Hi Readers, kung minsan may pagkakataon talaga na hindi natin maunawaan ang sarili kaya nagiging mafeeling tayo. LOL. Anyway, yung dalawa nating bida sana maunawaan nila yung umuusbong na feeling sa kanila. Ikaw, ano ba ang hindi mo maunawaan sa sarili mo? Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
Sa pag-iisa ni Gabriel iniisip niya kung ano ang maari niyang sabihin sa dalaga, hangang sa dumating nga ang isang tauhan na pinadala ni Atlas para sabihin sa kanya na hindi na kasama ni Serena si Liam.Walang paliguy-ligoy bumalik nga si Gabriel. Naabutan niyang kasama ni Serena si Atlas. May sinasabi ang dalaga na kaagad sumalungat sa pananaw ni Gabriel. Kaya naman imbes na si Atlas ang sumagot sa dalaga, siya itong nagsalita. Kaagad naman sanang aalis si Atlas ng si Serena itong nais na iwasan siya.Sa nakikita ni Gabriel at ginagawa ni Serena apektado nga ito sa natuklasan ng dalaga tungkol sa kanya. Ngunit bakit?Nais niya ng paliwanag pero iniwasan siya nito.Nais sana niyang magpaliwanag din ngunit hinayaan na lamang niya itong talikuran siya.Dumaan ang dalaga na parang hangin siya nitong dinaanan.Isa lang ang ibig sabihin nito.Masakit man ngunit hindi kontrolado ni Gabriel ang sitwasyon.Hindi kailangan ni Gabriel sabihin ang totoo. Ginawa na niya yung parte niya para pagdu
Nang dumating si Liam kasama ang isang babae di maikakaila ni Seneca at Oxford na nakuha nito ang attention nila. Tahimik nilang pinagmamasdan ang dalaga hangang sa dumating nga si Gabriel.Ito ang pinagtataka ng dalawa. Kung bakit sa okasyon na iyon pinili nga ni Gabriel dumalo? Anong nakain ng alaga nila para makumbinsi? At siguradong may dahilan kung bakit nga dumating ito.Ngunit ang hindi inaasahan nilang dalawa ang mas pinili ni Gabriel ang maupo sa tabi ng dalaga. Kahit kailan, ano man na pagtitipon, iniiwasan ng lahat na may makatabing babae si Gabriel…Ngunit ngayon, bakit iyon ang hinilang upuan ni Atlas? Katabi ng dalaga?Bawat kilos ni Gabriel lihim na pinagmamasdan ni Seneca.Ewan niya kung siya lang ang nakapansin na parang sinasadya ni Gabriel na titigan ang dalaga. At kanina pa itong nahahalata ni Seneca. Kung makatingin parang hinuhuli nito ang paningin ng dalaga.Noong una ang akala ni Seneca sadyang naiilang lang si Gabriel dahil babae ang katabi nito.Ngunit mali…M
Nang bumalik si Gabriel naramdaman kaagad ni Seneca ang hindi magandang awra nito. Kung ang titig ni Gabriel kay Serena ay nais magkaroon ng malaking puno sa pagitan ng dalaga at ni Liam para hindi niya ito makitang magkatabi… Ang kay Liam naman parang nais niya itong maglaho.Inamin ni Gabriel na kaibigan lang ang turing niya sa dalaga kaya dapat diba kahit paano magpansinan itong dalawa? Ngunit bakit parehong naiilang ang dalawa? Bakit kung tratuhin nito ang bawat isa parang hindi pa sila nagkita o magkakilala?Hindi…Ang dalaga ang naiilang…At ang pagmumukha ni Gabriel parang kanina pang binuro sa asin.Asar na asar na ito…Ngunit mas piniling manahimik kahit gigil na gigil.At ang inaakala ng mga taong nasa paligid nila normal ito kay Gabriel sapagkat yun naman ang nakikita nila parati sa binata, parang hindi maloloko nino man.Dahil sa sinabi ni Liam tuluyan ngang hindi nawala ang paningin ng mga tao sa kanya. Balak na ngang yayain ni Liam na magpakasal sila ni Serena.Kapag nang
“Iha, Serena ang pangalan mo hindi ba?” Si Seneca na kinuha nga ang pansin ni Serena. “Galing sa pamilyang Madison.” Nagulat man ang dalaga ngunit napatango siya. Nagulat siya dahil direkta siyang tinanong nito saka paano nalaman nito ang pangalan niyang buo kung hindi naman nabangit kanina sa pinag-uusapan.Lihim na napabuntong hininga si Serena.Sinabi sa kanya ni Liam na malapit ang lalaking iyon kay Gabriel.Sa totoo lang ang mga tao na nasa mesang yun… Ay wala siyang kalevel… Napakababa niya, kumpara sa mga ito.“Hindi naman siguro masamang magtanong sayo.” Ang titig ng doktor hindi man lang naputol kay Serena.“Po? Ahh di naman po.” Napatango si Serena… Ngunit kinakabahan siya. Wala naman siyang choice kundi tangapin ang itatanong nito.Pero bago pa man makapagtanong si Seneca…“Bagay na bagay sila ni Liam, hindi ba Seneca?” Si Misis Lim.Napatango si Seneca.“Sa nakikita ko, malambing at mabait na dalaga si Serena.”“Ako din. Yun ang nauna kong napansin sa kanya.” Segundo nga
At habang nasa sasakyan, hindi mapakali si Seneca. “Sigurado naman na nahalata mo si Gabriel kanina.”“Kung ibang tao ang iisipin na naiilang si Gabriel dahil ang katabi niya ay babae. Ngunit magugulat din dahil wala man lang ginawa ito para iwasan yung dalaga.”Napatango si Oxford.“Kakaiba ang kinikilos ni Gabriel. Naiinis siya… At ngayon, anong klaseng Gabriel ang madaratnan natin si Manor. Isang torpe.”“Ngunit Seneca, hindi ko inaasahan na magtatanong ka ng bagay na nakakamatay sa dalaga?” Baling ng abogado sa kanyang kaibigan.“Haist. Tinanong ko lang yun para malaman ko kung may pag-asa pa ba ang alaga natin sa kanya. Halata naman na hindi niya gusto si Liam. Ang tanong kung hindi niya mahal si Liam, anong dahilan para manatili siya dito? Hindi ba ang sagot, pera, Oxford?”“Hmmm. Ngunit hindi. Sa tingin ko may malalim pang dahilan. At sa tingin ko rin may alam si Gabriel tungkol sa bagay na yan, Seneca.”“Siguro nga.” Napatango ang doktor. “Sa tingin mo rin ba may gusto talaga s
Napalunok si Serena ng dumaan siya kay Gabriel at pilit na hindi pinakingan ang sinabi nito. Ngunit may kung ano sa kanya na nagwawala at nais ngang pigilan siya sa kanyang ginagawa. Bakit kasi pakiramdam niya hindi siya makahinga?At ng makabalik nga siya kung nasaan si Liam, nagising siya sa kanyang sarili. Hindi ba mas komportable siya sa presensya ni Gabriel… kesa kay Liam? Ngayon ano itong ginagawa niya? Bakit yung binata na nagbibigay ng katahimikan sa kanya ang iniiwasan niya?Ngumiti si Liam ng makita siya. Tumayo ito at hinila ang upuan niya kanina…Lumapit na lamang si Serena at naupo sa tabi nito.Maya-maya lang sumunod na bumalik si Gabriel… Narinig niya itong huminga ng malalim ng makaupo sa tabi niya. Siya? Muling napalunok ng laway ulit.May galit sa mga mata ni Gabriel… Iyon ang nakikita niya sa baso na nakukuha ang refleksyon nito. Nakatitig doon si Serena. Hangang sa tumama ang paningin din ni Gabriel sa basong iyon…Pareho silang nagkatitigan…Hangang sa iniwas nga n
Sa loob ng sasakyan… halos mangiyak at matawa siya sa kanyang sarili. Pero ang importante ngayon nakahinga siya ng malaya.Natatawa siya sa kanyang sarili ay dahil bakit pinipilit niya ang sarili sa mga taong hindi naman siya malayang makakahinga? Hindi naman niya kalevel at higit sa lahat mga mata nga nitong puno ng mga pamimintas. Oo alam niya na galing siya sa mahirap na pamilya at hindi naman siya nagkukunwari na mayaman diba? Ang problema lang kasi kusang yung mga taong may kakayanan sa lipunan ang lumalapit sa kanya at pinaparanas ang mga bagay-bagay sa kanya na hindi dapat.At naiiyak siya dahil pakiramdam niya pagod na pagod na siya at hindi naman talaga niya gusto ang ginagawa niya ngayon.Napabuntong-hininga na lamang si Serena at sinubukan ngang basagin ang katahimikan ng kanyang kasama. Seryoso ito na ilayo nga siya sa lugar na iyon.“Atlas… Yung ginawa ko kanina…” Huminga si Serena ng malalim. “Sa tingin mo ba nagalit siya sa akin? Yung boss mo? Si Gabriel?”Lumingon si A
Umakyat na nga lang si Serena sa kanyang silid… At pagpasok na pagpasok niya kaagad niyang binato sa tabi ang dalang sapatos at kaagad nahiga sa kama.Yung tipong lahat ng kanyang stress at tension kanina naiwan sa labas ng pinto at nais nga lang niyang yakapin ang unan saka ipikit ang mga mata. Kalimutan nga ang tungkol sa nangyayari sa kanyang buhay. Napapagod na rin kasi siya ng husto… Kung minsan nga hinihiling niya na sana matagal pa dumating ang panibagong umaga. Dahil ang panibagong umaga sa kanya ay panibagong malinis na papel na kailangan na naman niya punuin ng sari-saring emosyon.‘Nakakapgod rin talaga… Sobra.’Pero kailangan niya imulat ulit ang kanyang mga mata at bumangon sa takot na tuluyan siyang makatulog na hindi man lang nga inaasikaso muna ang sarili. Pakiramdam niya kasi parang ang dumi-dumi niya at ang isipan niyang magulo para mapanatag kailangan nga niyang linisin ang sarili. Bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos. Pero ng makita niya sa salamin ang muk
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala