Share

Chapter 11

Author: frosenn
last update Last Updated: 2021-09-09 21:56:09

Chapter 11

Rain

Humigit-kumulang isang oras ang naging kabuuang byahe. Pagkababa ng sasakyan, bumungad sa harapan ko ang isang munting bahay na gawa sa nipa. Sa likod nito ay nagtataasang puno ng niyog habang sagana naman sa iba-ibang uri ng halaman at bulaklak ang harap at munting hardin ng bahay.

Nalaman kong kasalukuyang nasa baryong ito ang manggagamot para sa kanyang misyon. Kaya hindi ganon kadaling makapunta sa mansiyon ng mga Castellano.

"Victor! I'm really sorry for the inconvenience."

Isang malamyos na tinig ng babae ang nagpalingon sa akin patungo sa gilid.

Senyorito shifted from his weight to approach the lady in her mid-twenties. She looked young for a doctor. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.

Wearing a simple pink dress, she looked elegant and fresh. Sa likod niya ay isang lalaki at babaeng hinuha ko ay mag-asawang nagmamay-ari ng bahay na ito.

"I understand," Zaro replied politely.

He crouched the moment the lady put her hand on his shoulder, like it has been their known routine everytime they meet. Naglapat ang pisngi nilang dalawa at isang matamis na ngiti ang pinakita ng babae.

I pursed my lips, trying to be nonchalant about it.

"Is this the patient?" she then turned to me, smiling.

I could feel my cheeks heating up. Humarap na rin sa akin ang Senyorito at marahang tumango.

"Yes," he simply answered but his eyes were intense on me.

Imbes na suklian iyon ay sinikap ko na lang na ngumiti pabalik sa babae.

"Hi! I'm Nurse Reyes. Isa ako sa mga support team ni Doc Danilo but unfortunately, he's out for Manila and I'm doing my medical mission in this village."

Tumango ako. Mabilis na nag-isip ng sa akin.

"Lumi..."

Gusto kong bulyawan ang sarili sa walang kuwentang sagot. Iyon na 'yon?

Pero nang ngitian niya lang ako, tingin ko naman, ayos lang sa kanya iyon. Sa bagay, sa ganoong propesyon, paniguradong nakasanayan na nila ang ganitong pakikisalamuha.

We were led inside the house. Nakakahiya pa nga dahil kailangan pa naming sumingit para lang sa isang kagat ng aso.

I was injected with two types of vaccine. For the whole time, the only people conversing mostly were Nurse Reyes and Zaro. Sa Senyorito na rin sinasabi lahat ng procedure maging ang pag-aalaga sa sugat upang makaiwas sa infection. Habang ang mag-asawa, todo tanong sa mga kailangan at gusto naming kainin.

"How's Victoria? It's been months since we last saw each other!"

"She's currently in Singapore for another business venture," sagot ni Zaro pagkatapos kainin ang cassava cake na hinanda ng pamilya.

Lalong nangiti si Nurse Reyes habang marahang pinapahiran ng ointment ang sugat ko. Dahil sa biglaang pag-angat niya ng tingin kay Senyorito, bahagya akong nakaramdam ng hapdi roon ngunit tinago ko ang reaksiyon.

Zaro seemed to notice my flinch. His mouth set a hard line as he shifted his gaze down to my arm. Napainom ako ng tubig. Inignora ko ang kabang nanunuot sa kalamnan.

"I hope it'd be another success. Ikaw, Victor. Have you ever been in Singapore?" she giggled.

Pinaglaruan ko na lang ang laylayan ng aking damit at doon tinuon ang atensiyon. Gaano kaya katagal ang aabutin ng pinapahid sa akin? Does it really have to be this sustained and slow?

Looking at them silently, I reckoned they seemed close to each other more than I expected.

That's understandable. The fact that Nurse Reyes was one of Doctor Danilo's nurses, it's not impossible that they knew each other for a long time.

"Yes, last year. For accreditation," Zaro answered heedlessly.

Nang tinanaw ko, napatikhim ako nang nahuli itong nakamasid sa akin, animo'y nananantiya ang mga mata.

"Really? I envy you. I only went to-"

"Excuse me," he suddenly interrupted before shifting his eyes to the lady.

Maging ako, napasunod ng tingin dahil bigla siyang tumayo.

"Pardon?" naguguluhang bulalas ni Nurse Reyes at napatingala na rin para tanawin siya.

"Is it done?"

Hinagilap niya ang braso ko at mas lalo siyang lumapit sa akin. Dahil sa biglaang nangyari, bahagya namang nabitawan ni Nurse Reyes ang braso ko.

"A-Ah, yes! Just apply it everyday to prevent the infection."

I evaluated our proximity. I realized I was holding my breath now that he's close while assessing my wound.

"I will," he uttered under his breath.

Marahan niyang hinaplos ang palibot noon. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. His touches were soft. But how come my heart hurt like it was being hammered?

Hindi na rin kami nagtagal doon. Mabuti ang tungo ng pamilya sa amin. Hula ko pa, kilala nila si Senyorito base sa mangilan-ngilang interaksiyon at tanong kanina.

"You still need three shots. By then, I think Tito can handle the rest," aniya habang pabalik na kami sa Castel.

Tumango ako at naintindihan iyon. Sasagot na sana ako pero nang nahagilap ng mga mata ang pamilyar na eskuwelahan, napukaw noon ang buong atensiyon ko.

A smile was plastered on my lips. I saw a group of young people having fun as they ate some street foods. Sa hitsura nila, masasabi kong hindi malabong pareho ang edad ko sa edad nila.

Two girls were pushing their friend to a guy, they're teasing her but they're having fun. Ibang-iba tuwing ako ang tinutuligsa. Siguro ganoon talaga kapag magkakaibigan.

Ganoon lang ang puwesto ko. Nakatuon sa salamin ng bintana, takot na mawala agad sila sa paningin.

"What seems to be interesting?"

Oh! Mabilis kong sinilip ang pwesto ko. Masyado kang halata, Lumi!

Umayos na ako ng upo at napalingon kay Senyorito. Umiling ako. Pero mukhang hindi iyon sapat sa kanya. Kaya kalaunan, ngumiti na lang ako.

"Tss." He tore his eyes off me to watch the road.

Is he still upset? I took one last glance at the side before wavering. Nagkibit-balikat ako.

"First time ko po itong lumabas. Kaya natutuwa ako sa paligid," I said. His lips parted a bit but I continued. "Uh... Malayo pa ba rito ang school mo?"

Ang totoo, curious ako kanina pa. Tapos ngayon lang nagkaron ng lakas ng loob. Sana hindi niya maisip na nanghihimasok ako. Kahit 'di niya sagutin, okay lang nama-

"School..." he echoed to himself. He bit his lower lip as if he's amused or something. "Malapit lang."

"Oh. Marami rin po bang kasing edad ko roon? O puro matatanda lang?"

Hindi ko masyadong napag-isipan ang mga ginamit na salita. Kaya naman nang naproseso iyon, dinapuan ako ng hiya kalaunan.

Matagal bago nakasagot si Zaro. Umangat ang isa niyang kilay kaya lalo kong nakumpirma na may mali akong nasabi!

"There's also little children... like you."

Pagak akong tumawa. Tinawa ko na lang ang pagkahiya at hindi na nagsalita pa.

Ilang sandali, biglang lumiko ang sasakyan sa isang establisyimento kaya napaahon ako mula sa kinauupuan. Iba-ibang uri ang mga nakahilera kaya hindi ko sigurado kung saan doon ang sadya niya.

As if he could read my mind, he answered it as he removed his seatbelt.

"Let's have lunch first."

Talaga?! Namilog ang mga mata ko sa tuwa. Napaturo pa ako sa isang kainan at hindi na matawaran ang kinang sa mga mata ko.

"D-Dito?"

He shifted on his seat and nodded.

"Bakit? May iba ka pa bang gustong kainan?" seryosong aniya, bumaba ang tingin at bahagyang inangat ang kamay na tila may inaabot.

Umiling ako at ngumuso. "Ayos lang! Kahit saan..."

My voice went slower when I realized he's aiming for my seatbelt.

He unbuckled it for me effortlessly, making him go near me. Pagkaangat ng tingin sa akin, hindi ko alam pero naghuramentado ang puso ko roon. Isama pa ang paraan ng titig niya sa distansiyang iyon at sa saglit na katahimikan pagkatapos.

"Thought so," he almost whispered.

Napakurap-kurap ako. Umangat ang gilid ng kanyang labi at tuluyan nang lumayo. Saka ko lang natantong pinipigilan ko na pala ang hininga.

"Wear this."

I looked down at his hand. Isang puting sumbrero ang nakita ko roon. Gusto ko mang itanong kung para saan, I think I was just too flustered about our recent interaction that I just follow his order without any words said.

Base sa mga magazine na nababasa sa mansiyon, mukhang alam ko ang tawag sa lugar na ito. It was a resto-bar with a cozy atmosphere for the dining area. Mas madilim ang parte sa dulong counter at tama lang ang dami ng customer ngayon.

Sa pagpasok pa lang namin, pansin ko agad ang intriga sa mukha ng mga tao roon. May iilang gustong lumapit para bumati ngunit sa huli, nakakatanggap ng hampas o kurot sa katabi para pigilan. Nauuwi na lang sa bulungan at hagikgikan lalo na sa mga babae.

"Thanks," Zaro uttered that made me come back to my senses.

Isang waiter ang nag-assist sa amin. Halata man sa hitsura nito na nagtataka sa ayos kong takip na takip ang mukha, ngumiti pa rin ito at nilapag ang dalawang menu sa harap namin.

"What's yours?"

"Uh... Kayo na po ang bahala."

Sinubukan kong mamili pero naisip ko, nakakahiya na lalo ito!

"Okay."

I let him decide for us. I also don't think I could handle to articulate my requests because it's just so ridiculous. Una pa lang, masyado nang nakakaabala ang nangyari kaninang umaga. Hindi ko na kayang dagdagan pa iyon.

Pagkaalis ng waiter, naging abala si Zaro sa kanyang phone. Hawak niya iyon gamit ang kanang kamay. Ang kaliwang braso, malayang nakapatong sa mesa. Nagtagal doon ang tingin ko.

I was always curious about that large scar on his arm. It was a cross mark.

Where did he get it? It looked bad. Ang natamo kong kagat ng aso ay lubos ko nang ikinasindak. What more in his case?

"Zaro?"

Kapuwa kami napalingon sa tumawag. Isang grupo ng apat na kababaihan ang nasa gilid ng table namin ngayon. Pagkalingon ni Senyorito, nagliwanag ang mukha nila na parang nakumpirma ang hula.

"Oh. I didn't notice you're all here, too," sa malumanay at kaswal niyang boses.

Tumayo siya para mas makabati nang maayos. It captured the attention of almost all the customers. Some were in awe, while some were in jealousy.

Naiintindihan ko iyon. Gustuhin man nilang lumapit din tulad ng apat na babae, mukhang tulad ko ay napangungunahan din sila ng hiya.

Kung tutuusin, inaasahan ko na na maraming nakakakilala sa Senyorito. Lalo na at isa siyang Castellano. Aaminin ko rin, ibang klaseng kaligayahan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang pinapanuod siyang pinalilibutan ng mga babae.

Kahit pala may ideya na akong marami siyang kaibigan sa labas ng mansiyon, iba pa rin kapag harap-harapan ko nang nakikita. Our differences were more highlighted than ever. While he's enjoying the most of his life, I was here, too mirthful to experience this now, that compared to his, my experience was surely just a little dot of his experiences in life. But I already felt contented.

It was just a short interaction. Though, watching them go all touchy was too overwhelming for me. Tinuon ko na lang sa paligid ang atensiyon at nilubos ang tanawin.

Hindi ko siguro kailanman maaabot ang ganoong antas ng pakikisalamuha. They're so intimate. I realized he has always been intimate towards other people, too. To his friends. Tulad kina Eliza, 'di ba?

"Sorry," he uttered.

Lumabas na nang tuluyan ang mga kakilala. Dumating na kasi ata ang sasakyan na pare-pareho nilang gagamitin.

Mula sa labas, nilipat ko ang mga mata kay Senyorito na nakabalik na sa upuan ngayon. Huli na nang na-realize ko ang sinabi niya.

"I didn't know they're here," he added, making me more confused.

Totoong kuryoso ako sa relasyon ng lahat sa kanya. Pero ang marinig itong humihingi ng tawad dahil doon ay hindi ko lubos maintindihan. Why was he sorry?

Ah.

Isang posibilidad ang nanghimasok sa isip.

"Dahil ba... nahihiya po kayo na marami kayong girlfriend?"

Kanina ko pa ito naiisip.

They're touchy. He's even cooperative. I could still even clearly recall how one of those girls rested her hand on his arms constantly. Ang isa naman, tuwing natatawa ay awtomatiko ang paglapat ng palad sa dibdib ni Senyorito. Idagdag pa na mukhang wala lang iyon sa kanya kaya baka nga...

Hmm?

"Why do I have this feeling that you're plotting something in your mind? Are you planning a murder?"

"H-Huh?!"

Halos matumba ko ang lamesa.

Humalukipkip siya at sumandal sa kinauupuan. Habang ang mga mata ay malubhang nakapukol sa akin, tila ba pinag-aaralan ang palaisipang nakalakip sa katauhan ko.

"I'm saying sorry because it must be uncomfortable for you... 'Yan ba ang tingin mo? Girlfriend ko sila?"

I was caught off guard. That's when I also knew I made another mistake. Guilty, I pinched my own hand under the table and pressed my lips in contempt.

"H-Hindi naman sa ganon. Pasensiya na. Pero ayos lang po sa akin. Hindi niyo kailangang mag... sorry."

"Yeah? Let's talk about your concept of me being a playboy."

"Sorry..." That's all I could think of.

Mula sa pagkakasandal, dinala niya ang nakahalukipkip niyang mga braso sa lamesa. In that posture, he leaned over, looking more attentive and serious about our topic.

"They're my blockmates. What made you think that they're my girlfriends?"

Nilihis ko ang mga mata. Dumapo iyon sa mga centerpiece ng table. Naisip ko ang interaksiyon nila kanina. Pati na rin ang mga salik na napansin na saklaw ng alaala ko. Napatikhim ako.

"That's how people treat their lovers, right?" I asked curiously before glancing at him.

Zaro looked surprised and confused. Pero sa huli, nangibabaw ang pagkamangha. He chuckled; it sounded so manly to me.

"Kanino mo nalaman 'yan?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, binato niya rin ako ng panibagong tanong.

Hmp. Ngumuso ako at ramdam na ang pag-init ng pisngi.

"Alam ko lang..."

His eyes narrowed. He's now looking at me in a very malicious and suspicious manner.

"Are you hiding a lover in our lands? May nangahas na bang manligaw kaya alam mo ang mga ganyan?" kritikal niyang tanong.

Mabilis akong umiling. Sa kung anong rason, ayoko ng konklusyon niya sa akin! I don't want my image to him be like that. Totoo naman kasing wala!

People loathed to look at me. Let alone seeing me as a girl and courting me!

"W-Wala pa iyon sa isip ko!"

His jaw clenched. "Hmm? Pero ang relasyon ko sa iba, iniisip mo."

Binalik ko na lang ulit ang tingin sa lamesa.

Tama si Zaro. I shouldn't have delved into his personal life. I was just a mere servant under their household so who was I to have a say on that? Or to even bring it up! Nahihibang na ata talaga ako.

Naging awkward na para sa akin ang sitwasyon. Buti na lang, dumating na ang mga pagkain namin kaya pansamantala kong inabala ang sarili doon.

Tama lang ang dami ng order. Pero nang may dumating ulit na panibagong servings, napatuwid ako ng upo habang pinagmamasdan iyong ilapag sa table namin.

Ang dami...

Gusto ko sanang isatinig pero pinigilan ko ang sarili. Baka pa gutom lang ang Senyorito. O may inaasahang iba?

I shook off another misleading thoughts away from my head and just engrossed myself to the foods. This is my first time to eat outside the mansion so might as well enjoy it.

"Who is it?"

Sa kalagitnaan ng payapang pagkain, napaangat ako ng tingin kay Zaro.

"Po?" I asked in confusion.

He returned my gaze. But for me, it was more breathtaking than mine.

"I don't have a girlfriend. So tell me which one of them bothers you," aniya at pagkatapos ay binalik ang tingin sa pagkain, animo'y pinapakitang ayos lang na kaswal naming pag-usapan ito.

Natahimik ako sa gulat. Posible bang... tulad ko, binabagabag pa rin siya ng usapan namin kanina?

Pero bakit? Dahil tulad ko rin, ayaw niyang mabahiran ng mantsa ang reputasyon niya sa akin? The only difference was, I knew, it's because maybe he wanted his image to his subordinates untainted. Because it might shrink ounces of honor and respect on his end, huh?

Kaya naman lumunok ako at umiling.

"Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ko naman po hinahayaang makaapekto ang opinyon ko sa trabaho..."

Zaro shifted his attention to me sharply. Binitawan niya ang kanyang kubyertos. I don't know if it's just me or he really was offended. At sa ayos niya ngayon, mukhang hindi niya ito palalagpasin.

"What do you mean by that?" he probed.

Kinagat ko ang labi at pinag-isipan nang husto ang isasagot. I couldn't afford him to be pissed off more.

"Na... hindi niyo na kailangang abalahin pang magpaliwanag. K-Kung tingin niyo po, mawawala ang respeto ko sa inyo bilang amo ko dahil lang-"

He groaned in the middle of my litany. Natigilan ako. Hindi na rin ako nagpatuloy dahil base sa pagpikit niya nang mariin, hinuha ko, mas lalo ko lang pinapalala ang kasalanan ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat ang gagawin!

"Look, it's not about that..."

The moment he opened his eyes, those words came out very softly. Nagulat ako roon.

Hindi ko inaasahan. Mas kapani-paniwala pa kung naging malupit siya sa akin kasi iyon ang pag-aakala ko! Tuloy, hindi ako nakapagsalita sa sobrang kalituhan.

It's not about his image as my superior being tarnished, he say. Kung ganoon, para saan pa?

"Gusto ko lang malaman. Iyon lang... Kaya sino sa kanila?"

Umawang nang bahagya ang bibig ko nang tanawin siya. He looked away before shaking his head, as if he's disappointed to himself or something.

This is so confusing. But on top of that, I was starting to delve inside my head to figure out my answer.

Can you believe that?

Sa kahihiyan, nagpanggap akong wala lang sa akin ito. Nagawa ko pang uminom saglit at pinaglaruan ang kutsara't tinidor sa plato bago sumagot.

"Lahat silang apat, uh... may hitsura naman. K-Kaya ayos lang. Tingin ko, gusto ka nila at... pauunlakan mo naman sakali. O baka..." Tinawa ko na lang ang nerbyos.

O baka nga girlfriend mo na. Pero ang sabi niya naman hindi, 'di ba? Totoong walang siyang girlfriend? Talaga? Why was it so hard to believe?

"Hmm?" His brow shot up.

Ngumuso ako. "Pero kung wala sa kanila... b-baka si... Nurse Reyes?"

His forehead creased at that. Lalong umusbong ang aking nguso. Hindi ko na nakayanan ang kahihiyan kaya tinakip ko na ang mga kamay sa mukha.

"She's just a family friend. I expected you to know it based on our conversation."

Hindi ko man tignan, rinig na rinig ko ang paglambot lalo ng kanyang boses. But there's a shade in it that's telling me he's enjoying this, too!

Dumiin lalo ang kamay ko sa aking mukha. I could go with this forever! But as if I wasn't humiliated enough, I was also surprised to hear myself blabbing another round of accusation.

"T-Then maybe she's in Manila? Si... Eliza..."

Really, Lumien?! Have you no shame?

I heard him chuckle. The low growl in his laugh made my heart race. Sa sobrang diin na ng kagat ko sa labi, paniguradong magdurugo na ito mayamaya!

"Why would she be in Manila?" he asked amusedly.

Napasimangot ako. Iyon lang ba ang narinig niya? I was being specific, too. Eliza!

"Katawagan mo pa nga-"

My eyes widened at that. Hindi ko na namamalayan ang pagiging padalos-dalos ng bunganga.

Kinabahan ako. I even felt my hands loosening up but just as soon as I knew it, I clenched my hands and slowly brought it down to my lap. What have I done?

"I have no idea," Zaro mumbled. "May katawagan akong babae ko?"

Sikreto akong nagdasal na sana... sana lamunin na lang ako ng lupa sa mga oras na iyon. O sana, bigla na lang akong tangayin ng hangin paalis dito. O maglaho na parang bula.

Umiling ako at mas tinago ang mukha. "H-Hindi. Uh... 'wag mo nang isipin 'yon. Ah..."

I panicked. Lalo na nang tumambad sa harap ko ang kanyang phone. Nilapag niya iyon at siya na rin mismo ang nagbukas hanggang sa mapunta iyon sa "Phone" at "Recents."

"Which one?" he asked gently as he scrolled back and forth.

He's too absorbed and watchful of it that he didn't catch me unconsciously staring at him.

"Hey."

I snapped from dozing off when he travelled his eyes from his phone all the way to me.

Sa sobrang guilt at awkwardness na nararamdaman, pagkahaba-haba na ng nguso nang tignan ko ang phone niyang nakabalandra na sa akin.

Tama ba pa ito? I felt like I don't deserve this much information about him. Showing me his phone like this... was making me bad. It was his private property but he went to this extent just to sate my doubts.

Do I deserve this?

"S-Sorry..." sa maliit kong boses, niliko ang tingin para iiwas ang mga mata sa screen noon. "Hindi na d-dapat ako nagsalita nang ganon..."

Nanatili ang titig niya sa akin. Sinilip ko siya nang konti. Kita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan bago bawiin ang phone. Siya na mismo ang tumingin doon.

"You don't have to be sorry. At least I'm able to know your thoughts... and come clean." Nagpatuloy siya sa pagsusuri doon. "Is it the other day? I got missed calls from friends though. But I was able to answer a contractor, a broker, Kuya, and... hmm... some of the team from my current project in VCS."

Hindi ako nakapagsalita. Tumatama ang liwanag na nagmumula sa phone sa kanyang mukha. Natulala na lang ako, ni hindi na sigurado kung nasusundan pa ba ang page-enumerate niya ng nakikita roon.

He scrolled it again while crossing his arms, probably to check the most recent ones.

"As of today, my first call was Ate Victoria. But I dialed Tito Danilo because of..." He trailed off when he caught me flinch.

Namilog ang mga mata ko at halos masamid sa sariling laway.

Ang totoo, kung may tawag man si Senyorito na tumatak sa utak ko, iyon ay ang tawag na natanggap niya kaninang umaga. I remembered his voice so sweet and soothing.

That's why knowing it was just probably Senyorita Victoria, who's apparently his sister, I wanted to dig the ground to escape this disgrace!

"Ha. Did I just burst the bubble?" He tilted his head.

Uminit ang pisngi ko. Dinampot ko ang baso at napainom ng tubig.

Umangat ang dulo ng kanyang bibig bago patayin ang phone at ibalik iyon sa bulsa.

"Tss." He pressed his nose and licked his lower lip before biting it, suppressing an inevitable grin.

Sinubukan kong sumimangot para ipakitang hindi iyon nakakatuwa para sa parte ko. I sighed for myself as I proceeded with my food. Kahit ang totoo, naglaho na ata ang gana ko.

"Hindi iniisip ang bagay tulad ng panliligaw, huh? Pero dinaig ko pa ang kriminal sa dami ng paratang sa'kin."

Kumalampag ang puso ko. Hindi naman ganon iyon. Pero tama siya. Maybe I really got ahead of myself too much. Saan mang anggulo ko tignan ngayon, hindi tama ang ginawa ko. O kahit hindi ko itanong sa kanya, ang isipin pa lang mga bagay na ganon tungkol sa kanya ay hindi na angkop.

Parang ganon na iyon. I judged him easily just because he's an intimate person.

Just because his practices and customs differ from mine in all aspects, it doesn't necessarily have to mean that he's bad... Especially when I'm also not good myself.

"The worst is all that has seen. Even when I'm trying my best to be good enough," he claimed quietly.

Our eyes locked when I lifted my head. For a second, everything around me slowed down, giving dire emphasis to this moment.

Zaro smirked without humor; he tore his eyes off me.

"My fault. It's not that I'm really nice anyway. Because no matter what I do, we really are the worst..."

Those were words without distinct meanings. But still, I felt surprisingly down since that happened.

Tahimik lang kami sa kanyang sasakyan nang pauwi na. Walang nangahas na manguna sa pagsasalita. Sa akin, dahil ang bigat ng loob ko sa pagiging padalos-dalos. I must've insulted him in so many ways. As per him, I have no idea. His words were ambiguous to me.

According to the familiar cemented road and sceneries, I was well aware that we're almost nearby their lands. Sa pag-aakalang hindi na madudugtungan pa ang bigat ng kalooban na dulot ng kay raming bagay ngayong araw, nagkamali ako.

Isang tawag kay Zaro ang nakapukaw ng atensiyon ko. May kung ano roon na nagsasabi sa aking may mali. Maikli man, bakas sa kanya ang pagkabahala. He even had to open the first two buttons of his dress shirt, eyes intent on the road.

Isang beses lang siyang sumulyap sa akin. Ngunit malakas na agad ang kutob kong hindi naging maganda ang takbo ng kakaibang tawag na iyon.

I so badly wanted to ask but I refrained myself with all my might. Hindi rin nagtagal, nakabalik na kami sa mansiyon. At hindi rin nagtagal, hindi ko akalaing masasagot na agad ang katanungan ko.

Pagkabukas ng pinto sa akin ni Senyorito, tanaw ko na agad ang kambal sa likod ni Nana habang papalapit sa amin para salubungin ang aming pagdating. One thing I noticed about their faces was, it was all weary and bothered at the same time.

Dumiretso si Zaro kay Nana pagkasara ng pinto. Kaya tumakbo na ako papunta naman sa kambal, bagay na nakapagpatigil kay Zaro sa paglalakad.

"Wait..." I heard him call but I was too worried about what could possibly happen.

Hinihingal pa ako nang tumigil sa harap ng kambal. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod sa pagtakbo o dahil sa bilis ng pintig ng puso.

"A-Ayos na ba ang lagay mo?" si Jacob.

Bumaba ang tingin niya sa aking braso pero hindi na iyon ang mahalaga sa akin ngayon. Si Jackie, tahimik lang at napapaiwas ng tingin. Kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa...

"May nangyari ba? Ano 'yon, Jacob?"

Nangilid na agad ang luha ko wala pa man ang hinihiling na sagot.

Halata ang pag-aalinlangan sa hitsura niya. Nagkatinginan pa silang magkapatid pero sa huli, bumuga siya ng malalim na hininga bago ako direktang tignan sa mga mata. Na kahit ramdam ko ang paglapit ni Zaro sa akin, buong atensiyon ko ay nakabuhos para sa paparating na balita.

"Si... Azul, Lumi..." Jacob declared hesitantly.

A sob flew out my mouth. I pushed the lump in my throat. Napatakip ako ng bibig. Ramdam ko ang hawak sa akin ni Zaro sa tabi ko ngunit tuluyan na akong nawala sa sarili.

"Sumakabilang-buhay na siya... ngayon-ngayon lang..."

Kung hindi lang ako hawak ni Senyorito, paniguradong bumagsak na ako sa lupa.

Naisip ko, ano ba talagang meron sa araw kung kailan lumilitaw ang kabilugan ng buwan... at bakit kahit anong iwas at pag-iingat ang gawin ko, walang nagmimintis na kapahamakan o kamalasan sa akin?

O siguro... naghahanap lang ako ng dahilan para may mapagbuntungan ng sisi at sama ng loob sa mga nangyayari. Pero ang totoo, kasalanan ko talaga ang lahat ng iyon.

All day that day, I mourned the loss of my companion. I did a very special request. So we buried him beneath the tree of Banalo, where we spent a couple of days having fun like there's no tomorrow.

I cried silently watching him lie on the ground for the last time—weak, peaceful, and breathless. I asked myself.

Was the world that angry at me to take away my one and only friend this instant? Na kung kailan umaayon na sa akin ang kaisa-isahang bagay, labag iyon sa mundo kaya agad ding binawi sa akin.

Ayon sa kanila, bigla na lang nanghina si Azul. Wala na ring pagkakataong ipadala sa vet dahil bukod sa malayo pa iyon, sa isang iglap ay tuluyan nang namayapa ang aso.

I couldn't help but blame myself for it. Have I made him eat something that made his stomach upset? Or does it have something to deal with the incident this morning?

I don't know. Walang nakakaalam kung bakit. Kaya sobrang sama ng loob ko.

Unti-unting sumapit ang gabi, kasabay ng paunti-unting pagdating ng mga kasapi sa ritwal na imbitado sa Castellano.

At times like this, I remember having no companion, lonely and listless in this diminutive gloomy room. Akala ko, magbabago iyon ngayon. Akala ko, kahit sandali lang, dito muna si Azul para samahan ako. Iyon ang plano ko simula pa kahapon. Pero malabo na 'yon ngayon.

I cried again everytime Azul's image flashed in my mind. Nagsimula na ang tradisyunal na ritwal. Naroon sila sa dalampasigan.

I could picture them out forming a big circle, sitting on their mats by the shore while commemorating the beauty and fortune coming from the full moon.

There will be burning sages and papers where they'll be writing their manifestations under the light of the heavenly body.

Para sa kanila, ito ang panibagong simula ng masaganang pamumuhay. Pero para sa akin, ito ang araw kung saan ako mahina at puno ng kamalasan.

Minulat ko ang mga mata; dahan-dahan akong bumangon. Tahimik na ang buong mansiyon at tapos na rin akong maghapunan. Wala man akong gana pero pinilit kong ubusin ang pagkain.

At this rate, they're probably gathered now to start the most of the ceremony. Pero heto ako, hindi makatulog.

Mula sa kutson, tiningala ko ang bintana nang nadama ang lamig. Narinig ko ang mabibigat na patak ng ulan.

Malungkot akong napangiti. Dahil tulad ng inaasahan, nagsisimula nang umulan.

It has always been like that. That's why it added an ultimate ounce of melancholy to my miserable situation.

Hindi ko alam kung anong oras na. Kaya hindi ko rin alam kung gaano ko na katagal niloloko ang sarili na mahihimbing agad sa tulog.

Bumangon ako at dinala ang sarili sa bintana. Mula rito, tanaw ko ang usok na marahil ay nagmumula sa seremonya na nagaganap sa dalampasigan.

Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin ng maulang gabi. Malayo man sa akin ang mga patak ng ulan, may mangilan-ngilan pa ring naliligaw at natatangay ng hangin patungo sa akin.

It's raining. But it's not going to be a reason for the people of Castel to stop the rites. Instead, it would actually motivate them to feel the rain. Since for them, it was a sign that the moon is there to heed their manifestations. The moon is there to listen to them.

Bakit kaya?

Bakit kaya taliwas sa paniniwala ng lahat, ibang-iba ang dulot sa akin ng buwan na iyan?

They say it's luck. But for me, it was an enemy. It was a premonition for more catastrophes coming my way for another lunar cycle.

Napangisi ako sa sarili habang unti-unting binubuksan ang mga mata.

Huh. Not just the world despised me, no? Even the moon. Probably even all the divine creatures out there. They're all against me. The people. All of them. They're all for one for a fight against me with burning torches and sharp pitchforks in their hands. With an objective of bringing me down.

Nabitin ang munting imahinasyon ko nang sa hindi inaasahang pagkakataon, napukas ng mga mata ko ang isang lalaki.

Nakatayo lang siya sa gitna ng malawak na lupain, nakatingala habang payapang dinadama ang marahas na ulan.

I narrowed my eyes to get a clearer view of the man. And God knew how dumbfounded I was when he opened his eyes and turned to take a glimpse of me.

I rubbed my eyes. I must be hallucinating, right? There's no way it could be Zaro! And it's impossible... why would he look up to glance at my window? If he really was Zaro, then he might be glancing the other way at least!

Gulong-gulo man sa lalaking nasa gitna ng kadiliman, hinila ko ang sarili paalis doon at nag-focus na lang sa pagtulog.

Kaso lang, pagkalipas ng ilang minuto, dalawang katok sa pinto ang nagpabangon muli sa akin.

I clasped my hands together as I strode my way to the door. Inabot pa ako ng ilang sandali dahil kung sino man iyon, kinailangan ko pa ring isuot ang contact lenses para iwasang magkaaberya.

Puno man ng kaba ang sistema, lumunok ako nang malalim at dahan-dahang pinihit ang seradura.

When I finally opened it, I was greeted by a pair of mysterious and fiery eyes.

My jaw dropped. In his soaked clothes and hair, Zaro took a step forward to me. I was glued on my place watching him fill the gaps between us.

My stomach hollowed and my mind went blank. I was almost close to asking what's he doing here... and why's he drenched?

I confirmed he really was the one standing there a while ago. Why'd he do that?!

But before I could even part my lips to say something of my mind, he grabbed me by the wrist using his cold hand.

Napatikhim ako. Biglaan man ang ginawa niyang iyon, bukod sa pagtataka at gulat ay wala na akong ibang negatibong naramdaman.

What is this...

With steady eyes and hard facade, he stunned me by his words that made me haywire. But my stupefaction was so great that I only stood there dumfounded, without a gesture, without a word.

"I have an offer," he spoke using his unusually thick voice.

Napakurap-kurap ako, takang-taka na!

"Anong-"

He shook his head and dismissed me with his authoritative, yet hoarse voice.

"I don't know what could happen after this. But I badly insist, Lumi. Please accept it..."

"What..." I trailed off.

Zaro swallowed hard... as his grip on me tightened, too.

Related chapters

  • That's What They Told Me   Chapter 12

    Chapter 12HerI went out of the SUV when we finally arrived in the place. My heart was beating against the walls of my rib cage and there was a flutter of butterflies in my stomach.Kung paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon ay palaisipan pa rin sa akin. Sa sobrang bilis ng mga nangyari, sa isang iglap, hindi ko akalaing posible pala ito.Hindi man makapaniwala na narito na ako sa ganitong kalagayan, pero ang gabing iyon, malinaw na malinaw pa rin sa akin. It was like a vivid dream, trancelike.At first, I had no idea what Zaro was talking about that night. Was he drunk? Was he in delusion?Wow! Delusion? Oh. The guts I had to say that!Kung meron mang nagdedelusyon sa amin, kumpara kay Senyorito ay mas malaki ang tsansa na ako iyon. Pero hindi. Siniyasat ko ang hitsura niya. At bukod sa basang-basa ito sa ulan, alam kong nasa tamang pag-iisip siya at seryoso. Marahil,

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 13

    Chapter 13Runes"Bye, Lumi!""Bye!" I waved back to them.Ngumisi si Janine habang hinihila na siya paalis ni Willa sa room. Sabi kasi nila, may pupuntahan sila sa kabilang bayan. Pista raw doon.They actually invited me, almost adamant to make me come with them but unfortunately, I got no time for that kind of stuff.In a span of one week, they managed to understand my situation. I always told them that my guardian was strict so I needed to get home immediately after classes.It's partly true tho. Iyon naman talaga lagi ang bilin sa akin ni Nana at wala akong balak na suwayin iyon. Letting me go outside the Castellano premises and study was already a huge debt of gratitude. The least I could do was to conform to their restrictions and be compliant to their biddings.Isa pa, abot-langit na ang kasiyahan ko na matamasa ang ganitong pribilehiyo. Wala na ata akong mahihiling pang ib

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 14

    Chapter 14Treat"Hello..." I greeted stupidly.His eyes shifted to where I came from before pouring me his whole attention.He's still wearing the dark blue dress shirt with sleeves folded until his forearms, maong pants, and timberland boots that he wore from school. Alam ko iyon dahil kahit hindi man kami nagkita kanina sa eskuwela, nakapagpaalam pa siya sa akin bago pumasok."Kinausap ka ni Tito?"I snapped out from my reverie. I must've been staring too much!"Oo. Uh... n-nangamusta la

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 15

    Chapter 15Eat"Anong nangyari?" eksaheradang hagilap ng impormasyon nila Janine pagkalapit ko.Hindi pa ako nakakaupo nang maayos. Puno ng pag-aalala kong sinundan ng tingin si Kael dahil pagkatapos ng nangyari, halata ang kawalan niya ng gana.Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko pa mabasa nang husto ang ugali ng ibang mga tao. O wala talagang pag-asa na maunawaan ko iyon dahil iba mag-isip ang mga lalaki.I wasn't quite sure. But my guts told me it has something to do with what transpired a while ago. Sure, I recalled Kael smiling at me but I wasn't an absolute fool to not notice something

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 16

    Chapter 16JealousIt was a Saturday, almost mundane. One that I've been missing a lot since I entered formal education.Tulad ng nakagawian, tumakas ako nang madaling araw upang hintayin ang bukang-liwayway, saksihan ang pag-indayog ng mga puno kasabay ng pag-ihip ng pang-umagang hangin.The scenery before me was just so picturesque. The vast body of water covering an enormous proportion of land swayed along the current. And it wouldn't be complete anymore with Azul's images constantly surging in my head like a flashback.I smiled as I lifted my head and hand, creating windows through my fin

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 17

    Chapter 17TuhogBumuhos sa aming lahat ang labis na kahihiyan dahil sa nangyari. Pero ilang sandali pagkalagpas sa amin ng grupong iyon, muling umingay dahil sa sisihan at kantyawan."Mga siraulo kasi kayo! Kanina pa kayo pinagsasabihan," anang Eric."Sana kasi sinabi niyong padaan sila Victor! Nakakahiya tuloy!""Rinig na rinig ba pangalan ni Kobe? Nakita mo 'yung hitsura ni Grace?! Priceless!"Napalitan ng tawanan ang tensiyon habang pabalik na kami sa classroom. May mga kaeskuwelang nakakakilala at bumabati sa amin. Tuwing may nagko-cong

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 18

    Chapter 18CrushZaro looked stunned for a second like he didn't see that coming. Later on, he licked his lower lip and clenched his jaw, back to his rigorous disposition."How did you know Lascano?" satinig niya sa wakas.I was taken aback. Was it the actual problem or was he deflecting the topic?Tumikhim ako at litong umiling, dahan-dahan dahil hindi mawari ang tamang sagot doon."Sikat siya sa school... kaya ko siya nakilala," I admitted uncertainly.His lips set in a hard line and grim

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 19

    Chapter 19Home"Huwag mo akong pahiyain sa hapagkainan," mahigpit na bilin ni Nana."Opo." Tumango ako tulad ng nakagawian.Pagkatapos naming magtrabaho at magpalit ng mas malinis na damit para sa hapunan, sabay na kaming bumaba ni Nana patungo sa bulwagan.Inimbitahan kaming dalawa ni Senyorita Victoria na sumabay sa pagkain ngayon. Madalas naman talagang kasama si Nana sa hapag pero minsanan lang ang ganitong pagkakataon na isali ako.Bakit kaya? Semestral break na namin. Tapos na ang unang sem namin sa school at nalalapit na ang pasko.

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • That's What They Told Me   Special Chapter

    Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi

  • That's What They Told Me   Epilogue (2 of 2)

    Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question

  • That's What They Told Me   Epilogue (1 of 2)

    Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an

  • That's What They Told Me   Chapter 45

    Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things

  • That's What They Told Me   Chapter 44

    Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li

  • That's What They Told Me   Chapter 43

    Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..

  • That's What They Told Me   Chapter 42

    Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan

  • That's What They Told Me   Chapter 41

    Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe

  • That's What They Told Me   Chapter 40

    Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status