Chapter 163: Wife to be Kinabukasan, maaga parin nagising si Gabriel kahit nga halos dalawang oras lamang ang tulog niya. Kaagad siyang lumabas sa silid at sa paglabas niya isang katulong na babae ang lumabas sa silid ni Serena. Yun ata ang inutusan ng Mayordoma na manatili sa silid kasama ito.“Magandang umaga Master Gabriel.”“Gising na ba siya?”“…” Umiling ito. “Tulog parin po si Miss Serena.”Kaya binuksan ni Gabriel ang pinto at pumasok siya. Nakita nga niyang mahimbing parin ang tulog nito. Humihiling na sana kahit paano naibsan ang sama ng loob nito sa kanya.Hinalikan niya ito sa noo at dumiretso na ng walk-in closet para magpalit ng damit. Sa kailangan niya ng sariwang hangin… Saka nakaligtaan na nga niyang gawin ang ginagawa niyang pag-eersisyo tuwing umaga.Tama lang na bigyan niya ng oras iyon.Pumasok siya sa isang silid kung nasaan lahat ng exercise equipment naroroon. Ngunit sa kalagitnaan ng pag-eersisyo niya, muli siyang ginimbala ng isang utusan upang sabihin na n
Chapter 164: The Way He Cherished the Moment Natigilan si Serena sa ginawa niya… Kung maibabalik lamang ang oras hindi na niya hinayaan pa ang sarili na batuhin si Gabriel upang makuha muli niya ang attention nito.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagdasal na wag sanang patulan pa ng binata ang ginawa niya.May saglit na katahimikan sa buong silid… Hangang sa iminulat ni Serena ang kanyang mga mata at halos tumalon ang puso niya dahil… Malapit na malapit ang mukha ni Gabriel sa kanya. Sa sobrang gulat bigla niya itong nasampal.Hindi rin talaga maikaka-ila na masyado siyang mapanakit…“So-Sorry. Hi-Hindi ko sadya. Ikaw kasi… biglang ang lapit mo sa akin. Hindi ko man lang narinig na nasa harapan kita ulit.”Hinimas ni Gabriel ang pisnging nasampal ni Serena.“Ano… Wag mo na ako pansinin… Makakaalis ka na.” At tatalikod na sana si Serena ng biglang hinugot muli ni Gabriel ang kamay niya upang mapaharap siya dito.“…”“Gabriel…”“Attention. Right?” At muling hinila ni Gabriel si S
Chapter 165: Anxious Maya-maya dumating na ang agahan nila. Kusang bumangon si Serena at hindi na siya naghintay na yayain pa. Gutom na talaga siya… At simula kagabi at ngayon… Parang bigla siyang naging matakaw.Nakakapagtaka nga… At pansin niya iyon.Speaking of napansin… Lumingon siya sa sofa naroon parin si Gabriel. Tinitignan parin nito ang bakas ng kanyang ngipin. Napa-iling na lamang si Serena sa kanyang sarili.‘Talaga naman oh… Bahala siya, kakain na ako. Sa gutom na ako, eh.’ At kaagad na pinagsilbihan ang kanyang sarili.Nang susubo na siya… Bigla siyang napabuntong-hininga. Nilingon si Gabriel at…“Hoy mister, yan na ba ang magiging agahan mo? Ha Gabriel?” tipong siya ang nagmamay-ari ng mansion sa tono ng kanyang boses. Tipong siya ang nanay nito.“Eh kulang pa yan. Hindi ka pa niyan mabubusog. Anong gusto mo dagdagan pa natin?”Nang mahuli na ni Serena ang kanyang sarili na nagsusungit natigilan siya. Sino ba siya para magsungit na wala naman sa kanyang teritoryo? Hindi
Chapter 166: He Gone Again Kung dati rati mahalaga ang bawat patak ng segundo para kay Serena ngayon naman halos lumilipas ang oras na walang kabuluhan ang ginagawa niya.Nagsasayang siya ng oras…At mahirap iyon sa kanya.“Ano ba ang ginagawa ni Gabriel sa akin?” tanong niya sa refleksyon niya sa salamin. “Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako maghahabol dahil sa nangyari sa amin. Saka pinatawad ko na siya at hindi ako magsusumbong sa kahit na sino… Wala ba siyang tiwala sa akin? Ayaw ba niya maniwala sa akin? Inis naman oh,”“Tsk. Ano ba kasi ang inaalala mo?” na halos parang malalaglag ang puso ni Serena dahil ang nasa likuran niya ngayon ay si Gabriel.Napaharap siya dito.“Nanaginip ba ako o nakauwi ka na?” Ngunit ang itinugon ni Gabriel ay iling na medyo hindi nga nito nagustuhan ang narinig kay Serena.Tumalikod na lamang ang binata na siyang sinundan nga ito ni Serena.“Gabriel… Kailangan ko umuwi sa amin. Eh nag-alala na sila sa akin lalo na si tatay. Alam mo naman na may sa
Chapter 167: Her TutorWala nagawa sa buong maghapon si Serena kundi manuod ng mga pelikula na halos humapdi ang kanyang mga mata sa kakaiyak o kaya mamaos ang lalamunan niya dahil sa kakatawa. Gustong-gusto niya yung nakukuha ang emosyon niya… Wag lang ang matakot siya.Oo, sa lahat ng pelikula, horror genre ang kinakatakutan niya. Noon sinubukan niyang manuod ng mga nakakatakot at sa huli siya itong nahirapan na halos isang linggo siya hindi makatulog ng maayos.At ayon na din sa habilin ni Gabriel kay Agatha, may tatlong bagay na ipinagbabawal kay Serena.Bawal manuod ng balita…Bawal gumamit ng mga communication device…At higit sa lahat bawal siyang lumabas sa silid na iyon.Napabuntong-hininga na lang si Serena.Ang iniisip na lamang niya…Ang mga preso nga pwede humingi ng parole… Siya pa ba? Hindi nawawalan si Serena na balang araw nga magsasawa din si Gabriel sa kanyang presensya. Ngunit paano naman ito magsasawa sa kanya kung palagi naman itong wala.“Miss Serena.” napalingo
Chapter 168: Buy Sometime Dahil pumayag si Serena na turuan siya tungkol sa sining, ayun buong maghapon pinakilala ni Lexie kay Serena ang lahat ng tao sa likuran ng kasaysayan ng sining. Halos napapahikab si Serena dahil nakaka-antok iyon…Saka kalian pa siya nacurious sa mga taong nasa likuran ng mga sikat na painting?‘Isang painting lang ang sobrang mahal… Hindi naman yun makakain?’Dahil nahihiya ang tutor niya na sitahin siya… Namalayan na lamang ni Serena nakatulog siya.“Leonardo Da Vin— Miss Serena?”At nang magising si Serena, naramdaman niya kaagad ang hilo ulit. Naalala niya tuloy noong unang sumakay siya sa sasakyan ni Gabriel…At sa tingin niya… Masusuka siya.Kaya dumiretso ng banyo at inilabas ang sama ng loob ng tiyan niya.Ang pinaka-ayaw niya sa lahat… Ang magsuka. Kasi feeling niya napakahina ng katawan niya.May masama ba sa kinain niya? O masyado ba siyang magalaw kaya bigla na lang may kailangan na ilabas ang kanyang tiyan?“Miss Serena… May problema po ba?” ta
Chapter 169 His Scent Bumaba si Gabriel sa sasakyan sinalubong siya ni Agatha at mga kasamahan nito. Kaagad na umangat ang paningin niya kung nasaan ang babaing gumugulo ng kanyang isipan habang nasa trabaho siya. Kung minsan natutulala na lang siya habang tinitignan ang bakas ng kinagat nito sa kanya.At habang lumilipas ang oras nawawala na rin ang bakas.“Kamusta siya?” tanong niya kay Agatha. Agad naman nakuha nito ang ibig niyang sabihin.“Nagsimula na si Miss Lexie na turuan si Miss Serena kung ano man ang ibigin niya. Medyo nga lang pabago-bago ang isipan ni Miss Serena sa nais niyang matutunan ngunit mas mabuti na iyon pangpalipas oras kesa nga wala siyang ginagawa.” habang naglalakad sila papasok ng Manor.Napatango si Gabriel.“Kumain na ba siya?”“Hindi pa. Sasabay na ba kayo maghapunan?”Tumango si Gabriel at nang nasa tapat na siya ng pintuan ng silid kaagad itong binuksan.Bumukas ang pinto at napalingon kaagad si Serena sa kanya. Bahagyang ngumiti ang dalaga sa kanya n
Chapter 170 Nothing to Worry Ngunit nagising si Serena halos lumampas na ang hating-gabi at ala una nga ng umaga. Pawis na pawis siya kahit nga malamig ang silid. Hindi rin niya maalala kung ano ang kanyang panaginip na ang dahilan kung bakit pawis na pawis.Pina-ilaw niya ang lampshade at napaupo bangon. Kinakalma ang kanyang sarili dahil hingal na hingal nga siya. Hirap din siya huminga na tila ba may kung anong sumasakal sa kanya.Nang biglang nagising ang katabi niya… Si Gabriel.“What’s wrong?” umangat ang paningin nito at kahit nga nanlalabo pa ang paningin, bumangon ang binata at tuluyan ngang pinailawan ang silid.Bago ito bumalik sa kanyang harapan kumuha ito ng maiinom na tubig at inabot sa kanya. Kaagad naman niya ito tinangap saka uminom na tila ba uhaw na uhaw siya.“I-isa pa.” Dahil naubos niya ang laman ng baso.Kinuha ni Gabriel ang baso na tinapunan niya ng titig si Serena. Naglalaro sa isipan kung kailangan ba niyang mabahala sa sitwasyon ngayon ng dalaga.“Hindi ak
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala