Chapter 3
"You lied to me..."
Halata ang hindi kasiguraduhan sa kanyang tono. Parang mas naging tanong iyon dahil naghihintay siya ng pag protesta ko para makumpirma kung totoo. And I know he's hoping that it isn't true.
Pero hindi ako sumagot.
Nakagat ko ang labi ko habang nilalaro ang pagkain sa aking plato. Maraming tao dito sa napili naming restaurant pero siniguro naming malayo ito sa mga estudyante ng Monte Carlos kaya imposibleng may makakilala pa samin dito.
Padarag nyang nilapag ang kanyang baso sa lamesa. Tinitigan niya ako na parang nag mamakaawang sabihin ko mismo ang totoo.
"Joy, akala ko ba magkikita kayo ng Mommy mo?", frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok.
"Akala ko ba hindi ka makakapunta kasi may pinangako kang dinner sa kanya?"
I'm not. Nasa Manila si Mommy.
Naramdaman kong hindi niya ako tinatantanan ng titig. Naghihintay ng sagot pero wala siyang nakuha sa akin.
"Tapos, hindi ko pa malalaman na nandoon ka pala kung hindi ko pa narinig yung pangalan mo sa Found Night Queen?! "
He ruthlessly eyed me. I remain staring at my plate.
My friends are happy for me that night to win the crown but I'm not. Because it will only mean that Harry would know I'm there. Hindi sa pag-aassume pero may posibilidad na marinig niya dahil kalalabas lang naman nila nang oras na 'yon. And it's what I wanted to avoid. Kasi mauungkat na naman ang nangyari kagabi. Tulad ngayon, mauungkat at mauungakat parin yung isyu ko sa kanya. Maaalala ko na naman kung pa' no ko nasaksihan ang ginawa niya----kung pa'no niya ako ginago.
"Joy, magsabi ka naman ng totoo!" he demanded. "Why do you have to lie? "
Kumulo lalo ang dugo ko sa sarili kong sagot. If I never lied to surprise him, hindi ko pa malalaman ang panlolokong ginagawa niya sa akin. Without my lies, hindi ko malalaman na tinatraydor na pala ako patalikod.
What he asked me is something that I couldn't take. Mabigat para sakin ang paratang niya kasi alam kong hindi iyon ang point. Kahit saan ko hagilapin ang pasensya, dumadaan parin sa isip ko ang katotohanan na siya mismo ay nag sinungaling din. Hindi lang ako. Gusto kong sabihin yon sa kanya. But in the end I was afraid.
Hindi ako kumibo. I continued glaring at my plate. This is the reason why I don't want to talk to him. Kasi nasaktan ka na nga ng gabing 'yon, tapos mauulit pang muli kasi kailangan mong sabihin yung problema. Kailangang mapag-usapan. The problem will always hunt you down kahit anong pilit mong umiwas. And now, I can't escape from this.
I don't really want to talk about this.
Pero ano pang magagawa ko. Andyan na. It is now or never. At least minsanan nalang yung sakit. Pagkatapos nito, minsanan na lang yung iyak.Sana.
"Joy! " I was pulled back in reality when I heard him calling me. His face is red. Inis na inis na. Para siyang bulkang gustong sumabog.
"Why did you lie to me?!" he asked again.
"Mahirap ba akong pag katiwalaan?" he paused for a second and clenched his jaw after realizing that I won't answer his question and by that he knew the answer.
"Know what," he pursed his lips. "If this is all about your trust issues and the terms in this relationship, please... I'm tired. If you're not sure about this, then let just quit this shit."
Hindi na ako nakapag timpi. "Bakit ako nagsinungaling?" I asked his question but it sounded like a mock.
He looked at me like his reading my soul. Parang kahit mata ko'y kayang-kaya intindihin. For a moment, I wonder what I looked like. Ganon na ba ako ka vulnerable sakanya?
Sometimes I wonder, dapat bang maging transparent ako sakanya or I should maintain my guards up. Because this is not certain. Mahirap tumawid sa tulay na hindi mo alam kung saan pupunta or kung ligtas ba. Why did I think about these things? Kasi kahit gusto kong maniwala na ako yung makakapagpabago sa kanya, there still times that my hopes were shaken by fear of destiny. Kasi pa'no kung hindi talaga siya at hindi rin ako? I'm always confused.
"That night, I lied because I want to surprise you, " and I was ready to introduce you to my friends.
I want to tell him that but decided against it. Tama na. It will be more painful to my ego. And I can't afford it any more. Masyado ng masakit sa pride.
"Kasi last year na natin 'to and want to spend it with you, " tumingin ako sa kanya.
"But that surprise was epic... " Natawa ako ng pagak habang naiiling. This is like remembering last night again. Of how he betrayed me and how I became stupid .
Ah, hindi pala. I bet matagal niya na akong pinagmumukhang tanga. Ngayon lang nahighlight at napatunayan.
"... because instead of you, I am the one who's surprised. "
Sa isang iglap nag bago ang sitwasyon. Ang kaninang mabangis na Leon ay nagmistulang kuting.
Regrets, that's what I see.
I looked at him with flare on my eyes. "Now, answer me, " I paused. "Why did you cheated on me?"
A moment of silence. I gritted my teeth. Bracing myself for an answer or more like, another lie from him.
"Joy..." he softly said.
Tangina.
Alam niya.
Alam niya kung anong kagaguhan ang ginawa niya kagabi.
Mas lalo akong nahiya sa sarili ko nang marinig ang magaan niyang boses.
Para akong hinihele sa pag susumamo sa sobrang lambing. He tried to reach my hand but I didn't give in. I remain on my side. Ayokong matunaw ang galit napilit kong pinatibay bago ko siya hinarap.
"Don't give me that shit, Harry" I said as cold as ice.
"Joy, I didn't cheat on you," sabi nya nang may diin bawat salita. Trying to make it simple just for me to understand but I didn't. Kahit saang anggulo tignan, hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa 'yon sakin.
"Don't tell me, nagsisinungaling ka na rin katulad ng ginawa ko kagabi?" I fake a laugh.
He sighed. "Don't make this hard for us, please... " and he gave me a look saying 'stop this, please'.
Mas lalo lang akong nainis. Ako pa? Ako pa ang masama ngayon? Ako ba ang nanakit?
I want to asked him that dahil nanggigil na ako sa lahat ng mga sinasabi nya."You're the one making this hard, Harry" I scoffed. "Hindi pa tayo, pero ganyan na ang nangyayari. What more when you and I were in a relationship?"
Natahimik sya. I want to shout at him the pain he cause me that night. Para malaman nya kung ga'no ako naging mukhang kawawa sa sarili ko. I feel so ashamed that night. That even I have a crown, the realization slapped me in the face that I am not enough. That my position is replaceable hence, I am not the permanent owner of the crown of his heart. Sobrang sakit pero 'yon ang totoo.
"That's the reason why I can' t introduce you to my friends. Mapapahiya lang pala ako, " I said. I shooked my head. Nangingiti ng mapang uyam. "... buti na lang pala. "
Matalim siyang tumingin sakin. The anger and pain is very evident in his eyes.
Hindi ko alam kung masaya akong malaman na nagagalit sya sa sinabi ko o hindi. I don't know if hurting him too would amend my own pain. But one thing is for sure, I won't regret saying it in his face.
"That's the point Joy, hindi pa 'tayo' but you're already acting as if we're in a relationship. Na akala mo, you have the right to pull me by the neck, pero ayaw mo naman ma-commit," he spit each word like it doesn't hurt me at all. Para bang normal na tinapon ang mga salita, hindi iniisip kung nakakasakit o ano.
"You agreed to this set-up, then now you're acting like a victim?" I gritted my teeth to what I heard.
I know I shouldn't be listening to him but as much as I want to be careless and cover my ears for what he's saying, my mind betrayed me. Like my own mind wants to hear it. Para wala na. Para tapos na.
"We both know the arrangement of this thing. Alam mo yan Joy, that this thing has a limit----"
I scoffed. "And now, you're telling me not to care? Anong gusto mo? That we can be together and we can cheat each other at the same time? Are you out of your mind?"
"It's not my po--"
"That's beside the point, Harry!" I angrily shouted. Wala na akong pake alam kung marinig na ng ibang tao ang pinagtatalunan namin. Frustrate na frustrate na ako sa usapang 'to.
"I want your trust!" he shouted.
"Trust is something you can't easily give away, Harry. It should be earned," I said amidst of stuggling to breathe.
"I gave you that trust along time ago but you ignore it."
"I told you... hindi nga kita niloloko," he frustratedly answered.
"Then, what did I saw last night?" I challenged. "
I saw you Harry. Alam kong alam mo kung anong pinag gagagawa mo no'ng gabing yon kaya wag na tayong maglokohan
He averted his eyes on me. He did not speak to defend his side.
"You know I'm afraid of commitment, " I sighed. Sobra akong disappointed sa sarili ko. "Kasi alam kong maraming pwedeng kahinatnan ang set up na' to. And the idea of you being a known playboy wasn't helping me."
"I want to own you but I need to guard myself too, " I croaked. Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili. I wonder if may ikakababa pa ako sa lagay kong 'to. "How can I bet if right before my eyes was a reality telling me I already lost?"
Kumakalabog ang dibdib ko kasama ng mabibilis na paghinga. Ayoko na. Pagod na akong magexplain.
"Joy, " he called habang nakatingin sa mga mata ko.
Naramdaman kong umaagos na pala ang mga luha ko sa'king pisngi. Marahas ko lang itong pinunasan.
Lumipas ang ilang minutong walang nagsasalita sa'min."You know what," I broke the silence and stared at him as I wiped the evidences of my pain.
"This arragement made me realized that both of us are not really ready for this."
"Let's just end it here, " I said and left him there unable to speak.
Chapter 4 If there's one thing I learned in life, it is the need to train your mind to be stronger than your emotions or else you'll lose yourself everytime. Umihip ang malamig na hangin habang patuloy lang ako sa paglalakad matapos kong iwanan si Harry sa loob ng restaurant. My heart felt numb. Hindi ko ma-explain kung ga'no kabigat sa pakiramdam. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili, bumabalik parin ako sa fact na, wala na. Natapos na. Nawala na yung isang taong pinagsamahan namin sa ilang minutong pag-uusap lang sa loob ng restaurant. Apart of me wants to stay, to beg his attention. Gano'n na siguro ako kadesperada na okay lang na gaguhin. Okay lang na masaktan basta't sa akin at sa akin pa rin siya. Ang tanga tanga ko. Naiinis ako sa kaniya pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili. Ano bang kulang ko? All my life I was proud of who I am. Kailan man hi
Chapter 5 "Get in, " he snobbishly said. Gusto ko sanang magprotesta dahil nakakahiya kung magpapahatid pa ako pero ramdam kong susungitan niya lang ako kaya sinunod ko na lamang. Pangbawi sa kahihiyang natamo niya sa gilid ng hallway. Hindi niya ako pinagbuksan. Obviously, hindi talaga siya gentleman. Inexpect ko naman na dahil wala sa itsura niya ang pagiging caring at polite. I held the door handle and waited him to went to the other side pero hindi nangyare. Instead binuksan niya yung sliding door ng van. Nabitin ang tanong ko nang pumasok siya sa loob kaya't nagpasyang buksan na lamang ang pasenger seat. Nagulat ako nang tumambad sakin ang nakangiting driver niya. Itinago ko ang gulat at nginitian ito pabalik at saka sumakay. Tumingin ako sa rear view mirror at nakitang tamad na hinagis ni Nexus yung paper bag na hawak nya. Ngayon ko lang nareal
Chapter 6 Tumingin lahat sa banda namin.Nang nakarating sa pwesto nila, walang pakundangang tinulak ako nung mistisang babae sa isang bakanteng upuan. Kaba at takot ang naramdaman ko ng tumagal ang mga tingin nila sa'kin. Hindi ko ma-imagine kung anong klaseng ngiti ang naigagawad dahil sa nerbyos. Hindi ako makapagsalita at parang nalunon ang sariling dila dahil sa atenstong nakukuha. Mas nakadagdag ng kaba ko nang lumapit sa kinauupuan ko yung isang lalaking may malokong ngiti at mukhang pilyo. Halata sa itsurang ilang babae na ang napaiyak. Hindi ko alam kung napansin niya ang pag-usog ko saking kinauupuan dahil sa biglaan niyang paglapit. "Hey beautiful, wanna go on a date with me?" tanong nito sabay tukod ng isang kamay sa gilid ng upuan ko. Nanlalaki ang mata sa narinig, hindi agad ako nakapagsalita nang bigwasan ng batok ng mistisang babae
Chapter 7 Kinabukasan determinado na akong sabihin sa kanila kung anong meron sa'min ni Harry. Ilang beses ko na 'tong pinag-isipan ng mabuti kagabi at siniguradong handa akong haharap sa kanila para sabihin. I know I shouldn't force myself, but thinking how long it takes to finally tell them the truth? Tingin ko hindi ko na kakayaning itago pa ng ilang buwan o taon! Now is the right time. Actually kahit kailan pwedeng maging 'right time'. Dipende na lang sa tao. Dipende sa'kin kung kailan. Pero dahil duwag ako para sabihin sa kanila umabot pa sa ganitong sitwasyon. Ayoko nang patagalin pa lalo itong issue na'to. Kaya kung maaaring malaman nila, ipapaalam ko na dahil patuloy lang akong gagambalahin ng konsensya ko kung patuloy din itong itatago. Mali ang desisyon ko na i-tago sa kanila itong issue na'to, in the fir
Chapter 8 Wednesday came. Hindi ko na halos na mamalayan ang araw dahil tutok sa mga sangkaterbang reviewer na nadadatnan ko sa apartment at sa mga sinabay na projects. Sabi ko noon, magandang nagiging busy ako sa pag aaral dahil sa gano'n, wala akong time para isipin lahat ng sakit ng pinagdaanan ko. I have no time to wallow in all of the words that Harry have thrown to me. Hindi nakakapasok sa isip kong umiyak at pagsisihan lahat ng desisyon ko dahil kailangan kong mag-aral pero ngayon parang sobra na. Napatingin ako sa nagkalat na highlighter, scratch at mga post-it sa study table ko. I inhaled deeply. Mag-aala una na ng umaga pero hindi pa ako tapos sa Concept paper ko sa Economics. I promise myself na gagawin ko agad lahat ng requirements right away pagkatapos ibigay pero hindi rin. Kahit nagawa ko na ang iba, mahirap pa rin pala kung mismong teacher na ang nag p
Chapter 9 Kung noon, naniniwala ako sa pangako ni mommy na tuwing katapusan ay darating si Daddy at lalabas kami at pupunta sa gusto kong puntahan, ngayon hindi na. Malinaw na sa'kin kung bakit tuwing anibersaryo nila mommy at daddy ay uuwing lasing si mommy na minsan ay inuumaga pa ng dating. I used to be blind and deaf that time kasi bata pa ako. Wala pa akong alam. Hindi ko pa maintindihan lahat. Noon iyon. Kaya ngayon nagiging motivation ko ang mag aral ng mabuti upang kahit gano'n ang kinahinatnan, matutupad ko ang pangarap ni mommy, ang humarap kay daddy at masabing naitaguyod at napag-aral niya akong mag-isa nang hindi humihingi ng tulong sa kaniya. Kung dati, inspirado ako tuwing babanggitin ni mommy si daddy, kung paano sa tingin niya matutuwa si daddy kapag mataas ang grade ko. Ngayon alam ko na. That was only an excuse and a lie to keep me motivated, believing that my daddy would be happy eve
Chapter 10 Na wi-weirdohan talaga ako kung bakit sa dinami-damu ng pwesto sa waiting shed na paghintuan ng taxi driver, dito pa talaga sa pwesto kung saan siya nakatayo. "Manong, bayad ko po, " sabi ko pag kabayad ng taxi saka bumaba. I was standing infront of kinda waiting shed inside our school kung saan eksakto din siyang nakatayo habang may kausap sa phone. Taxi drivers were not allowed to have parking space kaya dito nalang sa ground binababa ang mga nagkocommute ay mula dito, kailangan mo ulit sumakay ng mini bus para makarating sa building na pupuntahan mo. I sighed and felt bothered just from the mere sight of him. Kung alam ko lang na siya pala yung lalakeng nakatalikod kanina baka nag tiis nalang ako maglakad, hindi baleng lumagpas na sa babaan. Okay lang masita ng guard basta 'wag lang dito. Isinukbit ko ang maliit ko na
Chapter 11I begun to panic. Hindi agad ako makapag isip ng tama kung saan ko nawala yung ID ko. Nang hindi ko mapiga ang utak kakaisip sa mga posibleng lugar kung saan ko nailagay o nawala, sumuko din ako."Kuya... nawala ko po" pag aamin ko. Umiling lang si Kuya Guard. "Lumang palusot na 'yan, Miss. Aminin mo na lang kase na hindi ka taga dito. Halika at i-rereport kita sa office, " he said and immediately pulled my arms."Kuya!!" I budge. Natigil lang ako sa paghatak sa kamay ko nang may bumusina sa' min sa likod."Sir kayo po pala! Teka lang po aayusin ko lang 'to, " nakangiting sigaw no' ng guard sabay hatak sa'kin. Kahit nahihirap, I still manage to stick my head ang look behind him. I was surprised to see Nexus inside the car. Nakatingin lang ito sa'kin nang magtaas ito ng kamay sa guard. Just like saying 'It's okay' sa guard.Na
Chapter 51Nag angat ako ng tingin kay Nexus na parang unbothered sa mga reaksyong nakukuha mula sa kanila.Then he looked at me and raised his brows, as if pointing his evidences in front of me. "O ano? Tapos na ba?" si Ody iyon.Nakuha nya ang atensyon ko. Tumalikod ako para makita sila."Comeback is real na ba?" Max keeps on probing.Sinamaan ko sila ng tingin. Tinawanan lang nila ako.They don't take me seriously! Kung alam lang nila ang totoo....Nagawa pang lumapit ni Wesley at Jasper para makipag apir kay Nexus.I rolled my eyes.Ngayon naman, palapit na sila Ody at Max at sigurado ako tatadtarin nila ako ng tanong kaya imbes na salubungin sila, umikot ako at binuksan ang passenger seat ng kotse ni Nexus.Padabog ko iyong sinara. Gulat na gulat silang lahat sa ginawa ko. I didn't say a word, pagka pasok ay tahimik lang ako at tumingin nalang sa kanang bahagi ng parking. Nasa kaliwang bahagi sila ng kotse at panay ang silip sakin kaya umiiwas ako.Sigurado akong pag sumabay ako
Chapter 50Nakita ko nag pag lunok nya bago binasa ang labi. Akala ko may sasabihin sya pero hinayaan nya lang akong mag salita. His eyes were now focus on me."Telling them you're lying was not my option. You should be the one answering those queries, not me." I said. "Labas ako do'n."I looked at him and saw him busy staring seriously at me. Hindi ko mabasa ang iniisip nya kaya nag iwas ako ng tingin.After contemplating what I should do, napag pasyahan ko na ring sabihin sa kanilang lahatang totoong nangyare at kung ano ang namagitan samin noon ni Harry and maybe this day is the starting point. Sa oras na umamin si Nexus sa gawa-gawa nyang 'relasyon namin'sasabihin ko na rin kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito. Para matapos na at maka move on na kaming lahat. Tumingin ako sa labas ng milktea hub. Ngayon mas determinado na sa planong nabuo sa isip ko."Go on, nandyan lang naman sila sa labas. Pwede mo nang sabi---" Umiling agad sya kaya nairita ako. Matapang nya akong tinign
Chapter 49Just then, na agaw ng tingin ko ang glass door sa bungad at nakita ang isang lalaki na parang tamad na tamad maglakad. Lumiko sya papunta sa direksyon namin kaya nag tama ang tingin naming dalawa. Napatigil sya. Mukhang gulat na gulat.Tumikhim si Max sa gilid ko kaya bumalik sakanya ang tingin ko. I glared at her. Pati sa tatlo. "What's this?" I asked. "Max..." tumingin ulit ako sakanya.Sa kanilang apat alam kong si Max, lang ang may kakayahang mag plano ng ganito. Well, sya lang naman kasi itong masyadong interesado samin ni Nexus.Si Ody nag tanong lang sakin nunguna kung nag away ba kami o hindi, sinagot ko lang ng 'Oo' kasi totoo naman. Pagka tapos no'n wala na.Si Jasper, gano'n din. Hindi na nag usisa. Parang napilitan pa ngang itanong. Si Wesley naman, sakto lang. Mukhang hindi namancurious. Si Freya, although she's nothere--nahihiya nang mag tanong.So if there's one person who's probably be the mastermind, it will be Max.Bumuntong hininga sya tsaka tumayo. B
Chapter 48Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung pano ko ba ipapaliwanag. If I deny them the truth, it would look like I'm too defensive, they would also think Nexus is bluffing. Mas lalo nilang aalamin kung bakit at ano ba angtotoo.On the bright side, pag inamin ko naman, ibig sabihin pabor ako sa kasinungalingan ni Nexus. It would look like we plan this together. Likewe're on this lies together unlike kung ide-deny ko, sya lang ang mag mumukhang sinungaling...Oh, fuck....I have no choice. Wala akong ibang maisip. So I end up deciding not to choice among the options and play safe."A-ayokong pag usapan..." I said and they all respected my response.Nang sumunod na araw naging abala kami sa mga seatworks at quizzes sa ibat ibang subjects. I was coping up. Kahit panay ang bulungan ng mga tao sa corridor dahil sakin. Hindi iyon naging hadlang. Naging magaan din ang pag uusap namin nila Max.They were inviting me to join them every breaks. Unti-unting bumabalik sa dati---maliba
Chapter 47I tried my best to speak in my sincerest tone as possible. Ayokong isipin nya na galit ako. Gusto kong maintindihan nya na kailangan nyang malaman ito.Kaya sinasabi ko sa kanya dahil gusto kong maliwanangan sya sa mga bagay-bagay. "Hindi sa lahat ng pag kakataon may iintindi sayo..." I sincerely said. Kasi totoo naman. Hindi sa lahat ng pag kakataon, kami ang kasama nya. Kami na mga kaibigan nya na palaging umiintindi sa ugali nya.She's a socialite. Marami pa syang makakasalamuha at marami din anghindi makakaintindi at itotolerate ang ugali nya. Kailangan nya ring umintindi sa iba. Hindi iyong laging iba ang mag aadjust para sa kanya.Tulad nalang nang nangyare, she didn't even try to understand my feelings.She never asks. Well, she did. But none of her questions came from a concerned friend. Those questions felt like I'm the accused and I'm being investigated. Hindi man lang ako binigyan ng benefit of the doubt kung totoo ba o hindi. Hindi man lang ba nila naisip na
Chapter 46She bit her lip. Halata sa mukha nya na tinatantsa nya ang magiging reaksyon ko.I stood there. Unmoved."Hindi ako hinihintay no'n. Nag kakamali ka lang," I said and turned on my back to leave.She must be mistaken. Bakit naman ako hihintayin ni Nexus sa labas ng room namin? I shrugged that though off and continued going home.Sa magkasunod na hapon, tuwing uwian namin, ganoon pa muli ang nangyare. One girl and a few boys from our last subject approached me and even joked about me getting a ride with my boyfriend to escort me home.'Boyfriend'? Are you kidding me? Inirapan ko iyon. I'm disturb by that term.Pinagsawalang bahala ko iyon pero hanggang sa pag uwi ng bahay, iyon parin ang iniisip ko.It bothers me... a bit. Okay lang yung isang hapon, iisipin ko pang pag kakamali lang iyon ni Erika o 'di kaya naman ay coincidence lang... Pero nang dumaan ang magkakasunod na hapon na ganoon pa rin... Hindi ko na alam.Panay ang balikwas ko sa kama tuwing masasagi sa isip ko iy
Chapter 45Naisip kong tawagan si Mommy sa kalagitnaas ng gabi pero hindi ko din naituloy. She's probably asleep. Pagod iyon sa trabaho at ayokong maka abala. I checked my phone and found Kuya Ej's number."Kuya..." I called him.May konting ingay sa background pero narinig ko pa rin sya.."Xia, what's wrong?" rinig agad ang pag alala sa kanyang boses. May kinasuap sya sa background bagomuling nag salita."I was inside my classroom kaya medyo maingay. Wait lalabas lang ako." And then, I heard his footsteps and a door closing. Baka pumunta na sya sa labas ng klase nya.I felt guilty. Nakalimutan ko na may night classes pala sya."Xia... Okay ka lang ba dyan?" ulit nya.Narealized ko tuloy na hindi ko naman sya tinatawagan ng ganitong oras kaya siguro nag tataka sya. Panay sa tanghali o 'di kaya'y hapon ang tawag ko dahil sa umaga ay tulog pa ito."No... Uh...I-I'm okay," I struggled to make my voice normal."You sure?"Napalunok ako. Nagbabara na ang lalamunan ko at konting konti nal
Chapter 44Ginamit ako ang pag kakataon iyon para umalis pero ilang minuto lang nakita ko muli sya sa harap ko."Joy!"Natigil muli ako. For fuck's sake I just wanna go home!"Just this once, makininig ka naman! Stop being stupid and pull yourself together!"What the fuck. Halos hindi ako makapag salita.Stupid?He called me stupid? Bakit ano bang karapatan nya para sabihin sa'kin iyon? I didn't force him to help me so he don't have the right to call me like that!"You don't have the right to tell me what to do! Bakit ka ba nangengealam? E 'di ba maliwanagnaman yung sinabi mo sakin?" Humakbang pa ako palapit sa kanya to prove a point. "You said you don't wanna be involved with me... Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka at nagagawa mo pang isama ang sarili mo sa sitwasyon ko!"Natigilan sya roon. Nanatili ang tingin sa'kin pero hindi ko mabasa ang iniisip nya. Hindi nanaman nya masagot.Alam nya naman na talong talo na sya sa argumentomg ito pero ayaw nyang tumigil!"Tell
Chapter 43May pakiramdam na ako kanina na si Ilia nga ang may pakana nito pero hindi ko inasahan na sya rin ang mag sasabi kay Claia!It's not that I'm pointing my fingers to her but I know she purposely did this. Sya lang naman ang nakakaalam bukod saming dalawa ni Nexus!Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa galit nya sa'kin."Explain this!" dagdag nya pa. Nakita ko sa gilid nya si Ilia na ngumingisi at tila nag hahamon ang tingin sa'kin.Mabilis na ibinaba iyon ni Harry. Ngayon sa kanya napunta ang atensyon ni Claia."We were group mates in a project. Ginabi kaming parehas sa daan kakahanap mabibilan ng magandang newspaper para sa article na ipapasa namin, " he explained.Nakinig lang ako at hindi umapilasa kasinungalingan nya. Well, it's half true. Project naman talaga ang inatupag namin ng gabing iyon ngunit ang hindi lamang totoo ay ang pagiging groupmates namin dahil sa'kin lang ang project na iyon attinulungan nya lang ako. Hindi ako nakakibo. Claia asked me agai