Chapter 12
Her
I went out of the SUV when we finally arrived in the place. My heart was beating against the walls of my rib cage and there was a flutter of butterflies in my stomach.
Kung paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon ay palaisipan pa rin sa akin. Sa sobrang bilis ng mga nangyari, sa isang iglap, hindi ko akalaing posible pala ito.
Hindi man makapaniwala na narito na ako sa ganitong kalagayan, pero ang gabing iyon, malinaw na malinaw pa rin sa akin. It was like a vivid dream, trancelike.
At first, I had no idea what Zaro was talking about that night. Was he drunk? Was he in delusion?
Wow! Delusion? Oh. The guts I had to say that!
Kung meron mang nagdedelusyon sa amin, kumpara kay Senyorito ay mas malaki ang tsansa na ako iyon. Pero hindi. Siniyasat ko ang hitsura niya. At bukod sa basang-basa ito sa ulan, alam kong nasa tamang pag-iisip siya at seryoso. Marahil, iyon na ang pinakasukdulan ng kaseryosohan na nakita ko sa kanya.
"Anong... offer?" I asked reluctantly when the silence stretched more than usual.
Nag-aalala ako. He's cold. He needed to change his clothes as soon as possible so I wanted to wrap it up immediately.
After a while, I felt his thumb gently caressed my skin. Bumaba sa palapulsuhan ang tingin ko, kung saan siya nakahawak, dahil kakaibang kuryente ang nanuot sa buong katawan. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
"Earlier, you're enthralled by that certain part of the trip," he asserted so I shifted my eyes to him, confused.
"A-Ano pong ibig niyong sabihin?"
Out of a sudden, he smiled faintly. I was mesmerized by that view. But I didn't expect that I would be thrilled more after the next thing.
"Alam kong gusto mong mag-aral. I can teach you myself but attending school with other students... is different, so..."
"So?" I gasped in extreme anticipation, eyes very focused on him, almost pleading to continue.
His adam's apple moved when he swallowed hard. Mula sa aking palapulsuhan, nilakbay ng kanyang kamay ang distansiya patungo sa aking mukha.
Inangat niya iyon para tignan akong mabuti. Iyon pa lang, ngunit halos maiyak na ako sa sobrang tuwa.
"I've been thinking of enrolling you to my school..."
My jaw almost dropped. Nabibingi na ba ako?
"P-Pwede po iyon?"
"Yeah," he answered. Bahagya niyang inayos ang ilang tikwas ng aking buhok at nilagay sa likod ng tenga ko. "Tulad ng sabi ko, hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito. But please, accept my offer..."
Late at night, that's his offer! This abrupt! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang daming katanungan sa utak ko pero sa huli, maligayang tango ang naging sukli ko sa alok ni Senyorito.
We discussed about it the next day. I served him his breakfast. I asked him if it was still okay to attend school out of a sudden. Magtatatlong buwan nang nagsimula ang klase. At isa pa, sa tanang buhay ko ay ito ang unang pagkakataon na makakapasok ako sa eskuwela! Kung sakali! Is it really possible?
"Processing your papers and documents for your enrollment is not the problem," iyon ang naging sagot niya kaya kuryoso akong napatuwid ng upo.
"Ano po pala?"
Marahan siyang umiling at humalukipkip sa kanyang upuan.
"Nana Laura and my family might object. You're still not allowed to leave the premises, Lumi."
I fell into a trance.
Now that he mentioned it, the building hopes inside me crashed in an instant. Napayuko ako. Nakita ko ang paghigpit ng hawak ko sa kubyertos.
Ah. I almost forgot about that. Sa sobrang saya, halos mawala na sa isip ko ang realidad na nakahaligi sa pagkatao ko.
"But don't worry. I'll do something about it, okay? All I want you to do is to prepare for it. And keep that smile on your face for me."
I looked up... and I was again convinced by that face.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagdalas ng tawag ng mga kapatid niya sa kanya nang nabalitaan iyon. Tuwing ganoon, pinipili itong sagutin ni Senyorito nang pribado. Maging ang pag-uusap nila ni Nana hinggil sa pagpasok ko, itinatago rin sa akin.
It must be something really controversial to them. For so many years, the idea of me–leaving the premise to go outside–was a taboo for them. And I felt stupid for not knowing why. It's been years but even just a mere hint, I didn't have any.
Pansin ng lahat ang pagiging aburido at pagdalas ng init ng ulo ni Nana sa mga nagdaang araw. Apektado lahat ang mga trabahador ng Castellano. Nagi-guilty ako. Tuwing sinusubukan kong magsimula ng usapan ni Nana, tinatalikuran lang ako o hindi naman kaya ay malamig ang tungo sa akin.
Sumapit ang isang araw sa almusal, sinubukan ko na lang bawiin ang pagpapaunlak sa alok ni Senyorito. Binitawan niya ang kanyang kubyertos at matamang tumingin sa akin nang ilathala ko ang tungkol sa pagbawi ko ng sagot.
He parted his lips, probably to ask further. Pero inagapan ko iyon sa pamamagitan ng pagngiti.
"Nagpapasalamat po ako sa oportunidad, Senyorito. Pero... kung ang pagpasok ko sa eskuwela ay nangangahulugang magugusot ang relasyon ko kay Nana, at ng relasyon niyo sa pamilya niyo, m-mas mabuti po siguro kung... hindi ko na lang ituloy," tikhim ko sabay iwas ng tingin. "Una pa lang naman, alam ko pong imposible..."
Matagal kong pinag-isipan ang desisyon 'yon. Kung may nakakaalam man kung gaano ko ninanais ang makapag-aral at magkaroon ng kabuluhan ang buhay bukod sa pananatili rito sa mansiyon bilang tagapagsilbi... ako iyon. Ako lang.
Kaya kung gaano kasakit ang humantong sa ganitong pasya ay sobrang pait sa akin. But what could I do? I couldn't afford studying at the expense of our stained relationship with the people we loved.
Naisip ko. Makakaya ko naman siguro ito. Matitiis kong mabuhay nang kontento sa loob ng kulungang ito. Siguro...
Pero ang magkaron ng gusot ang lahat nang dahil lang sa makasarili kong hiling, hindi bale na. Hindi kaya ng konsensiya ko. Ayoko noon.
Zaro wiped his hands with a clean table napkin. Instead of giving me his response, he sighed and got up from his seat.
Isang envelope ang kinuha niya mula sa drawer. Natuon doon ang atensiyon ko. Pagkalapag niya noon sa coffee table, muli siyang bumalik sa pagkakaupo at pinagmasdan ang bawat reaksiyon ko.
"P-Para po sa akin?" I asked reluctantly.
He reached for his drink. He lifted it then looked at me over the rim of the glass.
"Beats me." Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang uminom doon.
Lumien Agapito
Female
Province of Castel
16 Feb 20xx
Laurita Agapito
Bahagyang kumunot ang noo ko habang kinikilatis ang unang dokumentong tumambad sa akin.
"This is..." I blinked repeatedly, unable to manage my words.
"Your birth certificate, application forms, transcripts, and other requirements," Senyorito resumed.
"Paanong..." I peeked at the rest and my jaw slacked more. "These are mine? P-Pero paano sila Nana? S-Sina Senyor Danilo, ang mga kapatid niyo po?"
He smiled with a sigh. But his eyes looked languid.
"I told you to trust me... Si Nana Laura na rin ang nanguna sa pag-aasikaso ng birth certificate mo. Then I have someone who took care of the rest. It's all settled, little girl. You just have to fill in the form."
Nasa kalagitnaan pa lang ang Senyorito sa pagpapaliwanag, ramdam ko na agad ang pangingilid ng mga luha ko.
Agad ko iyong pinalis. Ikiniling niya ang kanyang ulo para pagmasdan ako nang maiigi. Kaya binalik ko na lang ulit ang mga mata sa hawak na mga dokumento para makatakas doon.
"Thank you..." I whispered under my breath, gripping the corner of the envelope unconsciously, barely breathing.
"Yeah..."
Suot ko na ang munting ngiti nang iangat sa kanya ang tingin. Habang siya, nanatiling seryoso.
I was even surprised to caught him closing his eyes peacefully, like he's trying to keep himself in check.
Isang sulyap pa sa birth certificate, saka ko lang natantong parang may kakaiba roon.
"Uh... para pong may mali?"
Nagdalawang-isip pa ako. Hindi ko kasi sure. Isa pa, nakakahiya kung na-finalize na ito pero heto ako, may gana pang pumuna.
Senyorito opened his eyes and looked at me. Everything turned overwhelming and too much for me when he abruptly stood up just to attend my concerns!
"Hmm?" he asked.
Zaro went beside me and crouched a bit to reach it. Nilagay niya ang isang kamay sa sandalan ng upuan ko at ang isa ay nakahawak na sa dulo ng mga papel para i-check iyon.
My lips trembled.
"I-Iyong pangalan ko. Dapat Lumien Castellano po siya..." I claimed like an all-knowing.
Tumingila ako para sulyapan ang kanyang opinyon. Kaso lang, mula sa mga hawak, lumipat lang ang seryoso niyang mga mata patungo sa akin.
"Is that so?" He tilted his head.
Now, his hand on the paper went down to the table, almost cornering me with his huge frame.
It was suffocating and too much to take. Gusto kong palakpakan ang sarili dahil nagawa ko pang tumango sa sitwasyong iyon.
"Opo..." I answered slowly.
"But we can't do that yet..."
"H-Huh?"
Isang pikit ng mga mata, namungay iyon. Lalong nadepina ang pagod sa kanyang hitsura.
"Look, you're still a Castellano... But for the sake of papers, Nana took the guardianship because you can't be... Castellano... yet..." He bit his lip and groaned.
Napayuko ako at tinitigang mabuti ang hawak. Nakaramdam ako ng konting tampo.
I thought I was a Castellano? Was he lying to me then because he just pitied me? But truly, his family really couldn't accept me as their member?
"Lumi, we can settle for Agapito for now," marahan niyang mungkahing muli.
Gamit ang mailap na ekspresyon, dinungaw ko ulit siya at bahagyang sumimangot.
"I thought I'm a Castellano..."
He nodded. He sighed heartily before stroking my hair using his hand from the backrest.
"Don't worry. We'll change it to Castellano someday... Are you okay with that?" namamaos niyang sabi.
"Bakit hindi pa ngayon?" kuryoso kong tanong.
The corner of his lips rose slightly. Nagpatuloy siya sa ginagawa sa buhok ko at doon nilipat ang tingin.
"Not yet..." halos bulong niya sa hangin. "May kailangan tayong sundin na proseso."
Whoah. My eyes widened.
I didn't know that!
"But we'll get there soon, alright?" sulyap niya muli sa akin.
"Is that a promise?"
He seemed shocked and stunned by that. Pati ang haplos niya sa aking buhok ay bahagyang natigil, animo'y nagising siya mula sa panaginip at nahimasmasan na sa totoong realidad.
Natahimik ako sa pagtataka.
He licked his lips before fixing his posture. Tumuwid siya ng tayo. Hindi ko alam. Pero pansin ko ang pagiging mailap ng kanyang mga mata pagkatapos noon.
"Right," he assured me before straining a smile.
Ngumuso ako at pinalagpas iyon.
Okay! I'll trust him with that. I wasn't sure if it's legal to change names several times but fine, I'll settle with this since he told me we should follow the legal procedures.
Kaya naman ang pagdating ng araw na pinakahihintay ko, nag-aagaw ang excitement at kaba ko ngayong Lunes.
"Dito na ako," si Nana sa malamig na tono.
Pagkababa ko sa sasakyan, iyon agad ang paalam niya. Gumapang ang kaba at takot sa akin. I surveyed the place using my eyes and my throat quivered just by looking at this new unfamiliar setting.
"B-Babalik na po kayo agad, Nana?"
I was hoping for her to say no and tell that she'd accompany me for a while. Even just for a bit. I was hoping.
But when she shook her head and reached for the door of the car, preparing to close it, I was taken aback. My grip on my bag tightened.
"Natatakot ka? Hindi ba ginusto mo 'yan?"
I winced. Hindi ko na nagawang makapagsalita. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Yumuko na lang ako bilang paalam, iniisip kung paano ko malalagpasan ang unang araw na ito nang mag-isa.
Akmang isasarado na ni Nana ang pinto ng sasakyan. Pero ilang sandali, huminto iyon at hindi pa tuluyang naisara.
Sa pagtataka, umahon ako mula sa pagkakayuko upang tanawin kung anong nangyari. But all I noticed was Nana's bothered face fixated on me. Hirap siyang umiling at bumuga ng hangin.
"Nangako si Victor na siya na ang bahala sa unang araw mo rito. Matanda na ako at hindi na kayang umakyat-panaog sa mga gusali. Mas kabisado niya rito," she stated.
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. I realized it's not that she would let me off-the-cuff. I thought Nana would leave me alone just because she still hold grudges against me.
Napangiti ako. It's a relief to hear that.
"Mauuna na ako. Galingan mo sa unang araw mo ng klase. At ang mga bilin ko, Lumi... Mag-iingat ka sa mga tao," seryosong babala nito kaya tumango ako.
"Naiintindihan ko po, Nana. Ingat din po kayo!"
Tumulak na sila paalis at naiwan ako sa kawalan. Hinawakan ko ang puso ko at dinama iyon. This should be good, right? I can do this. It's not as if it would render me death.
I maintained a positive mindset before turning around to find the school grounds. Ayon kay Nana, si Senyorito raw ang bahala sa akin ngayon. Napalabi ako.
He left first this morning because he had an earlier schedule than me. Habang iba-iba ang schedule ng Senyorito kada araw, sa akin naman ay consistent na pangtanghali ang pasok at hapon ang uwian.
I guessed that's how college life works, huh? Very different from my curriculum.
Base sa pagkakaalam ko at sa mga form na sinagutan, Grade 11 ang baitang ko ngayon. Wala akong ideya kung paano naging posible ang lahat. I didn't have any valid records for my transcript since I didn't possess any history of proper education.
Besides, this is the first. Ni hindi ko alam kung makakasabay ba ako sa mga kamag-aral dahil bukod sa unang beses ko ito, tatlong buwan pa akong napang-iiwanan sa klase.
I was wearing the private school's uniform just like any other senior high students and a plain purple bag on my back. Nanatiling nakalugay ang itim at mahaba kong buhok. Maging sa itim na sapatos ay naninibago pa ako.
I chewed on my lower lip as soon as I was exposed to the rays of sunlight, telling me that I was already at the school grounds.
Napatikhim ako, bahagyang naestatwa sa kinatatayuan dahil sa wakas, natunghayan na ang pinaghalo-halo at malaking crowd ng mga estudyante.
I can't believe this is happening! One step forward and I could blend in right away! Tell me this isn't a dream, please. Kung hindi ko pa pipigilan ay maiiyak na ako!
Bumuga ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa lakad. Inaliw ko ang sarili sa pamamagitan ng pagtanaw sa buong paligid.
Hile-hilera ang mga gusali. Sagana rin sa mga halaman at puno ang loob, samantalang may matayog na monumento sa pinakasentro ng eskuwelahan kung saan nakaukit ang logo at tagline ng school sa ilalim ng estatwa ng founder.
Just like what I expected, variety of students and groups caught my attention. Just by looking at them, it sent me a euphoric feeling.
Nakakatuwa rito. May mga grupo na puro babae lang, puro lalaki, at meron din namang halo. May mga grupong naka-uniform, pero may iba ring nakasuot ng unipormeng panlaro sa isang partikular na sport. May mga atleta, may mga kasing edad ko at meron ding mga kasing edad ni Zaro kaya hinuha ko ay mga kolehiyo iyon.
Hindi tulad namin, malaya silang magsuot ng gustong damit hangga't naaayon iyon sa dress code ng eskuwelahan. Wala na kasi silang uniform kaya doon ko natanto kung bakit paiba-iba ang suot ni Senyorito kada napasok.
He's also right though. In this academy, older people could socialize with the younger ones, too. But according to Zaro's heads up, he's told me that their buildings were separated from us. Ganoon din ang building ng mga senior high sa mga junior high.
Kung ikukumpara sa eskuwelahang tinititigan ko noon sa byahe, natanto kong mas moderno at nagsusumigaw ng karangyaan ang mga establisyimento at mismong mga tao rito. Kaya naman naisip kong baka mas mahal din ang matrikula, bagay na hindi kayang tanggapin ng konsensiya ko.
I could manage to study in a public school, though. This school must be expensive...
Nabagabag man sa parteng iyon, aaminin kong sa kabila ng lahat, hinding-hindi matatawaran ang kasiyahan ko sa mga sandaling ito. Pansamantala kong nalimutan ang kaba at takot na nananalaytay sa akin kailan lang.
Everything felt too surreal, to the point that I turned inattentive with my surroundings. Dahil sa isang iglap, natigilan ako sa pagmumuni-muni at paglalakad nang bigla akong sumalpok sa isang tao.
Agad kumalabog ang dibdib ko. Kabado kong inangat ang tingin pero nang natanto ang nangyari, mabilis din akong yumuko para humingi ng tawad.
"Hindi ko po sinasadya. Pasensiya na po!"
Nakakuha iyon ng kaonting atensiyon. Mariin kong kinagat ang labi dahil dama ang pang-uusisa ng iba. Meron pang mga estudyanteng napapatigil pa para lang silipin ang nangyari.
"It's okay. Ms. Agapito, right?"
Para akong nabunutan ng tinik. Huli na nang nagtaka kung bakit alam nito ang apelyidong gamit ko ngayon. Was it normal?
I nodded as I faced the middle-aged woman in her formal uniform. Blue blouse and black pencil cut skirt.
Nagpatuloy ang mga estudyanteng naabala namin sa daan. Ngunit namataan ko ang iilang lalaki na napapagawi pa rin ang tingin sa banda namin.
It wasn't what I planned. Hangga't maaari ay ayokong makaagrabyado ng iba sa unang araw pa lang!
"Thank goodness. Kanina pa kita hinahanap," aniya.
"Hinahanap niyo po ako?"
She smiled. She fixed her thick eyeglasses and her shoulder-length hair swayed when the wind blew. Ganoon din ang nangyari sa akin kaya bahagya kong inayos ang buhok.
"Yes, I am Mrs. Borja by the way. And I'm your homeroom adviser."
"Oh! H-Hello po..."
Tipid siyang tumango at sinilip ang kanyang orasan.
"Mr. Castellano asked me a favor to assist you to your first class since unang araw mo pa lang ito. Let's go?"
Nagulat ako roon. Kung ganoon, ito ang ibig sabihin ni Nana? I thought it's going to be Senyorito himself. But I guessed he must be too busy to personally accompany me with this so I shrugged.
Sa huli, tumango na lang ako at sumunod kay Mrs. Borja. Iyon nga lang, hindi pa man kami nakakarami ng hakbang, naagaw agad ang atensiyon ko nang napansin ang pagsisimula ng intrigang mga bulungan at impit na sigawan sa paligid.
"Ah. He's right there," turo ni Mrs. Borja sa hindi kalayuan.
Pagkalingon, laking gulat ko nang natanaw ang Senyorito. Awtomatikong nagsalubong ang aming mga tingin kaya panandalian akong nanigas sa kinatatayuan ko. Bagay na pagkakapareho ko sa iba ring estudyante.
Napalilibutan siya ng mga kaedaran, siguro'y mga kaibigan o kaklase dahil base sa nakikita ko, naroon din ang apat na babaeng nakasalubong namin sa isang kainan.
May mga lalaki rin at iba pang babae. Puro nakasibilyan kaya malamang ay mula lahat sa college department. At isa siya sa pinakamatatangkad doon.
"My gosh! Break time na nga pala nila!"
"Oh? Aga lumabas nila Victor ngayon, a!"
"Tignan mo. Parang higad na naman kung makadikit sina Grace!"
"Ang kati! Palipat-lipat! Sus, kaka-break lang kay Kobe, kinakalantari naman si Zaro!"
"Close sila, 'di ba? Tsaka maka-Zaro ka parang kababata mo lang, a?!"
"Shh! Marinig kayo ng mga 'yan. Nakakahiya kayo!"
I swallowed hard when I heard different voices chattering about their group. Kung tutuusin, inaasahan ko na ang imahe at reputasyon niya sa lugar na ito. Ngunit ang personal itong masaksihan ay nakakamangha pa rin para sa akin.
People surely admired them. Especially him. I heard mostly about him from other students so that's when reality latched onto me. That compared to those people who put him on the pedestal, I was just a little grain of its totality.
Tipong ang pagtatagpo lang ng mga mata namin ay posibleng nagkataon lang. O posibleng nag-iilusyon lang ako at alam kong hindi ako nag-iisa.
Of course, he had the kind of face that stopped everybody in their tracks. Looking at him now, I guessed he must get used to that—the sudden pause in a person's natural expression when they looked his way, followed by a smile when he also begins to smile because it's contagious and mesmerizing.
Just like now. It's like a visual party, made open for everyone in this place at the very moment.
Mula rito ay tanaw ko ang pakikipag-usap sa kanya ng mga kasama. Tanging tango at ngisi lang ang ginagawa niya nang lumipat naman ang tingin sa tabi ko.
Maybe to Mrs. Borja? But since I wasn't really sure if he's looking this way, it's hard to tell. However, when his brooding eyes shifted to me again, I cleared my throat and looked away.
"I hope you won't mind me asking, hija. Kaano-ano ka ng mga Castellano?" kuryosong tanong sa akin ng ginang sa kalagitnaan ng pag-akyat namin sa isang building.
Maraming humihinto para bumati sa kanya. At karamihan doon ay napapatigil tuwing nahahagip ako ng mga mata. Tahimik lang ako at nakasunod kay Ma'am. They're probably wondering about my sudden existence.
And now that it's being brought up, to be honest, I wasn't prepared for this kind of questions.
Ano ba ang dapat ko isagot? Should I be honest and tell everyone that I'm just a helper whenever they ask me?
Biglang natawa si Mrs. Borja kaya taka akong napabaling sa kanya.
"It seems to me that you're still uncomfortable and shy. Ayos lang kung hindi mo sagutin. But since you're under Mr. Castellano's watch and you're my student, I hope you'd be comfortable soon in our school."
Nag-init ang pisngi ko. "Maraming salamat po..."
Wow. Hindi ko namalayan ang ngiti.
She's very kind. And how often do I encounter such kind people on a regular basis? Very rare, almost once in a bluemoon...
Kaya naman nang igiya niya ako sa isang classroon na okyupado na ng mga estudyante, may lakas ng loob na ako kahit papaano. Sing bilis ng kidlat ang pagtahimik at pagbalik ng mga ito sa kani-kanilang puwesto.
Ma'am Borja beckoned me to go beside her so I followed timidly. Sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante, o siguro, ang mga magiging kaklase ko.
Mga kaklase ko...
My cheeks flushed at that thought. Bakas man sa hitsura nila ang pagtataka sa aking presensiya, nagpatuloy sila sa kanilang bati.
"Good morning, Mrs. Borja!" they greeted in unison—loud, energetic, but slow-paced.
"Good morning, class. This is your new classmate, Lumien Agapito. So, I'm looking forward that you'll be nice to her." Bahagya siyang tumigil at makahulugang nilipat-lipat ang mga mata sa buong silid. "...especially boys."
Nagtawanan ang mga ito at nagulat ako nang biglang may nagtuksuhan.
With muddled thoughts, sweaty palms, and butterflies in the stomach, I saw expectant eyes, all glued on me.
I forced a smile but I probably looked constipated wearing it. So in the end, I just bowed my head and pushed the lump in my throat uneasily.
"Hi..." My voice croaked.
My eyes accidentally landed on the boy at the front row.
I noticed his face reddened a bit. Tinulak siya ng katabi ring lalaki kaya nalipat sa kanya ang tingin ko. Nahagip din iyon ng mata niya at natulala nang sandali kaya panibagong asaran na naman ang naganap.
My lips curved because even if it's all confusing, it seemed familiar. Naalala ko ang grupo ng mga estudyante sa labas ng eskuwelahang iyon, nag-aasaran ngunit masaya pa rin. Could it be similar to that?
Mayamaya ay pinaupo na silang lahat ni Ma'am Borja pagkatapos ng maikling sermon. Tinuro niya sa akin ang nag-iisang bakanteng upuan sa dulo, sa tabi ng babaeng nakatirintas ang buhok.
Nagpasalamat ako bago pumanhik doon kahit ang totoo, ramdam ko pa rin ang pangangatog ng tuhod.
"Hello." The girl with a braided hair smiled at me.
Noong una, nabitin pa ako sa pag-upo. Napaturo ako sa sarili dahil sa gulat. Tumango siya at natawa.
"Syempre ikaw."
"Ah!" Tinawa ko ang pagkabigla at hiya na pinagsama. "H-Hello..."
"Lumien, ano?" she probed enthusiastically.
"O-Oo. Ikaw?"
Umayos siya ng upo at tinitigan ako nang mas mabuti. Kita ko ang paggalaw ng mga mata niya patungo sa iba't ibang parte ng mukha ko. My face heated.
"Janine. Tapos ito naman si Willa," sabay turo niya sa isa pang katabing babae na may maikling buhok at malusog na pisngi.
She's not chubby. But the shape of her face looks cute to me!
"Hello!" I waved at them.
They both smiled. Whoah. Totoo ba ito? They're not just talking to me. They're... They're looking at me... straight in the eyes!
Sa mga sandaling iyon, para akong lumulutang sa hangin. Ibang-iba iyon sa karanasan ko sa lupain ng mga Castellano. Natanto kong hindi ako kilala ng mga nandito. Kaya naman tinatak ko sa utak na magpakabuti lalo sa school. I couldn't afford if other students treat me, too, the same way I was treated in the mansion.
Posible pala ito...
Pakiramdam ko kasi, panaginip lang ang lahat. At kung ganoon man, hihilingin kong sana'y huwag na muna akong gisingin...
We all agreed to continue our conversation later. Isa raw kasi sa mga pinakaayaw ni Mrs. Borja ay ang mga estudyanteng walang respeto sa mga guro ano mang oras, lalo na habang nagtuturo.
Nagsimula na ang klase pero hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung tungkol saan ba ang topic. Idagdag pa ang mga panakaw na sulyap ng ibang kaklase sa direksiyong ito.
Bukod sa nako-conscious ako dahil halatang isang palaisipan pa rin sa kanila ang bigla kong pagsulpot, napapasinghap din ako tuwing napapansin ang palihim na bulungan pagkatapos nilang tumingin sa akin.
I noticed how my hands trembled.
Pamilyar iyon. Laging ganon sa mansiyon kaya unti-unti akong nakakaramdam ng bigat sa loob.
"Mr. Castellano!"
Huh?
My head instantly rose when the surroundings went in a state of clamor. Namilog ang mga mata ko nang natanaw kung bakit.
Hmm? Why so sudden?
Outside our room was Zaro with a pile of papers in his hands. Tipid niyang tinango ang ulo bago humakbang papasok sa classroom.
Nagsimulang umingay. Maging ang mga nasa labas ay napapasilip na rin mula sa bintana.
Samantalang ako, napatuwid sa pagkakaupo habang mapagmatyag ang mga matang sinusundan ng tingin ang Senyorito na kasalukuyang papalapit kay Mrs. Borja.
"Oh? Kina Greg ko pina-check ang mga ito, ha?" gulat na sambit ng ginang pagkakita sa dala niya.
"Opo. Pinasuyo na lang muna sa akin dahil may meeting sila ngayon."
"Ha? Salamat, Mr. Castellano! Naku, nakakahiya naman. Sana kahit mamayang dismissal na lang hinatid ni Greg sa faculty."
Nilapag na ni Senyorito ang mga papel sa table ni Mrs. Borja at tumango.
"Wala naman pong problema. Pwede rin po akong utusan minsan."
Natawa si Mrs. Borja na para bang imposibleng mangyari iyon at umiling-iling.
"Hindi bale na! Salamat ulit."
"No problem. At... thank you din, Ma'am."
He smiled a bit. Saglit na napaisip ang ginang at nang mukhang nakuha iyon, napasulyap sa gawi ko kaya napakurap-kurap ako sa gulat. Hindi pa nakatulong nang tanawin din ako ni Senyorito baon pa rin ang pormal at seryosong eskpresyon.
My classmates squealed at that.
"Anytime, hijo. That's nothing." Mrs. Borja smiled.
Zaro tore his eyes off me and shifted them to Mrs. Borja.
"But to me, it means a lot."
He paused momentarily. Mrs. Borja gave out a puzzled smile at that. And I didn't know if it was just me or he really did glance at me again.
"I want to say sorry to her if I wasn't able to do it myself. Since I know it'll make her uncomfortable in public."
Wait... what?
Natulala ako habang nakikinig doon. Maging ang ginang at mga kaklase, litong-lito na rin ang histura pero inignora niya lang iyon at umamba nang aalis.
"Anyway, I'll go ahead, Ma'am. Sorry for interrupting your class."
"A-Ah, that's okay, that's okay! Sige, hijo. Salamat ulit!"
Isang tipid na ngisi lang ang iginawad niya bago tuluyang lisanin ang kwarto. Naging gatilyo iyon para sumabog sa intriga ang buong lugar.
"Her! Sinong babae tinutukoy ni Kuya Victor, Ma'am?"
"Share naman, Ma'am! Mahal mo naman kami, 'di ba?"
"Baka rumored girlfriend niyang taga-Maynila?"
Pagkatapos akong silipin, nag-aalangang ngumiti si Ma'am at hindi makapaniwalang napailing.
Pansin ko ang sulyap nila Janine sa akin. Pero mayamaya, hindi na napigilan at nakisabay na rin sa mga nakikiusyoso.
Sa huli, balisa kong tinago ang mukha sa kamay, napapikit na lang sa makapigil-hiningang sandali.
Chapter 13Runes"Bye, Lumi!""Bye!" I waved back to them.Ngumisi si Janine habang hinihila na siya paalis ni Willa sa room. Sabi kasi nila, may pupuntahan sila sa kabilang bayan. Pista raw doon.They actually invited me, almost adamant to make me come with them but unfortunately, I got no time for that kind of stuff.In a span of one week, they managed to understand my situation. I always told them that my guardian was strict so I needed to get home immediately after classes.It's partly true tho. Iyon naman talaga lagi ang bilin sa akin ni Nana at wala akong balak na suwayin iyon. Letting me go outside the Castellano premises and study was already a huge debt of gratitude. The least I could do was to conform to their restrictions and be compliant to their biddings.Isa pa, abot-langit na ang kasiyahan ko na matamasa ang ganitong pribilehiyo. Wala na ata akong mahihiling pang ib
Chapter 14Treat"Hello..." I greeted stupidly.His eyes shifted to where I came from before pouring me his whole attention.He's still wearing the dark blue dress shirt with sleeves folded until his forearms, maong pants, and timberland boots that he wore from school. Alam ko iyon dahil kahit hindi man kami nagkita kanina sa eskuwela, nakapagpaalam pa siya sa akin bago pumasok."Kinausap ka ni Tito?"I snapped out from my reverie. I must've been staring too much!"Oo. Uh... n-nangamusta la
Chapter 15Eat"Anong nangyari?" eksaheradang hagilap ng impormasyon nila Janine pagkalapit ko.Hindi pa ako nakakaupo nang maayos. Puno ng pag-aalala kong sinundan ng tingin si Kael dahil pagkatapos ng nangyari, halata ang kawalan niya ng gana.Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko pa mabasa nang husto ang ugali ng ibang mga tao. O wala talagang pag-asa na maunawaan ko iyon dahil iba mag-isip ang mga lalaki.I wasn't quite sure. But my guts told me it has something to do with what transpired a while ago. Sure, I recalled Kael smiling at me but I wasn't an absolute fool to not notice something
Chapter 16JealousIt was a Saturday, almost mundane. One that I've been missing a lot since I entered formal education.Tulad ng nakagawian, tumakas ako nang madaling araw upang hintayin ang bukang-liwayway, saksihan ang pag-indayog ng mga puno kasabay ng pag-ihip ng pang-umagang hangin.The scenery before me was just so picturesque. The vast body of water covering an enormous proportion of land swayed along the current. And it wouldn't be complete anymore with Azul's images constantly surging in my head like a flashback.I smiled as I lifted my head and hand, creating windows through my fin
Chapter 17TuhogBumuhos sa aming lahat ang labis na kahihiyan dahil sa nangyari. Pero ilang sandali pagkalagpas sa amin ng grupong iyon, muling umingay dahil sa sisihan at kantyawan."Mga siraulo kasi kayo! Kanina pa kayo pinagsasabihan," anang Eric."Sana kasi sinabi niyong padaan sila Victor! Nakakahiya tuloy!""Rinig na rinig ba pangalan ni Kobe? Nakita mo 'yung hitsura ni Grace?! Priceless!"Napalitan ng tawanan ang tensiyon habang pabalik na kami sa classroom. May mga kaeskuwelang nakakakilala at bumabati sa amin. Tuwing may nagko-cong
Chapter 18CrushZaro looked stunned for a second like he didn't see that coming. Later on, he licked his lower lip and clenched his jaw, back to his rigorous disposition."How did you know Lascano?" satinig niya sa wakas.I was taken aback. Was it the actual problem or was he deflecting the topic?Tumikhim ako at litong umiling, dahan-dahan dahil hindi mawari ang tamang sagot doon."Sikat siya sa school... kaya ko siya nakilala," I admitted uncertainly.His lips set in a hard line and grim
Chapter 19Home"Huwag mo akong pahiyain sa hapagkainan," mahigpit na bilin ni Nana."Opo." Tumango ako tulad ng nakagawian.Pagkatapos naming magtrabaho at magpalit ng mas malinis na damit para sa hapunan, sabay na kaming bumaba ni Nana patungo sa bulwagan.Inimbitahan kaming dalawa ni Senyorita Victoria na sumabay sa pagkain ngayon. Madalas naman talagang kasama si Nana sa hapag pero minsanan lang ang ganitong pagkakataon na isali ako.Bakit kaya? Semestral break na namin. Tapos na ang unang sem namin sa school at nalalapit na ang pasko.
Chapter 20Suspicion"How's your first day?"His soothing and relaxing voice has always been a piece of solace for me.Truth was... I was a tad exhausted. But I didn't want him to worry about it. Simpleng bagay lang naman iyon. Hindi na dapat pang palakihin.Kakatapos ko lang magpalit ng pambahay. Umupo muna ako sa kutson at niyakap ang unan."Ayos lang." I stopped myself from adding more. "Ikaw? Uh. Kamusta sa dati mong school?"I smiled. Let's rather talk about yours, Zaro. His life in Ma
Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi
Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question
Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an
Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things
Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li
Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..
Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan
Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe
Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw