Share

Chapter 3

Author: Blazing Pink
last update Last Updated: 2022-09-10 01:52:38

Mia's POV

Hindi.

Baka parehas lang ng pabango.

Siguro naman madaming gumagamit ng pabangong yun kaya may posibilidad na hindi siya at kaparehas lang.

Yan ang paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko simula pa kanina.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya yun. At kung sakali man, na sana naman ay hindi talaga, na siya yun ay mukhang hindi niya naman ako nakikilala.

"Huy, okay kalang?"

Agad akong napatingin kay Ysa na ngayon ay nakatitig na sa akin.

"H-ha?"

"Sabi ko okay kalang? Tulala ka."

Napakurap ako ng mata at napakagat sa ibabang labi ko. "O-oo, okay lang ako." sabay iwas ko ng tingin.

Nasa loob na kami ng room ng next subject namin after ng long vacant namin kanina.

Wala pang teacher kaya nagsusulat muna kami ng notes para sa recitation. Mahilig kasi mag pa recite tong subject teacher namin na to.

"Sure ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabay subo niya ng popcorn.

"Wala. Okay lang talaga ako."

Pinagkibitan nalang ako nito ng balikat at bumalik na sa pagsusulat.

Di naman ako makapag-focus kaiisip nung kanina. Tanungin ko kaya si Ysa?

"Bes."

"Hmm?" tugon nito ng bahagyang nakaharap ang mukha niya sakin pero yung mata niya nakatuon lang sa sinusulat niya.

"K-kilala mo ba si Sir Suarez?" At doon ay tuluyan na itong napatingin sakin.

"Yung student assistant ba sa english department?"

"Oo."

"Oh bakit?"

"Ahm..teacher ba siya?"

Agad naningkit mata ni Ysa sakin. "Student assistant nga diba?" ngiwi niya.

Ay oo nga no?

"Hindi, I mean, bakit siya student assistant eh nakasuot siya ng uniform na tulad ng mga lalaki nating guro."

Napaisip naman non si Ysa hanggang sa para bang may natimbre ito sa utak niya.

"Nagsusuot lang siya ng uniform pag duty niya na as student assistant na parang student teacher din."

"Pano namang naging student teacher?"

"Education kasi kurso ni sir Suarez. Kaso dinig ko, nag stop daw siyang mag-aral nung nag decide siyang mag trabaho abroad. Pero nung umuwi siya dito ay nagresume siya. Tapos nakasanayan na din ng mga students na tawagin siyang sir dahil maliban sa 25 years old na siya ay nag-aassist din siya sa windows ng english department na minsan ay napagkakamalang teacher hanggang sa naging normal na siyang tawaging sir."

Nakatango lang naman ako bilang tugon sa pagsalaysay ni Ysa.

"Bakit nga pala? Interesado ka sa kanya no?" kaagad kong naatras ang ulo ko sa nakakaloko nitong tanong. Habang siya ay patawa tawa lang.

"Hindi uy."

"Sus, eh bakit naman bigla kang nagtanong tungkol sa kanya?"

Nagkurap ako ng mata, nag-iisip ako ng palusot. Alangan naman kasing sabihin kong siya ata customer ko sa club? Di ko din pwede sabihing customer ko sa call center ano yun?

"Wala lang, kasi..kasi nakita ko siya kanina nung inutusan ako ni miss Deborah, di lang siya pamilyar sakin kaya inisip ko baka baguhan."

Nays Mia.

"Sus. Diskarte kapa, eh matagal na si sir Suarez dito."

"Eh bakit? Ngayon ko lang siya nakita eh."

"Tapos na love at first sight ka?"

Naningkit na ang mata ko. "Tumigil ka nga."

Natawa lang naman ito atsaka pinagpatuloy na ang pagsusulat niya.

"Pero aminin mo, diba gwapo si sir?" ibinunggo niya pa ang balikat niya sakin.

Ngumiwi ako, pero sa totoo lang ay oo. Gwapo si sir Suarez. May angkin siyang katangian ng isang matipunong lalaki. Mukhang maganda din ang hubog ng katawan niya. Dahil nung nakita ko siyang nakasando kanina ay mahahalata mo talagang madalas din siyang mag work out. Fit na fit ba. Tapos feeling ko naman maliban sa propesyon niya ay desente din siyang lalaki.

"Uy inimagine niya."

"Tumigil kana ha, tapusin mo na nga lang yan." bulalas ko na mas lalo lang nagpatawa sa kanya.

Sira ulo.

Ilang sandali lang ay dumating na din teacher namin. At hindi nga kami nagkakamali dahil nagparecitation nanaman siya.

Halos buong klase niya, tuwing may ioopen siyang topic previous man or bago ay nagpaparecite talaga siya. Parang tinatamad na siyang mag lecture, yung mga sagot nalang namin kino-consider niyang lesson sa araw ng klase niya.

Nang matapos ang klase namin ay diretso na kami ni Ysa sa next class dahil wala na vacant.

Last class namin ngayong araw.

"Kambal!"

Sabay kaming lumingon ni Ysa at nakita naming palapit si Lara, ang class mayor namin.

Kambal tawag nila samin ni Ysa dahil para daw kaming mga kambal tukong di mahiwalay.

"Oh." inabutan niya kami ng tig-iisang photocopy na agad naman naming iniscan.

"Para san to?" tanong ni Ysa.

"Sa strat."

"Ha? Diba wala si miss Shee?" dugtong ko naman.

"Oo nga, pero pumasok kanina yung substitute teacher. Kami nina Jerica at Wilma nalang naabutan niya kasi nagligpit pa kami don sa room kaya ayan, nagbigay lang siya ng instruction na ipaphotocopy yan for the next meeting."

Tumango-tango lang kami ni Ysa.

"Bayad nyo ah, di libre yan." huling sabi ni mayor bago ito nauna na sa room namin.

Pumasok na kami sa last subject namin at nandon na din teacher namin kaya dire-diretso nalang klase niya. At 10 minutes bago ang bell ay dinismiss niya na kami.

"Uuwi ka na ba?" Tanong sakin ni Ysa.

Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng school ngayon.

"Oo, may pasok pa ko mamaya eh."

"Iwas muna sa OT ah. Para naman makapagpahinga ka muna."

Napanguso ako. "Alam mo bes, kung naging lalaki kalang iisipin ko talagang may gusto ka sakin iba na pagiging concern mo eh. O baka naman tomboy ka?"

Nangunot noo nito at naatras ulo niya. "Hibang ka ba? Nauumay na nga ako sa sarili kong genitals gusto mo maghanap pa ko ng kapareha ko?"

Napahagalpak ako sa sinabi niya. "Bakit ba ang sensual agad ng mga konklusyon mo? Kababasa mo ata yan ng mga librong rated spg."

Ngumuso lang siya ng medyo natatawa. Guilty siya eh kasi tama ako.

Inakbayan ko nalang siya hanggang palabas kami ng school.

Hinintay ko muna siyang makasakay ng jeep sa labasan bago ako nagpara ng akin.

Pagkadating ko sa apartment ko, ay nag-ayos na agad ako ng gamit ko. Pass 4 na at kailangan mga 5:30 ay nasa club na ako dahil mag-aayos pa kami.

Nagpahinga lang muna ako saglit bago ako naligu at inayos na mga dadalhin ko.

Nagmamask ako bago umalis dito sa apartment kahit parang wala na din namang nagmamask sa panahon ngayon. Pero kasi ayoko makilala ako pag bumaba ako malapit sa labasan ng club. Kaya nga pag sumasakay ako ay di dito sa tapat ng apartment ko kundi sa kabilang kanto.

Habang inaayos ko gamit ko ay nakatanggap ako ng text mula kay mamang .

From: mamang Rino

5:30 girls. Madami tayong customers ngayon.

Lagi namang madami. Kailan ba tumumal ang negosyong babae ang binebenta? Eh hangga't may lalaking m*****g sa mundo walang tumal.

Sinukbit ko na bag ko at sinarado na apartment ko bago bumaba.

Nasa kabilang kanto na ako ngayon at nag-aantay ng jeep. Panay din tingin ko sa oras dahil 5:15 na.

Nang may papalapit na jeep ay pumara na ako agad.

Mga alas 5:40 na akong nakarating sa club dahil biglang natraffic.

Pagkapasok ko ay nag-aayos na ang iba. Hindi ko naman agad napansing nasa likuran ko si mamang kaya hindi ako nakaiwas nang kinurot ako nito sa tagiliran.

Namilipit ako.

"Aray mamang!"

"Late ka, sabi 5:30 diba?" pandidilat nito sakin.

Himas-himas ko ngayon tagiliran ko habang nakasunod sa kanya. "Eh natraffic eh. Alangan naman pagmumurahin ko mga driver don." pangangatwiran ko.

"Nagre-reason out kapa." Sabay kinurot nanaman ako nito sa pisngi ko.

"Aray!" mula sa tagiliran ay pisngi ko naman ngayon ang hinihimas-himas ko.

"Pumwesto ka na nga don at mag-ayos kana."

Nginusuan ko nalang siya.

Nagpunta na ako sa harap ng vanity mirror na inalisan ni Ate glo. Tapos na kasi siya. Senior escort naman yun, mas maaga sila dito kasi mas madaming VIP kahit mga alas kwatro palang. Ang aga nila m*****g diba?

Kung taga dito boyfriend o asawa mo o taga lugar na malapit lang dito sa Alhambra, talagang araw araw mong ipagdadasal na sana ay hindi isa sa mga kalalakihang naglilibang diyan sa loob ang kasintahan mo.

Bandang alas sais nang matapos na akong mag-ayos at lahat lahat. Dinig na din dito sa dressing room na dumadami na ang tao sa labas, kaya sinuot ko na maskara ko.

At nang mga alas syete emedya ay pumasok na si mamang sa dressing room namin.

"Basic room girls!" pagtatawag niya. "Ready na ba kayo?"

"Opo!" Sabay sabay naman naming sagot.

"Oh eto na room numbers nyo ha." at isa isa nang binigay samin ni mamang yung card kung saan kami papasok. "Laging tandaan, show lang. Pag natapos lalabas agad. Kahit gwapo pa manghila, wag na magpahila, diretso labas na."

Tumango tango lang kami.

Basic room kasi ang pinakamura at dahil diyan ay limited lang ang package. Hindi sila pwedeng magrequest ng kung ano ano or mag request ng mga beyond sa offer lang na binayaran nila. Tulad nalang ng tini-table nila KKB yan. Kung sino lang kukuha, siya lang magbabayad. Unlike sa VIP na kasama na lahat sa package. Magbabayad ka nang buong room kasama na don mga babae kahit ilan pa kayong mag request ibibigay agad dahil kasama na sa package.

Mas madali lang sa basic room kaya nga ayoko na ma promote eh. Kasi basic rooms sasayaw lang ako ng hindi mahihila pagkatapos, unlike sa VIP. Nakakalula.

Nagkanya-kanya na kaming punta sa mga rooms na pagso-show namin. Kada room ay 5-10 minutes lang ang pinakatayog na performance. Mabilisan lang siya kaya kahit papano ay nakakarami din kami.

Malaki ang club ng Alhambra, maraming rooms pero ang mga dancers ay iilan lang kaya't marami pinagso-show samin. Tapos minsan may mga rooms pang nagpapaulit ng show.

Makalipas lang ang halos apatnapung minuto ay nakatapos na ako ng dalawang show.

Kailangan ko muna magpahinga at may karapatan din naman kami dito. Kaya nagpunta muna ako sa bar counter para maka delihensya ng isang basong beer.

"Paisa nga Joe."

Nag-okay sign lang siya at kinuha na ako ng isang baso.

"Hingal na hingal ah."

Pinagbalingan ko si Warren, alam kong siya yan boses palang.

"Dalawang margarita dito at isang beer Joe."

"Right away!"

Bumaling siya sa akin. "So, kamusta datong?"

Napa "pft" nalang ako at sakto namang inabot na ni Joe ang beer ko kaya natungga na muna ako.

Hanggang ilong lang ang takip ng mask namin, labas bibig kaya nakakainom pa din kami kahit nakasuot ng maskara.

"Di makabayad sa malilikot nilang kamay."

Isa din sa dahilan bakit ako napainom dito ay dahil sa isang customer kanina sa isang room na sobrang likot ang kamay.

Nakakadiring sabihin, pero pinasok niya lang naman isa niyang kamay sa top na suot ko. Buti nalang ay nagawan ko ng paraan para di niya maabot sa loob. Dinagdagan ko ng isang step ang sayaw ko yung pwede makaiwas sa kanya.

"Advantage ng basic room, mabilis ang show. Disadvantage, mas maraming uhaw na parang mga asong ulol." litanya ni Warren habang nilalagay sa tray niya ang sinerbeng order ni Joe.

"Buti nalang wais ka." inangat niya na iyon at handa nang umalis pero muli akong nilingon nito. "By the way, mas sexy ka ngayon." huli nitong sinabi bago umalis.

"Pft, sira ulo."

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pag inom.

"Mina!"

Naiubo ko ang iniinom ko sa pagkabigla. Kaagad akong lumingon habang pinapahidan bibig ko.

"Nandito kalang pala, kanina pa kita hinahap." hingal na nilapitan ako nito. "Kailangan ka sa VIP room." agad akong hinawakan ni mamang sa pulso para hilahin pero hinila ko kamay ko mula sa pagkakahigit niya.

"Ang aga pa ah? Wala na agad seniors?"

"Ay hindi, special request talaga to. Ikaw talaga mismo ang hinahanap."

Sa likod ng maskara ko ay paskil ang pagkunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Anong bakit? Syempre customer yun."

"Hindi, ibig kong sabihin ba't ako?"

Lumapit ng bahagya si mamang sakin. "Naalala mo yung customer kagabi? Bumalik sila dito para sayo."

Nanlaki ang mata ko.

"Ano?!"

Napaatras naman ang ulo ni mamang sa naging reaksyon ko.

"H-ha?! Ano?!"

"Anong ano? Wala ng madaming tanong, tara na." Hinila na akong muli ni mamang pero nagre-resist ako.

"A-ayoko mamang."

Napatigil naman siya sa paghila sakin at muli akong nilingon.

"Ha? Eh bakit?"

"B-basta."

"Naku Mina, VIP to. Baka mag-iwan to ng hindi magandang impresyon sa club natin. Saka di ka naman umaayaw ng offer ah."

Napanguso ako at sa totoo lang ay mangiyak-ngiyak na ko. Jusko mamang, future teacher ko yun eh ayoko.

"Pwede bang iba nalang?"

"Hay naku, ikaw ang pinunta nila dito tapos magbibigay tayo ng iba? Halika na. Malaki ulit ibibigay nila sayo, sayang din."

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Tuwing madidinig ko ang salitang 'bigay' ay agad pumapasok sa utak ko mga kapatid ko at si Lola. Kaya alam ko na na kahit mabigat sa loob ko ay kailangan ko pa din gawin.

Nagpakawala nalang ako ng mabigat na buntong hininga at kalaunan ay pumayag na din.

Sumama na akong muli kay mamang papunta sa VIP rooms sa taas.

Nang nasa tapat na kami ay nilingon ako nito. "Di ka magso-show ngayon, ite-table kalang."

Ba't parang mas nakakakaba?

Binuksan na ni mamang ang pinto at napansin ko namang napatayo yung lalaking nakaupo doon sa dulo para salubungin si mamang. Sa hula ko ay sya yung lalaking nagpupumilit sa kaibigan niya nung nakaraan na ikwarto ako. Pasimuno talaga siya eh.

"Nandito na po ang nirequest niyo sir."

"Nays."

Ngumiti ako sa kanya na kailangan kong gawin kahit gustuhin ko mang hindi nalang.

"Goodluck." bulong sakin ni mamamg nang iwan na ako nito sa mga kalalakihang ito.

"Halika miss." inakbayan ako nito at naglakad kami papasok.

"Nandito ulit kaibigan ko para pasayahin mo." tumigil kami sa tapat ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay siya pa ring lalaki kagabi.

Sir Suarez.

Hindi man ako sigurado pero talagang sinasabi ng kutob ko eh.

"Oh bro, nandito na anghel mo."

Umiling iling lang ito.

Iniwan na ako nung lalaki sa kanya at bumalik na ito doon sa iba pa nilang kasama. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa harapan niya.

Hanggang sa bigla niya nalang hawakan ang pulso ko at paupuin ako sa tabi niya.

Grabe ang panlalaki ng mata ko lalo na nung naramdaman ko sa pulso ko ang kamay nito.

Matapos kong makaupo sa tabi niya ay naramdaman ko ang paglagay niya nang braso niya sa sandalan sa likuran ko.

Ngayon lang ako napalunok ng ganito, pero ang tigas parang tinutuyuan ako ng laway.

Bahagya ko siyang sinilip at agad akong sinalubong ng pabango nito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Siyang-siya ito.

Pasikreto ko din siyang iniscan. Nakatingin lang siya sa harap. Nakacross legs habang ang hawak-hawak naman nito ang beer sa kanang kamay niya.

Nakatupi ang dulong sleeve ng polong suot niya kaya't nakikita ko ang mga ugat nito.

Muli akong napalunok.

"Stop scanning me."

Dali-dali kong inalis ang tingin ko dahilan para mapaiwas ako ng biglaan. Marahan akong napapikit ng mapagtanto na masyado akong nagpahalata.

Naikuyom ko ang bibig ko.

Tahimik lang kami buong oras na nakaupo kami.

Boring pala siyang katable. Di manlang nag-iinitiate ng kwento. O baka ako yung boring na tini-table? Kasi dapat ako nagiinitiate sa kanya diba kasi binayaran ako. Ang boba ko.

"Bro."

Sabay kaming napaangat ng tingin sa kaibigan niyang nasa harapan na namin ngayon.

"Ready na room niyo."

Nanaman?

"Bro okay na kami dito. No need for that."

"Pft, of course kailangan. Kailangan mo. Sige na, pasukin niyo na bayad na yun eh."

Masyado namang mabait tong kaibigan niya at iniisip talaga pagkalalaki niya. Wow ah.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sir Suarez. Ay s***a! Wag wag wag!

Naiisip ko palang na kilala ko kasama ko at future teacher pa ay naninindig na balahibo ko. Mabuti pa sanang di ko nalang nakilala eh, tahimik pa sana buhay ko dito. Bakit ba kasi naintriga pa ako sa kanya?

Muli na siyang hinila ng kaibigan niya dahilan para mapatayo din ako.

Paglabas namin ay naghihintay na si ate Zeny, isa sa mga kasama ni mamang Rino na tumutulong din mag assist sa mga customers dito.

Sinamahan niya kami hanggang sa motel ng club.

Nauuna si ate Zeny samin, at nakasunod sa kanya si Sir habang ako naman ay nandito sa pinakalikuran.

Ngayon ay sigurado na akong si sir Suarez ito. Hubog palang ng katawan nito ay malapit na kay sir Suarez. Pinakamalaking factor pa dito ay ang pabango niya.

"Here's your room sir." presenta ni Ate Zeny pagkabukas niya.

Tumango lang naman si Sir, nag thank you at pumasok na kaagad. Pagkadaan ko naman kay Ate Zeny ay pinalo pa ako nito sa pwet ko may kasamang goodluck.

Hay, kailan pa naging normal icheer ang mga ikakwarto? Sport ba to?

Nginitian ko lang si Ate Zeny saka pumasok na din. Sinara na niya ang pinto kaya nilock ko na din ito mula dito sa loob.

Pagtingin ko kay Sir ay sobra akong nabigla nang makitang nagtatanggal ito ng neck tie.

Wag nyong sabihing kakagat na siya ngayon?

Mag-iisip na sana ako ng matayog nang maupo itong muli sa sofa na malapit sa bintana.

Nakahinga ako ng maluwang.

"Magkakilala ba tayo?"

Parang maluluwa ang mga mata ko sa panlalaki sa narinig kong sinabi nito.

"H-hindi."

"Then why do I feel like you know me?"

Napalunok ako.

Anong sasabihin ko?

"Ahm..pamilyar kalang sir. Para kasing may resemblance kayo ng kakilala ko."

"Really?"

Halatang nagdududa siya.

"Yes sir."

Natahimik naman ito kaya akala ko ay kumbinsido na siya, pero mali ako lalo na sa dinugtong niya.

"I don't think that's the reason."

Tinutuyuan ako ng laway at namamawis na ko kahit pa nakaandar ang aircon.

Di na ko mapakali sa kinatatayuan ko ngayon at mas lalo akong nataranta nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo at nakapamulsang unti-unting lumapit papunta sa pwesto ko.

Nanginginig kong inihakbang ng paisa-isa paatras ang mga paa ko habang pinapanood ko itong palapit sa akin. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbunggo ng likod ng paa ko dito sa sofa at diretso akong napaupo doon.

Idinikit ko na katawan ko sa sandalan ng sofa sa pag-iisip na makakaalis ako, pero syempre hindi.

Tumigil ito sa harapan ko, at dahil nakatayo siya doon ay tiningala ko siya. Binaba niya ang ulo niya dahilan para maiatras ko naman ang ulo ko.

Kahit nakasuot siya ng maskara alam kong tinititigan niya ko.

Muli akong napalunok.

"Estudyante ba kita?"

Pa.tay.

Related chapters

  • That One Night In Alhambra   Chapter 4

    Mia's POV"Estudyante ba kita?"Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.Pilit kong pinakalma ang sarili ko."Hindi." diretsong kong sagot.Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo."Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.Ang personal kong buhay ang kahinaan ki."Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako.""Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala nama

    Last Updated : 2022-10-12
  • That One Night In Alhambra   Chapter 5

    Mia's POV"Ingat ka." Paalam ko kay Ysa nang makasakay na ito ng jeep.Kumaway naman ito sakin kaya kumaway din ako pabalik.Nang tuluyan ng makaalis ang sinasakyan nito ay nagpara na din ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.Pagkasampa ko ay agad akong nag-abot ng bayad na kinuha naman ng nasa unahan ko. Naka teacher's uniform siya kaya yumuko ako ng bahagya sabay pasalamat ng mapatingin ito sakin. Ngumiti naman ito saka tumingin na muli sa harap habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya.Pag nakakakita ako ng mga lalaking naka uniporme base sa kanilang propesyon ay lagi akong napapaisip kung anong klaseng mga lalaki sila sa likod ng mga damit na iyan. Kinakatawan kaya nila ang propesyon nila ng may dignidad at reputasyon? O isa din sila sa mga lalaking matapos hubadin ang uniporme nila ay lumalabas ang nakatagong kahayukan sa kanilang anyo?Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa bintana ng jeep.Ang mamulat sa mundong nakamulatan ko ay isang na

    Last Updated : 2022-10-27
  • That One Night In Alhambra   Chapter 1

    Pangarap.Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.At ito ang buhay ko.Ako si Gianna Camia Lopez, M

    Last Updated : 2022-09-10
  • That One Night In Alhambra   Chapter 2

    Mia's POVNagmamadali akong lumabas ng apartment building at agad nagpara ng jeep sa daanan.Late nanaman ako. Sabi na eh, malelate at malelate talaga ako once na tanggapin ko alok ni mamang. Hirap talaga pag pera na sumilaw sayo, kakabulag.Pagkasampa ko nang jeep ay dito nalang din ako nag-ayos. Di pa ko nakakapag-suklay. Grabe kana life.Itinali ko na din buhok ko dahil nakakahiya sa nakaupo sa likuran ko, ang sama pa naman ng tingin niya sakin kanina.Pagkatapos kong itali buhok ko ay inabot ko na din ang bayad ko sa nakaupo sa unahan ko, na nilingon pa ako ng bahagya.Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school kaya agad akong pumara at nagmadali na kong bumaba.Patakbo akong pumasok sa gate habang tinataas ang ID ko para mabilis ng makita nung guard na di na iiscan pa.Dumiretso ako kaagad sa building ng first subject ko ngayong araw.Nang nasa tapat na ako nang room ay sumilip pa ako nang bahagya sa loob, nagsisimula na ang klase kaya marahan akong napapikit.Ang s

    Last Updated : 2022-09-10

Latest chapter

  • That One Night In Alhambra   Chapter 5

    Mia's POV"Ingat ka." Paalam ko kay Ysa nang makasakay na ito ng jeep.Kumaway naman ito sakin kaya kumaway din ako pabalik.Nang tuluyan ng makaalis ang sinasakyan nito ay nagpara na din ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.Pagkasampa ko ay agad akong nag-abot ng bayad na kinuha naman ng nasa unahan ko. Naka teacher's uniform siya kaya yumuko ako ng bahagya sabay pasalamat ng mapatingin ito sakin. Ngumiti naman ito saka tumingin na muli sa harap habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya.Pag nakakakita ako ng mga lalaking naka uniporme base sa kanilang propesyon ay lagi akong napapaisip kung anong klaseng mga lalaki sila sa likod ng mga damit na iyan. Kinakatawan kaya nila ang propesyon nila ng may dignidad at reputasyon? O isa din sila sa mga lalaking matapos hubadin ang uniporme nila ay lumalabas ang nakatagong kahayukan sa kanilang anyo?Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa bintana ng jeep.Ang mamulat sa mundong nakamulatan ko ay isang na

  • That One Night In Alhambra   Chapter 4

    Mia's POV"Estudyante ba kita?"Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.Pilit kong pinakalma ang sarili ko."Hindi." diretsong kong sagot.Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo."Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.Ang personal kong buhay ang kahinaan ki."Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako.""Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala nama

  • That One Night In Alhambra   Chapter 3

    Mia's POVHindi.Baka parehas lang ng pabango.Siguro naman madaming gumagamit ng pabangong yun kaya may posibilidad na hindi siya at kaparehas lang.Yan ang paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko simula pa kanina.Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya yun. At kung sakali man, na sana naman ay hindi talaga, na siya yun ay mukhang hindi niya naman ako nakikilala."Huy, okay kalang?"Agad akong napatingin kay Ysa na ngayon ay nakatitig na sa akin."H-ha?""Sabi ko okay kalang? Tulala ka."Napakurap ako ng mata at napakagat sa ibabang labi ko. "O-oo, okay lang ako." sabay iwas ko ng tingin.Nasa loob na kami ng room ng next subject namin after ng long vacant namin kanina.Wala pang teacher kaya nagsusulat muna kami ng notes para sa recitation. Mahilig kasi mag pa recite tong subject teacher namin na to."Sure ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabay subo niya ng popcorn."Wala. Okay lang talaga ako."Pinagkibitan nalang ako nito ng balikat at bumalik na sa pagsusulat.

  • That One Night In Alhambra   Chapter 2

    Mia's POVNagmamadali akong lumabas ng apartment building at agad nagpara ng jeep sa daanan.Late nanaman ako. Sabi na eh, malelate at malelate talaga ako once na tanggapin ko alok ni mamang. Hirap talaga pag pera na sumilaw sayo, kakabulag.Pagkasampa ko nang jeep ay dito nalang din ako nag-ayos. Di pa ko nakakapag-suklay. Grabe kana life.Itinali ko na din buhok ko dahil nakakahiya sa nakaupo sa likuran ko, ang sama pa naman ng tingin niya sakin kanina.Pagkatapos kong itali buhok ko ay inabot ko na din ang bayad ko sa nakaupo sa unahan ko, na nilingon pa ako ng bahagya.Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school kaya agad akong pumara at nagmadali na kong bumaba.Patakbo akong pumasok sa gate habang tinataas ang ID ko para mabilis ng makita nung guard na di na iiscan pa.Dumiretso ako kaagad sa building ng first subject ko ngayong araw.Nang nasa tapat na ako nang room ay sumilip pa ako nang bahagya sa loob, nagsisimula na ang klase kaya marahan akong napapikit.Ang s

  • That One Night In Alhambra   Chapter 1

    Pangarap.Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.At ito ang buhay ko.Ako si Gianna Camia Lopez, M

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status