Mia's POV
"Estudyante ba kita?"
Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.
Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Hindi." diretsong kong sagot.
Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo.
"Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.
Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.
Ang personal kong buhay ang kahinaan ki.
"Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako."
"Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."
Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?
"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala naman akong nilalabag dahil hindi naman ako minor."
Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Ngayon mas lalong patay ako nito pag nag connect the dots siya. Bobo ko talaga.
Di ito nakapagsalita. At mga ilang segundo pa ay tumayo na ito ng maayos at ngayon ay nakapamulsa nalang siyang nakatayo sa harapan ko.
"I don't think you understand. Reputation isn't always for minors. It's basic human character. We maintain it not always because it's greediness for people's recognition, but because it's how we present ourselves." tinalikuran na ako nito at bumalik na siya doon sa couch na inuupuan niya habang nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.
"Kung ganun bakit kayo nandito?"
Nakita ko ang pagbaling nito sakin.
"Kung ang pagiging narito ay binabahidan ang reputasyon, bakit kayo nagpupunta dito? Ganito niyo ba ipresenta sarili nyo?"
Hindi ko alam, pero naiinis ako sa pinapakita at sinasabi niya sa akin. Dahil pakiramdam ko ay pinaparamdam niya sakin kung gano ka bobo ang desisyun kong pumarito para sa pera.
"Hindi niyo din kasi naiintindihan."
Nakatingin pa din siya sa gawi ko na hindi nagsasalita.
"Depinisyon niyo yan dahil mayayaman kayo at kaya niyo yang alagaan. Pero sa mga mahihirap na tulad ko, tingin mo ba may oras pa kami para intindihan ang mga bagay na yan? Wala. Dahil hindi naman namin kailangan ng reputasyon para ipresenta sarili namin sa iba. Bakit? Mapapakain ba kami niyan kung yan ang uunahin namin? Wala ka sa posisyon para leksyunan ako ng bagay na kayong mga mayayaman ay walang alam. Kaya kung pumunta kalang dito para maliitin ang desisyun namin sa buhay, nasa maling lugar ka. Dahil hindi namin kailangan yan."
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at agad na lumabas mula sa kwartong yun.
Sinalampak ko ang pinto.
Dire-diretso lang ako hanggang papasok ng club. Nakasalubong ko pa non si Warren na tinawag ako pero hindi ko siya pinansin.
Pagkapasok ko sa dressing room ay dumiretso ako sa mga gamit ko at kaagad na kinuha ang sigarilyung dala ko.
Nagtungo ako sa exit ng club at lumabas ng di nagbibihis.
Marahan kong tinanggal ang maskara na suot ko at sa inis ko ay inihagis ko iyon. Agad akong naglabas ng isang sigarilyu at sinindihan.
Mga mayayamang walang alam. Napaghahalataang reputasyon lang ang importante sa kanila. Buti sana kung kaya kaming buhayin nyan edi hindi ko na gagawin pa to'.
Sa muli kong paghithit ay may bigla nalang naghablot ng sigarilyu ko.
Paglingon ko ay si Warren pala at ngayon ay siya na ang humihithit rito.
"Isang beses kalang dapat sa isang araw manigarilyu." sabi nito sabay buga ng usok.
Tinangka kong kunin sa kanya iyon pero nilayo niya agad sa pamamagitan ng pag taas ng kanyang kamay.
"Isa palang yan ngayong araw."
Iginilid niya ang ulo niya. "Eh diba dapat pag patapos lang ang gabi?"
Nalaglag nalang ang balikat ko at kinrus ko ang mga braso ko.
"May problema ka ba? Tinatawag kita kanina parang wala ka sa huwisyo."
Nanatiling sa harap lang ang tingin ko nang muli ko nanamang naalala ang nangyari.
"Meron lang kasing customer na nag pa high blood sakin."
Narinig ko pa ang pagbuga buga nito.
"Bakit?"
"Pangaralan ba naman ako tungkol sa reputasyon." inis kong sabi.
"Oh eh anong nangyari?"
"Edi syempre sinupalpal ko. Kako wag siyang nagpupunta dito kung mangangaral lang siya ng ganyan na wala naman siyang alam. Kesyu mayaman." sabay irap ko pa sa hangin.
"Hayaan mo na mga ganyan at pagsabingihan mo nalang. Dahil hindi ka naman nila maiintindihan maliban nalang kung sila ang nasa posisyon mo." litanya nito sabay itinapon ang sigarilyu at inapakan.
"Cool kalang. Pag masyado kang nagpadala sa init ng ulo, sayang din ang gabi. Nakadalawang show ka palang baka di na masundan pag pina-iral mo yan."
Kahit gusto ko namang hindi magpadala sa emosyon ay di ko din naman magawa. Lalo na kapag ang pinupunterya ay ang desisyun ko sa buhay.
"Tara na, wala kang tip kung sisimangot kalang diyan."
Napabuntong hininga nalang ako atsaka ay laglag balikat na pinulot ang maskara ko na itinapon ko kanina.
Ano pa nga ba? Edi larga pa din kahit may bigat ng loob. Ganito pag mahirap, wala ka ng oras isipin sarili mo at nararamdaman mo. Hanggang may daan, hahayuin.
Sabay na kaming pumasok ni Warren sa loob ng dressing room. Bumalik na siya sa pagseserve, habang ako naman ay nagretouch na muna.
At habang inaayos ko ang sarili ko ay bigla na lang pumasok si mamang na sinisigaw pangalan ko kaya napatayo ako agad.
"Oh." may inabot itong maliit na papel sakin na tinitigan ko naman.
"Ano to?" Tanong ko sabay kuha mula sa kanya.
"Iniwan nung customer mo." may panunukso naman sa mukha nito bago niya ako tinalikuran at umalis.
Nakatitig pa din naman ako dito sa papel habang umuupo. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang maikling sulat.
'I'm sorry if I offended you in any way. But don't mistook my concern as ignorance. I was just trying to help.'
Mga ilang beses kong paulit-ulit na binasa iyon bago ko nilukot at tinapon sa basurahan.
Trying to help? Hindi ko naman kailangan ng tulong. Buti sana kung imbes pangaralan ay pag-aralin mo ko mas okay yun. Pft.
Pagkatapos kong mag-retouch ay kumuha na ulit ako ng room number kay mamang.
Limang shows ang nagawa ka sa buong gabi. Maliban sa mga umulit. Okay na to, pagod na ko. Saka buti nga makauwi ako ng mas maaga para hindi ako malate bukas.
"Uwi kana?"
Mula sa pagliligpit ay nilingon ko ito. Si ate Glo.
"Opo." sagot ko ng nakangiti.
Nginitian din ako nito sabay naupo sa katabing vanity mirror ng sakin.
"Anong year ka na nga Mina?" bigla niyang tanong ng nakatingin lang sa salamin habang tinatanggal ang hikaw niya.
"3rd year college po."
Tumango-tango siya.
"Konting panahon nalang pala."
Napangiti ako at bumalik sa pagliligpit.
"Mag-aral ka ng mabuti. At siguraduhin mo na kapag nakapagtapos ka ay maghahanap ka ng magandang trabaho na konektado sa kurso mo."
Matapos niyang tuluyang matanggal ang mga accessory niya ay inikot niya ang upuan niya paharap sakin.
"Napakaganda mong bata. Sana hindi ka masilaw sa perang nakukuha mo mula dito."
Bumagal naman bigla ang pagkilos ko dahil sa sinabi nito. Nilingon ko pa siya.
"Maaaring mababait ang mga kasamahan mo dito, pero madilim pa din ang lugar na to para sa mga katulad nyong malayo pa ang mararating sa buhay. Nakikita kong mayron kang magandang kinabukasan sa labas ng lugar na to. Kaya gawin mong ticket paalis dito ang edukasyon mo. Lifetime din yun." nakangiti nitong sambit.
Tumayo siya at bago siya umalis ay tinap pa nito ang balikat ko.
Habang naglalakad ako papuntang kalsada ay naririnig ko pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Ate Glo.
Si Ate Glo ang isa sa pinaka-matagal ng escort dito sa club. Dese-sais lang siya ng magsimula siya dito at ngayon ay 30 years old na siya. Dahil sa mga karanasan niya sa murang edad ay siya ang may pinakamalaking simpatya sa mga mas nakababata sa kanya lalo na sa aming mga nag-aaral pa na pumasok dito. Kaya madalas niya din kaming pangaralan.
At sabi ko kanina ay kakaunti lang mga dancer dito at kadalasan sa mga escort ay mga matatanda na dahil si Ate Glo ang pumipili sa kanila. Siya na ang kinokonsulta ni mamang tuwing may gustong magtrabaho dito.
Marami daw kasing may mga nag-aapply ditong mga dese otso pababa, pero dese-nwebe pataas ang kinukuha niya. Dahil maliban sa mga minor ang mga ito, ay nakikita niya din ang sarili niya sa kanila at alam niya kung gano kahirap na sa murang edad ay mamulat ka sa ganitong buhay. Kaya hangga't may mga legal na edad na nag-aapply ay yun lang ang kinukuha niya.
Nasa gilid na ako ng kalsada at nag-aantay ng jeep nang mapadaan si Warren.
Itinigil niya ang motor niya sa harap ko at tinaas ang takip ng helmet niya.
"Angkas kana Mina, hatid na kita."
Ngumuso ako. "Wag na. Baka mamaya mapa chat nanaman sakin girlfriend mo at sabihan ako layu-layuan ka." sabay irap ko.
"Sira, wala yun." natatawa nitong sabi.
"Di na. Magjejeep nalang ako."
"Sus, sayang pamasahe. Gamitin mo nalang yan bukas pagpasok sa school. Dali na." sabi nito habang binubuksan ang compartment box ng motor niya.
Nilabas niya mula doon ang extra na helmet na dala dala niya lagi.
"Oh."
"Naku, baka amuyin niya pa to tas dutdutan nanaman ako."
Tumawa nanaman ito.
"Hindi. Mabait na yun, saka alam naman niyang wala akong interes sayo."
Naiatras ko ang ulo ko sa sinabi nito. "Wow ah." nagpipigil tawa kong sabi. Pero siya naman ay napahagalpak na.
Sinuot ko na ang helmet at agad na umangkas sa kanya. Tama naman kasi siya, sayang din pamasahi kahit sampung piso lang yan no.
Mabilis lang kaming nakarating ni Warren sa apartment ko dahil mabilis talaga siyang magpatakbo.
"Thank you ah." sabi ko dito habang binabalik ang helmet niya.
"Walang anuman. Mag-aral kang mabuti."
Natawa ako. Ang random non ah.
"Para ka namang erpats niyan." patawa tawa ko habang inaayos buhok ko.
"Sige una na ko."
"Sige, ingat. At salamat ulit."
Pagkaalis ni Warren ay umakyat na ako sa itaas.
Agad akong tumalon sa higaan ko pagkapasok ko sa unit ko. Grabe nakakapagod. Tapos di pako nakakain dahil hindi ako kanina nakakuha ng food box sa club, sunod sunod kasi show ko naubusan ako.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Di ko namalayang nakatulog na ko dahil pag gising ko ay ganun pa din ang damit ko tapos nakasukbit pa sakin ang shoulder bag ko.
Alas sais palang, 8:30 ang klase ko ngayon. Buti at medyo maaga aga akong nagising.
Naglinis na muna ako bago ako nagluto ng agahan. At saktong alas syete ay naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay kumain na din ako. Buti ng maaga keysa late.
Saktong alas 7:40 ay bumyahe na ako. Alam ko kasing nasa school na si Ysa. Laging maaga yun dahil nga sa pahirapan din ang sakayan sa kanila.
Di na ko nagpalipas ng oras sa apartment didiretso nalang ako.
Pagkadating sa school ay sa library agad ako nagtungo dahil doon yun tumatambay.
"Good morning." bati ko dito ng makita ko siya sa history corner.
Lumingon siya sakin.
"Wow maaga, isang himala."
Binigyan ko siya ng awra briguela look na ikinatawa niya.
"Kaya mo naman palang di mag OT, masyado mong pinupodpod sarili mo sa trabaho."
"Eh kailangan eh. Kung hindi naman kailangan di naman ako mago-OT." sagot ko habang pinapatong sa mesa ang bag ko.
"Nga pala diba may assignment tayo sa religious studies?" tanong ko.
"Ay oo nga pala." sabay sara nito sa librong binabasa niya. "Kung di ka pala dumating di ako nakasagot."
Natataranta na nitong hinanap ang notebook niya sa bag niya.
Sinagutan na namin ni Ysa ang assignment namin dahil essay lang naman siya, pero kasi ilang minutes nalang at klase na namin sa next subject. Tapos ang religious studies after ng class namin na to at wala pang vacant yan.
"Good morning sir." rinig kong bati ng mga estudyanteng nasa likuran namin. At gawa ng common reaction ay napalingon akong bahagya.
Pero nagdalawang tingin ako ng makitang si Sir Suarez pala iyong dumaan na binati nila.
Mabilis kong binalik ang ulo ko sa harapan, patalikod sa kanya.
Kahit naman sinupalpal ko siya kagabi ay ayoko pa din naman na malaman niya ang tunay kong pagkatao. Nasa isang school compound lang kami, estudyante ako dito at student assistant siya.
'Estudyante ba kita?'
Bigla namang nangunot ang noo ko sa realisasyong iyon.
Student assistant. Eh diba kahit nag-aaral siya ng education ay hindi pa naman siya nagtuturo? Bakit naman niya ko tatanungin ng ganun?
"Huy."
Napaigtat ako at agad nalingon kay Ysa.
"Kanina pa kita tinatawag, lutang ka."
"B-bakit?"
"Sabi ko tapos ka na ba?"
Tumingin ako sa sinasagutan ko at di pa pala ako tapos sa number 4.
"Di pa." sagot ko at bumalik na sa pagsusulat.
Pero sa kalagitnaan ay sinilip ko kung andiyan pa ba si Sir Suarez at wala na siya.
"Bilisan mo ilang minutes nalang class hour na. Ayan oh, kopyahin mo nalang." tsaka ay binigay niya sakin ang papel niya.
Kinopya ko nalang ito pero pinalitan ko lang ang placing ng sentences at ang ibang words.
Nang matapos kami ni Ysa ay pumasok na kami sa unang subject namin.
Habang nagkaklase ay di naman ako maka-focus dahil paulit-ulit kong naiisip yung tinanong niya sakin kung estudyante niya ba ako.
Nagtataka pa din ako na bakit niya itatanong yun gayo't di pa naman siya tapos sa pag-aaral at di pa siya nagtuturo?
Naigilid ko ang ulo ko.
Di kaya nagto-tutor siya? Eh kino-consider din naman kasi nilang estudyante ang mga tinuturuan nila.
Natapos ang isang buong klase na yun lang ang tumatakbo sa isip ko. Wala nga kong naalala sa mga lecture ni miss eh, pre-occupied utak ko ng isang bagay na di ko naman dapat inaalala. Pinapahamak ko lang sarili ko sa pang-iintriga ko eh.
Diretso na kami agad ni Ysa sa religious study class namin.
Sinagutan lang namin yung assignment sa pamamagitan ng pag lesson ni miss dito. Tapos ay dinismiss din kami agad.
Ngayon may 2 hours vacant kami bago ang next class kaya nandito nanaman kami sa food court kumakain. This time ay may dala ng ulam si Ysa dahil nagluto daw mama niya. Kaya bumili lang kami ng isang putahe na hati kami para makalibre kami ng sabaw. Hihihi.
"Sa'." tawag ko sa atensyon nito.
Sasa kasi nickname na binigay ko sa kanya maliban sa bes na tawagan namin. Tapos sakin naman yaya binigay niyang nickname. Diba parang naging katulog niya lang ako? char haha.
"Diba sabi mo nag-aaral palang si sir Suarez?"
Tumango lang ito bilang pagtugon dahil na nga rin sa sumusubo ito ng pagkain.
"Pwede ba silang magturo kahit studyante palang sila?"
Napatingin naman ito sa taas na akala mo naman ay huhulugan siya ng sagot ng maykapal.
"Di ko alam eh. Tsaka di lang ako sure. Mag assist siguro pwede pa, pero yung magturo ewan ko lang." kibit balikat niya.
"Eh yung magtutor?"
"Syempre. Kahit di nga teacher or education ang kurso nagto-tutor eh. Basta alam mo tinuturo mo."
Baka nga tutor siya tapos estudyante ang turing niya sa mga tinuturuan niya bilang magiging guro na din naman siya.
"Alam mo konti nalang talaga iisipin ko ng may gusto ka talaga kay sir Suarez eh."
Agad nangunot ang noo ko sabay nguso. "Wala no." at bumalik na ako sa pag kain.
"Eh ba't parang napapansin ko masyado ka atang interesado sa kanya lately?"
"Pag ba nagtanong ka tungkol sa isang tao interesado agad? Di ba pwedeng curious lang kasi ngayon ko lang siya nakita?"
Pinaningkitan niya ko ng mata. Yung tipong inuusisa pati kaluluwa ko.
"Wag mo ko niloloko. Ang daming bagong teacher dito na literal na bago pero hindi ka naman nagtanong. Unless may encounter kayo kaya ka naging curious sa kanya ng ganyan." sabay turo turo pa nito sakin.
Tinapi ko ang kamay niya at siya naman ngayon ang tinuro ko gamit ang tinidor na hawak ko. "Eh kung tusok ko kaya sayo to?" pandidilat ko dito.
Unti-unti namang lumayo ito mula sa pagkakadikit sa mesa pero yung mga naniningkit niyang mata nakalingkis pa din sa akin.
"I'm watching you." bulong nito.
Nirolyohan ko lang siya ng mata.
Pagkatapos naming kumain ni Ysa, nagdesisyun kaming magpunta ng library. Medyo mahaba pa naman oras namin.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may biglang tumawag sakin kaya sabay kaming napalingon ni Ysa.
Medyo nanlaki pa mata ko nang makita kung sino ba ito.
Si Sir Suarez.
Papalapit na ito ngayon sa direksyon namin. Hindi man halata sa pisikal kong anyo, pero sa loob-loob ko naghalo halo na ang kaba na malaman niya kung sino ako pag lumapit siya at ang inis dahil sa mga pinagsasabi niya sakin kagabi na bigla ko nanamang naalala.
"Miss Lopez right?"
"Yes po sir, good morning po." bumati din naman si Ysa sa kanya.
"Do you have time?"
Ba't parang ang seryoso at casual ng boses niya? Di kaya..
"Yes sir, vacant ko po." sabay silip kong bahagya kay Ysa na ngayon ay kinakagat ang labi niya, nagpipigil ng tawa.
"Good. Come with me."
Eh?
Nilingon kong muli si Ysa at lumalaki na butas ng ilong niya sa pagpipigil ng tawa.
Pinaningkitan ko siya ng mata.
Kung alam niya lang, mukhang mabibisto na ako tapos parang kinikilig pa siya.
"Miss Lopez." agad akong napatingin kay Sir Suarez at nakalingon ito sakin. "Come with me."
Natulala pa ako non at ilang beses napakurap ng mata bago sumunod sa kanya.
Kakabahan na ba ko? Tang1na, anong nangyayari?
Nauuna na si sir at nakasunod lang naman ako sa kanya hanggang sa umakyat kami sa building ng mga laboratory rooms. Wala masyadong tao dito sa pagkakaalam ko dahil ginagamit lang toh kapag may laboratory mga HM students. So anong ginagawa namin dito?
Ayoko mag overthink, pero parang ganun na din naman ginagawa ko ngayon.
Dire-diretso lang ito paakyat hanggang sa 2nd floor ng building kung saan tumigil siya sa isang room na binuksan niya gamit ang susing dala niya.
Napalunok ako.
Di niya naman siguro alam no?
Kalmado akong nagtatanong, bigyan nyo ko ng sagot.
Pumasok na doon si sir sabay sabing "Come in miss Lopez."
Biglang tumaas ang mga balahibo ko pati na din dibdib ko dahil sa pag inhale ko ng hangin. Medyo matagal ko pa iyon bago nabuga atsaka sumunod kay sir sa loob.
Maliwanag naman dahil mukhang pinaandar niya ang ilaw.
Inikot ko pa ang pangin ko at opisina ito.
"Buti nalang at nagkasalubong tayo miss Lopez, I have some important matters to talk with you."
Napatingin ako sa kanya at nakalingon na ito sakin, titig na titig pero di nagsasalita. At sa mga oras na toh, ay nakaramdam na ako ng kaba.
Mukhang alam na niya.
Po.tang.1na. katapusan ko na ba?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para sa isang manhid na tulad ko ay kakaiba at bago ito sa pakiramdam ko, ang kabahan. Siguro ay dahil wala ako sa club, at hindi naaayun ang tapang ko sa buhay sa kung asan ako ngayon. at siguro ay dahil kahinaan ko ang tunay kong pagkatao.
Ayokong may makaalam kung ano at sino ako.
Nakapamulsa itong naglakad palapit sakin. Di ako nagalaw sa kinatatayuan ko pero ramdam ko ang kaba ng dibdib ko habang nakatitig ako sa kanya.
At nang isang dipa nalang ang layo namin ay bigla niyang inilabas ang kamay niya mula sa bulsa niya na nagpaigtat sakin. Iyon pala ay dumaan lang sa gilid ko at pagtingin ko ay may kinuha ito sa mesa na nasa tabi ko.
"I have some papers I wanted to give miss Deborah but I cannot find her. I have a lot to clean in this room at the same time kaya di ko na ata kayang hanapin pa siya today dahil minamadali ko din tong ginagawa ko so I could go home early cause I still have tutoring. She needs it today pero di ako makaalis-alis dito. I have seen you run some errands for her, can you please give this to her?" at tinaas nito ang folder na hawak niyang kinuha niya sa mesa.
Nakahinga ako bigla ng maluwang. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng alambre.
"Can you do me a favor?"
Di ako agad nakasagot dahil kino-compose ko pa sarili ko. Pero ng magbuga ako ng isa pang maaliwalas na hininga ay tumango ako sabay sabing,
"Opo sir, ihahatid ko nalang sa office niya."
Ngumiti naman ito.
"Thank you miss Lopez."
Lumabas na ako mula sa office na yun habang nagpaiwan naman si sir doon dahil tatapusin niya daw muna ang paglilinis doon.
Nagliligpit siya ng mga documents at mga receipt for borrow ng mga gumagamit ng laboratory.
Nang makababa na ako ay napasandal pa ako dito sa gilid ng hagdan na tila ba ay nilabas na ng katawan ko lahat ng masasamang hangin na nasa loob ko kanina lang ng iniisip ko na baka mabubuking na ako.
Biglang nangatog ang mga tuhod ko. Nasapo ko ang mukha ko at napahilamos ako.
Ilang minuto din akong nanatili lang doon bago ko inayos ang sarili ko at humayo na papunta sa office ni miss Deborah.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay agad kong pinihit ang seradora at pumasok na. Pero nang hilahin ko na ang pinto para isara muli ay biglang nahagip ng pang amoy ko ang pabango ni sir suarez.
Natigilan ako naigilid ko ang ulo ko.
Diba naglilinis siya don sa office ngayon, ba't siya andito?
Mga ilang segundo din akong nakatayo lang doon at bubuksan ko na sana ng bahagya para sumilip nang bigla kong narinig ang boses ni miss Deborah.
"Miss Lopez? What are you doing here?" nilingon ko siya at nakatayo na pala ito sa likuran ko. Hanggang sa mapatingin siya sa pinto.
"At yung pinto, isara mo baka lumabas yung aircon."
Nang mapagtanto ko iyon ay humingi ako ng paumanhin at dali daling sinara ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahm...m-may pinabibigay lang po si sir Suarez." sabay abot ko sa kanya ng folder.
"Ahh, pakilagay nalang sa table ko please. Thank you."
Nilapag ko na yung folder sa table ni miss Deborah at agad lumabas. Nagpalinga ako sa paligid at suminghap sa hangin pero di ko na naamoy pa yung pabango.
Di ko iyon naamoy kay sir Suarez kanina, pero dito...
Sino kaya yun? Si sir Suarez ba o namamali lang pang amoy ko dahil sa pagka-praning?
Marahan akong napapikit at umiling.