"Oh my gosh, you're here!" Maxine exaggerately said. Patakbo siyang pumunta sakin kahit naka 7-inches heels.
I laughed. From the outside, sobrang mukha siyang sophisticated pero pag kasama namin siya parang nagiging bata.
"Of course. Last na 'to remember?" I smiled. Pero agad ding nawala kasi nalukot 'yong ngiti nya.
"What?" I asked.
"Y'all reminds me all the time that this is the last, hindi ba pwedeng enjoy nalang? Nalulungkot ako pagnaaalala na ga-graduate na tayo, " she pouted.
"Right. I-enjoy nalang natin" i consoled her with a hug.
Bimitaw din agad siya sa yakap. "Oh right! Let's party people!" She cheered at saka ako hinila sa dancefloor.
Natatawa nalang akong nagpahila sa kanya. Sumiksik kami sa gitna ng dance floor ngunit hindi ko pinapalampas bawat mukha na makikita ko. I need to find Harry. Sobrang daming tao kaya mahirap hanapin lalo na't madilim, tanging mga malilikot na lights lang ang tanging pag-asa ko.
"Sorry, " hingi ko ng tawad sa pang-ilan ko nang nabubunggo sa dancefloor kakahanap kay Max. Nabitawan niya kasi 'yong kamay ko nang nagpumilit siyang sumiksik sa dancefloor.
The vocalist of the band made the crowd hype up and it's now difficult to see the surrounding. They move and move to the center and jump.
Naiipit na ako!
Maybe God heard my prayer nang may biglang humila sa'kin paalis sa gitna.
I looked at the person who save me and felt relieved.
"Bitch, is your dream to be a fucking flying saucer?" The famous cursing machine Ody greeted me.
"Yeah, pleasant to see you too, " I sarcastically said.
"Where's Maxine and Freya?"
She didn't answer me but pointed at the side of the hall. There were Maxine and Freya talking to Jasper and Wesley.
We went to the table at the back of the hall. It is a high round table pero walang upuan kaya nakatayo silang apat doon. I don't exactly know what it's called but I've seen one in movies.
Ginala ko ang mga mata ko pero still, no Harry showing up.
Narinig kong nagchichikahan sila Ody patungkol sa planong mag night out sa sembreak pero hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon.
I got my phone in my pouch and texted Harry.Me: Hey, how's the party?
I really should be careful baka nakita niya na ako kaya hindi siya nagpaparamdam.
Hindi pwede, masisira yung surprise ko pagnagkataon. Kailangan, maniwala talaga siya na hindi ako makakapunta ngayon.
So I calmed myself and patiently scanned the whole hall to make sure my eyes didn't miss any single trace of him.
Umingay lalo ang hall nang napalitan ng Dj yung banda. Mas lalo akong kinabahan. Pupunta kaya sya?
Nag-aya sila Max sakin na mag sasayaw sa dance floor but I declined. Still busy waiting for his text and finding him inside the hall.
"What's wrong?" Freya and the two already came back hindi na nila kasama sila Jasper at Wesley. Malamang nakahanap na ang mga gunggong na 'yon ng prospect. Halos hindi ko na napansin kung ga' no sila katagal bago bumalik.
I looked at them. Finding words to answer. Bumuka ang bibig ko para sumagot pero walang salitang lumabas.
The three gave me a confuse look. Nanuyot ang lalamunan ko. Mas lalo lang silang nag hihinala!
"Are you keeping secrets Joy?" Ody eyed me dangerously.
I bit my lip. God, pa'no ko sasabihin? Mag sisinungaling ba ako? Shit.
They don't know about me and Harry. They do not know that I have this mutual feelings with Harry and it's fucking a year already! Ga'nong katagal ko nang sinisekreto.
Ilang beses ko nang prina-practice sabihin pero ang hirap lalo na at iba ang tingin nila kay Harry. I've been listening for their rants with Harry, maraming pagkakataon na actually, na kesyo jerk daw at babaero ngunit hanggang doon lang ang alam ko at ayokong bumase nalang sa mga narinig ko.
For me, the opinion of others to a particular person didn't matters as long as mabait ka sa'kin at wala kang ginagawang masama, we're okay. Pero ibang usapan na kung napatunayan ko ngang tama ang sinasabi ng iba.
And yes, maybe Harry has this air of a bad boy but I'm still hoping that I would be the one to make him change. Na ako ang katapat niya para gustuhing magbago.
After all, he wouldn't be with me for a year if he's not serious right?
One year, yeah, but why didn't he asked you already to be his girl?
A bitter thought suddenly pop in my mind.
No. Hindi ako papayag na lamunin ako ng insecurities ko. Maybe he's taking his time. He don't want me to be rushed. At least I have him. 'Yon ang pang hahawakan ko.
"Nothing. Just on my period. " I shrugged.
They buy my reason but except for Ody who still eyeing me like I did something wrong.
Nag iwas na lang ako ng tingin. I sipped in my red cup and pretend that I'm busy entertaining my eyes by watching people dance.
My phone vibrated. Hindi nakatakas ang pag kunot ng noo ni Ody nang mag-ilaw ang phone ko sa mesa. I immediately grab my phone. It's Harry!
I sense that Ody remain staring at me kaya hindi ko muna binasa yung content ng message.
"Seriously?" Hindi makapaniwalang saad niya pagkatapos kong ibaba yung phone, not reading nor replying.
I looked up her. "Globe" I informed. "Suggesting promo, " I added. Making sure na bored ang tono.
Nawala na yung pagdududa sa mukha niya. She shooked her head. "Weirdo, " she said and left me to get some drinks.
I felt relieved. Buti nalang 'Globe' ang naka register na pangalan ni Harry. God. Muntik na ako duon!
I opened the message. Siniguro ko muna na hindi nakatingin ang dalawa dahil busy sila sa pag bungisngis sa kung anong dahilan.
Harry: Good. But it's better if you're here :(
Napanguso ako, tinatago ang ngiti at kilig.
I was about to reply when Max and Freya screamed.
"Oh my God! LANY!" they cheered when the familiar song of Lany played by the DJ.
The two immediately grabbed me and went to the dancefloor. Napilitan akong itago ang phone. Both of them raised their hands at nakisabay sa pag fa-fan girl ng mga tao doon. I don't know what to do and left no choice but to sing with them.
I was enjoying singing when someone touched my butt. Hindi ko pinansin, maybe it was an accident but when I felt na parang sinasadya na, I turned around to see the pervert jerk. I was fumming mad and ready to slap him but my eyes caught someone behind the wild seniors dancing infront of me.
Hindi ako pwedeng mag kamali. Siya yon!
The pervert jerk keep on apologising to me na alam ko namang hindi sincere but that is not my concern anymore.
I mindlessly went back to our table. I hopefully scan the hall baka makita ko ulit si Harry. Wala na akong pakealam kung magalit sa'kin sila Max dahil bigla bigla nalang akong umaalis. All I want is to see him.
My heart is pounding exaggerately, hindi ko alam kung sa kaba o excitement. Maybe the latter because I need to surprise him and I want to be with him this night before I introduced him to my friends.
Pero natapos na 'yong kanta at lahat hindi ko siya nakita. Max and Freya went back to our table and I heard the emcee announcing a surprise for tonight but my mind is somemwhere. All I think is Harry. Siya kaya 'yon? Or I was just this desperate to see him tonight to the point na namamalik mata na ako?
I continously scanned the hall. I was literally hearing my fast heart beat kahit ang mga tili nila Max hindi na over-an non.
"Ladies and Gentlemen this is the night you've been waiting for..." Pang bibitin ng master of ceremony sa crowd at mas lalo lang lumakas ang hiyawan.
"We have finally picked who'll be this year's Found Night King and Queen!"
The crowd got wilder.
Niyugyog ako ni Max at Freya but my emotion stays impassive. "Shit. This is it guys. Nararamdaman ko na yung crown!" Max excitedly said.
"Drum roll please... " the emcee requested.
"The Found Night King goes to..." The crowd cheered but I don't give a damn. All I think is Harry.
At kasabay ng pagtawag ng pangalan ng Found Night King ang pag dako ng paningin ko sa lalaking may binubulong sa isang babaeng nakatalikod sa'kin na nasa pinakadulo ng hall.
Harry.
Naghiyawan lahat ng tao. Tiniis ko ang sakit at pangangalay ng paa para lang makapunta sa pwesto ni Harry. Kumakalabog ang dibdib ko bawat yapak. Nanunuyot ang lalamunan ko at hindi ko na maintindihan yung sinasabi ng emcee.
"Joy! Where are you going?" Someone called me.
Akala ko wala ng mas lalala pa sa kabog ng dibdib ko but not until I saw them leaving bago pa ako makalapit.
Napatigil ako. I don't see the girl's face pero kitang kita ko kung paano humawak sa bewang ng babae si Harry. Para akong pinag sakluban ng langit at lupa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makahinga. Nanlalamig ang kalamnan ko kasama na pati puso.
They both laugh before they disappear in my sight.
"Joy..."
The voice got nearer. May isinigaw yung emcee kaya humiyaw lahat ng tao. But all I could hear is the shattering of my broken heart.
"Joy! "
I was held by someone.
I was greeted by Max's smiling face, "You're the Found Night Queen!" she squealed but immediately died when she saw my face.
"H-hey, why are you crying?" Worry is written in her face.
I wanted to shout my anger and pain but I'm stupid enough to force a smile like my heart doesn't got shattered.
"Tears of Joy, " I said and cried harder.
Chapter 1 "... and please remember your requirements, " our teacher said. "Okay class dismiss," she added before arranging her books on the table. Hindi ko namalayan na tapos na pala yung klase namin. My mind was wandering about what happened last night. Hindi ko alam kung panaginip pa ba ang lahat nang 'yon o totoo talangang nangyari. Yung feeling na hindi mo ma-identify kung namalik mata kalang, nag hahallucinate or what. Mahirap paniwalaan pero ramdam na ramdam ko pa rin' yong sakit. The betrayal, disappointment and confusion----all of it. Harry and I wasn't in a relationship, I know. Wala kaming label. Una pa lang alam ko nang magiging komplikado dahil walang commitment pero meron kaming ini-invest na feelings. Alam ko namang sa henerasyon ngayon, hindi big deal ang ganyang set up. Lalo na sa mga taong takot sa commitment kaya okay na yung simpleng affection a.k.a
Chapter 2I looked at my friends who's innocently eating their snacks and gigling to what Wesley's talking about.What?I don't want to assume but what if he's looking for me? What am l gonna do? Nandito ang mga kaibigan ko at pag nagkataon malalaman nila ang ugnayan namin ni Harry.Nag patuloy lang si Harry sa pag hahanap hanggang sa bahagya na siyang malapit sa upuan namin. Bimilis ang tibok ng puso ko ng magawi sa direksyon ko ang paningin niya. I thought he saw me but suddenly a girl went to him. Duon ko napagtantong hindi niya ako nakita. Humawak ang babae sa kaliwa niyang pisngi at may sinabi. Hindi ko kita ang mukha dahil nakatalikod ito sa'kin."Ow, sila na pala ulit, " suddenly Freya spoke.Lahat kami napatingin sa kanya. Only to find out na tinitignan niya rin pala si Harry at 'yong babaeng nasa harap nito."Diba matagal nang bre
Chapter 3"You lied to me..."Halata ang hindi kasiguraduhan sa kanyang tono. Parang mas naging tanong iyon dahil naghihintay siya ng pag protesta ko para makumpirma kung totoo. And I know he's hoping that it isn't true.Pero hindi ako sumagot.Nakagat ko ang labi ko habang nilalaro ang pagkain sa aking plato. Maraming tao dito sa napili naming restaurant pero siniguro naming malayo ito sa mga estudyante ng Monte Carlos kaya imposibleng may makakilala pa samin dito.Padarag nyang nilapag ang kanyang baso sa lamesa. Tinitigan niya ako na parang nag mamakaawang sabihin ko mismo ang totoo."Joy, akala ko ba magkikita kayo ng Mommy mo?", frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok."Akala ko ba hindi ka makakapunta kasi may pinangako kang dinner sa kanya?"I'm not. Nasa Manila si Mommy.Naramdaman kong hindi
Chapter 4 If there's one thing I learned in life, it is the need to train your mind to be stronger than your emotions or else you'll lose yourself everytime. Umihip ang malamig na hangin habang patuloy lang ako sa paglalakad matapos kong iwanan si Harry sa loob ng restaurant. My heart felt numb. Hindi ko ma-explain kung ga'no kabigat sa pakiramdam. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili, bumabalik parin ako sa fact na, wala na. Natapos na. Nawala na yung isang taong pinagsamahan namin sa ilang minutong pag-uusap lang sa loob ng restaurant. Apart of me wants to stay, to beg his attention. Gano'n na siguro ako kadesperada na okay lang na gaguhin. Okay lang na masaktan basta't sa akin at sa akin pa rin siya. Ang tanga tanga ko. Naiinis ako sa kaniya pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili. Ano bang kulang ko? All my life I was proud of who I am. Kailan man hi
Chapter 5 "Get in, " he snobbishly said. Gusto ko sanang magprotesta dahil nakakahiya kung magpapahatid pa ako pero ramdam kong susungitan niya lang ako kaya sinunod ko na lamang. Pangbawi sa kahihiyang natamo niya sa gilid ng hallway. Hindi niya ako pinagbuksan. Obviously, hindi talaga siya gentleman. Inexpect ko naman na dahil wala sa itsura niya ang pagiging caring at polite. I held the door handle and waited him to went to the other side pero hindi nangyare. Instead binuksan niya yung sliding door ng van. Nabitin ang tanong ko nang pumasok siya sa loob kaya't nagpasyang buksan na lamang ang pasenger seat. Nagulat ako nang tumambad sakin ang nakangiting driver niya. Itinago ko ang gulat at nginitian ito pabalik at saka sumakay. Tumingin ako sa rear view mirror at nakitang tamad na hinagis ni Nexus yung paper bag na hawak nya. Ngayon ko lang nareal
Chapter 6 Tumingin lahat sa banda namin.Nang nakarating sa pwesto nila, walang pakundangang tinulak ako nung mistisang babae sa isang bakanteng upuan. Kaba at takot ang naramdaman ko ng tumagal ang mga tingin nila sa'kin. Hindi ko ma-imagine kung anong klaseng ngiti ang naigagawad dahil sa nerbyos. Hindi ako makapagsalita at parang nalunon ang sariling dila dahil sa atenstong nakukuha. Mas nakadagdag ng kaba ko nang lumapit sa kinauupuan ko yung isang lalaking may malokong ngiti at mukhang pilyo. Halata sa itsurang ilang babae na ang napaiyak. Hindi ko alam kung napansin niya ang pag-usog ko saking kinauupuan dahil sa biglaan niyang paglapit. "Hey beautiful, wanna go on a date with me?" tanong nito sabay tukod ng isang kamay sa gilid ng upuan ko. Nanlalaki ang mata sa narinig, hindi agad ako nakapagsalita nang bigwasan ng batok ng mistisang babae
Chapter 7 Kinabukasan determinado na akong sabihin sa kanila kung anong meron sa'min ni Harry. Ilang beses ko na 'tong pinag-isipan ng mabuti kagabi at siniguradong handa akong haharap sa kanila para sabihin. I know I shouldn't force myself, but thinking how long it takes to finally tell them the truth? Tingin ko hindi ko na kakayaning itago pa ng ilang buwan o taon! Now is the right time. Actually kahit kailan pwedeng maging 'right time'. Dipende na lang sa tao. Dipende sa'kin kung kailan. Pero dahil duwag ako para sabihin sa kanila umabot pa sa ganitong sitwasyon. Ayoko nang patagalin pa lalo itong issue na'to. Kaya kung maaaring malaman nila, ipapaalam ko na dahil patuloy lang akong gagambalahin ng konsensya ko kung patuloy din itong itatago. Mali ang desisyon ko na i-tago sa kanila itong issue na'to, in the fir
Chapter 8 Wednesday came. Hindi ko na halos na mamalayan ang araw dahil tutok sa mga sangkaterbang reviewer na nadadatnan ko sa apartment at sa mga sinabay na projects. Sabi ko noon, magandang nagiging busy ako sa pag aaral dahil sa gano'n, wala akong time para isipin lahat ng sakit ng pinagdaanan ko. I have no time to wallow in all of the words that Harry have thrown to me. Hindi nakakapasok sa isip kong umiyak at pagsisihan lahat ng desisyon ko dahil kailangan kong mag-aral pero ngayon parang sobra na. Napatingin ako sa nagkalat na highlighter, scratch at mga post-it sa study table ko. I inhaled deeply. Mag-aala una na ng umaga pero hindi pa ako tapos sa Concept paper ko sa Economics. I promise myself na gagawin ko agad lahat ng requirements right away pagkatapos ibigay pero hindi rin. Kahit nagawa ko na ang iba, mahirap pa rin pala kung mismong teacher na ang nag p
Chapter 51Nag angat ako ng tingin kay Nexus na parang unbothered sa mga reaksyong nakukuha mula sa kanila.Then he looked at me and raised his brows, as if pointing his evidences in front of me. "O ano? Tapos na ba?" si Ody iyon.Nakuha nya ang atensyon ko. Tumalikod ako para makita sila."Comeback is real na ba?" Max keeps on probing.Sinamaan ko sila ng tingin. Tinawanan lang nila ako.They don't take me seriously! Kung alam lang nila ang totoo....Nagawa pang lumapit ni Wesley at Jasper para makipag apir kay Nexus.I rolled my eyes.Ngayon naman, palapit na sila Ody at Max at sigurado ako tatadtarin nila ako ng tanong kaya imbes na salubungin sila, umikot ako at binuksan ang passenger seat ng kotse ni Nexus.Padabog ko iyong sinara. Gulat na gulat silang lahat sa ginawa ko. I didn't say a word, pagka pasok ay tahimik lang ako at tumingin nalang sa kanang bahagi ng parking. Nasa kaliwang bahagi sila ng kotse at panay ang silip sakin kaya umiiwas ako.Sigurado akong pag sumabay ako
Chapter 50Nakita ko nag pag lunok nya bago binasa ang labi. Akala ko may sasabihin sya pero hinayaan nya lang akong mag salita. His eyes were now focus on me."Telling them you're lying was not my option. You should be the one answering those queries, not me." I said. "Labas ako do'n."I looked at him and saw him busy staring seriously at me. Hindi ko mabasa ang iniisip nya kaya nag iwas ako ng tingin.After contemplating what I should do, napag pasyahan ko na ring sabihin sa kanilang lahatang totoong nangyare at kung ano ang namagitan samin noon ni Harry and maybe this day is the starting point. Sa oras na umamin si Nexus sa gawa-gawa nyang 'relasyon namin'sasabihin ko na rin kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito. Para matapos na at maka move on na kaming lahat. Tumingin ako sa labas ng milktea hub. Ngayon mas determinado na sa planong nabuo sa isip ko."Go on, nandyan lang naman sila sa labas. Pwede mo nang sabi---" Umiling agad sya kaya nairita ako. Matapang nya akong tinign
Chapter 49Just then, na agaw ng tingin ko ang glass door sa bungad at nakita ang isang lalaki na parang tamad na tamad maglakad. Lumiko sya papunta sa direksyon namin kaya nag tama ang tingin naming dalawa. Napatigil sya. Mukhang gulat na gulat.Tumikhim si Max sa gilid ko kaya bumalik sakanya ang tingin ko. I glared at her. Pati sa tatlo. "What's this?" I asked. "Max..." tumingin ulit ako sakanya.Sa kanilang apat alam kong si Max, lang ang may kakayahang mag plano ng ganito. Well, sya lang naman kasi itong masyadong interesado samin ni Nexus.Si Ody nag tanong lang sakin nunguna kung nag away ba kami o hindi, sinagot ko lang ng 'Oo' kasi totoo naman. Pagka tapos no'n wala na.Si Jasper, gano'n din. Hindi na nag usisa. Parang napilitan pa ngang itanong. Si Wesley naman, sakto lang. Mukhang hindi namancurious. Si Freya, although she's nothere--nahihiya nang mag tanong.So if there's one person who's probably be the mastermind, it will be Max.Bumuntong hininga sya tsaka tumayo. B
Chapter 48Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung pano ko ba ipapaliwanag. If I deny them the truth, it would look like I'm too defensive, they would also think Nexus is bluffing. Mas lalo nilang aalamin kung bakit at ano ba angtotoo.On the bright side, pag inamin ko naman, ibig sabihin pabor ako sa kasinungalingan ni Nexus. It would look like we plan this together. Likewe're on this lies together unlike kung ide-deny ko, sya lang ang mag mumukhang sinungaling...Oh, fuck....I have no choice. Wala akong ibang maisip. So I end up deciding not to choice among the options and play safe."A-ayokong pag usapan..." I said and they all respected my response.Nang sumunod na araw naging abala kami sa mga seatworks at quizzes sa ibat ibang subjects. I was coping up. Kahit panay ang bulungan ng mga tao sa corridor dahil sakin. Hindi iyon naging hadlang. Naging magaan din ang pag uusap namin nila Max.They were inviting me to join them every breaks. Unti-unting bumabalik sa dati---maliba
Chapter 47I tried my best to speak in my sincerest tone as possible. Ayokong isipin nya na galit ako. Gusto kong maintindihan nya na kailangan nyang malaman ito.Kaya sinasabi ko sa kanya dahil gusto kong maliwanangan sya sa mga bagay-bagay. "Hindi sa lahat ng pag kakataon may iintindi sayo..." I sincerely said. Kasi totoo naman. Hindi sa lahat ng pag kakataon, kami ang kasama nya. Kami na mga kaibigan nya na palaging umiintindi sa ugali nya.She's a socialite. Marami pa syang makakasalamuha at marami din anghindi makakaintindi at itotolerate ang ugali nya. Kailangan nya ring umintindi sa iba. Hindi iyong laging iba ang mag aadjust para sa kanya.Tulad nalang nang nangyare, she didn't even try to understand my feelings.She never asks. Well, she did. But none of her questions came from a concerned friend. Those questions felt like I'm the accused and I'm being investigated. Hindi man lang ako binigyan ng benefit of the doubt kung totoo ba o hindi. Hindi man lang ba nila naisip na
Chapter 46She bit her lip. Halata sa mukha nya na tinatantsa nya ang magiging reaksyon ko.I stood there. Unmoved."Hindi ako hinihintay no'n. Nag kakamali ka lang," I said and turned on my back to leave.She must be mistaken. Bakit naman ako hihintayin ni Nexus sa labas ng room namin? I shrugged that though off and continued going home.Sa magkasunod na hapon, tuwing uwian namin, ganoon pa muli ang nangyare. One girl and a few boys from our last subject approached me and even joked about me getting a ride with my boyfriend to escort me home.'Boyfriend'? Are you kidding me? Inirapan ko iyon. I'm disturb by that term.Pinagsawalang bahala ko iyon pero hanggang sa pag uwi ng bahay, iyon parin ang iniisip ko.It bothers me... a bit. Okay lang yung isang hapon, iisipin ko pang pag kakamali lang iyon ni Erika o 'di kaya naman ay coincidence lang... Pero nang dumaan ang magkakasunod na hapon na ganoon pa rin... Hindi ko na alam.Panay ang balikwas ko sa kama tuwing masasagi sa isip ko iy
Chapter 45Naisip kong tawagan si Mommy sa kalagitnaas ng gabi pero hindi ko din naituloy. She's probably asleep. Pagod iyon sa trabaho at ayokong maka abala. I checked my phone and found Kuya Ej's number."Kuya..." I called him.May konting ingay sa background pero narinig ko pa rin sya.."Xia, what's wrong?" rinig agad ang pag alala sa kanyang boses. May kinasuap sya sa background bagomuling nag salita."I was inside my classroom kaya medyo maingay. Wait lalabas lang ako." And then, I heard his footsteps and a door closing. Baka pumunta na sya sa labas ng klase nya.I felt guilty. Nakalimutan ko na may night classes pala sya."Xia... Okay ka lang ba dyan?" ulit nya.Narealized ko tuloy na hindi ko naman sya tinatawagan ng ganitong oras kaya siguro nag tataka sya. Panay sa tanghali o 'di kaya'y hapon ang tawag ko dahil sa umaga ay tulog pa ito."No... Uh...I-I'm okay," I struggled to make my voice normal."You sure?"Napalunok ako. Nagbabara na ang lalamunan ko at konting konti nal
Chapter 44Ginamit ako ang pag kakataon iyon para umalis pero ilang minuto lang nakita ko muli sya sa harap ko."Joy!"Natigil muli ako. For fuck's sake I just wanna go home!"Just this once, makininig ka naman! Stop being stupid and pull yourself together!"What the fuck. Halos hindi ako makapag salita.Stupid?He called me stupid? Bakit ano bang karapatan nya para sabihin sa'kin iyon? I didn't force him to help me so he don't have the right to call me like that!"You don't have the right to tell me what to do! Bakit ka ba nangengealam? E 'di ba maliwanagnaman yung sinabi mo sakin?" Humakbang pa ako palapit sa kanya to prove a point. "You said you don't wanna be involved with me... Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka at nagagawa mo pang isama ang sarili mo sa sitwasyon ko!"Natigilan sya roon. Nanatili ang tingin sa'kin pero hindi ko mabasa ang iniisip nya. Hindi nanaman nya masagot.Alam nya naman na talong talo na sya sa argumentomg ito pero ayaw nyang tumigil!"Tell
Chapter 43May pakiramdam na ako kanina na si Ilia nga ang may pakana nito pero hindi ko inasahan na sya rin ang mag sasabi kay Claia!It's not that I'm pointing my fingers to her but I know she purposely did this. Sya lang naman ang nakakaalam bukod saming dalawa ni Nexus!Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa galit nya sa'kin."Explain this!" dagdag nya pa. Nakita ko sa gilid nya si Ilia na ngumingisi at tila nag hahamon ang tingin sa'kin.Mabilis na ibinaba iyon ni Harry. Ngayon sa kanya napunta ang atensyon ni Claia."We were group mates in a project. Ginabi kaming parehas sa daan kakahanap mabibilan ng magandang newspaper para sa article na ipapasa namin, " he explained.Nakinig lang ako at hindi umapilasa kasinungalingan nya. Well, it's half true. Project naman talaga ang inatupag namin ng gabing iyon ngunit ang hindi lamang totoo ay ang pagiging groupmates namin dahil sa'kin lang ang project na iyon attinulungan nya lang ako. Hindi ako nakakibo. Claia asked me agai