Share

CHAPTER 4

NANG makarating kami sa school sinalubong kami nung tatlo. Si Levin, Cloud(boy friend ni Cass, at si Bree)

"Why didn't you answer my call?" Tanong niya

"Ah kasi mahirap gumalaw sa jeep kanina, siksikan kasi e. 'Di ko nalabas ng mabuti 'yung cellphone ko"

"Is that so? Okay"

"Bakit ka nga pala tumawag kanina?" Tanong ko

"Just wanna check you" 

"Ahh, okay naman ako"

"That's good to hear"

Nagsimula na 'yung klase. Napahinto 'yung teacher namin sa pag discuss ng may kumatok. Pumasok si Cloud at Levin, may dala dala silang bag

"Mag si-sit in ba sila?" Bulong ni Bree

"Huh? Baka hindi, e bakit nandito si Cloud e wala naman si Cass dito?"

"Ay shi- mali pala sa kabilang section pala ko," sabi ni Cloud at nag apologized sa Teacher namin

"Umupo kana, Levin ano pa ginagawa mo riyan?," 

Tumabi siya sa'kin agad ko siyang tinanong kung ano ginagawa niya dito

"Nagpalipat ako ng section, actually kami'ng dalawa ni Cloud. You know I want to be with you," sabi niya at kinindatan ako 

'Di ko nalang napigilan matawa. Alam mo 'yun tawa na may kilig basta 'yon

"Are you two is in a relationship?," Tanong ng teacher namin

"No Ms.," Sabay naming sabi

"Okay, so as I said..," tuloy lang sa pag discuss si Ms., 'di ako makapag concentrate sa pag kinig kasi dinadaldal ako ni Levin. Kung ano ano kinukwento. 

"Shh daldal mo!" Pabulong ko'ng saway

"Okay okay, I'll stop na," 

"You know what babe-," simula nanaman niya.

"Ayan ka nanaman, shh!" Pagputol ko sakan'ya 

"At anong babe?! Baka may makarinig sa'yo!" 

"Soon naman 'yun din itatawag ko sa'yo e. Ano ba gusto mo?"

"W-wala! Bahala ka," 

NAG DISMISSED  na 'yung teacher namin so uwian na. Nagyayaya nanaman sila Cass sa kabilang school kaso ayaw ni Levin na sumama ako kasi marami raw lalake do'n. Pero dahil mapilit sila Cass, pumayag si Levin na sumama ako pero dapat kasama rin siya

"Ano ba kasing ginagawa n'yo rito? At gusto'ng gusto n'yo pumunta?" Medyo'ng iritado'ng tanong ni Levin

"Wala, may friend kasi ako rito." -Cass

"Eh bakit hindi siya 'yung papuntahin mo do'n sa school? Or magkita kayo sa isang place"

"Oo nga. Kaya nga tayo narito kasi magkikita kami"

"Tsk. I mean like coffee shops?" 

Habang nag sasagutan 'yung dalawa umalis ulit ako ng 'di nila alam. Nakita ko si Joses, nakaupo lang siya sa isang bench at nakapikit at may suot na earphones. 

'Di naman halatang mahilig siya makinig ng music 'no?

Dahil gaya gaya ako sakan'ya nagsuot din ako ng earphones at nag patugtog. 

Mahilig ako sa mga mababagal na kanta tapos sad songs. 'Yun mga tipo ko. 'Yung parang broken hearted ako gano'n.

Umupo ako sa kaharap na bench niya, nag cross arms ako at tumingin lang sa direksyon niya. 

Maya maya lang may kinuha siya sa bag niya na isang book at binasa 'yun. At natuwa ako ng sobra nang makita ko na ako 'yung author ng book na 'yun.

Nilapitan ko siya at tinanong." Maganda ba 'yan?" Tanong ko.

Inalis niya 'yung isang earphones niya"yeah, the author looks so in love." 

' 'di ka sure' sabi ko sa isip ko

"Hmm, ano ba'ng kwento niyan?" Kunwari'ng 'di ko alam 'yung kwento ng sinulat ko'ng libro

"They met on social media, then they became friends, of course the boy likes the girl but he couldn't court her because the girl still had a boy friend at that time, but the girl's boy friend didn't treat her right anymore. So when the girl has a problem, she always approaches her friend which is the boy, then a lot of happen to them, they even passed the girl needs to block and ignore the boy because her boyfriend  was angry. But despite all that. It was all worth it."

"Wow. Nagkita ba sila?" 

"Yes, their first met was on the girl's birthday "

"Ang memorable siguro nung birthday nung babae 'no?"

"Yes, of course it is"

"Alam mo noong sinulat ko 'yan--" agad ko'ng napigilan ang sarili ko

"What?"

"I mean siguro nung sinulat 'yan nung gumawa ano.. baka in love nga" 

"In love kaba nung sinulat mo ito?" Nakangising tanong niya

"A-Anong ako?"

"Tsk. Don't deny it, you thought I don't get what you said a while ago? You're wrong,"

Huminga ako ng malalim"oo ako 'yung nasa likod ng book na 'yan. 'Di naman totoong in love ako, actually 'di ako naniniwala sa love"

"E pano ka nakapagsulat ng ganito? Pano ka nakapag sulat ng mga Characters ay sobrang in love? Aakalain ng mga readers in love ang author" 

"Kaya ako nakakapagsulat ng gan'yan para naman kahit sa hindi nag eexist na mundo e naniniwala ako sa love"

"Kala mo lang 'yon"

"Ang alin?"

"Kala mo lang hindi ka naniniwala sa love. But in fact you just built a wall in your heart and pinaniwala mo na 'yung sarili mo na hindi ka naniniwala sa love"

Napaisip ako sa sinabi niya. Ang totoo niyan.. tama siya, naglagay lang ako ng mga pader at pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ako naniniwala sa love at sinabi ko na hirap ako maniwala. 

"I'm right? What is the reason though?" 

"My parent's separated. " 

"Oh. Hindi sa nangengeelam ako ha. But you need to accept the fact. You didn't need to built walls in your heart. If that's their decision then it is. you don't need to say to yourself that you're not believing in love. They loves you naman diba? Hindi naman ata sila nagkulang kahit hiwalay sila" 

"Oo.. hindi sila nagkulang iparamdam na mahal nila kami." Halos pabulong ko na sabi

Nag angat ako ng tingin sakan'ya" Thank you" 

"For?"

"For enlightening me" 

Ngumiti lang siya ng tipid. 

Aalis na dapat ako pero may naalala ako" uhh please don't tell anyone na ako 'yung author. Saka ko na sasabihin. Sa totoo niyan ikaw palang nakakaalam"

"Sure ms. Your secret is safe with me, by the way nice plot" 

"Brittany name ko"

"Okay. Alam ko alam mo na pangalan ko, nakatingin ka ba naman sa i.d ko kanina e"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko" alam mo?"

"Of course " 

Sabay kaming natawa napahinto lang kami ng may tumawag sa'kin

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status