Share

CHAPTER 3

Tumingin ako sa paligid..tumama sa mukha ko ang simoy ng hangin, nakatayo lang ako habang nililipad ang dulo ng buhok ko

Magkatabi kaming nakatayo. Tumingin ako sakaniya at tinanong siya "saan ba'ng lugar ito?" Mahina ko'ng tanong

"Dito ako nagpupunta kapag gusto ko mapag- isa," nakatingin siya sa'kin habang sinasabi niya 'yon

"Gan'to pala mga pinupuntahan mo.. ako kasi nagkukulong lang lagi sa kwarto," 

"Sometimes you need to breathe and you need to take a break.. to a life of full of toxic peoples," napatango ako sa sinabi niya

Sabagay, hindi rin naman talaga maganda kung puro toxic ang nakapaligid sa'yo. Parehas kaming tahimik at nakatingin lang sa sunset. 

Kinapa ko 'yung bulsa ko at kinuha ko ang cellphone ko.. ni-ready ko 'yung camera at tumalikod ako para masama 'yung sunset sa picture 

"Picture tayo," aya ko

Inakbayan niya ako na siya'ng nag papula sa pisngi ko.

"Akbay palang 'to ha. Pero nag ba blush kana," bulong niya sa'kin pagkatapos namin mag picture

"Ang kapal mo ha. Napadami lang lagay ko sa blush on kanina," okay na ba 'yong palusot ko?

"Ay gano'n? Automatic ba 'yang blush on mo? Lalong pupula pag lumalapit ako sa'yo?" Nakangisi niyang sabi

"Mas malakas pa hangin mo sa hangin dito.. hinaan mo naman, uy. Masyado ka'ng feeling e," sabi ko at inirapan siya. 

Naglakad lakad ako sa lugar. Hahakbang na sana ako ng may humila sa uniform ko para tumigil ako.

Nagbaba ako ng tingin, 'di ko napansin na muntik na pala ako mahulog. Maiinis dapat ako sakaniya.. pero kung 'di niya ko pinigilan. Mahuhulog talaga ako pababa.

" 'di ka kasi tumitingin sa hinahakbangan mo e," sabi niya sa'kin

" 'di ko alam, sensya na," medyo may kaba sa dibdib ko nang makita kung gaano kalalim 'yung p'wede ko pag kahulugan

"Oo, kaya nga titingin ka," 

Bumalik kami sa pwesto namin kanina padilim na ng padilim, unti unti naring naglitawan narin ang mga stars. 

"May shooting star oh! Mag wish ka dali," excited sabi ko

Pinikit ko ang mga mata ko saka nag wish.

"Naniniwala ka pala sa gan'yan? Pero sa love hindi?" Nagtataka niyang tanong sa'kin

Tinaasan ko siya ng kilay "Wala nang pakeelamanan ng paniniwala ha? Manahimik ka diyan," 

"Alam mo, ganito mga happy pill ko," seryosong sabi niya at tumingin sa'kin

"A-Ah oo, nakaka ano nga dito e," hindi ko alam bigla akong nailang nung tumingin siya sa'kin

"Bali dalawa" dagdag niya

"Oh? Haha, ano naman 'yung isa? Mga dagat naman?" Kinagat ko ang ibabang labi ko

"Hindi," sabi niya

"Eh ano?" 

"Ikaw." 

"A-Anong ako? S-sa kwarto lang ako pag gusto ko mapag is-" Nauutal ko'ng sabi

"Bali dalawa kasi ikaw 'yung isa" napatulala ako sakaniya dahil sa sinabi niya.

Gulat akong napatingin sakaniya "Bakit ako?" Halos pabulong ko na tanong

"Hindi ko rin alam."

"Wow. Ayos ng sagot mo ah" sarcastic ko'ng sabi

Tumawa lang siya ng marahan at inaya na ako umuwi.

"Bakit 'di pa tayo umaandar?" Takang tanong ko

"Tanong ko lang.. mabibigyan mo ba 'ko ng chance?" 

Nag iwas ako ng tingin sakan'ya. Pero wala naman kasing masama kung susubukan ko 'diba?

Tipid ko siyang nginitian." I'm willing to give you a chance"

NANG maka uwi na 'ko nagbihis ako at binuksan ko 'yung tv para makanood ako. Ngayong nagpapaligaw na 'ko sakan'ya dapat.. wait ano ba'ng dapat gawin pag may nanliligaw? Wala naman ata.

Inopen ko 'yung laptop ko at nagsimula mag type. Hindi nila alam na ako 'yung writer ng binabasa nilang book. Kahit 'yung kakambal ko hindi 'yun alam. Wala lang, ayoko lang sabihin.. 

Sa story ko, in love na in love mga characters ko. Pero in real life 'yung author nila hindi naniniwala sa love. Galing noh, nakakapag sulat ako ng gano'n kahit 'di ako naniniwala sa love.

Pero ngayon, baka maniwala na 'ko sa gano'n sana matulungan niya ko'ng maniwala sa love.

Kinuha ko 'yung cellphone ko na nasa gilid ko lang at inopen ko 'yun. Pumunta ako sa gallery at tinitigan ang picture namin.. ang saya namin parehas sa picture, nakaakbay pa siya sa'kin. At alam ko'ng nag ba-blush nanaman ako..

Ginawa ko'ng wallpaper 'yung picture namin. Ang sarap kasi titigan. Maya maya lang nag pop up 'yung name niya at nakalagay 'Sent a photo' kaya inopen ko 'yun.

Ang dami niya'ng sinend na stolen pictures ko! 

Meron pa na naka simangot ako sa picture habang nakatingin ako sa direksyon niya. Pero hindi ko alam na ako 'yung kinukuhanan niya.

Meron din 'yung nakatingin ako sa kawalan at may maliit na ngiti sa mga labi ko.

Hindi ko alam kung maiinis ako or ano e. Pero magaganda 'yung kuha niya sa'kin.. 

I can't wait to see my blessings tomorrow..

PAGKAGISING ko, himala at hindi ako tamad na tamad bumangon.

Ang sigla ko agad kahit wala pa'ng kain. Bumaba ako sa kusina kasunod ko namang bumaba 'yung kakambal ko.

"Anong meron? Bakit good mood ka?" 

"Wala? Maganda lang gising ko. Kain na, ako maghuhugas ng pinggan pag tapos," 

"Wow! Nag presinta ka mag hugas, bago talaga 'yan," sabi niya at umiling iling pa

"Oo kaya kumain kana at baka magbago pa isip ko,"

Katulad ng sinabi ko. Ako nga ang naghugas ng pinggan. Pag katapos naman nag ayos na ko saka kami umalis ng bahay

Sa waiting shed dito sa'min, may nakasabay kaming lalake na naghihintay din. Familiar siya pero 'di ko matandaan kung sa'n ko siya nakita. 

Halatang suplado. Nakikinig lang siya ng music, parang wala lang sakan'ya kahit tignan ko siya mag damag.

Habang naghihintay parin binunggo ni Cass 'ying braso ko at saka ako binulungan "Kanina kapa nakatingin diyan ah?" Bulong niya

"Feeling ko mysterious siya e," biglang pumasok sa isip ko na iistalk siya kahit sa social media.

Pasimple ako nag baba ng tingin at tinignan ang i.d niya

'Joses Jacobo Sagun' 

"Eh ano ngayon sa'yo kung mysterious siya? Wala ka ng paki do'n," sabi ng kakambal ko pero parang dumaan lang sa isang tenga ko at lumabas din sa kabila

Tinignan ako ni Joses. Tinignan ko rin siya deep inside natuwa ako kasi nakita ko kabuuan ng mukha niya. kahit 'di siya ngumiti sa'kin

"Kanina ka pa tingin ng tingin, would you mind if I tell you to stop? It makes me uncomfortable," deretsong sabi niya

"S-Sorry," 

Tinanguan niya lang ako. Kahit sa pagsakay kasabay namin siya. Sakto ring siya 'yung katabi ko, siksikan na rin kaya nagitgit ako sakan'ya. Parang ayoko na lumayo.. ang bango niya.

Nag ring 'yung phone ko kaya kinuha ko 'yun sa bulsa ko. Tumatawag si Levin sa'kin. 'Di ko na 'yun nasagot kasi nahirapan ako kumilos dahil siksikan. 

Nagulat ako ng mahina niyang bungguin yung braso ko

"Bakit?" Nahihiya kong tanong

"Ayusin mo 'yung palda mo, 'di mo alam may tumitingin na sa'yo," 

No'n ko lang napansin na hindi pala maayos y'ung palda ko, kaya binaba ko 'yun.

Napatingin ako sa binabaan niya at bahagyang napangiti..

Kasi sinabi niya na ayusin 'yung palda ko. 'Yun lang

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status