Chapter 1
Message
Eyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.
Then I wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?
I want to know. I'm curious about my own soul and essence. But sadly, no one's willing to take a glimpse through the window.
Tumingala ako, dinama ang kapayapaan, ang sariwang hangin ng pang-umagang araw.
Kasalukuyan akong nasa ilalim ng isang matayog na puno kaya nalilimliman kahit papaano. Mula sa taas, tanaw ko ang sumisilip na marahang sikat ng araw mula sa maliliit na puwang ng mga dahon.
Hindi ko namalayan ang ngiti. Unti-unti mang dumadampi ang katamtamang init sa balat mula sa mga pasaway na sinag, hinayaan ko iyon. Dahil bukod sa kanila, wala nang iba pang magnanais na tanawin ako, o subukan man lang na lapitan.
Inangat ko ang isang kamay bago ipikit ang kabilang mata. Sinubukan kong takpan ang ibang puwang sa mga dahon. Kaso lang, bigo ako.
Umihip kasi ang pang-umagang hangin kaya binagsak ko na lang ang tingin sa panibagong pumpon ng mga dahon. Sa mga nalagas mula sa taas at nahulog sa buhangin.
Sa harapan ko ay isang malapad na karagatan. Pinagmasdan ko ang maliliit na alon at agad akong nalibang sa panibagong tanawin.
Sa totoo lang, para sa akin, mas madaling paniwalaan na ang ikalawa ang mas naglalarawan sa aking lagyo.
The former set of possibilities is all far-fetched. If my soul is indeed pure, sweet, solemn, radiant, and innocent... then why would they forsake me? They keep on shunning me away; they're avoiding me.
Why? Did I do something wrong? Are they mad at me?
Napakurap-kurap ako nang may natanto.
Maybe it's because of these contact lenses? People aren't able to see my real eyes. Then they must be clueless about my own soul because of these barriers covering my windows to my soul? My poor soul must be sad! Deprived of people's cognizance!
"Kapag nakita ng iba ang tunay mong mga mata, baka mahumaling ang mga ganid at dukutin 'yan para ibenta sa talipapa. Malaking salapi ang maaaring makuha para sa mga matang iyan. Gusto mo ba iyon?"
Agad akong kinilabutan kaya umiling ako nang malaki sa kahindik-hindik na ideya.
"Hindi na po mauulit. Pasensiya na po!"
"Pinag-iingat lang kita, Lumi. Para ito sa kaligtasan mo kaya huwag na huwag mong kakaligtaan, ha?"
That's what they always told me. It is all for my safety.
Every time I look at my eyes' reflection, they tend to stare back at me. Staring with the same intensity as if they don't wanna lose.
They have colors now. Who would have thought that black could colorize my entirety? Maliit na parte man ng kabuuan ngunit hindi matatawaran ang ambag sa anyo.
Hindi ko alam pero sa kung anong rason, purong puti ang mga mata ko. Both my iris and pupils are white but around my iris is a very thin black line that separates them from my sclera.
Gusto kong isipin na isa itong uri ng sakit ngunit tiniyak ni Nana na walang mali sa mga mata ko.
I tried insinuating that I might be different but in the end, they'd convince me I'm not. Because I am unique.
And this uniqueness might put me in jeopardy if discovered by many outside those fences. Ang mga bakod na anila'y nagsisilbing proteksiyon ko mula sa mundong nasa labas ng mansiyon.
I need to be compliant because it is all for my safety. I need to stay away from the people because they are greedy monsters that would hunt me sooner or later. That's what they told me.
"Simulan mo nang magsalin!"
"Kanina pa ako nakapag-ipon!"
"Edi ihatid mo na sa kamalig! Kailangan na nito roon!"
I was alarmed when I heard some of the workers. Their voices were already nearing here and in no time, my mind was filled with bad words like pirates and barnacles.
Agad kong binuhat ang magkabilang-laylayan ng puting bestida. It was one of the old renaissance chemises that Nana gave me for my nightware. Magaan lang iyon at malambot ngunit dahil baka madumihan ay kailangan kong iangat ang laylayan. Baka pa mahuli ng matanda at mapagsabihan na naman ako.
Nana is an elderly who took care of me since before I can remember. Bukod pa roon, ito rin ang Mayordoma ng pamilyang Castellano sa loob ng mahabang panahon.
Habang maingat na umeeskapo pabalik sa mansiyon, puno na ng pag-aalinlangan ang sistema. Ang ganito kasing pagliliwaliw ko sa umaga ay pinanatili kong lihim dahil natitiyak kong magagalit iyon kapag nalaman ni Nana. Lalo na at hindi ko suot ang sarili kong uri ng maskara. Ang contact lenses.
Mahigpit niyang ipinagbibilin na huwag na huwag akong lalabas ng kuwarto kapag hindi iyon suot. At tuwing ganitong tumatakas ako nang madaling araw at umaga lang nagkakaroon ng pagkakataon para magmuni-muni nang hindi iyon gamit.
May katagalan ko na rin itong ginagawa. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Feeling ko ang gaan lang ng mga mata at totoo ako sa sarili. Walang maskara. Walang halong pagtatago.
Siguro magdadalawang taon ko na rin itong routine tuwing Sabado o Lunes. Ngayong labing-anim na taong gulang na ako, mas lalo pang nakahiligan dahil siguro ay tumigas na ang ulo.
Sabado dahil kakaonti na lang ang mga trabahante na maaaring makahuli sa akin. Iyon kasi ang uwian ng mga stay-in sa lupain ng mga Castellano. Habang Lunes naman dahil tanghali pa ang dating ng mga kapalit. Hindi ko nga lang alam kung bakit ngayon, napaaga ata sila!
"Lumi!"
Bumukas agad ang pinto at niluwa si Nana. Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang naunahan ko siya! Maaga ito ngayon kumpara sa pangkaraniwang araw. Ano bang meron at ang aga ata magbanat-buto ng mga tao?
Abala ako sa paglalagay ng lense sa isang mata kaya nagkatinginan kami sa salamin. Pero hindi ako nakuntento at humarap pa mismo sa matanda. Namilog ang mga mata nito dahil sa pagkagulat.
"Santisimo! Huwag kang manggugulat nang ganyan!" sapo nito sa dibdib.
Mahina akong natawa at nilapitan ito. "Ano po iyon, Nana? Naparito kayo?"
"Suotin mo muna ang isa, Lumien! Aatakihin ako sa puso!"
"Ah! Oo nga pala. Wait lang po."
Mabilis akong tumakbo patungo sa salamin at maingat na dinampot ang para naman sa kabilang mata. Bahagya kong hinila pababa ang ilalim ng mata bago iyon ilapat nang tuluyan.
"Tanghali na, hija. Bakit ngayon ka lang naglalagay nyan?" si Nana, nasa likod ko na pala at pinagmamasdan ako mula sa salamin.
I smiled shyly and scratched my temple.
"Kakagising ko lang po. Pasensiya na," I lied.
Tumango ito at ngumiti rin pabalik sa akin. Marahan niyang hinaplos ang mahaba kong buhok tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing may importanteng sasabihin.
"Mag-iingat ka sa susunod. Paano na lang kung hindi ako ang pumasok? Hindi pa naka-lock ang pinto mo."
"Opo."
Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang-braso upang matignan ako nang maayos.
"Pinag-iingat lang kita, Lumi. Para ito sa kaligtasan mo kaya huwag na huwag mong kakalimutan, ha?"
Tumango ako, natahimik.
"Lalo na at dalaga ka na. Napansin kong nagiging madalas ang pagnanakaw ng tingin sayo ng ilan sa mga trabahante kaya kapag may sumubok na manligaw, isumbong mo agad sa akin!"
"Opo!" masugid kong sagot ngunit napalabi rin kalaunan. "Kaso, Nana. Imposible naman po ata iyon. Mailap po sila sa akin, e."
Napaangat ang parehong kilay ni Nana at hinaplos muli ang aking buhok.
"Kasi maganda ka. Kahit sino atang lalaki ay maiilang sa taglay mong kagandahan, Lumi."
Mabilis na namula ang pisngi ko.
"Hindi naman po..."
"Hay naku! Nagbobolahan na naman tayo rito. Bago ko pa makalimutan, napatawag ako sayo dahil kailangan mo nang tumulong sa kwadra. Naghihintay na ang Senyorito roon."
"Ah, opo. Susunod na po agad ako," medyo kabado kong sagot kasi naalala ang huling interaksiyon namin ng Senyorito.
"Bilisan mo at mukhang masama ang timpla. Sige na."
Pagkalabas nito, niligpit ko na ang mga ginamit pabalik sa tukador at napatitig sa salamin sa huling pagkakataon.
"Maganda ako?" lito kong tanong sa sarili. "Marami rin kayang maganda sa labas ng mga bakod?"
"Lumi! Sa kwadra!" paalala sa akin ni Nana pagkalabas ko ng kuwarto.
Nasa tanggapan lang kasi ito kaya madali akong nahuli, doon sa pangunahing entrada. Kaso hindi roon ang daan ko dahil nasa likod ang kwadra kaya para mas mabilis, sa gilid na bukana ako lumabas.
Malawak ang lupain ng mga Castellano. Ilang naglalakihang sakahan, rantso, at katubigan ang nakapalibot sa kanilang ari-arian, ilan lamang sa mga bagay na mas ikinaaangat nila sa karamihan ng mamamayan sa probinsiya ng Castel.
Can you believe it? A whole province named after their ancestry? That's how influential their ancestors were before. And even until now. Every resident is looking up to them for years. Sila ang sinusunod, sila ang ginagaya. Sila dapat ang laging tama at kung sino man ang sumubok na manghamak sa angkan ng mga Castellano ay malalagot sa buong nayon.
"Isa ka sa mga kinupkop ng mag-anak. Ulilang lubos. Kaya utang mo ang buhay mo sa mga Castellano, Lumi. Lagi mong pagbutihin ang trabaho mo dahil iyon pa lang ang tanging magagawa mo para sa kanila," si Nana nang isang araw ay tanungin ko ito kung paano ako napadpad sa lupain ng mga Castellano.
Kaya sa paglaki ko, iyon ang tinatak ko sa utak ko. Maging mabuti sa kanila at laging tumanaw ng utang na loob.
"Saan mo ba kasi nakita 'yan?"
"Puro ka naman reklamo! Sa attic! Kung 'di mo naman alam, sabihin mo lang! Dami pang cheche bureche!"
"E, paano? Ang aga-aga binibigyan mo ako ng problema!"
Napukaw ng munting pagtatalo ang atensiyon ko. Napatigil tuloy ako sa pagtakbo para tanawin kung bakit nag-aaway na naman ang dalawang kambal na sina Jackie at Jacob.
Mas bata lang sila nang isang taon sa akin ngunit tulad ko, mga ulila rin ito at kinupkop na lang ng mga Castellano.
"Maganda umaga," bati ko sa kanila.
Kapuwa sila nagulat sa biglang pagsulpot ko dahil nakatutok sa pinag-aawayan nilang kapiranggot na papel.
Ngumiti ako. Ngunit tulad ng madalas ay napatuwid lang sila ng tayo at naging mailap sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na asik ni Jackie.
Nilagay ko ang magkabilang kamay sa likod at kunwari'y sinilip ang hawak niya.
"Narinig kong may problema rito. Baka makatulong ako," I said merrily.
Umiling naman si Jacob at hinara ang braso sa kapatid. "H-Hindi ka namin kailangan dito, Lumi. Kaya na namin 'to!"
Gusto ko sanang magtanong kung bakit biglang nangamatis ang mukha nito pero sinapok siya ni Jackie.
"Anong kaya? Nangangamote ka nga riyan!"
Napaangat ang parehong kilay ko. Kamatis at kamote? Hmm.
"Manahimik ka nga!" si Jacob.
Humakbang pa ulit ako palapit sa kanila pero bumagsak ang balikat ko nang umatras silang muli.
"Ano bang problema?" I tried to smile again to make them at ease.
Nagkatitigan ang kambal na parang nag-uusap gamit ang mga mata. Ngumuso ako, sinubukang suriin ang papel na hawak ni Jackie mula sa puwesto ko, tutal mukhang nagte-telepathy pa sila.
Based on its appearance, the paper looked so old and worn out. It suffered from a few folds and the sides were already sallow. Ngunit hinuha ko ay bukod pa roon ang pinagtatalunan ng kambal.
"Ano, kasi... Ang ganda ng sulat. Kakaiba. Gusto ko sanang malaman kung anong nakalagay kaso hindi ko maintindihan ang lengguwahe," Jackie wavered finally after a moment.
"English ang tawag dyan," sabat naman ng kapatid kaya tumalim ulit ang titig ng babae rito.
"Huwag kang umastang magaling kung hindi mo rin naman alam!"
Before they could even run amok, I abruptly snatched the paper away from Jackie to get this over with.
"Hala! Uy, akin na!"
"Jackie, teka!"
Natawa ako nang sinubukan akong habulin ni Jackie samantalang si Jacob, tila napatigalgal sa kanyang kinatatayuan dahil sa kung ano. Sa pag-aakalang sasakay ang kakambal niya sa kalokohan ay tumalikod na ako para tumakbo ngunit pagkapihit, bumalikwas ako dahil tumama ang ilong sa isang matigas na bagay.
Pagkatingala, parang nagimbal ang mundo ko nang natanto kung sino ang na na nabunggo. Mabilis akong pinamutlaan ng mukha.
"Senyorito!" tarantang yuko ng kambal.
My pupils dilated for a combination of shock, dread, and embarrassment for a surprise cocktail. It took me a short while to realize what just happened.
A set of stoic orbs were directed to mine when the owner dropped his gaze on me. That's when everything dawned onto my head and his blurry image magnified.
Kabado, pikit-mata akong yumuko ngunit dahil sa agwat namin, hindi ko naisip pa na maaaring mauntog ulit ako rito! Lumien! Get yourself together and stop throwing more eggs on your face!
Habang nakayuko pa rin, umatras ako at mas lalong binaba ang sarili.
"M-Magandang umaga, Senyorito! Paumanhin po sa pagiging padalus-dalos!"
Rinig ko ang munting tikhim nito. At dahil sa kung ano, isang beses itong umatras na tila may nakakahawa akong sakit.
"Sino ang trabahanteng nakatalaga ngayon sa kwadra?" maawtoridad nitong tanong, binalewala ang paghingi ko ng tawad.
Napangiwi ako. Umahon at nag-init lalo ang pisngi.
"Uh... Ako po."
Sa ikalawang pagkakataon ay istriktong dumapo sa akin ang kanyang mga mata, animo'y dismayado sa kahihiyang sunod-sunod kong pinamalas.
"Ikaw rin ang nanakot sa mga kabayo noong nakaraan. Sigurado kang wala kang galit sa mga alaga ko?"
"H-Hindi ko 'yon sinasadya..." katwiran ko kahit ang totoo, hiyang-hiya na dahil naalala ang kapalpakan. "Pasensiya na po. Hindi na 'yon mauulit."
"That's what she said," he whispered to himself with a hint of doubt and dismay.
Sinipat niya ang tahimik na kambal sa likuran at nag-angat ng kilay.
"Bumalik na kayo sa trabaho. Hindi ngayon ang oras ng laro," utos niya bago tumalikod at nagsimula nang maglakad.
Sumunod naman ako at mariin na kinuyom ang mga kamao dahil sa takot, nakatanaw sa likuran ng lalaking siguro ay kinatatakutan o sadyang ginagalang lang ng mga tao. O baka pareho. Hindi ko alam dahil para sa akin, istrikto lang ito pagdating sa trabaho at pamumuno sa buong lupain.
Victor Lazarus Castellano, ang bunso sa tatlong magkakapatid na anak ng yumaong Senyor Donatello Castellano at Senyora Ysabel Castellano.
Other than his lifestyle and agricultural works within the perimeters, his life outside the fences is beyond my grasp.
All I know is he has a lot of acquaintances outside and he's still studying in college. There are also a few instances that I heard his close friends calling him Zaro.
And for me, it feels really overwhelming to call him by that name. Like it's a once-in-a-lifetime opportunity to have that privilege to say it in front of him.
Zaro...
Hi, Zaro.
Ramdam ko ang mabilis na pag-init ng pisngi dahil sa malikot na imahinasyon. Pagkarating namin sa kwadra, sinalubong agad kami ng mga trabahador. Todo bati ang mga ito sa senyorito at tuwing mapapagawi naman sa akin, kung hindi iiwas ng tingin ay pumapasada sa katawan ang mga mata.
"Bumalik pa kayo, Senyorito! Kami na nito!" sambit ng isang binata, pansamantalang tumigil sa pagpapaligo ng isang puting kabayo para lingunin ang lalaki.
Tumigil si Zaro sa paglalakad. Sa isang pitak sa kabalyerisa humarap ang senyorito. Hindi ito ang unang beses na matutunghayan ko ang paborito niyang kabayo ngunit ngayong hinahaplos na ng senyorito ang leeg nito, hindi ko pa rin maiwasang mamangha.
It is a palomino. A tall horse with golden coat, white mane and tail. Sa tindig at hitsura pa lang ay halata nang alagang-alaga at babad sa pagsasanay.
As I watched Zaro petting his horse, my eyes suddenly went down to his left arm. Nagtagal doon ang tingin ko.
Sa dalawang buwan na pamamalagi ng senyorito sa probinsiya ng Castel, malaking palaisipan pa rin sa akin ang malaking peklat sa kanyang kaliwang braso. Malaking krus iyon ngunit imbes na maging kahindik-hindik ang kabuuang anyo dahil sa marka, lalo itong naging matikas at mabalasik sa paningin ko.
"Tatapusin ko lang ito," aniya ilang sandali bago buksan ang tarangkahan ng pitak.
"May kasama pala kayo."
Natigil sa pagpasok ang senyorito sa loob dahil sa narinig.
Nanlamig ako sa kinatatayuan. Bukod sa titig na ginagawad niya sa akin, ramdam ko rin ang pagkakatigil ng mga trabahador dahil sa napunang iyon ng isa.
"Ito ba ang batang nakatoka sa amin ngayon, ser?" manghang tanong ng isa sa may kabilang pitak.
Lumipat ulit ang mga mata ko sa senyorito. Gaya ng dati, hindi ko na naman mabasa ang ekspresyon.
"Hindi."
Shocked by that, my pupils dilated at that unexpected response.
Sinungaling! Malinaw na bilin sa akin ni Nana na ako ang hinahanap dito sa kwadra ngayon!
"A-Ako po," pagtatama ko.
Biglang dumilim ang tingin sa akin ni Zaro. Napalunok ako, hindi maintindihan ang nangyayari.
"Sige nga. Dalhin mo rito ang baldeng 'yon," mapaghamon na utos niya sabay muwestra sa baldeng nasa malayong gitna ng kwadra.
Sa pag-aakalang simpleng balde lang iyon, laking gulat ko nang natanto kung gaano ito kalaki at kapuno ng tubig.
"Hindi nyan kaya, senyorito!"
"Tulungan kita, Miss."
Sa kabila ng samu't saring komento ng mga lalaki na hindi ko inaasahan, napakurap-kurap ako. Muli akong napabaling sa lalaking matalim na ang titig sa akin ngayon.
"K-Kaya ko," palunok kong depensa.
Sinuklay nito ang mga daliri sa buhok bago humalukipkip, taglay pa rin ang paghahamon sa mga mata habang nakatitig sa akin.
"Pakibilisan kung ganon."
Hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla ang tensiyon sa paligid.
Ayon kay Nana, masama na ang timpla ng senyorito bago pa man ako bumaba rito. Iyon nga lang ay malakas ang kutob ko na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ganito ang tungo niya sa akin ngayon.
Tipid akong napangiti sa sarili habang tila lumulutang na pumanhik sa malaking balde. Dahil tulad lang ng nakagisnan, isang tao na naman ang alam kong may muhi sa akin.
Naisip ko, bakit nga ba hindi ako masanay-sanay? E, kahit sa mga biro pa lang na narinig mula sa mga lalaki kanina, hindi na matawaran ang saya ko dahil sa wakas, posibleng gusto nila ang presensiya ko! Bagay na nagpapatunay kung gaano ako kadesperadong makakuha ng simpatya at pabor mula sa iba.
Bumuntong-hininga ako. Pagkatigil sa harap ng timba, akmang yuyuko na sana para abutin iyon ngunit napukaw ng hawak na papel ang pansin ko.
"Oo nga pala," tikhim ko sa sarili.
Nawala na isip kong ibalik kay Jackie ang kapiranggot na papel. Paniguradong iritado na naman sa akin si Jackie sa mga oras na 'to.
"Tabi," came a deep rigid voice.
I jumped in surprise when Zaro suddenly appeared beside me. The moment he effortlessly lifted the bucket was the same moment he grabbed my wrist with him.
Sa kaba, walang pag-alma akong nagpatianod.
Natahimik ang buong paligid. Lalo na nang pagkabagsak ng timba sa loob ng pitak ng kabayo, wala itong pinalagpas na pagkakataon, lumabas na rin ng kwadra na hawak pa rin ang palapulsuhan ko.
"Bullshit," I heard him whisper.
We halted just as soon as we went outside the stable. He almost dragged my whole existence just to put me in front of him. When I looked at his face, he looked pissed and dismayed.
"Kung gusto mong magpakitang-gilas sa mga lalaking 'yon, huwag sa oras ng trabaho at mas lalong huwag kapag kasama ako."
My lips parted at his unexplainable outrage.
"Hindi po-"
"Ayokong nasasayang ang oras ko sa mga batang katulad mo."
My heart pounded. Unti-unting bumagsak ang mga balikat ko kasabay ng pagyuko.
"Pasensiya na po, Senyorito," I apologized with guilt and pain combined. "Hindi na po mauulit."
I heard him scoff. "Oo. Dahil bawal ka na rito. Sa oras na makita kitang palaboy-laboy sa bahaging 'to, makakatikim sa akin."
Tumango ako. Maingat kong sinilip ang mukha ni Zaro ngunit bago ko pa man masilyan ang iritasyon, tumalikod na ito at bumalik sa loob.
"Bullshit..." I innocently echoed the rugged word he uttered just a while ago.
It's unfamiliar to me but it seemed like a really bad word just by hearing it. Nanliit ang mga mata ko at ineksamin sa utak ang salita. Kaya naman nang natuklasan ang ibig sabihin kalaunan, napasinghap ako sabay takip ng bibig.
"Bad word!" I grimaced in disbelief.
Dismayadong-dismayado ako sa sarili habang binabalagtas ang daan pabalik sa mansiyon.
I should be careful with the words I'm going to say from now on. It's not good for me. So disgusting, Lumi! What a bunch of disappointment.
Napabuga ako ng hangin. Natanaw ko na ang malawak na hardin na nakapalibot sa mansiyon. Dahil doon, naalala ko ang nangyari dyan kanina kaya mabilis kong inangat ang kamay at sinuri ang papel.
Napangiwi ako. Paano ba naman kasi, isang lamukos na lang ata ay mag-aabo na nang tuluyan ang papel.
Pagkabuklat, nakumpirma kong tama ang paglalarawan ni Jackie tungkol sa sulat-kamay ng kung sino nagsulat dito.
The handwriting in cursive screamed elegance and precision. It looked old-fashion, intricate, and romantic.
But because it wasn't that legible, it's too late when I realized that the vintage aesthetic doesn't depict its dreadful message.
To whoever finds this message, they erased us, this is all that remains. Remember us, please.
Terror overtook my senses as I processed what the note wanted to convey.
Chapter 2Safety"Hoy, Lumi!"I locked my lips as I turned to a familiar voice. Isang nakabusangot na Jackie ang tumambad sa akin.Syempre, alam ko na ang pakay nito ngunit labag man sa loob ay inensayo ko na ang gagawin."Jackie," I smiled, the more reason for her to be furious.Pagkatigil sa harap ko, nilahad niya ang kamay at tila inip."Iyong papel, akin na.""Tungkol don, Jackie, sorry. Dahil sa trabaho kanina sa kwadra, hindi ko namalayang naiwala ko 'yung papel."Hindi pa man ako tapos sa sinasabi, napamulagat na siya sa pinaghalong gulat at inis."Ano?! Kainis ka naman, Lumi, e!"Bahagya akong napayuko. "Pasensiya na talaga.""Bigla mo kasing hinablot! Tapos burara ka naman pala!"Hindi na ako nagsalita at tinanggap na lang ang mga sentimyento nito.To be honest, I don't know what's gotten into me that I have to resort to mendacity
Chapter 3BuffaloMy cheeks flushed when I reckoned what's that about. Is he... perhaps... concerned about me?He said it's for my safety... Why? Are those guys up for something when they told me to come with them?Truth be told, I really did feel something strange earlier when they talked to me. But it wasn't enough warrant to judge them, especially when they're being nice to me. Something that is really precious for me.People being friendly... Having friends, having someone to talk to, being my true self when they're around.I smiled inwardly. Wow. Is it possible to experience that?Habang pabalik sa mansiyon ay hindi ko maiwasang tanawin ang matatayog na bakod at pader. Nakapalibot iyon sa buong lupain ng Castellano.May mga pagkakataong nawawala sa isip kong mayroon noon dahil napakalawak naman ng buong lupain. Kaya parang hindi rin dama ang pagkakakulong dito sa loob ng ilan
Chapter 4MattressI still can't believe it. My first kiss in everything was stolen by Zaro! It also doesn't help that he's unconscious and oblivious. He can't remember a thing! Tuloy, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o sumama ang loob.It's not fair though. He should at least... remember it, I guess?I derided to myself. What for, Lumi?Kinaumagahan noon, mula sa patio ay tanaw ko ang pagpanhik ng kanilang grupo patungo sa kwadra kanina. I think they planned on sauntering around before going.Linggo ngayong araw kaya naman maagang umalis si Nana para magsimba kasama ang ilang kasambahay. Samantalang ako, naiwan dito sa mansiyon.Wala namang pinapagawa sa akin ang matanda ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi magtampo tuwing Linggo. Hindi nila ako sinasama. Bawal daw akong lumabas.Kasalukuyan akong nasa silid habang nakahalumbaba gamit ang parehong kamay, nakatanaw kina
Chapter 5GratefulHindi ako mapanatag sa sitwasyong kinalalagyan ko sa mga oras na iyon. Kung bakit nasa loob ng maliit kong silid ang Senyorito ay hindi ko pa rin alam dahil kapuwa kami tahimik lang simula nang papasukin ko siya rito.Kung may ingay man na maririnig sa paligid, siguro iyon ay ang paminsan-minsang pagtama sa pinggan ng kubyertos ko.Isa pa, dalawang bagay ang umiikot ngayon sa utak ko. Bukod sa aksidenteng halik noong nakaraang gabi, na malinaw sa aking hindi alam ni Zaro, dumagdag pa ang kakatwang memorya ko sa mapanganib niyang histura.Was it a dream or a memory? Siguro sa sobrang kahibangan ay nag-iilusyon na ako masyado."What are you thinking?" basag ni Senyorito sa katahimikan.Awtomatiko akong nanigas sa gulat. Napatigil ako sa pagkain. Nang natanto ang kanyang tanong ay nag-init ang mukha ko dahil totoong alam na alam ang sagot doon."K-Kung ano pa pong
Chapter 6AzulPara akong lumulutang habang patungo sa gazebo na tinukoy ni Senyorito. Ang totoo, nag-aagaw ang tuwa at takot ko para sa sarili.Hindi ko na maintindihan. Sa pagkakaalala ko ay matibay naman ang paninindigan na imposibleng magtagpo man lang ang aming landas. Pero dahil lang sa narinig, nagkaroon ng liwanag ang dulo ng madilim na kuweba. Nakadiskubre ako ng katiting na pag-asa at lubos ko iyong ikinatutuwa. Gaya rin ng pagkatakot ko para sa sarili.Nang tanaw ko na itong nakaupo sa gazebo at nakatalikod mula sa aking direksiyon, awtomatiko ako napabuntong-hininga.Nakakatakot pa rin. Hindi ko dapat 'to masyadong bigyan ng kahulugan.Naisip ko, siguro dahil sa kabila ng pagiging malupit, sadyang may nakatago lang na kabutihan sa sulok ng puso nito. He's just too kind to stomach a damsel in distress roaming around with time bombs in her hands, full of casualties and mishaps.
Chapter 7Pridyeder"Alalahanin mo ang mga bilin kong bata ka. Ilang ulit ko nang tinuktok sa utak mo kung gaano kadelikado ang paligid.""Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Nana. 'Yung kambal lang po talaga ang kasama ko."Tumalim lang ang tingin niya sa akin. "Alam ko. Pero kahit kanino dapat kang mag-ingat. Maski kanino!""Maski po sa inyo?" I asked innocently as I glanced at her through the mirror.Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa silid. Taimtim lang na nakatingin sa akin si Nana mula sa likuran ko kaya pinagpatuloy ko ang
Chapter 8Routine"Dapat sa kuwarto na lang ang batang ito, Victor," problemadong wika ni Nana.Napayuko ako, inabala na lang ang sarili sa mga nakahaing putahe sa harap ko.Nangyari ang utos ng Senyorito. Lahat ng trabahanteng stay-in dito sa mansiyon ay narito't kasama niya sa pagkain, maging ako.Hindi ko mapagkakailang tama si Nana. Dapat ay sa kuwarto na lang ako. Iyon naman talaga dapat tulad ng dati. Nasanay na akong kumakain nang mag-isa sa silid ko. Hinahatiran na lang kung kailan hindi na abala ang lahat. Dining with a large group of people would always feel brand new to me.Buong ingat kong inangat ang mga kubyertos sa takot na makalikha ng kahit maliit na ingay. Halata mang intriga ang lahat sa opinyong iyon ni Nana, pinilit nilang huwag makialam o sumulyap man lang. Maliban kay Jackie."She's also a helper. Lahat ng narito ay parte ng Castellano," Zaro answered politely.
Chapter 9LateBahagya kong inayos ang buhok. Nanatiling tahimik ang pagitan namin nang napagdesisyunan niyang basagin ulit iyon mayamaya."Lagi ka bang lumalabas nang maaga? Tulad nong nakaraan," he asked. And we both knew what he meant by that.Natigilan ako. Nagpang-abot ang kaba at pagtitiwala sa sistema. Bukod sa unang beses na nasali sa ano mang usapan ang takas kong pagliliwaliw, natatakot akong baka umabot ito kay Nana.Gayunpaman, hindi ko alam kung saan ko nakuha ngunit... nakaramdam ako ng tiwala. I don't know if it was the trust or the adoration I had for him. Maybe both.
Special Chapter"Azul! Azul ang color ng brief ni Azul! Nyenye!"I frowned at my female classmate, Jianne Rhed. The other girls giggled with her as they flocked to my table.Our break time just started and they're already here to pester me like the usual. I frowned more as I glanced over my shoulder to see if it's true.But then I realized, Moma gave me a red underwear. I laughed kasi may naisip na response doon."That's bad. Bakit ka naninilip sa akin, ha, Jianne?""Yieee!" the class teased.Jianne's face flushed. "Inaasar lang kita kasi hindi mo ako nipansi
Epilogue (2 of 2) "I'm sorry, Liz, but I can't. I have a lot of things to take care of. I have plans and..." Umiling ako at bumuntong-hininga. "I can't come with you..." She stood and her eyes flared at me. "You will, Zaro! Akala ko ba mahalaga ako sayo? Akala ko mahal mo ako? This is just a small thing to-" "Matagal ko nang nilinaw kung ano tayo, Eliza. Alam mo kung hanggang saan ka lang." She was being uncontrollable and hysterical. Iyon ang nabuo sa isipan ko. I know she's going through a lot of pain but I don't think it should be a license to hold someone by the neck. I will help, that's not a question
Epilogue (1 of 2)"Dibs on the girl, man."Malayo pa lang pagkatapos kong siguraduhing nakapasok na sa mansiyon ang batang babae, nagpantig agad ang tenga ko sa bungad ng kaibigan.Fablo lifted his glass while leaning on the post lazily. He saw the entire thing from the distance, me scolding the little girl to go back to her room. I knew he was watching us.Umismid na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad."Stay away from the little girl," I warned when I got closer to him.He laughed cockily. Akala ata'y nakikipagbiruan ako."Oh, man. Little girl my ass! Did you see her? Dude, she's a lady! A very fine lady. I haven't seen any woman that shy and reserved. Only her, man!" He chortled like a horse. "I'll make her scream like an actual woman, you'll see."He grinned smugly as he played with his glass, like he's already plotting his plans inside his insignificant skull.By that, I tasted an
Chapter 45UnitedEyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.It's been ages. Many years have passed away, but I still wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?I wanted to know. I still want to know...I was curious about my own soul and essence. About my purpose. But sadly, even if there's someone willing to glimpse through the window, fear would overtook their faces.Or worse, they die...Umukit ang mapait na ngiti sa akin nang muling binalikan ang lahat.Iyong mga panahong musmos pa lang. Tanging problema lang ay tumakas tuwing Sabado o Lunes para masaksihan ang pagsikat ng araw.O hindi kaya'y ang mga ganid na tao na gusto raw, hindi umano, na kunin ang mga mata ko kaya dapat ay laging suot ang artipisyal na maskara.Thinking about trivial things
Chapter 44ProphecyIt was a tragic sight to witness. After Mr. Lopena's resolute plea, we didn't waste any more time.Agad nilipat si Janine sa pinakamalapit na guest room. Somehow, our household is prepared for this. Kahit ako ay nabibigla habang pinapanuod ang lahat ng nangyayari sa paligid. As if I am the only one alarmed because they all seemed apt and ready for this day.Sometimes, my eyes would come across Janine's direction. I think she's unconscious and her life is already at stake, barely breathing.But whenever I catched myself looking, I'd always look away instantly, afraid that glimpsing at her would aggravate her ailment."Ako na muna rito. Sumama ka na lang kina Mama sa study area," utos ni Ate.Tumango ako at iniwan na muna sila ni Kobe roon kasama ang mga Aurdel na tauhan sa mansiyon ng mga Lascano.Sumunod ako kina Mama. I saw how Mr. Lopena lost himself while li
Chapter 43VicissitudesHabang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati."They have no other choice but to cooperate with us with all honesty.""How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!""I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..
Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.--Chapter 42CurseFor a long while, I found myself staring blankly at the horrendous note—detached and barely able to breathe.Kung hindi pa rumesponde ang mga tauhang tinawagan ni Aren ay baka tuluyan na akong inugatan sa kinatatayuan. My mind was unstable at that moment of time. I was temporarily put in the convoy truck, surrounded by our men.Dumating ang mga pulis at agad sinarado ang crime scene. Napalilibutan ng tao ang paligid. Kinuha rin ang note sa akin dahil kailangan
Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.--Chapter 41BloodThe week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until whe
Chapter 40Open"You're still there, right?"Kahit hindi nakikita ni Mama, tumango ako at lalong pinagdikit ang mga hita. Ganoon na rin ang mga paa ko sa sahig at ang isang kamay sa aking tandayan."Opo. Medyo... uh... tinanghali na po kasi ng gising."Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama ni Zaro. Makalipas ang ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. There are some changes, but the ambiance here is still the same. Comfy yet masculine at the same time."You must be really tired," ani Mama sa kabilang linya.Kahit alam kong walang malisya ang sinabi ni Mama, uminit nang husto ang pisngi ko sa kung anong dahilan."M-Marami kasing iniinisip kagabi kaya po napuyat ako..."It's partly true, though. But I know where the lie is. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi habang abala sa pagbubura ng kaisipang iyon.Mula sa kanyang walk-in closet, natanaw