Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 114: For She Needs to Show Up

Share

Chapter 114: For She Needs to Show Up

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2024-11-12 12:14:54

Chapter 114: For She Needs to Show Up

Napakamot si Serena…

At gumulong…

Hangang sa tumama ang katawan niya sa malamig na bakal.

Napamulat siya…

Ngunit ipinikit ang kanyang mga mata dahil sumakit ang ulo niya. Napa-upo bangon… At muling iminulat ang kanyang mga mata…

Nang bigla siyang mahilo…

At napakasakit nito sa ulo. Hindi kaya sisipunin siya? Isa kasi iyon sa sintomas na baka nga sisipunin siya. Saka muli niyang sinubukan na imulat ang kanyang paningin sa pangatlong pagkakataon. Ngunit… Masakit talaga ang ulo niya kaya napabaluktot siya sa higaan…

Hangang sa nagpagulong-gulong nga siya.

Ang lambot ng higaan…

At makakatulog ulit sana siya ng biglang… Binuksan niya ang kanyang mga mata ulit…

Dahil parang may mali.

Higaan?

Natulog ba siya?

At yung mga nangyari isa lang bang panaginip?

Nang umangat ang paningin niya… Maliit na bintana…

At napabalikwas siya ng bangon dahil napagtanto niya hindi panaginip ang mga nangyari. Na siyang ikinagulat ni Serena dahil h
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 115 And Explain Herself

    Chapter 115 And Explain HerselfIpinikit na lamang ni Gabriel ang kanyang mga mata dahil nakakarindi sa kanya sa tuwing nakakarinig siya ng tili ng babae. At kung hindi lang niya kilala ang dalaga kanina pa niya ito pinahulog sa eroplano.Sa pagmulat niya napabuntong-hininga siya at tinitigan ang dalaga na naghahalampusay sa sahig. “Anong ginagawa niyo sa akin?! Anong ginagawa ko dito?!” Na para ngang batang napapareklamo.Nais lang naman talaga ng sagot ni Serena sa tanong niyang iyon. Naguguluhan siya ng husto sa nangyayari sa kanya. Nang lumapit sa kanya si Gabriel at hindi niya namalayan ng kinuha nito ang kamay niya at pwersahan siyang pinatayo. Napakalakas nito na hindi man lang napagbigyan ng pagkakataon si Serena na iwasan ang ginawa ng binata. Ang lakas nito… Kahit ang lakas nito tipong merong autoridad sa kung ano man ang nais nitong gawin. Palibhasa, kahit nga abala si Gabriel sa kaliwa kanan na responsibilidad niya sa kompanya nagagawa parin nitong alagaan at panatilii

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • Taming the Sunshine   Chapter 116: This Man

    Chapter 116: This Man Hindi kampante si Serena sa magiging lasa ng kanyang niluto lalo na nagmadali siya gawin iyon tapos si Gabriel ang kakain? Sa tingin kasi niya ang lalaking nasa harapan niya ay yung tipong napakamaarte nga nito sa lahat ng bagay. Lalo na sa pagkain… Ngunit siya? Kahit alam ni Gabriel ang katayuan niya sa buhay bakit mas pinili parin nitong pakisamahan siya? O talagang nagkakamali lang siya sa hinuha niya tungkol sa binata. Umangat naman ang paningin ni Gabriel at ngumisi siya kay Serena. Halata naman sa dalaga na hindi ito mapakali dahil titikman niya ang gawa nito. Na sa totoo lang hindi man niya maunawaan may kung ano sa puso niya na umusbong… Masaya ang pakiramdam na iyon. Ipinagluto siya na hindi niya normal na naramdaman noon kahit naman talaga lahat ng ginagawa ng mga tauhan niya ay sigurado na magugustuhan niya ang mga inaahin nila para sa kanya. Hindi niya naramdaman ang pakiramdam niya ngayon. “Gabriel?” “Bakit naman hindi ko maaring kainin ito?

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • Taming the Sunshine   Chapter 117: Bipolar Personality

    Chapter 117: Bipolar Personality “Ano…” basag ni Serena ng katahimikan sa pagitan nila ni Gabriel.Bahagyang lamang na umangat ang paningin ng binata na nagkaroon ng ganang kumain. Hinihintay ang kasunod na sasabihin niya. “Ano kasi Gabriel… Bakit ba andito ako?” Sinalubong ni Gabriel ang paningin niya. “I told you kung ano ang rason ko Serena.” Tumaas naman ang isang kilay ng dalaga. “Kainin tong niluto mismo sa harapn mo. Na in case ngang may lason, makokonsensya ka.” “Yun lang?” “Tss. Sa tingin mo sino ba ako Serena? Hindi ba narinig ko sa bibig mo na pinagmamalaki mo ako noon masyado? Gabriel? Ang billionaryong binata sa bansa natin. In case man nga mayroong lason ang pagkain na ‘to, ayaw mo noon ikaw lang naman ang pumatay ng hinahangaan mong billionaryo.” “Hindi kita hinahangaan saka kailan pa ako naging mamatay tao? Imagination mo, ayusin mo.” Subo ni Serena ng pagkain. “Saka hindi yan ang tinutukoy ko. Bakit kailangan na andito ako sa eroplanong ito at saan mo ba

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • Taming the Sunshine   Chapter 118: Is Covering with Pride

    Chapter 118: Is Covering with PrideHabang si Gabriel nanatili sa hapag at ipinikit ang kanyang mga mata. Napahilot sa sintido nang bigla na lamang napamura ng malakas. “…Mas mabuti pa palang mahalin niya si Liam. Tsk. Kalokohan.”Nang lumapag ang eroplano, hindi kaagad ipinaalam kay Serena dahil hindi nga nito ginagalaw ang sapatos na binibigay sa kanya. “Miss Serena…” Napatango ito. Hindi na umiiyak pero parang wala sa sarili. “Mamaya lang lalapag na ang eroplano. Isuot niyo na po ito.” Nakikiusap na sinabi ng stewardess. Napatitig sa sapatos si Serena… Minsan na iyon na nagawa ni Justine sa kanya… Yung alaalang yun… Hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon, ang paningin sa kanya ay basura. Sino ang hindi maiiyak? Ngunit walang magagawa si Serena kundi tangapin sa huling pagkakataon ang inaabot nga pag-alala ni Gabriel sa kanya. Nang maisuot niya ito, nalaman niyang maari na siyang lumabas ng eroplano. Naghihintay sa kanya sa may pintuan si Atlas. Napatango

    Huling Na-update : 2024-11-13
  • Taming the Sunshine   Chapter 119: To Be Sure

    Chapter 119: To Be SureKaagad na nahanap ng mga tauhan ni Oxford si Gabriel sa isang night club at doon nga nagpapakakalasing na nagbabakasakaling makalimutan ang mga salitang paulit-ulit na kumakatok sa kanyang isipan. Nang di na nito kinaya pa bago pa man siya bumagsak sa kina-kaupuan kaagad na nagsidatingan ang mga tauhang nagmamasid lamang para sa securidad niya. Maingat na inilabas siya sa lugar para maiwasan makuha ang attention ng ibang tao lalo na ng mga taga-media. Ang mga pagbabagong ginagawa ni Gabriel sa sarili nito ay maghahatid ng pagtataka sa mga taong nagmamasid lamang sa kanya. Maari ring malaman ng mga ito ang kahinaan niya na siyang ito naman talaga ang pakay ng mga ito. Si Serena…Ang dalaga…Ang dalaga ang siyang kasalukuyan na kahinaan ng binata na hindi na mismo sa sarili niya ay hindi niya napapansin. Ayaw man ni Gabriel na masali ito sa magulo niyang buhay ngunit huli na ang lahat para doon. Matagal nang nasali si Serena sa buhay niyang hilaw kapag wa

    Huling Na-update : 2024-11-13
  • Taming the Sunshine   Chapter 120 Of His Silliness

    Chapter 120 Of His SillinessMabigat ang pakiramdam ni Gabriel ng imulat niya ang kanyang mga mata. Masakit ang kanyang ulo. At ang katawan niya napakabigat. Tsk. Sinubukan niyang bumangon ngunit kaagad naman siya nahilo. Kaya naman nanatili siya ng ilang minuto sa higaan ngunit napamulat ulit dahil sa napakasariwang alaala na siyang dahilan kung bakit nga siya… Nagpakalasing. Napamura si Gabriel.Mamahalin na lang pala ni Serena si Liam dahil mabuti naman itong tao. Tsk. “Napakasinungaling siguro.” At napatitig siya sa bintana… na siyang pamiliar sa kanya… Ang silid niya… Nasa loob siya ng kanyang silid. Natitiyak niya na mga tauhan ng dalawa niyang ama-amahan ang sumundo sa kanya. At muli na naman bumulong sa kanya ang mga salitang binitiwan ni Serena. Kaya naman mas minabuti niyang bumangon kahit nga nahihirapan. Nais niyang makalimutan ang mga salitang iyon. Kung hindi baka may masama pa siyang magawa laban sa dalaga. Yun ang ayaw niyang mangyari. Ewan nga ba niya

    Huling Na-update : 2024-11-13
  • Taming the Sunshine   Chapter 121 Not to Make Havoc

    Chapter 121 Not to Make Havoc Kinabukasan ng magising nga si Gabriel… Lumala ang nararamdaman niya. Parang patay na siya sa lagay na iyon… Ngunit nagagawa parin niyang imulat ang kanyang mga mata. At napansin niya na may gumamot ng kamay niya kagabi… Bumukas ang pinto ng kanyang silid… Nang makita siya ni Agatha kaagad itong ngumiti ulit at binati siya ng…“Magandang umaga Master Gabriel.” Napamura sa isipan si Gabriel. Ano ba ang maganda sa umagang iyon?Wala. “Nasaan si Oxford at Seneca?” Ang naitanong na lamang niya dito.“Nasa lanai sila.” “Ganito kaaga?” Ngunit napatitig ang Mayordoma sa orasan na nasa nightstand, sinundan naman ni Gabriel ang paningin nito… Akala niya… Maaga pa… Nagkakamali siya. Ilang minuto na lang tanghali na. “Yun din ang sinabi nila kagabi na kapag nagising ka at hinanap sila doon mo sila matatagpuan, Master Gabriel. Nga pala anong gusto mong pananghalian?” Ngunit bago pa man lumingon ito sa kanya bumangon na si Gabriel at pumunta

    Huling Na-update : 2024-11-13
  • Taming the Sunshine   Chapter 122 Anxious

    Chapter 122 AnxiousPagdating na pagdating ni Serena sa tapat ng bahay nila napabuntong hininga na lamang siya. Ang bahay na iyon ay ibang tao ang naghirap para maibigay lamang yun sa kanila.Si Liam… Hindi niya masasabing bahay nga nila iyon. Saka bakit nga ba nagagalit siya kay Gabriel kung totoo naman ang sinabi nito? At kung naninikip man ang dibdib niya sa sakit na kanyang nararamdaman deserve lang ata niya ito. Masyadong mataas ang kanyang pride. Hindi man lang niya magawang akuin ang mga sinabi sa kanya ni Gabriel dahilan upang nakakaramdam siya ng bugso ng damdamin na hindi nga niya maunawaan. Tahimik na lamang siyang pumasok ng bahay. “Sera…” Si Rozzie na may sasabihin sa kanya pero natigilan dahil may kung anong nakita nga sa kanyang mukha. Kaya ngumiti na lang si Serena ng pilit at umakyat na ng hagdan. At bago pa man siya maka-akyat…“Bakit ka umiiyak?” Natigilan siya. At mayroong napa-ubo… Paglingon niya si Rozzie nasa ibaba at ang kuya Ryan niya nakatitig

    Huling Na-update : 2024-11-13

Pinakabagong kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 195 That bad...

    Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit

  • Taming the Sunshine   Chapter 194 Death Hope

    Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas

  • Taming the Sunshine   Chapter 193 Don’t Provoke Him

    Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k

  • Taming the Sunshine   Chapter 192 Why Him?

    Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma

  • Taming the Sunshine   Chapter 191 Too Mean

    Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy

  • Taming the Sunshine   Chapter 190 Talked With

    Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um

  • Taming the Sunshine   Chapter 189 Lexie? Her Tutor

    Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da

  • Taming the Sunshine   Chapter 188 Sabotaging Her?

    Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang

  • Taming the Sunshine   Chapter 187 Mrs. Gabriel Aquinas

    Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status