Torpe, salitang para sa mga taong duwag na ipagtapat ang nararamdaman nila, ngunit kung minsan yang mga Torpe sila yung taong may malaking respeto sa taong minamahal nila. Hindi lang sa pagmamahal pati rin sa mga nangyayari sa kanyang paligid na kung minsan pinipili na lamang manahimik. Ikaw, kailan ka naging torpe sa nararamdaman mo? Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
At habang nasa sasakyan, hindi mapakali si Seneca. “Sigurado naman na nahalata mo si Gabriel kanina.”“Kung ibang tao ang iisipin na naiilang si Gabriel dahil ang katabi niya ay babae. Ngunit magugulat din dahil wala man lang ginawa ito para iwasan yung dalaga.”Napatango si Oxford.“Kakaiba ang kinikilos ni Gabriel. Naiinis siya… At ngayon, anong klaseng Gabriel ang madaratnan natin si Manor. Isang torpe.”“Ngunit Seneca, hindi ko inaasahan na magtatanong ka ng bagay na nakakamatay sa dalaga?” Baling ng abogado sa kanyang kaibigan.“Haist. Tinanong ko lang yun para malaman ko kung may pag-asa pa ba ang alaga natin sa kanya. Halata naman na hindi niya gusto si Liam. Ang tanong kung hindi niya mahal si Liam, anong dahilan para manatili siya dito? Hindi ba ang sagot, pera, Oxford?”“Hmmm. Ngunit hindi. Sa tingin ko may malalim pang dahilan. At sa tingin ko rin may alam si Gabriel tungkol sa bagay na yan, Seneca.”“Siguro nga.” Napatango ang doktor. “Sa tingin mo rin ba may gusto talaga s
Napalunok si Serena ng dumaan siya kay Gabriel at pilit na hindi pinakingan ang sinabi nito. Ngunit may kung ano sa kanya na nagwawala at nais ngang pigilan siya sa kanyang ginagawa. Bakit kasi pakiramdam niya hindi siya makahinga?At ng makabalik nga siya kung nasaan si Liam, nagising siya sa kanyang sarili. Hindi ba mas komportable siya sa presensya ni Gabriel… kesa kay Liam? Ngayon ano itong ginagawa niya? Bakit yung binata na nagbibigay ng katahimikan sa kanya ang iniiwasan niya?Ngumiti si Liam ng makita siya. Tumayo ito at hinila ang upuan niya kanina…Lumapit na lamang si Serena at naupo sa tabi nito.Maya-maya lang sumunod na bumalik si Gabriel… Narinig niya itong huminga ng malalim ng makaupo sa tabi niya. Siya? Muling napalunok ng laway ulit.May galit sa mga mata ni Gabriel… Iyon ang nakikita niya sa baso na nakukuha ang refleksyon nito. Nakatitig doon si Serena. Hangang sa tumama ang paningin din ni Gabriel sa basong iyon…Pareho silang nagkatitigan…Hangang sa iniwas nga n
Sa loob ng sasakyan… halos mangiyak at matawa siya sa kanyang sarili. Pero ang importante ngayon nakahinga siya ng malaya.Natatawa siya sa kanyang sarili ay dahil bakit pinipilit niya ang sarili sa mga taong hindi naman siya malayang makakahinga? Hindi naman niya kalevel at higit sa lahat mga mata nga nitong puno ng mga pamimintas. Oo alam niya na galing siya sa mahirap na pamilya at hindi naman siya nagkukunwari na mayaman diba? Ang problema lang kasi kusang yung mga taong may kakayanan sa lipunan ang lumalapit sa kanya at pinaparanas ang mga bagay-bagay sa kanya na hindi dapat.At naiiyak siya dahil pakiramdam niya pagod na pagod na siya at hindi naman talaga niya gusto ang ginagawa niya ngayon.Napabuntong-hininga na lamang si Serena at sinubukan ngang basagin ang katahimikan ng kanyang kasama. Seryoso ito na ilayo nga siya sa lugar na iyon.“Atlas… Yung ginawa ko kanina…” Huminga si Serena ng malalim. “Sa tingin mo ba nagalit siya sa akin? Yung boss mo? Si Gabriel?”Lumingon si A
Umakyat na nga lang si Serena sa kanyang silid… At pagpasok na pagpasok niya kaagad niyang binato sa tabi ang dalang sapatos at kaagad nahiga sa kama.Yung tipong lahat ng kanyang stress at tension kanina naiwan sa labas ng pinto at nais nga lang niyang yakapin ang unan saka ipikit ang mga mata. Kalimutan nga ang tungkol sa nangyayari sa kanyang buhay. Napapagod na rin kasi siya ng husto… Kung minsan nga hinihiling niya na sana matagal pa dumating ang panibagong umaga. Dahil ang panibagong umaga sa kanya ay panibagong malinis na papel na kailangan na naman niya punuin ng sari-saring emosyon.‘Nakakapgod rin talaga… Sobra.’Pero kailangan niya imulat ulit ang kanyang mga mata at bumangon sa takot na tuluyan siyang makatulog na hindi man lang nga inaasikaso muna ang sarili. Pakiramdam niya kasi parang ang dumi-dumi niya at ang isipan niyang magulo para mapanatag kailangan nga niyang linisin ang sarili. Bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos. Pero ng makita niya sa salamin ang muk
Chapter 101: Yes, He Might Will… Hinayaan lang nila Seneca at Oxford si Gabriel na gawin ang gusto nito. Ang magpakalasing… At malunod sa mga iniisip. Kailan pa nga natuto na manatili si Gabriel sa kanyang iniisip? Halos lahat kasi ng iniisip niya kaagad niyang ginagawa para matapos na. Ngunit ngayon parang may kung anong pumipigil sa kanya upang gawin ang bagay na naglalaro sa kanyang isipan.Sa ayaw niyang maging makasarili.“Hahayaan niyo lang ba siya?” Ang tanong ni Agatha.“Wala eh. Sarado ang kanyang isipan.” Si Seneca. “Maari mo ba kaming igawa ng tsaa, marami kasi kaming pag-uusapan ni Oxford.”Napatango ang Mayordoma at kaagad naman kumilos.Ang dalawang ama-amahan naman ni Gabriel dumiretso sa kanilang paboritong tambayan kung saan dati-rati tatlo silang pumupunta doon, si William.Kaagad naman sumalubong sa kanila ang sariwang malamig na hangin na makakatulong nga din kay Seneca para kumalma. Naging abala muna si Oxford sa kanyang katawagan bago nga ulit hinarap ang kaibi
Chapter 102: Considered Kahit nga masyado nang malalim ang gabi ng matulog si Serena nagising parin siya ng maaga. Kailangan niya mamalengke ng maaga para makakuha ng sariwang sangkap na gagamitin niya para ipagluto nga si Gabriel.Gabriel Aquinas… Ang binata na tinitingala ito ng karamihan. Kaya naman gagawin ng dalaga ang lahat para nga maipagluto niya ito ng masarap at sana hindi siya mabigo na hindi nito magustuhan ang putaheng lulutuin niya.Palabas na siya ng bahay ng biglang…“Ang aga mo atang nagising? Saan ka pupunta?”Napalingon si Serena at ang Kuya Ryan niya na parang mag-jojogging ata ito dahil sa suot nito. Talagang naninibago si Serena. Parang hindi na ito yung kapatid niya. Parang may kung anong spirito na sumanib sa katawan nito para magkaroon ng malaking pagbabago.“At kailan ka pa Kuya Ryan simula nag-jojogging?”“Ang sagutin mo ang tanong ko.”“Mamalengke ako.” Tumaas ang isa niyang kilay. “At magluluto ako.”“Samahan na kita.”“Naku Kuya, hahaha. Ako na lang ha.
Chapter 103: What He Does Bitbit ni Ryan ang pinamili ni Serena kaagad naman sila pinagbuksan ng gate ni Allison.“Kasama mo si Kuya?”“Oo, at pinamili ka din niya ng prutas mo.”Saka lumingon si Serena kay Ryan na medyo napa-ismid sa sinabi niya. Medyo kasi hindi parin matangap ni Ryan kung ano ang nangyari kay Allison. Saka nga napagtanto ni Serena kung bakit bigla ngang nagbago si Ryan. Yung tungkol sa nangyari kay Allison. May pagsisi din ata si Ryan sa sarili kung bakit nagkaganoon ang kapatid niya.“Kuya, nasaan yung prutas para kay Allison?”“… Sa loob.” Na dumiretso na nga sa loob ng bahay si Ryan.Nilapitan naman ni Serena si Allison at inakbayan ito. “Madaming biniling prutas si kuya para sayo, para kapag lumabas ang baby mo, healthy kayo pareho.”“… Si Kuya, galit siya sa akin.” Mahinang sagot ni Allison.“Hindi siya galit sayo. Pero kung yan ang nararamdaman mo na mabigat sa dibdib sa tingin ko may bagay na kailangan mong ikahingi ng kapatawaran kay Kuya Ryan. Mag sorry ka
Chapter 104: Leaving the Country “Aalis na ng bansa si Master Gabriel…”Bahagyang natigilan si Serena sa narinig niya sa kabilang linya. Kung anong mabigat na bumulusok sa kanyang dibdib. Hindi siya makahinga ng maayos.Si Gabriel aalis ng bansa…At sa tingin ni Serena normal lang naman ito sa isang negosyante na kagaya ni Gabriel.“Kailan siya uuwi? Saka ko na lang ibabalik yung mga gamit niya.”“Wala siyang sinabi. Ngunit kompirmado na matagal siyang babalik dito. Six to seven years Miss Serena.” At nabitawan nga ni Serena yung kutsara.Biglang nahihirapan siya makahinga. May kung anong kirot na bumabagabag sa kanyang dibdib.“Ga-ganoon ba? Mag-iingat na lang siya parati.”Dahil sino naman siya para pigilan ito kung naisin man niya, walang-wala siya sa kalingkingan ni Gabriel.“Miss Serena, sa tingin ko kailangan mo siya pigilan. Ang dahilan kung bakit siya aalis ay dahil sa iyo.”Nanlaki ang mga mata niya.Tama ba ang kanyang narinig?Dahil sa kanya, aalis si Gabriel na parang isan
Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an
Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka
Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n
Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma
Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena
Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti
Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa
Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n
Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit