Minsan may bagay-bagay na hindi natin nais umayon kahit nga para pa ito sa atin dahil ang mas mahalaga sa atin yung katiwasayan ng lahat. Ikaw anong prinsipyo o bagay ang tinalikuran mo para sa mas nakakarami? Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
Chapter 107 Was Unfair“Uhmmm. Atlas, bakit hindi mo muna siya tawagan?”“Sa tingin ko kasi Miss Serena hindi niya sasagutin ang tawag ko lalo na sa mga oras na ito.”“Bakit?” Napabuntong-hininga si Atlas.“May mga bagay akong nasabi sa kanya…”“Huh?”“At sa tingin ko hindi niya sasagutin ang tawag ko.”“Ako na lang ang tatawag sa kanya.”Umiling si Atlas. “Unless na naka-register ka sa phone niya sasagutin niya ang tawag, Miss Serena. Ngunit kung hindi naman, hindi ito makakarating sa kanya dahil may special program ang lahat ng phone na ginagamit ni Master Gabriel.”Kaagad naman naunawaan ni Serena ang ibig sabihin ni Atlas. “Ganoon ba. Pero subukan mong tawagan siya. Para din magkaroon pa tayo ng oras para mahabol siya.”Napatango na lamang si Atlas at binigay kay Serena ang phone niya.Si Serena itong tumawag, ngunit…“Parang patay ang phone niya. Uncoverage area.”“Wag naman sana na nasa loob na siya ng eroplano, Miss Serena.”Na siyang ikinatulin ni Atlas sa pagpapatakbo ng sasa
Chapter 108 Chasing after Him Naunang tumatakbo si Serena at ang sumusunod sa kanya si Atlas. Sa likod naman nito grupo ng security. Walang iniinda ang dalaga kundi maabutan si Gabriel.Hangang sa nakababa na ng hagdan si Serena at nakita na niyang papasok na si Gabriel sa eroplano nito. Saka naman nagmadaling tumakbo si Serena sa may airway.Sa hindi inaasahan ang security na sumama kay Gabriel ay napalingon sa kanila. Hindi ito ang nais nilang lumingon sa kanila kundi si Gabriel. Bakit hindi na nga lang talaga si Gabriel?!At ang mga security sinalubong sila nito.Ang laro biglang naging ‘mahuli ang siyang taya.’ At hindi nga magpapahuli si Serena.Ngunit naramdaman na ni Serena ang hapdi ng sugat niya sa kanyang tuhod at ang talampakan nga niyang walang nagpo-protekta sa kung ano man na matulis na bagay ang maapakan niya.Ilang hakbang na lang…Malapit na siya kay Gabriel…At sana sa huling pagkakataon na ito, makuha na nga niya ang pansin nito.Naitanong niya…Bakit nga ba kailang
Chapter 109: Is Complicated to Do“Oo na! Hindi na ako maghahabol! Inyo na ang lalaking yan na ubod ng pagmamalaki sa sarili niya!” Pagpupumiglas ni Serena…At talagang nasasaktan na siya sa ginagawa nga ng mga tauhan ni Gabriel. Hinihila kahit nga kusa na nga siyang sumusunod sa mga ito. Hangang sa biglang may lumapit na tumatakbong security at may sinabi sa mga humihila sa kanya saka siya binitiwan ng mga ito na hindi naman niya kaagad nabalanse ang kanyang sarili kaya natumba siya at nanguna ngang naumpog ang pw*t niya sa semento.Pangalawang beses na iyon nangyari dahil lang sa lalaking iyon. Yung una noong nagkita sila sa lumang kapilya… At ngayon naman tuluyan na nga siyang tatalikuran nito. “Yun naman pala eh! Makikinig naman pala kayo sa sinasabi ko. Hindi niyo man lang ang sinabihan na bibitawan niyo ako ayan tuloy… Di nito ba alam kung gaano kasakit maumpog sa semento?!Tsk! Magsama-sama kayong lahat ng boss ninyong puno ng sarili niyang kayabangan!”Tumayo si Serena at pina
Chapter 110: So, He Insist Habang si Atlas naman napapa-iling na lamang sa ipinakitang drama ng dalawa. Bakit hindi na lang sila mag-usap ng maayos? Bakit sa ganitong paraan pa sila mag-uusap?Mabuti na lang talaga naharang na ng mga tauhan ni Gabriel ang mga taga-media kung hindi magandang balita ito. Binatang Billionaryo, ini-iskandalo ng isang dalaga. Bakit?Swak na swak sa balita. Pagkakaguluhan masyado ng mga chismosa.Napakamot na lamang si Atlas sa kanyang leeg. At sinundan nga niya si Serena na umiiyak ng tahimik.Napansin ni Atlas ang paa nito… Nagkasugat-sugat dahil lang sa ginawa nitong pagtakbo… Para lang maabutan si Gabriel…Ngunit ito pa nga ang luhaan.Saka bakit nga ba umiiyak si Serena kung kanina naman na nasa harapan niya si Gabriel galit na galit siya dito. Hindi nga makapaniwala si Atlas na magagawa ng dalaga na hampasin ng paperbag ang boss nila.Wala pa noon nakakagawa kay Gabriel.At hindi naman ito pinatulan ni Gabriel.At yung tuhod din ni Serena may sugat di
Chapter 111: She Needs to Comply Habang si Serena gigil na gigil sa kalokohan ni Gabriel.Bumalik? Pagkatapos magsalita nito ng mahahapdi laban sa kanya? Bakit siya babalik sa harapan ng mayabang na iyon?Hindi!Sino ba ito…At sino ba ito umiyak siya ng ganito?Kaya naman marahas nga pinunasan ni Serena sa pamagitan ng kanyang kamay ang luha sa kanyang pisngi. Saka ang hapdi at kirot na sinapit niya dahil sa mga natamo niyang sugat dahil sa paghahabol lang niya sa mayabang na iyon… Para saan ba iyon?Deserve ba ni Gabriel na habulin niya ito?Hindi.Ang mga paa niya na walang saplot ay nagkasugat-sugat dahil nga rin sa ginawa niya. Sumobra siya… Parang nawala tuloy ang respeto niya sa kanyang sarili. Hindi dapat niya iyon ginawa…Kaya sino ngayon ang luhaan at sugatan? Siya diba? At kasalanan iyon ni Gabriel.Dapat nga nilagyan na nga niya ng lason yung pagkain para nakabawi naman siya. Yun kung alam lang niya na ito nga ang mangyayari.O kung hindi, bakit noong nasa harapan niya
Chapter 112: The Reason Why “Miss Serena hindi maganda na magmatigas kayo. Kailangan niyong sumama sa akin kundi—.” Naputol ang sasabihin ni Atlas dahil umiling kaagad ang dalaga. “Ayoko. Manong wag ho kayong matakot sa kanila. Isa po akong malayang mamayanan ng bansang ito. Hindi ako criminal para tratuhin nila ng ganito. Kung ayaw ko sumama edi ayaw ko? Wala naman akong atraso sa kanila at isa pa po hindi naman sila Autoridad para din tumigil kayo. Mas maganda manong dumiretso na lang tayo sa tanggapan ng pulis para isumbong ko ang mga sira-ulong ito lalo na yung Mastermind nila. Yun diba ang nararapat na gawin hindi po ba?” Napa-iling si Atlas sa kanyang narinig kay Serena. Matigas nga ang ulo nito habang di naman niya napansin ang paglapit ng tuluyan ng isa sa mga tauhan ni Gabriel sa kanya.“Excuse me, Mister Valeza.” Kuha ng pansin ni Atlas at humarap naman kaagad siya dito.“May I?”“Teka lang. Hayaan niyo na muna ako na kumbinsihin siya.”Napatango naman ito. Kaya bahagyan
Chapter 113: Her Documents Are Ready Nang mai-akyat na si Serena sa eroplano, kaagad na naghihintay ang isang silid kung saan maari nilang ihiga roon ang dalaga. Sinigurado ni Atlas na maayos ang lahat bago pa man siya humarap kay Gabriel.At nang pumunta na siya sa harapan nito… Ngumisi si Gabriel.Alam na siguro nito kung ano ang nangyari kay Serena saka ito naman ang may utos na gawin ang bagay na iyon.“Alam mo ba kung bakit pinababalik ko ang babaing iyon?”“Sir…”“Bakit may dala nito si Serena?” At sa harapan nga niya may ilang baunan…Hindi inaasahan ni Atlas na naipagluto pa nga ng dalaga si Gabriel.“Kagabi Sir Gabriel sinabi niya sa akin na nais niya kayong makausap. Nagulat lang daw siya kagabi sa kanyang nalaman at hindi niya alam kung paano kayo haharapin.” Pagdadahilan ni Atlas. “Kaya, I secure an appointment for her sa schedule ninyo sana ngayong araw. Gusto talaga niya kayo makausap kaninang umaga at bilang peace offering sinabi niya sa akin na ipagluluto niya kayo.”
Chapter 114: For She Needs to Show Up Napakamot si Serena… At gumulong… Hangang sa tumama ang katawan niya sa malamig na bakal. Napamulat siya… Ngunit ipinikit ang kanyang mga mata dahil sumakit ang ulo niya. Napa-upo bangon… At muling iminulat ang kanyang mga mata… Nang bigla siyang mahilo…At napakasakit nito sa ulo. Hindi kaya sisipunin siya? Isa kasi iyon sa sintomas na baka nga sisipunin siya. Saka muli niyang sinubukan na imulat ang kanyang paningin sa pangatlong pagkakataon. Ngunit… Masakit talaga ang ulo niya kaya napabaluktot siya sa higaan… Hangang sa nagpagulong-gulong nga siya. Ang lambot ng higaan…At makakatulog ulit sana siya ng biglang… Binuksan niya ang kanyang mga mata ulit…Dahil parang may mali.Higaan? Natulog ba siya? At yung mga nangyari isa lang bang panaginip? Nang umangat ang paningin niya… Maliit na bintana…At napabalikwas siya ng bangon dahil napagtanto niya hindi panaginip ang mga nangyari. Na siyang ikinagulat ni Serena dahil h
Chapter 202: The Warning “…”Ipinikit na lamang ni Gabriel ang kanyang mga mata at napahilot ng sintido.“Infairness ha, curious ako kung sino si Girl.”At malayo pa nga si Serena dinig na ni Gabriel ang boses nito para maimulat ang kanyang mga mata.“Ga-Gabrielllllll!”at parehong napaligon si Venus at Gabriel sa pinangalingan ng boses.Ang ngiti ni Serena hangang tenga nito at labis ngang namamangha sa nakikita nito.“Hmmm… teka lang… Pamiliar siya sa akin?” titig ni Venus pabalik kay Gabriel. “Hindi ba siya ang pinakilalang fiancei ni Liam noong—.”“Tsk. Hindi na ngayon.”Na kaagad na nanlaki ang mga mata ni Venus.Nakalapit na si Serena bago pa man nga makapagsalita ulit si Venus.“Sobra… Ang laki pala ng bahay ninyo.” Nakasunod kay Serena ang ilang utusan at si Agatha.Tinapik ni Gabriel ang pwesto sa tabi niya at yun ang paraan nito para nga yayain na maupo si Serena.Naupo naman ang dalaga at medyo natahimik ng makita nga si Venus. Pareho silang nagkatitigan… Hangang sa nanlak
Chapter 201 To Guard Her “Aba naman. Long time no see Prince Charming.” Isang babae na napalingon nang naupo ito sa sofa. May mapaklang ngiti dahil alam na nito ang pinunta at medyo nga nagtataka din sa sinabi ng… “Tumawag ang little brother ko. Kailangan mo na naman ang service ko.”“Tsk.” Yun ang itinugon ni Gabriel sa kanya saka naupo ito sa harapan ng bisita niya.“Well, ang sasabihin ko lang naman, alam mo bang nakakaabala ka sa akin? Wala akong pakialam kung napakalaki ng network mo dahil hindi ako masaya sa pinapagawa mo sa akin.”“May sinabi na sayo si Atlas hindi ba?”“Ipagyayabang mo na naman yung tungkol sa triple kong pera na makukuha kesa sa sahod ko sa banda namin? Eww. Nakakadiri ka.”Napa-ismid si Gabriel.“Anong gusto mo burahin ko ang lahat ng detalye tungkol sa banda mo?”“Aba naman, nakakainis din talaga kung bakit natali ang pamilya namin sa mayabang na kagaya mo. Kasalanan talaga ‘to ni Atlas. Haist kung hindi ko lang talaga mahal ang little brother ko hindi ko
Chapter 200 Her Monthly “Dinalaw?” naitanong ni Gabriel na hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng doktor.Nang biglang pinagtawanan siya ng kanyang dalawang ama-amahan.“Pagdating talaga sa mga babae wala kang alam no?” dagdag na panunuya sa kanya ni Seneca. “Sabagay hindi ko din nabantayan ang tungkol sa bagay na yan.”Tinignan ng doktor ang isang utusan. “Maari mo bang ipatawag si Agatha.”Kaagad naman kumilos ang utusan at tumalikod sa kanila.“Ano ba kasi ang sinasabi ninyo?”“Oxford gusto mo bang ikaw ang magpaliwanag sa batang to ang gusto ko sa kanyang sabihin?”Napa-iling na lamang ang abogado dahil medyo napangiti nga siya sa ideya na walang alam talaga si Gabriel tungkol sa isang babae.Lumipat ulit ang paningin ni Gabriel kay Seneca. Seryoso ang mukha nito. “Maari mo naman ata sa akin ipaliwanag ng walang paligoy-ligoy, hindi ba?”Dahil ang ayaw ni Gabriel yung tipong pinaglalaruan siya sa simpleng mga bagay na hindi niya alam. Oo na, wala nga siyang alam pagdat
Chapter 199: Thoughts of Pregnancy “… Gabriel.”Tumayo si Gabriel at piniling lumabas ng silid na hindi man lang nilingon ang dalaga kahit nga paulit-ulit siyang tinawag nito. Hinabol man siya ngunit muli niya itong sinarhan ang pinto at senenyasan ang bantay na siguraduhing hindi ito makakalabas.Naglalaro sa isipan ni Gabriel kung hahayaan na nga ba niya itong makalabas sa Manor na mas ipapriority niya ang kaligtasan nito ngunit ito rin ang kaligayahan ng babaeng mahal niya.Hindi niya masabi sa dalaga na ngayon na iyong araw na hinihintay nito.Ang dumalaw lamang sa pamilya nito.Para na din magkaroon na ng katahimikan ang loob ni Serena na nasa maayos nang kalagayan ang pamilya nito.Sa paglabas niya sa Manor sinalubong siya ng sariwang hangin. Maganda ang panahon… Bughaw na bughaw ang kalangitan… At ang mga maliliit na ibon na malayang lumilipad parang nakikita niya kung sino ang sinisimbolo nito…Si Serena.Yun din naman ang nais niya para sa dalaga.Ang maging malaya…Pero is
Chapter 198: His Promised Dalawang linggo na ang nakalipas hindi parin matalo-talo ni Serena si Gabriel. Kaya ngayong umaga nagdadalawang-isip ang dalaga kung yayain pa ba niyang maglaro sila ulit ng binata.Nakaupo siya sa sofa at nakatitig sa may terrace kung nasaan si Gabriel at mayroon itong katawagan sa kabilang linya. Napakagat ng kuko si Serena. Hindi niya namalayan na ang isipan niya pinagmamasdan ang tindig at kabuhuan na pangangatawan ng binata.Hindi niya akalain na ang isang matipunong binata ay gagawin ang lahat para lang hindi siya makawala dito. Oo, sabihin na nating possessive ito masyado sa kanya. Natatakot na makalabas siya sa pamamahay nito. Isang preso na inaasam ang kalayaan niya ngunit hindi maari dahil nga hindi niya makuhakuha ang tiwala nito.Para sa kanya… Hindi naman siya tatakas kung sakali ngang hayaan siyang maging malaya nito. O sadya lang talagang nag-aalala ito sa maari niyang sabihin sa ibang tao dahil sa mga ginawa nito sa kanya.Napabuntong-hining
Chapter 197 Checkmate Hinintay ni Serena ang paglabas ni Gabriel sa banyo. Sa araw na iyon alam niyang wala sa pagpipilian na magpapatalo siya dito. Kampante dahil nagawa niyang natalo ng ilang beses ang tutor niya kahapon. Si Gabriel pa kaya na halos buong buhay ata inatupag nito ang tungkol sa kompanya. Wala itong oras para mas lalong hubugin ang sarili sa larong iyon.Napangiti siya.Ramdam na ramdam niya na kanya ang panalong ito.Nakahanda na ang board ng lumabas si Gabriel. Nilapitan siya nito na mayroong ngiti din ang labi. Naupo sa harapan niya.“Wag ka ngang ngingiti. Oo maganda ang ngipin mo pero walang dahilan para ngumiti ka.”“Nakakasigurado ka ba?”“Oo naman. Matatalo kita.”Pinili niya ang kulay puti at kay Gabriel naman yung kulay itim.“Magpapahanda na muna ako ng agahan. Kumain na muna tayo.”“Epp! Di pa ako gutom. Wag na madaming patalastas Gabriel. Maglaro na lang tayo. Kahapon ka pa.”“Inaalala lang kita Serena. I know kampante ka na matatalo mo ako but walang ka
Chapter 196 This Morning…Kinabukasan, himalang maagang nagising si Serena. Mas maaga pa kay Gabriel. Nasa tabi niya ito at hindi nga niya namalayan na tumabi ito sa kanya kagabi. Sa tuwina kasi kapag nagigising siya ng madaling araw… Wala ito sa tabi niya at nalalaman na lamang niya sa katulong na nakakatulog ito sa study room nito.Ito ata talaga ang napapala sa mga taong halos wala nang oras para matulog ng maayos. Mga bagay na pina-priority kesa sa sariling kalusugan. At kung hindi dumating si Gabriel sa buhay niya siguradong hangang ngayon nararanasan parin niyang ipagkait sa sarili ang matulog ng maayos.Mahimbing ang tulog ni Gabriel at hindi nga niya namalayan na matagal na niyang pinagmamasdan ang mukha nito.Mala-anghel na mukha.Ang mga daliri niya kusang lumapit sa pisngi ni Gabriel.Pinindot-pindot ito dahil hindi ata siya makapaniwala na kung totoo ba ito dahil sa malaporcelanang mukha nito.Palibhasa… Anak mayaman.Nang biglang nanlaki ang mga mata ni Serena dahil mulat
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas