Chapter 2
Safety
"Hoy, Lumi!"
I locked my lips as I turned to a familiar voice. Isang nakabusangot na Jackie ang tumambad sa akin.
Syempre, alam ko na ang pakay nito ngunit labag man sa loob ay inensayo ko na ang gagawin.
"Jackie," I smiled, the more reason for her to be furious.
Pagkatigil sa harap ko, nilahad niya ang kamay at tila inip.
"Iyong papel, akin na."
"Tungkol don, Jackie, sorry. Dahil sa trabaho kanina sa kwadra, hindi ko namalayang naiwala ko 'yung papel."
Hindi pa man ako tapos sa sinasabi, napamulagat na siya sa pinaghalong gulat at inis.
"Ano?! Kainis ka naman, Lumi, e!"
Bahagya akong napayuko. "Pasensiya na talaga."
"Bigla mo kasing hinablot! Tapos burara ka naman pala!"
Hindi na ako nagsalita at tinanggap na lang ang mga sentimyento nito.
To be honest, I don't know what's gotten into me that I have to resort to mendacity like this.
Ayoko naman talaga ng ganito. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magsinungaling at magtago kay Jackie para lang sa isang kakatwang papel.
Ngunit may parte sa akin na nagsasabing hindi lang iyon pangkaraniwang sulat. Wala mang ebidensiya o ibang salik na makapagsasabing may kabuluhan ang mensahing iyon, malakas pa rin ang kutob kong may kuwento sa likod ng kapiranggot at lumang papel na nakita.
Tangan ko ang mga hinanakit sa akin ni Jackie pero tinanggap ko iyon. I endured it since I deserved it anyway. Mas makokosensiya pa siguro ako kung hindi nito nilabas ang sama ng loob sa akin.
"Oh? Bakit ang aga mong bumalik? Ni hindi pa oras ng tanghalian, Lumi," si Nana pagkakita sa akin.
Galing ito sa kusina, marahil ay sinilip ang mga kasambahay na abala sa pagluluto. At tulad ng mga napapansin simula pa kaninang umaga, mas maaga ang paghahanda para sa tanghalian kumpara sa ordinaryong araw. Nagtaka ako lalo.
"Pinaalis po ako ni Senyorito," pag-amin ko sa matanda, nasa kusina ang dungaw ng mga mata.
"May nangyari na naman ba?" may pag-aalalang untag nito.
Binalik ko kay Nana ang tingin at napabuntong-hininga.
"Bukod po sa pagkahuli, wala naman pong ibang problema. Bigla na lang akong pinaalis ni Senyorito."
"Hmm. Ganoon ba?"
"Opo, Nana. Bakit po?" I asked out of curiosity when she suddenly went silent.
Mayamaya ay umiling ito. Inabot niya ang braso ko at bahagya akong hinila sa kung saan.
"Tumulong ka na lang sa akin. Marami pang kailangang asikasuhin para mamayang gabi."
"Huh? Ano pong meron?"
Biglang napatigil si Nana sa paglalakad at nabalutan ng gulat ang hitsura. "Hindi ko ba nasabi sayo?"
I tried recalling anything from yesterday that might be fit in this situation but it was futile. In the end, I shook my head lightly as I cocked my head in confusion.
"Parang... wala naman po?" Nag-alinlangan pa ako, hindi sigurado.
Napasapo ito sa noo at tila may napagtanto.
"Kaya naman pala parang wala ka sa sarili kaninang umaga. Tanghali ka pa nagising!" tukoy niya nang nakita ako kaninang alas siyete na naghahanda pa rin. "Ano ka ba namang bata ka? Kaarawan ng Senyorito ngayong araw, Lumien!"
My eyes widened in surprise. That explains why everyone's prompt and early! How come I didn't know that?
Binalikan ko ang interaksiyon namin kanina. Nakakahiya! Wala pa man din akong mintis sa kapalpakan tuwing nasa paligid si Zaro! Isipin pa lang na kaarawan niya pala at ganoon pa ang naging bungad sa kanya ng umaga, parang bumabaliktad na ang sikmura ko.
Kaya naman imbes na magtrabaho sa kwadra tulad ng orihinal na plano, tumulong na lang ako kay Nana na mangasiwa sa lahat ng gawain ng mga tauhan.
Napasimangot tuloy ako. Abala nga ang lahat. Bakit nga ba hindi man lang ako nakaramdam na may espesyal sa araw na ito?
Naisip ko, siguro dahil mas sanay ako na kay Senyorita Victoria nagsisilbi simula bata pa lang, ang pangalawa sa tatlong anak ng mga Castellano at ang Ate ng Senyorito Lazarus.
Sa Maynila na kasi lumaki ang Senyorito at ilang beses lang kung bumisita rito sa probinsiya kada taon. Dahil sa murang edad ay yumao na ang mga magulang, hindi tulad ng dalawang anak ay hindi ito gaanong napamahal sa lalawigan ng Castel.
Ayon sa mga kuwento ni Nana at iilang narinig sa mga trabahador, marami ring ari-arian ang mga Castellano sa syudad kaya naman dahil wala nang ibang maiiwan upang mamahala sa mga iyon, napagpasyahan na ang panganay na si Senyorito Victorico, o Rico, ang luluwas sa Maynila upang mangasiwa ng mga property roon.
Samantalang si Senyorita Victoria naman ang nagnais na manatili rito sa Castel. And because the youngest seemed to be closer with the eldest, that explains why the former came with the latter to the city and grew up there rather than stay here in Castel.
Well, at least that's what they told me. Because honestly, I couldn't really rely on my childhood recollections because I'm afraid I'd go wrong. They're not that reliable and vivid anymore.
However, since someone has to attend a business convention and run errands to some Western countries, Senyorita had to leave Castel for months and Senyorito Victor Lazarus was obliged to fill in the leadership here in the province.
For some reason, Senyorito Victorico disliked going back here, to their hometown. Ni minsan ay hindi ko man lang ito nakita nang personal o kung nangyari man noon, marahil ay limot ko na.
Kaya naman bukod sa panganay, ang bunso na lang ang libre upang umuwi rito at punan ang responsibilidad na naiwan ng Senyorita.
Although as far as I remember, they still have other relatives like uncles but the other one is more into science and inventions, not the business.
And as per the other one, I don't know much about him. I don't even know his name. Ang alam ko lang ay may dalawa pa silang tiyuhin sa side ng Senyor.
That's why Senyorito Lazarus is here for almost two months already. Hindi ko nga lang alam kung paano, ngunit nagagawa pa rin nitong ipagpatuloy ang naiwang pag-aaral sa Maynila dito sa pamantasan ng Castel.
Maybe he doesn't want to be left behind when it comes to his study. Isa pa, hindi na iyon nakakapagtaka. Halata naman sa anyo nitong seryoso at masigasig sa lahat ng bagay at ang pag-aaral ay hindi na iiba roon.
Farming, fishing, livestock, and sugarcane plantation. Aside from those agricultural businesses, they also gain profit from their construction business. One of the main reasons why Senyorito Victorico had to manage their construction businesses in Manila, most popularly known as Vicastel Construction and Supply, or simply VCS, under the flagship of Vicastel Holdings, Inc.
Because of that, I still consider myself lucky. Nakupkop ako ng marangyang pamilya na may mabuting kalooban. Ang ganitong mga trabaho at paninilbihan ay katiting lang kumpara sa mga kabutihang ipinamalas nila sa buhay ko.
"Manay, nariyan na ang delivery ng mga tent at lamesa," sabi ng isang kasambahay kay Nana.
Kasalukuyan kaming nasa paminggalan. Abala si Nana sa pagbibilang kung tama ang bilang ng mga bote ng inumin habang dinidespatsa ng mga tauhan ang mga tray sa lapag.
Kaso lang, biglang may dumating para sa balitang iyon kaya nawala ulit si Nana sa bilang. Problemado itong napakamot sa ulo, halos sabunutan na ang sarili.
"Santisimo!"
"Ako na lang po dyan," alok ko ulit sa ikatatlong beses na pagkakamali nito.
Inignora iyon ng matanda. Medyo umusbong ang nguso ko nang lagpasan niya lang ako ng tingin.
"Ano kamo?"
"Nasa tarangkahan na ang mga delivery, Manay. Saan po ba ididiskarga? Sabihan ko na po sila kaso lang hindi ko masyadong maaasikaso dahil hindi pa kami tapos sa kusina."
"Saan po ba dadalhin? Ako na lang!" Na-excite ako bigla.
Mukhang naalarma si Nana sa bigla kong bwelta kaya mabilisan itong humakbang paalis sa mga tray.
"Hindi pwede! Ikaw na rito at ako ang titingin doon."
"H-Huh? Akala ko po ba..."
Hindi ko na natuloy ang sinasabi.
Nagkatinginan kami ni Nana, may kung ano sa hitsura nitong balisa sa hindi malamang dahilan. Sa huli, ako ang naiwan sa pagbibilang. Natapos ko rin agad nang wala pang isang minuto dahil ginamitan ng matematika.
"Bilib ako sa batang ito!" manghang halakhak ng isa sa mga trabahador na kasama.
"Talaga po?" My face beamed.
Pinagpagan nila ang kanilang mga kamay at may ngisi na sa mga labi.
"Oo. Magaling ka pala, e. Magaling ka rin kaya sa ibang bagay?"
Tumayo na sila at unti-unting lumapit sa akin. Still fazed and enthusiastic with their praises, I felt my cheeks flushed and my lips slightly protruded, suppressing the provoked smile on it.
"Marami pa po akong alam na ibang bagay!" medyo pagyayabang ko, tuwang-tuwa sa kaisipang magpakitang-gilas sa kanila.
"Talaga?"
Now the two of them are standing in front of me. Aside from Nana, it is once in a blue moon that people can stomach coming closer to me at this distance that's why it feels very brand new to me.
Pakiramdam ko, hindi naman pala ako ganoon kasahol at nasisikmura akong tignan ng mga lalaking ito. Hindi lang tignan, nilapitan at kinausap pa ako! Pinuri!
Can you believe that?
I nodded merrily like a little kid. "Ano pa po bang gagawin ninyo? Baka pwede akong tumulong at ipakita sa inyo!"
By that, they laughed. But there's something on their peals of laughter that makes me hesitant. Mas matimbang nga lang ang kaligayahan at excitement ko kaya panandalian lang ang pagdududa. Guni-guni ko na naman siguro.
"Tara, samahan mo kami. May ipapakita kami sayo, bata," tatawa-tawang sambit ng isa sabay abot sa kamay ko.
"Sige po!"
Masunurin naman akong nagpatianod at mabilis na gumana ang imahinasyon. Mukha namang hindi malayo ang edad nila sa akin. Malaki pa rin ang potensiyal na makabuo ako ng pagkakaibigan ngayong araw sa katauhan ng dalawang trabahador na ito.
Ano kayang gagawin namin? Saan nila ako dadalhin? Sa likod-bahay kaya? Magsisibak ba ng kahoy? Tingin ko naman, kaya ko! Ayoko silang biguin kaya determinado akong galingan kung ano man ang ipagawa nila sa akin. Napangiti ako.
Habang pinagmamasdan silang magbulungan sa harap ko habang dumadaan kami sa likod ay unti-unting napawi ang kurba sa mga labi, natanaw ang isang pamilyar na tao.
Napayuko ako, takot na magsalubong ang mga mata namin. Isa pa sa mga kinahihiya ko ay hindi ko man lang ito nabati ng maligayang kaarawan.
Ilang taon na kaya ang Senyorito ngayon? Teenager pa rin kaya tulad ko? Tingin ko, malabo. Malaking tao ito at hindi angkop ang pangangatawan para sa isang teenager. Twenty na kaya? Twenty one?
With my anticipation that he's heading somewhere else, I snapped out from my reverie when the two workers dragging me somewhere made a sudden halt.
Kuryoso, napaangat ako ng tingin at halos malagutan ng hininga pagkakita kay Zaro na nakatigil na rin sa harapan ng dalawang trabahador.
"Uh... Senyorito," the men greeted politely with a tad of quiver in their voices.
When his eyes languishingly drifted on me, my pupils dilated and I lowered my head to show some respect to the man.
"S-Senyorito."
Nagpatuloy ito sa ginagawang pagpupunas ng kamay gamit ang puting labakara. His attention was half divided when he spoke the same time he's paying attention to his hands.
"Tapos na ang trabaho?" aniya sa mababang tinig.
May pag-aalinlangang umiling ang may hawak sa akin.
"H-Hindi pa, Senyorito. May... uh... Ibig kong sabihin, papanhik na kami sa susunod na gawain."
"Saan?"
"Sa... Sa may rantso."
Sa wakas, mula sa ginagawang pagpupunas ng kamay ay umangat na ang kanyang tingin sa kausap.
Napalunok ako. May kung ano sa mga matang iyon na ramdam ko ang panganib.
"Naliligaw kayo. Sa kabila ang daan."
"Ah! O-Opo. Salamat, Senyorito!" agap ng isa sabay talikod na.
Gumaya na rin ang may hawak sa akin at giniya na ako paalis. Saglit pang nagkasalubong ang mga mata namin ni Zaro ngunit hindi ko matagalan, umiwas na rin ako bago magpatangay sa mga lalaki.
Iyon nga lang, hindi pa man nakakahakbang nang ilang beses, rinig ko ang sarkasmo sa ngisi nito at paggulong ng isang bato. Saktong tumama iyon sa binti ng lalaking may hawak sa akin at dahil may kalakihan, napadaing ito sa sakit at natamong pwersa. Napatigil kami kasabay ng pagsinghap ko sa gulat.
Rinig ko ang bakas ng mga paa sa likuran dahil sa lutong ng tunog ng mga tuyong dahon. Pagkalingon, laking gulat ko nang nasa likod na namin ang Senyorito!
"Tinatalikuran niyo na ako ngayon?" he asked critically.
My eyes dropped on my wrist when the worker's grip on it tightened. Sa sulok ng mga mata, pansin ko rin ang pagsulyap doon ni Zaro. Siniko ng isa ang lalaking may hawak sa akin at nang nakuha nito ang mensahe, mabilis nitong binitawan ang palapulsuhan ko.
"Naku! Hindi, Senyorito!" depensa ng isa samantalang ang may hawak sa akin kanina, tahimik pa rin at nakatalikod.
Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? Bakit parang bigla akong nawala?
"Hmmm," Zaro said as he cocked his head on the other side, eyes intent gazing at the back of the other guy before shifting it towards me.
Muli akong napatikhim. Sa mga sandaling iyon, doon ko pa naalala kung anong okasyon ngayon kaya saglit akong yumuko at hilaw na ngumiti sa kanya.
"Maligayang kaarawan, Senyorito!"
Nilawakan ko pa ang ngiti, nagbabaka-sakaling humupa ang tensiyon sa paligid kung babatiin ito nang maligaya.
His lips twitched a bit as he watched me closer, as if he's trying to determine me. Pansin ko rin ang paninigas ng dalawang trabahador sa tabi kaya ginapangan agad ako ng kahihiyan!
"Thank you?" Zaro retorted with a hint of agitation and amusement.
"Uh..." Pagak kong tinawa ang kaba. "You're welcome, Senyorito. Wala iyon. Ilang taon na po ba kayo?"
I bit the insides of my cheeks as I strained a constipated laugh.
In fairness, I'm a little proud of myself for being able to divert the topic. It is also my way to stall my newfound friends from humiliation.
Hindi ko man alam kung anong kasalanan nila sa Senyorito, at least gawin ko man lang ito para makatulong, ganti na lang din sa kabutihang loob na pinakita nila sa akin.
Zaro shifted from his weight and now his attention is solely on me.
"I'm twenty-one," he answered using his low baritone English.
Napanguso ako. "Tama ako..."
"Hinulaan mo?"
"O-Opo. Pasensiya na. Tungkol din po kaninang umaga, sorry kasi hindi ko kayo nabati man lang. Nawala po kasi sa isip ko."
His brow shot up. Bahagyang nanliit ang mga mata niya sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Hindi ko na rin naman natanong kasi mayamaya, kapuwa namin narinig ang kaluskos ng dalawa pang kasama.
Naalarma ako. Hala, aalis na sila?
"Sama ako, Kuya!" sigaw ko.
"Huh?!" gulantang nilang lingon pabalik sa akin.
Ngunit nang lumipat ang tingin nila sa likuran ko, namutla ang mga hitsura nila at dali-daling tumakbo ulit.
I groaned inwardly. I was about to run after them but a hand stopped me. My heart drummed aggressively when I realized it's Zaro!
I immediately turned to face him and as soon as our eyes met, his hold of me loosened until my hand fell on my side.
My lips parted. "M-May ipag-uutos po ba kayo?"
Umigting ang kanyang panga at tumalim ang titig sa akin. Ganoon din ang paraan ng pagtitig niya sa akin kanina. Para bang dismayadong-dismayado sa nilalang na nasa harapan niya.
"Gusto mong sumama sa kanila?" he asked as if it was the most ridiculous thing he has ever heard.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Anong mali roon?
"Kung tingin niyo po ay makikipaglaro ako sa kanila, nagkakamali po kayo, Senyorito. Nasa... kalagitnaan po kami ng trabaho. Papunta na nga po dapat kami sa rantso, e."
He chuckled, but there was no humor in it.
"Kasalanan ko pa," he whispered to himself.
"H-Hindi naman..."
His gaze went back to me. He shook his head before throwing his head back shortly.
"Anong pangalan mo?" bigla ay tanong niya.
"Lumien."
Marahan siyang tumango. "Lumi..."
"Lumien," pagtatama ko kasi mali ata siya ng dinig.
Tumaas ang isang kilay niya. "I heard others calling you Lumi last time."
"Alam niyo na naman po pala. Nagtanong pa kayo."
Pumasada ang banyagang ekspresyon sa kanyang hitsura. Nang natanto kung ano ang lumabas sa bibig, awtomatiko akong napatikhim.
"Ang ibig kong sabi-"
"I thought I'm allowed calling you by your nickname," he sneered.
Napalabi ako.
"Pwede naman..." Biglang nanliit ang boses. Ano ba naman itong mga pinagsasabi ko?
"And you can understand English," he said more than ask.
Bigla akong naestatwa, hindi kailanman sumagi sa isip na mapupuna niya iyon at magiging big deal ito.
"P-Po?" pagkukunwari kong hindi iyon naintindihan kahit huli na.
Based on his expression, the way his lips twisted and tilted his head, I know he didn't buy that.
"Have you ever studied?"
"No..."
He scoffed. "Then why..."
Hindi na niya natapos ang sasabihin, tila may natanto nang direktang tumitig sa aking mga mata.
In the end, he just licked his lips and shook his head lightly, as if trying to pull himself together before turning his back to me.
"Stay in your room now. Tell Nana Laura it is me who ordered you that. Utos ko."
Umawang ang labi ko. Bago pa man siya makaalis, humabol ako dulot ng kuryosidad.
"Pero kailangan po ni Nana ng tulong ko, Senyorito..."
He stopped in his tracks. I saw how his shoulders moved when he heaved a deep sigh.
And without looking at me, he lowered his head and slid his hands inside his pockets.
"Maiintindihan niya iyon. Stay away from those people," he ordered. "It's for your safety..."
Those were his last words before he walked away.
Chapter 3BuffaloMy cheeks flushed when I reckoned what's that about. Is he... perhaps... concerned about me?He said it's for my safety... Why? Are those guys up for something when they told me to come with them?Truth be told, I really did feel something strange earlier when they talked to me. But it wasn't enough warrant to judge them, especially when they're being nice to me. Something that is really precious for me.People being friendly... Having friends, having someone to talk to, being my true self when they're around.I smiled inwardly. Wow. Is it possible to experience that?Habang pabalik sa mansiyon ay hindi ko maiwasang tanawin ang matatayog na bakod at pader. Nakapalibot iyon sa buong lupain ng Castellano.May mga pagkakataong nawawala sa isip kong mayroon noon dahil napakalawak naman ng buong lupain. Kaya parang hindi rin dama ang pagkakakulong dito sa loob ng ilan
Chapter 4MattressI still can't believe it. My first kiss in everything was stolen by Zaro! It also doesn't help that he's unconscious and oblivious. He can't remember a thing! Tuloy, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o sumama ang loob.It's not fair though. He should at least... remember it, I guess?I derided to myself. What for, Lumi?Kinaumagahan noon, mula sa patio ay tanaw ko ang pagpanhik ng kanilang grupo patungo sa kwadra kanina. I think they planned on sauntering around before going.Linggo ngayong araw kaya naman maagang umalis si Nana para magsimba kasama ang ilang kasambahay. Samantalang ako, naiwan dito sa mansiyon.Wala namang pinapagawa sa akin ang matanda ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi magtampo tuwing Linggo. Hindi nila ako sinasama. Bawal daw akong lumabas.Kasalukuyan akong nasa silid habang nakahalumbaba gamit ang parehong kamay, nakatanaw kina
Chapter 5GratefulHindi ako mapanatag sa sitwasyong kinalalagyan ko sa mga oras na iyon. Kung bakit nasa loob ng maliit kong silid ang Senyorito ay hindi ko pa rin alam dahil kapuwa kami tahimik lang simula nang papasukin ko siya rito.Kung may ingay man na maririnig sa paligid, siguro iyon ay ang paminsan-minsang pagtama sa pinggan ng kubyertos ko.Isa pa, dalawang bagay ang umiikot ngayon sa utak ko. Bukod sa aksidenteng halik noong nakaraang gabi, na malinaw sa aking hindi alam ni Zaro, dumagdag pa ang kakatwang memorya ko sa mapanganib niyang histura.Was it a dream or a memory? Siguro sa sobrang kahibangan ay nag-iilusyon na ako masyado."What are you thinking?" basag ni Senyorito sa katahimikan.Awtomatiko akong nanigas sa gulat. Napatigil ako sa pagkain. Nang natanto ang kanyang tanong ay nag-init ang mukha ko dahil totoong alam na alam ang sagot doon."K-Kung ano pa pong
Chapter 6AzulPara akong lumulutang habang patungo sa gazebo na tinukoy ni Senyorito. Ang totoo, nag-aagaw ang tuwa at takot ko para sa sarili.Hindi ko na maintindihan. Sa pagkakaalala ko ay matibay naman ang paninindigan na imposibleng magtagpo man lang ang aming landas. Pero dahil lang sa narinig, nagkaroon ng liwanag ang dulo ng madilim na kuweba. Nakadiskubre ako ng katiting na pag-asa at lubos ko iyong ikinatutuwa. Gaya rin ng pagkatakot ko para sa sarili.Nang tanaw ko na itong nakaupo sa gazebo at nakatalikod mula sa aking direksiyon, awtomatiko ako napabuntong-hininga.Nakakatakot pa rin. Hindi ko dapat 'to masyadong bigyan ng kahulugan.Naisip ko, siguro dahil sa kabila ng pagiging malupit, sadyang may nakatago lang na kabutihan sa sulok ng puso nito. He's just too kind to stomach a damsel in distress roaming around with time bombs in her hands, full of casualties and mishaps.
Chapter 7Pridyeder"Alalahanin mo ang mga bilin kong bata ka. Ilang ulit ko nang tinuktok sa utak mo kung gaano kadelikado ang paligid.""Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Nana. 'Yung kambal lang po talaga ang kasama ko."Tumalim lang ang tingin niya sa akin. "Alam ko. Pero kahit kanino dapat kang mag-ingat. Maski kanino!""Maski po sa inyo?" I asked innocently as I glanced at her through the mirror.Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa silid. Taimtim lang na nakatingin sa akin si Nana mula sa likuran ko kaya pinagpatuloy ko ang
Chapter 8Routine"Dapat sa kuwarto na lang ang batang ito, Victor," problemadong wika ni Nana.Napayuko ako, inabala na lang ang sarili sa mga nakahaing putahe sa harap ko.Nangyari ang utos ng Senyorito. Lahat ng trabahanteng stay-in dito sa mansiyon ay narito't kasama niya sa pagkain, maging ako.Hindi ko mapagkakailang tama si Nana. Dapat ay sa kuwarto na lang ako. Iyon naman talaga dapat tulad ng dati. Nasanay na akong kumakain nang mag-isa sa silid ko. Hinahatiran na lang kung kailan hindi na abala ang lahat. Dining with a large group of people would always feel brand new to me.Buong ingat kong inangat ang mga kubyertos sa takot na makalikha ng kahit maliit na ingay. Halata mang intriga ang lahat sa opinyong iyon ni Nana, pinilit nilang huwag makialam o sumulyap man lang. Maliban kay Jackie."She's also a helper. Lahat ng narito ay parte ng Castellano," Zaro answered politely.
Chapter 9LateBahagya kong inayos ang buhok. Nanatiling tahimik ang pagitan namin nang napagdesisyunan niyang basagin ulit iyon mayamaya."Lagi ka bang lumalabas nang maaga? Tulad nong nakaraan," he asked. And we both knew what he meant by that.Natigilan ako. Nagpang-abot ang kaba at pagtitiwala sa sistema. Bukod sa unang beses na nasali sa ano mang usapan ang takas kong pagliliwaliw, natatakot akong baka umabot ito kay Nana.Gayunpaman, hindi ko alam kung saan ko nakuha ngunit... nakaramdam ako ng tiwala. I don't know if it was the trust or the adoration I had for him. Maybe both.
Chapter 10BittenAs soon as we finished our breakfast, I performed my duty immediately.Wala na akong pinalagpas na oras. Niligpit ko na ang lahat ng pinagkainan dahil tiyak kong kailangan na ring magmadali ng Senyorito para sa kanyang pasok."Are you joining the Full Moon Function?" biglang tanong nito nang malapit na akong matapos.Sa pag-aakalang abala ito sa paghahanda, laking gulat ko nang nakita itong prenteng nakaupo lang sa gilid ng kanyang kama, nakahalukipkip at pinapanuod akong magligpit.My lips parted slightly. But I managed to
Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi
Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question
Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an
Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things
Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li
Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..
Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan
Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe
Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw