eyes. And even if they're my own, the bunch of chills that has been familiar to me was still there, creeping out to manifest in my system.

Hindi ko alam pero kahit nabuhay ako na tangan ang mga matang ito, nanunuot pa rin sa akin ang misteryo at palaisipan na kalakip niyon.

Dahil sa ginagawang paninitig, animo'y kinikilatis din ng repleksiyon niyon ang buong pagkatao ko. Parang alam na alam ang lahat sa akin. Alam maging ang mga bagay na lingid sa aking kaalaman, sa sarili ko.

They told me there's nothing to worry about these eyes. I used to believe them. But if there really was none, then how would they explain those contact lenses? Why do I still have to wear those lenses that Doctor Danilo gave me?

I wandered my eyes around as I examined the morning landscapes of Castellano's territory, wearing a shawl covering my head and the wooden accessory on my wrist.

If there really has nothing to worry about, then what do they call the threats and warnings they kept on reminding me about the people outside those fences? Why would they be after these eyes? Because my eyes are fancy, rare, and unique?

My lips twitched as I sauntered down the distance from the threshold all the way to the end of the patio, where I had to get past through the garden in order to reach the sandy footpath leading to the seashore.

Ngunit ilang sandali, paunang tahol pa lang ay alam ko na ang ibig sabihin noon. Like magic, Azul suddenly appeared on my side like he's invited or what. We haven't seen each other yesterday that much so he's being hyper today like no other.

"Sige na, sige na," suko ko nang hindi pa rin ito umaawat.

Ang dati'y mararahang tunog ng malulutong na tuyong dahon ay mas agaw-pansin ngayon. Dahil hindi tulad dati na dalawang paa lang ang tumatapak sa kanila, anim na ngayon dahil kay Azul.

The moment our eyes landed on the wide coverage of pebbly sand boarding the sea, Azul didn't waste any time and hurried. Palingon-lingon pa ito sa akin na animo'y nag-aanyaya kaya tatawa-tawa akong tumakbo na rin patungo roon.

Pagkatungo sa lilim ng puno ng banalo, sinuot ko sa aking tenga ang lilang morning glory. Marahas akong bumuga ng hangin habang iniipon ang iilang tikwas ng buhok na nagpapatangay sa hangin.

My eyes were probably shimmering right now as I appreciate the beauty of the horizon, the mystic line where the earth seems to meet the sky.

Isa sa mga bagay na gustong-gusto ko rito ay ang malayang tanawin. Hindi tulad sa ibang parte ng lupain ng Castellano, dito, masasabi kong walang hangganan ang sukat at limitasyon ng tanawin.

There are no fences in this certain vantage point. There's no boundary. There's no finish line.

Dito, sa lugar na ito... ramdam na ramdam ko ang kalayaan. Na kahit saan ko man ibaling ang paningin, wala akong hangganan. Marami pa akong mararating. Marami pang posibilidad na naghihintay. Bagay na nagpapatayog sa munti kong pag-asa na balang araw, matutuklasin ko rin ang mundong nasa labas ng mga bakod na iyon.

"Buti ka pa..." haplos ko kay Azul nang napagod kami sa paglalaro.

Nakasandal ako sa katawan ng banalo. Nakalatag ang belo sa buhanginan at iyon ang nagsilbing upuan namin.

Tinanaw ko ang inosenteng aso na payapang nakahimlay sa aking kandungan. Umukit ang matamis na ngiti sa akin.

"Ikwento mo sa akin ang mga karanasan mo sa Castel, Azul. Dali."

Pagkarinig sa kanyang pangalan, dumungaw siya sa akin kaya napatigil ako sa marahang haplos sa kanyang katawan.

He barked a couple of times with dedication to the extent that he stood up just to face me properly.

Hindi ko napigilan ang tawa.

"Sana nga naiintindihan mo ako..." halos bulong ko sa hangin.

Nanatili si Azul sa kanyang tayo habang nakatitig sa akin. Mayamaya ay tiniklop na lang ang mga tuhod upang sumiksik ulit sa kandungan ko.

Ilang sandali rin siguro akong nakaidlip. Kung hindi pa ako nagising sa tahol ni Azul ay baka tuluyan nang lumalim ang tulog ko!

"Tara!"

Kabado akong tumayo at nagpagpag. Sabay kaming tumakbo ni Azul pabalik sa mansiyon.

Tumambol nang malakas ang aking puso. I needed to wake Zaro by eight! But before that, I still needed to prepare for our breakfast. May pasok ito! Ngunit nang naisip ang mas matinding panganib na naghihintay sa akin, para akong mahihimatay sa hingal at pagkabalisa na pinagsama pagkarating sa mansiyon.

Baka maabutan ako ni Nana! Hindi pwede!

"Lumi, magandang uma-"

"Pasensiya na!"

Napayuko ako kay Jacob na naghahanda na pala para sa pagsisibak ng kahoy. Buti na lang nakatulong ang belo upang takpan ang kalahati ng mukha ko, kundi...

Napailing ako, winaksi na muna ang ibang bagay. Naiwan na si Azul sa labas kaya naging madali na lang ang pagpanhik ko sa kuwarto.

I immediately changed my old chemise into my usual clothes. Napaglumaang t-shirt, tokong na maong, at syempre, ang contact lenses. Ito na ata ang isa sa mga pinakaaburido kong paghahanda sa umaga. Para akong hinahabol ng leon sa sobrang tulin kong kumilos!

Kaya naman nang narinig na ang katok ni Nana sa pinto, nag-breathing exercise muna ako bago pagbuksan ang matanda.

"M-Magandang umaga po!" Hilaw akong napangiti.

Makilatis nitong pinasadahan ng tingin ang aking hitsura. Bumaba ang kanyang mga mata mula sa aking paanan. Umangat iyon, hanggang sa napako ang kanyang titig sa bandang kamay.

Napalunok ako. Napansin iyon ni Nana kaya mas lalo ko pang pinilit na gawing natural ang aking ngiti.

"Uh... pa-pababa na po ako para... ipaghanda ang Senyorito ng makakain," dagdag ko para iligaw ang kanyang pangamba.

Hindi tinatanggal sa akin ang matamang tingin, marahan itong tumango.

I still waited for a moment, anticipating her response but when a few seconds passed by and silence took over, I already decided to lower my head as a sign of leave-taking.

"Sige po..." I bid politely, excusing myself.

Talagang pinagsiksikan ko pa ang sarili para lang makadaan sa natirang espasyo sa hamba ng pintuan. Mukha kasing may biglang sumulpot sa utak ni Nana kaya tila may malalim na iniisip.

Kaya naman nang nakahakbang na nang ilang beses, laking gulat ko nang tawagin ulit ako.

"Lumi."

I pursed my lips as I turned my body to face Nana. The moment our line of vision crossed paths, forlorn built inside me the way Nana poured me her attention as if something's worrying her.

"Inaasahan kong alam mo na ang mangyayari ngayon," she exclaimed.

My bare arms were prickling with goosebumps, and a shiver ran through my body.

"Ayoko lang na maulit pa ang mga nangyari noon. Hindi maganda para sayo ang ganitong araw at alam kong alam mo na ito," dugtong pa ni Nana.

I nodded. I fully understood her point.

Totoo naman kasi. Saksi ang matanda sa mga naging karanasan ko tuwing sumasapit ang araw kung kailan lumilitaw ang kabilugan ng buwan.

For some reason, I feel weak and very disastrous during those days. Tinuring ko na nga itong araw ng kamalasan ko.

"Sa... kuwarto lang po ako buong araw. Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho."

"Pagkahatid mo ng pagkain sa Senyorito, umakyat ka na ulit dito, hija. Nag-aalala ako sayo."

Napalabi ako. "Pakakainin ko rin po muna si Azul, Nana. Pagkatapos po noon, aakyat na po ako. Pangako."

Naninimbang ang kanyang titig sa akin. Sa huli, napilitan itong tumango kahit alam kong labag iyon sa kanyang loob.

"Magiging matrabaho ang araw na ito kaya abala ako. Utang na loob, Lumi, dito ka lang at mag-iingat. Iniisip ko lang ang kaligtasan mo," she told me.

I nodded and smiled.

Hindi rin nagtagal nang nagkahiwalay na kami ni Nana. Marami kasi ang bibisita mamayang gabi para sa ritwal dahil bukod sa mga trabahante, maaari ding dumalo ang mga pamilya nito at malalapit na angkan sa Castellano.

Nakagawian na iyon kaya inaasahan ko na rin ang mahigpit na pag-aalala ni Nana. Alam kong natatakot lang ito para sa kaligtasan ko.

Tatlong katok sa pinto, hindi tulad ng nakaraan ay hindi pa man ako nakakabati, bumungad na agad ang Senyorito.

A set of stoic eyes fixated on me, looking impatient with his furrowed eyebrows. Walang sali-salitang binuksan nang malaki ni Zaro ang pinto at nauna na sa loob.

As soon as I entered the bedroom, my senses recognized a musk and masculine scent along with some earthy fragrance from his room. Saglit kong nilingon ang Senyorito at ngayon lang natanto na bagong ligo lang ito. Basa pa ang buhok ngunit nakaayos na.

Wearing a gray shirt and dark maong pants, his feet in bare and massive figure looked so manly and strong against the floor.

Pinulot niya ang kanyang phone na naiwan sa kama na tila may sinagot doon. Tahimik kong hinain ang aming pagkain at naghintay na roon habang kontento lang munang nakatayo.

"Everything's fine here. Don't worry," marahan at may halong panunuyong sambit ni Senyorito sa katawagan, may hawak nang tasa ang kabilang kamay.

My forehead creased as I tried so hard to avoid hearing their conversation. It felt wrong being here when he's talking to someone that should be private. It's like I was eavesdropping. The only difference was I had no choice!

"It's going to be a busy day. But I'll try my best to send you constant updates, okay?"

Sino kaya iyon? Constant updates. Hmm. It means the caller is faw away from him. Siguro'y taga-Maynila? Iyong Eliza kaya? Pero base sa narinig ko noon sa mga kaibigan, hindi ito nobya ng Senyorito. Baka iba na ito ngayon at totoong girlfriend naman ang katawagan?

Probably. Who would dare call a man like him this early, right? A man as successful, wealthy, smart, and handsome as him, I knew for a fact that it's not impossible for him to have a girlfriend. Dito man sa Castel, sa Maynila, o maaaring sa iba pang lugar. He could effortlessly drive any girl crazy for him. So now, accepting that possibility, why am I suddenly feeling disappointed?

Bigo akong napailing, nagbabaka-sakaling kapag ginawa 'yon ay maiibsan noon ang mga iniisip, natatakot sa pinatutunguhan nito ng kuryosidad.

Why does it seem to be an issue to you, Lumi? What's the problem now? So what if he has? He's a man. Not just a man but a man so worthy of praises and admiration!

Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan ko. Humarap na lang ako sa lamesa. Imbes na magpatangay sa mapeligrong kumunoy ng katanungan, masugid ko na lang na sinuri kung may mali ba sa presentasyon.

Pinantay ko ang bawat kubyertos. Ang kanyang pinggan ay katapat ng aking pinggan. Ngunit ang baso at kubyertos ay salungat sa isa't isa. Ganoon din ang posisyon ng pagkain sa aming plato. Tanging ang plato lang talaga ang pantay.

I sighed. In this world full of glasswares and utensils, I'm happy to experience a little plate. Kahit ang lahat sa amin ay salungat, lubos ko nang ikinatutuwa na may bagay pa rin na napapantayan ko ang kanyang lebel.

Gaya na lang halimbawa ng simple at maikling pagkakataon tuwing umaga tulad nito. Mali man marahil sa paningin ng iba, pakiramdam ko'y abot-kamay ko ang Senyorito tuwing magkatapat kami sa lamesang ito.

Later on, I snapped out from my reverie when out of a sudden, a masculine veiny arm slid beside me, almost touching my waist.

Napakurap-kurap ako habang pinapanuod ito, madramang nilalapag ang tasa sa kabilang dulo ng coffee table, sa tabi ng kanyang pinggan.

My breathing hitched to the point that I refrained myself from breathing as of the moment, afraid that I'd humiliate myself more.

From my peripheral vision, I saw him turned his head in that position to glance at me. Napatutop ako lalo ng bibig.

"Morning," he almost whispered on my ear breathily, distancing himself after.

Parang lahat ng laman-loob ang nalulon ko pagkalunok nang malalim. Mabibingi ata ako sa lakas ng pintig ng puso, kabado at gulat pa rin sa hindi inaasahang pangyayari.

"M-M-Magandang... umaga p-po..."

I groaned to myself for stuttering too much. In return, he just nodded his head nonchalantly, as if nothing's happened.

Samantalang ako, kulang na lang ay atakihin na sa puso dahil sa matinding paghuhuramentado ng kalamnan.

Nanghihina akong bumagsak sa silyang nakasanayan nang pagpuwestuhan tuwing ganito. Pagkaangat ng mga kamay, bisto ko ang munting panginginig roon. Nakakainis!

"You're late today," Zaro mentioned.

I lifted my head to look at him. He's just busy slicing his food. Hindi ko tinanggal ang tingin. Isa lamang ito sa mga limitadong pribilehiyo kung saan malaya ko itong natititigan.

Please, just for a moment... don't look back yet.

"Hindi ko sinasadya..." tanging nasagot ko.

Bahagyang umawang ang kanyang mga labi nang ilipat na sa akin ang tingin. Sinubukan kong pantayan ang titig nito. Hinamon ko ang sarili kung gaano katagal kayang panindigan ang munting kumpiyansa, ngunit nang naramdaman na parang hinihigop ang kaluluwa ko ng madilim nitong ekspresyon, isang kisap-mata ay napaiwas agad ako.

"Or maybe you had so much fun of your little adventure?" he probed critically.

I bit my lip firmly. I suddenly regretted that I confessed that secret.

As if a cat got my tongue, no words came out from me. I just dropped my eyes on my plate, embarrassed being caught now.

Nagpatuloy sa pagkain si Zaro ngunit hindi rin nagtagal nang nadugtungan pa iyon.

"It's Saturday and Monday, right?" he asked. But this time, more gentle and relaxed.

Bahagyang namilog ang mga mata ko dahil naalala niya pa iyon. Pagkaangat ko ng tingin, nagkasalubong ang aming mga mata at malakas ang kutob kong hindi na niya kailangan ng sagot ko. Sa reaksiyon ko pa lang, nakumpirma na niya iyon.

Confusingly, he closed his eyes tightly and murmured something to himself. He leaned back to his seat. Mula sa baba ay tinaas niya ang tingin sa akin, tila problemado sa sariling iniisip.

"Okay, look," namamaos niyang buga ng hininga at mas sumeryoso ang tingin. "I'll be lenient to you every Saturday and Monday."

Gulat akong napaayos ng upo.

"A-Ayos lang po! Hindi na po mauulit. Nagkataon lang na... nakaidlip po kanina. Pagbubutihin ko po sa susunod. Hindi na po talaga kailangan," sunod-sunod kong litanya dahil nag-uunahan na halos ang mga ideya sa isip.

Nanatili lang ang kanyang seryosong mga mata sa akin, tinatantiya ang naging sagot ko.

I swallowed hard and shook my head again, trying to convince him that it's all true. Nakakahiya! If there's someone who needed to adjust in this situation, it's me!

Later on, Zaro played with his glass. His tongue lazily grazed the inner part of his teeth on the side then raised a brow at me, looking rigorous, challenged, and amused at the same time.

"Is that a promise?" His voice sounded mocking, but it didn't depict his firm expression.

"Promise!" I answered automatically like a robot just to prove a point.

The corner of his lips rose. But then he shook his head, settling the glass on the table firmly. Doon nalipat ang kanyang tingin.

"Kapag ako umasa. At binigo mo..." may halong bantang saad niya saka pinukol sa akin ang mapanganib na mga mata.

Umiling pa ito, tila ba sinasabing hindi kaaya-aya ang kahihinatnan sakaling umabot sa puntong iyon.

Slowly, fright starting to emerge in me. Hindi ako nakapagsalita dulot ng takot sa maraming posibilidad ng consequence na iyon.

Punishments injected my mind. Even the most morbid one! Hah. Who knew what might happen to me if I made him so mad! I don't know! I don't even want to risk it to know!

Kinalma ko ang sarili, pilit tinatago ang kaduwagan. Ngunit bigo rin ako dahil ilang sandali, muling naghari ang panganib sa kanyang tono.

"Kaya hindi bale na. Basta sa limang araw na natira, siguraduhin mong akin ka nang maaga..." he uttered with finality before turning to his food.

Related chapters

  • That's What They Told Me   Chapter 10

    Chapter 10BittenAs soon as we finished our breakfast, I performed my duty immediately.Wala na akong pinalagpas na oras. Niligpit ko na ang lahat ng pinagkainan dahil tiyak kong kailangan na ring magmadali ng Senyorito para sa kanyang pasok."Are you joining the Full Moon Function?" biglang tanong nito nang malapit na akong matapos.Sa pag-aakalang abala ito sa paghahanda, laking gulat ko nang nakita itong prenteng nakaupo lang sa gilid ng kanyang kama, nakahalukipkip at pinapanuod akong magligpit.My lips parted slightly. But I managed to

    Last Updated : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 11

    Chapter 11RainHumigit-kumulang isang oras ang naging kabuuang byahe. Pagkababa ng sasakyan, bumungad sa harapan ko ang isang munting bahay na gawa sa nipa. Sa likod nito ay nagtataasang puno ng niyog habang sagana naman sa iba-ibang uri ng halaman at bulaklak ang harap at munting hardin ng bahay.Nalaman kong kasalukuyang nasa baryong ito ang manggagamot para sa kanyang misyon. Kaya hindi ganon kadaling makapunta sa mansiyon ng mga Castellano."Victor! I'm really sorry for the inconvenience."Isang malamyos na tinig ng babae ang nagpalingon sa akin patungo sa gilid.Senyorito shifted from his weight to approach the lady in her mid-twenties. She looked young for a doctor. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.Wearing a simple pink dress, she looked elegant and fresh. Sa likod niya ay isang lalaki at babaeng hinuha ko ay mag-asawang nagmamay-ari ng bahay na ito."I unde

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 12

    Chapter 12HerI went out of the SUV when we finally arrived in the place. My heart was beating against the walls of my rib cage and there was a flutter of butterflies in my stomach.Kung paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon ay palaisipan pa rin sa akin. Sa sobrang bilis ng mga nangyari, sa isang iglap, hindi ko akalaing posible pala ito.Hindi man makapaniwala na narito na ako sa ganitong kalagayan, pero ang gabing iyon, malinaw na malinaw pa rin sa akin. It was like a vivid dream, trancelike.At first, I had no idea what Zaro was talking about that night. Was he drunk? Was he in delusion?Wow! Delusion? Oh. The guts I had to say that!Kung meron mang nagdedelusyon sa amin, kumpara kay Senyorito ay mas malaki ang tsansa na ako iyon. Pero hindi. Siniyasat ko ang hitsura niya. At bukod sa basang-basa ito sa ulan, alam kong nasa tamang pag-iisip siya at seryoso. Marahil,

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 13

    Chapter 13Runes"Bye, Lumi!""Bye!" I waved back to them.Ngumisi si Janine habang hinihila na siya paalis ni Willa sa room. Sabi kasi nila, may pupuntahan sila sa kabilang bayan. Pista raw doon.They actually invited me, almost adamant to make me come with them but unfortunately, I got no time for that kind of stuff.In a span of one week, they managed to understand my situation. I always told them that my guardian was strict so I needed to get home immediately after classes.It's partly true tho. Iyon naman talaga lagi ang bilin sa akin ni Nana at wala akong balak na suwayin iyon. Letting me go outside the Castellano premises and study was already a huge debt of gratitude. The least I could do was to conform to their restrictions and be compliant to their biddings.Isa pa, abot-langit na ang kasiyahan ko na matamasa ang ganitong pribilehiyo. Wala na ata akong mahihiling pang ib

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 14

    Chapter 14Treat"Hello..." I greeted stupidly.His eyes shifted to where I came from before pouring me his whole attention.He's still wearing the dark blue dress shirt with sleeves folded until his forearms, maong pants, and timberland boots that he wore from school. Alam ko iyon dahil kahit hindi man kami nagkita kanina sa eskuwela, nakapagpaalam pa siya sa akin bago pumasok."Kinausap ka ni Tito?"I snapped out from my reverie. I must've been staring too much!"Oo. Uh... n-nangamusta la

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 15

    Chapter 15Eat"Anong nangyari?" eksaheradang hagilap ng impormasyon nila Janine pagkalapit ko.Hindi pa ako nakakaupo nang maayos. Puno ng pag-aalala kong sinundan ng tingin si Kael dahil pagkatapos ng nangyari, halata ang kawalan niya ng gana.Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko pa mabasa nang husto ang ugali ng ibang mga tao. O wala talagang pag-asa na maunawaan ko iyon dahil iba mag-isip ang mga lalaki.I wasn't quite sure. But my guts told me it has something to do with what transpired a while ago. Sure, I recalled Kael smiling at me but I wasn't an absolute fool to not notice something

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 16

    Chapter 16JealousIt was a Saturday, almost mundane. One that I've been missing a lot since I entered formal education.Tulad ng nakagawian, tumakas ako nang madaling araw upang hintayin ang bukang-liwayway, saksihan ang pag-indayog ng mga puno kasabay ng pag-ihip ng pang-umagang hangin.The scenery before me was just so picturesque. The vast body of water covering an enormous proportion of land swayed along the current. And it wouldn't be complete anymore with Azul's images constantly surging in my head like a flashback.I smiled as I lifted my head and hand, creating windows through my fin

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 17

    Chapter 17TuhogBumuhos sa aming lahat ang labis na kahihiyan dahil sa nangyari. Pero ilang sandali pagkalagpas sa amin ng grupong iyon, muling umingay dahil sa sisihan at kantyawan."Mga siraulo kasi kayo! Kanina pa kayo pinagsasabihan," anang Eric."Sana kasi sinabi niyong padaan sila Victor! Nakakahiya tuloy!""Rinig na rinig ba pangalan ni Kobe? Nakita mo 'yung hitsura ni Grace?! Priceless!"Napalitan ng tawanan ang tensiyon habang pabalik na kami sa classroom. May mga kaeskuwelang nakakakilala at bumabati sa amin. Tuwing may nagko-cong

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • That's What They Told Me   Special Chapter

    Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi

  • That's What They Told Me   Epilogue (2 of 2)

    Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question

  • That's What They Told Me   Epilogue (1 of 2)

    Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an

  • That's What They Told Me   Chapter 45

    Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things

  • That's What They Told Me   Chapter 44

    Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li

  • That's What They Told Me   Chapter 43

    Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..

  • That's What They Told Me   Chapter 42

    Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan

  • That's What They Told Me   Chapter 41

    Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe

  • That's What They Told Me   Chapter 40

    Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw

DMCA.com Protection Status