Share

Chapter 5

Author: Blazing Pink
last update Last Updated: 2022-10-27 00:57:05

Mia's POV

"Ingat ka." Paalam ko kay Ysa nang makasakay na ito ng jeep.

Kumaway naman ito sakin kaya kumaway din ako pabalik.

Nang tuluyan ng makaalis ang sinasakyan nito ay nagpara na din ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.

Pagkasampa ko ay agad akong nag-abot ng bayad na kinuha naman ng nasa unahan ko. Naka teacher's uniform siya kaya yumuko ako ng bahagya sabay pasalamat ng mapatingin ito sakin. Ngumiti naman ito saka tumingin na muli sa harap habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya.

Pag nakakakita ako ng mga lalaking naka uniporme base sa kanilang propesyon ay lagi akong napapaisip kung anong klaseng mga lalaki sila sa likod ng mga damit na iyan. Kinakatawan kaya nila ang propesyon nila ng may dignidad at reputasyon? O isa din sila sa mga lalaking matapos hubadin ang uniporme nila ay lumalabas ang nakatagong kahayukan sa kanilang anyo?

Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa bintana ng jeep.

Ang mamulat sa mundong nakamulatan ko ay isang nakakatakot na bangungot na magdadala sayo sa realidad. Realidad na ang pagmamahal ay pawang mga salita lamang, at ang desenteng lalaki ay kathang isip lang ng mapagpaniwalang babae.

Dahil ang totoo? Walang tapat na lalaki. Walang lalaking pag sinabing mahal ka ay ikaw lang. Kung meron man, pakiramdam ko ay sa panaginip lang sila nakikita. Kaya nang mamulat ako sa Alhambra, alam ko na sa sarili kong isang nakakatakot na desisyun ang matali sa isang lalaki na maayos tignan pag kaharap ka, pero may hawak na ibang bisig pag nakamaskara.

Nang mapadaan kami sa isang convenient store ay pinara ko ang jeep at bumaba ako.

Naalala ko wala na pala akong mga sabon at shampoo.

Pagkapasok ko ay dumiretso agad ako sa section ng mga personal hygienes. Kumuha ako ng dalawang malaking sabon at isang dosenang shampoo. Para pang matagalan na.

Dumaan na din ako sa lagayan ng mga sabong panlaba. Kumuha lang ako ng dalawang bar at tatlong powder. Ito lang naman kailangan ko, marami pa naman akong mga sangkap sa apartment.

Nang mapadaan ako sa mga laundry detergent ay tumigil ako at napaisip kung may downy pa ba ako don?

"Hindi ko naman kilala yun mahal."

Bahagya akong napatingin sa gilid ko nang di ko sinasadyang marinig iyon.

May babae doong nangunguha ng mga sabong panlaba at may nakasunod sa kanyang lalaki na tulak tulak ang cart nito. Sa palagay ko ay magkasinatahan sila.

"Anong hindi kilala? Eh kung makalingkis siya sayo parang kilalang kilala ka niya eh." Pagalit na nilagay ng babae ang detergent powder sa cart niya.

Umiwas ako ng tingin.

"Aba malay ko. Baka naghahanap lang ng gulo."

Yumuko ako ng bahagya at kumuha ng tatlong sachet ng downy.

"Naghahanap nga ba ng gulo? O baka may gulo na talaga kayo?"

Napasinghap ako sabay alis doon.

Kapag talaga ang lalaki nahuli sa akto, pare-parehas nalang ang mga tunog nila kapag nagpapaliwanag.

'Hindi ko kilala yun'

'Aba malay ko'

'Baka naghahanap lang ng gulo'

'Tamang hinala ka naman'

'Maniwala ka sakin'

Grabe, gamit na gamit talaga. Gasgas na lahat kakaulit nila.

Pailing-iling akong dumiretso sa counter, dito sa counter 1. Dito kasi yung mga 25 items pababa. May nauna na sa akin kaya nakatayo ako dito kasunod niya.

Di ko naman maiwasang mapatingin sa kanya habang nilalapag niya ang mga pinamili niya sa counter. Naka side view ito at sa sobrang titig ko sa kanya ay nakilala ko siya.

Si Sir Suarez.

Napabuntong hininga nalang ako at bahagyang napapikit.

Parang gusto niyo talaga na mabuking ako. Pambihira.

Patay malisya akong lumingon.

Lilipat nalang ako ng counter. Hangga't maaari ay iiwas muna ako sa mga suspetsyado kong yung customer ko sa club.

Aalis na sana ako non nang bigla niya akong tinawag.

"Malapit na din naman itong matapos miss, ikaw na agad."

Nakagat ko ibabang labi ko. Ang bilis naman niya makapansin. Bumuntong hininga ako sabay lumingon pabalik.

Medyo nakayuko ako nong naglakad pabalik sa pila. Kunwari ay chinicheck ko yung mga kinuha ko, pati label napabasa ako.

"Miss Lopez?"

Yeah right.

Inangat ko kaagad ang tingin ko ng tawagin niya ako para naman ay hindi ako mapaghalataan.

"Ay Sir Suarez kayo po pala. Good afternoon po."

Tumango tango din naman ito. "Magandang hapon din sa iyo, miss Lopez." nakangiti nitong sabi.

"635.75 po lahat sir." biglang sabi ng cashier dito kaya naglabas ng pera si sir Suarez at inabot dito.

"Nga pala, naibigay mo ba kay miss Deborah?" lingon niya muli sakin matapos niyang iabot ang bayad niya.

"Opo sir, nakuha niya po."

"Nice. Thank you ulit miss Lopez."

"Walang anuman po yun." estudyanteng estudyante ako ngayon.

"Yaan mo next time pag may time ako I'll treat you."

Natigilan ako sa biglang sinabi nito. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti pa siya sakin.

"Ah, wag na po sir. Gawain naman po talaga ng estudyante na sumunod sa kanyang guro."

"Ay edi kung ganun ililibre pa din kita." sabi nito sabay umusog ito ng bahagya papunta sa tapat ng bagger pagkatapos niyang magbayad.

"Po?"

"Well, di naman kasi ako teacher. Estudyante din ako." natatawa nitong sabi sabay kuha sa mga pinamili niya.

"Sige miss Lopez, I think I'll see you around."

Yumuko lang ako ng bahagya at sinundan ko siya ng tingin.

Alam ko namang di siya teacher, pero pag nagpahalata akong alam ko baka mamaya magduda siya ba't ko alam.

Inabot ko na ang mga bibilhin ko sa cashier.

Pagkatapos kong magbayad ay umalis din ako agad doon sa counter at habang naglalakad na ako papunta sa exit ay napansin kong nakatayo doon si Sir Suarez.

Ano pang ginagawa niya dito? Wag nyo sabihing pagpipilitan niya kong ilibre?

Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy na ang paglalakad.

Nang mapadaan ako sa kanya ay di ako nakatingin pero binati ko siya.

"Una na po ako sir."

"Sige sige." sabi lang nito.

Nang makalagpas ako sa kanya ay inangat ko ng maayos ang ulo ko.

Assuming, tanga.

Napailing nalang ako ng natatawa. Nakakahiya. Ba't ko ba kasi inisip yun? Pft.

Pagkalabas ko ng convenient store ay diretso na ako sa gilid ng kalsada para mag abang ng jeep.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay di pa din ako nakakasakay kasi kung di man punuan ang jeep ay madalang naman kung dumaan.

"Miss Lopez?"

Lumingon ako at medyo nabigla pa ako nang makita si Sir Suarez sa harap ko.

"Sir.."

"Gusto mo ba sumabay samin?"

"Po?"

"Sabi ko, gusto mo ba sumabay na samin?" Sabay turo niya sa sasakyang nakaparada sa likuran niya, napansin ko ding may kasama itong nag lo-load ng mga box sa likod ng sasakyan.

"Ah, wag na po. Okay lang ako."

"No really, I insist. Come on, hahatid kana namin sa bahay nyo." pagpupumilit nito.

"Wag na po talaga, okay lang po ako. Saka may dadaanan din naman ako malapit lang dito kaya wag na po."

Ngumuso naman itong parang batang di nasunod ang gusto.

Tsk.

"Okay then, if you insist. Una na kami."

"Sige sige po." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tumango lang siya saka pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Ako naman ay tumalikod na at sa kalsada na muli ang tingin.

Nakaalis na ang sasakyan ni sir Suarez makalipas ang ilang segundo. Pero ako ay nalipasan pa ng ilan pang mga minuto dito bago ko napagdesisyunang sumakay nalang kahit punuan. Nakipagsiksikan nalang ako sa pinakadulo kahit pakiramdam ko ay yung pinakadulo nalang ng pwet ko ang nakaupo at ang the rest ay nakaupo sa hangin.

Pagkadating ko sa apartment ko ay nilagay ko na muna mga pinamili ko sa mga lalagyan ko at naupo saglit sa sofa na malapit sa higaan ko.

Parang ayoko muna pumasok ngayon. Baka mamaya ipatawag nanaman ako sa VIP room at baka kung ano ano nanaman sabihin sakin nung customer na yun slash Mr. Suarez at di na ko makapag pigil.

Okay, di na muna ako papasok.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo aa kusina para uminom ng tubig. Habang nilalagok ko ang isang baso ng tubig ay nadaanan ng tingin ko ang litrato ng mga kapatid ko na nakadikit sa dingding malapit sa higaan ko.

Nang matapos akong uminom ay napabuntong hininga ako.

Hirap kapag malaki ang ginagampanan mong responsibilidad sa pamilya dahil sa tuwing gusto ng katawan at isip mong magpahinga ay hindi pwede.

Ipinatong ko na ang baso sa lababo atsaka ay naghanda na para pumasok sa trabaho.

May isang oras pa ako bago ma late sa call time namin.

Nang matapos na ko ay nagmadali na akong bumaba at nagpara agad ng jeep. At saktong sampung minuto bago ang call time namin ay nakarating na ako.

"Wow 10 minutes before call time." sulpot ni mamang. "Pero mauubos din sa paghahanda~" at bigla akong kinurot nito kaya napahiyaw ako.

"Bilis bilisan mo dyan."

Nginiwian ko lang siya at nagpatuloy na sa pagme-make up.

Nang makatapos na ako't lahat lahat ay kumuha na ako ng room number kay mamang.

Lumipas ang oras at matapos ang dalawang shows ay nagpahinga muna ako saglit dito sa dressing room. Nagretouch lang ako.

"Minaaa!"

Kaagad kong sinuot ang maskara ko atsaka nilingon si ate Jovel, isa din sa mga kasa-kasama ni mamang mag asikaso ng mga customers sa mga room at mag asikaso din ng ibang dancers.

"Po?"

"Oh, room number."

Tumango lang ako saka kinuha na ang inabot niya.

Mukhang punuan ang mga rooms ngayon at parang aligaga ang lahat.

Nagmadali na akong magpunta doon sa room na binigay ni ate Jovel. Pagdating ko ay nag-aabang na dito si ate Zeny sa labas.

Nagsimula na agad ang show pagkatungtong ko palang sa harap ng pinto.

Same routine, same steps but different people.

Habang sumasayaw ako dito sa entablado ay pinapasyalan ko ng tingin ang bawat isang narito sa loob ng kwartong ito. Nakagawian ko ng gawin ito dahil dinaramdam ko kung anong klaseng mga hayop ang nandito.

May isang lumapit sakin habang sumasayaw at hinimas himas pa ang binti ko. Gumigiling-giling pa ito.

Pinakatitigan ko siya at pagkatapos ay bumaba ako at agad siyang sinayawan ng harap harapan. Todo hiyawan naman silang lahat tapos siya hiyaw na hiyaw at kumakaldag pa sakin habang nakahawak sa bewang ko at hawak hawak naman sa kabilang kamay niya ang isang bote ng beer.

Gumiling giling ako sa harapan niya at pinaatras ko ito papunta sa couch at pinaupo.

Doon ko siya pinatungan at sinayawan habang naglalakbay ang mga kamay ko pababa himas himas ang mga binti niya. Pagkatapos ay agad kong hinila mula sa bulsa niya ang kanina pang nakasulyap na ID niya doon na kanina ko pa napapansin mula sa itaas ng etablado.

Di lang ako nagpahalata at kaagad akong tumalikod sa kanya.

Habang gumigiling ako ng patalikod sa kanya ay palihim kong sinascan ang ID niya.

Tumaas ang kilay ko pagkatapos ay muli akong humarap sa kanya at pumatong saka pasimpleng ibinalik iyon sa bulsa niya.

Kinurot ko ang baba niya bago ko siya iwan doong nakabukaka ang dalawang binti.

Bumalik ako sa taas ng entablado at tinapos ang huling stunt ko.

Nang matapos ang show ko ay lumabas na ako at habang pababa ako mula sa taas ay nasalubong ko si Ate Zeny.

"Mga minors ang nasa room 14."

Natigilan si ate Zeny.

"Ha?!" Bulalas niya matapos niyang mabuga ang iniinom niyang beer.

"San Fernando National Highschool, 16 years old. Yun ang nakasulat sa ID ng isa sa kanila. Malamang lahat sila magkaedad lang."

Napaawang ang bibig nito. "Potangina." bulalas niya at nagmadali na itong bumaba muli.

Napailing nalang ako atsaka bumaba na para pumunta sa bar counter.

Mga lalaki nga naman, wala nga talagang pinipiling edad ang kahayukan.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong pagewang gewang na customer. Tinry kong umiwas sa kanya para hindi kami magkabanggaan sa daan, pero yung pag ikot ata ng mundo niya papunta sa side ko kaya nagkabanggaan pa din kami, dahilan para matumba ito dahil sa impact.

Napa aray naman ako non at tutulungan ko na sana siya ng bigla nalang sumulpot si Warren.

Pinulot niya yung maskara ng customer dahil natanggal ito.

"Ako na." Sabi niya saka ay tinulungan niya itong tumayo.

Inalalayan ko na din siya sa kabilang kamay niya at pinatayo. Wasted na talaga siya dahil yung ulo niya gumegewang na din.

Sinuot muli ni Warren yung maskara niya, pero bago pa niya ito tuluyang matakpan muli ay nasulyapan ko pang sandali ang itsura nitong customer.

"Ako na bahala dito."

"Sige sige."

Inakay na siya ni Warren papunta sa mga table doon sa dulo, habang ako naman ay nagtungo sa bar counter at humingi ng isang basong beer.

"One beer for the most hard-working woman." sabay abot nito ng inumin ko.

"Pft." sabay natawa ako.

"Kagaling talaga ng mga bartender pagdating sa mga salita ano. Subukan mo kayang magtrabaho sa club na halo-halo. Yung may mga babae din. Tignan ko nga kung ilang chicks mabingwit mo."

Narinig ko naman ang pagtawa nito.

"Madami naman tayong chicks dito, mangingibang bahay pa ba ko?"

Lalo lang din akong natawa saka ay napailing.

Di nagtagal ay dumating na din si Warren at kumuha ng order kay Joe.

"San mo hinatid yung customer?"

"Don sa table nila." sabay nguso pa niya banda don sa dulo na sinundan ko naman ng tingin.

"Mukhang kilala mo na yun ah, at alam mo na din kung san siya ihahatid."

"Syempre regular sila dito eh."

Napatango-tango ako sabay tingin sa beer ko. Napatitig ako doon at natawa bago tumungga.

Biruin mo nga naman, yung kanina lang na nagpapaliwanag at pinapaniwala ang kasintahan niya sa convenient store eh regular pala dito?

Matatawa ka nalang talaga, literal. Pinapatunayan niya lang na tapat ang lalaki hindi lang sa isang babae.

Pagkatapos kong uminom ay kumuha ulit ako ng room number. Nakalima na ako ngayong gabi, at medyo malaki laki na din naman mga tips na nakuha ko kaya nagdesisyun akong umuwi na.

Habang nagtatanggal ako ng mga accessory ay bigla kong napagtanto na di ako pinatawag ni mamang sa VIP. Ibig sabihin wala sila ngayon? O baka naman andito sila pero iba pinatawag?

Oh well, mabuti na yung ganun. Nang sa gayun ay hindi na ko mag overthink pa na unti-unti niya kong makilala.

Pagkatapos kong magtanggal ng mga suot suot ko ay nagpunta ako ng banyo para maghilamos. Nagbihis na din ako atsaka ay nagpaalam na kay mamang na uuwi na ako.

Pagkadating ko sa apartment ko ay kaagad akong nahiga.

Nakakapagod.

Malaki ang kinikita ko kada gabi sa club, hindi maipagkakaila iyon, pero nakakapagod siya physically, mentally at emotionally.

Napabuga ako ng mabigat na buntong hininga at pagkatapos ay nilabas ko ang cellphone ko at nagchat sa kapatid ko.

Di pa din siya nakaka-online.

Wala kasi silang cellphone, at nakiki-online lang siya sa kapitbahay namin don kapag pwede at paminsan-minsan lang din para hindi daw nakakahiya. Isa pa yan sa pinag-iipunan ko na maibili siya dahil kailangan na din nila yan sa school. Gayo't ngayon ay may mga gc na din sila kung saan nag aannounce mga teacher niya, di siya makahabol dahil wala siyang cellphone.

Matapos kong mag send ng message sa kanya ay pinatong ko na cellphone ko at tumayo na muna ako saka naligo at nagbihis.

Nakakain na ako sa club kaya diretso tulog nalang din ako.

Sumunod na araw, sabado.

Ngayon na yung birthday ng kuya ni Ysa, si kuya CJ. Pero dahil maaga pa naman ay naglaba na muna ako at naglinis ng apartment. Saktong pagkatapos ko ay saka ako nag-handa na para pumunta sa kanila.

Don kasi ako matutulog at tutulong na din ako don sa paghahanda. Nag-chat ako kay Ysa at kararating palang din naman daw ni tita galing sa palengke.

Pagkalabas ko ng apartment ay sumampa na ako ng jeep na papunta sa sakayan ng traysekel na papunta naman sa kanila ni Ysa.

Mga 30 minutes din ang binyahe ko bago ako nakarating sa kanila. Wala kasing traffic, pero kung meron medyo mahaba haba ang binabyahe niya.

Sa labas nalang ako bumaba at naglakad nalang ako papasok. Nasalubong ko naman non si Ysa kaya tinawag ko siya.

"Nandito kana pala, di ka manlang nagtext sana nasundo kita." sabi nito.

Papunta siya ngayon sa tindahan kaya sumunod ako sa kanya.

"Alam ko naman papunta sa inyo eh."

Naupo na muna ako sa mahabang upuan dito sa labas ng tindahan habang bumibili si Ysa.

Ang init.

"Nagdala ka ba ng damit pamalit?"

"Oo."

"Good."

Masyado naman siyang naninigurado, nakapagpaalam na ako ng maayos kay mamang kagabi pa ni di ako papasok mamaya, kaya wag siyang mag-alala.

"Tita!" sigawan ko agad pagkapasok ko sa bahay nila.

Mula sa kusina ay dumungaw si tita at sinalubong ako ng napakalapad na ngiti.

"Aba'y buti nalang nakapunta ka." sabay niyakap ako nito.

"Syempre naman po. Makakalibre ako ng pagkain hanggang bukas di pa ba ko pupunta?" pagbibiro ko na ikinatawa naman ni tita.

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Ah wala po, day off ko po ngayon."

"Mabuti naman kung ganun. Oh siya, babalik na muna ako sa kusina at nagluluto kami ng menudo." saka bumalik na si tita sa loob ng kusina na sinundan ko naman. Dumungaw ako sa pinto.

"Kaya naman po pala ang bango eh. Specialty pala."

Ngumiti naman siya saka kinindatan ako.

"Hello po ate Gina." bati ko sa pamangkin ni tita na pumasok mula sa likuran.

"Uy Mia, andito ka pala. Hellooooo~" Mala ruffa mae quinto niyang bati sakin na ikinatawa ko.

"Magbihis kana don Mia, at pagnaluto toh ay kumain na kayo ni Ysa."

"Sige po." pero bago ako pumasok sa kwarto ni Ysa ay muli kong nilingon si tita. "Asan po si tito?"

"Umalis siya, pumunta sa kabilang baranggay para kunin yung inorder naming baboy sa kumpare niya. Nitong umaga lang kasi kinatay."

"Ahh. Sige po tita, pasok po muna ako."

"Sige sige."

Nagtungo na ako sa kwarto ni Ysa at wala siya doon. Kaya pinatong ko na muna ang bag ko sa gilid.

Maya maya ay pumasok na din ito.

"Asan si kuya CJ?"

"Nasa trabaho pa. Sakto off non sa work saka magsisimula ang kainan." naupo ito sa kama niya atsaka dumutdot sa cellphone niya.

Ako naman ay nananalamin nang mapansin ko siyang panay dungaw sa bintana ng kwarto niya.

"Pupunta ba siya?" tanong ko na biglang kumuha sa atensyon niya, may halong pagtataka itong nagtananong ng "ha?"

"Sabi ko, pupunta ba dito si kuya Kerwin?"

Natigilan siya, saglit na natulala at agad ding binalik ang atensyon sa cellphone niya.

"Baka.." sagot nito ng nakayuko.

Mula sa salamin ay lumingon ako sa kanya.

"Ba't di ka nalang kasi umamin sa kanya na may gusto ka sa kanya?"

Ngumiwi siya sabay "pshhh." at humugapa sa kama niya. "Madali lang sabihin, pero mahirap gawin. Saka tanda mo naman diba? Harap harapang sinabi ni kuya na wala daw dapat tropa niya ang manligaw sa akin. Syempre equivalent na din non na dapat wala akong magustuhang tropa niya."

"Ang tagal na non, minor kapa non eh. Eh ngayon nasa tamang edad kana, di ka na din naman masyadong pinagbabawalan ng kuya mo. Ibig sabihin loosen na siya sayo. Kaya di na din naman siguro niya ima-mind kung maging kayo ng tropa niya diba?"

Nagkibit balikat lang ito.

"Di mo sure."

Napailing nalang ako atsaka bumalik na sa pananalamin.

May isang salita lang yan, di mo mabibilog utak niyan kaya hayaan nyo na.

Lumabas na kami ni Ysa sa kwarto niya at tumulong sa mga gagawin. Tumulong siya sa pagkakabit ng mga decorations habang ako naman ay tinulungan sina tita sa pagluluto.

Dumating na din non si tito na agad kong binati.

Alas sais na nang dumating si kuya CJ.

"Happy birthday kuya CJ."

"Mia. Wow, thank you." then nag beso kami.

"Sorry kuya wala akong regalo."

"Pft, okay lang yun. Saka gifts are not allowed for today's birthday."

Natawa lang ako dito saka ay nagpaalam siyang magbibihis muna siya habang kami naman ay tinapos na ang paghahanda bago pa dumating mga bisita niya.

Pagkatapos naligo na din kami at nagbihis ni Ysa.

"Happy birthday to you~ Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to youuuu~" hiyawna at palakpakan naman kami.

"Make a wish muna before you bloooow." pasayaw sayaw na sabi ni ate Gina matapos niyang sindihan ang kandila ng cake ni kuya CJ.

Pumikit si kuya CJ at ilang minuto din itong mataimtim na humiling. Pagkatapos ay binlow na niya ang candle niya.

"Yey!"

Nagsimula na ang kainan kaya tumulong kami ni Ysa sa pagsandok ng pagkain sa mga bisita. Mga kapitbahay lang naman nila saka ilang kapamilya na galing sa kabilang baranggay na dito din ata matutulog ngayong gabi ang mga bisita nila.

Sa kalagitnaan ng pag kain ay may nagsidatingan na agad sinalubong ni kuya CJ. Napatingin kami non sa gate ng isa isang pumasok ang mga indibidwal na sa pananamit palang ay halata mo ng mga propesyonal.

"Sino mga yun? Mga katrabaho ng kuya mo?" Tanong ko kay Ysa.

"Hindi, mga kaibigan niya nung college."

"Ibig sabihin mga teachers yun?"

Tumango si Ysa bilang pagsagot.

Sa pagkakatanda ko kasi, kwento ni Ysa ay dating education student ang kuya niya. Pero nung grumaduate ay di niya pinirsue ang pagtuturo, ginamit niya lang yung learnings niya at nag work sa isang real estate company.

"Uy kayong dalawa, kumain na ba kayo?"

Napalingon kami kay tita na nagre-refill ng pagkain.

"Kumain na kayo, hayaan niyo na silang kumuha diyan."

Nagdesisyun kami ni Ysa na pumasok nalang at doon na kumain.

Nang pumasok kami sa dining area nila ay napatigil siya kaya napatigil din ako. Pero sinilip ko kung bakit.

Nandito pala mga bisita ng kuya niya.

Pinaatras niya ako pero huli na ang lahat dahil napansin na nila kami, lalo na ni kuya CJ na tinawag pa non si Ysa para ipakilala sa mga kaibigan niya.

"Eto nga pala ang bunso kong kapatid."

"Ay, yan na ba si Ysabelle? Grabe ang laki na niya. Ilang taon kana?" sabi nung isang kaibigan na babae ni kuya CJ.

"20 years old po."

"Ayy, college kana?" muli niyang tanong.

Tumango si Ysa sabay sabing, "opo."

"Oww, edad na ng pwedeng mag boyfriend." tapos ay nagsitawanan sila.

Pinapanood ko lang sila non nang bigla nalang mapalingon si kuya CJ sakin, nilapitan niya ako at saka ay inakbayan papunta sa tabi ni Ysa, sa tapat ng mesa kung san kumakain ang mga kaibigan niya.

"Eto naman si Mia, bestfriend ni Ysa, isa pa naming bunso."

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng sabihin iyon ni kuya CJ.

Lagi nalang talaga ako parang nagiging emosyonal tuwing ipinapakilala nila ako sa mga kaibigan ng pamilya nila bilang parte ng pamilya nila.

Nginitian ako ng mga kaibigan ni kuya CJ kaya ngumiti din ako sabay kaway.

"Sila nga pala mga kaibigan ko nung college, mga teacher na yan ngayon, tanda mo pa sila, Ysa? Lagi sila non dito sa bahay. And ow by the way, tatlo sa kanila teacher niyo sa school ah."

Parehas kaming napatingin ni Ysa sa kanya.

"Naku naku, mga estudyante nga naman di marunong kumilala ng mga guro nila. Nakuuuu!" Panunukso samin ni kuya CJ na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

"Ayun oh, si Miss Alfonso, si Sir Evans at si Sir Tomazar."

Sabay naming sinundan ng tingin ang tinuturo ni kuya CJ at kumaway yung tatlong nakaupo don sa pinakadulo. Agad naman kaming napabow ni Ysa sabay bumati ng magandang gabi.

"Aysus, kung ako yan tatandaan ko itsura ng mga toh at ibabagsak ko sila."

"Kuya.."

Humagalpak lang silang lahat ng tawa. Hiyang hiya naman kami ni Ysa.

Pagkatapos non ay nagpaalam kaming kakain na muna kami.

Nandito kami sa loob ng kwarto niya at napag-usapan namin yung mga teachers namin don.

"Mga baguhang teachers ata sila, di ko talaga sila nakikita sa school eh." sabi nito habang sumusubo ng salad.

"Siguro, madami kasing mga bagong teachers ngayon. Yung iba nga di na malaman kung teacher ba or what."

"Ahh, kagaya ni sir Suarez? Yung lagi mong tinatanong?" sa tono palang ng pagkakasabi niya dito ay halata mo ng may kahulugan eh.

Kaagad ko siyang pinaningkitan ng mata.

"Tumigil ka nga."

Sinasabi ko talaga pag nagsimula na si Ysa, tuloy tuloy na yan. Pinagsisihan ko talagang sa kanya pako nagtanong eh.

"Ba't di mo pa kasi aminin."

"Ba't di nalang sarili mo pilitin mong umamin? Tutal ilang taon kanang may lihim na pagtingin kay kuya Kerwin." At doon siya natigilan.

Huling huli siya. Kung may lambat ako ngayon tas isda siya, malamang ay nasa loob nayan ng lata at lumalangoy sa sauce ng tinapa dahil huling huli siya.

Matapos naming kumain ay lumabas kami para panoorin yung mga kumakanta. Dito kami nakaupo sa mga upuan sa balcony nila nang bigla nalang bumukas ang gate nila at nagsipasukan ang mga tropa ni kuya CJ na kararating lang.

Sila yung mga tropa niyang tiga rito talaga.

"Aba, mabuti naman dumating kayo. Akala ko di niyo na ko sisiputin."

Nag-apiran silang lahat at kunting asaran. Nang sumulpot bigla si kuya Kerwin, ay napansin ko agad ang pag-iwas ni Ysa.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hi Sasa!" pinagkukurot pa nila non si Ysa ng madaanan nila kami sa balcony. "Hi mia!"

Ngumiti ako sa kanila saka kinawayan sila isa isa.

"Kamusta kayong dalawa?" pinakahuli sa kanila ay si kuya Kerwin na sobrang lapad ang ngiti nang humarap samin.

"Okay naman po." ako na sumagot para kay Ysa. Nabulunan ata siya ng laway niya.

"Mabuti naman." tapos ginulo nito ang buhok ni Ysa at nakipagfist bump naman ito sakin dahil di naman niya magugulo buhok ko kasi nakaupo ako dito kung san nakapatong mga braso ni Ysa.

Umalis na non si kuya Kerwin at sumunod na sa iba nilang mga tropa papasok sa loob. Wala na din naman doon mga kaklase ni kuya CJ dahil nandito na sila sa labas at nagvi-videoke.

" 'Sa, inom lang akong tubig."

"Sige sige."

Bumaba na muna ako mula sa kinauupuan ko at nagtungo sa loob.

Uminom ako ng tubig sa kusina at pagkalabas ko nang matapos ako ay nasalubong ko isa sa mga kaibigang teacher ni kuya CJ, si...sir Tomazar. Yung pinakilala niyang teacher sa school namin.

Yumuko ako ng bahagya ng masalubong ko siya at siya naman ay nginitian ako. Pero ng isang hakbang akong napalagpas sa kanya ay natigilan ako.

Kumunot ang noo ko.

Yung pabango niya.

Pabango ni sir Suarez yun ah.

Related chapters

  • That One Night In Alhambra   Chapter 1

    Pangarap.Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.At ito ang buhay ko.Ako si Gianna Camia Lopez, M

    Last Updated : 2022-09-10
  • That One Night In Alhambra   Chapter 2

    Mia's POVNagmamadali akong lumabas ng apartment building at agad nagpara ng jeep sa daanan.Late nanaman ako. Sabi na eh, malelate at malelate talaga ako once na tanggapin ko alok ni mamang. Hirap talaga pag pera na sumilaw sayo, kakabulag.Pagkasampa ko nang jeep ay dito nalang din ako nag-ayos. Di pa ko nakakapag-suklay. Grabe kana life.Itinali ko na din buhok ko dahil nakakahiya sa nakaupo sa likuran ko, ang sama pa naman ng tingin niya sakin kanina.Pagkatapos kong itali buhok ko ay inabot ko na din ang bayad ko sa nakaupo sa unahan ko, na nilingon pa ako ng bahagya.Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school kaya agad akong pumara at nagmadali na kong bumaba.Patakbo akong pumasok sa gate habang tinataas ang ID ko para mabilis ng makita nung guard na di na iiscan pa.Dumiretso ako kaagad sa building ng first subject ko ngayong araw.Nang nasa tapat na ako nang room ay sumilip pa ako nang bahagya sa loob, nagsisimula na ang klase kaya marahan akong napapikit.Ang s

    Last Updated : 2022-09-10
  • That One Night In Alhambra   Chapter 3

    Mia's POVHindi.Baka parehas lang ng pabango.Siguro naman madaming gumagamit ng pabangong yun kaya may posibilidad na hindi siya at kaparehas lang.Yan ang paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko simula pa kanina.Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya yun. At kung sakali man, na sana naman ay hindi talaga, na siya yun ay mukhang hindi niya naman ako nakikilala."Huy, okay kalang?"Agad akong napatingin kay Ysa na ngayon ay nakatitig na sa akin."H-ha?""Sabi ko okay kalang? Tulala ka."Napakurap ako ng mata at napakagat sa ibabang labi ko. "O-oo, okay lang ako." sabay iwas ko ng tingin.Nasa loob na kami ng room ng next subject namin after ng long vacant namin kanina.Wala pang teacher kaya nagsusulat muna kami ng notes para sa recitation. Mahilig kasi mag pa recite tong subject teacher namin na to."Sure ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabay subo niya ng popcorn."Wala. Okay lang talaga ako."Pinagkibitan nalang ako nito ng balikat at bumalik na sa pagsusulat.

    Last Updated : 2022-09-10
  • That One Night In Alhambra   Chapter 4

    Mia's POV"Estudyante ba kita?"Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.Pilit kong pinakalma ang sarili ko."Hindi." diretsong kong sagot.Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo."Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.Ang personal kong buhay ang kahinaan ki."Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako.""Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala nama

    Last Updated : 2022-10-12

Latest chapter

  • That One Night In Alhambra   Chapter 5

    Mia's POV"Ingat ka." Paalam ko kay Ysa nang makasakay na ito ng jeep.Kumaway naman ito sakin kaya kumaway din ako pabalik.Nang tuluyan ng makaalis ang sinasakyan nito ay nagpara na din ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.Pagkasampa ko ay agad akong nag-abot ng bayad na kinuha naman ng nasa unahan ko. Naka teacher's uniform siya kaya yumuko ako ng bahagya sabay pasalamat ng mapatingin ito sakin. Ngumiti naman ito saka tumingin na muli sa harap habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya.Pag nakakakita ako ng mga lalaking naka uniporme base sa kanilang propesyon ay lagi akong napapaisip kung anong klaseng mga lalaki sila sa likod ng mga damit na iyan. Kinakatawan kaya nila ang propesyon nila ng may dignidad at reputasyon? O isa din sila sa mga lalaking matapos hubadin ang uniporme nila ay lumalabas ang nakatagong kahayukan sa kanilang anyo?Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa bintana ng jeep.Ang mamulat sa mundong nakamulatan ko ay isang na

  • That One Night In Alhambra   Chapter 4

    Mia's POV"Estudyante ba kita?"Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.Pilit kong pinakalma ang sarili ko."Hindi." diretsong kong sagot.Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo."Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.Ang personal kong buhay ang kahinaan ki."Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako.""Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala nama

  • That One Night In Alhambra   Chapter 3

    Mia's POVHindi.Baka parehas lang ng pabango.Siguro naman madaming gumagamit ng pabangong yun kaya may posibilidad na hindi siya at kaparehas lang.Yan ang paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko simula pa kanina.Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya yun. At kung sakali man, na sana naman ay hindi talaga, na siya yun ay mukhang hindi niya naman ako nakikilala."Huy, okay kalang?"Agad akong napatingin kay Ysa na ngayon ay nakatitig na sa akin."H-ha?""Sabi ko okay kalang? Tulala ka."Napakurap ako ng mata at napakagat sa ibabang labi ko. "O-oo, okay lang ako." sabay iwas ko ng tingin.Nasa loob na kami ng room ng next subject namin after ng long vacant namin kanina.Wala pang teacher kaya nagsusulat muna kami ng notes para sa recitation. Mahilig kasi mag pa recite tong subject teacher namin na to."Sure ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabay subo niya ng popcorn."Wala. Okay lang talaga ako."Pinagkibitan nalang ako nito ng balikat at bumalik na sa pagsusulat.

  • That One Night In Alhambra   Chapter 2

    Mia's POVNagmamadali akong lumabas ng apartment building at agad nagpara ng jeep sa daanan.Late nanaman ako. Sabi na eh, malelate at malelate talaga ako once na tanggapin ko alok ni mamang. Hirap talaga pag pera na sumilaw sayo, kakabulag.Pagkasampa ko nang jeep ay dito nalang din ako nag-ayos. Di pa ko nakakapag-suklay. Grabe kana life.Itinali ko na din buhok ko dahil nakakahiya sa nakaupo sa likuran ko, ang sama pa naman ng tingin niya sakin kanina.Pagkatapos kong itali buhok ko ay inabot ko na din ang bayad ko sa nakaupo sa unahan ko, na nilingon pa ako ng bahagya.Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school kaya agad akong pumara at nagmadali na kong bumaba.Patakbo akong pumasok sa gate habang tinataas ang ID ko para mabilis ng makita nung guard na di na iiscan pa.Dumiretso ako kaagad sa building ng first subject ko ngayong araw.Nang nasa tapat na ako nang room ay sumilip pa ako nang bahagya sa loob, nagsisimula na ang klase kaya marahan akong napapikit.Ang s

  • That One Night In Alhambra   Chapter 1

    Pangarap.Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.At ito ang buhay ko.Ako si Gianna Camia Lopez, M

DMCA.com Protection Status