Minsan may mga tao tayong nakakasama na parang napapagod tayo sa huli at kung minsan may mga tao naman tayong nakakasama na nagpapagaan ng loob. Ikaw sino ang nagpapagaan ng loob mo na halos mawala ang pagod at mabigat na emotion sa araw-araw ng buhay? Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
Chapter 101: Yes, He Might Will… Hinayaan lang nila Seneca at Oxford si Gabriel na gawin ang gusto nito. Ang magpakalasing… At malunod sa mga iniisip. Kailan pa nga natuto na manatili si Gabriel sa kanyang iniisip? Halos lahat kasi ng iniisip niya kaagad niyang ginagawa para matapos na. Ngunit ngayon parang may kung anong pumipigil sa kanya upang gawin ang bagay na naglalaro sa kanyang isipan.Sa ayaw niyang maging makasarili.“Hahayaan niyo lang ba siya?” Ang tanong ni Agatha.“Wala eh. Sarado ang kanyang isipan.” Si Seneca. “Maari mo ba kaming igawa ng tsaa, marami kasi kaming pag-uusapan ni Oxford.”Napatango ang Mayordoma at kaagad naman kumilos.Ang dalawang ama-amahan naman ni Gabriel dumiretso sa kanilang paboritong tambayan kung saan dati-rati tatlo silang pumupunta doon, si William.Kaagad naman sumalubong sa kanila ang sariwang malamig na hangin na makakatulong nga din kay Seneca para kumalma. Naging abala muna si Oxford sa kanyang katawagan bago nga ulit hinarap ang kaibi
Chapter 102: Considered Kahit nga masyado nang malalim ang gabi ng matulog si Serena nagising parin siya ng maaga. Kailangan niya mamalengke ng maaga para makakuha ng sariwang sangkap na gagamitin niya para ipagluto nga si Gabriel.Gabriel Aquinas… Ang binata na tinitingala ito ng karamihan. Kaya naman gagawin ng dalaga ang lahat para nga maipagluto niya ito ng masarap at sana hindi siya mabigo na hindi nito magustuhan ang putaheng lulutuin niya.Palabas na siya ng bahay ng biglang…“Ang aga mo atang nagising? Saan ka pupunta?”Napalingon si Serena at ang Kuya Ryan niya na parang mag-jojogging ata ito dahil sa suot nito. Talagang naninibago si Serena. Parang hindi na ito yung kapatid niya. Parang may kung anong spirito na sumanib sa katawan nito para magkaroon ng malaking pagbabago.“At kailan ka pa Kuya Ryan simula nag-jojogging?”“Ang sagutin mo ang tanong ko.”“Mamalengke ako.” Tumaas ang isa niyang kilay. “At magluluto ako.”“Samahan na kita.”“Naku Kuya, hahaha. Ako na lang ha.
Chapter 103: What He Does Bitbit ni Ryan ang pinamili ni Serena kaagad naman sila pinagbuksan ng gate ni Allison.“Kasama mo si Kuya?”“Oo, at pinamili ka din niya ng prutas mo.”Saka lumingon si Serena kay Ryan na medyo napa-ismid sa sinabi niya. Medyo kasi hindi parin matangap ni Ryan kung ano ang nangyari kay Allison. Saka nga napagtanto ni Serena kung bakit bigla ngang nagbago si Ryan. Yung tungkol sa nangyari kay Allison. May pagsisi din ata si Ryan sa sarili kung bakit nagkaganoon ang kapatid niya.“Kuya, nasaan yung prutas para kay Allison?”“… Sa loob.” Na dumiretso na nga sa loob ng bahay si Ryan.Nilapitan naman ni Serena si Allison at inakbayan ito. “Madaming biniling prutas si kuya para sayo, para kapag lumabas ang baby mo, healthy kayo pareho.”“… Si Kuya, galit siya sa akin.” Mahinang sagot ni Allison.“Hindi siya galit sayo. Pero kung yan ang nararamdaman mo na mabigat sa dibdib sa tingin ko may bagay na kailangan mong ikahingi ng kapatawaran kay Kuya Ryan. Mag sorry ka
Chapter 104: Leaving the Country “Aalis na ng bansa si Master Gabriel…”Bahagyang natigilan si Serena sa narinig niya sa kabilang linya. Kung anong mabigat na bumulusok sa kanyang dibdib. Hindi siya makahinga ng maayos.Si Gabriel aalis ng bansa…At sa tingin ni Serena normal lang naman ito sa isang negosyante na kagaya ni Gabriel.“Kailan siya uuwi? Saka ko na lang ibabalik yung mga gamit niya.”“Wala siyang sinabi. Ngunit kompirmado na matagal siyang babalik dito. Six to seven years Miss Serena.” At nabitawan nga ni Serena yung kutsara.Biglang nahihirapan siya makahinga. May kung anong kirot na bumabagabag sa kanyang dibdib.“Ga-ganoon ba? Mag-iingat na lang siya parati.”Dahil sino naman siya para pigilan ito kung naisin man niya, walang-wala siya sa kalingkingan ni Gabriel.“Miss Serena, sa tingin ko kailangan mo siya pigilan. Ang dahilan kung bakit siya aalis ay dahil sa iyo.”Nanlaki ang mga mata niya.Tama ba ang kanyang narinig?Dahil sa kanya, aalis si Gabriel na parang isan
Chapter 105: To Let Her Free to be Loved by Someone Maagang nagising si Gabriel. Masakit ang kanyang ulo na halos nga nahihirapan siyang bumangon.“Tsk.” Na kasunod napamura siya. Napaupo bangon siya at hinilot ang kanyang sintido.Nang biglang naalala niya ang ginawa ni Liam…Yung hinalikan nito si Serena sa labi…At dahil roon biglang bumalik ang inis na kanyang nararamdaman. Ulit napamura siya. Sa dami ng dapat na maalala niya, bakit iyon pa? Yun din ang dahilan kung bakit naglasing siya.“Tsk.” Parang isang sirang plaka na paulit-ulit pinapaalala sa kanya. Sino ang hindi mabubwisit?Ngunit…May bagay na napagtanto siya kagabi…Kung hindi mahal ni Serena si Liam… Ibig lang sabihin, nakakulong ang dalaga sa relasyon nila ni Liam ng dahil sa kanya…Ngunit kung mahal naman ito ng dalaga…Walang dapat na sisihin sa kanya.At ang nasisigurado ni Gabriel… Napamahal na ata ang dalaga kay Liam. Kaya nga kahit alam na nito ang totoo tungkol sa kanya, kung sino siya hindi parin magawa ni Se
Chapter 106 Is His Decision to Be Made“Si Gabriel? Gising na ba siya?” Tanong ni Seneca kay Agatha na nakasalubong nito sa may sala. Napatango naman ito.“Ipaghanda mo siya ng sopas para maibsan ang hangover niya.”“Seneca…” Kuha ni Agatha ng attention nito.“Umalis ng maaga si Gabriel.” Kaya napalingon si Seneca ulit kay Agatha.“Sinabi ko dibang walang gagawin ngayon si Gabriel sa kompanya?”Napatango si Agatha…“Aalis siya ng bansa.”“Isa din iyon. Hindi siya lalabas ng bansa.”“Aalis siya, Seneca… At ilang taon ang papalipasin niya bago siya bumalik.” Malungkot na sinabi ni Agatha.At ng marinig ni Seneca ang sinabi ni Agatha, agad niyang kinuha ang phone at tinawagan nga si Gabriel.“Kailan pa siya umalis?” Dahil hindi nga sinasagot ni Gabriel ang tawag.“Kanina lang.”At nakahinga si Seneca ng sinagot naman ni Gabriel ang tawag niya.“Gabriel!” Sigaw ni Seneca sa kabilang linya.“Seneca…” Ang pakalmang iling ni Agatha sa doktor.Habang ang binata ngang si Gabriel sakay nga ng sa
Chapter 107 Was Unfair“Uhmmm. Atlas, bakit hindi mo muna siya tawagan?”“Sa tingin ko kasi Miss Serena hindi niya sasagutin ang tawag ko lalo na sa mga oras na ito.”“Bakit?” Napabuntong-hininga si Atlas.“May mga bagay akong nasabi sa kanya…”“Huh?”“At sa tingin ko hindi niya sasagutin ang tawag ko.”“Ako na lang ang tatawag sa kanya.”Umiling si Atlas. “Unless na naka-register ka sa phone niya sasagutin niya ang tawag, Miss Serena. Ngunit kung hindi naman, hindi ito makakarating sa kanya dahil may special program ang lahat ng phone na ginagamit ni Master Gabriel.”Kaagad naman naunawaan ni Serena ang ibig sabihin ni Atlas. “Ganoon ba. Pero subukan mong tawagan siya. Para din magkaroon pa tayo ng oras para mahabol siya.”Napatango na lamang si Atlas at binigay kay Serena ang phone niya.Si Serena itong tumawag, ngunit…“Parang patay ang phone niya. Uncoverage area.”“Wag naman sana na nasa loob na siya ng eroplano, Miss Serena.”Na siyang ikinatulin ni Atlas sa pagpapatakbo ng sasa
Chapter 108 Chasing after Him Naunang tumatakbo si Serena at ang sumusunod sa kanya si Atlas. Sa likod naman nito grupo ng security. Walang iniinda ang dalaga kundi maabutan si Gabriel.Hangang sa nakababa na ng hagdan si Serena at nakita na niyang papasok na si Gabriel sa eroplano nito. Saka naman nagmadaling tumakbo si Serena sa may airway.Sa hindi inaasahan ang security na sumama kay Gabriel ay napalingon sa kanila. Hindi ito ang nais nilang lumingon sa kanila kundi si Gabriel. Bakit hindi na nga lang talaga si Gabriel?!At ang mga security sinalubong sila nito.Ang laro biglang naging ‘mahuli ang siyang taya.’ At hindi nga magpapahuli si Serena.Ngunit naramdaman na ni Serena ang hapdi ng sugat niya sa kanyang tuhod at ang talampakan nga niyang walang nagpo-protekta sa kung ano man na matulis na bagay ang maapakan niya.Ilang hakbang na lang…Malapit na siya kay Gabriel…At sana sa huling pagkakataon na ito, makuha na nga niya ang pansin nito.Naitanong niya…Bakit nga ba kailang
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala