May warning na si Amara kay Liam. Ahahaha. At marami na ang nakakahalata kung para kanino nga ba si Serena. Ngunit ang mga bida natin talagang nalilito pa sa mga nararamdaman nila. Ang tanong paano ba narerealize ng isang tao na nagmamahal siya? Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
Nang bumalik si Gabriel naramdaman kaagad ni Seneca ang hindi magandang awra nito. Kung ang titig ni Gabriel kay Serena ay nais magkaroon ng malaking puno sa pagitan ng dalaga at ni Liam para hindi niya ito makitang magkatabi… Ang kay Liam naman parang nais niya itong maglaho.Inamin ni Gabriel na kaibigan lang ang turing niya sa dalaga kaya dapat diba kahit paano magpansinan itong dalawa? Ngunit bakit parehong naiilang ang dalawa? Bakit kung tratuhin nito ang bawat isa parang hindi pa sila nagkita o magkakilala?Hindi…Ang dalaga ang naiilang…At ang pagmumukha ni Gabriel parang kanina pang binuro sa asin.Asar na asar na ito…Ngunit mas piniling manahimik kahit gigil na gigil.At ang inaakala ng mga taong nasa paligid nila normal ito kay Gabriel sapagkat yun naman ang nakikita nila parati sa binata, parang hindi maloloko nino man.Dahil sa sinabi ni Liam tuluyan ngang hindi nawala ang paningin ng mga tao sa kanya. Balak na ngang yayain ni Liam na magpakasal sila ni Serena.Kapag nang
“Iha, Serena ang pangalan mo hindi ba?” Si Seneca na kinuha nga ang pansin ni Serena. “Galing sa pamilyang Madison.” Nagulat man ang dalaga ngunit napatango siya. Nagulat siya dahil direkta siyang tinanong nito saka paano nalaman nito ang pangalan niyang buo kung hindi naman nabangit kanina sa pinag-uusapan.Lihim na napabuntong hininga si Serena.Sinabi sa kanya ni Liam na malapit ang lalaking iyon kay Gabriel.Sa totoo lang ang mga tao na nasa mesang yun… Ay wala siyang kalevel… Napakababa niya, kumpara sa mga ito.“Hindi naman siguro masamang magtanong sayo.” Ang titig ng doktor hindi man lang naputol kay Serena.“Po? Ahh di naman po.” Napatango si Serena… Ngunit kinakabahan siya. Wala naman siyang choice kundi tangapin ang itatanong nito.Pero bago pa man makapagtanong si Seneca…“Bagay na bagay sila ni Liam, hindi ba Seneca?” Si Misis Lim.Napatango si Seneca.“Sa nakikita ko, malambing at mabait na dalaga si Serena.”“Ako din. Yun ang nauna kong napansin sa kanya.” Segundo nga
At habang nasa sasakyan, hindi mapakali si Seneca. “Sigurado naman na nahalata mo si Gabriel kanina.”“Kung ibang tao ang iisipin na naiilang si Gabriel dahil ang katabi niya ay babae. Ngunit magugulat din dahil wala man lang ginawa ito para iwasan yung dalaga.”Napatango si Oxford.“Kakaiba ang kinikilos ni Gabriel. Naiinis siya… At ngayon, anong klaseng Gabriel ang madaratnan natin si Manor. Isang torpe.”“Ngunit Seneca, hindi ko inaasahan na magtatanong ka ng bagay na nakakamatay sa dalaga?” Baling ng abogado sa kanyang kaibigan.“Haist. Tinanong ko lang yun para malaman ko kung may pag-asa pa ba ang alaga natin sa kanya. Halata naman na hindi niya gusto si Liam. Ang tanong kung hindi niya mahal si Liam, anong dahilan para manatili siya dito? Hindi ba ang sagot, pera, Oxford?”“Hmmm. Ngunit hindi. Sa tingin ko may malalim pang dahilan. At sa tingin ko rin may alam si Gabriel tungkol sa bagay na yan, Seneca.”“Siguro nga.” Napatango ang doktor. “Sa tingin mo rin ba may gusto talaga s
Napalunok si Serena ng dumaan siya kay Gabriel at pilit na hindi pinakingan ang sinabi nito. Ngunit may kung ano sa kanya na nagwawala at nais ngang pigilan siya sa kanyang ginagawa. Bakit kasi pakiramdam niya hindi siya makahinga?At ng makabalik nga siya kung nasaan si Liam, nagising siya sa kanyang sarili. Hindi ba mas komportable siya sa presensya ni Gabriel… kesa kay Liam? Ngayon ano itong ginagawa niya? Bakit yung binata na nagbibigay ng katahimikan sa kanya ang iniiwasan niya?Ngumiti si Liam ng makita siya. Tumayo ito at hinila ang upuan niya kanina…Lumapit na lamang si Serena at naupo sa tabi nito.Maya-maya lang sumunod na bumalik si Gabriel… Narinig niya itong huminga ng malalim ng makaupo sa tabi niya. Siya? Muling napalunok ng laway ulit.May galit sa mga mata ni Gabriel… Iyon ang nakikita niya sa baso na nakukuha ang refleksyon nito. Nakatitig doon si Serena. Hangang sa tumama ang paningin din ni Gabriel sa basong iyon…Pareho silang nagkatitigan…Hangang sa iniwas nga n
Sa loob ng sasakyan… halos mangiyak at matawa siya sa kanyang sarili. Pero ang importante ngayon nakahinga siya ng malaya.Natatawa siya sa kanyang sarili ay dahil bakit pinipilit niya ang sarili sa mga taong hindi naman siya malayang makakahinga? Hindi naman niya kalevel at higit sa lahat mga mata nga nitong puno ng mga pamimintas. Oo alam niya na galing siya sa mahirap na pamilya at hindi naman siya nagkukunwari na mayaman diba? Ang problema lang kasi kusang yung mga taong may kakayanan sa lipunan ang lumalapit sa kanya at pinaparanas ang mga bagay-bagay sa kanya na hindi dapat.At naiiyak siya dahil pakiramdam niya pagod na pagod na siya at hindi naman talaga niya gusto ang ginagawa niya ngayon.Napabuntong-hininga na lamang si Serena at sinubukan ngang basagin ang katahimikan ng kanyang kasama. Seryoso ito na ilayo nga siya sa lugar na iyon.“Atlas… Yung ginawa ko kanina…” Huminga si Serena ng malalim. “Sa tingin mo ba nagalit siya sa akin? Yung boss mo? Si Gabriel?”Lumingon si A
Umakyat na nga lang si Serena sa kanyang silid… At pagpasok na pagpasok niya kaagad niyang binato sa tabi ang dalang sapatos at kaagad nahiga sa kama.Yung tipong lahat ng kanyang stress at tension kanina naiwan sa labas ng pinto at nais nga lang niyang yakapin ang unan saka ipikit ang mga mata. Kalimutan nga ang tungkol sa nangyayari sa kanyang buhay. Napapagod na rin kasi siya ng husto… Kung minsan nga hinihiling niya na sana matagal pa dumating ang panibagong umaga. Dahil ang panibagong umaga sa kanya ay panibagong malinis na papel na kailangan na naman niya punuin ng sari-saring emosyon.‘Nakakapgod rin talaga… Sobra.’Pero kailangan niya imulat ulit ang kanyang mga mata at bumangon sa takot na tuluyan siyang makatulog na hindi man lang nga inaasikaso muna ang sarili. Pakiramdam niya kasi parang ang dumi-dumi niya at ang isipan niyang magulo para mapanatag kailangan nga niyang linisin ang sarili. Bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos. Pero ng makita niya sa salamin ang muk
Chapter 101: Yes, He Might Will… Hinayaan lang nila Seneca at Oxford si Gabriel na gawin ang gusto nito. Ang magpakalasing… At malunod sa mga iniisip. Kailan pa nga natuto na manatili si Gabriel sa kanyang iniisip? Halos lahat kasi ng iniisip niya kaagad niyang ginagawa para matapos na. Ngunit ngayon parang may kung anong pumipigil sa kanya upang gawin ang bagay na naglalaro sa kanyang isipan.Sa ayaw niyang maging makasarili.“Hahayaan niyo lang ba siya?” Ang tanong ni Agatha.“Wala eh. Sarado ang kanyang isipan.” Si Seneca. “Maari mo ba kaming igawa ng tsaa, marami kasi kaming pag-uusapan ni Oxford.”Napatango ang Mayordoma at kaagad naman kumilos.Ang dalawang ama-amahan naman ni Gabriel dumiretso sa kanilang paboritong tambayan kung saan dati-rati tatlo silang pumupunta doon, si William.Kaagad naman sumalubong sa kanila ang sariwang malamig na hangin na makakatulong nga din kay Seneca para kumalma. Naging abala muna si Oxford sa kanyang katawagan bago nga ulit hinarap ang kaibi
Chapter 102: Considered Kahit nga masyado nang malalim ang gabi ng matulog si Serena nagising parin siya ng maaga. Kailangan niya mamalengke ng maaga para makakuha ng sariwang sangkap na gagamitin niya para ipagluto nga si Gabriel.Gabriel Aquinas… Ang binata na tinitingala ito ng karamihan. Kaya naman gagawin ng dalaga ang lahat para nga maipagluto niya ito ng masarap at sana hindi siya mabigo na hindi nito magustuhan ang putaheng lulutuin niya.Palabas na siya ng bahay ng biglang…“Ang aga mo atang nagising? Saan ka pupunta?”Napalingon si Serena at ang Kuya Ryan niya na parang mag-jojogging ata ito dahil sa suot nito. Talagang naninibago si Serena. Parang hindi na ito yung kapatid niya. Parang may kung anong spirito na sumanib sa katawan nito para magkaroon ng malaking pagbabago.“At kailan ka pa Kuya Ryan simula nag-jojogging?”“Ang sagutin mo ang tanong ko.”“Mamalengke ako.” Tumaas ang isa niyang kilay. “At magluluto ako.”“Samahan na kita.”“Naku Kuya, hahaha. Ako na lang ha.
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy