Share

Chapter 2

Author: Blazing Pink
last update Huling Na-update: 2022-09-10 01:52:32

Mia's POV

Nagmamadali akong lumabas ng apartment building at agad nagpara ng jeep sa daanan.

Late nanaman ako. Sabi na eh, malelate at malelate talaga ako once na tanggapin ko alok ni mamang. Hirap talaga pag pera na sumilaw sayo, kakabulag.

Pagkasampa ko nang jeep ay dito nalang din ako nag-ayos. Di pa ko nakakapag-suklay. Grabe kana life.

Itinali ko na din buhok ko dahil nakakahiya sa nakaupo sa likuran ko, ang sama pa naman ng tingin niya sakin kanina.

Pagkatapos kong itali buhok ko ay inabot ko na din ang bayad ko sa nakaupo sa unahan ko, na nilingon pa ako ng bahagya.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school kaya agad akong pumara at nagmadali na kong bumaba.

Patakbo akong pumasok sa gate habang tinataas ang ID ko para mabilis ng makita nung guard na di na iiscan pa.

Dumiretso ako kaagad sa building ng first subject ko ngayong araw.

Nang nasa tapat na ako nang room ay sumilip pa ako nang bahagya sa loob, nagsisimula na ang klase kaya marahan akong napapikit.

Ang strikta pa naman nitong teacher na toh, baka pagalitan pa ko sa harap ng klase.

Nag-ipon ako ng sama nang loob--este lakas ng loob at pagkabuga ko nang hininga ay pinihit ko na ang seradora.

Nagsilingunan naman sila sakin. Makatunog ba naman kasi ang pinto parang nagsusumbong pa na late ako.

"You're late again Miss Lopez." kaagad na sita sakin ni Miss Deborah.

Pangalan palang ay di mo na babalaking inisin.

"Sorry miss." sabay yuko ko ng bahagya na medyo nahihiya pa.

Ilang beses na din kasi akong na late dito sa klase ni miss, at kahit papano may hiya pa naman ako bilang estudyante.

Umiling-iling lang naman ito saka bumalik na sa pagsususlat sa board.

"Take your seat." pag signal nito sakin.

Kaagad akong tumakbo papunta sa seat ko.

Buti naman at di ako pinagalitan.

Pagkaupo ko palang ay naramdaman ko na ang pagsiko sakin ni Ysa, matalik kong kaibigan.

"Nag-OT ka nanaman?" bulong nito sakin na nanatiling harap lang ang tingin.

"O-oo." sabay iwas ko sa kanya para ilabas notes ko.

"Naku girl, masyado mo namang pinapagod sarili mo. Wala ka na palang tulog niyan tas ilang oras ka pang babad sa harap nang computer, di kaya mapasmado yang mata mo?" sabay baling niya sakin.

Kaagad naman akong umiwas at kunwari naglilipat nang pahina nang notebook ko.

Pero ang totoo, ay ayoko tumitig sa mga mata niya kapag magsisinungaling ako.

"Oo nga eh." Sagot ko nang di natingin sa kanya.

Kaisa-isang kaibigan ko si Ysa dito sa school, pero hindi niya alam na pagsasayaw sa club ang trabaho ko. Ang alam niya ay call center agent ako at naka night shift.

"Ba't ba di ka nalang mag online selling?"

Tapos na ang klase namin kaya tumatambay kami ngayon dito sa likod ng building. Nakaupo kami ni Ysa sa mga sementadong benches dito habang kumakain ng ice cream.

"Mahirap mag online selling kapag walang foundation. Tsaka hindi mo din sigurado kung papatok ba, eh kung hindi back to zero ulit ako?" tugon ko sa sinabi nito.

"Kaya nga magsimula kana para may foundation ka. Itaguyod mo lang, lahat naman ng mga successful online sellers ngayon nagsimula naman sa hindi pagpatok eh. Basta masipag kalang. Saka advantage non, hawak mo oras mo. Di mo kailangang araw-araw na magpuyat, kung kailan kalang may free time."

"Yun na nga eh. Kung kailan lang may free time? Eh araw-araw ko kailangan ang pera. Hindi pwedeng sa free time lang."

At mas mabilis ang pera dito sa paraang alam ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Ikaw bahala, concern lang ako sayo, malapit na exams tas lagi ka pang pagod."

Nakagat ko ibabang labi ko.

Nakokonsensya na ako minsan, dahil alam kong mabuting kaibigan si Ysa sakin simula't sapul, pero hindi ko manlang masabi sabi sa kanya ang totoo. May hiya pa naman ako sa katawan ko dahil alam ko ding desente siyang tao at di ko alam kung lubos niya bang matatanggap kung anong tinahak ko.

"Nga pala, birthday ni kuya sa sabado. Siguro naman wala kang trabaho niyan, punta ka sa bahay ah, don ka na din matulog."

Actually may trabaho ako kada sabado, sinasabi ko lang na wala at day off ko. At tuwing inaaya niya ako ay nagpapaalam lang ako kay mamang na di ako papasok, pero pag wala naman kami gagawin pumapasok ako kada sabado.

"Osige ba."

Inubos namin ni Ysa ang isang oras naming vacant sa pagkekwentuhan. 

Mahilig syang magtanong sakin tungkol sa araw ko lalo na sa trabaho ko. Kaya kinikwentuhan ko nalang siya ng kung ano ang pumasok sa utak ko. May alam din naman kasi ako tungkol sa call center kahit papano dahil isa sa mga kasama ko ngayon sa club ay dating call center agent. Kaya tinatanong ko din siya paminsan-minsan para may maikwento ako kay Ysa.

Nang matapos na isang oras na vacant namin ay pumasok na kami sa susunod naming klase.

"Dinig ko wala si miss Shee. Nag maternity leave na ata, malapit na kabuwanan niya eh."

Nalingon kami sa mga blockmates naming nag-uusap sa likuran.

"Sino nagsabi?" Tanong ni Ysa sa kanila.

"Nagpunta kasi ako kanina sa department's office, nag pa align ako ng subjects tas nadinig ko lang na nabanggit ng isang professor."

Napanguso ako. "So walang pasok?" Follow up ko.

"Wala ata. Di lang ako sure, baka mamaya may mag sub dito. Sana wala."

Chineck ko naman ang oras at 10 minutes na ang nakakalipas na wala paring teacher. At patakaran na na kapag wala paring teacher after 15 minutes, ay ibig sabihin pwede na kaming lumabas.

"Limang minuto nalang, sana wala ng humabol."

Lumipas ang halos sampong minuto na wala pa din namang pumapasok kaya lumabas na kami ni Ysa. May palugit na nga yun dahil 20 minutes kaming naghintay para lang ma sure.

Naglalakad na kami sa hallway ni Ysa para magpunta sa food court dahil lunch time na din.

May tatlong oras kaming vacant bago ang next subject namin pero pag ganitong kahit mahaba ang vacant namin ay di na kami umuuwi. Sayang din pamasahe, dahil medyo malayo nga pareho tinitirhan namin.

Si Ysa umuuwi talaga siya sa kanila since taga dito lang naman siya sa lungsod. Pero dalawang sakayan din siya. Magjejeep siya galing dito, tas pag dating sa lugar nila ay sasakay naman siya ng traysekel.

"Ulam nalang bilhin natin ah, pinadalhan ka na ng kanin ni mama."

"Nays. Pasabi kay tita thank you."

"Wag na, mukhang nawawalang anak ka naman niya eh." natatawa nitong sabi kaya natawa nalang din ako.

Close ako sa pamilya ni Ysa, lalo na sa mama niya. Lagi kasi ako sa kanila kapag wala kaming pasok, o kapag wala akong pasok sa club. Don din ako minsan natutulog. Tsaka madalas kasi ako tumulong sa kanila sa negosyo nila pag aandoon ako.

Nagsu-supply kasi sila ng mga mani sa mga nagtitinda sa terminal ng bus. Bale ang mismong may ari talaga na kinukuhanan ng mga nagtitinda sa bus ang kleyente nila. At maliban don sila ni Ysa din nagsusupply ng mani sa mga tindahan sa kanila. Minsan luto, minsan hilaw. Minsan naman de sako, minsan half at minsan naman bundle ng mga tag lilimang piso o tag dadalawang pisong halaga kaya mano-mano din nilang sinusupot yun.

Nang makabili kami ng pagkain ni Ysa, ay bumalik na kami sa table namin para kumain na.

"Nga pala bes, yung tungkol don sa boarding house, lumipat na ba yung sinasabi ng kuya mong aalis don?"

Uminom muna siya ng tubig saka lumunok. "Oo nga pala, mukhang mag e-extend pa siya ng 2 weeks don sabi ni kuya. Yun kasing lilipatan niyang bahay na pinagawa nung asawa niya ay wala pang ilaw at nadelay yung paggawa kasi di pa nabilhan ng ikakabit."

Napanguso ako.

Balak ko kasing lumipat na at gusto ko ng lumipat na kaagad dahil habang tumatagal ako sa apartment ay parang mas dumadami bayarin. Ang mahal kasi ng renta don 2,500. Kahit na kumpleto yung mga gamit may kusina, may sala, may banyo, may kwarto at balcony pero syempre kailangan ko magtipid. Kahit bed space lang basta yung mura.

Nag-aaral na din kasi mga kapatid ko, at kailangan ko nang magpadala buwan-buwan para sa allowance nila at grocery nina lola.

Napabuntong hininga nalang ako habang sinusubo pagkain ko.

Laging mabigat loob ko sa tuwing maiisip kung gano pala kahirap maging panganay na namatayan na nga ng nanay, iniwanan pa ng tatay. Matanda na din si lola kaya syempre kailangan niya na ding magpahinga lang sa bahay.

Habang kumakain kami ni Ysa na may kasamang kwentuhan ay biglang dumaan si miss Deborah at tinawag ako.

"Do you have a vacant?"

"Opo miss."

"Then come by my office after you're done eating. May ipapagawa lang ako sayo."

"S-sige po miss."

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti atsaka umalis na para omorder ng makakain.

Sana sinabi ko nalang na wala akong vacant, kaso baka mamaya makita niya ko naggagala tapos mas lalo akong pag-initan.

Alam ko na kasi sa pag-approach niya palang sakin. Dahil madalas nga akong late sa klase niya, ay ito ang paraan niya para parusahan ako. Pinapapunta niya ako sa opisina niya at madalas may ipinag-uutos o ipapagawa. Hays.

"Naging paborito ka na ni miss Deborah ah." natatawang sabi ni Ysa.

Nginiwian ko lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na ako sa teacher's office. Si Ysa naman sa library nalang daw muna tatambay.

Nang nasa tapat na ako nang opisina nila ay binuksan ko muna nang bahagya lang ang pinto saka sumilip muna kung andiyan ba si miss Deborah, at nang makita ko siyang nakaupo sa table niya ay pumasok na ako.

"Good noon miss." bati ko sa dumaang teacher na lumabas.

Dumiretso na ako sa table ni miss.

"Miss."

Lumingon siya sakin. "Nandito kana pala miss Lopez, wait lang." tumayo ito at nagtungo na sa pinakadulong part ng table niya.

Alam na alam niya na agad ano ipapagawa sakin. Parang hindi na to' parusa sa pagkalate ko, pakiramdam ko may nabuo na talaga siyang sama ng loob sakin matagal na eh.

"Etong mga unused documents na to, dalhin mo to sa english department. Magpaturo ka nalang kay Sir Suarez. Ang nakaupo malapit sa pinto pagkapasok mo si sir Suarez yun, student assistant. Magtanong kalang sa kanya kung saang room mo to ilalagay."

Sabay patong niya ng naka pile na mga documents sa table sa harapan ko banda.

"S-sige po."

Nginitian lang ulit ako ng tipid ni miss Deborah at bumalik na sa ginagawa niya. Binuhat ko naman ang mga documents at humayo na.

Ang taas ng mga papel na toh, isipin mo yung dalawang kamay ko katapat nang tyan ko, tas ang pinakatuktok niya malapit na sa tapat ng bibig ko.

Inipon ba ni miss sama niya ng loob sakin gamit ang mga dokumentong to? Parang ang lala eh.

Dire-diretso lang ako papuntang english department dahil alam ko naman papunta don, kaso minsan lang ako naggagawi don kapag inuutusan lang.

Pagkadating ko ay may mga iilang studyanteng nakapila sa window nang office. Kaya nung nasa tapat na ko ng pinto ay pinagbuksan ako nung nakatayo sa gilid. Mukhang nakikita niya ang paghihirap ko huhu.

"Thank you."

Papasok na sana ako non nang matigilan ako sa bigla kong naamoy.

Agad-agad akong napalingon ng nanlalaki ang mata at nagpalinga linga sa paligid.

Tandang-tanda ko ang amoy na yun. At kabisang-kabisa ko.

Yun yung amoy nung lalaki kagabi sa club.

Biglang bumilis paghinga ko.

Yun ang pabango niya na unang nakapukaw sa atensyon ko.

"Miss, di ka ba papasok?"

Nabalik ako sa ulirat ko at napatingin sa nakahawak pa din hanggang ngayon sa pinto at hinihintay akong pumasok.

"S-sorry po." yumuko ako ng bahagya at dali-daling pumasok na.

Nakakahiya.

Pagpasok ko ay naitilt ko ang ulo ko habang patuloy na iniisip yung pabangong naamoy ko ngayon-ngayon lang.

Pwede namang may kaparehas lang na amoy diba? Oo nga naman Mia, aligaga ka diyan.

Nagbuntong hininga ako saka bumaling sa gilid kung saan daw ang table ni sir Suarez sabi ni miss Deborah. Pero wala naman siya dito.

Nagpalinga ako sa paligid at tanging ang table lang sa dulo ang may tao kaya doon nalang ako lumapit.

"Excuse me po---"

Natigilan ako sa nakita ko, habang ito naman ay biglang nataranta na tila ba ay hinahanap ang suot niya.

Ilang beses akong napakurap ng mata habang pinapanood siya ng bigla nalang itong napatingin sakin ng may pagtataka.

Doon ko napagtanto, na di manlang pala ako umiwas ng tingin kaya nanlaki mata ko.

"Ay! S-sorry po sir." sabay agad akong tumalikod at lumayo nang kaunti.

S***a, nakalimutan kong estudyante pala ako ngayong araw, at hindi dancer sa club na nakakasalamuha ng iba't ibang klaseng katawan.

"No it's okay. Pasensya na din nabasa kasi ang uniform ko kaya papalitan ko sana at kakahanap ko palang ng spare ko. Di ko naman alam na may pumasok." pagpapaliwanag naman nito.

Naabutan ko kasi siyang nakasando lang sa loob ng cubicle niya na di ko naman inaasahan. Kasi kanina nung nagpapalinga ako ay ulo niya lang nakita ko, di ko naman alam na nakasando lang siya.

"Now what did you came here for?"

Dahan-dahan akong lumingon at sumilip muna ako para isure na nakasuot na siya. At kunwari ay huminga ako ng maluwang na nakadamit na siya ng maayos, pero ang totoo wala talaga akong pakialam dahil hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng katawan ng lalaki. Pero since estudyante ako, guro ito at nasa eskwelahan kami ay ibang sitwasyon na ito.

"Ahm Sir...." tinilt ko ang ulo ko.

Di ko kasi siya kilala, mukhang baguhan eh.

"Suarez."

"Ay kayo po pala si sir Suarez? Good noon po sir. Inutusan po pala ako ni Miss Deborah na mag hatid ng mga documents dito. San daw po nilagagay to? Mga unused daw po ito."

"Ah~ dito nalang." tapos ay nagpunta ito sa harap ng pinto na nasa malapit lang na cubicle kung asan siya kanina.

Sumunod ako at binuksan niya iyon. Pinaandar niya na din ang ilaw sa loob.

"Lahat ng mga shelves ay may nakalagay na pangalan, bale organize mo nalang yan base sa nakalagay sa labas ng folder." paliwanag nito.

"Ah sige po sir."

Tumango lang siya sakin ng nakangiti habang ako naman ay pumasok na sa loob.

Isa-isa ko ng pinaglalagay ang mga documents sa respective places nila.

Pinakalast na nilagay ko ay mga exam papers na nasa pinakadulo ng room, at pinakababang drawer.

At habang inaayos ko ang mga ito sa lagayan ay narinig kong bumukas ang pinto. Pero hindi ko nakita ang pumasok gawa nang nandito ako sa pinakadulo, at natatakpan nang mataas na shelves ang pinto. Ang tanging nakikita ko lang dito ay ang pantalon nito, pababa sa sapatos.

Mukhang si Sir Suarez ata.

Napansin kong naglakad ito papunta sa other side of the room, which is di kalayuan mula sakin.

Sa pagbalik ko sa ginagawa ko ay napatigil ako agad nang bigla ko nanamang maamoy yung pabango.

Agad akong napalingon at nakita kong papalabas na ito kaya nagmadali na akong ipasok lahat ng documents sa drawer.

Pagkatapos ay tumayo ako at kaagad na lumabas.

Nahiya pa ako non dahil may mga iilang teachers na palang andito.

Isa-isa akong nag bow sa kanila.

"Good noon miss, good noon sir."

"Ms Lopez right?"

Tumingin ako sa kanan ko at agad na nag bow at binati si Miss Flores, teacher ko dati nung first year college ako.

"Yes po miss."

"What are you doing here miss Lopez?"

"Ahm..inutusan po ako ni miss Deborah na mag hatid ng mga unused documents dito po." nahihiya kong sagot dito.

Baka iniisip nilang nagnakaw ako.

"Ah ganun ba?" tango tango nito ng nakangiti.

Nagpaalam na ako non sa kanya at pagkalabas ko nang english department ay nagpalinga ako agad sa paligid hoping na maamoy kong muli yung pabango at malaman kung san yun nanggagaling.

Pero wala na masyadong tao dito, at di ko na din naaamoy pa.

Napabuntong hininga nalang ako, at nang mapagtanto ko ay kumunot noo ko.

Bakit ko nga ba hinahanap?

Delikado nga pala ako pag nagkita kami, baka may palatandaan din siya sakin at makilala pa ako. Malalagay sa panganib pag-aaral at reputasyon ko.

Kaya nevermind.

Nagtungo na lang akong library para puntahan na si Ysa. May natitira pa kaming halos isang oras para magpahangin doon.

"Pst." tawag ko sa atensyon niya sabay tapik sa balikat niya.

"Uy, tapos na bonding nyo ni miss Deborah?" panunukso nito sakin na iningiwi ko naman habang naghihila ng mauupuan.

"Alam mo pakiramdam ko talaga, matagal ng may galit si miss sakin eh. Iniipon niya lang ata tuwing late ako."

Natawa lang si Ysa habang nililipat ang pahina ng librong binabasa niya.

"Yaan mo na, ganyan talaga ata kapagka matandang dalaga. Wala ata mahanap na ka late night talk kaya ikaw pinagdidiskitahan." natatawang sabi nito.

Habang ako naman ay napanguso nalang.

Medyo mahaba pa oras namin dito kaya nagdesisyun akong kumuha nalang din muna ng libro para magbasa-basa.

Naghanap ako sa scince section ng library. Yung kapatid ko kasing pangalawa nakahiligang mag tanong ng mga bagay-bagay na related sa science. Kahit yung mga malalawak na tanong, natatanong niya pa di ko nga alam san nanggaling.

Habang pumipili ako ng librong gusto ay bigla nalang napadaan si Sir Suarez na agad ko ding binati.

Pagbalik ng atensyon ko sa shelves ay naamoy ko nanaman yung pabango kaya't agad kong sinundan ng tingin si Sir Suarez.

Pabango niya yun?

Di na ko nakakuha pa ng libro mula doon sa pinagpipilian ko dahil pasikreto akong sumunod kay sir, at nang lumiko ito sa english section ng library ay pasimple din akong lumiko.

Naabutan ko siya doong pumipili ng libro kaya't namili na din ako kunwari dito sa katapat ng kanya.

Lumapit pa ako hanggang sa nasa likuran na niya ako at doon ay nakompirma kong sa kanya nga nanggagaling yung amoy.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko habang nakahawak sa kunwaring pinipili kong libro.

Kinuha ko nalang iyon at agad ng umalis doon.

Tangina! Tangina lang talaga.

Bakit?

Sa lahat naman ng lugar, bakit taga Don Agusto State College pa siya?

Kaugnay na kabanata

  • That One Night In Alhambra   Chapter 3

    Mia's POVHindi.Baka parehas lang ng pabango.Siguro naman madaming gumagamit ng pabangong yun kaya may posibilidad na hindi siya at kaparehas lang.Yan ang paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko simula pa kanina.Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya yun. At kung sakali man, na sana naman ay hindi talaga, na siya yun ay mukhang hindi niya naman ako nakikilala."Huy, okay kalang?"Agad akong napatingin kay Ysa na ngayon ay nakatitig na sa akin."H-ha?""Sabi ko okay kalang? Tulala ka."Napakurap ako ng mata at napakagat sa ibabang labi ko. "O-oo, okay lang ako." sabay iwas ko ng tingin.Nasa loob na kami ng room ng next subject namin after ng long vacant namin kanina.Wala pang teacher kaya nagsusulat muna kami ng notes para sa recitation. Mahilig kasi mag pa recite tong subject teacher namin na to."Sure ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabay subo niya ng popcorn."Wala. Okay lang talaga ako."Pinagkibitan nalang ako nito ng balikat at bumalik na sa pagsusulat.

    Huling Na-update : 2022-09-10
  • That One Night In Alhambra   Chapter 4

    Mia's POV"Estudyante ba kita?"Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.Pilit kong pinakalma ang sarili ko."Hindi." diretsong kong sagot.Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo."Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.Ang personal kong buhay ang kahinaan ki."Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako.""Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala nama

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • That One Night In Alhambra   Chapter 5

    Mia's POV"Ingat ka." Paalam ko kay Ysa nang makasakay na ito ng jeep.Kumaway naman ito sakin kaya kumaway din ako pabalik.Nang tuluyan ng makaalis ang sinasakyan nito ay nagpara na din ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.Pagkasampa ko ay agad akong nag-abot ng bayad na kinuha naman ng nasa unahan ko. Naka teacher's uniform siya kaya yumuko ako ng bahagya sabay pasalamat ng mapatingin ito sakin. Ngumiti naman ito saka tumingin na muli sa harap habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya.Pag nakakakita ako ng mga lalaking naka uniporme base sa kanilang propesyon ay lagi akong napapaisip kung anong klaseng mga lalaki sila sa likod ng mga damit na iyan. Kinakatawan kaya nila ang propesyon nila ng may dignidad at reputasyon? O isa din sila sa mga lalaking matapos hubadin ang uniporme nila ay lumalabas ang nakatagong kahayukan sa kanilang anyo?Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa bintana ng jeep.Ang mamulat sa mundong nakamulatan ko ay isang na

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • That One Night In Alhambra   Chapter 1

    Pangarap.Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.At ito ang buhay ko.Ako si Gianna Camia Lopez, M

    Huling Na-update : 2022-09-10

Pinakabagong kabanata

  • That One Night In Alhambra   Chapter 5

    Mia's POV"Ingat ka." Paalam ko kay Ysa nang makasakay na ito ng jeep.Kumaway naman ito sakin kaya kumaway din ako pabalik.Nang tuluyan ng makaalis ang sinasakyan nito ay nagpara na din ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.Pagkasampa ko ay agad akong nag-abot ng bayad na kinuha naman ng nasa unahan ko. Naka teacher's uniform siya kaya yumuko ako ng bahagya sabay pasalamat ng mapatingin ito sakin. Ngumiti naman ito saka tumingin na muli sa harap habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya.Pag nakakakita ako ng mga lalaking naka uniporme base sa kanilang propesyon ay lagi akong napapaisip kung anong klaseng mga lalaki sila sa likod ng mga damit na iyan. Kinakatawan kaya nila ang propesyon nila ng may dignidad at reputasyon? O isa din sila sa mga lalaking matapos hubadin ang uniporme nila ay lumalabas ang nakatagong kahayukan sa kanilang anyo?Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa bintana ng jeep.Ang mamulat sa mundong nakamulatan ko ay isang na

  • That One Night In Alhambra   Chapter 4

    Mia's POV"Estudyante ba kita?"Pakiramdam ko ay tumataas bp ko sa sobrang nerbyos ngayon.Tagaktak pa pawis at nanginginig mga kamay ko dahilan para ikuyom ko nalang mga iyon para lang hindi ako mahalata.Pilit kong pinakalma ang sarili ko."Hindi." diretsong kong sagot.Nakatitig padin naman siya sakin, na para bang kinokompirma niya mismo sa sarili niyang nagsasabi ako ng totoo."Hindi naman pala pero bakit parang kinakabahan ka?" sabay gilid niya ng ulo niya sa kanan.Sa lahat naman kasi ng ayaw ko ay ang pinipilit alamin ang totoong ako sa likod ng maskarang ito.Ang personal kong buhay ang kahinaan ki."Bakit kasi ini-interogate nyo ko ng ganyan? S-syempre kakabahan talaga ako.""Even if it seems like an interogation, hindi ka kakabahan ng ganyan kung wala kang tinatago."Akala ko teacher siya? Ba't parang imbestigador naman siya? Secret identity ba to?"Hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa personal kong buhay. At kung estudyante man ako, labas na po kayo don. Wala nama

  • That One Night In Alhambra   Chapter 3

    Mia's POVHindi.Baka parehas lang ng pabango.Siguro naman madaming gumagamit ng pabangong yun kaya may posibilidad na hindi siya at kaparehas lang.Yan ang paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko simula pa kanina.Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya yun. At kung sakali man, na sana naman ay hindi talaga, na siya yun ay mukhang hindi niya naman ako nakikilala."Huy, okay kalang?"Agad akong napatingin kay Ysa na ngayon ay nakatitig na sa akin."H-ha?""Sabi ko okay kalang? Tulala ka."Napakurap ako ng mata at napakagat sa ibabang labi ko. "O-oo, okay lang ako." sabay iwas ko ng tingin.Nasa loob na kami ng room ng next subject namin after ng long vacant namin kanina.Wala pang teacher kaya nagsusulat muna kami ng notes para sa recitation. Mahilig kasi mag pa recite tong subject teacher namin na to."Sure ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabay subo niya ng popcorn."Wala. Okay lang talaga ako."Pinagkibitan nalang ako nito ng balikat at bumalik na sa pagsusulat.

  • That One Night In Alhambra   Chapter 2

    Mia's POVNagmamadali akong lumabas ng apartment building at agad nagpara ng jeep sa daanan.Late nanaman ako. Sabi na eh, malelate at malelate talaga ako once na tanggapin ko alok ni mamang. Hirap talaga pag pera na sumilaw sayo, kakabulag.Pagkasampa ko nang jeep ay dito nalang din ako nag-ayos. Di pa ko nakakapag-suklay. Grabe kana life.Itinali ko na din buhok ko dahil nakakahiya sa nakaupo sa likuran ko, ang sama pa naman ng tingin niya sakin kanina.Pagkatapos kong itali buhok ko ay inabot ko na din ang bayad ko sa nakaupo sa unahan ko, na nilingon pa ako ng bahagya.Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school kaya agad akong pumara at nagmadali na kong bumaba.Patakbo akong pumasok sa gate habang tinataas ang ID ko para mabilis ng makita nung guard na di na iiscan pa.Dumiretso ako kaagad sa building ng first subject ko ngayong araw.Nang nasa tapat na ako nang room ay sumilip pa ako nang bahagya sa loob, nagsisimula na ang klase kaya marahan akong napapikit.Ang s

  • That One Night In Alhambra   Chapter 1

    Pangarap.Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.At ito ang buhay ko.Ako si Gianna Camia Lopez, M

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status