Share

That Stranger Got my Heart
That Stranger Got my Heart
Author: Iambadc

PROLOGUE

Umagang umaga at ang bungad sa'kin ng kakambal ko ay kesyo may irereto raw siya sakin.

"Alam mo sinasayang mo lang oras mo, hindi naman ako interesado sa mga 'yan e. Saka ayoko pa ng gan'yan," irita ko'ng sabi at napahilamos nalang ako sa mukha ko

"Sis? 2021 na. Lumang luma na 'yang sinasagot mo sa'kin! Hahahaha mag isip ka naman ng bago. Puro ka hindi interesado puro 'ayaw ko pa ng ganyan' haynako ewan ko nalang kung gumanyan kapa kapag tinamaan ka talaga ng L O V E! HAHAHA," sabi nito at lumabas ng kwarto ko

Pag tinamaan ng love? Ano naman 'yun? Sus, gawa gawa lang ng ilusyon ang love love na 'yan! Lahat naman hindi nag tatagal, simula palang sa parents namin, if they really love each other hindi sila maghihiwalay lalo na at may mga anak sila. They can make way naman para maayos e, pero 'di nila ginawa. Kasi nga nag fade ang love ng isa sa kanila! See? Hindi nag tatagal ang love na 'yan.

Bitter na kung bitter, pero hirap ako maniwala sa ganyang bagay.

As of now nakatunganga lang ako at hindi ko alam kung ano gagawin. Nakakasawa rin ang matulog mag damag. Pag chi-na-chat ko naman ang mga kaibigan ko puro sasabihin busy sila kaya 'di ko nalang ulit icha-chat. Baka nakakaabala pa 'ko e.

"Brittany! Bumaba ka dali!" Tili ng kakambal ko sa baba na ikinagulat ko.

"Bakit? Grabe ka makatili ha! Hindi lang ikaw tao rito!" Inis ko'ng sabi. Kay aga aga napaka ingay

Bumaba ako nang hagdan at naabutan ko ang kakambal ko'ng ngiting aso habang nakaharap sa cellphone niya. "Ano ba 'yon, Cassidy?" 

"Ito wait. Ipapakita ko, saka 'wag ka ngang sumimangot! Aga aga nakasimangot ka," tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya

"Pano'ng hindi sisimangot?! Ginising mo ko para sabihing may irereto ka! Tapos kung makatili ka parang ikaw lang tao rito tapos-"

"Heh! Ang dami ng sinabi ha? Ito na nga. May ipapakita ako, ito ang pogi di'ba? Bagay kayo, Sis," sabi niya sakin at pinakita sakin ang picture ng isang lalake

"S-Sino ba nanaman 'yan?!" Sa tono ko ay may inis pero ang totoo niyan.. bigla ako'g nakaramdam ng butterfly sa tiyan.. kasi ang gwapo nakakakilig ang itsura

"Si Lev 'yan!"

"Lev? Ano apilido," napaka ikli naman ng pangalan na 'yan

"Totoo ba 'to?!" Gulat na tanong niya. Kahit kailan talaga napaka OA

"Ang alin?!" Kunot noo kong tanong

"Tinatanong mo kung ano name ibig sabihin.. interesado ka! Hahahahaha ikaw ha! Lev pala ang tipo mo," asar niya sakin

"H-Ha? Bawal ba mag tanong ng apilido? 'Di ba p'wedeng naiklian lang ako sa pangalan?" Depensa ko

"Naiklian daw! 'Di mo ko maloloko ha! Simula nasa tyan tayo ni Mommy kasama mo 'ko kaya kilalang kilala na kita,"

"Totoo namang naiklian ako ah! Ano ba sinasabi mo diyan? Bahala ka nga. Maiwan na kita," sabi ko at umalis

"Hoy! Brittany Amaris Laxamana, nagsisinungaling kapa!" Habol na sigaw niya

"Totoo naman ang sinasabi ko, Cassidy Artemis! Isa pang pangungulit mo na type ko 'yon lilipad 'yung tsinelas sa'yo!"sigaw ko pabalik

Bumalik ako sa kwarto ko at humiga. Hindi ko alam pero parang nag kusa 'yung sarili ko na mag search sa f* ng 'Lev'

Tinamaan ba talaga ako? Ano 'to love at first sight? Sa pic?. Patawa. Pero hindi naman ata ako na in love. Gwapo lang kasi siya

baka nadala lang ako sa itsura nung Lev na 'yon. 

Hindi p'wede mahulog ang loob ko sa taong hindi ko kakilala ng buo lalo na at sa picture ko palang nakikita.  

KINABUKASAN maaga ako nagising dahil first day ng class namin ngayon. 3rd year Highschool na kami ni Cassidy. Pero hindi kami pinagpaparehas ng section para hindi narin masyadong malito ang mga teachers. At ayoko talagang kaklase 'yon, dahil nadadamay ako sa kalokohan niya

Pag kakaiba ng ugali namin ni Cassidy, siya 'yung tipong maloko, madaming kaibigan, jowable, maharot, maingay.

Ako naman, mas preferred ko na dalawa or tatlo lang kaibigan, ayoko sa maingay, masungit ako at bitter, sabi kasi ng kambal ko 'yon, bitter daw ako. 

Sikat na sikat dito sa school itong kakambal ko. Marami ring manliligaw. At masyado rin kasi siya'ng pala entertain 

Habang nasa klase dinadaldal lang ako ng kaibigan ko, napaka daming kwento. "So 'yun nga, nagkabunguan kami tapos nag ka-titigaaaaan omg kinikilig ako!" 

" 'yun lang? Ano ba'ng nakakakilig do'n? Nag kabunguan at nagkatitigan lang naman kayo. Susmaryosep, 'di mo nga alam kung gusto ka rin non o hindi," napailing nalang ako

"Alam mo? Wish ko makahanap ka ng lalake na makakapagpabago riyan sa bitterness mo!" Sabi niya sakin at inirapan ako

" 'di mangyayari 'yan, Bree. Ngayon pa nga lang walang nanliligaw-" bakit ba kasi gusto nila ko agad mag karoon ng boyfriend

"Eh pano namang may manliligaw? E lahat inaayawan mo!"

"Oo nga! Kaya nga walang nanliligaw kasi ayoko di'ba?!"

"Arte mo kasi! Ba't hindi mo itry?" Maarte na ba 'yung gano'n? 'Di ba p'wedeng 'di pa 'ko ready

"Hindi ako maarte okay? Hirap lang talaga ako maniwala sa love na 'yan. Saka lahat naman sa una lang magaling,"

"Sus. Hindi lahat ganyan, Brittany. Buksan mo kasi 'yung puso mo hindi 'yung lagi kang nag mamatigas diyan, saka malay mo pag sinubukan mo'ng magmahal masasabi mo'ng hindi lahat pareparehas," seryosong sabi niya sa'kin at doon ako napa-isip

Bumuntong hininga ako at napailing nalang.

DUMATING ang uwian at buong araw ako nag isip isip kung gagawin ko ba 'yung sinabi ni Bree sakin. May parte sakin na gusto ko'ng gawin may parte rin sakin na ayoko.

Sa totoo lang. Nakakatakot umibig. Natatakot ako maiwan..

Dahil naniniwala ako na kung mahal mo ang isang tao kahit mahirap at masakit hindi mo ito iiwan. Ano man ang mangyari.

Pag kauwi ko ng bahay, agad ako'ng nag bihis ng damit at saka humilata. Kung i-try ko kayang magpaligaw? 

Aaminin ko bored na bored na rin naman ako'ng mag isa. Pag nakikita ko si Cassidy at 'yung boyfriend niya kitang kita ko 'yung saya sa mga mata nila kaya napapaisip din ako kung ano feeling ng ganoon.

"Cass!" Sigaw ko mula sa kwarto ko

"Ano?!" Sigaw niya naman pabalik

"Tara rito," 

Nakangiti siya'ng pumasok sa kwarto ko. Ngiting pang asar." Oh? Bakit mo 'ko tinatawag?" 

"Irereto mo ba sakin 'yung Lev na 'yon?" Deretsong tanong ko

"Oo sana e kaso hindi ka naman interesado kaya-"

"Interesado ako. Ipakilala mo siya sakin," deretso ko'ng sabi

Agad nanlaki ang mata ng kakambal ko." Omg! Is this real?!" 

"Oo, dali na baka magbago pa isip ko," 

"Sige sige! Sa sabado mag ayos ka ha? Makipag meet tayo. Nakilala ko na 'to kahapon kasi kaibigan siya ng boyfriend ko" sabi niya

"Okay," Simpleng sagot ko

Maganda kaya ang kakalabasan nito? Magiging masaya kaya ako sa gagawin ko'ng ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status