Share

CHAPTER 2

Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Napakalakas ng tibok nito.

"Naloloko na talaga 'yon," mahina ko'ng sabi

"Woah, grabe si pareng Lev ah? By the way, sama kaba Brittany? Punta tayo sa De Vegas School?"

"Sa kabilang baryo? Bakit ano gagawin do'n?" Takang tanong ko

"May friend kasi ako do'n. Mag mi-meet kami, sama ka na ha?" Sabi ni Cass

"Kahit naman saan may kaibigan ka," sabi ko at tumayo na.

Dumiretso ako sa C.R at nag re-touch. Konting liptint lang naman.

Nang mag uwian, sinalubong kami ni Cassidy at inaya na kami sa De Vegas.

'Di ko alam kung papapasukin kami sa school na 'yun kasi hindi naman kami do'n nag aaral

"Papapasukin ba tayo rito?" Tanong ko habang nakatingin sa mataas na gate na masa harapan namin.

"Oo, p'wede na kasi uwian na naman na e," sabi ni Cassidy at hinila kami ni Bree para pumasok

"Luna!" Sigaw ni Cass para makita siya ng kaibigan niya

Humarap 'yung babae. Masasabi ko'ng maganda siya.

"Cassidy! Buti naka punta ka," tuwang tuwang sabi nito.

Humiwalay ako sakanila ng 'di nila alam at nag libot libot sa school. Malay mo pag nagustuhan ko magpapalipat ako dito.

Mas malaki ang school na ito kaysa sa school namin. Nang makarating ako sa garden, may nakita ako'ng lalake na nag gigitara. Umupo ako sa may bench na sapat na para marinig ko siya. Nakakaantok 'yung boses niya kasi malumanay. Apaka ganda. Ang galing niya rin tumugtog ng gitara.

"Mahiwaga.. pipiliin ka sa araw araw," kanta niya, 'di ko masyado makita 'yung mukha niya dahil medjo nakayuko siya

Nang mag angat siya ng tingin iniwas ko ang tingin ko sakaniya. Maya maya lang nakita ko nalang siya na dumaan sa harap ko

Nag stay lang ako do'n sa upuan for 20 mins.. ang sarap kasi ng hangin napaka presko. 

Saktong pagkatayo ko bumuhos ang ulan

"Hala ka! Ngayon pa umulan," nasabi ko nalang

Sa 'di kalayuan, may nakita ako'ng payong kaya agad ko kinuha kahit 'di ko alam kung kanino 'yun

Pumunta ako kung saan nando'n sila Cass, nakita ko silang naka silong.

"Huy? Tara umuwi na tayo!" Madali kong sabi dahil palakas na ng palakas ang ulan

"O sige tara na," sabi ni Cassidy at nakisilong na sa payong ko

Tinanguan ako ni Bree senyales na mauna na kami.

"Kanino 'yang payong?" Takang tanong niya ng makasakay kami sa jeep

"Ah, ito? Ewan ko, nakita ko lang 'to kanina sa isang bench sa garden."

"Ah, ando'n ka pala kanina, bigla ka'ng nawala e," 

PAG UWI namin, nagulat ako nang makita ko si Lev na nakaupo sa sofa namin at kaharap ang parents ko..

Hala? Ano ginagawa niya.

"Oh, basa kayong dalawa. Magpalit na kayo bilis," sabi ni Mommy pag kasalubong samin

Tumango ako at nagmano sakanya. 'Di parin maalis ang tingin ko kay Lev. Tipid lang siyang nakangiti habang nakatingin din sakin

Agad ako'ng bumaba ng makaligo at nakapag bihis na.

"A-Ano meron?" Tanong ko

"Don't you remember? Sabi ko 'diba hihingin ko permission ng parents mo,"

"E-Eh bakit 'di mo sinabing ngayon? Pa'no kung wala sila rito? Eh lagi pa naman silang wala-"

"Anak, enough na. Buti pumunta siya rito nang narito kami, umupo ka rito," sabi ni Daddy. Bakit nandito si Daddy? Sino kaya kumontak sakan'ya para pumunta rito sa bahay namin nila Mommy?

"Okay, as I was saying. Nakay Brittany padin ang desisyon, though we're giving you our blessing," 

"Thank you, so much po. Ma'am, Sir,"

"Just call us, Tita and Tito. Ma'am and Sir is too formal," nakangiting sabi ni mommy

"Tito and tita it is. Again.. thank you so much po, I will do anything just to make your daughter happy," 

Palihim ako'ng napangiti sa sinabi niya.

"So, in front of your parents. Can you give me a chance to prove to you that you're important to me. Can I court you?" I can see his sincerity in his eyes.

"Ahm.. ah, i-in front of them? Sasagot ako?" Wala sa sarili kong tanong

"It's okay, I will not force you to answer, once you're ready just tell me. I'll be waiting " sabi niya at ngumiti sa'kin "thank you so much again tito and tita. Mauna na po ako,"

"Okay, take care." Sabay na sabi ng parents ko

Tumingin ako sa parents ko at tipid na ngumiti at saka ako umakyat sa kwarto ko.

Madaming pumapasok sa isip ko ngayon. Oo gwapo siya, mabait naman. At saka oo crush ko siya.. pero ready na ba kaya ako'ng pumasok sa relationship?

Nakakahiya kasi'ng magpaligaw tapos marerealize ko.. hindi papala ako ready pumasok sa relationship. Edi nag hintay lang sa wala

Bakit naman kasi nag paalam kaagad siya sa parents ko.

Buong gabi pinag isipan ko ng mabuti kung handa na ba ako sa ganitong bagay or hindi pa. Need ko mag isip isip. Dahil dapat naman talaga sigurado ako sa papasukin ko.

Kinabukasan humarap ako sa salamin at kitang kita na, napuyat ako.

Naligo ako at nag bihis. As usual wala na sila Mommy at Daddy kaya kaming dalawa lang ni Cassidy ang kumain.

Pag katapos, hinugasan na namin yung mga pinagkainan namin 

Wala parin ako sa sarili hanggang makarating sa school. 'Di ko kasi alam gagawin pag nakaharap ko siya or kung ano sasabihin ko sakaniya 

"Good Morning, Brittany," bati sa'kin ni Lev

"Good morning.." 

Pumasok ako sa classroom at nag busy busy-han

"Hoy? Iniiwasan mo ba si Lev?" Bulong sa'kin ni Brittany 

"No. Nag iisip lang ako," sabi ko

"Ahh,"

"Brittany.." napatingin ako sa pintuan ng classroom.  Break time na ngayon kaya wala na 'yung mga kaklase ko sa classroom.  Nakita ko si Levin sa pintuan na nakatayo

"Uy," sabi ko. Umupo siya sa katabi ng upuan ko

"Have you take your snacks?" 

"Ah hindi pa e. May tinatapos kasi ako," 

"Ah, is it okay if I stay here? Sit in ganon. I don't have a class 'cause my teacher is absent,"

"O-Okay, paalam ka later sa teacher ko," 

"Sige. Labas  tayo'ng dalawa mamaya. P'wede kaba?" Aya niya sa'kin

"Oo, p'wede naman, sa'n ba tayo pupunta?" Tanong ko

"Kung saan ako pumupunta pag gusto ko mapag isa" nakangiti niyang sabi

Tipid akong ngumiti at tumingin sa mga mata niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status