Share

Chapter 5

Author: frosenn
last update Huling Na-update: 2021-09-08 17:10:57

Chapter 5

Grateful

Hindi ako mapanatag sa sitwasyong kinalalagyan ko sa mga oras na iyon. Kung bakit nasa loob ng maliit kong silid ang Senyorito ay hindi ko pa rin alam dahil kapuwa kami tahimik lang simula nang papasukin ko siya rito.

Kung may ingay man na maririnig sa paligid, siguro iyon ay ang paminsan-minsang pagtama sa pinggan ng kubyertos ko.

Isa pa, dalawang bagay ang umiikot ngayon sa utak ko. Bukod sa aksidenteng halik noong nakaraang gabi, na malinaw sa aking hindi alam ni Zaro, dumagdag pa ang kakatwang memorya ko sa mapanganib niyang histura.

Was it a dream or a memory? Siguro sa sobrang kahibangan ay nag-iilusyon na ako masyado.

"What are you thinking?" basag ni Senyorito sa katahimikan.

Awtomatiko akong nanigas sa gulat. Napatigil ako sa pagkain. Nang natanto ang kanyang tanong ay nag-init ang mukha ko dahil totoong alam na alam ang sagot doon.

"K-Kung ano pa pong p-pagkakapareho ng matres at mattress..." pagsisinungaling ko.

He scowled at me. Napayuko ako dahil mukhang hindi nagustuhan ni Zaro ang narinig.

Magmula nang pumasok sa silid ay nakasandal lang siya sa dingding na katabi ng pintuan. Habang ako, nakaupo sa mattress at kumakain. Kaya naman nang hilahin niya ang bukod-tanging upuan sa kuwarto ko, napaangat muli ako ng tingin para panuorin siyang umupo roon.

Lihim akong napangiti. Buti naman. Sinadya ko kasing hindi gamitin ang silya para may maupuan ang Senyorito.

I felt shy to be honest. For sure he's bored to put up with this stuffy room because nothing's interesting here.

Nothing aside from the... doodles I drew on the wall when I was still younger. Now, he's currently staring at it, as if he's figuring out what's the meaning of those trivial illustrations.

Kumibot ang pang-ilalim kong labi dahil sa kahihiyan.

"Uh... mga... hayop po iyan. Pangarap ko po kasing magkaron ng sariling alaga noong bata pa pero paniguradong hindi hahayaan ni Nana iyon. Kaya dati gumuhit na lang po ako sa pader para kausapin sila-"

Napatigil ako nang biglang ibaling sa akin ni Zaro ang kanyang atensiyon. Napatutop ako ng bibig. Masyado na ata akong maraming sinasabi.

"Go on."

Gusto kong pumikit. His low growl reverberated in the insides of the small room. My lips parted slightly, but I swallowed the lump in my throat as I continued.

"'Y-Yung pinakamataba si Buff, uh... baboy po siya. Wala akong pink crayon kaya pula ang nagamit ko sa kanya. Eggy naman po 'yung puting aso at Feline po 'yung name ng pusa. Doon po sa kulay blue sa malayo, dagat po iyon. Nasa loob non 'yung alaga kong whale, si Bayley..."

Hindi ko na namalayan ang ngiti habang abalang kinukwento ang musmos na libangan, binabalikan ang mga panahong aktibo pa sa pakikipag-usap sa imaginary pets ko.

Sa kabilang banda, marahang tango ang sukli ni Zaro pagkatapos ko siyang ipakilala roon.

"So, basically... you're a pet lover without actual pets."

It's not a question but I nodded lightly to verify it. Binagsak ko na lang ulit pabalik ang mga mata sa pagkain at pasimpleng sumubo roon.

Nanatili ang kanyang tingin sa dingding na puno ng drawing. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, walang pasintabi itong tumingin sa akin.

"You met Marga."

The food I just swallowed surfaced back to my throat, clogging the passage. Nabilaukan at naubo ako kaya dali-dali kong inabot ang tubig. Napatayo si Zaro. Balak sanang lumapit ngunit umiling ako at sinenyas na ayos lang.

"What's wrong?" he asked impatiently as he slowly rose from crouching.

"N-Nabulunan lang po. Walang lang 'to!"

His vigilant eyes fixated on me for a matter of seconds before yielding, heaving a deep sigh and nodding.

Nagtungo ulit siya sa upuan ngunit ngayo'y mas nilapit nang konti sa akin. Kuryoso akong napatanaw sa kanya pagkatapos punasan ang bibig ng malinis na labakara.

"Mar... ga?" puno ng pag-aalinlangan kong untag.

Tila naninimbang pa rin ang kanyang tingin. Nagtagal pa iyon ngunit sumagot din naman ilang sandali.

"Margarita. You met her... My horse."

Oh!

My mouth formed a little 'o' in subtle revelation.

So... the one his friends were talking about was... was his palomino. Bahagyang bumagsak ang aking mga balikat, gustong matawa dahil napabulaanan ang teorya ko. Kinailangan ko pang ikurap nang ilang beses ang mga mata para lang makabalik ulit sa katinuan.

You're being delirious, Lumi. You're crazy.

"Uh, tungkol saan pala ang kailangan nating pag-usapan, Senyorito?" I brought up, diverting the topic.

Nang nabanggit na ang tungkol doon, kung seryoso na ang hitsura ni Zaro. Ngayon, lumandas ang mapanganib na ekspresyon sa kanyang mukha. Bagay na sobrang pamilyar sa akin pero wala kaide-ideya kung bakit at paano.

"Are you really that desperate to interact with men?"

"Ano po?"

His adam's apple moved when he swallowed hard, massaging the center of his eyebrows. By that view, my heart pounded threefold.

"Ang ibig kong sabihin, kagabi... tumakas ka sa kwarto mo. Plus, you entertained Fablo's... underhanded tricks."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam na ganito pala kalubha ang ginawa ko kagabi. Nana and Senyorito looked very upset by that. I had it bad then.

I heard him scoff. "When will you ever listen, huh, Lumi? Ilang beses namin kailangang sabihin na lumayo ka sa mga lalaking 'yon?"

Binalikan ko ang mga paalala ni Nana. Hindi lang partikular sa mga lalaki ngunit kailangan ko pa ring mag-ingat sa lahat ng tao. Hindi lang sa mga lalaki... kundi sa lahat. Dahil mga ganid sila, mapanganib...

I took a glimpse of the man before me, possessing an air that screams authority, power, and resilience.

He looked dangerous, too. Very accurate to what Nana's been warning me about boys. But even inside this diminutive room alone with him, how come I couldn't sense any sign of harm? He seemed... innocuous.

I slightly lowered my head to the horror that my adoration of Zaro might possibly influence my image of him.

However, when he leaned forward from his seat and lifted my chin to follow my gaze, my faint heart melted more. And I'm starting to hate the idea that he has control of me more than I.

"Can't you understand the risks of your safety outside this room? Let alone the world outside the fences..."

He said it while still looking intently at my eyes, adamant to capture my attention and put a sense on me.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang naghuhuramentado ko bang puso o ang katotohanang si Zaro ang nasa harapan ko ngayon. Iyon ay kung hindi ako nananaginip.

"We need to do something about your curiosity and ignorance. I'm afraid they create a deadly combination."

Binitawan na niya ako bago tuluyang tumayo.

Ewan ko. Siguro'y nanuyo na talaga ang lalamunan dahil hindi na nakapagsalita pa. Parang mas nais ko na lang hagilapin ang turnilyong nakalas sa aking utak dahil pansamantala ata iyong pumalya.

"I'll teach you a lesson from time to time. Bukas tayo magsisimula," Senyorito said.

Without proper adieu, he opened the door and left. When everything latched onto me, I tossed myself to the bed and held my heart to calm down.

Parang bigla akong nagsisi. Dapat pala ay naglakas-loob akong magtanong para linawin iyon. Medyo malabo sa akin ang gustong mangyari ni Zaro.

Anong leksiyon naman kaya ang ituturo nito sa akin? Isa pa, may pasok na ito bukas dahil Lunes. Does it mean we'll meet after his class? I'll wait for him to come home?

Nasobrahan ata sa sarap ang tulog ko nang gabing iyon. Nagkaron pa ako ng panaginip na kasama ko raw si Zaro, nasa harap ko at nakangiti sa akin.

Iyon pa lang ngunit abot-langit na ang tuwang nadama ko pagkagising. Nasaan na kaya ang pangamba kong maaaring isa ito sa mga lalaking binalaan ako ni Nana? He's been reminding me of my safety the past few days as well so I think he should be out of the list then?

Tinitigan ko ang sarili sa harap ng tukador kung saan nakatapat sa akin ang salamin. Ginaya ko ang ngiti ko sa panaginip, iniisip na ang sariling repleksiyon ay si Zaro.

Wala ang mga contact lense. Isa na naman ito sa mga araw na pupuslit ako sa kuwarto nang sobrang aga. Sigurado akong wala pa masyadong gising sa mansiyon kaya hindi na ako nagsayang ng oras. Pumunta na agad ako sa dalampasigan.

Wearing my old renaissance chemise, I enjoyed the picturesque beauty of nature. Ngayong wala akong suot na kahit ano sa aking mga mata, I don't know if I was just exaggerating or everything really looked clearer and more majestic to me, as if the hues of surroundings and environment was more colorful and saturated. Hindi ko na napansin ang ngiti.

Habang unti-unting natatanaw ang nakalatag na dalampasigan sa hindi kalayuan, unti-unti ko na ring narinig ang malulutong na tuyong dahon sa kada hakbang. Hindi rin papahuli ang sariwang hangin na animo'y iniikutan ako't gustong makipaglaro.

"Wala ngayon si Senyor Danilo kasi nasa Maynila siya, e. Makakapasyal kaya ako nang mas matagal ngayon? Hmmm. Tingin mo?" kausap ko sa bagong pitas na morning glory.

Iba-ibang kulay ng bulaklak nito ang madadaanan patungo roon. Ngunit pinakanagustuhan ko ay ang kulay lila.

Tinanaw ko ang destinasyon habang nilalagay ang bulaklak sa likod ng tenga.

Ang totoo, halos sampung minuto rin ang lalakarin mula sa mansiyon patungong dalampasigan kung mabagal at dinadama ang bawat hakbang. Ngunit tuwing nasa bingit na ako ng pagkahuli, nagagawa kong tatlong minuto ang sampu!

I giggled to myself as I recalled some scenarios like that when eventually, I made a sudden halt.

I was already a few meters away from my usual spot when I caught a silhouette beneath the other tree.

Base sa anyo ay nasisiguro kong lalaki ito at pamilyar. At sa kaisipang wala akong suot na contact lense, bumuhos ang takot at kaba sa akin.

"Lumi?"

It's too late when I decided to run off. One of the twins, Jacob, already learned about my presence.

Shitting bricks, I was too stunned to even move. In my mind, I was hell-bent to hurry out of this place but I was very caught by surprise by that unforeseen event.

Kung hindi pa hahakbang si Jacob palapit sa akin ay baka tuluyan na akong nabato sa kinatatayuan. Ganoon na lang ang pintig ng puso nang dali-dali kong damputin ang magkabilang laylayan ng bestida. Mabilis akong tumalikod at tumakbo bago pa man mahuli ang lahat.

"Lumi, teka!"

I ran for a couple of minutes because of my eagerness to save myself from being caught. Hindi na naman matutuwa sa akin si Nana kung magkataon. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos at hindi ko masisikmura kapag dumagdag pa ito!

"M-May itatanong lang ako! Bakit ka nalayo, Lumi!"

Ilang sandali, hindi ko na namalayang naabutan na pala ako ni Jacob. Kabado akong pumikit. Iyon na ata ang pinakamariin kong pagpikit sa tanang buhay ko!

Ramdam ko ang paghawak niya sa aking braso ngunit mabilis lang iyon. Agad niya ring tinanggal na tila napaso.

"M-Masama ang... pakiramdam ko, Jacob. Baka... mahawa ka sa akin."

My voice was cracky because I was catching my breath. I sensed him near me more. I could also hear his puffs.

"Edi sana hindi ka na tumakbo nang ganon. P-Para kang nakakita ng multo pagkakita mo sa akin. May... problema ba?"

Sa mga sandaling iyon, purong kadiliman pa rin ang tanawin ko. Wala akong ideya kung nasaang parte na kami ng lupain ngunit nasisiguro kong malayo-layo na ito sa dalampasigan.

"Wala naman, Jacob. Takot lang talaga akong mahawa ka sa akin."

"Huh? Teka. Bakit ka nakapikit? Napuhing ka ba?"

"May sore eyes ako, e. Baka... mahawa ka rin."

Rinig ko ang buntong-hininga niya. "Pero bakit hindi maganda ang kutob ko rito? P-Posible bang... takot ka na rin sa'kin buhat ng nangyari?"

Nakapikit man, lalong dumiin ang mga talukap ko dahil sa pagkalito. Anong nais niyang ipakahulugan?

Saglit kong binalikan ang mga nangyari nitong nakaraang araw at kung hindi pa susulpot ang memoryang si Jacob ang isa sa mga naghatid ng inumin sa party ng Senyorito, hindi ko pa siguro makukuha ang punto niya.

Nagkita kami ng gabing 'yon. Nahuli niya akong nakikipagsiksikan sa mga taga-syudad!

Umiling ako. "Bakit naman ako matatakot sayo, Jacob? Alam ko namang hindi mo ako ilalaglag kay Nana. Hindi ko rin talaga alam kung paano ako nauwi sa sitwasyong 'yon pero nangako na'ko kay Nana na hindi ko na 'yon uulitin."

Nang ilang sandali pa ay hindi ito nagsalita, bahagya kong inangat ang ulo at ngumiti, nagbabaka-sakaling matanaw niya iyon.

"Tsaka, wala kang dapat ipag-alala, Jacob. Kahit minsan hindi tayo nagkakasundo, alam kong mabuting tao ka."

Katahimikan. Iyon ang sumagot sa akin bukod sa natural na tunog dala ng kalikasan.

Ilang segundo pa ang pinalagpas ko ngunit nang mag-iisang minuto na at wala pa ring nakukuhang tugon mula sa kaibigan, inangat ko na ang mga kamay upang kapain ang paligid.

"Jacob?" I called out, still groping for him.

The slight difference in the crispy sound of the leaves as I stepped on them indicated that I wasn't on the coast anymore. Hindi na buhangin ang natatapakan kundi matatabang lupa na.

"Jac-"

"Makakaalis ka na."

"Ha..." I trailed off, hands slowly falling on my sides.

It's not Jacob. The voice was too deep and strict. Very manly. My jaw sagged when I realized who it was.

I quickly peeked at him as horror crept up on me. Mabuti kay Jacob ito nakaharap at medyo nakatagilid sa akin. Samantalang si Jacob, tingin ko'y masyadong nasindak para pa mapansin ang aking pagmulat. Saka ko lang din natantong malapit kami sa kwadra.

Jacob bowed shortly before bidding his adieu to the man, forgetting to glance back at me.

Nagmadali na itong umalis kaya naman umamba na rin akong tatakas. Ngunit sa kasamaang palad, humarap na si Zaro sa akin. Napapikit ulit ako.

"Not you."

Yumuko ako at napakagat nang mariin sa labi. "M-Magandang umaga, Senyorito..."

Sa kabila ng kagustuhang tunghayan ito, alam kong hindi ko magagawa dahil hindi suot ang dapat ay mga maskara.

"Anong ginagawa mo rito nang gantong oras? Sinabi kong malilintikan ka sa'kin kapag na nalaman kong..." For some reason, he paused. "Anong ginagawa mo?"

Hindi na nito natuloy ang dapat sana'y sermon sa akin. Napalitan iyon ng pagtataka. Bukod kasi sa pagpikit ay tinabunan ko na rin ng dalawang kamay ang mukha. Hindi ko alam kung tatalab ba ang ginawa kong alibi kanina pero...

"May sore eyes po ako, Senyorito. Hindi ninyo po gugustuhing... mahawa." Bahagya akong napayuko, nahiya sa walang saysay na dahilan. "Pasensiya na po."

Out of a sudden, the low growl in his lazy chuckle sent shivers to my spine. A hot flush crept out from my collar to cover my face.

I must admit. Even though his laugh was made of sarcasm, hearing it was still a dream come true for me.

Small things... I'm beyond happy even with these small things.

"You're stepping on my ego." I could even hear his amused smirk. "Sore eyes, huh? Baka pa mas paniwalaan ko kung sinabi mong ayaw mo na akong makita."

"H-Hindi ko po kayo ayaw makita!" depensa ko, nalito na rin sa sariling argumento.

"Sige nga. Imulat mo 'yan, tignan mo ako..." he gently challenged.

"Hindi po pwede."

"Bakit hindi?"

"Bawal..."

I knew I was losing my senses. Even my arguments were nonsense. Nahuhumaling man sa hiling ng Senyorito, mas pursigido akong itago ang katotohanan sa likod ng mga matang 'to.

Mayaman man at alam kong mas higit pa ang salapi nito kaysa sa halaga ng mga mata sakaling ipagbili niya, may iba pang salik na pinanghuhugutan ang takot ko na malaman niya ang kulay ng mga mata ko. He might... despise me. He might be disgusted.

Naghari ang saglit na katahimikan sa pagitan namin. Gayunpaman, napakabanayad ng tunog ng mabibining lagaslas ng mga dahon tuwing umiihip ang pang-umangang hangin.

Ganito sa probinsiya. Wala man masyadong nagtataasang gusali at teknolohiya tulad ng nakikita kong madalas sa mga magasin, para sa akin ay marami pa ring pwedeng pagkaabalan dito. At tiyak kong hinding-hindi ako magsasawa sa lalawigan ng Castel.

"Gusto mo na bang bumalik?" Zaro asked after a moment of peaceful silence.

Naibaba ko na ang mga kamay. Tumango ako at bumuntong-hininga.

"Opo."

"Mauna ka na. Hindi ako titingin."

Isang mainit na palad ang humaplos sa puso ko.

"Salamat po, Senyorto. Pasensiya na po sa abala."

"That's not a problem. I was about to go to the stable to check upon Margarita so do what you need to do first... I'll be waiting at the gazebo."

"H-Huh?" lito kong sambit.

Mula sa pagkakayuko ay napaangat ako ng ulo kaya muli kong naipikit ang mga mata.

He sighed. "Remember what I told you last night?"

"Pero Lunes at may pasok po kayo ngayon."

"Lumiban ako pansamantala."

"P-Po? Hindi niyo po dapat ginawa 'yon," tikhim ko.

"Sige nga. Bakit hindi po dapat, Senyorita?"

Bahagyang umusbong ang nguso ko. "Mahalaga ang... bawat araw sa eskuwela..."

O baka sa akin lang mahalaga? Dahil kailanman, hindi ako nakapag-aral. Kaya para sa akin ay importante iyon.

"Talaga," Zaro surprisingly approved. "Ngayon pa naman ang klase namin sa magandang prof..."

Lalo akong napayuko. "Mauuna na po ako."

Hindi na ako naghintay ng permiso at ganoon na lang kabilis ang bawat hakbang maisalba lang ang sarili roon.

Wala pa man ay hinihingal na ako. Napahawak ako sa dibdib nang tila may nabibiyak doon. Parang nagkatotoo ang sinabi kong masama ang pakiramdam at hindi ko alam kung bakit.

O siguro alam ko talaga. Ayoko lang aminin sa sarili.

"Lumi!"

I flinched when I heard him call my name in a distance. He's not following me. I'm certain of that so in the end, I sighed and stopped in my tracks to listen, eyes fixated on afar.

"We're not busy today so an absence is fine."

Palaisipan sa akin kung bakit niya ito sinasabi ngunit kahit papaano, nakampante ang loob ko.

"Totoong maganda 'yong prof pero matanda nang ilang taon," mas marahan pa niyang dagdag. "At hindi ko hilig ang mas matanda, Lumi."

Naestatwa ako. My breathing hitched in a heartbeat as my hopes for my dream heightened.

Never in my wildest dreams have I ever thought of being grateful for my age. Never. Just now.

Kaugnay na kabanata

  • That's What They Told Me   Chapter 6

    Chapter 6AzulPara akong lumulutang habang patungo sa gazebo na tinukoy ni Senyorito. Ang totoo, nag-aagaw ang tuwa at takot ko para sa sarili.Hindi ko na maintindihan. Sa pagkakaalala ko ay matibay naman ang paninindigan na imposibleng magtagpo man lang ang aming landas. Pero dahil lang sa narinig, nagkaroon ng liwanag ang dulo ng madilim na kuweba. Nakadiskubre ako ng katiting na pag-asa at lubos ko iyong ikinatutuwa. Gaya rin ng pagkatakot ko para sa sarili.Nang tanaw ko na itong nakaupo sa gazebo at nakatalikod mula sa aking direksiyon, awtomatiko ako napabuntong-hininga.Nakakatakot pa rin. Hindi ko dapat 'to masyadong bigyan ng kahulugan.Naisip ko, siguro dahil sa kabila ng pagiging malupit, sadyang may nakatago lang na kabutihan sa sulok ng puso nito. He's just too kind to stomach a damsel in distress roaming around with time bombs in her hands, full of casualties and mishaps.

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 7

    Chapter 7Pridyeder"Alalahanin mo ang mga bilin kong bata ka. Ilang ulit ko nang tinuktok sa utak mo kung gaano kadelikado ang paligid.""Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Nana. 'Yung kambal lang po talaga ang kasama ko."Tumalim lang ang tingin niya sa akin. "Alam ko. Pero kahit kanino dapat kang mag-ingat. Maski kanino!""Maski po sa inyo?" I asked innocently as I glanced at her through the mirror.Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa silid. Taimtim lang na nakatingin sa akin si Nana mula sa likuran ko kaya pinagpatuloy ko ang

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 8

    Chapter 8Routine"Dapat sa kuwarto na lang ang batang ito, Victor," problemadong wika ni Nana.Napayuko ako, inabala na lang ang sarili sa mga nakahaing putahe sa harap ko.Nangyari ang utos ng Senyorito. Lahat ng trabahanteng stay-in dito sa mansiyon ay narito't kasama niya sa pagkain, maging ako.Hindi ko mapagkakailang tama si Nana. Dapat ay sa kuwarto na lang ako. Iyon naman talaga dapat tulad ng dati. Nasanay na akong kumakain nang mag-isa sa silid ko. Hinahatiran na lang kung kailan hindi na abala ang lahat. Dining with a large group of people would always feel brand new to me.Buong ingat kong inangat ang mga kubyertos sa takot na makalikha ng kahit maliit na ingay. Halata mang intriga ang lahat sa opinyong iyon ni Nana, pinilit nilang huwag makialam o sumulyap man lang. Maliban kay Jackie."She's also a helper. Lahat ng narito ay parte ng Castellano," Zaro answered politely.

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 9

    Chapter 9LateBahagya kong inayos ang buhok. Nanatiling tahimik ang pagitan namin nang napagdesisyunan niyang basagin ulit iyon mayamaya."Lagi ka bang lumalabas nang maaga? Tulad nong nakaraan," he asked. And we both knew what he meant by that.Natigilan ako. Nagpang-abot ang kaba at pagtitiwala sa sistema. Bukod sa unang beses na nasali sa ano mang usapan ang takas kong pagliliwaliw, natatakot akong baka umabot ito kay Nana.Gayunpaman, hindi ko alam kung saan ko nakuha ngunit... nakaramdam ako ng tiwala. I don't know if it was the trust or the adoration I had for him. Maybe both.

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 10

    Chapter 10BittenAs soon as we finished our breakfast, I performed my duty immediately.Wala na akong pinalagpas na oras. Niligpit ko na ang lahat ng pinagkainan dahil tiyak kong kailangan na ring magmadali ng Senyorito para sa kanyang pasok."Are you joining the Full Moon Function?" biglang tanong nito nang malapit na akong matapos.Sa pag-aakalang abala ito sa paghahanda, laking gulat ko nang nakita itong prenteng nakaupo lang sa gilid ng kanyang kama, nakahalukipkip at pinapanuod akong magligpit.My lips parted slightly. But I managed to

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • That's What They Told Me   Chapter 11

    Chapter 11RainHumigit-kumulang isang oras ang naging kabuuang byahe. Pagkababa ng sasakyan, bumungad sa harapan ko ang isang munting bahay na gawa sa nipa. Sa likod nito ay nagtataasang puno ng niyog habang sagana naman sa iba-ibang uri ng halaman at bulaklak ang harap at munting hardin ng bahay.Nalaman kong kasalukuyang nasa baryong ito ang manggagamot para sa kanyang misyon. Kaya hindi ganon kadaling makapunta sa mansiyon ng mga Castellano."Victor! I'm really sorry for the inconvenience."Isang malamyos na tinig ng babae ang nagpalingon sa akin patungo sa gilid.Senyorito shifted from his weight to approach the lady in her mid-twenties. She looked young for a doctor. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.Wearing a simple pink dress, she looked elegant and fresh. Sa likod niya ay isang lalaki at babaeng hinuha ko ay mag-asawang nagmamay-ari ng bahay na ito."I unde

    Huling Na-update : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 12

    Chapter 12HerI went out of the SUV when we finally arrived in the place. My heart was beating against the walls of my rib cage and there was a flutter of butterflies in my stomach.Kung paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon ay palaisipan pa rin sa akin. Sa sobrang bilis ng mga nangyari, sa isang iglap, hindi ko akalaing posible pala ito.Hindi man makapaniwala na narito na ako sa ganitong kalagayan, pero ang gabing iyon, malinaw na malinaw pa rin sa akin. It was like a vivid dream, trancelike.At first, I had no idea what Zaro was talking about that night. Was he drunk? Was he in delusion?Wow! Delusion? Oh. The guts I had to say that!Kung meron mang nagdedelusyon sa amin, kumpara kay Senyorito ay mas malaki ang tsansa na ako iyon. Pero hindi. Siniyasat ko ang hitsura niya. At bukod sa basang-basa ito sa ulan, alam kong nasa tamang pag-iisip siya at seryoso. Marahil,

    Huling Na-update : 2021-09-09
  • That's What They Told Me   Chapter 13

    Chapter 13Runes"Bye, Lumi!""Bye!" I waved back to them.Ngumisi si Janine habang hinihila na siya paalis ni Willa sa room. Sabi kasi nila, may pupuntahan sila sa kabilang bayan. Pista raw doon.They actually invited me, almost adamant to make me come with them but unfortunately, I got no time for that kind of stuff.In a span of one week, they managed to understand my situation. I always told them that my guardian was strict so I needed to get home immediately after classes.It's partly true tho. Iyon naman talaga lagi ang bilin sa akin ni Nana at wala akong balak na suwayin iyon. Letting me go outside the Castellano premises and study was already a huge debt of gratitude. The least I could do was to conform to their restrictions and be compliant to their biddings.Isa pa, abot-langit na ang kasiyahan ko na matamasa ang ganitong pribilehiyo. Wala na ata akong mahihiling pang ib

    Huling Na-update : 2021-09-09

Pinakabagong kabanata

  • That's What They Told Me   Special Chapter

    Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi

  • That's What They Told Me   Epilogue (2 of 2)

    Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question

  • That's What They Told Me   Epilogue (1 of 2)

    Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an

  • That's What They Told Me   Chapter 45

    Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things

  • That's What They Told Me   Chapter 44

    Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li

  • That's What They Told Me   Chapter 43

    Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..

  • That's What They Told Me   Chapter 42

    Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan

  • That's What They Told Me   Chapter 41

    Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe

  • That's What They Told Me   Chapter 40

    Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw

DMCA.com Protection Status