Share

Chapter 6

Author: frosenn
last update Last Updated: 2021-09-08 17:13:14

Chapter 6

Azul

Para akong lumulutang habang patungo sa gazebo na tinukoy ni Senyorito. Ang totoo, nag-aagaw ang tuwa at takot ko para sa sarili.

Hindi ko na maintindihan. Sa pagkakaalala ko ay matibay naman ang paninindigan na imposibleng magtagpo man lang ang aming landas. Pero dahil lang sa narinig, nagkaroon ng liwanag ang dulo ng madilim na kuweba. Nakadiskubre ako ng katiting na pag-asa at lubos ko iyong ikinatutuwa. Gaya rin ng pagkatakot ko para sa sarili.

Nang tanaw ko na itong nakaupo sa gazebo at nakatalikod mula sa aking direksiyon, awtomatiko ako napabuntong-hininga.

Nakakatakot pa rin. Hindi ko dapat 'to masyadong bigyan ng kahulugan.

Naisip ko, siguro dahil sa kabila ng pagiging malupit, sadyang may nakatago lang na kabutihan sa sulok ng puso nito. He's just too kind to stomach a damsel in distress roaming around with time bombs in her hands, full of casualties and mishaps.

Afterall, he's a Castellano. And all my life I've been looking up to their reputable clan. Because aside from their nobility and honor, I have known them as kind-hearted people. At sa hinaba ng panahong naninilbihan sa mga Castellano, napatunayan iyon sa akin ng Senyorita Victoria.

At isa pa, ano ngayon kung nabanggit ni Zaro ang hindi niya pagkahilig sa mga babaeng mas matanda sa kanya? It doesn't necessarily represent his liking for younger women. Maaari namang kaedad pala ang tipo o ilang taon lang na pagitan. Hindi iyong... limang taon.

My lips twitched as I dropped my eyes on the purple morning glory I was holding.

I'm too young and assuming for him. Not to mention delirious. I sighed again. What's wrong with you, Lumi? I thought it's just a shallow admiration?

Bago pa man makalapit nang tuluyan sa Senyorito, binitawan ko na ang munting bulaklak. Hinayaan ko na iyong dalhin ng hangin kung saan at tinatagan na lang ang loob na pumanhik sa gazebo.

I was surprised to see Nana inside the gazebo, too, busy talking with Senyorito while preparing some foods for breakfast. I didn't notice her a while ago. Or maybe I was just too concentrated on Zaro. I'm not sure.

Dumapo roon ang tingin ko at natantong sobra-sobra ang mga nakahanda para sa isang tao. At base rin sa hitsura ni Nana, mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan sa mga oras na iyon.

That explains why she's not there to visit me in my room to lecture and remind me of things like usual. She's here early this morning to serve the master.

Pansamantala akong nakontento sa pag-upo sa malaki at malapad na bato para bigyan pa sila ng oras sakaling mahalaga ang diskursong iyon.

Chin rested on my left arm—which was also horizontally laid on my knees, I played with the grass with my other hand. Sa ganoong posisyon ako nadatnan ni Nana at Senyorito makalipas ang ilang sandali.

"Tumayo ka riyan, Lumi," istriktong utos ng matanda, dahilan para mapatingala ako sa kanila.

My stomach hollowed. Ganoon na lang kabilis ang aking pagtayo at pagyuko sa dalawang kaharap.

"Magandang umaga po, Nana."

Umangat ang kanyang kilay. "Ang Senyorito, hindi mo babatiin?"

"Ayos lang po. Nabati na ako ni Lumi kanina," magalang na sabi ni Zaro, nanatili ang titig sa akin.

I blushed. Flustered by that, Nana turned to him confusedly.

"Kung ganoon ay nagkita na kayo kanina nang mas maaga?" kuryosong tanong nito, may pagdududa sa hitsura.

Mula sa akin ay tila pagod na nilipat ni Senyorito ang kanyang mga mata sa ginang.

"Pinalinis ko po ang kuwarto. Saktong si Lumi ang nadatnan ko sa pasilyo kaya sa kanya ko po iyon pinagawa."

My lips slightly parted. Zaro took a quick glance at me so I swallowed hard.

If Nana found out my escapades during Saturdays and Mondays every earlier time of morning, she'd surely go postal and would totally force me to stop it right away. She'd quit being lenient on me, too. And Senyorito didn't have to cover it up for me, but he still did.

He secretly winked at me. A faint tickle traveled up my stomach.

What was that? Was it just me? For sure I was only seeing things!

I clutched on my chest to catch a brief shortage of air when Nana looked at us alternately as if she's studying us and peering through our souls. Later on, she wavered and sighed.

"Magpakabuti ka sa Senyorito, Lumi. Sinasabi ko sayo," she warned critically.

Gulong-gulo pa man ay masunurin akong tumango-tango.

"Opo..."

Napailing ito nang kaonti bago bumaling kay Zaro na nakapamulsa at tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Maiwan ko na kayo, Victor. Magpatawag ka na lang ng tauhan kung may kailangan. O 'di kaya'y ang bata na lang na iyan ang utusan mo. Masunurin naman 'yan. Medyo pilya nga lang."

Napangiwi ako sa kahihiyan dahil sa paraan ng paglalarawan sa akin ni Nana.

Pagkaalis nito, nauna nang naglakad si Senyorito upang bumalik sa loob ng gazebo. Ngunit hindi makakalagpas sa akin ang marahan niyang bulong sa sarili.

"Pilya, ha?"

Saglit akong napapikit nang mariin bago tuluyang sumunod dito.

Minuwestra niya sa akin ang pagkain. Inabot pa ako ng ilang minuto bago maproseso na ang mga nakahandang pagkain ay para sa aming dalawa.

"Hindi naman po kailangan nito. Mamaya na lang po ako kakain," tanggi ko, napapailing.

Dalawang rason. Ngunit bukod sa hiya, alam kong mas nangingibabaw ang pagsubok nito sa pagpipigil ko sa sariling nararamdaman. Kaya kung ako lang, ayoko. Paaasahin ko lang lalo ang sarili.

Ngunit mukhang hindi kami pareho ng opinyon dito. Mataman niya akong pinukulan ng tingin. Napatikhim ako.

"Eat this, little girl."

Sa huli, wala rin akong nagawa kundi ang sumunod sa utos na iyon.

Tahimik lang kami sa pagkain, dinadama ang kapayapaan ng paligid at ang masarap na lasa ng pagkaing alam kong si Nana ang nagluto. Kabisado ko na kasi ang mga putahe noon at alam ko kapag dinadaya niya lang o minamadali. At this rate, I knew she prepared this with gusto.

Tanaw man ang gazebong ito mula sa mansiyon, ilang metro rin ang kailangang tahakin bago makarating dito dahil malawak ang portiko at patio ng mansiyon.

Ang pinakamalaking gazebo na ito ay nakatirik sa gilid at medyo remote na parte ng hardin, napalilibutan ng iba-ibang halaman, puno, at wildflower sa paligid kaya hindi mapagkakailang kay sariwa ng hangin dito. Iyon nga lang, iilang trabahante rin ang dapapadako sa bandang ito at alam kong namamataan akong kasama ni Senyorito.

I took a glimpse of him. He looked focused on his food and unbothered. Like a feline cat with precision and grace in his every move.

Samantalang ako, kada tunog at galaw sa paligid ay dinadamdam ko na, takot na isipan nang masama ng mga trabahador ang kasama.

I mean, I don't want to tarnish his reputation and image to his workers and subordinates. Thinking that he's with a peasant like me felt so wrong and inappropriate. One of the factors that convinced me he's definitely out of my league.

"Do you know how to write your full name?" aniya nang nagsimula na kami sa dapat na gagawin.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay wala pa rin akong malinaw na imahe sa diskusyon na gagawin namin. Ang alam ko lang ay tuturuan ako ng Senyorito ng leksiyon upang mapunan ang kuryosidad at pagiging ignorante.

Bukod doon ay pinaubaya ko na sa proseso, ipagkakatiwala ko na kay Zaro dahil naniniwalang para naman ito sa aking kapakanan at kaligtasan.

"Opo."

"Let me see," he then pushed a yellow pad to me.

Sinuri ko ang mga writing materials na nasa gilid ko. Pinili ko ang itim na krayola ngunit pinalitan iyon ni Senyorito ng isang mas payat at de pindot na panulat.

"Ballpen ang tawag dito, Lumi," pormal na aniya sabay pakita sa akin kung paano 'yon gamitin.

He scribbled on a sheet of paper and my brows raised in amusement. I saw Nana using one sometimes but I couldn't imagine myself using one on my own. Labis ang tuwang naramdaman ko.

Nang ilahad na iyon sa akin, maingat ko iyong tinanggap at sinimulan nang isulat ang pangalang kabisadong-kabisado ko sa utak.

Pagkakita roon ng Senyorito, bahagyang nagparte ang kanyang mga labi at mariin ang tingin doon, animo'y may umaaway sa kanya mula sa papel.

Napatikom ako ng bibig at hinanap ang mali roon. My lips protruded and my forehead puckered in confusion.

Lumien Castellano.

It was written in cursive and was spelled correctly. I wonder what's the problem.

My eyes went back to Sentorito again. He took his glass and filled it with water. Saglit niya pang tinanaw muli ang papel bago supladong uminom ng tubig.

"Bakit gamit mo ang apelyido ko?" kaswal na tanong niya ngunit iba ang diin ng hawak sa kanyang baso.

Bigla kong kinuwestiyon ang sarili. Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon, mali ang pagkakakilanlan ko sa sariling pagkatao dahil lang sa tanong na iyon.

"Uhm... H-Hindi po ba kinukop ako ng mga magulang ninyo? Kaya po akala ko, iyon din po ang apelyido na dapat gamitin. Uh... Lumien na lang po pala-"

"Hayaan mo na. Nandyan na 'yan. Hindi na mabubura," he cut me off when I was about to reach for the eraser.

Sinubukan ko iyong burahin ngunit bigo. Makapit pala ang tinta nito hindi tulad sa lapis. Guilty, I just bit my lip and crumpled the paper instead.

"What the fuck are you doing?" he grimaced, putting down the glass on the table.

I hurriedly rewrite my name. But this time, with a single word on it. Lumien.

"Ito po," pakita ko sa kanya.

His face hardened when he learned about the changes I've made. Iritado siyang napaismid sa akin.

"Sinabi kong hayaan na," he uttered firmly.

Tinago ko ang nakabolang papel sa ilalim ng mesa at umiling nang maliit.

"Kasi... naisip kong hindi niyo po ako kadugo kaya... mali rin iyon."

For some reason, Zaro's face gentled a bit. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito at napasuklay ng buhok gamit ang kamay.

"You're a... family. You're a Castellano. Walang mali sa pangalan mo..." he said softly and swallowed hard. "Lumien Castellano, it is."

Napakurap-kurap ako nang ilang beses, hindi na makasunod sa usapan dahil salungat sa nakita kamakailan.

"Pero kanina 'yong reaksiyon niyo..." I trailed off, unable to describe my point without overdoing it.

Ilang sandali bago ito nakapagsalita at bahagyang umiwas ng tingin.

"That's because it's too sudden. Hindi ko napaghandaan. Sorry if you got the wrong impression but yeah... Nothing's wrong with your name," sa namamaos niyang tinig.

Nababaliw na ata ako. Paano ko kaya nakakayanang manatili rito nang ganito katagal kasama ang Senyorito?

My daydreams of talking to him before when he seldom visits their properties in Castel every summer already felt surreal to me. Admiring him from afar was my so-called investment to my young feelings.

For me, he's beyond my reach. Dati-rati lang ay pinapanuod ko itong makipagpaligsahan ng kabayo sa mga kaibigan at ilang trabahador. Pinagsisilbihan at minsa'y tinatanaw tuwing naliligo sa dalampasigan.

But now, we're talking. He's accompanying me. Ang sa ibang tao nga'y hindi na matawaran ang tuwa ko tuwing natitignan pa lang, ano pa ang epekto sa akin ng nangyayari ngayon?

"Okay..."

Umangat ang sulok ng kanyang labi.

Nagpatuloy kami sa ibang kategorya. He's assessing my stock knowledge in different subjects and fields.

Every time I answer his questions right, my heart will falter whenever he nods in satisfaction.

"Do you have any friends?" he asked casually.

Ikalawang araw na ito ng paggabay niya sa akin tungkol sa iba't ibang bagay.

Totoong marami akong natututunan at namamangha ako sa bawat bagay na nadidiskubre tulad ng Human Behavior and Psychology, Socialization, at ilang mga batas na aniya'y dapat ko raw alamin bilang kabataan. Gaya na lang ng human rights, bullying, human trafficking, harassment, and discrimination.

Gusto ko sanang ipagtanong ang tungkol sa mga mata ko kung sakaling ipagbili nga ng mga tao ngunit pinangungunahan ako ng takot.

It also means telling him the truth about my weird eyes. I'm afraid he'd be disgusted and call me a freak someday. Especially now that he's acting more civil to me. I think, just this once, I want to be selfish and seize every moment with him...

"Ang kambal po. Sina Jackie at Jacob," I answered.

Saglit itong napatigil sa pagliligpit ng merienda. Nalipat doon ang atensiyon ko. Sa katunayan, inako ko na ang gawaing iyon ngunit hindi niya ako hinayaan.

Tulad kahapon, nasa gazebo ulit kami at kauuwi lang ni Zaro galing sa eskuwela. Tumuwid ang Senyorito mula sa pagkakatayo at napaangat ng kilay sa akin.

"I mean, real friends," he corrected.

Natawa ako ngunit umiling din pagkatapos. "Sa tingin ko po ay bukod kay Nana, wala na po akong kaugnayan na singtindi ng pagkakaibigan."

Nanatili ang kanyang tingin sa akin. Ngumiti ako dahil iyon ang totoo. Sa katunayan, tingin ko si Nana lang ang tanging koneksiyon ko.

Funny how I considered the twins my friends when in fact, they're constantly being distant to me.

Nakakapanibago pa ngang nagkusang lumapit at nakipag-usap si Jacob nong nakaraan. Siguro ay dahil iyon lang talaga ang meron ako. Kaya naman, ang ngiti ay napalitan ng matamlay na kurba mayamaya.

"Wag mo na hilingin ang maraming kaibigan. A few will suffice," he suggested.

Muli akong napatanaw sa kanya. Iniwas niya ang tingin upang ilapag na ang mga pinagkainan sa malayong upuan. Napangiting muli ako.

"Paano ko po hihilingin ang marami kung maski ang konti, pinagkakait na sa'kin..." Bumaba ang tingin ko sa papel na nasa harapan. "It must be nice having a friend or two. Then in your case, you must be contented..."

Pagkalapit mula sa kanyang pwesto, imbes na umupo ay nilapag niya pareho ang kamay sa ibabaw ng mesa at hinuli ang aking tingin.

"I'm greedy. Nothing will satisfy me, little girl. Will you?"

"H-Huh?"

He smirked devilishly at me. My heart was then in my throat, clogging my breath.

He cocked his head a little to the other side to look more intently at me, sporting an ambiguous expression. 

"Don't get me wrong. What I mean is, will you be contented if you're in my position?"

"I don't know..."

"Perhaps you want in my position?"

"I-I don't know..." parang sirang plaka kong sagot, wala na sa sarili.

Zaro chuckled hoarsely. "What position do you like then?"

Wala mang ideya sa kinahantungan ng usapan, parang nilindol ang loob ng katawan ko. Hindi naman tumakbo ngunit tila nalagutan ng hininga.

Idagdag pa ang paraan ng pagtitig ni Zaro sa akin, para akong pinarurusahan sa mga sandaling iyon.

"I'm waiting, I'm curious... Hindi lang ikaw ang puno ng kuryosidad dito, Lumi," he added mischievously as if he's just making fun of me or what.

I frowned. The corner of his lips stretched more at my reaction... until his phone rang.

In that position, he glanced over his shoulder to check if it really was his phone. I don't have a phone so of course, it's his.

"Hello?" I heard him answer a call.

Bahagya itong lumayo sa akin para kausapin ang biglang tumawag. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon para analisahin ang tanong.

What position? What what position?

Kumunot ang noo ko habang tulala sa blankong papel. I examined its position. It's vertically facing my direction as well as the ballpen.

However, if he's pertaining about the position of me being in his shoes, then what about the other positions he'd like me to choose from? Bakit kailangang ipagtanong pa? Ibig sabihin, meron pang ibang pagpipilian.

Tinanaw ko ito habang abala pa rin sa kausap at sinubsob ang baba sa magkapatong na braso sa lamesa.

Maybe that lesson is an advanced one. We're still in the fundamentals. I don't know what's gotten into him asking me about things beyond our lessons. Alam naman nito ang kapasidad ng kaalaman ko.

Tuloy, doon ko natantong pinagkakatuwaan lang ako ng Senyorito kanina.

Bumalik ito pagkalipas nang ilang sandali. Nilagay na niya ang phone sa likod na bulsa ng pantalon kaya sa ganoong porma, napansin kong mas nadepina ang kanyang katawan. Lalo na ang kanyang dibdib.

I felt my cheeks flushed. It looked masculine, broad, and... hard. A sight that my eyes couldn't take so in a matter of seconds, I looked away.

"Nagkaproblema sa nyugan kaya kailangan kong tumulak doon," aniya pagkarating sa harap ko.

Tumango lang ako at hindi na nagsalita, nanunuyo pa rin ang lalamunan. Bumagsak ang tingin ko sa mga gamit na nasa mesa. Does it mean we're done for today?

"Hindi ako magtatagal at babalik din. Gusto kong hintayin mo ako rito."

Gulat akong napaangat ng ulo. Napakurap-kurap ako. Hindi iyon ang inaasahan kong plano kaya matagal bago ako nakabawi.

"Uh... sige..." nauutal ko pang tugon.

Tumango siya. Kinuha na nito ang mga gamit na ngayon ko lang natantong naroon na pala kanina pa sa gilid niya.

Zaro put his wallet in his back pocket and fiddled with his car keys. Nagtama ang aming tingin pagkaangat niya ng ulo. Napaiwas ako.

"Be safe here... Babalik din ako agad," he reminded earnestly before going.

Hindi ko na namalayan ang matagal na paninitig sa direksiyong dinaanan ng Senyorito. Malungkot akong napangiti at agad pinagsabihan ang sarili.

He's just being nice, Lumi. Aside from being harsh, brazen, and imposing, the man could also be decent and modest. It's not something to be viewed with special connotations.

I sighed as I buried my face in my arms on the table.

It's just a one-dimensional admiration, Lumi. Ikaw lang ang nag-iisip nang ganyan samantalang si Zaro, nagpapakatao lang. Marahil ay naaawa.

Iyon ang ang paulit-ulit kong tinatak sa isip hanggang sa matauhang muli. It's a non-ending cycle and it's kinda frustrating. Imbes na mag-isip ng kung ano-ano, nilibang ko na lang ang sarili sa pagsusulat ng buong pangalan.

Lumien Castellano.

I recited it out loud and it felt smooth even in the tongue. Hindi ko na napigilan ang tuwa at inulit-ulit pa iyon nang ilang beses na tila ba isang sirang plaka na.

"Ang luwag na siguro ng turnilyo nito."

I almost jumped in surprise when out of the blue, Jackie appeared on the left side of the gazebo, looking at the little gate on the other side as if she's testing it. Napatikhim ako.

"Jackie," I smiled at her but she just ignored it.

Pagkapasok sa gazebo, dumiretso lang ito sa mga plato at kunyertos na pinagkainan namin kanina ni Zaro. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

Tumayo na rin ako upang tumulong. Ngunit bago pa man makahakbang, halos panlisikan na agad ako ni Jackie ng tingin.

"Ako na nito," pagsusungit niya.

My lips parted a bit, flustered.

"Uh... mukhang mabigat ang mga 'yan. Tulungan na kita..."

Marahas siyang umiling at tumuwid ng tayo. Pinasadahan niya muna ng tingin ang paligid, iyong mga nakakalat na materyales sa lamesa, bago ibuhos sa akin ang atensiyon. Iyon nga lang, hindi ito makatingin nang mabuti sa akin.

"Mahigpit na pinagbilin sa akin ni Nana na ako lang ang magliligpit nito. Si Senyorito Victor na rin ang nag-utos kaya 'wag ka nang mangialam, Lumi," nakapamewang niyang asik.

Pansin ko ang paghihirap nitong tumingin. Kaya naman, ikiniling ko nang bahagya ang ulo para hulihin ang kanyang mga mata ngunit iniiwas din nito kalaunan.

Bumuntong-hininga ako. Naisip kong kasuklam-suklam nga naman ang pagtitig sa akin. Hindi ko na siya pinilit pa sa pagsulyap sa akin pero labag pa rin sa loob ang hindi pagtulong.

Sinubukan kong lumapit at kinuha ang baso bago iyon ilagay sa tray na dala ni Jackie.

"Pero mahihira-"

"Ako na sabi nito!" apila niya sabay taboy sa mga kamay ko.

Sa gulat, halos matumba ako para lang makaatras nang maayos.

Meanwhile, she also looked a tad stunned by what happened. But in just a snap of a finger, she recovered and put the scowl back to her face.

"Ayan kasi! Pakielamera talaga!"

Saglit akong napapikit at tumungo. I remembered the recent disappointment I've made her so, in the end, I just submitted inferiorly.

"Sorry..."

"Tss. Doon ka na nga!"

Bago pa man umabot sa kasukdulan ang galit nito, bumalik na lang ako sa orihinal na puwesto at nanahimik.

I wonder if, in a matter of time, their impression and attitude towards me could possibly change. What can I do to make it happen then?

Because to be honest, it's becoming more difficult to sleep at night thinking that many people loathe me. It must be really terrible to withstand a nuisance like me, huh?

Napalitan ng bigat ng loob ang galak na tangan ko kanina. Pagkaalis ni Jackie, siguro'y tulala na lang ako, gumugulo ang maraming bagay sa utak.

Kaya naman nang hindi nagtagal ay bumalik din ito, taka akong napaayos ng upo. I watched them stride all the way here. This time, she's with her twin, Jacob.

Simangot ang mukha ni Jackie nang pabagsak na umupo sa malayong gilid. Humarap ito sa salungat na direksiyon sa akin. Habang si Jacob, animo'y nag-aalinlangan pa kung saan mauupo. Sa huli, sa kabisera na lang ito pumwesto, panaka-naka ang sulyap sa akin.

Kahit gulat at nagtataka sa bigla nilang pagsama rito, sinubukan kong ngumiti. Dahil doon ay pansin ko ang paggaan ng hitsura ni Jacob.

"Siya nga pala. Uh... pasensiya na sa nangyari kahapon, Lumi. Mukha atang... natakot kita," si Jacob sa manipis na tinig, tinutukoy ang nangyari sa dalampasigan.

Klaro naman sa paghalukipkip ni Jackie na hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kapatid pero tipid pa rin akong umiling para pabulaanan iyon.

"Ako dapat ang humingi ng tawad dahil umiwas ako. At isa pa, wala naman dapat ikatakot..."

His face furrowed in confusion. He cleared his throat after redeeming himself. Iyon nga lang, lito pa rin ang mga mata niya nang tumingin sa akin.

"W-Wag mo sanang masamain ang sasabihin ko, Lumi. Pero hindi ba, noong Linggo sa attic-"

"Hakob!"

Namilog ang mga mata ko nang biglang sapawan ni Jackie ang kakambal sa pagsasalita. Nagkatitigan ang dalawang magkapatid, tila nag-uusap gamit ang mga mata.

Jackie seemed upset and furious, bulging her eyes at Jacob. Whilst the other one, he still looked confused and bothered but after a while, he gave out a heavy sigh, relenting.

Pati tuloy ako ay hindi na mawari ang dapat isipin doon. Binalikan ko ang nangyari noong Linggo. Halos buong araw akong tulog dahil sa trangkaso kaya bigo ako sa pag-alala kung ano ang ibig sabihin ni Jacob.

However, did I just hear him mention the attic?

"A-Ano ulit 'yon?" I asked, now intrigued because of the attic.

Parang namutla ang dalawa nang lumingon sa akin. Kita ko ang malalim na paglunok ni Jacob at ang palihim na pisil ni Jackie sa braso ng una.

"Ano... uh... a-ang ibig kong sabihin, noong Linggo... sa uhm..." Bahagyang kumunot ang noo nito at saglit na napapikit. "S-Sa attic-"

"Sinubukan ko ulit humanap ng papel na may magarang sulat sa attic! Gusto ka sana naming isama kaso nga uh... m-may trangkaso ka! Iyon ang nais sabihin ni Hakob..." salo ni Jackie, napapabalikwas pa sa tuloy-tuloy na salaysay.

In return, my face beamed. Natuwa ako nang husto sa nabalitaan kaya halos mapatayo na ako makarinig lang ng kasunod pa roon!

"T-Talaga? Gusto kong sumama kung ganon!" I expelled with so much enthusiasm.

Her lips twitched and glanced at Jacob. Ang huli ay napangiti naman nang hilaw sa akin. Ngunit natanto kong panandalian lang pala ang kasiyahan nang masungit na umiling si Jackie.

"At ano? Aagawin mo ulit sa akin ang mahahanap ko?"

Kumunot ang noo ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Hindi ko na gagawin 'yon. H-Hindi ko naman sinasadya, e..."

My heart ached for that lie.

"Sus. Paano naman ako makakasiguro?"

"Jackie," saway ni Jacob.

Napaisip ako. I could do anything just so they could help me find some clues. Kumuha ako ng isang pirasong papel.

Sinadya kong piliin ang kulay lilang scented paper at inabot ang panulat na mas matinta pa kaysa sa ordinaryo.

As far as I could remember, I recalled Zaro calling it a fountain pen. He taught me how to use this thing so I think I could handle it.

"Ano 'yan?" tukoy ni Jackie sa ginagawa ko.

Bago gawin ang binabalak ay prinesinta ko muna sa kanila ang mga gamit. The twins came closer to listen. A smile etched on my face as I explained it.

"Uhm... para sa nawala kong sulat, susubukan kong gayahin iyon bilang kapalit sa nawala ko."

Napataas ng kilay si Jackie. "Duda akong kaya mo. Sobrang ganda ng sulat-kamay non. Tsaka, baka pa mamaya iba naman ang isulat mo. Hindi tulad noong sa papel. Dudugain mo lang!"

Kumaripas ang pintig ng puso ko dahil sa sunod-sunod na akusa.

"Naaalala ko pa ang nakasulat. Uh... susubukan kong gayahin."

"Naaalala mo?" pagkaklaro niya.

"O-Oo." Nakagat ko ang loob ng aking pisngi dahil ang totoo, kabisadong-kabisado ko pa nga iyon.

"Heh! Pakitang-gilas talaga. Sige nga, patunayan mo at nang malaman ko kung binibilog mo lang ako!"

I pursed my lips and just nodded. Jacob was silent at the corner while watching us. And as per Jackie, she was solely keeping an eye on what I was doing.

Dahil fountain pen na ang gamit, mas maingat ko iyong nilapat sa lilang kwaderno dahil hindi na niyon kailangan ng masyadong diin.

According to Zaro, this pen is better for my cursive handwriting so he endorsed it to me.

I realized he's right, I enjoyed using it so much. But this time, the challenge is the way the message has been written. It has intricate and very sophisticated details. It was written with fortitude and familiarity.

However, I did the best that I could. So finally when I was done, I was in utter surprise to see the unexpected result.

My jaw slacked a bit as a victorious gasp escaped my mouth.

"Paanong..." Jackie trailed off, rubbing her eyes to see if it's real.

Napakurap-kurap din ako para hagilapin ang ulirat. Inagaw niya ito mula sa kamay ko at pati si Jacob ay nakiusisa na.

"Huh? Gayang-gaya!" gulat na sambit naman ng huli.

"Tignan mo nga! Baka may daya! Nasayo ang sulat, ano?" giit ni Jackie ngunit umiling ako.

It was partly true though. The note wasn't with me. It was resting soundly inside my dresser.

Halos pag-agawan ng pagkapatid ang mabangong papel kung saan ko sinulat iyon. Sa kagustuhang tunghayan ang sariling obra, sinubukan ko ulit sa panibagong papel at tulad kanina, mangha pa rin ako na nagawa ko iyon nang mas mabilis at walang kahirap-hirap!

Kulang na lang siguro ay kuminang na ang mga mata sa sobrang tuwa. Pagkakita roon ni Jackie, inagaw niya ulit at binigay na lang kay Jacob para muling makuha ang una.

Ayos lang naman sa akin. Hinayaan ko. Naisip ko, kung kaya ko pala'y hindi na mahirap gumawa ng panibago. Kahit ilang beses! And it would still look promising for sure!

"E, alam mo ba kung anong ibig nitong sabihin?" hamon pa rin ni Jackie kalaunan.

Napanguso ako, nagdadalawang-isip kung ibubunyag ba ang totoong mensahe o hindi.

Sa huli, bumuntong-hininga ako at tumango. Kapuwa sila napatutok sa akin.

"A true beauty comes with a heart. Iyon ang eksaktong mensahe... A-Ang ibig niyon sabihin, ang tunay na kagandahan ng isa tao ay may kalakip na mabuting puso," I smiled.

Naubo si Jacob. Halos hambalusin naman siya ng kakambal. Nang nagtama ang tingin namin ng una, tulad ng madalas ay bahagyang namula ang kanyang pisngi.

"S-Sang-ayon ako," iwas nito ng tingin pagkatapos.

Pinarte ko ang mga labi upang sana'y sumagot doon nang bigla, nakarinig kami ng isang malakas na pagbagsak ng pinto sa hindi kalayuan.

Napatanaw kaming tatlo sa pinanggalin noon at laking gulat ko nang namataan si Zaro na pababa sa kanyang sasakyan, totoo sa kanyang sinabi.

Mabilis nga lang ito at bumalik din.

"Si Senyorito..." I heard Jackie pointed out with a wisp of panic.

Sa sulok ng mga mata ay napansin kong nagsiayos sa pagkakatayo ang kambal.

Samantalang ako, hindi na ata matanggal-tanggal pa ang paningin sa Senyorito. Tinanggal nito ang itim na salamin sa mata at sinabit sa kuwelyo ng damit.

Sa pag-aakalang didiretso na ito rito, umikot pa siya sa kanyang sasakyan para buksan ang kabilang pinto at may kinuha roon. Pagkakita kung ano, halos mapatakip ako ng bibig sa gulat.

"Senyorito." The twins bowed simultaneously in respect for the man when he arrived.

Gumaya ako ngunit tila nabara ang boses sa lalamunan. Kahit sa pansamantalang pagyuko, nanatili pa rin ang mga mata ko sa dala ng Senyorito.

It was a dog!

"Hmm," tipid nitong tugon sa amin habang binababa ang aso sa lapag.

Pagkaangat nito, nagkasalubong ang tingin namin ni Zaro kaya napaayos na rin ako sa kinatatayuan.

His gaze drifted on the twins and eyed them. He beckoned them to leave and they obeyed right away but to the horror that they might forget about our agreement, I attempted to follow them.

Zaro noticed my opt to chase them. His brow shot up. Wala tuloy akong nagawa kundi manatili na lang.

"How are things while I'm gone?" he asked, eyes rigidly fixated on me.

"Ayos lang po. Uhm... sinamahan ako ng kambal kaya... hindi ko na rin po namalayan ang oras."

"Hindi namalayan ang oras?" he repeated, voice rising an octave as if it's a foul phrase.

Napalunok ako. "D-Dahil nalibang po... kasama ang... uh, kaibigan."

Patigil-tigil ang salita dahil hindi alam kung tama ba na iyon ang sasabihin.

His face furrowed but eventually, he lightly shook his head to himself.

"Mabuti kung ganon."

"Iyon lang po..."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumahol ang aso sa pagitan namin. Hawak iyon sa tali ni Senyorito kaya kapuwa namin naibaba ang tingin para tanawin iyon.

"May... dala po kayo?" I asked stupidly.

Binalik niya ulit sa akin ang tingin. Nagtagal iyon na animo'y tinitimbang ang disposisyon ko.

My heart skipped a beat. I lowered my head, pretending to be busy with the sight of the dog.

I fought every ounce of my urge to say hi to it or ask. Saan naman kaya ikaw napulot ni Zaro? What a pleasant surprise!

It was a black and white medium-sized dog with large spots of black on opposite sides of its face and almost its entire body including the tail. Except for the white parts, like the center of its face and the upper part of its chest.

Mabalbon at halatang maamo. Nakabuka ang bibig at nakalabas pa ang dila na animo'y nakangiti habang nakatingala sa akin. Para bang tinutunaw ang puso ko sa tanawing iyon.

"It's a Border Collie breed. Binigay sa akin ng tagapamahala sa nyugan... dahil wala nang maiiwan sa kanila para mag-alaga."

Ang munting ngiting kumurba sa mga labi ay baon ko pa nang iangat ang tingin sa Senyorito.

He licked his lips and his eyes manifested a foreign emotion in it. He swallowed hard.

Later on, he tilted his head on the other side, cutting our gaze to give attention to the cute one.

"It's a trained herding dog. Makakatulong dito pero wala akong oras para mag-alaga. Kaya... iniisip ko pa kung saan ilalagay." Then his eyes drifted on me.

My breathing hitched in so much anticipation. Wala sa sarili akong napataas ng kamay, kabado pa dahil hindi sigurado kung pauunlakan ang pasya!

"I-I'm willing! I will take care of it... if you don't have time..." My lower lip trembled but I tried to make it stiff. "Uh... pangarap ko pong mag-alaga!"

Umangat ang gilid ng kanyang bibig.

"What a coincidence."

"Ayos lang po sa akin... Totoo..."

"Hmmm. Baka pabayaan mo rin kalaunan? May lahi pa naman... Magandang lahi."

"G-Gagawin ko po ang makakaya. Tututukan ko hindi lang dahil sa lahi."

He nodded with meaningful eyes still directed on me. "That's new. Madalas sa kilalang babae, habol lang ang lahi..."

Umiling ako, napatitig na sa tumatahol na aso habang nakaukit pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi.

"No... It must be nice to have a new friend..."

When Zaro went quite silent for a longer time, I curiously returned my gaze to him.

Pansin ko ang pagbabago ng hitsura nito. Seryoso na kumpara sa mapaglarong ekspresyon kanina.

Hindi ko tuloy alam kung ano na ang mas paborito. Ang seryoso ba na tila hinahalungkat ang kasulok-sulukan ng aking pagkatao. O ang pilyong katangian na animo'y may lihim lagi na kahulugan ang bawat hirit.

I don't know. Either way, the only certain thing I am sure of is my adoration for him—growing over and over each passing day... to the extent that I'm putting him perpetually on the pedestal.

"Alright... I'll entrust him to you then," he permitted hoarsely.

My eyes widened. "Salamat po!"

It served as a go signal for me to kneel down in front of the dog and pet him.

Him...

I checked if it's true. My smile went wider when I confirmed it.

He's a boy! And now that I can look at him up close, my pupils dilated when I realized that he surprisingly has a pair of blue eyes!

"Ang mga mata niya..." halos bulong ko sa hangin.

Tumahol ito. Pakiramdam ko tuloy ay naiintindihan niya ako. Nagkakaintindihan kami. Gaya ng pagtanto ko sa pagkakapareho naming dalawa. Pareho kaming may kakaibang kulay ng mga mata.

"I'm expecting you to look after him whenever I'm not around, Lumi," sa mas seryoso nang tinig ng Senyorito.

Hinimas ko sa ulo ang aso. Na sinuklian naman nito ng pagpikit at pagtingala upang damahin ang aking kamay.

Tumayo na rin ako pagkatapos at tumango kay Senyorito bilang sagot.

"Opo. Aalagaan at babantayan ko po si..." I trailed off.

"Si?" Zaro echoed.

"Uhm... nasabi po ba sa inyo kung anong pangalan niya?"

"Hindi."

Napaawang ang labi ko, napadapong muli ang tingin sa aso at napaisip nang malalim.

"Perhaps... you have a name in mind?" he added after a while.

Just like that, an idea lit up in my head so I nodded merrily, stifling the smile from my hidden fantasy.

"Azul..." I smiled.

His brow shot up. "Wow."

I don't know if it was sarcasm but I don't mind. As long as he consented it anyway.

"Perhaps because of the eye color," he said more than ask, an eyebrow still up high.

I shrugged, nose wrinkled to suppress my reasons. There's no way I'd confess the real context of it. Ikalulugmok ko lang iyon sa kahihiyan.

Later on, Senyorito shook his head in disbelief.

"That's a clever move when you replaced the 's' with 'z'... Brilliant."

He even enlarged his eyes to add a dramatic effect on it but I just snickered. Because little did he know, it's not about the eye color.

It's actually Lumi and Zaro...

Lumi... Zaro...

LuZa...

Luza...

I bent my body to reach the dog's head as I dreamily uttered the continuation of it.

"Azul..."

I petted him and his tail wagged as if he's happy with his new name. And as per the other friend... He's watching us bond silently.

Related chapters

  • That's What They Told Me   Chapter 7

    Chapter 7Pridyeder"Alalahanin mo ang mga bilin kong bata ka. Ilang ulit ko nang tinuktok sa utak mo kung gaano kadelikado ang paligid.""Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Nana. 'Yung kambal lang po talaga ang kasama ko."Tumalim lang ang tingin niya sa akin. "Alam ko. Pero kahit kanino dapat kang mag-ingat. Maski kanino!""Maski po sa inyo?" I asked innocently as I glanced at her through the mirror.Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa silid. Taimtim lang na nakatingin sa akin si Nana mula sa likuran ko kaya pinagpatuloy ko ang

    Last Updated : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 8

    Chapter 8Routine"Dapat sa kuwarto na lang ang batang ito, Victor," problemadong wika ni Nana.Napayuko ako, inabala na lang ang sarili sa mga nakahaing putahe sa harap ko.Nangyari ang utos ng Senyorito. Lahat ng trabahanteng stay-in dito sa mansiyon ay narito't kasama niya sa pagkain, maging ako.Hindi ko mapagkakailang tama si Nana. Dapat ay sa kuwarto na lang ako. Iyon naman talaga dapat tulad ng dati. Nasanay na akong kumakain nang mag-isa sa silid ko. Hinahatiran na lang kung kailan hindi na abala ang lahat. Dining with a large group of people would always feel brand new to me.Buong ingat kong inangat ang mga kubyertos sa takot na makalikha ng kahit maliit na ingay. Halata mang intriga ang lahat sa opinyong iyon ni Nana, pinilit nilang huwag makialam o sumulyap man lang. Maliban kay Jackie."She's also a helper. Lahat ng narito ay parte ng Castellano," Zaro answered politely.

    Last Updated : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 9

    Chapter 9LateBahagya kong inayos ang buhok. Nanatiling tahimik ang pagitan namin nang napagdesisyunan niyang basagin ulit iyon mayamaya."Lagi ka bang lumalabas nang maaga? Tulad nong nakaraan," he asked. And we both knew what he meant by that.Natigilan ako. Nagpang-abot ang kaba at pagtitiwala sa sistema. Bukod sa unang beses na nasali sa ano mang usapan ang takas kong pagliliwaliw, natatakot akong baka umabot ito kay Nana.Gayunpaman, hindi ko alam kung saan ko nakuha ngunit... nakaramdam ako ng tiwala. I don't know if it was the trust or the adoration I had for him. Maybe both.

    Last Updated : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 10

    Chapter 10BittenAs soon as we finished our breakfast, I performed my duty immediately.Wala na akong pinalagpas na oras. Niligpit ko na ang lahat ng pinagkainan dahil tiyak kong kailangan na ring magmadali ng Senyorito para sa kanyang pasok."Are you joining the Full Moon Function?" biglang tanong nito nang malapit na akong matapos.Sa pag-aakalang abala ito sa paghahanda, laking gulat ko nang nakita itong prenteng nakaupo lang sa gilid ng kanyang kama, nakahalukipkip at pinapanuod akong magligpit.My lips parted slightly. But I managed to

    Last Updated : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 11

    Chapter 11RainHumigit-kumulang isang oras ang naging kabuuang byahe. Pagkababa ng sasakyan, bumungad sa harapan ko ang isang munting bahay na gawa sa nipa. Sa likod nito ay nagtataasang puno ng niyog habang sagana naman sa iba-ibang uri ng halaman at bulaklak ang harap at munting hardin ng bahay.Nalaman kong kasalukuyang nasa baryong ito ang manggagamot para sa kanyang misyon. Kaya hindi ganon kadaling makapunta sa mansiyon ng mga Castellano."Victor! I'm really sorry for the inconvenience."Isang malamyos na tinig ng babae ang nagpalingon sa akin patungo sa gilid.Senyorito shifted from his weight to approach the lady in her mid-twenties. She looked young for a doctor. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.Wearing a simple pink dress, she looked elegant and fresh. Sa likod niya ay isang lalaki at babaeng hinuha ko ay mag-asawang nagmamay-ari ng bahay na ito."I unde

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 12

    Chapter 12HerI went out of the SUV when we finally arrived in the place. My heart was beating against the walls of my rib cage and there was a flutter of butterflies in my stomach.Kung paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon ay palaisipan pa rin sa akin. Sa sobrang bilis ng mga nangyari, sa isang iglap, hindi ko akalaing posible pala ito.Hindi man makapaniwala na narito na ako sa ganitong kalagayan, pero ang gabing iyon, malinaw na malinaw pa rin sa akin. It was like a vivid dream, trancelike.At first, I had no idea what Zaro was talking about that night. Was he drunk? Was he in delusion?Wow! Delusion? Oh. The guts I had to say that!Kung meron mang nagdedelusyon sa amin, kumpara kay Senyorito ay mas malaki ang tsansa na ako iyon. Pero hindi. Siniyasat ko ang hitsura niya. At bukod sa basang-basa ito sa ulan, alam kong nasa tamang pag-iisip siya at seryoso. Marahil,

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 13

    Chapter 13Runes"Bye, Lumi!""Bye!" I waved back to them.Ngumisi si Janine habang hinihila na siya paalis ni Willa sa room. Sabi kasi nila, may pupuntahan sila sa kabilang bayan. Pista raw doon.They actually invited me, almost adamant to make me come with them but unfortunately, I got no time for that kind of stuff.In a span of one week, they managed to understand my situation. I always told them that my guardian was strict so I needed to get home immediately after classes.It's partly true tho. Iyon naman talaga lagi ang bilin sa akin ni Nana at wala akong balak na suwayin iyon. Letting me go outside the Castellano premises and study was already a huge debt of gratitude. The least I could do was to conform to their restrictions and be compliant to their biddings.Isa pa, abot-langit na ang kasiyahan ko na matamasa ang ganitong pribilehiyo. Wala na ata akong mahihiling pang ib

    Last Updated : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 14

    Chapter 14Treat"Hello..." I greeted stupidly.His eyes shifted to where I came from before pouring me his whole attention.He's still wearing the dark blue dress shirt with sleeves folded until his forearms, maong pants, and timberland boots that he wore from school. Alam ko iyon dahil kahit hindi man kami nagkita kanina sa eskuwela, nakapagpaalam pa siya sa akin bago pumasok."Kinausap ka ni Tito?"I snapped out from my reverie. I must've been staring too much!"Oo. Uh... n-nangamusta la

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • That's What They Told Me   Special Chapter

    Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi

  • That's What They Told Me   Epilogue (2 of 2)

    Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question

  • That's What They Told Me   Epilogue (1 of 2)

    Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an

  • That's What They Told Me   Chapter 45

    Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things

  • That's What They Told Me   Chapter 44

    Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li

  • That's What They Told Me   Chapter 43

    Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..

  • That's What They Told Me   Chapter 42

    Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan

  • That's What They Told Me   Chapter 41

    Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe

  • That's What They Told Me   Chapter 40

    Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw

DMCA.com Protection Status